Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

3.

GABAY SA BALANGKAS

Magsisilbing gabay ang balangkas sa


akademikong sulatin. Gabay ito upang
• Katangian ng Akademikong Sulatin
organisahin ang ideya ng sulatin. May tatlong
1. KOMPREHENSIBONG PAKSA uri ng balangkas: Balangkas na Paksa, Balangkas
ng Pangungusap at Balangkas na Talata. Sa
Batay ito sa interes ng manunulat. Kung
tulong ng pagbabalangkas, napadadali ng
ang pagsulat naman ay itinakdang ipagawa,
manunulat ang kanya pagsulat ng sulatin.
madalas nakabatay ang paksa sa isyung
Kadalasan ang balangkas din ang nagiging
napapanahon na may kaugnayan sa mga
burador ng anumang sulatin. Ang paunang
usaping panlipunan batay sa aspektong
balangkas ang magiging batayan sa
pangkabuhayan, pampolitika, pangkultura at iba
pagrerebisang pinal na sulatin.
pa. Mahalaga ang gampanin ng paksa sa
kabuuan ng akademikong sulatin. Sa paksa mag-
uumpisa ang pagpaplano upang
maisakatuparan ang makabuluhang
akademikong sulatin.

4. HALAGA NG DATOS

Nakasalalay ang tagumpay ng


akademikong sulatin sa datos. Maituturing na
pinakamahalagang yunit ng pannaliksik ang
datos ng anumang akda. Kung walang datos,
walang isusulat, susuriin o sasaliksikin.
Nahaahati sa dalawa ang pinagkukunan ng
2. ANGKOP NA LAYUNIN datos: PRIMARYA o pangunahing sanggunian AT
SEKONDARYANG SANGGUNIAN. Nakapaloob sa
Ang layunin ang magtatakda ng dahilan
pangunahing sanggunian ang mga orihinal na
kung bakit nais makabuo ng akademikong
dokumento na naglalaman ng mahahalagang
sulatin. Nakapaloob sa layunin ang mithiin ng
impormasyon ukol sa paksa. Sa sekondaryang
manunulat kung nais na magpahayag ng iba’t
sanggunian, makikita ang sariling interpretasyon
ibang impormasyon kaugnay ng katotohanan,
batay sa pangunahing impormasyon.
manghikayat na paniwalaan ang argumentong
inilahad, suportahan o pasubalian ang mga dati
nang impormasyon, at iba pang layuning
nakaugat sa dahilan ng pagbuo ng akademikong
sulatin.
5. EPEKTIBONG PAGSUSURI

Bahagi rin ng isang kumprehensibong


akademikong sulatin anag pagsusuri. Upang
maging epektibo, lohikal ang dapat ng gawing
pagsusuri. Hindi makahihikayat ng mambabasa
ang isang akademikong sulatin kung ang
nilalaman nito aay nakabatay lamang sa
pansariling pananaw ng sumusulat. Kailangang
lagpasan ang opinion at mapaluwang ang
katotohanan. Ang pagsusuri ay nakabatay sa
ugat o sanhi ng suliranin at nagpapakita ng
angkop na bunga kaugnay ng implikasyon nito
sa iniikutang paksa. Marapat lagpasan ng
epektibong pagsususri ang mga tsismis o sabi-
sabi. Ang paraan ng pagsususri ng isang
manunulat ang sukatan ng lalim ng kaniyang
ginagawang obra o akademikong sulatin.

Likas sa pagsusulat ang paggamit ng isip,


damdamin at kilos. Ang ugnayan ng ideya,
nararamdaman o saloobin, at tiyak na kilos ang
batayan ng isang komprehensibo at epektibong
pagsulat. Nakasalalay sa ugnayan ng isip,
damdamin at kilos ang nilalamang dapat
maipahayag sa anumang isususlat na
akademikong sulatin. Ito ang batayang sandigan
ng manunulat. Sa pamamagitan nito mas
nagiging malawak, malalim at matibay ang
anumang impormasyon upang makapaglahad,
makapagsalaysay, makapaglarawan,
makapangatwiran at makapanghikayat.
Dahil sa pangkalahatang paliwanag na taglay ng
konklusyon, may mga ilang paalala na dapat
tandaan para sa susulat:
3. Huwag magtapos sa “cliff hanger”, na
iniiwang bitin ang mga mambabasa.
1. Huwag magpasok ng bagong material.
Tandaan, na ang tanging layunin ng
Ang konklusyon ay iyong lugar iyong sulatin ay magbigay ng katibayan para sa
upang tapusin ang iyong sulatin, hindi iyong tesis kung kaya’t ang konklusyon mo ay
magtapon ng karagdagan puntos na hindi mo naglalayon na masagot ang lahat ng mga
nagawa sa katawan ng mga talata. Ibang usapin katanungan ng mambabasa. Kung ang iyong
ang magbigay ng tuntuning paanlahat o ilagay sulatin ay kulang pa sa impormasyon, o
ang iyong argumento sa mas malawak ng nangakong malutas ang isang paksa ngunit hindi
kontekstong akademiko, kumpara sa naman nagawa, hindi ito makatutulong sa iyong
magpakilala ng panibagong ideya na wala ka argumento.
nang paglalagyan ng puwang.
Ang isang akademikong sulatin ay
mahalagang mayroong pinagbabatayan.
Pundasyon ang isip na magluluwal ng
mabungang impormasyon. Ang impormasyon
ay dapat sangkapan ng lohikal, kritikal,
maugnayin at malikhaing paraan upang iugnay
ang kaalaman sa nilalaman ng akademikong
2. Huwag pahinain ang iyong paninindigan sa sulatin. Hindi maihihiwalay sa isip ang
paghingi ng tawad sa isang bagay na damdamin o puso ng akademikong sulatin.
pinaliwanagmo na. Bukod sa naararamdamang saya, lungkot, galit
at iba pang saloobin, litaw ang damdaming nais
Kung sinunod ng iyong sulatin ang lahat maiparating ng akademikong sulatin na lalong
ng kumbensiyon ng akademikong pagsulat – mabisa sa pamamagitan ng kaugnay ng mga
kung nakalikha ka ng tesis at nakapagbigay ng tiyak na pagtugon o kilos batay sa layunin ng
ebidensiya upang patunayan ang iyong posisyon akademikong sulatin.
– nasagot mo na ang inaasahan ng iyong
mambabasa.
Yugto sa Pagbuo ng Akademikong Sulatin PAG-E-EDIT AT PAGREREBISA

Maihahalintulad ang yugto ng pagsulat Sa yugtong ito inaayos ang unang draft.
sa isang proseso o siklo na may umpisa at Iniwawasto ang unang kamalian tulad ng
katapusan. Pinaguugnay-ugnay ang suimula at baybay, bantas at mismong ang ilalaman ng
wakas ng iba pang mga hakbang upang maging akademikong sulatin. Sa yugto ng pag-e-edit
komprehensibo at epektibo ang isang may mga tiyak na simbolo upang ituwid ang
akademikong sulatin. Gawing gabay ang mga mga nakitang mali. Mainam na hindi lamang
katanungan upang talakayin ang iba’t ibang sarili ang tumingin ng gawa. Bagkus ay bukas-
yugto ng pagsulat. isip na ipasuri ito sa kaibigan at kamag-aral.
Mula sa nakitang pagkakamali, ilalapat ang
BAGO SUMULAT
pagrerebisa upang ayusin, ituwid at baguhin ang
Sandigan bago sumulat ang dating akademikong sulatin. Ang nirebisang gawain
kaalaman at karanasan ng isang indibidwal na ang magiging ikalawang draft ng akademikong
bubuo ng akademikong sulatin. Mas sulatin.
yumayaman ang dating kaalaman at karanasan
HULI O PINAL NA DRAFT
mula sa pagbabasa, panonood at pakikinig.
Kasama rin ang kahusayan sa pagmamasid at Kitang kita ang kalinisan at kaayusan ng
pakikisalamuha sa iba’t ibang tao bilang akademikong sulatin. Pulidong isinulat at
kuhanan ng impormasyonng ipapahayag. Bahagi handing ipasa sa guro at mabasa ng iba upang
ng unang yugto ang pagbabalik-tanaw at ipabatid ang layunin kung bakit isinulat ang
pagkilala sa sarili kung ano ang mga maaaring akademikong sulatin.
ilagay sa gawaing sulatin. Kung napagtantong
PAGLALATHALA/PAGPAPALIMBAG
kulang ang alam at karnasan, maaaari naman
itong payabungin. Ang mataas na uri ng akademikong
sulatin ay dapat mailathala o maipalimbag. Sa
PAGBUO NG UNANG DRAFT
yugtong ito, maibabahagi sa mas maraming
Susi sa pagbuo ng unang draft ang papel mambabasa ang impormasyong nais ipabatid
at panulat o maaaring gawin na ito sa mismong bilang ambag sa produksyon ng karunungan.
kompyuter. Sa yugtong ito, matiyagang iniisa-isa Tiyak na nailathala ang akademikong sulaatin sa
ang mga konsepto na lalamanin ng pahayagan, magasin, dyornal o aklat dahil sa
akademikong sulatin. Mula sa binalangkas na taglay nitong katangiang kahingian ng
konsepto na maaaaring papaksa o akademikong sulatin.
pangungusap, magiging gabay ito upang
pagyamanin ang nililinang na akademikong
sulatin. Bukas ang uang draft upang lalong
mapabuti ang akademikong sulatin.
• ANO PA ANG IBANG HAKBANG SA
PAGBUO NG AKADEMIKONG SULATIN?
• PAKSA AT TESIS BILANG PANIMULA
Nakabatay ang iba pang hakbang sa
Ang panimula ang nagpapakilala sa
pagbuo ng akademikong sulatin sa kakayahan at
paksa at tesis ng akademikong sulatin. Ito ay
istilo ng manunulat. Kagaya ng unang inilahad,
tanging mahalagang bahagi ng sulatin dahil
nakapaloob sa yugto bago ang pagsulat ang
nagsisilbi itong pang-akit sa mga mambabasa
pag-iisip, pagpaplano, pananaliksik at pag-
upang basahin ang sulatin. Sa bahaging ito iikot
iimbento ng mga ideya. Mula sa magkakaugnay
ang proposisyon, katuwiran o ideya batay sa
na unang hakbang gagawin ang unang burador.
diskursong nais ihatid kung ito man ay
Amg unang nagawang draft ay bukas sa
pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad o
pagrerebisa, pag-aayos, pagbabawas,
pangangatuwiran. Dapat sa umpisa pa lamang
pagbabago mula sa sarili at pagpapabasa sa iba.
ay epektibo na ang pagpapahayag ng paksa at
• PAANO MAKASUSULAT NG tesis.
AKADEMIKONG SULATIN ANG HINDI
• PARAAN SA PAGSISIMULA NG TESIS O
SANAY SA GAWAING ITO?
INTRODUKSYON
Huwag matakot na sumulat. Lahat ay
 Matalinong magtanong, sasagot na
na-uumpisa sa kawalan. Subalit ito ay
marunong
matututuhan kung handa kang harapin ang mga
kaugnay na hamon. Gawing gabay ang paksa na  Magpahayag ng katotohanan na dapat
posibleng ibinigay ng guro o batay sa sariling paghandaan
interes. Itala ang sariling nalalaman mula sa
iskema o dating kaalaman sa anyong patala o  Magsalaysay ng may saysay
biswal na paraan. Sa ginawang pagtatala, agad  Magbahagi ng sariling karanasan batay
na matutukoy ang kulang na dapat punan sa sa usapan at iba pa
pamamagitan ng ibayong pagbabasa,
pagsasaliksik o paghahanap ng kasagutan. • NILALAMAN BILANG KATAWAN
Huwag munang maging particular sa daloy ng Sa nilalaman, marapat na huwag
isinusulat sapagkat maaayos din ito sa panahon kalimutan ang estruktura at kaayusan ng
mismo ng pagbuo ng akademikong sulatin. akademikong sulatin. Ito ang pinakamahalagang
Bukod sa mga teknikal na yugto ng bahagi ng akademikong sulatin sapagkat kung
pagbuo ng akademikong sulatin na tinalakay, sa pagkain, ito ang pinakamasustansiyang
hindi dapat kalimutan ang mga bahagi na dapat makuha ng mambabasa. Ang
pagpapahalagang dapat kasangkapanin ng epektibong katawan ng isang sulatin ay
manunulat sa lahat ng yugto ng pagsulat. nakabatay sa maigting na ugnayan ng estruktura
Kabilang sa pagpapahalaga ang tiyaga, bukas- at impormasyon na nakahanay nang lohikal na
isip, pagiging matalino at mapanuri. paraan.
• Batayan upang makabuo ng isang Ang ugnayan ng lagom at konklusyon ang tiyak
lohikal na katawang taglay ng na babalikan ng mga mambabasa dahil sa
akademikong sulatin iniwanang mensahe na hindi malilimutan.

 Ugnayan ng Nilalaman at Estruktura • Paraan ng Mabisang Pagwawakas sa


Akademikong Sulatin
• Kronolohikal na paglalahad
• Iiwanang mapanghamong katanungan
• Pagpopook o paglulugar
• Paglalahad ng matalinong paghula
• Pagbibigay-diin o tuon
• Pagwawakas mula sa isang siniping
• Pagtutulad o pag-iiba
pahayag
• Paglalahad ng sanhi at bunga
• Pagmumungkahi
• Pagtukoy sa suliranin at
solusyon

 Elaborasyon o Pagpapalawak

• Paglalantad ng mga Patunay o


Testimonya

• Paglalahad ng Estadistika

• Pagbibigay ng Halimbawa

• LAGOM AT KONKLUSYON BILANG


WAKAS

Bilang panghuling bahagi ng


akademikong sulatin, marapat itong mag-iwan
ng mahalagang puntos na dapat Matandaan o
maikintal sa puso at isipan ng mambabasa. Kung
kaya’t marapat na ito ay nakatatawag ng pansin.
Hamon sa pangwakas na maipahayag ang
pinakanais na mensaheng iparating taglay ang
impluwensyang nais maipanatili. Sa huling
bahagi mababasa ang lagom o buod ng buong
sulatin na inilahad sa pinakamaikling paraan.

Samantala, ang konklusyon ay


tumutukoy sa mga kasagutan sa katanungan
mula sa pagsusuri ng mga nakalap na datos.

You might also like