Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang wikang pambansa ay isang instrumento upang tayo ay magkaintindihan sa ating

kapwa kababayan. Alam niyo ba na bago natin nakamit kung ano ang meron tayo ngayon lalo na

sa usaping wika, kayo ay mabibigla dahil kung ano at paano nila naisagawa ang ating angking

wika sa panahon ng katutubo. Bago pa man tayo nasakop ng kastila ay mayroon na tayo

ginagamit na wika ito ay tinatawag na Baybayin. Ayon sa kanya,mayroong sariling Sistema ng

pagsulat ang mga katutubo noon at ito ay tinatawag na Baybayin o Alibata. Ang ating mga

ninuno ay gumagamit ng kawayan, talukap ng niyog(coconut shell), dahoon, at balat ng

punongkahoy bilang kanilang sulatan. Ang ginamit nilang panulat ay ang mga matutulis na mga

bagay na kanilang nattagpuan sa kapaligiran gaya ng matulis na kahoy, bato o bakal.Ang mga

gawa ng mga katutubo noong ay sinunog ng mga Kastila dahil ito daw ay gawang demonyo

Ang baybayin ang sinaunang alpabeto ng mga Filipino. Sinasabing lahat ng mga katutubo

ay marunong magbasá at magsulat sa baybayin. Ang mga panahon ng Negrito, Malay, at

Indones, tayo ay naniniwala na sila ang pangunahing lahi na domenante sa ating bansa, kaya

naman maituturiung natin na ang kanilang mga bitbit na mga wika ay ang unang ambag sa

kasaysayan ng wika dito sa Pilipinas. Ang mga lahi daw ng Negrito ang nagpakalat ng tinatawag

na salin dilang panitikan. Sinasabi na sila ang unang gumawa ng mga kwentong bayan, alamat

mito, atbp. na hindi man naisulat dahil wala pa silang Sistema ng pagsulat noon ay naipasa

naman sa ibang henerasyon at sa ibat-ibang mga tao, lugar gamit ang pagsasalin dila bilang isang

uri ng panitikan. Ang mga lahi naman ng mga Malay daw ang unang nagpakilala sa atin ng

sistemang pasusulat. Ang paggamit nila na tinatawag na baybayin ang pinakaunang sistemang

pagsulat ng mga Pilipino noong mga panahon ng katutubo. Ang lahi naman ng mga Indones ang

nagpakilala sa ating na tinatawag na Balangay(origin of Baranggay) na ngayon ay isang maliit na

unit ng pamahalaan dito sa Pilipinas.


Ang tatlong pangkat ng taong dumating sa Pilipinas; ang Negrito, Indones at Malay ay

isang teorya ng Pandaratuhan na pinasikat ni Dr. Henry Otley Beyer. Tayo ang nagsimula ng isa

sa pinakamahalagang imbensyon sa kasaysayan ng panadaragat. Ang outrigger canoe o mga

bangkang may katig.

You might also like