FIL 3 - KAB 2 (Modyul 1, 2)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

KABANATA 2

MGA TEORYA PARA SA EPEKTIBONG PAGDALUMAT


Modyul Blg. 1

LAYUNIN

Matapos ang yunit na ito, inaasahang maisasagawa mo ang sumusunod:

1. Maipaliwanag ang kahalagahan ng wikang Filipino sa pagdadalumat o pagteteorya;


2. Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki- pakinabang na sanggunian
sa pagdadalumat at pananaliksik;
3. Malaman ang pagkakaiba at pagkakatulad ng bawat teorya;
4. Masuri ang kahalagahan at gamit ng bawat teoryang pampanitikan; at
5. Makapagsuri ng isang maikling kuwento na nagtataglay ng iba‟t ibang teoryang
pampanitikan.

PANIMULA
Ang panitikan ay sumasalamin sa mga pangyayari sa buhay ng tao na inilalapat sa mga
akda at lathalaing makabuluhan. „Di lingid sa ating kaalaman na nakatutulong ito upang
maipahayag ang ating saloobin at damdamin, maibahagi ang mga komposisyon mula sa ating
malawak na imahinasyon at maaaring karanasan na mapulot sa iba‟t ibang sitwasyon. Lubusang
pinapalawak ng panitikan ang ating kaisipan, dito‟y nahahasa ang gamit natin sa mga salita,
naibubulalas ang pagiging makata at naipapakita ang pagiging malikhain.
May iba‟t ibang teorya na bumubuo sa panitikan. Mga teorya na maaaring makita sa mga
akda, ito ay tumutukoy sa layuning iparating ng awtor, kanyang saloobin at maging kanyang mga
imahinasyon. Sa iba‟t ibang akda, maaari tayong makakalap ng impormasyon at mamulat ang
ating isip sa mga kaganapan sa ating paligid. Maipabatid ang gamit at kahalagahan ng mga
teorya sa paggawa ng mainam na akda at maging gabay ang mga teorya sa paglikha ng
matalinong lathalain.
Ang teoryang ito ay maaaring historikal na sumisiyasat sa pinagmulan ng isang
sinaunang panitikan o teksto, sosyolohikal na nagbibigay ng pangunahing halaga sa tao,
formalismo na ang layunin ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang
kanyang tuwirang panitikan, marxismo na isang pandaigdigang pananaw at nakasentro sa
ugnayan at hidwaan ng mga antas ng lipunan, sikolohikal na ang layunin ay ipakita at ipaliwanag
ang mga salig sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa
isang tauhan sa akda, feminismo na pinagtuunan ang kalagayan o representasyon ng kababaihan
sa isang akda, kultural na binibigyan ng buhay ang isang akda sa pamamagitan ng pagtatanghal
ng kultura ng isang lipi, isang bansa o nasyon at iba pa.

DALOY NG KAALAMAN
A. KAHULUGAN AT KATUTURAN

HISTORIKAL
Ayon sa aklat nina Quijano et al. (2019), na pinamagatang DalumatFil, ang historikal na
pananaw ay isang uri ng kritisismong pampanitikan na sumisiyasat sa pinagmulan ng isang
sinaunang panitikan o teksto para maunawaan ang “daigdig sa likod” ng tekstong ito.
Ang Historikal na pananaw ay ginagamit upang siyasatin ang mga pinagmulang
historikal ng teksto gaya ng panahon ng pagkakasulat nito, lugar kung saan ito isinulat, mga
pinagkunan nito, mga pangyayaring nakapaligid dito at mga petsa, mga taong sangkot dito,
bagay, kultura na binabanggit o pinahihiwatig sa teksto.
Ang akdang pampanitikan na taglay ang historikal na pananaw ay naisulat sa pangyayari
sa kasaysayan. Layunin ng akdang ito na ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang
masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang
kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.

SOSYOLOHIKAL
Ayon sa aklat nina Quijano et al. (2019), na pinamagatang DalumatFil ang sosyolohikal
na pananaw ay tumitingin sa pangkalahatang pattern sa pag-uugali ng mga indibidwal na kasapi
sa lipunan. Ang manunulat ay produkto ng kanyang panahon, lugar, mga kaganapan, kultura, at
institusyon sa kanyang kapaligiran kung saan itinuturing sila bilang boses ng kanyang panahon.
Ang pananaw na ito ay nagbibigay ng pangunahing halaga sa tao, dahil dito ang tao ang
sentro ng daigdig, ang sukatang bagay at panginoon ng kanyang kapalaran. Ang tao at ang
kanyang mga saloobin at damdamin ang naging pangunahing paksa rito.
Halimbawa, ang kagustuhan ng magulang na makapag-aral at makapagtapos ang
kanilang anak. Ito ang pangunahing kadahilanan nang marami nating kababayang sinusuong ang
hirap sa ibang bansa. Ang indibidwal na kaisipang itoy hinubog ng kaganapang panlipunan ng
bansa – mga nakapagtapos lamang sa magagandang paaralan ang madaling magkaroon ng
magandang trabaho.
Laganap ang patalastas na may kaugnayan sa pagpapaputi, para sa straight hair at pampaseksi.
Sa ganitong kaisipan, parang walang lugar sa lipunan ang mga kulot, maitim at matataba. Mas
madali para sa mga mahihirap na makita ang tunay na kalagayan at pangangailangan ng tao
kumpara sa mga mayayamang halos lahat ay nasa kanila na.

FORMALISMO
Ayon sa aklat ni Villafuerte (2000), ang pagtuklas at pagpapaliwanag sa anumang anyo
ng akda ang siyang layunin ng teoryang ito at ang pisikal na katangian ng akda ang pinakabuod
ng pagdulog na ang minamahalaga ay ang (1) nilalaman, (2) kaanyuan o kayarian, (3) paraan ng
pagkakasulat.
Sa sining na ito, mahalaga ang teksto para masuri ang tema o paksa sa akda, ang
sensibilidad ng mga tauhan, pag-uugnayan ng mga salita, istruktura ng wika, metapora, imahen,
at iba pang elemento ng akda.

MARXISTANG PANANAW
Ayon sa aklat nina Quijano et al. (2019), na pinamagatang DalumatFil ito ay nakabatay
sa mga naisulat ng mga pilosopo, ekonomista na sina Karl Marx at Freidrich Engels. Ang
Marxismo ay itinuturing na isang pandaigdigang pananaw at pagsusuri ng lipunan na nakasentro
sa ugnayan at hidwaan ng mga antas ng lipunan.Binibigyang pansin ng pananaw na ito ang mga
umiiral sa tunggalian ng: Tao laban sa sarili, Tao laban sa ibang tao, Tao laban sa lipunan at Tao
laban sa kalikasan
Ayon kay Reyes (1992), makabuluhan ang akda na may epekto sa nakararami – ang
siyang tumatanggap ng akda. Sa Marxismong pananaw, mananalo ang taong nasa laylayan ng
lipunan, magkakapuwang sa bayan ang mga dustang mamamayan, maiaangat ang mga aping
sambayanan at magkakaboses ang mga binusalang bibig upang muling umalingawngaw sa
lipunang nakasandig sa tama na sinisimpatya ng nakararami.

SIKOLOHIKAL
Ayon sa aklat nina Quijano et al. (2019), na pinamagatang DalumatFil ang layunin ng
panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig (factor) sa pagbuo ng
naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda.
Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may
nag-udyok na mabago o mabuo ito.
Samakatuwid, mas binigyang pokus ng pananaw na ito ang damdamin ng makata at ang
kanyang katha. Ayon sa dalawang higanteng sikolohista na sina Sigmund Freud at Carl Jung,
sinusuri ng kritiko ang paglikha, ang ugnayan ng makata at ng kanyang teksto.

POST-ISTRUKTURALISMO
Ayon sa aklat nina Quijano et al. (2019), na pinamagatang DalumatFil, para sa maraming
iskolar ang Post-istrukturalismo ay nagmula sa teoryang istrukturalismo na katatagpuan ng mga
katangian na siyang magbibigay-hugis sa Post-istrukturalismo. Ito ay batay sa teoryang
istrukturalismo na ipinalaganap ni Ferdinand de Saussure kung saan itinanghal niya na ang bisa
ng pangangahulugan sa wika ay bunga ng kumbensyong dulot ng tumbasan ng pagkakaiba.
Halimbawa: Ang lalake ay lalake dahil hindi babae, ang umaga ay umaga dahil hindi gabi.
Dahil sa pamamayani ng Post-istrukturalismo sa Europa at yaong naging malakas na
kilusan sa Estados Unidos, nabuo ang pagdulog na dekonstruksiyon. Ang dekonstruksiyon ay
isang paraan ng pag-aanalisa ng teksto na ipinakilala ni Jacques Derrida ng France noong dekada
„60. Batay ito sa ideyang walang permanenteng kahulugan ang isang teksto dahil ang wika ay di
matatag at nagbabago. Dahil dito ang kahulugan ng isang akda ay wala sa akda kundi nasa isipan
ng mambabasa. Malinaw sa kahulugan ni Derrida na ang teksto ay maaaring magbago at
magkaroon ng maraming pagpapakahulugan. Binibigyan niya ng kapangyarihan ang mambabasa
upang buhayin muli ang isang akda. Naniniwala siyang ang kahulugan ng isang akda ay
nakasandig sa pang-unawa ng isang mambabasa.
Ayon kay Michel Foucault ang ideyang dekonstruksyon ay kumakasangkapan sa ideya na
buwagin ang katotohanang tila ipinagpalagay na likas na di matitinag. Ayon naman kay Barthes
may kaugnayan pa rin ang teksto sa awtor sapagkat repleksyon ito ng mga kaisipan at damdamin
ng manunulat tungkol sa mga karanasan sa daigdig.
Ayon sa akda ni Barthes na “The Death of the Author” noong 1968 kung saan kinuha
niya sa author ang karapatang maging autoridad ng kahulugan at inilipat sa mambabasa. Kaya
naisulat niya na “the death of the author is the birth of the reader.”
May dalawang uri ng texto ayon kay Barthes: ang “readerly” at “writerly” text. Ang
“readerly” ay tumutukoy sa textong “buo na” at hindi na nangangailangan ng partisipasyon ng
mambabasa sa proseso ng paglikha ng kahulugan. Ang “writerly” naman ay humihingi ng
aktibong partisipasyon sa pagbuo ng akda at gayundin ng paglikha ng kahulugan.

FEMINISMO
Ayon sa aklat nina Quijano et al. (2019), pinagtuunan ng pananaw Feminismo ang
kalagayan o representasyon ng kababaihan sa isang akda. Layunin nito na baguhin ang mga de
kahong imahen o paglalarawan sa kababaihan sa anumang uri ng panitikan.
Kapansin-pansin sa mga akdang mulat sa Feminismo, na ang tauhang babae ay aktibong
nakikilahok sa mahahalagang pangyayari sa kuwento, may sariling pananaw, at higit sa lahat,
may paninindigan bilang tao. Hindi tagasunod lamang, kundi tagapanguna ng isang pagbabago
Isang halimbawa ng feministang manunulat si Maria Milagros Geremia-Lachica. Ang
kanyang mga tula ay palagiang nakahulma sa kalagayan ng mga kababaihan. Ang pagsalungat sa
ideya na mahihina, marupok, pantahanan, masama, emosyonal, at tanga ang mga babae.
Karamihan sa mga paksa ng kaniyang akda ay tungkol sa pagtuligsa sa patriyarkal na lipunan,
paglaganap ng Feminismo, maling pagtrato sa mga kababaihan, pagkulang sa karapatan ng
babae, diskriminasyon, “stereotypes” ng mga kababaihan. Ang pagkaka-akda ni Lachica sa
kanyang mga tula ay palagiang tema ang pagiging isang babae, nanay, asawa, at taong may
puso‟t utak. Katulad ng tula niyang “When Eyes Meet Eyes”.
Sa isang panayam ni Noel Galon de Leon, binigyang kahulugan ni Lachica ang salitang
feminista bilang isang babaeng aakyat sa silya sa pagpalit ng pundidong bombilya sa kanyang
kusina, hindi dahil sa kaya niya itong gawin ngunit dahil kailangang palitan upang hindi siya
magluluto sa dilim. Kung sakaling may lalaking mag-alok ng tulong sa pagpalit ng sinabing
bombilya, ang feminista ay hindi tatanggi. Magpapasalamat siya sabay ang isang matamis na
ngiti.
Sa pamamagitan ng panitikan, naihayag na ng mga kababaihan ang kalipunan ng
kanilang paniniwala, lakas sa mundo ng kalalakihan. Binasag na ang kanilang aping kalagayan
na nagmumula sa ideolohiyang patriyarkal. Ayon kay de Beauvoir “walang esensyal na
kalikasan na tutukoy sa kababaihan. Ibig sabihin, “ang babae ay hindi ipinanganak na babae, siya
ay nagiging babae.”

KULTURAL
Ayon sa aklat nina Quijano et al. (2019), ang kultura ay salamin ng lipunan at mabilis
itong sumasabay sa pagbabago dahil sa globalisasyon. Nagsulputan ang mga gawaing may
makabagong dulog at napalitan ang dating nakasanayan. Nakapaloob sa kulturang ito ang
musika, panoorin, kasuotan, inumin, at gadgets.
Ayon sa mga pag-aaral, ang wika ay daynamiko/nagbabago. Sa pagdaan ng mga panahon
kung ano ang uso sumusunod din sa paggamit ng wika.Nariyan ang jejemon, bekimon, at iba
pang balbal na salita na naiimbento sa kasalukuyan.
Sa isang pag-aaral ni Taylor (1990), na ama ng Antropolohiya winika niya na “ang
kultura ay isang kabuuang kompleks na may malawak na saklaw sapagkat kabilang dito ang
kaalaman, paniniwala, sining, valyu, at kaugalian ng tao bilang miyembro ng isang lipunan.”
Ayon kay Bakhtin, itinampok niya ang karnabal bilang isang pagtatanghal kung saan
nakapaloob ang iba‟t ibang uri ng kultura. Ito ay isang daigdig na pinagbabali-baligtad subalit
punong-puno ng sigla, buhay, kabastusan na kung saan lahat ay nagkakahalu-halo, at paulit-ulit
na pinupukol ng putik, pinarurumi, at binabato, at lahat ng batas ay nilalabag.
Sa gayon, binibigyan ng buhay ng mga nagtatanghal ang isang akda sa pamamagitan ng
kulturang pagtatanghal na ang kuwento ng pagtatanghal ay kultura ng isang lipi, isang bansa o
nasyon.

KABANATA 2
MGA TEORYA PARA SA EPEKTIBONG PAGDALUMAT
Modyul Blg. 2

LAYUNIN

Matapos ang yunit na ito, inaasahang maisasagawa mo ang sumusunod:


1. Maipaliwanag ang kahalagahan ng wikang Filipino sa pagdadalumat o pagteteorya;
2. Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki- pakinabang na
sanggunian sa pagdadalumat at pananaliksik;
3. Malaman ang mga pagkakaiba at pagkakatulad ng bawat teorya;
4. Masuri ang kahalagahan at gamit ng bawat teoryang pampanitikan; at
5. Makapagsuri ng isang maikling kuwento na nagtataglay ng iba‟t ibang teoryang
pampanitikan.

PANIMULA
Ang panitikan ay sumasalamin sa mga pangyayari sa buhay ng tao na inilalapat sa mga
akda at lathalaing makabuluhan. „Di lingid sa ating kaalaman na nakatutulong ito upang
maipahayag ang ating saloobin at damdamin, maibahagi ang mga komposisyon mula sa ating
malawak na imahinasyon at maaaring karanasan na mapulot sa iba‟t ibang sitwasyon. Lubusang
pinapalawak ng panitikan an gating kaisipan, dito‟y nahahasa ang gamit natin sa mga salita,
naibubulalas ang pagiging makata at naipapakita ang pagiging malikhain.
May iba‟t ibang teorya na bumubuo sa panitikan. Mga teorya na maaaring makita sa
mga akda, ito ay tumutukoy sa layuning iparating ng awtor, kanyang saloobin at maging
kanyang mga imahinasyon. Sa iba‟t ibang akda, maaari tayong makakalap ng impormasyon at
mamulat ang ating isip sa mga kaganapan sa ating paligid. Maipabatid ang gamit at
kahalagahan ng mga teorya sa paggawa ng mainam na akda at maging gabay ang mga teorya sa
paglikha ng matalinong lathalain.
Ang teoryang ito ay maaaring historikal na sumisiyasat sa pinagmulan ng isang
sinaunang panitikan o teksto, sosyolohikal na nagbibigay ng pangunahing halaga sa tao,
formalismo na ang layunin ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang
kanyang tuwirang panitikan, Marxismo na isang pandaigdigang pananaw at nakasentro sa
ugnayan at hidwaan ng mga antas ng lipunan, sikolohikal na ang layunin ay ipakita at
ipaliwanag ang mga salig sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw,
pagkatao) sa isang tauhan sa akda, feminismo na pinagtuunan ang kalagayan o representasyon
ng kababaihan sa isang akda, kultural na, binibigyan ng buhay ang isang akda sa pamamagitan
ng pagtatanghal ng kultura ng isang lipi, isang bansa o nasyon at iba pa.
DALOY NG KAALAMAN
B. PARAAN AT PROSESO

Teorya ng Pagtanggap/Pagbasa
Isang makabagong teorya na lubhang impluwensyal sa Kanluran ang kalipunan ng mga
kaisipan at kategorya na nagtutuon ng pansin sa mambabasa bilang mahalagang elemento sa
paglikha ng kahulugan. Walang kabuluhan ang isang akda kung walang reaksyon galing sa
mambabasa. Ito ang nagsisilbing tulay para makabuo ng koneksyon at maihayag ang nais
iparating ng isang manunulat.
Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng mambabasa upang maging matagumpay ang
isang likha sa pamamagitan ng pagbibigay rito ng kahulugan. Ang istorya sa loob ng isang
likha ay mabubuo sa pamamagitan ng relasyon ng manlilikha ng akda at ng mambabasa nito.
Ang pagkakaiba-iba ng pagpapakahulugan ng indibidwal sa mga bagay-bagay ay ipinaliwanag
ng teoryang pagtanggap at pagbasa na nagtatangkang ilarawan ang nagaganap sa isipan ng
mambabasa habang binibigyang-kahulugan ang akda o teksto. Ayon sa teoryang ito ang
kahulugan ng akda ay hindi iisa o dadalawa, na maaaring magkaroon ito ng maraming
kahulugan.
Ang pag-intindi rin sa isang akda ay nagsasabi at nagtatakda ng identidad ng bumabasa
nito. Nagsasabi sa identidad dahil ang pag-unawa ng bata sa matanda ay hindi magkatulad.
Masasabi na kaniyang pagbibigay ng kahulugan ay hindi maitutulad sa pagbibigay ng
kahulugan ng mas matanda sa kaniya dahil ito sa mga karanasan na naiuugnay ng mas matanda
sa pagbabasa na hindi magawa ng mas bata sa pagbibay niya ng kahulugan sa binabasa.
Nagtatakda sa identidad dahil hindi ito babasahin ng mas matanda kung hindi niya ito
maiintindihan kaya masasabi na may sapat na siyang kaalaman sa binabasa. Sa kaso ng mas
bata ay hindi niya ito babasahin dahil wala siyang interes dito dahil wala sa kaniyang iskima
ang babasahin subalit maari niya itong basahin para magkaroon siya ng ideya at ang ideyang
ito ay kaniyang magiging karanasan. Ang karanasan niya sa pagbabasa ay isang danas na
maiimbak sa kaniyang iskima na magagamit niya at magbabago habang nadaragdagan sa
tuwing nagbabasa siya at nagbibigay ng pagpapakahulugan.
(mula sa http://dontkillmekah.blogspot.com/2016/11/teorya-ng-pagtanggap-at-pagbasa.html?m=1)

C. APLIKASYON NG TEORYA SA ARALING FILIPINO


Balik-tanaw: Ang mga kanonisadong perspektibo na nagmula sa bagong Formalismo
Ang Formalismo, nagbibigay-diin sa “anyo” o “porma” ng teksto at hindi sa nilalaman
nito. Malinaw na ang pag-alis ng kahalagahan ng mambabasa, na nagbigay-daan sa isang uri ng
pagsasaisantabi, na para bagang walang kinalaman ang mambabasa sa pagbibigay ng kahulugan
sa teksto.

Affective Fallacy - makikita ang isa sa pinakamalinaw na pormulasyon na nagtutulak sa


mambabasa sa labas ng proseso ng signipikasyon.
Ang Formalismo sa Rusya at Depamilyarisasyon
Ayon kay Victor Shklovsky, matatagpuan ang ugat ng isang pananaw na itinuturing na
isang malikhaing proseso ng pag-unawa ang ugnayan ng mambabasa at ng teksto. Hindi tunay
na “nakikita ang tula”, tinatanggap ito sa nakawilihang paraan.

Ang Depamilyarisasyon
Ang ginagawa dapat ng sining ay kumukuha sila ng isang pamilyar na bagay at
ginagawa nila itong kakatwa o kakaiba (strange). Sa pamamagitan nito, natutulungan ang
mambabasa na makita ang mundo sa panibagong pagtingin.
Ito ang pag-alis ng tao sa kinamihasnang paraan ng pagtingin sa likha na kung saan
sinisipat ang teksto mula sa isang higit na dinamikong posisyon. Mahalaga ang papel ng
mambabasa sapagkat siya ang magdedetermina ng makasining na katangian ng akda.

Kasaysayang Pampanitikan (Literary History)


Ayon kay Tynianov, ang pagpapalit o pagbabago ng mga sistemang pampanitikan ay
dapat na makita bilang pamamayani ng isang dominanteng kalakaran sa iba pang mga
kalakaran.

Ang Kontribusyon ng Instrukturalismo


Nagmula sa Intrukturalismo ang konsepto ng relasyon bilang isang sentral na konsepto
ng teorya ng pagtanggap lalo sa Europa. Bilang isang paraan ng pag-iisip, hindi mailalarawan o
maipapaliwanag ang isang phenomenon kung hindi ito iuugnay sa isang sistema ng relasyon na
siyang kinapapalooban nito.
Jan Mukarovsky, isa sa pinakaimpluwensyal na istrukturalista at itinuturing na haligi ng
Instrukturalismo. Matatagpuan ang kanyang kontribusyon sa teorya ng pagtanggap sa kanyang
konsepto ng sining bilang isang dinamikong sistema ng signipikasyon. Para kay Mukarovsky,
ang bawat akda ay isang istruktura, subalit isang istruktura na may kaugnayan sa mga akdang
nauna rito.

Papel ng akda para kay Mukarovsky


1. Bilang isang sagisag ng komunikasyon.
2. Bilang isang istrukturang may kasarinlan

Ang Impluwensiya ng Penomenolohiya


Isang kalakaran na pilosopiya na nagbibigay diin sa mahalagang papel ng tao sa
pagbibigay ng kahulugan. Ayon kay Edmund Husserl, sinusuri nito ang nilalaman ng ating
kamalayan. Inaangkin ng penomenolohiya ang kapangyarihan upang imulat ang tao sa kalikasan
ng kamalayang pantao at ng mga phenomena.
Ang Impluwensiya ni Gadamer at Hermeneyutika
Ayon kay Gadamer, ang hermeneyutika ay isang pag-aaral o isang teorya ng
interpretasyon, ang pagbibigay ng kahulugan. Ang pang-unawa ay palagiang nagmumula sa
punto de bista ng isang taong umuunawa.

Ang Sosyolohiya ng Panitikan ayon kay Leo Lowenthal


Mahalaga ang akda kung ito ay nararanasan. Subalit, ang karanasang pantao ay
kalimitang nakakondisyon ng maraming puwersa kung kayat mahalagang pag-aralan ang mga
proseso ng buhay sa lipunan.

Wolfgang Iser
Isang kritikong Aleman subalit pinag-aralan din niya ang panitikan ng Ingles. Ang aklat
niyang The Act of Reading ay katatagpuan ng kanyang mga paniniwala tungkol sa teorya ng
pagbasa. Ayon sa kanya, ang kahulugan ay isang ugnayan sa pagitan ng teksto at mambabasa.
Ang tuon o pokus ay inililipat mula sa akda bilang pakay o bagay na sinusuri patungo sa
pagbasa bilang isang proseso.

Tatlong larangang masusuri sa akdang-pampanitikan


∙ Unang larangan: ito ay tumitingin sa teksto bilang isang potensyal na makapagbibigay-daan
sa paglikha ng kahulugan; ang mambabasa ang siyang gagawa ng aktwalisasyon ng mga
posibleng kahulugan.
∙ Ikalawang larangan: ito ang prosesong dinaraanan sa pagbasa o penomenolohiya ng pagbasa.
Mahalaga ang konsepto ng punto de bistang naglalagalag (wandering viewpoint). ∙ Ikatlong
larangan: tumutukoy sa istrukturang pangkomunikasyon na siyang nagbibigay-daan sa
interaksiyon ng teksto at mambabasa.

Hans Robert Jauss


Isang kritikong Aleman subalit kakaiba ang diin ng kaniyang teorya sapagkat nakaugat
ito sa isang historikal na pananaw, sa partikular, ang ugnayan ng panitikan at kasaysayan. Ang
nais ni Jauss ay isang historiograpiya na aktibong gaganap sa papel bilang tagapamagitan sa
nakaraan at kasalukuyan.
(mula sa aklat nina Quijano et.al. 2019)

You might also like