Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Masusing Banghay Aralin sa Pagtuturo

Filipino

I. Layunin:
A. Naibibigay ang kahulugan ng pakikipagtalastasan.
B. Nalalaman ang mga uri ng pakikipagtalastasan.
C. Nakagagawa ng isang halimbawa ng pakikipagtalastasangg Berbal, Di- berbal, at
Pasulat.

II. Paksang Aralin:


A. Paksa: Pakikipagtalastasan at Ang mga Uri nito.
B. Kagamitan: Laptop, Aklat.
C. Sanggunian: Pluma, dd: 39-42.
D. Kasanayan: Pasalita.
Maayos, maingat at tama na mensahe
III. Pamamaraan:

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Panimula:
Magandang Umaga klas?

May lumiban ba sa klase klas?

Okey! Ang kalihim ng klase ang siyang


magtala ng mga lumiban sa klase, at
kukunin ko mamaya ang mga pangalan nila.

a. Pagganyak:
(Pagpapakita ng laro sa pamamagitan ng (Aktibong pagsasagawa ng mga mag-
message relay.) aaral.)

Batay sa natunghayan ninyo kanina klas,


Anong paraan ang ginamit upang maihatid
ang mensahe sa iba?
Sir!
Marie?
Sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan sa
isa’t isa sir.
Tumpak!

b. Paglalahad:
Ngayon atin nang alamin ang ating
paksa sa umagang ito.
(Aktibong nakikibahagi ang mga mag-aaral)
c. Pagtatalakay:
1.Ano ba ang pakikipagtalastasan?
Sir!
Jaymar?
Ang pakikipagtalastasan ay isang uri ng
komunikasyon kung saan nagpapalitan ng ideya
at koro koro.

(Iba pang opinion ng mga mag-aaral.)


2. Gaano ba kahalaga ang
pakikipagtalastasan? Subukan mo nga
Marilou? Mahalaga ang Pakikipagtalastasan sa ating
buhay upang malaman natin kung ano ang
saloobin, naiisip, at nadarama ng ating
kapwa sa pamamagitan ng tamang mensahe.

Napakahusay! Bigyan ng tatlong bagsak! (Iba pang opinyon ng mga mag-aaral)

URI NG PAKIKIPAGTALASTASAN
1.BERBAL-Isang salitang pakikipagtalastasan
sa paghahatid ng mensahe.
2.DI-BERBAL-Hindi gumagamit ng salita o
wika sa paghahatid ng mensahe.

(Ipapaliwanag ito ng guro isa-isa at (Aktibong nakikinig ang mga mag-aaral.)


magbibigay ng mga halimbawa nito.)

Naintindihan ba klas ang paksa natin Opo Sir!


ngayon?

Mahusay naman kung ganoon!

d.Pagpapahalaga:

Paano niyo pahahalagahan ang teksto na Dapat maging maingat tayo sa paghahatid
tinatalakay natin ngayon? ng mensahe sa kapwa.

Kailangan maayos at malinaw ang


mensaheng nais nating ipaabot.

At higit sa lahat sir, kailangan tama ang


mensahe na ating ibinibigay upang sa
ganoon ay hindi tayo magkakamali.

(Aktibong pagsasagawa ng mga mag-aaral)


Napakagaling! Bigyan ng limang bagsak!

e.Pagsubok:

Papangkatin ko kayo ngayon sa tatlong


-pangkat klas, upang buuin ang larawan na
nahati-hati.Pagkatapos, kapag ito ay inyong
nabuo sabihin kung anong uri ito ng
pakikipagtalastasan. Ang unang
(Aktibong pagsasagawa ng mga mag-
makakabuong pangkat ang siyang aaral.)
magwawagi sa larong ito.Bigyan ko lamang
kayo ng limang-minuto upang isagawa ito.

IV. Takdang-Aralin:

1.Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod


at magbigay ng mga halimbawa nito. Isulat
ito sa papel at ipapasa bukas.
a. Pang-ukol
b. Pangatnig
c. Pang-angkop

Sanggunian: Pluma o iba pang aklat na


Filipino.
Dd: 46-50

Inihanda ni:

G. JONAR S. GARCIA
Demostrador

You might also like