104 Panulaang Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

104 Panulaang Filipino

1. Basahin ang buod ng mga sumusunod na epiko ng Pilipinas


2. Alamin ang sinisimbolo nito sa bawat lugar na pinanggalingan.

 Epiko ng Tagalog-Kumintang- Sumisimbolo sa pag-ibig at panliligaw


 Epiko ng Ifugao-Hudhud- Sumisimbolo sa hindi magiging matagumpay ang pakikidigma.
 Epiko ng Bicol-Ibalon- Sumisimbolo sa matandang pangalan ng Bikol.
 Epiko ng Visaya-Hinilawod- Sumisimbolo sa tunog ng dagat.
 Epiko ng Ilocos-Biag ni Lam- Sumisimbolo sa epikong tula ng mga Ilokano.

Isang araw, ikinuwento ng kanyang ama ang kaawa-awa nilang


kalagayan sa lupain ng Samar.
Napakarami nilang kaaway na laging dumarating upang sirain ang
kanilang pananim at patayin ang kanilang mga alagang hayop.
Namamatay ang mga tao sa gutom dahil sa kawalan ng pagkain.
Ang natitira sa kanila ay hindi sapat upang umabot sa susunod na
pag-aani.Pagod nang lumaban ang mga tao anak, sabi ng kanyang
ama. Gusto nila ng payapang buhay na walang gutom na gumagala
sa paligid. Ang ating mga hayop ay kumokonti ng kumokonti araw-
araw. Kapag nagpatuloy ang ganitong sitwasyon ay mamamatay
tayong lahat sa gutom.Ano ang gusto mong ipagawa sa akin, ama?
tanong ni Baltog. Tumingin ng diretso sa kanyang mata ang
kanyang ama. At hinawakan nito ang kanyang balikat.Humanap ka
ng lugar kung saan makakapamuhay tayong panatag at
payapa.Iginala ni Baltog ang mga mata. Nakita niya ang mga tao sa
kanilang kaawa-awang kalagayan. Nakita niya ang gutom at sa
mukha ng bawat bata. Nakita niya ang panghihina sa bawat mukha
ng ama't-ina. Siya din ay nalungkot.Masyado na akong matanda
kaya inaatang ko na ito sa iyong mga balikat. Bata ka pa, malakas
at matapang. Alam kong magagawa mo ito. Para sa akin at sa ating
mga mamamayan.Ibinigay ni Handiong ang basbas kay Baltog.
Naglayag si Baltog kinagabihan sakay ng isang maliit na bangka na
magdadala sa kanya sa isang lugar ha tinatawag na Kabikulan.
Marami na siya ring narinig tungkol sa lugar at naisip niya na
maganda kung makakahanap siya ng lugar kung saan sila
maninirahan habang-buhay. Sa malawak na dagat, nasagupa ni
Baltog ang malakas na hangin at malalaking alon na sumira sa
kanyang bangka. Kinailangan niyang lumangoy at muntikan na
siyang malunod bago niya ligtas na narating ang dalampasigan ng
baybaying bayan ng Kabikulan.Nagsimula niyang galugarin ang
Kabikulan, hanggang umabot siya sa lupain ng Aslon at Inalon na
sumasakop sa kapatagan na nakaligid sa bundok ng Asog,
Masaragam, Isarog at Lignion. Natagpuan niya ang Ibalon, isang
magandang lugar para sa kanya at sa mga mamamayan. Ang lupa
ay mataba at magandang pagtamnan ng mga halamang ugat, palay
at mga gulay. Ito rin ay maganda para sa kanilang mga hayop. Para
itong lupain ng gatas at pulot.Nais ko ang lupaing ito para sa akin at
sa aking mga mamamayan, sabi ni Baltog sa sarili.Ngunit nagsalita
siya ng maaga. Dahil naninirahan sa paligid ng Ibalon ang ilang
buwaya na may pakpak na nakakalipad, mga baboy ramong
kasinglaki ng elepante at isang sawa na may ulo ng isang babae.
Ngunit desidido si Baltog na makuha ang Ibalon para matirhan kaya
nilabanan niya ang mga buwaya at mga baboy ramo ng buo niyang
lakas. Dahil sa kanyang galing sa mano-manong pakikipaglaban
natalo niya lahat ng buwaya at baboy ramo, pinatay niya ito at
pinagpira-piraso. Ngunit, ang sawa na may ulo ng babae ay
nakatakas at humanap ng ibang matitirahan.Bumalik siya at ibinalita
sa ama ang tungkol sa lupain na nakita niya para sa kanila. Hindi na
sila nagsayang ng oras, si Baltog at ang kanyang ama at ang lahat
ng mga mamamayan ay nilisan ang Samar papuntang Ibalon, ang
kanilang bagong tahanan. Tinuruan nina Handiong at Baltog ang
mga mamamayan ng ilang paraan upang magkaroon ng
kabuhayan. At hindi nagtagal ay gumanda ang kanilang
pamumuhay. Pinuno nila ang lupain at nagkaroon sila ng
masaganang ani. Sa lupaing iyon ang gutom ay naging alaala na
lamang ng nakaraan.

You might also like