Leonell B. Gliane LP P.E 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY

Calauag, Quezon Extension


Calauag, Quezon 4318

Grade School Department


School Year 2020-2021

Masusing Banghay Aralin sa MAPEH(Physical Education 2)

I. Mga Layunin:

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. maipapakita ang tamang tikas at galaw ng katawan

II. Paksang-Aralin:

Paksa: Tikas at Galaw ng Katawan


Sangggunian; Teaching Guide in Music, Art Physical Education and Health 2, pp. 163-166.
Kagamitan: Panturong biswal, mga larawan
Estratehiya: Pasaklaw na paraan

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Pangalawang Gawain

1. Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa “Our Father”
panalangin.

2. Pagbati
Magandang araw mga bata! Magandang G. Leo

3. Pagsasaayos ng silid-aralan (Magpupulot ang mga mag aaral ng kalat at


aayusin ang kanilang upuan

Pagtetsek ng liban at hindi liban sa


klase

Mayroon bang lumiban sa klase Wala po G. Leo


ngayong araw?

Page 1 of 5
B. Pagsasanay
Tumayo ang lahat ng mga bata at sabay sabay
awitin at igalaw ang mga katawan sa saliw ng
kantang Paa, Tuhod, Balikat, Ulo.

C. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak

Magsitayo ang lahat at humanap ng kapareha at


umawit tayo sa saliw ng awiting, Ako, Ikaw, Tayo
isang komunidad
Ako, ako, ako’y isang komunidad (3x)
Ako, ikaw, tayo’y isang komunidad (3x)
Ako’y isang komunidad. La la la
Tayo’y isang komunidad. La la la
Sumasayaw-sayaw at umiindak-indak
Sumasayaw-sayaw at umiindak-indak
Sumasayaw-sayaw katulad ng dagat
Sumasayaw-sayaw katulad ng dagat
Sumasayaw-sayaw at umiindak-indak
Sumasayaw-sayaw at umiindak-indak
Sumasayaw-sayaw katulad ng dagat
Sumasayaw-sayaw katulad ng dagat
(Ulitin ang awit. Palitan ang ako ng ikaw at
tayo).

2. Paglalahad
Ang ating aralin sa araw na ito ay tungkol sa Tikas
at galaw ng katawan.
Wastong Pagtayo

Pagtayo
 Tumayo nang tuwid
 Nakaliyad ang dibdib
 Nakapasok ang tiyan
Ang pagtayo ng tuwid ay tumutulong sa baga, sa
puso at sa lahat ng bahagi ng katawan upang
gumana ng maayos.

Wastong Pag-upo

Page 2 of 5
Ang tamang pag-upo ay ang pag-upo nang tuwid
na ang likod ay nakasandal nang maayos sa
likuran ng silya. Ang paa at nakatapak sa sahig na
nangunguna ang isa.

Wastong Paglakad

Paglakad
Ang maayos na paglalakad ay nangangailangan ng
maginhawang sapatos, maayos na pagsulong ng
mga paa na tuwid ang ulo at baba ngunit
nakatingin sa dinadaanan.

3. Pagsusuri
Ngayon mga bata ano o paano ba dapat ang
wastong pagtayo, pag upo at paglalakad. Ipresenta
ito sa klase.
4. Pagpapalawak ng Kaalaman
Pangkatin ang klase sa tatlo na grupo. Ang bawat
gawain ng grupo ay nakalagay sa brown envelop.
Ilang myembro ng pangkat ang magpipresenta sa
harapan ng kanilang ginawa. Bibigyan lamang sila
ng 15 minuto.

Pangkat Una
Ipakita angWastong Pagtayo.

Pangkat Pangalawa
Ipakita ang Wastong Pag-upo.

Pangkat Pangatlo
Ipakita ang wastong Paglakad.

5. Paglalahat

Ano ang wastong pag upo ?


Ang tamang pag-upo ay ang pag-upo nang tuwid
na ang likod ay nakasandal nang maayos sa
likuran ng silya. Ang paa at nakatapak sa sahig
na nangunguna ang isa.

Page 3 of 5
Ano ang wastong pagtayo? Ang pagtayo ng tuwid ay tumutulong sa baga, sa
puso at sa lahat ng bahagi ng katawan upang
gumana ng maayos.

Ano ang wastong paglakad?


Ang maayos na paglalakad ay nangangailangan
ng maginhawang sapatos, maayos na pagsulong
ng mga paa na tuwid ang ulo at baba ngunit
nakatingin sa dinadaanan

6. Pagpapahalaga

Panuto: Tingnan ang mga larawan sa ibaba.


Anong galaw ang ipinapakita sa bawat larawan?
Ihanay ang sagot sa hanay B.

Hanay A Hanay B Hanay A Hanay B

1. 1.

a. pagtayo a. pagtayo

2. 2.

b. pag-upo b. pag-upo

3. c. paglakad 3. c. paglakad

Page 4 of 5
IV. Pagtataya

Panuto: Tingnan ang larawan sa bawat bilang. Lagyan ng tsek (√) kung ang larawan ay nagpapakita
ng wastong pag-upo, paglalakad, o pagtayo at ekis (x) naman kung hindi.

1. 2. 3. 4.

V. Takdang-aralin

Sa inyong tahanan, magpakuha ng bidyo(video) sa inyong magulang na ginagawa ninyo ang


tama o wastong pag upo, paglakad at pagtayo.

INIHANDA NI:

Leonell B. Gliane
STUDENT

Page 5 of 5

You might also like