Las-Fil10-Q4-Melc 11

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

10

Learning Activity Sheet

FILIPINO 10
Kwarter 4 - MELC 11
Nasusuri ang mga Kaisipang Lutang sa
akda (Diyos, Bayan, Kapwa tao,
Magulang)

DIVISION OF NEGROS
OCCIDENTAL
FILIPINO 10
Learning Activity Sheet (LAS) Week 3
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Dibisyon ng Negros Occidental
Cottage Road, Bacolod City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari
(sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaang naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Filipino 10 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang magamit ng mga Paaralan sa
Dibisyon ng Negros Occidental.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma nang walang
pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Dibisyon ng Negros Occidental, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet - Filipino 10

Mga Manunulat: Reena B. Desamparado

Hydie V. Esponilla
Gregoria T. Jarangue
Mercy Grace G. Lo
Rosenie O. Ong
Renilen C. Tingson

Tagasuri: Analita T. Batisla-on

Division of NEGROS OCCIDENTAL Management Team:

Marsette D. Sabbaluca, CESO VI

Schools Division Superintendent

Juliet P. Alavaren, Ph.D.

Education Program Supervisor I, Filipino
MABUHAY!

Ang Filipino 10 Learning Activity Sheets (LAS) na ito ay nabuo sa pamamagitan ng sama-
samang pagtutulungan ng Sangay ng Negros Occidental sa pakikipagtulungan ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas at sa pakikipag-ugnayan ng
Curriculum and Learning Management Division (CLMD). Inihanda ito upang maging gabay
ng learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan ang mga
inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang mga mag-aaral na mapagtagumpayan nilang

masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang kakayahan at laang
oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may kapaki-
pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan at
sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Filipino 10 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matugunan ang
pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy ang kanilang
pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning
center sa kanilang komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa mga gawaing
iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang pag-unlad ng mga mag-
aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Filipino 10 Learning Actitivity Sheet na ito ay binuo upang matulungan ka, na
mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit wala ka ngayon sa iyong paaralan.

Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at makabuluhang mga

gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.
Kuwarter 4, Linggo 3

Learning Activity Sheets (LAS) Blg. 11

Pangalan:
Grado at Pangkat:_______________________ Petsa: ________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 10

Nasusuri ang mga kaisipang lutang sa akda (Diyos,bayan, kapwa tao at magulang)

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA:

Nasusuri ang mga kaisipang lutang sa akda (Diyos,bayan, kapwa tao at magulang). F10PB-IVd-e-88

II. PANIMULA (Susing Konsepto)

Ang PANINIWALA SA DIYOS ito ang taong may takot at malakas ang pananampalataya sa Diyos
na kaya niyang malampasan ang mga hamon sa buhay. Ang pag-asa sa mga milagro. Inilagay ni Huli
ang perang napagbilhan ng kanyang mga alahas sa ilalim ng imahen ng Birhen at umaasang iyon ay
magiging doble kinabukasan.Sinanay ng mga prayle noon ang mga Pilipino sa ganitong pag-asa sa mga
milagro upang matuto pang magtiis ang mga katutubo at iasa ang kanilang bukas sa pagmimilagro ng
kanilang mga patrong santo sa halip na gumawa sila ng mga paraang maaring sa pag-uusig sa
maykapangyarihan ay humantong sa himagsikan. Ito kaya ang nakatulong sa ating pagpapaubaya ng lahat
kay Bathala o ang kaisipan natin na BAHALA NA?
Ang PAGMAMAHAL SA BAYAN dito natin makikita kung meron bang pagpapahalaga ang isang tao
sa kanyang bayan kung handa ba siyang magsilbi sa bayan para sa ikabubuti ng kanyang mamayanan. Si
kabesang tales ay sumisimbolo sa mga Pilipinong gusto ng makatakas sa higpit ng mga kastila, mga
Pilipinong ayaw na maging sunod-sunuran na lamang , mga Pilipinong pagod na sa kanilang
pamamahala,.

Ang PAG IBIG SA MAGULANG ay kailan man ay hindi mapapantayan dahil simula't pagkabata sila
na ang nag aruga, nag alaga at nagbigay buhay sa atin. Si Kabesang tales ang ama ng dalaga na si Lucia
at isang cabeza de barangay na yumaman dahil sa tiyaga. Masipag,Matiyaga, at responsableng ama si
Kabesang Tales nagsumikap siya upang mabuhay nang maayos ang kanyang pamilya maganda ang
pangarap nya sa kanyang mga anak,lalo na kay Juli gusto niya itong papag-aralin sa Maynila kaya naman
nagsisipag siya nang mabuti.

Ang PANINIWALA SA KAPWA TAO naniniwala si Kabesang Tales na ang mga hukom ay takot sa
mga prayle. Kung tutuusin ang mga batas na ipinapasa ng mga Kastila ay mabubuti iyon nga lang ay
pinapadumi ito ng mga prayle na walang ibang ginawa kundi mang-agaw ng mga lupain at mang-api ng
mga PIlipino.

III. SANGGUNIAN
https://www.slideshare.net/RyanEmmanMarzan1/el-filibusterismo-kabanata-4-si-kabesang-tales
https://www.wattpad.com/222703204-el-filibusterismo-buod-pahiwatig-ng-bawat-kabanata
IV. MGA GAWAIN

1. Pagsasanay/aktibidad

Gawain 1
Panuto: Ang mga sumusunod na larawan ay kakikitaan ng kaisipan mula sa akdang binasa.Suriin
kung ito ay tungkol Diyos,bayan, kapwa tao at magulang. Panindigan ang sagot.

1.

_________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2.

_____________________________________________________________________________

4. Batayang sa pagbibigay ng iskor sa Rubrik

Panuto: Suriin ang pahayag mula sa akda. Gawin ito sa tatlong pangungusap lamang.

“Mangungutang na lamang ako kay Hermana Penchang at maglingkod dito bilang

isang utusan”

V. Repleksiyon

“Dahil sa huli kahit gaano ka man kayaman, dadating ang panahon na babagsak ka dahil sa pangloloko mo sa
ibang tao.”

VI. SUSI SA PAGWAWASTO

Iba’t ibang kasagutan.

You might also like