Professional Documents
Culture Documents
5 AP5Q2Week5
5 AP5Q2Week5
MELC: Nasusuri ang epekto ng mga patakarang kolonyal na ipinatupad ng Espanya sa bansa
A. Patakarang pang-ekonomiya (Pagbubuwis,Sistemang Bandala, Kalakaalng Galyon, Monopolyo
ng Tabako , Sapilitang Paggawa at iba pa.) B. Patakarang Pamapolitika (Pamahalaang Kolonyal)
Layunin: Naipaliliwanag ang kabutihang naidulot ng Royal Company at Obras Pias sa patakarang pang
ekononomiya.
Alamin Natin
Panimulang Impormasyon:
Nang magsimulang mapasailalim sa mga Kastila ang Pilipinas bilang bansang sakop nito, maraming
mga patakaran ang ipinatupad nito, kabilang dito ang mga patakarang pagkabuhayan at pakikipagkalakalan.
Binuksan ang kalakalan sa Maynila sa kalakalang panlabas na kung saan ang mga makabagong
pananaw sa ekonomiya na binuwag ng pamahalaan ay ang Real Compania de Filipinas. Noong 1842
ipinadala ng Espanya sa Pilipinas si Don Sinibaldo de Mas, isang ekonomista at diplomatiko, upang suriin
ang kalagayang ekonomiko at pulitikal ng bansa. Matapos ang masusing pag-aaral iminungkahi ni De Mas
ang pagbubukas ng mga karagdagang daungan para sa kalakalang panlabas, paghikayat sa mga imigranteng
Intsik na nakatutulong sa pagpapabuti ng industriya ng pagsasaka at pagbuwag ng monopolyo ng tabako.
Ang Real Compania de Felipinas o Royal Company ay naitatag noong Ika-10 ng Marso 1785. Nang
itatag ang Real Compania de Felipinas, lumabas ito sa panunungkulan ni Gobernador-Heneral Basco.
Layunin ng Espanya na maitaguyod ang kalakalan nito sa Pilipinas at malinang ang likas na yaman ng
kolonya.
Ang Kompanya ay naging kakumpetensya ng Kalakalang Galyon na nang nagtagal ay nabuwag din
dahil sa di- mabuting pamamalakad sa kompanya.
Samantala, may nagsilbing mga komersyal na bangko naman sa panahon ng kalakalang galyon at
kompanyang paseguruhan na tinatawag na Obras Pias. Noong 1594 unang naitatag ang Obras Pias sa
pangalang Hermanidad dela Misericordia na itinuturing na pagsisimula ng pagbabangko sa bansa.
Ang Obras Pias ay pondong kaloob ng mga mayayamang tao sa mga relihiyosong orden. Inilalaan
ito para sa gawaing pagkakawanggawa sa mga sumusunod:
1. ospital, 2. Edukasyon, at 3. pangangalaga sa mga may kapansanan, mahihirap at kapuspalad
Pinangasiwaan ito ng mga samahang panrelihiyon na tinatawag na cofradias at ang salaping nilikom
ay ginamit sa negosyo sa pamamagitan ng pagpapautang na may interes. Sa paraang ito ay yumaman ang
mga cofradias at ang sistema ng pagbabangko sa bansa ay kanilang nakontrol. Nagbibigay ng salapi ang
mayayamang tao sa ordeng relihiyoso upang gawing panustos sa pagkakawanggawa at panrelihiyong gawain.
Sa kasamaang palad, ang Obras Pias ay hindi nagpatuloy dahil nalugi ito. Dalawa ang dahilan ng pagkalugi
ng Obras Pias. Una may mga hindi nagbayad ng utang at pangalawa, ang pagkalugi nito sa mga lumubog at
nawawalang galyon.
Page 1 of 25
Pangalan _______________________________________Baitang at Pangkat _________________________
Pangalan ng Guro _________________________________________
Karagdagang Impormasyon:
KABUTIHANG DULOT: KABUTIHANG DULOT:
Source: www.google.com
Page 2 of 25
Pangalan ____________________________________________Baitang at Pangkat ____________________
Pangalan ng Guro ________________________________________
HANDA KA NA BA?
Pagtulungan natin:
Gawain 2. Hanapin ang mga salita sa kanan at bilugan ito gamit ang Word Search Puzzle.
REAL COMPANIA
OBRAS PIAS
JOSE BASCO
DE MESA
ESPANYOL
COFRADIAS
OSPITAL
EDUKASYON
MONOPOLYO
GALYON
Page 3 of 25
Pangalan ______________________________________Baitang at Pangkat _________________________
Pangalan ng Guro _______________________________________
TAYO NG MATUTO
Pagtulungan Natin:
Gawain 3. Ibigay ang mga mabuting dulot at di-mabuting dulot ng Real Compania de Filipinas
at Obras Pias. Ilagay ito sa VENN Diagram.
OBRAS
PIAS
Page 4 of 25
Pangalan __________________________________________Baitang at Pangkat ______________________
Pangalan ng Guro ____________________________________________
TANDAAN MO: Ang Real Compania de Filipinas ay itinatag ni Basco, noong Marso 10, 1785 ayon s autos ni
Haring Carlos III na may hangaring paunlarin ang agrikultura at industriya ng kolonya.
Ang Obras Pias naman ay isang samahang pangkawanggawa na inorganisa ng mga ordeng
relihiyoso, cofradias at pinondohan ng mga donasyon ng mga mayayamang relihiyos
ISAPUSO MO: Sa pagkakatatag ng mga samahang ito ng mga Espanyol ay may mga kabutihang dulot at may di-
mabuting dulot sa mga Pilipino noon.
May mga ganito din bang mga ahensiya ang ating pamahalaan ngayon na naitatag?
Ano ano ang mga ito?
Pagtataya:
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang sagot na tinutukoy sa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa patlang.
.
Hanay A Hanay B
Sanggunian:
1. DLP Grade 5
2.Pilipinas Bilang Isang Bansa (AP-5) pah, 184-185; pah. 186-187
Pilipinas: Isang Sulyap at Pagyakap pahina 104
https://www.google.com/search?q=ano+ang+obras+pias&source=lmns&bih=625&biw=1366&hl=en&sa=X&ved=2ahUKE
wjgrqXBmfnqAhVD6JQKHTLDA8IQ_AUoAHoECAEQAA
https://www.google.com/search?q=kabutihang+dulot+ng+compania+royal+de+filipinas&source=lnms&tbm=isch&sa=X&v
ed=2ahUKEwjK_6nY3_3qAhUOCqYKHQftCFgQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1366&bih=625#imgrc=tMAic7q85nDLfM
Page 5 of 25
Pangalan ________________________________________Baitang at Pangkat ______________________
Pangalan ng Guro _______________________________________
Module Code: Pasay-AP5-Q2-W5-D2
MELC: Nasusuri ang epekto ng mga patakarang kolonyal na ipinatupad ng Espanya sa bansa
A. Patakarang pang-ekonomiya (Pagbubuwis,Sistemang Bandala, Kalakaalng Galyon, Monopolyo
ng Tabako , Sapilitang Paggawa at iba pa.) B. Patakarang Pamapolitika (Pamahalaang Kolonyal)
Layunin: Natatalakay ang mabuti at di-mabuting dahilan ng pagpapatupad ng sapilitang paggawa bilang
bahagi ng patakarang pang-ekonomiya ng mga Espanyol.
Alamin Natin
Maraming Pilipino ang nawalay sa kanilang mga pamilya dahil sa pagtratrabaho sa malayong
mga lugar. Napabayaan din nila ang kanilang mga sariling kabuhayan at kadalasan lumalagpas pa sa
takdang araw ang kanilang pagtratrabaho. Dahil sa polo, maraming mga gusali ang napatayo. Sa
katunayan ang maraming lumang simbahan na meron tayo ay naitayo rin ng mga polista. Ngunit kahit
na umunlad ang ating bansa ay marami naman ang nahirapan o mas higit pa ay namatay pa na hindi
lang nakita o nadalaw ng kanilang Pamilya. Huwag magpagawa ng sapilitan dahil wala kang karapatan
Sa isang tao na pahirapan ito.
Karagdagang Impormasyon:
HANDA KA NA BA?
Gawain 2. Isulat ang T sa patlang kung tama ang sitwasyon, at M naman kung mali.
Page 7 of 25
Pangalan ____________________________________________Baitang at Pangkat ____________________
Pangalan ng Guro ________________________________________
Pagtulungan natin:
Gawain 3. Sumulat ng isang talata tungkol sa larawan. Isulat ito sa kanan.
Source: www.google.com
POLO
Y
SERVICIOS
Page 8 of 25
Pangalan ______________________________________Baitang at Pangkat _________________________
Pangalan ng Guro _______________________________________
TAYO NG MATUTO
Pagtulungan Natin:
Gawain 5. Gumawa ng isang “slogan” tungkol sa polo y servicios. Ilagay ito sa box sa ibaba.
Page 9 of 25
Pangalan __________________________________________Baitang at Pangkat ______________________
Pangalan ng Guro ____________________________________________
TANDAAN MO: Ang polo y servicios ay sapilitang pagtatrabaho ng mga kalalakihang Pilipino noong 1884.
Pinairal ang polo y servicio sa pamamagitan ng pagtakda na ang mga kasama sa gawaing
ito ay ang mga kalalakihang Pilipino na may edad na 16 hanggang 60 taong gulang.
ISAPUSO MO: Ang polo y servicio ay isang patakaran na ipinatupad ng mga Espanyol sa mga katutubong Pilipino
upang sila ay sapilitang magtrabaho. Nakabuti ba ito sa mga Pilipino? Paano?
Kung ikaw ang ating ninuno na nabubuhay pa noong panahon ng Espanyol, susunod ka ba sa
kanila? Bakit?
.
Pagtataya:
Panuto: Sagutan ang Cross Word Puzzle
Pinagkuhanan:
DLP Grade 5
Pilipinas Bilang IsangBansa (AP-5) pah, 179-180, Isang Sulyap at Pagyakap, pah. 100-101
https://www.google.com/search?q=polo+y+servicio&tbm=isch&chips=q:polo+y+servicio,g_
Page 10 of 25
Pangalan ________________________________________Baitang at Pangkat ______________________
Pangalan ng Guro _______________________________________
Module Code: Pasay-AP5-Q2-W5-D3
MELC: Nasusuri ang epekto ng mga patakarang kolonyal na ipinatupad ng Espanya sa bansa
A. Patakarang pang-ekonomiya (Pagbubuwis,Sistemang Bandala, Kalakaalng Galyon, Monopolyo
ng Tabako , Sapilitang Paggawa at iba pa.) B. Patakarang Pamapolitika (Pamahalaang Kolonyal)
Layunin: Naiisa-isa ang mga pangkabuhayang programa na ipinatupad ni Hen. Jose Basco.
Alamin Natin
Panimulang Impormasyon:
Nagsilbing ika-44 gobernador-heneral na Español ng Filipinas si Jose Basco y Vargas (Ho·sé Bás·ko
i Vár·gas) mula Hulyo 1778 hanggang Nobyembre 1787. Hindi katulad ng mga naunang gobernador heneral,
isinulong Basco ang pagpapaunlad ng ekonomiya ng kolonya. Sa kaniyang panunungkulan, pormal na
nahiwalay ang pamamalakad ng Filipinas sa Mexico.
I. Real Sociedad Economica de los Amigos del Pais (“Pangkabuhayang Samahan ng mga
Kaibigan ng Bayan”)
-Ang unang pangulo ng Samahan ay si Ciriaco Carvajal. Pinangunahan ng samahan ang
sumusunod na proyekto:
Pagtatanim ng mga bagon halam tulad ng bulak, indigo at mga pampalasa
Pag-aangkat ng mga kagamitang pansaka mula sa United States
Pagkakaloob ng gantimpala sa mga taong may bagong imbensiyon sa irigasyon at
pagsasaka
Pagpapatayo ng kauna-unahang paaeralang pang-agrikultura sa bansa
-Maraming hakbangin ang nais isakatuparan ng Real Sociedad upang mapaunlad ang
Pilipinas ngunit nabigo ito. Ilan sa mga dahilan ay ang mga sumusunod:
Maigting na pagtutol ng konsulado sa mga plano ng samahan
Kawalan ng pondo sa patuloy na pag-angkat ng mga makinarya at pasahod sa mga
tekniko
Page 11 of 25
Pangalan _______________________________________Baitang at Pangkat _________________________
Pangalan ng Guro _________________________________________
Monopolyo ang tawag sa mga produkto o kalakal na eksklusibong pag-aari ng isang tao o grupo.
Sa kaso ng mga Espanyol, monopolyo ng gobyerno ang tabako. Solong pinapatakbo ng gobyerno ang
pagtatanim, pag-aani, paggawa, at pagbebenta ng tabako sa mga tao. Matatagpuan ang mga taniman ng
tabako sa Cagayan, Marinduque, Ilocos, Nueva Ecija, Pampanga at La Union..Tumagal mula 1782-
1882 ang uri ng pangkabuhayang ito. Layunin nito na madagdagan ang kita ng pamahalaan at ng di na
umaasa pa sa Mexico.
Ang programang ito ay nangangahulugan na ang pagtatanim, pag-aani at pangangalakal ng tabako ay
nasa mahigpit na pangangalaga at kontrol ng pamahalaan – isang pamaraan upang matiyak at mapanatiling
malaki ang kinikita ng Espanya dito. Kaugnay nito ay hindi nalinang ang kalayaan sa pagtatanim ng iba
pang produktong agrikultural lalo na sa mga lugar kung saan ito lamang ang ipinapatanim.Nakilala ang
Pilipinas na pangunahing tagagawa ng tabako sa alin mang bansa sa Silangan. May multa ang mga
magsasakang hindi makatupad sa itinakdang aanihin.Sa Maynila, dinadala ang mga dahon ngtabako.
Umabot sa hari ang katiwaliang bunga ng monopolyo kaya ipinatigil ito at tuluyang nahinto sa
panahon ni Gobernador Primo de Rivera taong 1882. Sa kabila nito,itinatag noong 1883 ang La Insular
Cigar and CigaretteFactory sa pangangasiwa ni Don Joaquin Santamarina.
Itinatag ito noong Marso 10, 1785, ayon sa pag-uutos ni Haring Carlos III. Hangarin ng
kompanya na paunlarin ang agrikultra at industriya ng kolonya. Nakatuon ito sa pagpapalaksas ng
kalakalang panlabas ng Pilipinas at Spain. Binigyan ng 25 taong pribilehiyo ang kompanya sa tuwirang
pakikipagkalakalan sa ibang bansang Asyano tulad ng China at India, pag-aangkat ng mga produktong
yari sa Pilipinas nang walang pataw na buwis, karapatang itaas ang bandila ng Royal Navy sa lahat ng
barko ng kompanya, at ipagbili ang mga kasangkapan mula sa arsenal na pamahalaan.
Mahigpit na tinutulan ng mga mangangalakal ang Real Compania dahil sa tuwirang kompetisyo nito
sa kalakalang galyon. Ngunit ipinagtanggol ito ni Gobernador Heneral Rafael Maria de Aguilar sa kaniyang
ulat sa hari noong 1794. Para sa kaniya ang kompanya ay nagdulot ng kaunlaran sa kondisyon ng Pilipinas.
Ilan sa mga ito ay ang pagdating nga mga dayuhang mangangalakal sa bansa,matagumpay na pagbenta ng
produktng indigo, paglago ng industriya dahil sa pagpapautang ng kompanya, at pagkakaroon ng mga
plantasyon ng sili at cinnamon sa Tayabas, Ilo-Ilo, Camarines, Cavite at Bataan.
Noong 1834, nagpalabas ng kautusan ang hari na nagpahinto sa operasyon dahil sa mahinang
pangangasiwa at pagkalugi. Page 12 of 25
Pangalan ____________________________________________Baitang at Pangkat ____________________
Pangalan ng Guro ________________________________________
HANDA KA NA BA?
Gawain 2. Itala ang mga programang pang ekonomiyana ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas. Sa
iyong palagay, ang mga ito ba ay may patakarang pangkabuhayan o patakarang pagpapahirap?
Programang Pang ekonomiya sa Pilipinas sa Panahon ng mgaEspanyol
1.
2.
3.
Gawain 3. Ibigay ang mga mabuting dulot at di-mabuting dulot ng Monopolyo sa Tabako.
MONOPOLYO SA TABAKO
TANDAAN MO:
Ang Real Sociedad Economica de los Amigos del Pais (Royal Economic Society of
Friends of the Country) ay itinatag ni Basco noong 1781 bilang samahang nagtataguyod
ng kaunlarang pang- ekonomiya at industriya ng bansa.
Ang monopolyo sa tabako ay itinatag noong 1782 , isa sa mga programa ni Jose Basco.
Sa programang ito, sapilitang pinagtanim ang mga Filipino, kumita ng malaki ang
pamahalaan ngunit naghirap ang mga magsasaka.
Ang Real Compania de Filipinas ay itinatag ni Basco, noong Marso 10, 1785 ayon s
autos ni Haring Carlos III na may hangaring paunlarin ang agrikultura.
Page 14 of 25
Pangalan __________________________________________Baitang at Pangkat ______________________
Pangalan ng Guro ____________________________________________
Pagtataya
Hanay A Hanay B
1. 1834 A. Real Compania de Filipinas
2. 1781 B.Nagsara ang Real Sociedad
3.1890 C. Dumating si Jose Baco sa Pilipinas
4.Hulyo 1778 D. Nangasiwa sa La Insular Cigarette
5.Marso 10, 1785 E. Naging tanyag na pinunong Espanyol
6. Monopolyo sa Tabako F. Sapilitang pagpapatanim sa mga Filipino
7.Gobernador Heneral Jose Basco G. Itinatag ang Real Sociedad Economica
8. Naghirap ang mga magsasaka H. Masamang dulot ng Monopolyo sa Tabako
9. Don Joaquin Santamarina I. Pinahinto ang operasyon ng Real Compania
10. Gob. Heneral Fernando Primo de Rivera J. Gobernador Heneral na nagwakas sa monopolyo
Sanggunian:
1. DLP Grade 5
2.Pilipinas Bilang Isang Bansa (AP-5) pah, 184-185; pah. 186-187
Pilipinas: Isang Sulyap at Pagyakap pahina 104
3. https://www.google.com/
Page 15 of 25
Pangalan ________________________________________Baitang at Pangkat ______________________
Pangalan ng Guro _______________________________________
Module Code: Pasay-AP5-Q2-W5-D4
MELC: Nasusuri ang epekto ng mga patakarang kolonyal na ipinatupad ng Espanya sa bansa
A. Patakarang pang-ekonomiya (Pagbubuwis,Sistemang Bandala, Kalakaalng Galyon, Monopolyo ng
Tabako , Sapilitang Paggawa at iba pa.) B. Patakarang Pamapolitika (Pamahalaang Kolonyal)
MELC: Nasusuri ang epekto ng mga patakarang kolonyal na ipinatupad ng Espanya sa bansa.
Layunin: Natutukoy ang iba pang mga pag-unlad na ginawa ng mga Espanyol sa Pilipinas sa panahon ng
kolonisasyon (transportasyonat komunikasyon, industriya, agrikultura at pangangalakal).
Alamin Natin
Panimulang Impormasyon:
Ipinakilala ang mga bagong sistema ng transportasyon at komunikasyon sa Pilipinas. Bahagi ito ng
patakarang ekonomiko ng Spain sa Pilipinas upang mabilis na makarating ang mga kalakal mula sa mga
lalawigan patungo sa ibat ibang panig ng Pilipinas at sa pandaigdigang pamilihan. Itinatag noong ika 24 ng
Nobyembre 1892 ang unang riles sa bansa, ang Ferrocaril de Manila (Manila-Dagupan Railway) na
nakarating hanggang Dagupan, Pangasinan. Noong 1885, itinatag nina Jacobo Zobel de Zangroniz at Adolfo
Bayo ang tranvia. Noong 1892 ay napasimulan ang paggamit ng tranvia sa ilalim ng Compania de Los
Tranvias de Filipinas. Itinayo rin ang kauna-unahang suspension bridge (tulay) sa Asya, ang Puente
Colgante sa pagitan ng Quiapo at Arroceros na ngayon ay tinatawag na Quezon Bridge. Idinisenyo ito ng
tanyag na si Gustave Eiffel na siya ring nagdisenyo ng sikat na Eiffel Tower sa Paris, France. Sumunod dito
ang Jones Bridge patungong Divisoria kayat naging sentro ng kalakalan ang Escolta sa Maynila.
Binuksan ang serbisyo ng koreo sa pagitan ng Maynila at Hongkong noong 1854. Samantala ang
unang linyang pangtelegrama ay nagsimula sa pagitan ng Maynila at Corregidor noong 1873. Naiugnay
naman ang Pilipinas sa ibang bansa gamit ang kable noong 1880. Nagsimula ang serbisyo ng telepono
noong 1890.Taong 1893 naman, nagkaroon ng kuryente sa pamamagitan ng kompanyang La Electricista
de Manila.
Page 16 of 25
Source: www.google.com
INDUSTRIYA AT AGRIKULTURA
Ipinakilala ng mga Espanyol sa mga Filipino ang mga bagong uri ng halaman, hayop at industriya.
Kabilang dito ang halamang cacao, sitaw,kape,mais,mani,tubo,tabako at trigo, gayundin ang pag-aalaga ng
baka, kabayo,pato,bibe,tupa,gansa at pabo.
Natuto rin ang mga Filipino ng mga bagong industriya tulad ng paggawa ng tisa, sabon, alak, pag-
aalaga ng baka, paghahabi ng sombrero at paggawa ng tina mula sa indigo.
Nagpatupad din ng mga patakaran sa agrikultura ang mga Espanyol sa Pilipinas. Ilan sa mga ito ay
ang mga sumusunod:
pagbawi ng mga lupang pansakahan na hindi nagbunga ng sapat na ani
pagtuturo ng mga bagong paraan ng pagsasaka,pangingisda, pagmimina at mga gawaing
metal
pagpapaalaga sa bawat pamilya ng hindi bababa sa 12 manok at isang inahing baboy
PANGANGALAKAL
Pagbubukas ng mga Daungan ng Pilipinas
Sa panahong kolonyal, ang kalakalang galyon lamang ang itinuturing na katanggap tanggap na
kalakalang panlabas ng Pilipinas. Ang Kalakalang Galeon o Kalakalang Galyon (Ingles: galleon trade) ay
isang uri ng kalakalan na nagmumula sa Mehiko papunta sa Pilipinas, at pabalik, na isinasagawa
noong Panahon ng Kastila sa Pilipinas. Ang mga produkto ay isinasakay sa mga galyon ng Maynila o kaya
sa galyon ng Acapulco.Ito ay ginagamit sa pagkakalakal ng mga Espanyol o Kastila. Ang mga nakalakal sa
Pilipinas ay ipinagpapalit sa Mehiko at ang nakalakal naman sa Mehiko ay ipinapalit sa Pilipinas..
HANDA KA NA BA?
TANDAAN MO:
Sa panahon ng kolonisasayon, isa sa malaking pagbabagong naganap sa
ilalim ng pamamahala ng mga Espanyol ay may kaugnayan sa ekonomikong
kalagayan ng bansa . Ilan sa mga pagbabagong ito ay ang mga sumusunod:
- Pag-unlad ng sistemang Transportasyon at Komunikasyon
- Pagtatatag
Page 19 ng ofmga25Bangko
- Pag-unlad ng Industriya at Agrikultura
Pangalan __________________________________________Baitang at Pangkat ______________________
Pangalan ng Guro ____________________________________________
Pagtataya
1. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng pag-unlad ng komunikasyon sa bansa noong
panahon ng mga Español?
A. Nagkaroon ng sasakyang-dagat mula sa Maynila patungong Espanya noong 1873.
B. Nagkaroon ng buwanang koreo sa pagitan Maynila at Hong Kong noong 1854
C. Tumaas ang produksyon ng tabako at bigas sa bansa.
D. Ikinabit ang unang kable sa Pilipinas patungo sa ibang bansa noong 1880.
2. Hanggang saan umabot ang itinatag na unang riles ng tren na pinasinayaan noong Nobyembre 24,
1892?
A. Mula Maynila hanggang sa Nueva Ecija C. Mula Maynila hanggang sa Vigan
B. Mula Maynila hanggang sa Dagupan, Pangasinan D. Mula Maynila hanggang sa Bauan, La Union
3. Kailan unang nagkaroon ng suplay ng kuryente sa mga kabahayan sa Maynila?
A. 1875 C.1898
B. 1893 D.1890
4. Paano umunlad ang transportasyon sa Pilipinas?
a.Ipinagawa ni Gob. Hen. Enrile ang mga daan at tulay.
b.Ipinagawa ang unang parola sa may bukana ng Ilog Pasig noong 1846.
c.Ipinakilala ang tranvia na hinihila ng kabayo noong 1893.
A. titik b at c lamang C. titik a at b lamang
B. titik a at c lamang D. Lahat ng mga nabanggit
5. Kailan ikinabit ang unang telepono sa bansa?
A. 1898 C.1890
B. 1901 D.1895
6. Ang mga sumusunod ay mga magagandang naidulot dahil sa pagbubukas ng Pilipinas sa kalakalang
pandaigdig, maliban sa isa, alin ito?
A. Bumuti ang paraan ng pagsasaka. C. Naging mabilis ang transportasyon at komunikasyon
B. Kumonti ang mga ani at produkto D. Nagkaroon ng pag-unlad sa ekonomiya ng bansa.
7. Ang kauna-unahang bangkong Espanyol na naging bukas para sa mga Espanyol at Filipino ay ang
_____________.
A. Monde de Piedad y Caja de Ahorros C. Obras Pias
B. El Banco Español Filipino de Isabel II D. Chartered Bank of India
8. Kailan ganap na binuksan ang daungan ng Maynila sa kalakalang pandaigdig?
A. 1834 C. 1888
B. 1857 D. 1890
9. _______________ ay ang cable cars o sasakyang de-kable na pinaaandar ng kuryente.
A. Tranvia C. Puente Colgante
B. Ferrocaril de Manila D. Balangay
10. Ito ay ang unang riles sa bansa.
A. Tranvia C. Puente Colgante
B. Ferrocaril de Manila D. Balangay
Sanggunian: Page 20 of 25
1. DLP Grade 5
Pangalan ________________________________________Baitang at Pangkat ______________________
Pangalan ng Guro _______________________________________
Module Code: Pasay-AP5-Q2-W5-D5
MELC: Nasusuri ang epekto ng mga patakarang kolonyal na ipinatupad ng Espanya sa bansa
A. Patakarang pang-ekonomiya (Pagbubuwis,Sistemang Bandala, Kalakaalng Galyon, Monopolyo ng
Tabako , Sapilitang Paggawa at iba pa.) B. Patakarang Pamapolitika (Pamahalaang Kolonyal)
Alamin Natin
Panimulang Impormasyon:
Sa simula, nahirapan ang mga Espanyol sa pagpapalaganap ng kanilang mga patakaran dahil sa dami
at pagkakawatak-watak ng mga barangay sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan. Ngunit sa pamamagitan ng
pamamaraang reduccion, napag-isa ang mga barangay upang maging pueblo at natipon ang mga Pilipino sa
kapatagan. Napilitan ang mga Pilipino na tumupad sa mga patakarang ito. Binago ng mga Kastila ang
sistemang pangkabuhayan sa mga nabuong pueblo. Nagkaroon ng sapilitang pagbubuwis (tributo) at bandala,
polo y servicio , kalakalang galyon, at monopolyo sa tabako. Nagtatag din ng mga ahensiya tulad ng Real
Sociedad Economica de Amigos del Pais at Real Compania de Filipinas.
Alammo ba na na kahit isang kolonya ng Espanya ang Pilipinas, ang mga Kastila ay walang pondong
nakukuha mula sa Espanya? Upang matustusan nila ang kanilang paninirahan sa Pilipinas at kumita ang
bansang Espanya, ipinatupad nila ang paniningil ng mga buwis sa mga Pilipino. Sapilitan silang humingi ng
mga buwis mula sa personal na kita, importasyon, kalakal sa nganga, alak, tabako, paputok, at opium.
Maaaring magbayad ang mga Pilipino ng pera o ng kanilang produktong palay, manok, tabako, tela at iba pa.
Naging mapaglabis ang paniningil ng buwis sa mga katutubong Filipino. Sapilitang kinukuha ang kanilang
ari-arian na ang halaga ay higit na mataas kaysa sa kaukulang buwis mula sa mga hindi makapagbayad. Sa
paglipas ng panahon, hindi nawala ang pang-aabuso ng mga Espanyol sa paniningil ng tributo, pati na rin sa
paraan ng pagkolekta ng buwis at pag-ulat ng kabuuang halagang nakolekta sa tributo.
Ang bandala ay isang uri ng pagbubuwis sa pamamagitan ng sapilitang pagbili ng pamahalaan sa mga
produkto sa mababang halaga. Madalas na dinadaya ang mga Pilipino sa pag-uuri ng mga produkto upang
mas mababa ang maging halaga ng produkto. Karaniwang promissory note ang ipinambabayad ng
pamahalaan sa mga magsasaka kapalit ng mga produkto. Madalas ding hindi na nagbabayad ang mga Kastila.
Dahil dito, nawalang ng kita at nalugi ang mga mamamayan.
Polo y Servicio
Ipinatupad ng mga Kastila ang sapilitang paggawa ng mga kalalakihang Pilipino mula 16 hanggang
60 taong gulang sa loob ng 40 araw sa bawat taon, na walang suweldo. Ang mga gawaing kasama dito ay ang
pagtatayo ng simbahan, pagputol ng mga puno, paglaban sa digmaan at pagsama sa mga ekspedisyon. Maaari
din namang hindi magtrabaho ngunit kailangang magsuhol ng 1 ½ reales sa bawat araw na dapat ipagsilbi. Sa
katotohanan ay hindi ipinatupad ng mga opisyal na Espanyol ang mga patakarang dapat sundin sa
pagsasagawa ng polo. Ilan dito ay ang hindi pagbayad ng kaukulang salapi sa mga polista, pagdala sa kanila
sa malalayong lugar, pagsagawa ng polo sa panahon ng sakahan at anihan, at pagtalaga sa kanila ng
mabibigat na gawaing tulad ng paggawa ng barko at pagtotroso.
Page 21 of 25
Pangalan ____________________________________________Baitang at Pangkat ____________________
Pangalan ng Guro ________________________________________
Kalakalang Galyon
Ang Kalakalang Galleon ay galing sa pangalan ng barkong may daladalang kalakal na tumatawid ng
Dagat Pasipiko mula Acapulco, Mexico patungong Maynila. Dahil sa kalakalang ito, may palitan ng
produkto na naganap sa pagitan ng Asya, Mexico, at Amerika. Maraming mga Kastila ang sumali dito at
umigting ang sapilitang paggawa ng mga Pilipino lalo na sa larangan ng paggawa ng barko at ng langis para
dito. Dahil sa kalakalang ito, nagkaroon ng mga bagong tanim ang Pilipinas tulad ng avocado, bayabas,
papaya, pinya, at langka. Ang mga kabayo at baka ay dumating din sa Pilipinas dahil sa Kalakalang Galyon.
Dahil dito, nahalinhan at hindi napaunlad ang agrikultura at industriya ng bansa. Bukod dito, napasakamay
ng mga Intsik ang kalakalang tingi.
Source: www.google.com
Monopolyo sa Tabako
Sa sistemang ito, ang mga lalawigan ng Iloko, Cagayan, Nueva Ecija at Marinduque ay
sumailalim ng pamahalaan upang mapamahalaan ang maramihang pagtatanim ng tabako. Dahil
kontrolado ng pamahalaan ang dami ng tabako, nakontrol din nila and presyo at nakinabang sila nang
malaki. Ang mabuting naidulot ng monpolyong ito ay ang paglaki ng kita ng pamahalaan at para sa
Pilipno naman, ito ay nakapagpatunay na kayang tugunan ng kolonya ang kanyang pangangailangan. Sa
kabilang dako naman, ang monopolyong ito ay naging daan ng pagmamalabis ng mga opisyal para
mapayaman ang sarili, panloloko sa mga magsasaka sa pagbabayad ng kanilang produkto, at ang
paglaganap ng suhulan, pagpupuslit ng kalakalat “black market”.
HANDA KA NA BA?
Gawain 1. Isulat sa bawat puno ang ilang patakarang pang ekonomiya noong panahon ng mga Espanyol
at ang naging epekto nito.
TANDAAN MO:
Ang iba’t ibang patakarang ekonomiko na ipinatupad ng mga Espanyol sa
Pilipinas ay nagdulot ng malaking epekto sa kabuhayan ng mga Pilipino at sa
ekonomiya ng kolonyang Pilipinas.
Sa kabuuan, nagdulot ito ng mabuti at di-mabuting epekto sa mga Pilipino.
Page 24 of 25
Pangalan __________________________________________Baitang at Pangkat ______________________
Pangalan ng Guro ____________________________________________
1. Pagpalit ng mga produkto o kalakal gamit ang malalaking barko na tawag ay galyon
A. Monopolyo ng Tabako C. Bandala
B. Sistemang Kasama D. Kalakalang Galyon
2. Mas nagamit ng panahon ng ilang opisyales na mangalakal imbis maglingkod sa pamahalaan.
Epekto ng _____________________
A. Kalakalang Galyon C. Bandala
B. Monopolyo ng Tabako D. Sistemang Kasama
3. Nagkaroon ng ugnayan ang Mexico, Pilipinas at Espanyol. Mabuting epekto ng ________________.
A. Kalakalang Galyon C. Monopolyo ng Tabako
B. Bandala D. Sistemang Kasama
4. Pinagmumulta ang mga magsasaka kapag nasiraan ng mga pananim. Binawian din ng lupa. Hindi sila
binayaran. Epekto ng ________________________.
A. Kalakalang Galyon C. Bandala
B. Monopolyo ng Tabako D. Sistemang Kasama
5. Pinagtanim ang mga Pilipino ng higit sa 40000 na dami ng produkto sa isang taon upang ipagbili. Ito
ay binili nang lahatan ng pamahalaan sa mababang halaga.
A. Bandala C. Kalakalang Galyon
B. Monopolyo ng Tabako D. Sistemang Kasama
6. Ito ang ibinibigay sa magsasakang Pilipino kapag ipinagbili niya ang kanyang mga produkto at kalakal
sa pamahalaan
A. Promissory note C. Pera
B. Sedula D. Palay
7. Ang produktong nalikom mula sa tributo ay ipinagbibili ng mga encomendero sa mga Pilipino sa
napakataas na halaga. Ano ang naging reaksiyon ng mga Pilipino ukol dito?
A. Nag-alsa laban dito C. Nagsawalang kibo
B. Sumang-ayon ang mga Pilipino D. Nakiisa sa mga encomedero
8. Isa pang uri ng buwis na nililikom ang bandala. Subalit kadalasan hindi nababayaran ang mga Pilipino
para sa mga produkto nila. Ano ang bandala?
A. Ito ay sapilitang pagbili ng mga produkto tulad ng palay, at langis ng niyog sa pamahalaan
B. Isa itong panukat sa mga buwis na binabayaran.
C. Kusang loob itong ibinibigay at binabayaran ng mga miyembro ng encomienda.
D.
E. Tulong
F.
G.
H.
I.
J.
K.
L.
M.
N. itotribute?
Alin sa mga nasumusunod
ibinibigay
b. dahil
c.
d. itoa.ang
ito sa nakatulong
mga
nagging
mura
sagisag
ay
ang langmiyembro
dahilan
magkaibigan
ng
ang ng
pagka-alipin
kung encomienda.
binabayaran
sa pag-unlad
bakit
ang kinasuklaman
ng
mga
mga
nPilipino
gating
Pilipino
bansa.
at
ngsa
Ecomiendero
mga
Espanya.
Pilipino ang
9. Alin sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit kinasuklaman ng mga Pilipino ang tributo?
A. Ito ay nakatulong sa pag-unlad n gating bansa.
B. Dahil naging magkaibigan ang mga Pilipino at Ecomiendero
C. Ito ang sagisag ng pagka-alipin ng mga Pilipino sa Espanya.
D. Dahil mura lang ang binabayaran
10. Ang pagkontrol ng pamahalaan sa plantasyon ng Tabako mula sa pagbili hanggang sa pagsaka.
A. Bandala C. Kalakalang Galyon
B. Monopolyo ng Tabako D. Sistemang Kasama
Sanggunian:
1. DLP Grade 5
D. Sistemang
2.Pilipinas Kasama
Bilang Isang Bansa (AP-5) pah, 177-185
3. https://www.google.com/
Page 25 of 25
Inihanda ni: LARIZA R. NUÑEZ