GRADE 9 4th Grading Periodical 2020 2021

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

HOLY CROSS HIGH SCHOOL

Phillips, Bukidnon
S.Y 2020 – 2021 Puntos:
† By This Sign You Shall Conquer † 70
‘In God’s Mercy, We Serve With Joy’

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9 (SCE, STHE, SAG, SLU)

PANGALAN: _____________________________________SEKSIYON: ________________PETSA: ____________


Dapat Tandaan at Sundin:
1. Magdasal muna sa Panginoon na gabayan ka sa iyong pagsusulit.
2. Matutong magdisiplina sa sarili— HUWAG MANGOPYA ng sagot na nasa INTERNET. Maging TAPAT ka sa sarili mo at sa iyong guro.

I. PAGPIPILI. Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong sa ibaba. Piliin lamang ang pinakaangkop na sagot. Isulat ang
sagot sa nakalaang patlang.
1. Isa sa ipinapakitang mga sitwasyon sa sarsuwela ay mga kontemporaryong isyu ng lipunan. Alin sa sumusunod
ang HINDI kabilang sa mga paksang ito?
a. pag-ibig b. galit c. paghihiganti d. kasiyahan
2. Iba-iba ang gamit ng panitikan mula noon hanggang ngayon. Sa anong paraan ginamit ang sarsuwela noon?
a. ipahayag ang damdaming makabayan c. ipahiwatig ang paglaban sa dayuhan
b. ipakita ang kabutihan ng pamahalaan d. ipadama ang pagmamahal sa kalikasan
3. Lumaganap lalo ang mga kuwentong-bayan ng mga Tsino sa pamamagitan ng anong paraan?
a. palipat-dila ng mga tao c. pakikipag-ugnayang panlabas
b. pakikipagkuwentuhan d. pakikipagkaibigan
4. Ang dinastiyang ito ang nagpanumbalik sa kasiglahan ng nakagisnang kultura ng Tsina.
a. Dinastiyang Meng b. Dinastiyang Mhing c. Dinastiyang Mheng d. Dinastiyang Ming
5. Ang poklorikong Tsino ay may mga natatanging paksa gaya ng kasaysayan. Alin sa pagpipilian ang napapabilang
na paksa?
a. salaysayin b. karahasan c. pamumuhay d. liwanag
6. Tulang mula sa Japan na binubuo ng 31 na pantig.
a. Ambahan b. Haiku c. Tanaga d. Tanka
7. Sa haiku ang pagbigkas ng taludtod na may wastong antala ay tinatawag na .
a. kigo b. sesura c. moda d. kiru
8. Siya ang tinaguriang “Ama ng mga Sinaunang Pabula” dahil sa napabantog niyang aklat.
a. Alejandro G. Abadilla b. Aesop c. Jose dela Cruz d. Jose Rizal
9. Isang uri ng panitikan na nagpapakita ng madulang bahagi ng pangunahing tauhan.
a. Maikling Kuwento b. Malikhaing tauhan c. Maikling Sanaysay d. Madulang Kuwento
10. Sa pagbabasa ni Echo ng isang kuwento ay nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa kanya. Anong uri ng panitikan ito?
a. Kuwentong Kakintalan b. Maikling Kuwento c. Nagkikintal na Kuwento d. Parabula
11. Sa pagbabasa ng mga mag-aaral mula sa Grade-9 napagtanto nila na ang akdang “Musika” ay may taludtod at
talinghaga. Anong uri ng panitikan ito?
a. Pabula b. Tula c. Nobela d. Maikling Kuwento
12. Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong prosa na malimit nangangaral at nagpapayo hinggil sa isang
pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral.
a. Salaysay b. Maikling Kuwento c. Parabula d. Pabula
13. Ito ang kawing-kawing ng mga pangyayari na kapag nakalas ay tapos ang kuwento.
a. Tagpuan b. Banghay c. Tauhan d. Tema
14. Bumulwak ang wagas na pagmamahal ng ama sa namatay na anak na si Mui Mui. Ang nakasalungguhit na salita
ay nangangahulugang _____.
a. bumuhos b. dumaloy c. sumabog d. sumidhi
15. Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad nito.
a. bukal b. bukas c. buong galak d. butihin
16. Kahit na siya ay may matigas na loob, nagdesisyon pa rin siyang kunin siya ulit para sa kapakanan ng kanyang
asawa at mga anak. Ang nakasalungguhit na salita ay nangangahulugang _____.
a. bato ang loob b. malambot c. matapang d. tigasin
17. Ito ay maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng ilang tauhan at may
iisang kakintalan o impresyon lamang.
a. epiko b. tanaga c. tula d. maikling kuwento
18. Ang “Ang Ama” mula sa bansang Singapore ay anong uri ng maikling kuwento?
a. kuwento ng tauhan c. kuwentong makabanghay
b. kuwento ng katatawanan d. kuwento ng pag-ibig
19. Kilala siya bilang nobelista, kuwentista, at kritiko dahil sa mahuhusay at natatanging sanaysay niya sa kasaysayan.
a. Del Prado b. Lu Xun c. Yang Hsien-yi d. Gladys Yang
20. Ang maikling kuwento na ito ay kumukondena sa tradisyon ng kulturang Confucianismo.
a. Diary of the Ugly b. Diary of a Marksman c. Diary of Lu Xun d. Diary of a Madman
21. Malaki ang impluwensiya ng mga akda ni Zhou Shuren sa mga kilusang panlipunan. Ang sumusunod ay kabilang
sa nilalaman ng akda MALIBAN SA ISA.
a. Hamon ng pagbabago sa lipunan c. Puno ng politikal na suliranin
b. Kasakiman ng pamahalaan sa mahihirap d. Hamon sa ekonomikong estado
22. Isinulat ni Zhou Shuren ang Ang Insidente noong 1920. Bakit ginamit niya ang nangyaring aksidente sa rickshaw?
a. Upang ipakita ang kawalan ng paninindigan ng pamahalaan sa nasasakupan.
b. Upang ipakita ang kawalan ng pakikisangkot ng maraming intelektuwal na Tsino
c. Upang ipadama ang mapait na karanasang dinaranas ng mahihirap
d. Upang ipadama ang kawalan ng suporta ng maraming intelektuwal na Tsino
23. Anong antas ng panauhan ang nagsasalita sa kuwentong Ang Insidente?
a. Unang panauhan b. Ikalawang panauhan c. Ikatlong panauhan d. Wala sa nabanggit
24. Sa tulong ng mga salitang ito, nagagawang palawakin ang imahinasyon ng mga mambabasa.
a. Pahiwatig b. Imahe at Simbolo c. Damdamin d. Larawan
25. Tinagurian na Ama ng Maikling Kuwento sapagkat siya ang kauna-unahang nagpakilala ng maikling kuwento bilang
sining.
a. Edgar Allan Poe b. Deogracias Rosario c. Alejandro Abadilla d.Amado Hernandez
26. Bahagi ito ng pagsulat ng maikling kuwento na maaaring mahanap kahit saan, kailangan lamang maging
mapagmasid ang manunulat.
a. Tema b. Tauhan c. Paksa d. Tagpuan
27. Ito ay ang pagpapaabot ng mensahe sa hindi tuwirang pamamaraan. Minsan, napapaloob ito sa isang talinghaga.
a. Pahayag b. Mensahe c. Simbolo d. Pahiwatig
28. Mga naghuhudyat ng paraan ng pagkakabuo ng diskurso. Ang panandang ito ay ang sumusunod MALIBAN SA ISA.
a. Pagbibigay-pokus b. Paglalahat c. Pagtitiyak d. Pagbubuod
29. Ibig na ibig kong makakilala ng isang “babaeng moderno”. Alin sa pagpipilian ang HINDI kahulugan ng naka-italic?
a. makatradisyunal b. makabago c. malaya d. may tiwala sa sarili
30. Kinagigiliwan ang panitikang ito ng ating mga ninuno sapagkat ginagawang libangan ito sa entablado at kalye.
a. maikling kuwento b. dula c. alamat d. mito

II. PAGTUKOY. Isulat sa patlang ang uri ng tayutay na isinasaad sa bawat pangungusap. Tingnan ang halimbawa.
Halimbawa: Pagmamalabis Namuti ang kaniyang buhok kakahintay sayo.
_______________ 31. Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap.
_______________ 32. Nabuhay muli ang mga dahon ng halaman pagkatapos umulan.
_______________ 33. Umusok ang kanyang ilong dahil sa kanyang galit.
_______________ 34. Sabi nila na ang lungsod ng New York ay ang lungsod na kailanman ay hindi natutulog.
_______________ 35. Kagat lang ng langgam ang turok ng injeksiyon.
_______________ 36. Ang ulap ay kawangis ng mukha ng tao.
_______________ 37. Lason sa iyong mga baga ang sigarilyo.
_______________ 38. Ang bandila sa hangin ay kawangis ng malaking ibon na nakaladlad ang pakpak.
_______________ 39. Walang hinihintay ang oras. Ang lambog mo'y pilak na nakasisilaw.
_______________ 40. Ang sikat ng araw sa aking mukha ay halik ng bukang-liwayway.
_______________ 41. Napatulog ako ng apoy na sumasayaw sa siga.
_______________ 42. Gumuhit ng apoy ang kalangitan.
_______________ 43. Kumakatok ang oportunidad sa pinto mo.
_______________ 44. Isang masalimuot na makina ang utak ng tao.
_______________ 45. Yumuko ang mga punong niyog sa napakalakas na hangin.

III. TAMA O MALI. Basahin at unawain ang bawat pangungusap tungkol sa mga dapat tandaan sa pag-uulat at pagsusuri sa
napanood na maikling pelikula. Isulat ang TAMA o MALI sa patlang bago ang bilang.
46. Mahalagang maisulat ang pamagat ng pelikulang napanood sa pagsusuri.
47. Hindi na kailangang isama sa pag-uulat ang pangalan ng direktor sa pelikula.
48. Ang mga pangunahing tauhan sa pelikula ay mahalagang maitala rin para sa pagsusuri.
49. Ang tema ng pelikula ay mula sa manonood ng pelikula.
50. Ang musika at sinematograpiya ay mga aspektong teknikal na mahahalaga rin sa pagsusuri.
51. Ang pagsusuri ng tungkol sa napanood ay isang pagpapahayag ng mga mahahalagang kaalamang naitala na
nagbibigay ng impormasyon sa mga manonood.
52. Sa pagtatala ng mahahalagang impormasyon, hindi na kasama ang mga tauhan at tagpuan.
53. Ang mga tauhan ay ang mga gumaganap sa isang pelikula na nagbibigay buhay sa daloy ng mga pangyayari.
54. Ang tagpuan ay ang panahon at lugar kung saan naganap ang kuwento o pelikula.
55. Sa pagsusuri, dapat alamin ang kanyang karakter batay sa mga dayalogo at galaw nito sa pelikula.

IV. PAGSUSURI. Suriing mabuti ang larawan pagkatapos magbigay ng sariling opinyon. Tandaan sa pagbibigay nang sariling
pananaw gamit ang mga salitang nagpapahayag ng opinion. Batayan sa pagmamarka: nagamit ang mga kataga/salita ng
pagbibigay ng opinyon – 5, nilalaman – 5, organisasyon ng ideya – 5 = 15 puntos. Ayusin ang sulat kamay!

Sa simula ng klase ay 56-70.


walang silya at silid-aralan
ang mga mag-aaral sa Grade
7 ng Tondo High School.
| Litrato ni Joolia Demigillo

“Walang pagsusulit na mahirap sa estudyanteng may pangarap, matiyaga at nagsusumikap.”


Congratulations! Job Well Done Kabata! Hanggang sa susunod na paglalakbay sa mundo ng wika at panitikan. 
To God Be All The Glory

You might also like