Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
District VI - Kumintang

SUPER LIIT
Ni Cindy A. Demegillo

Naglalabasan ang iba’tibang superhero sa buong mundo. Ngunit ibahin ninyo si SuperLiit.
Kahit siya ay maliit ay may kakaiba siyang kapangyarihan! Kapag tinawag ang kanyang
pangalan kaagad siya ay tutulong.

“SuperLiit!”“Nandito na po ako Nanay...” “Punasan mo ang mesa.” At kaagad kukunin ni


Super Liit ang kanyang madyik basahan.“Tapos na po Inay,”sabi ni Super Liit.
Tinawag siya ng kanyang Ate.“Super Liit! Tulong!” “Nandito na po ako Ate,” sabi ni Super
Liit.“Hugasan mo ang tatlong baso.”“Tapos na po Ate.”
“Super Liit,”sabi ni Kuya. “Nandito na po ako Kuya.” Tulungan mo akong hanapin ang nawawala kong
apat na krayola.” “Ito na po Kuya.” “Napakagaling mo Super Liit.”
Sa paaralan ay maraming nagagawa si SuperLiit. Binigyan niya ng tinapay ang kanyang limang
kaklase na walang baon. At isinauli rin niya sa kantina ang sobrang sukli na anim na piso.
“Super Liit!” “Nandito na po ako titser! Tulungan mo akong kunin ang pitong upuan sa labas.” “Opo
titser,”sagot ni Super Liit.
“Super Liit tulong!” “Kinagat ako ng walong langgam.” “Nandito po ako tutulungan kita.”

“Super Liit! Tulong!” “Ano po ang maitutulong ko titser?” ”Tulungan mo akong pulutin
ang mga nagkalat na siyam na papel at sampung balat ng kendi.” “Opo! Titser,” sagot ni
SuperLiit.
O, hindi ba? Kakaiba ang kapangyarihan ni Super Liit. Kahit siya ay maliit may mga bagay
na siyang kayang gawin.
Ang kapangyarihan ni Super Liit ay pagkamatulungin, pagkamapagbigay,
pagkamatapat, at maasahan sa lahat ng oras. Siya ang Super Hero natin, si
Super Liit.

Accelerate Learners Achievement with Excellence and Humility

Address: P. Herrera St., Batangas City


Telephone No. (043) 702-2094
Email: division.batangascity@deped.gov.ph
DEPEDBATC-SDO-F-009/R1/02-20-2020

You might also like