Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MIDTERM IN RPH

NAME: Dela Peña, Krisha S.


SECTION: BSED – Sciences 1A

DIRECTION: Answer the following questions. (ESSAY)

1. Ano ang Kasaysayan at paano mo ito ilalarawan?


2. Bakit mahalaga ang Kasaysayan sa lipunan?
3. Ano ang saysay ng Kasaysayan sa pagkatao mo?
4. Ano ang koneksyon ng katubigan sa mga Astronesyano?
5. Ano ang kultura?
6. Saan nagmumula ang kultura? Ipaliwanag.
7. Bakit mahalaga ang kultura?
8. Ano ang Pamayanan at Lipunan?
9. Bakit mahalaga ang pagkakaisa sa loob ng isang lipunan?
10. Sa iyong sariling sagot? Ano ang gampanin ng isang tao sa lipunan?

Criteria for every question.


50% - nilalaman
50% - kawastuhan
Total of 100%

1. Ang kasaysayan ay ang salamin ng nakaraan. Ito ang nagbibigay buhay sa nakaraan.
Kasaysayan ang siyang pinagmulan ng mga kaalaman, kultura at impormasyon mula sa
nakaraan na nagsisilbing tagapagsalaysay sa kasalukuyang henerasyon. Ito ay
pagbabaliktanaw sa mga pangyayari at ang daloy nito sa nagdaang panahon. Maraming
katanungan ang nasasagot ng kasaysayan tulad ng kung saang lahi ka nagmula, kung
bakit iba ang pisikal na anyo mo sa iba, kung bakit mo isinasabuhay ngayon ang kultura,
tradisyon, mga kaugalian na nakasanayan mo, mga kaalaman tungkol sa isang kilalang
istruktura o mga bayaning Pilipino ng lipunan at ang pag usbong ng pamahalaan.
Mauunawaan natin ang mga nangyayari sa kasalukuyan kung alam natin ang nakaraan o
ang pinagmulan at ang kasaysayan ang magsasalaysay nito.

2. Mahalaga ang kasaysayan dahil dito ay nauunawaan natin ang ating nakaraan na
nagbibigay sa atin ng daan upang maunawaan ang ating kasalukuyan, kaya’t mahalaga
din ito sa pagbuo ng ating pagkatao. Ang kasaysayan ay magbibigay satin ng pag-unawa
sa pagbabago ng ating lipunan, nakapagbibigay ng pagkakakilanlan at inspirasyon upang
kumilos sa ating buhay. Ang kasaysayan ay tinutulungan din tayong maging mas
mabuting tao dahil kung pag-aaralan natin ang mga kabiguaan at tagumpay ng nakaraan,
matuto tayo sa ating pagkakamali at maiiwasan ang pag-ulit nito. Nakatutulong din ang
pag-aaral nito upang malaman natin an gating kultura at magkaroon din tayo ng kaalaman
tungkol sa kultura ng iba. Nakatutulong din ito upang matutunan natin kung paano
nakaapekto ang teknolohiya, pagsasalubong ng mga magkaibang kultura at ang relihiyon.

3. Ang kasasayan ay nagsasalamin kung saan ako nabibilang sa lipunan at ang aking wika,
kung gayon ay aking napapahayag ang aking mga damdamin patungkol sa kasaysayan na
aking nalalaman.

4. Ang mga austronesyayon ay mahuhusay na mandaragat kayat, Ang teorya ng


pandarayuhan mula sarehiyong Austronesyano ay isa sa pinakamahalagang teorya
tungkol sapinagmulan ng lahing Pilipino. Dito sateoryang ito sinasabi na nagmula
salahing Austronesian ang mga Pilipino. Teorya ng Pandarayuhan Mula saRehiyong
Austronesyano.

5. Ang kultura ay nabuo upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga tao sa isang
pangkat o pamayanan. Ito ay naipamana na tradisyon, kaugalian, sining, mga
nakasanayang pananaw ng mga naunang henerasyon na naisalin hanggang kasalukuyang
panahon. Ang lahat ng lugar sa mundo ay may kani-kanilang kultura at ito ang
nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang lugar.

6. Ang kultura ay nagmula sa isang lipunan, komunidad o sa pamilya, sa pamilya natin


unang natutunan ang mga katangian at kultura natin. Ang kultura ay maari mo din na
matutunan sa iskuwelahan at sa iyong mga kaibigan. Ang kultura ay lumalago dahil sa
pagtangkilik dito ng maraming Pilipino, mas nakikilala ng mga bagong henerasyon ang
kultura ng ating bansa kung ito ay ipapakilala at ipapalaganap sakanila.

7. Mahalaga ang kultura sapagkat nagbibigay ito ng pagkakakilanlan sa isang pangkat o


grupo na kasapi sa isang lipunan. Sumasalamin ito sa kayamanan na mayroon ang isang
lipunan, kayamanan na hindi lamang material kung hindi pati na rin ang mga tradisyon at
kaugalian.

8. Ang lipunan ay tumutukoy sa mga mamayan nakatira sa isang komunidad na may kanya
kanyang obligasyon at misyon. May iisang batas na sinusunod at Kulturang kinagisnan at
Tradisyon. Ang Pamayanan naman ay isang pook kung saan naninirahan ang mga taong
maybkaugnayan sa interes, katangian, at pagpapahalaga sa kultura.

9. Ang pagkakaisa ay tumutukoy sa pagtutulungan, mahalaga ang pagkakaisa sapagkat ito


ang nagiging dahilan ng pag-unlad ng isang lipunan. Kung lahat ng tao ay magtutulungan
maging sa pinuno at sa mga mamamayan tiyak na sila ay uunlad at aangat ang kanilang
ekonomiya.

10. Ang gampanin ng mga tao sa lipunan ay ang makiisa sa mga gampanin ng kanilang
lipunan, sundin ang mga batas na inilalahad ng pinuno dahil ito ang gabay sa atin kung
ano ang mga hindi at dapat natin gawin. Tungkulin ng pinuno na pangalagaan at
protektahan ang kanyang mga nasasakupan.

You might also like