Flores, Steward Matthew Ang Kalupi

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Name:Flores, Steward Matthew S.

Section:BSIT 2B

PAGSUSURI

 
l.SANLIGAN : ANG KALUPI 

 
BUOD :
Isang araw, tumungo si Aling Marta sa pamilihan upang bumili ng
garbansos dahil paborito ito ng kanyang anak na magtatapos ng
highschool sa araw na iyon. Pagpasok niya sa pamilihan, nabangga siya
ng isang batang lalaking madungis na nakasuot ng maruming maong at
punit na kamiseta.
Sa kanyang pagkakabangga, pinagalitan ni Aling Marta ang madungis na
bata at tumungo kaagad kay Aling Godyang upang mamili ng kanyang
mga bibilhin. Dumukot sa bulsa si Aling Marta upang kumuha ng
pambayad, ngunit wala ang kanyang kalupi.
Naalala niya ang madungis na batang bumangga sa kanya noong papasok
pa lamang siya ng pamilihan, agad niyang hinabol ang bata sapagkat ito
ay hindi pa nakakalayo. Inakusahan niya ang bata na kinuha at ninakaw
ang kanyang kalupi at tumawag pa ng pulis ngunit ani ng bata na wala sa
kanya at hindi niya kinuha ang nawawalang kalupi. Ipinilit naman
ni Aling Marta na ang bata talaga ang siyang nagnakaw kaya pumunta
sila sa outpost ng pulis. Pinilit at gustong paaminin ni Aling Marta ang
bata kaya’t sinaktan niya ito. Nagpumiglas ang bata hanggang sa
makawala at makatakas. Tumakbo siya patungo sa maluwang na daan
ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, nagsigawan ang lahat ng nakakita
sa bata at siya ay nabangga ng isang humahagibis na sasakayan.
Bago mawalan ng hininga ang bata, sambit pa rin niya na hindi siya ang
kumuha at nagnakaw ng kalupi at wala silang makukuha sa kanya.
Pagkatapos nito, tuluyang pumanaw ang madungis na bata.
Sa pangyayaring iyon ay inisip pa rin ni Aling Marta na ang nangyari sa
bata ay kapalit ng pagkuha ng kanyang kalupi.
Umalis si Aling Marta at nangutang muna upang makabili ng ulam para
sa kanilang hapunan. Noong siya ay pauwi, natatanaw na niya ang
kanyang mag-ama. Nagtatakang nagtanong ang kanyang anak kung saan
niya nabili ang ulam na dala-dala niya gayong naiwan naman nito ang
pitaka sa bahay.
Namutla si Aling Marta sa nalaman tungkol sa kanyang naiwang kalupi.
Sa pagkakataong iyon ay nawalan ito ng malay habang paakyat ng
hagdanan. Marahil hanggang sa ngayon ay binabagabag parin si Aling
Marta sa nangyari sa bata.

ll.PAGPAPAKAHULUGAN SA PAMAGAT : 
Huwag mong huhusgahan ang panlabas na kaanyuan kundi ang busilak
na kalooban.

lll.PAGPAPAKAHULUGAN SA NILALAMAN: 

1.KAGANDAHANG ASAL :
Mali ang  maghusga ng tao sa panlabas nitong anyo. Kapag walang sapat
na batayan iwasang mambintang. Sa buong mundo, laganap ang
panghuhusga dahil sa diskriminasyon. Layunin ng may-akda ng kwento
naimulat ang isipan ng mambabasa.

2.KULTURANG FILIPINO
Base sa aking nabasa ang kultura ng mga Pilipino na masasalamin sa
kwentong Ang Kalupi ay ang panghuhusga base sa anyong panlabas ng
isang tao.
Sa kuwentong ito, hindi pinaniwalaan ng tindera ang bata dahil mukha
itong gusgusin at naisip ng tindera na sa ganung hitsura, hindi malayong
magnakaw ang bata na nauwi sa sa walang saysay nyang kamatayan

3.PILOSOPIYANG PILIPINO  
Ang kultura ng mga Pilipino na masasalamin sa kwentong Ang Kalupi ay
ang panghuhusga base sa anyong panlabas ng isang tao.
Sa kuwentong ito, hindi pinaniwalaan ng tindera ang bata dahil mukha
itong gusgusin at naisip ng tindera na sa ganung hitsura, hindi malayong
magnakaw ang bata na nauwi sa sa walang saysay nyang kamatayan.

4.SIMBOLISMO 
Paa sa akin ang sinisimbolo ng Kalupi ay nagsinisimbolo na ang
mga bagay na kinakailangan ng isang tao upang magtagumpay.Maliit na
barung-barong- sinisimbolo nito ang kahirapan.

Mga tauhan na nagsisimbolo sa Kalupi


Aling Marta – Ang pangunahing tauhan, tiya ay may katandaan na,
mainitin ang ulo, mapagmarunong sa autorodad at makakalimutin at
mapanghusga.  
Andres Reyes -  Isang binatang nakabunggo kay Aling Marta sa daan at
inakusahang kumuha ng kalupi.
Asawa ni aling Marta -matiyagang nagtratrabaho para sa kanila, mahilig
manigarilyo at kumuha sa kalupi ni  Aling Marta ng walang paalam kaya
niya ito  nakalimutan.  
Mga Pulis - humuli at nagimbestiga kay Andres ang inaakusang
magnanakaw ng kalupi ni Aling Marta.
Dalagang Anak ni Aling Marta - Ang magtatapos sa hayskul at
paghahandaan ni Aling Marta ng paborito nitong garbansos.

You might also like