Tekstong Persweysib

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Tekstong Persweysib: “Depresyon”

Ang depresyon ay isang mental na kondisyon na mailalarawan sa pamamagitan ng mga

matinding damdamin ng kawalan ng pag-asa at kalungkutan, kadalasan din na may pakiramdam

ng kakulangan at pagkakasala na madalas na sinasamahan ng kakulangan ng enerhiya at kawalan

ng gana sa pagkain at pagtulog. Ang kalimitang pinagmumulan nito ay iba't-ibang uri ng

problema, maaaring problema sa pamilya, pag-ibig, trabaho, pinansyal at iba pa.

Ang pag-eehersisyo ay isa sa mga mabisang paraan upang magapi ang depresyon. Nakatutulong

din ang pagkakaroon ng sapat na tulog o walo hanggang siyam na oras araw-araw dahil ito'y

nakababawas ng pagka-irita, pagkamagagalitin, pagkalungkot at pagkapagod. Ang pagkakaroon

din ng sapat na panahon at koneksiyon sa iba ay nakatutulong lalo na sa mga taong handang

dumamay sayo ano mang problema ang kinakaharap mo. Iwasan ang mga bagay na

nakapagbibigay ng stress sa atin.

Tandaan na sa mga panahong may mga problema at kabiguan, hindi ka nag-iisa, nariyan ang

iyong pamilya, kaibigan. Huwag kang papatalo sa depresyon. Huwag nating tangkaing kitilin

ang ating buhay, pagkat ito'y isang biyaya at wala sa ating kamay o ng kahit sino man bukod sa

diyos ang may karapatang kunin ito.


Tekstong Argumentatibo: “Online Class”

Ang online class ay isang plataporma ng pag-aaral kung saan ay idinadaos sa

pamamagitan ng paggamit sa internet, at ang estudyante ay di na kinakailangang lumabas pa ng

bahay upang magtungo nang personal sa klase at makaharap ang guro at mga kamag-aral.

Mahala pa edukasyon lalo na sa panahon ng pandemya. Maraming benepisyo ang online class

Ang mga mag-aaral ay nakakapag-aral na nasa seguridad ng kanilang mga bahay. Bukod dito,

mas nagiging komportable and mga estudyante dahil sila ay nasa bahay lamang. Higit sa lahat,

lahat ng pangangailangan at katanungan madali lang mahanap sa tulong ng internet.

Kahit marami ang benepisyo nito, may mga negatibong epekto rin ang online class. Ang

ilang estudyante ay hindi nakakapokus o sa ibang bagay nakatuon ang atensyon. Hindi rin lahat

ng estudyante ay may kakayahang makapag-aral sa online class dahil sa iba’t ibang dahilan.

Dahil nasa pandemya tayo, ang online class ang pinakaligtas na paraan upang maitaguyod

nating mga kabataan ang edukasyon.


Tekstong Deskriptibo: “Ilaw ng tahanan, ang Aking Ina”

Ang aking ina ay limampung taong gulang, ang pangalan nya ay Maria. Balingkinitan

ang kanyang pangangatawan at may maikling buhok na itim na itim samantalang maputi ang

kanyang katawan. Bilugan ang kanyang mga mata ngunit maliit lamang na bumabagay sa medyo

matangos niyang ilong at maninipis na mga labi.

Sa siyam na buwan na ako’y nasa kanyang sinapupunan inaalagaan niya ako at ni minsan

hindi nya ako pinabayaan. Dala-dala niya ako nang may buong pag-iingat at pagmamahal. Hindi

pa man ako lumalabas ay ramdam ko na ang pagmamahala niyang walang sino man ang

makakapantay. Siya ay isang matatag, mapagmahal, maasikaso, at maalagain, ilan lamang ito sa

mga salitang makapaglalarawan sa aking nag-iisa at walang katulad na ina.

You might also like