Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

10

Learning Activity Sheet in


FILIPINO 10
Kwarter 4 – MELC 17
Paggamit ng Angkop na mga Salitang Naghahambing

DIVISION OF NEGROS
OCCIDENTAL

1
FILIPINO 10
Learning Activity Sheet (LAS) Week 4
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon
Dibisyon ng Negros Occidental
Cottage Road, Bacolod City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaang naghanda ng gawain kung
ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Filipino 10 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang magamit ng mga
Paaralan sa Dibisyon ng Negros Occidental.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag s anumang porma nang
walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Dibisyon ng Negros Occidental, Rehiyon 6-
Kanlurang Visayas.

2
Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet - Filipino 10

Mga Manunulat: Reena B. Desamparado


Hydie V. Esponilla
Gregoria T. Jarangue
Mercy Grace G. Lo
Rosenie O. Ong
Renilen C. Tingson

Tagasuri: Analita T. Batisla-on

Division of NEGROS OCCIDENTAL Management Team:

Marsette D. Sabbaluca, CESO VI


Schools Division Superintendent

Juliet P. Alavaren, Ph.D.


Education Program Supervisor I, Filipino

MABUHAY!

Ang Filipino 10 Learning Activity Sheets (LAS) na ito ay nabuo sa pamamagitan ng sama- samang
pagtutulungan ng Sangay ng Negros Occidental sa pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas at sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Management
Division (CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating
mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang mga mag-aaral na mapagtagumpayan nilang masagot ang
mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon
ding makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang
isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:


Ang Filipino 10 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matugunan ang
pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto
kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang
komunidad.

3
Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa mga gawaing iniatas
sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s
progress).

Para sa mga mag-aaral:


Ang Filipino 10 Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang matulungan ka, na mapatuloy ang
iyong pagkatuto kahit wala ka ngayon sa iyong paaralan.

Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at makabuluhang mga gawain.


Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain

4
Kuwarter 4, Linggo 4

Pangalan ng Mag-aaral:___________________________________
Grado at Pangkat: ______________________ Petsa: ___________________

FILIPINO 10 GAWAING PAMPAGKATUTO NO. 17


Paggamit ng angkop na mga salitang naghahambing

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Layunin: Nagagamit ang angkop na mga salitang naghahambing (F10WG-IVg-h-81)

II. Panimula (Susing Konsepto)


Magiging maligaya ang sinumang nagmamahalan kung ang kanilang mga
pangarap at hangarin sa buhay ay magkaugnay at magkasundo,
Malayo na ang narating ng daigdig. Gumapang na ang kaunlaran sa bawat sulok
ng mundo. Sinuyod na ng makabagong teknolohiya kahit ang pinakaliblib na pook ng
sangkalupaan. Marahil ito ang bunga ng mapaghamong talino ng tao. Naisulong ang
agham at teknolohiya ang lahat ng uri ng pangangailangan ng tao mula sa larangan ng
transportasyon, komunikasyon, kalakal at industriya. Wala nang hihilingin ang tao
pagkat pinabilis ng mga nabanggit ang uri ng pamumuhay. Ito ang pinapangarap ng
sinuman.
Subalit hindi maipagkakaila na ang kaguluhan at pambayang pagkatakot ay
lumilikha ng kapinsalaan sa kabuhayan. Nawawala ang katatagan ng bansa dahil
umiiral ang kawalang katiyakan sa seguridad, kaayusan at maging kapanatagan ng
bawat mamamayan. Mainam lamang ito sa mga taong may pansariling hangaring
nagsasamantala sa kabutihan ng sambayanan. Kung minsan, may pangkat ng
indibiduwal na sadyang lumilikha ng katatakutan upang mapanatili ang ambisyong
personal. Ano man ang sabihin, ang isang bansang magulo at binabalot ng alalahanin
ay laging nagpag-iiwanan ang kaunlaran.
Sa araling ito ay matututunan mo ang mga bagay na sadyang umiiral sa
kapanahunan ni Rizal kung saan ay nabigyang diin ang karanasan ng mga mag-aaral
kung saan ay naapektuhan ang mga ito dulot ng gulo sa pamamahala sa gobyerno.
Ang paghahambing ay isang paraan ng paglalahad. Ito ay nakatutulong sa
pagbibigay-linaw sa isang paksa sa pamamagitan ng paglalahad ng pagkakatulad at
pagkakaiba ng dalawang bagay na pinaghahambing.
May dalawang uri ng Paghahambing:
1. Pahambing na Magkatulad – patas ang katangian ng dalawang
pinaghahambing. Sa magkatulad na katangian ay ginagamit ang mga
panlaping gaya ng magka-, sing-, sim-, sin-, magsing-, magsim-, magsin, ga-,
at mga salita na pareho, kapwa, kawangis, pares, pawing at tulad.
Halimbawa:
1. Magsingputi sina Bea at Anne.
(Panlapi pang-uri o katangian na pareho sina Bea at Anne)
2. Ang mga labahin ni inay ay gabundok na talaga.
3. Ang bugtong at palaisipan ay kapwa nakaaliw.

2. Pahambing na Di Magkatulad – ang dalawang pinaghambing ay di magkatulad


a. Palamang – nakahihigit sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing.
- Ginagamitan ng salitang higit, lalo, mas, at di-hamak
Halimbawa:
1. Di –hamak na gwapo at matalino ang nobyo ko sa nobyo niya.
Pang-uri/ katangian na lamang o mas mataas
Salita/ susing salita sa di magkatulad at palamang
2. Makapal lalo ang ginamit na kumot sa ikalawang araw ng camping.
Salita/ susing salita sa di magkatulad at nasa palamang
Pang-uri / katangian na lamang o mas mataas
3. Mas malalim ang kahulugan ng sawikain kompara sa kasabihan
Pang-uri/ katangian na lamang o mas mataas
Salita/ susing salita sa di magkatulad at nasa palamang
b. Pasahol – kulang sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing.
- Ginagamitan ito ng mga salita/ susing salita na di gaano, di gasino, at
di masyado.
Halimbawa:
1. Di masyadong palaaral si Kapatid kopara kay Bunso.
5
Pang-uri / katangian na kulang sa isang inihambing
Salita/ susing salita sa di magkatulad
2. Di gaano masarap magluto si Ate kaysa kay inay.
Pang-uri / katangian na kulang sa isang inihambing
Salita/ susing salita sa di magkatulad
3. Di gasinong tamad si bunso ngayon kompara kay kuya.
Pang-uri / katangian na kulang sa isang inihambing
Salita/ susing salita sa di magkatulad
Maaaring ilagay sa gitna o sa unahan ng iyong pangungusap ang mga
susing salita/panlapi sa paghahambing depende sa gustong ayos ng
pangungusap.
Alalahanin na sa paghahambing ay dapat may katangian kang inihahambing.
Maaring dalawang tao o higit pa ang kasangkot sa paghahambing.

Inaasahan sa araling ito na magagamit mo ang angkop na mga salitang


naghahambing.

III. Mga Sanggunian


Corazon G. Magbaleta at Cid V. Alvarez, et.al (2006). El Filibusterismo, Valenzuela City:
JoEs P.H. Inc.
https://znnhs.zdnorte.net/wp-content/uploads/2020/11/Fil8_Q1_W4.pdf
http://www.joserizal.ph/fi27.html

IV. Mga Gawain


Gawain 1: Paglahad ng Kaisipan
Panuto: Gumawa ng pangungusap kung saan ay naghahambing ng iyong mga pangarap o mini-
mithi noon at iyong nais o pangarap sa ngayon.

Mga Pangarap ko Noon Mga Pangarap ko Ngayon

_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

Gabay na Tanong:
1. Paano nakakaapekto ang paligid sa pagpili mo ng iyong nais sa buhay?
2. May pagkakatulad o pagkakaiba ba sa iyong pangarap noon sa mga nais mo
ngayon?

Gawain 2: Pagsasanay/ Aktibidad


Basahin at unawaing mabuti ang bahagi ng kabanata 9, 19 at 20.

Kabanata 24 : Mga Pangarap

Mag-uusap sina Isagani at Paulita sa Luneta. Handang-handa si Isagani sa


pagbabagsak ng kanyang galit sa gabi. Pany raw ang tingin ni Isagani sa mga Pransesa.
Kaya raw siya sumama kay Juanito ay para nga magkita sila ni Isagani. Si Donya
Victorina raw ang may ibig kay Pelaez. Nagkatawanan ang dalawa.
Nagkapalitan sila ng mga pagtanaw sa kinabukasan. Nais ni Isagani na sa nayon
manirahan. Pinakaiibig raw niya ang kanyang bayang iyon. Bago raw niyanakita si
Paulita, ang bayang iyon ang tangi niyang kaligayahan at magandang-maganda para sa
kanya. Nguni’t nang makilala niya si Paulita ay naging parang may kulang sa kanya ang
bayang iyon at natiyak niyang ang kulang ay si Paulita
Nguni’t ayaw ni Paulita na tumungo roon. Ayaw niyang magdaan sa mga bundok
na malimatik. Ang ibig niyang paglalakbay ay sa pamamagitan ng tren.
Pinaghambing ni Isagani sa isip ang pansin ng mga taong pamahalaan sa
6
nagkaramdam na si Simoun at ang mga sugatang kawal na galing sa digma. Sa huli’y ni
walang pumapansin. Nguni’t kay Simoun ay nabahala ang marami. Iba na raw ang
mayaman, ayon sa binata. Ang bayang nasa isip niya ay di lamang Pilipinas kundi pati
ang Espanya.

Dumating sina Paulita. Nginitian nito si Isagani. Nangiti na rin ang binate at napawi ang
lahat ng kanyang mga hinanakit sa dalaga. Nalubos na sana ang kanyang tuwa nang
itanong sa kanya ni Donya Victorina kung nakita ng binata ang pinaghahanap na
asawang Kastila.
Ipinagkaila ng binata na alam niya dahil sa kanilang bayan sa nayon (kay Padre
Florentino) nagtatago si De Espadana. Sinabi ng donya na nais niyang mag-asawa uli.
Nagtanong pa ang donya kumg ano’t pakasal siya kay Pelaez. Ang pilyong Isagani naman
ay namuri pa sa kinaiinisan niyang kamag-aral. Pinagbigyan ng donya ang pamangkin
at binatang kausap. Kung matutuloy rin naman si Paulita kay Isagani, magiging sarili
niya si Juanito.

Kabanata 32 : Ang Ibinunga ng mga Paskin

Dahil sa mga naganap sa mag-aaral, maraming magulang ang ipinauwi na


lamang ang kanilang mga anak upang harapin na lamang ang paglilimayon o pagsasaka.
Nang dumating ang araw ng pagsusulit, marami ang bumagsak lalo na yaong mga
naging kasapi ng kapisanan ng mga mag-aaral. Tumigil na rin sa pag-aaral sina Pecson,
Tadeo at Palaez. Itong huli ay tumulong na lamang sa kaniyang ama sa pag-aasikaso ng
kanilang tindahan. Nagtungo naman sa Europa si Macaraig samantalang si Isagani ay sa
asignatura na lamang ni Pari Fernandez nakapasa. Si Sandoval ay nilinlang ang mga
naglilitis dahil sa husay nito sa pagtatalumpati. Si Pecson ay sinunog na lahat ang
kaniyang mga aklat. Si Basilio naman ay nakakulong pa rin. Si Sinong ang kutserong
nalamog sa bugbog ng mga sibil dahil siya ay naghatid kay Basilio sa San Diego ay
dumalaw sa binata at ibinalita nito ang pagkamatay ni Huli at ang pagkawala ni
Tandang Selo sa kanilang nayon.
Samantala, bumuti na ang pakiramdam ni Simoun. Batay sa balita ni Ben Zayb,
si Simoun ay magdaraos ng isang malaking pista bilang pasasalamat sa kaniyang
paggaling at sa bayang nagpayaman sa kaniya. Sapagkat si Simoun ay walang bahay
nasabi sa kanya ni Ben Zayb na binili sana ng binata ang bahay ni Kapitan Tiyago. Pero
ang nakabili ay si Pelaez na nabili lamang ng murang-mura. Si Simoun naman magmula
noon ay naglagi na sa tindahan ni Pelaez kaya inakala ng lahat na siya ay kasosyo nito
sa pangangalakal.
Makaraan ang ilang lingo ay lumaganap ang balitang si Juanito Pelaez ay
ikakasal kay Paulita ang dalagang pinakamimithi ng lahat. Dahil kay Juanito
mapupunta si Paulita marami ang nanaghili sa kaniyang magandang kapalaran. Nabili
na niya ang bahay ni Kapitan Tiyago, nagtutubo ng malaki sa paninda, kasosyo pa niya
si Simoun at ngayon ay makikipagtaling-puso pa sa anak ng isang tagapagmana.
Totoo ngang si Paulita ay ikakasal kay Pelaez. Ang pag-ibig ng dalaga kay Isagani
ay naglaho nang ganap. Ang nakapagbabago sa dalaga ay ang ibinunga ng mga paskin,
ang pagkabilanggo ni Isagani, ang kusang pagdulog nito sa may kapangyarihan habang
ang iba naman ay nagtatago. Sa tingin ng dalaga ang ginawang ito ng binata ay isang
malaking kahangalan. Samantalang si Palaez naman ay matalino, mayaman at may
dugong Espanyol at si Isagani ay isang probinsiyano, walang pangarap kundi ang mga
gubat na puno ng linta at nagmula pa sa isang hindi kilalang lahi. ang tiyo naman ni
Isagani ay salungat pa sa mga kasayahan ay sayaw ang labis naman niyang
kinalulugdan.
Nang matapos ang kuwaresma ang Maynila ay iisang bagay lamang ang
ginagawa. Ito ay ang paghahanda sa napipintong kasal nina Juanito at Paulita. Si Dan
Timoteo, ama ni Juanito ay abalang-abala sapagkat magiging ninong ng dalawa ang
heneral at ang mangangasiwa naman ng lahat ay ang mag-aalahas na si Simoun. Ang
kasal ay gagawing dalawang araw bago umalis ang heneral.

Mga Batayang Tanong


Unawain at pag-isipan ang iyong mga kasagutan at isulat ito sa iyong sagutang papel.

a. Paano ipinakita sa kabanatang ito ang matinding pagmamahal o pagkagusto ni


Isagani kay Paulita? Ganito ba talaga ang normal na umiibig?
b. Sa iyong palagay bakit kaya ibinahagi ni Isagani ka Paulita ang lahat ng kanyang
nasa puso? Ipangatuwiran ang sagot.
c. Kung ikaw si Paulita sasang-ayon ka ba sa pangarap ni Isagani? Bakit?
7
d. Paano mo ibinabahagi ang iyong nararamdaman sa isang tao? Ilahad ang sagot.
Gawain 3: Paghahambing
Panuto: Ihambing ang mga sumusunod na tauhan na makikita sa mga binasang akda gamit
ang angkop na mga salita sa paghahambing (2)at salungguhitan ito.

1. Matalino si Camaroncocido. Nakita niya ang mga pangyayari sa paligid. Ihambing si


Camaroncocido sa isang agila sa bilis ng mga mata at isip.

___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
2. Si Tiyo Kiko ay masipag. Naghahanapbuhay pa siya kahit may edad na. Gumamit ng angkop
na mga salitang maihahambing siya sa katangian ng kalabaw sa paggawa.
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
3. Mahangin si Tadeo. Pinagyabangan niya ang kababayang mangmang. Ihambing siya sa mga
makulay na pabo na ipinakikita ang makukulay niyang balahibo.
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
4. Si Paulita ay ikakasal kay Pelaez. Itinuturing na masuwerte ang binatang ito habang si
Isagani naman ay lugmok sa kalungkutan. Ihambing si Pelaez katulad ng isang taong nanalo
sa loto.
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
5. Ang pangarap ni Isagani ay napakasimple ngunit payapa. Subalit ng siya ay hindi sinang-
ayunan ng kanyang iniibig naglaho ang kasiyahang hatid ng pagiging payapa sana ng
kanyang maiging kinabukasan sa tabi ng dalaga. Ihambing ang karansan ni Isagani sa isang
gubat na masukal.
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

Batayan sa pagbibigay ng puntos (Rubrik)

Lebel/Dimensyon 5 puntos 3 na puntos 1 puntos


Nilalaman Napakaangkop ng mga Angkop mga salitang Magulo at hindi gaanong
salitang ginamit sa ginamit sa malinaw ang isinagawang
paghahambing. paghahambing. paghahambing

Gamit ng wika (baybay. Walang mali sa May isa o dalawang mali May tatlo o higit pang
Bantas) pagkakasulat sa pagkakasulat mali sa pagkakasulat

ISKALA NG PUNTOS INTERPRETASYON


9-10 Napakahusay
6-8 Mahusay
2-4 Hindi gaanong mahusay

VI. Repleksiyon
“Kung ihahambing mo ang sarili sa isa sa mga tauhan sa akda,
sino ito at ipaliwag kung bakit siya ang iyong pinili?”

VII. Susi sa Pagwawasto


1. Mga Panuto

2. Pagsasanay/Aktibidad nakadepende sa
sagot ng mga
mag- aaral
3. Mga Batayang Tanong

8
9

You might also like