Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

TAGUMPAY NATIONAL HIGH SCHOOL

San Jose, Rodriguez, Rizal

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
2019-2020

Pangalan : _________________________________________________________________ Iskor : ________________________


Grade at Seksiyon : _____________________________________ Guro: ______________________ Petsa : __________________

Test I. PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin at isulat ang titik ng napiling sagot.

_____ 1. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sector. Alin sa mga institusyon sa lipunan ang itinuturing na
pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan?
A. Paaralan B. pamilya C. pamahalaan D. barangay
_____ 2. Ano ang tawag sa pagtulong nang walang bayad ng mga Pilipino sa mga kababayan nilang nangangailangan ng tulong?
A. bayanihan B. alalayan C. tulungan D. damayan
_____ 3. Alin sa sumusunod ang higit na naglalarawan sa isang pamilyang tumutulong sa ibang pamilya sa oras ng kanilang
pangangailangan.
A. Maawain B. bukas-palad C. mayaman D. pinagpala
_____ 4. Ang pagtuturo sa mga anak ng mga kakayahan, pag-uugali, pamantayan, at pagpapahalaga ng lipunan ay tinatawag na
____.
A. Edukasyon B. sosyalisayon C. institusyon D. pamilya
_____ 5. Paano hinuhubog ng pamilya ang mga anak upang maging kapaki-pakinabang?
A. Tinuturuan sila ng mga kaalaman C. Pinag-aaral sila
B. Tinuturuan sila ng mga kasanayan D. Lahat ng nabanggit
_____ 6.kailan nalilinang sa mga bata ang paniniwalang politikal?
A. Sa maagang edad pa lamang C. Sa hayskul
B. Sa elementarya D. sa kolehiyo
_____ 7. Paano nalilinang sa mga bata ang paniniwalang politikal?
A. Sa pamamagitan ng telebisyon C. Sa pamamagitan ng komunikasyon sa pamilya
B. Sa pamamagitan ng pagbabasa D. Sa pamamagitan ng mga kaibigan
_____ 8. Bakit dapat makisangkot ang isang pamilya sa mga isyung pampamayanan o pambansa?
A. Sapagkat nakasaad ito sa ating mga batas
B. Sapagkat karapatan ng lahat ang makisangkot sa isyu
C. Sapagkat nakaapekto ang mga isyu sa kagalingan at buhay ng pamilya
D. Sapagkat pinapayagan ito ng lahat ng relihiyon
_____ 9. Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpasiyang magpakasal ang magkakaroon ng mga anak. Ito ay ____.
A. bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng Diyos na magmahal.
B. makapagpapatatag sa ugnayan ng mag-asawa.
C. susubok sa kanilang kakayahan na ipakita ang kanilang pananagutan bilang magulang.
D. Pagtugon sa kagustuhan ng Diyos na maparami ang tao sa mundo.
_____ 10. Ang pamilya ay hindi maaaring mapalitan sa buhay ng isang indibidwal sapagkat____.
A. Sa loob ng tahanan nagmumula ang lahat ng karanasan.
B. Dito matatagpuan ang mga taong lubos ang pagkakilala sa isang indibidwal.
C. Totoo ang pagmamalasakit at pagmamahal na nararanasan dito.
D. Walang katapusan ang ugnayan na mayroon sa loob ng tahanan.
_____ 11. Sa pamilya unang nasasalamin ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng ____.
A. Pagiging pantay-pantay na pagtingin ng mga magulang sa kanilang mga anak.
B. Paggawa ng bawat isa ng mga gampanin sa loob ng tahanan.
C. Pagtingin at pag-aksyon ng pamilya sa ikabubuti ng lahat.
D. Paglalatag ng mga solusyon sa mga suliraning kinakaharap.
_____ 12. Ikahihina ng isang lipunan ang pagkakawatak-watak ng maraming pamilya. Ang pahayag na ito ay ___.
A. Tama sapagkat nakasalalay sa pamilya ang katatagan ng lipunan.
B. Tama sapagkat maaaring magbunga ito ng paglaganap ng krimen.
C. Mali sapagkat maaari pa ring tumibay ang isang pamayanan sa kabila ng suliranin ng bawat tahanan.
D. Mali sapagkat ang pagsigla ng ekonomiya ang batayan ng katatagan ng lipunan.
_____ 13. Bilang anak paano mo masasabi nang maayos sa iyong mga magulang ang anumang sama ng loob na nararamdaman mo
sa kanila?
A. Sa pamamagitan ng hindi pagkibo sa kanila.
B. Sa pamamagitan ng pagiging malumanay sa salitang sasambitin
C. Sa pamamagitan ng paggamit ng po at opo.
D. Sa pamamagitan ng pagsabi sa kanila gamit ang text.
_____ 14. Bakit nararapat na pairalin ang pagpapakumbaba sa pakikipag-usap sa nakaalitang kapwa kasapi ng pamilya?
A. Upang matanggap ang kamaliang nagawa at mapatawad ang nakaalitan.
B. Upang maging maayos ang pakikipag-usap sa nakaalitang kapwa kasapi ng pamilya.
C. Upang hindi na lumala pa ang sigalot sa pamilya.
D. Upang maging mapayapa ang pag-uusap na gagawin.
_____ 15. Kung ikaw ay namamagitan sa mga kapwa kasapi ng pamilya, anong hakbangin ang iyong nararapat gawin?
A. Manahimik upang hindi mapagbintangan na may kinikilingan.
B. Kausapin kapwa ang mga nagkaalitan.
C. Ipadama sa parehong panig ang pagmamalasakit at pagmamahal.
D. Ipakitang walang kinikilingan sa dalawang panig.
TEST II. PANUTO.PUMILI NG SALITA NA NASA KAHON NA TINUTUKOY NG MGA PANGUNGUSAP SA IBABA. ISULAT ANG INYONG
SAGOT SA PATLANG.

Pasulat Teknolohiya Edukasyon Tuwirang pagharap

Pasalita Pagrarali Pagmamahal Pamilya

Pasenyas Pag-iwas Komunikasyon Pananampalataya

___________ 16. Ito ay kadalasang ginagamit upang maipahayag ang damdamin o saloobin sa pamagitan ng liham.
___________ 17. Ito ay pagpapahayag ng damdamin o saloobin , maaaring diyalogo, palitan ng kuro-kuro sa pamamagitan ng
dalawang panig.
___________ 18. Ito ay uri ng komunikasyon na ginagamit ang anumang bahagi ng katawan tulad ng body language, at iba pa.
___________ 19. Ito ay mga bagay, kasangkapan tulad ng cellphone, kompyuter, radio, telebisyo at iba pang materyal na ginagamit sa
pakikipag-ugnayan.
___________ 20. Ito ay karaniwang ginagawa sa lipunan upang maihayag ang damdamin na gustong iparating sa kinauukulan o
gobyerno.
___________ 21. Ito ay tumutukoy sa hindi pagkibo sa taong kaalitan kahit lumipas na ang panahon.
___________ 22. Orihinal at Pangunahing karapatan ng anak at misyon ng mga magulang.
___________ 23. Pinakamabisang paraan ng komunikasyon sa pamilya.
___________ 24. Ito ay senyas o simbulo na ginagamit ng tao upang ipahayag ng tao ang kanyang iniisip at pinahahalagahan.
___________ 25. Ito ay tumutukoy sa direktang pag-uusap ng dalawang tao na nagkaroon ng hidwaan.

Test III. Panuto: Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang mga pangungusap tungkol sa Kahalagahan ng Pamilya at Mga
Karapatan sa Pamilya.

___________26. Ang pamilya ay umiiral batay sa lalim ng ugnayan ng mga kasapi nito.
___________27. Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahal.
___________28. Ang pamilya ay mapapalitang paaralan ng panlipunang buhay.
___________29. Ang pagkawasak ng maraming pamilya ay pagkakakaayos din ng lipunan.
___________30. Sa pamilya umuusbong ang pagkatao ng bawat kasapi ng pamilya.
___________31. Ang pamilya ay mayroong misyon na bantayan, ipakita, at ipadama ang pagmamahal.
___________32. Ang pamilya ang may gampanin upang bigyang edukasyon, pananampalataya, at gabay sa mabuting pagpapasya
lalo’t higit ang mga batang kasapi nito.
___________33. Nagmumula sa paaralan ang kaalaman ng bawat indibidwal hingil sa mga pampolitikal at panlipunang gampanin ng
isang mamamayan.
___________34. Ang pagmamahalan ng isang lalaki at babae na nagsama ng hindi kasal ay kalugod-lugod sa paningin ng Diyos.
___________35. Bilang natatanging miyembro ng pamilya, siya ay pinapalitan kung hindi niya nagagampanan ng maayos ang
kaniyang pananagutan.
___________36. Ang karapatang isakatuparan ang kaniyan pananagutan sa pagpapalaganap ng buhay at pagtuturo sa mga anak.
___________37. Ang karapatan sa pagiging pribado ng buhay mag-asawa at buhay pamilya.
___________38. Ang karapatan sa pagakakaroon ng katatagan ng bigkis at ng institusyon ng kasal.
___________39. Ang karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya.
___________40. Ang karapatan ng matatanda sa karapat-dapat na pamumuhay at kamatayan.

Pangalan at Lagda ng Magulang: ________________________________


ANSWER KEY
1. B
2.A
3.B
4.B
5.D
6.A
7.C
8.C
9.A
10.C
11.A
12.B
13.B
14.A
15.C
16. Pasulat
17. Pasalita
18. Pasenyas
19. Teknolohiya
20. Pagrarali
21. Pag-iwas
22. Edukasyon
23. Pagmamahal
24. komunikasyon
25. Tuwirang pagharap
26. TAMA
27. TAMA
28. MALI
29.MALI
30. TAMA
31. TAMA
32. TAMA
33.MALI
34.MALI
35.MALI
36.TAMA
37. TAMA
38. TAMA
39. TAMA
40. TAMA

You might also like