Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

10

Learning Activity Sheet in


FILIPINO 10
Kwarter 4 – MELC 16
Pagsulat ng Maayos na Paghahambing ng Binuong Akda sa Ilang
Katulad na Akda sa Iba pang Katulad na Akdang Binasa

DIVISION OF NEGROS
OCCIDENTAL

1
FILIPINO 10
Learning Activity Sheet (LAS) Week 4
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon
Dibisyon ng Negros Occidental
Cottage Road, Bacolod City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaang naghanda ng gawain kung
ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Filipino 10 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang magamit ng mga
Paaralan sa Dibisyon ng Negros Occidental.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag s anumang porma nang
walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Dibisyon ng Negros Occidental, Rehiyon 6-
Kanlurang Visayas.

2
Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet - Filipino 10

Mga Manunulat: Reena B. Desamparado


Hydie V. Esponilla
Gregoria T. Jarangue
Mercy Grace G. Lo
Rosenie O. Ong
Renilen C. Tingson

Tagasuri: Analita T. Batisla-on

Division of NEGROS OCCIDENTAL Management Team:

Marsette D. Sabbaluca, CESO VI


Schools Division Superintendent

Juliet P. Alavaren, Ph.D.


Education Program Supervisor I, Filipino

MABUHAY!

Ang Filipino 10 Learning Activity Sheets (LAS) na ito ay nabuo sa pamamagitan ng sama- samang
pagtutulungan ng Sangay ng Negros Occidental sa pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas at sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Management
Division (CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating
mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang mga mag-aaral na mapagtagumpayan nilang masagot ang
mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon
ding makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang
isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:


Ang Filipino 10 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matugunan ang
pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto
kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang
komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa mga gawaing iniatas

3
sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s
progress).

Para sa mga mag-aaral:


Ang Filipino 10 Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang matulungan ka, na mapatuloy ang
iyong pagkatuto kahit wala ka ngayon sa iyong paaralan.

Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at makabuluhang mga gawain.


Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain

4
Kuwarter 4, Linggo 4

Pangalan ng Mag-aaral:______________________________________
Grado at Pangkat: __________________ Petsa: ________________________

FILIPINO 10 GAWAING PAMPAGKATUTO NO. 16


Pagsulat ng maayos na paghahambing ng binuong akda sa iba pang
katulad na akdang binasa

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Layunin: Naisusulat ang maayos na paghahambing ng binuong akda sa iba pang katulad sa
akdang binasa (F10WG-IVg-h-88)

II. Panimula (Susing Konsepto)


Ang paghahambing ay paglalarawan ng kaibahan at pagkakatulad ng dalawa o
higit pang mga bagay. Ginagamit ang paghahambing sa pagtukoy ng antas o lebel ng
inihahambing upang pang mas mabigyang diin ang kahalagahan ng mga ito.
Tatalakayin sa araling ito ang sumusunod;
Si Pilato, ayon sa Bibliya, ay si Poncio Pilato na siyang naggawad ng hatol na
ipako sa Krus si Hesus, gayong alam niyang walang kasalanan ang hinahatulan.
Sinunod niya ang hiling ng mga taong nasulsulan ng mga tauhan ni Barabas. Siya’y
naghugas-kamay at sinabing wala siyang kasalanan. Ang paghuhugas-kamay ay
ginagawa upang mapagtakpan ang kasalanan.
Sa araling ito ay matutunghayan mo ang layon ni Simoun sa paghihimagsik at
ito ay ang paghihiganti. Nais niyang ipaghihiganti ang pagkamatay ng kaniyang ama,
ang pagbubuwis ng buhay ni Elias alang-alang sa kaniya at bawiin si Maria Clara sa
kamay ng umalipin sa kaniya ngunit nais din niyang sugpuin ang kasamaan ng
pamahalaan.
Ang mga dumanas ng kasawiang katulad ni Simoun ay ang mga taong
kasangkot niya sa paghihimagsik. Hindi pa sana ilulunsad ito ngunit nakatanggap siya
ng balitang si Maria Clara ay nasa bingit na ng kamatayan kaya bago man lamang
dumating ang pagkakataong ito ay mailabas niya ang dalaga sa kinalalagyan nito.
Ang mitsa ng paghihimagsik ni Simoun ay parang bombang handa nang
sumabog oras na sindihan ang mitsa nito. Hinihintay na lamang ng mga kaanib ni
Simoun ang hudyat ng pagsisimula.
Likas sa tao ang humanga at pumuri sa kaniyang kapuwa o sa mga bagay na
nakapagbibigay ng kasiyahan at inspirasyon.
Maraming Pilipino ang labis na nagpapahalaga sa mga tao o bagay na imported.
Hindi masama ang humanga lalo na kung ito ay makabubuti sa kalagayan o katayuan
sa buhay at hindi makasisira sa magandang yaman ng tradisyon at kulturang taglay
na niya. May sariling talino at kakayahan ang mga Pilipinong sukat ihanay at ihambing
sa magagaling sa buong daigdig. Ito’y bagay na napatunayan na natin. Nawawala ang
pagkamakabayan kung labis-labis ang dinaranas na kaapihan at kawalang respeto ng
kababayan.
Inaasahan sa araling ito na makasusulat ka ng maayos na paghahambing ng
binuong akda sa iba pang katulad na akdang binasa.

III. Mga Sanggunian


Corazon G. Magbaleta at Cid V. Alvarez, et.al (2006). El Filibusterismo, Valenzuela City:
JoEs P.H. Inc.

IV. Mga Gawain


Gawain 1: Pagbuo ng Sariling Akda
Ipagpalagay na ikaw ay mayroong nakagalitang matalik na kaibigan. Ginawan ka niya ng
masama kung saan ikaw ay nasaktan ng husto. Ano ang mga hakbang na iyong gagawin upang
maresolba ang problemang ito?

Unang Hakbang:
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
Ikalawang Hakbang:
5
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
Ikatlong Hakbang:
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

Gawain 2: Pagsasanay/ Aktibidad


Basahin at unawaing mabuti ang bahagi ng kabanata 9, 19 at 20.

Kabanata 9 : Si Pilato

Ang iba ay naaawa at ang iba ay nagkibit balikat lamang sa nangyari kay
Tata Selo. Sinabi ni Hermana Penchang na yaon ay parusa ng langit sa mga taong
makasalanan tulad ni Huli na maaari nang mag-asawa ay hindi pa marunong magdasal.
Upang mailigtas sa kasalanan si Huli, pinabasa niya ito nang paulit-ulit ng isang aklat
na may pamagat na “Tandang Basyong Makunat” at pinapapuntang lagi sa kumbento
upang makipagkita sa kura. Nangamba ang manang nang mabalitaan niyang lumuwas
ng Maynila si Basilio upang kunin ang perang kanyang naipon at tubusin si Huli.
Ipinalagay ng manang na si Huli ay tuluyang mabubulid sa pagkakasala sapagkat siya
ay kukunin ng diyablong nagbalatkayong mag-aaral. Naniniwala rin siyang ang mga
nag-aaral sa Maynila ay nangasawi.
Sa kabilang dako, nagsaya ang mga pari sa kanilang pagkapanalo sa usapin (na
niluto lamang at kinuha sa palakasan). Naipamahagi na sa iba ng mga prayle ang
lupang sinasaka ni Kabesang Tales, wala na ang kanyang anak na si Huli at napipi ang
ama bunga ng pangyayari. Naragdagan pa ang sama ng loob ng tumanggap siya ng utos
na bigay ng tinyente sa nayon na kailangang iwan niya ang sariling pamamahay sa loob
ng tatlong araw. Napaupo na lamang sa tabi ang ama at hindi na halos nagsalita sa loob
ng maghapong iyon.

Kabanata 19 : Ang Mitsa

Dahil sa sobrang panlalait na natanggap ni Placido Penitente mula sa kaniyang


propesor, naghihimagsik ang kalooban na umalis ito sa klase. Nagbalak siya ng kung
ano-anong paghihiganti. Siya ay isang batangeňo na anak ng isang matapang. Sa
kaniyang paglalakad ay halos nakakabangga niya ang mga taong kaniyang
nakakasalubong na para bang naghahanap siya ng basag-ulo. Nakita niya ang besi-
rektor na si Padre Sibyla at si Don Custodio na sakay ng isang karuwahe. Inisip niyang
ihulog sa ilog ang pari.
Pagdating niya sa bahay na inuupahan niya sa isang platero ay hindi niya
inaasahan na daratnan niya ang kanyang inang si Kabesang Andang. Mabalasik ang
anyo ni Placido kaya kaagad na nag-usisa ang ina kung ano ang nangyari. Nang sabihin
ni Placido ang dahilan ay labis na nalungkot si Andang dahil ayon sa kaniya ay hindi na
magkakaroon ng kaganapan ang ipinangako niya sa ama ni Placido na ito ay gagawin
niyang isang manananggol.
Sinabi pang halimbawa ni Andang ang isang ginoong nagtiis na ngayon ay may
mataas nang tungkulin. Ngunit hindi nakinig si Placido sa pangaral ng ina, nagdahilan
ito, at umalis na lamang upang lumaboy sa lansangan. Sa kalalaboy at kaiisip sa
katagalan, inabot ito ng gutom ay saka lamang umuwi. Ngunit naroroon na rin ang
kanyang ina at pinagpatuloy ang pagsesermon sa kanya. Kaya bumaba siyang muli at
nagpunta sa pantalan. Naghanap siya ng mandaragat sapagkat naisip niyang magpunta
sa Hongkong. Ngunit ginabi siya nang husto kaya ipinasya na lamang niyang magpunta
sa perya.
Sa perya nakita niya si Simoun at niyaya siyang magpunta sa kalye Iris at sa
mga pook na hindi niya inaasahang mararating ng mag-aalahas. Dinaanan nila ang mga
taong sinasabihan ni Simoun na maghanda ng mga tali-taling kawayan na sa loob at
mayroong pulbura.
Kinausap din ni Simoun ang gurong mahusay magsalita ng Espanyol na naalis
sa tungkulin at ginawang kastilyero na lamang. Ang gurong ito ay kaibigang matalik ni
Ibarra. Bumalik silang muli sa daan at nagtungo sa may parting Troso. Nadatnan nila
doon ang isang Kastilang nakatungkod. Tinanong ni Simoun kung handa na sila. Sinabi
ng matanda na handa na sila na tumugon naman si Simoun na matutuloy ang kanilang
binabalak sa unang putok ng kanyon. Mula sa Troso nagtungo sila sa bahay ni Simoun
sa Escolta. Naiwang nag-iisip si Simoun tungkol sa binabalak niyang madugong
6
paghihiganti. Kaya hatinggabi na ay hindi pa siya dalawin ng antok. Samantala,
kinabukasan nakinig na si Placido sa mga pangaral ni Kabesang Andang. Sinabi niyang
magbalik na sa Batangas ang ina at siya na ang makikiusap sa prokusador dahil kapag
nalamang nasa lungsod ang ina nito ay hindi magpapaunlak hangga’t hindi
nakapagbibigay ng handog at misa. Kapwa sila nasiyahan.

Kabanata 20 : Ang Nagpapalagay

Nasa kamay na ni Don Costudio de Salazar Y Sanchez de Monteredondo ang mga


suliranin tungkol sa Akademya ng Wikang Kastila. Nais na niyang mapagbigyan ang mga
prayle, mataas na kawani, kondesa, Pari Irene, G.Pasta ay ang mananayaw na si Pepay.
Masusing pinag-aralan ng Don ang usapin sapagkat malaki ang pagtitiwala sa kanya ni
Pari Sibyla na kaya niyang lutasin ang kahit na anong malaking problemang idulog sa
kanya.
Ang Don ay nabibilang sa alta sosyedad na ang bawat hakbang na gawin ay
pinupuri ng mga mamamahayag. Lahat yata ng magagandang paglalarawan ay nasabi
na sa kanya. Tinagurian siyang Buena Tinta ng mamamahayag na si Ben Zayb.
Batang-bata pa siya nang napadpad sa Maynila at nakapag-asawa ng isang
maganda at mayamang mestiza. Sa tulong ng kanyang asawa, siya ay tumanggap ng
mga paggawa sa gobyerno na naging dahilan ng kaniyang pagkakahirang bilang
konsehal, alkalde at kasapi ng Sociedad Economica de Amigos de Pais at iba pang
tungkulin. Hindi siya natutulog kapag mayroong mga deliberasyon, nagtatalumpati,
nakikipagtalo at nagbibigay ng kuro-kuro. Kung pinupuri siya sa Maynila sa Madrid
naman siya di pinapansin. Noong siya ay magpagamot sa atay sa Espanya, binanggit
siya sa isang diyaryo na parang anteing bumalik sa Inang Bayan upang magpalakas.
Nawalang silbi rin siya sa korte roon. Mas minarapat na lamang niyang tumira sa
Pilipinas sapagkat marami ang pumupuri sa kanya at binibigyan siya ng pagpapahalaga
na nakapagpapasigla sa kanyang pagkatao.
Ginagalang ang kaniyang paniniwala. Ayon sa kanya, mahal niya ang mga
Pilipino at nagsilbi siyang ama at tagapagtanggol nila pero inilalagay niya sila sa dapat
nilang kalagyan. Binigyang diin niya na ang iba’y ipinanganak upang mag-utos at ang
iba naman ay para sumunod.
Itinuring niyang siya ay katoliko subalit hindi siya nangungumpisal at hindi
naniniwala sa mga milagro. Kaniya namang kinagagalitan ang mga Indiyo kapag
nabalitaan niyang nagdududa ang mga ito tungkol sa kababalaghan.
Ang mga kasulatan tungkol sa akademya ay mayroon ng higit 15 araw na
kaniyang sinusuri. Nang tanungin ng mataas na kawani ang kaniyang desisyon sinabi
niyang tapos na ang pagpapasiya.

Mga Batayang Tanong


Unawain at pag-isipan ang iyong mga kasugutan at isulat ito sa iyong sagutang papel.

a. Sino/sino-sino sa palagay mo ang tinutukoy na Pilato sa binasang kabanata?


Patunayan ang sagot.
b. Bakit nagdiwang ang mga prayle?
c. Sa iyong palagay, sapat ba ang kanyang dahilan at mga naranasan upang ituloy ang
nasabing rebolusyon?
d. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Placido susunod ka ba kay Simoun o sa utos ng
iyong ina? Pangatuwiranin ang sagot.
e. Ano ang makabuluhang bagay ang iyong natutunan mula sa binasang kabanata?

Gawain 3 : Paghahambing
Mula sa iyong kasagutan sa unang gawain, ihambing ang akdang nilikha sa
akdang binasa.
PAGHAHAMBIN SARILING AKDA AKDANG BINASA
G
PAKSA

NILALAMAN

7
ARAL

Batayan sa pagbibigay ng puntos (Rubrik)

Lebel/
Dimensyon 5 puntos 3 na puntos 1 puntos

Nilalaman Napakahusay ng Mahusay ang Magulo at hindi


isinagawang isinagawang gaanong malinaw
paghahambing paghahambing ang isinagawang
paghahambing

Gamit ng wika Walang mali sa May isa o dalawang May tatlo o higit
(baybay. Bantas) pagkakasulat mali sa pang mali sa
pagkakasulat pagkakasulat

ISKALA NG PUNTOS INTERPRETASYON


9-10 Napakahusay
6-8 Mahusay
2-4 Hindi gaanong mahusay

V. Repleksiyon
“Ano ang iyong naging realisasyon nang iyong inihambing ang sariling kada sa
akdang binasa?

VI. Susi sa Pagwawasto


1. Mga Panuto

2. Pagsasanay/Aktibidad nakadepende sa
sagot ng mga
mag- aaral
3. Mga Batayang Tanong

You might also like