Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 553

Join our group https://www.facebook.

com/groups/kathandvince
ADMIN KRAM - https://www.facebook.com/KramDxNhoj

Famous Meets Bad Girl (To Be Published)


by SweetAdmirer

Princess Trish Lua is a certified bad girl. She always win an argument and nobody
can beat her whenever she starts explaining herself. At first, her life was damn
boring until she met this obnoxious and famous jerk that will perfectly set her
life with different ups and down. Will they be together until the end or one of
them will give up once he/she know their top most secret?

=================

Chapter 1 - The Encounter

This story, "Famous Meets Bad Girl" is under the Copyright, Designs and Patents
Acts of 1998. No part of this story (including all chapters and associated content)
may be reproduced, stored in or introduced into a retrieval system or transmitted
in, in any form, or by any means (electronic, mechanical, photocopying, recording
or otherwise) without the prior written permission of the author.

This is work of fiction: names, characters, places and incidents are the product of
the author's imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual
persons, living or dead, events, locales is entirely coincidental.

All rights reserved. 

© Gierome de Guzman, SweetAdmirer, 2013

Note: This is a rough draft when I was 16. This is unedited. Tamad akong mag-edit.
Grammar nazi's are not allowed. Very amateur ang pagkakasulat ng mga naunang
chapter. Tho, there is always a room for improvement. Once again, spare me for
those grammatical errors. 

HAPPY READING! 

***

PROLOGUE

I'm atypical girl.

I am a certified bad girl but not in the way that I used drugs and I smoke.

Bad girl in way that I stand on what I believe in. Yes! I cussed and messed up. I
just don't like to be a good girl. I'm a bad girl with class.

They'll hate you if you're pretty.

They'll hate you if you're not.

They'll hate you for what you lack and;

They'll hate you for what you got!

Fine, hate me. Paki ko sa nararamdaman mo?

My life was once fine.

But the day. I met this famous obnoxious jerk, everything falls out of place.

He's the worst man I've ever encountered in my life. He's bossy, he's arrogant,
he's a jerk, he's a douche and it will take million bad words to describe him.

I can't imagine why he do have fangirls who keep on drooling over this bastard?

I started to hate him since the first day I met him. He kissed me and he get
slapped on return.

Then it was like a furious shooting star that hit me and I woke up one day, caring
for this famous jerk. And suddenly, everything falls on the wrong place.

Conquering fate, his fangirls, his past and his secret.

Meet famous as he meets Bad Girl

***

Chapter 1 - The Encounter

"OMG! Mamatay na ko pag tumingin s'ya sa akin! Hindi ko na kayang mabuhay pag
nangyari yun!"

"Ang pogi pogi naman ni Terrence!"

"He's definitely hot! "


"Grabeee! Ayan malapit na s'ya sa akin.."

"Itaas mo na yung effort nating banner na parang billboard na sa laki!"

May mallshow si Terrence Andrew Sy, s'ya ang leader ng kanilang boy group na
Elite5. Isa sa mga gwapong nilalang sa Pilipinas.

Take note, ubos ang VIP seats.

Punung-puno ang activity area ng mall ngayon. Parang may concert. Dadating lang
naman kasi ang heartthrob na si Terrence Andrew Sy at ang kanyang mga kasama sa
grupo. Hindi naman siguro mapupuno yung mall na 'to ngayon kung hindi dahil sa
pagpunta n'ya. Napakarami n'yang fans, 5pm pa yung show pero matitindi talaga yung
mga fangirls n'ya, 6am or 8am ata nandun na sila at mat'yagang naghihintay.

In a mall show, so close yet so far. Yung tipong ang lapit na ng iniidolo mo pero
hindi mo man lang makausap o mahawakan.

Excited na excited sila. Ang pinagpapantasyahan nilang lalaki ay makikipag meet and
greet ngayon. Gan'yan naman yung mga fangirls. 

Ang fangirl, kahit malayo't walang pera, tignan mo, makakapunta't makakapunta 'yan.
Para-paraan lang.

Ang fangirl, laitin mo na lahat 'wag lang ang idol nila. Baka gusto mong 'di ka na
makauwi ng buhay.

Ang fangirl, magutom man 'yan basta may pang-mallshow/concert 'yan.

Ang fangirl, lahat alam n'yan. Sensitive pag may nakitang kadikit na babae yung
idol n'ya.

Ang fangirl, makikipag-gerehan yan sa mga haters ng idol nya. Bugbugan man 'yan,
twitter war, nuclear war. OA haha!

Malalagas ang pera mo para sa ticket, mamamalat ka sa kakatili, mapapagod ka sa


kakatalon pero uuwi kang masaya.

Never underestimate a fangirl. Di niyo alam kung ano ang kayang gawin niyan.

Papasok na si Terrence sa mall. S'yempre, full force yung body guard n'ya. At
kasama n'ya syempre yung daddy n'ya, ang kanyang manager si Mike Sy. Hindi
papaaawat yung mga fans n'ya. Nasa bungad palang ng mall. Aba! Kinuyog na!
Nakayukong pumasok si Terrence, nakapalibot yung mga body guard sa kan'ya.

Parang may stampede na magaganap sa mall, lahat nakatutok 'yung tingin kay
Terrence. Kasunod n'ya din pala ang kagrupo n'ya. Lima sila sa boy group nila. At
lahat sila ay malalakas ang appeal.

Kasunod ni Terrence si..

Carl Gonzales, ang isip-bata sa grupo. S'ya ang pinakamagaling kumanta at humawak
ng instrumento sa grupo. Ang pinakamadaldal at hindi nauubusan ng kwento.

Dominique Ignacio, ang sinasabing silent but deadly sa group. Ang mysterious na
member. 18 years old. Sinasabi ng iba na sa mga ka-close n'ya lang s'ya nakikipag-
usap.

Kurt Silva, magaling mag-guitara. Magaling ding sumayaw at puno ng "sense of


humor". Ang pinakababaero sa grupo. At ang huli;

Russel Liam Ong, ang pinakaclose ni Terrence sa grupo. Ang best friend n'ya sa boy
group nila. Ang pangalawa sa malalakas na tinitilian ng kakabaihan. Ang pinaka-
mabati at pinakamabait sa mga fans nila.

Umakyat na sa stage ang 'Elite 5' from the word 'elite' meaning:

1. A group of people considered to be the best in a particular society or category,


esp. because of their power, talent, or wealth.

2. A group or class of persons or a member of such a group or class, enjoying


superior intellectual, social, or economic status.

IN SHORT, MGA TAONG UMAANGAT SA KAPANGYARIHAN, TALENTO AT KAYAMANAN. ISAMA NA NATIN


ANG KAGWAPUHAN!

Nagtilian na naman ng abot hanggang outer space yung mga fangirls nila. Kan'ya-
kanyang fangirls.

"O M G!"

"OMG! ANG GWAPO NI RUSELL!"

"OMG! ANG GWAPO NILANG LAHAT! WAAHH!"

Juskong mga tao 'to. Puro "OMG" ang naririnig sa buong mall. Nakakakabit na talaga
sa mga fans nila ang salitang "OMG".
"Oh my god!"

"Oh my gosh!"

"Oh my gwapo!"

At sari sari pang "OMG!"

Nag-patugtog na ng music. Nakatalikod effect pa yung Elite 5. Tilian naman kaagad


yung mga fans. Okay, Ang OA. Hindi pa naman nagsisimula e. Narinig na yung beat
ng..

[Playing: Finatticz Don't Drop That Thun Thun]

Si Terrence yung unang humataw sa dance floor.. este stage pala. Sigawan na naman
ng matindi yung mga fans. Yung tipong malalagot yung hininga nila kapag tinaas pa
ang mga makabasag pinggan nilang boses at tili. Nakataas na din ang mga banners na
ginawa nila..

"I LOVE YOU TERRENCE!" sigaw ng isang fangirl na nagmumula sa fourth floor ng mall.
Wow lang talaga sa lakas ng boses. Kinawayan naman s'ya ni Terrence kaya ayun,
muntik ng mahulog sa railings. 

Kasama ding sumayaw ang mga kasamahan n'ya sa grupo. Lahat sila ay magagaling. At
tingnan mo naman ang reaksyon ng mga fangirls, over! Over sa tulo ng laway, paano
ba naman kasi. Si Kurt ay nagtaas ng shirt n'ya, kaya naman nagsigayahan na ang mga
kasamahan n'ya. 

Nag-uumapaw na mga abs, v-lines at happy trails ang nasaksihan nila.

"Yummy!" sigaw ng isang fans at tuluyan ng tumulo ang laway n'ya sa sahig.

Natapos na ang unang production number. Isang dumadagundong na palakpakan ang


bumalot sa buong mall. Nagpunta na si Terrence sa backstage, kinuha n'ya ang iPhone
n'ya at sinimulang kontakin si Rome, ang kanyang kapatid kunwari. Hindi naman s'ya
kapatid ni Terrence, talagang masipag lang na bata itong si Rome kaya naman kinuha
s'ya ng daddy ni Terrence at pinatira sa bahay nila. 

[Oh? Napatawag ka?] sabi ni Rome habang abala sa pakikipag-debate sa mga netizen. 

"We just started this mallshow. So you know what to do then?" sabi ni Terrence. 

[Oo na. Bye] ibinaba ni Rome ang linya. Ipinatawag na din si Terrence para sa
susunod na production number nila. Ang pagkanta kasama itong si 'lucky girl'.

Lucky girl. Ito yung tawag sa babaeng kakantahan, haharanahin at papatayin sa kilig
sa ibabaw ng stage.

Madaling nag-tweet at nag post ng update si Rome sa twitter. Habang sila Terrence
at ang kasama n'ya sa grupo ay naghahanda na para sa susunod nilang performance. 

***

Isang tawag ang natanggap ni Rome mula sa mga presidente ng fansclub ni Terrence,
si Sofhia.

"Hello?" nag-aalangang sagot n'ya dito.

"Omg! Roooomee! Huhubels..." parang kinakatay na baboy ang kausap nito, "Huhubels!
Huhubels!" pagpapatuloy n'ya. Nairita si Rome at sinigawan ang nasa kabilang linya.

"Ano ba?! Anong huhu--eh basta! Baket ba?!" inis na sagot n'ya dito.

"Si baby Terrence! Sinampal! Huhubels! Huhubels! Like huhubels talaga! Huhubels...
Rome.." daing n'ya dito. Bigla namang nakaramdam ng pangamba si Rome. Sa isip isip
nya, bakit masasampal si Terrence? Eh diba mallshow 'yun? Tsaka baket at paano? 
ayan ang mga tumakatbo na tanong sa isip n'ya.

"Tell me the whole thing.." he said with authority "every detail.." 

Ayun nga ang ginawa ni Sofhia, nagkwento s'ya. 

***

"My God! I hate you Steph! Why we are here? This is unclassy!" she said with
irritation. Kanina pa s'ya bwisit na bwisit sa bestfriend n'ya. Meet Princess Trish
Lua, ang babaeng walang sinasanto. 

"Like omg! Elite 5 is here bestfriend! We should sign up there ohh! Plith! Plith!"
parang isang nagmamakaawang bata ang kaharap n'ya. Inirapan lang 'to ni Trish.

"Huwag ka ngang gumanyan. Feeling mo gaganda at magiging cute ka sa kakaganyan mo?


Push mo! Mukha kang tanga!" balewalang sagot ni Trish sa pakiusap nito. Pero hindi
pa din nagpatinag si Steph.

Meet Stephanie "Steph" Montecarla, ang dakilang bestfriend. Best friend sila since
grade school. Isang aksidente lang ang pagiging magkaibigan nila.
"Ang hard mo bestfriend! After ng meet and greet. Uuwi na talaga tayo. Pramith!
Pramith!" itinaas pa nito ang kanang kamay. Wala ng nagawa si Trish kung hindi
pagbigyan ang kaibigan. Hindi n'ya alam kung paano sila napunta dito. Ang akala
n'ya lang kasi ay mamimili lang sila ng gamit at libro sa isang bookstore, pero iba
ang nangyari. Bumagsak sila sa isang mallshow. 

"OMG! 'Yan bestfriend! Nakapagsign up na tayo!" masayang sabi ni Steph. Biglang


napataas ng todo ang kilay ni Trish sa narinig. "What do you mean by tayo?" tanong
nito. Nasindak si Steph at napaatras sa takot. Isang demonyong kaibigan ang nasa
harap n'ya ngayon. Tila lalamunin s'ya nito sa talas ng kan'yang mga mata. 

"O-oo. T-tayo? Us! Diba? Hihihi! Mag-eenjoy ka for sure!" tumawang pilit si Steph.
Sa loob loob n'ya ay natatakot na s'ya. "K. Anong oras ba 'to matatapos?" tanong
nito. 

"Mga 7 siguro? Hihi!" 

Biglang nagsalita ang isang gay announcer sa stage, "Okay. Bubunot po tayo ng isang
lucky girl na makakaharap at mahaharana ng mga gwapong miyembro ng Elite 5!" isang
nakakabinging sigawan ang bumalot sa mall. Napatakip naman ng tenga si Trish.

Unang una, dahil wala s'yang paki.

Pangalawa, wala s'yang paki.

At pangatlo, wala s'ya talagang paki.

"No other than..." tumutugtog ang mga tunog ng drums na nanggagaling sa malalaking
speaker, "Princess Trish Lua!" isang nakakabinging announce ng emcee. Naglingunan
naman ang mga fangirls sa gawi nilang magbestfriend. Dahil sumigaw lang naman si
Steph ng, "Bestfriend ko yan! Bestfriend ko yan!" 

Si Trish ang nabunot ng announcer at doon na s'ya tinulak ng bestfriend n'ya


papuntang stage. Maraming mga mata ang naiinggit at nang-iirap sa kanya ngayon.
Napairap na lang s'ya. 

Umupo s'ya sa isang monoblock chair at doon na nagsimula tumugtog ang "Little
Things ng One Direction."  

Lumabas si Carl na dala dala ang rose, sinundan ito ni Kurt, at ni Dominique. Isang
malakas na tilian ang narinig. Hindi alam ni Trish ang nangyayari. Una sa lahat,
hindi n'ya kilala ang mga lalaking nasa harap n'ya ngayon at wala s'yang balak
kilalanin sila.

Sinundan ito ni Russel, na-medyo nastarstruck si Trish sa nakita. Pero nakuha n'ya
pa din itong bigyan ng isang sarcastic na ngiti. Feeling gwapo sa isip nya. 

At ang huli, si Terrence Andrew Sy. 

Itinayo s'ya ni Terrence sa kinauupuan n'ya. Inilagay ng binata ang kamay ng dalaga
sa malalapad nitong braso. Naka-lapel lang si Terrence kaya nailagay n'ya ang kamay
n'ya sa dalawang bewang ng dalaga. Isang nakakabinging sigawan ang narinig.

Habang papalapit ng papalapit na matapos ang kanta. Mas lumalapit ang mukha ni
Terrence kay Trish. Kasama kasi sa production number nila ang ganoong 'act' ang
magpakilig. 

Hanggang sa . . . 

PAK!

Isang masakit, mahapdin at nakabibinging sampal ang natanggap ni Terrence kay


Trish. Hinalikan kasi s'ya nito malapit sa lips. Pero sa cheeks lang naman talaga
tumama. . .

Isang "boo!" ang umalingawngaw sa buong crowd. Mga nanlilisik na mata ang humabol
sa kanila. Agad nilang nilisan ang lugar na 'yon. 

Takot. Takot ang naramdaman ni Trish. Dinala s'ya ng mga paa n'ya sa ibaba ng
stage. Agad n'yang hinatak ang bestfriend n'ya papalabas ng mall. Hindi n'ya
sinasadya na sampalin si Terrence, talagang nagulat lang s'ya at ayun nga,
lumanding sa mukha nito ang malakas at malutong na sampal.

"You'll pay for this.." inis na sabi ni Terrence habang tinitingnan ang babaeng
sumampal sa kan'ya. 

******

Hi guys, can you do me a favor? Please like my page on facebook, just click the
external link! 

=================

Chapter 2 - Scholarship

Terrence on the side --> 

***
Chapter 2 - Scholarship

Trish

Grabe ba ang ginawa ko? I didn't mean to do that to him. Nabigla lang talaga ako!
Mang-halik ba naman? Eh hindi ko nga s'ya kilala. Tanging name n'ya lang ang alam
ko "Terrence" 'yun lang. Tsaka hindi ko naman ginusto na pumunta sa mallshow. Ew!
Ayaw ko maging kawawa habang nakikipagsiksikan. Ewan ko ba dito sa best friend ko
kung bakit naging hobby ang pagfafangirl.

Bumaba na ako kaagad ng stage at hinila ako papalabas ni Steph.

"Uyy girl! Bakit mo naman sinampal si baby Terrence?" tanong n'ya sa akin.

"Manyak kasi! I-kiss ba naman ako?! The hell!" sabay pinunasan ko yung cheeks ko na
kiniss nya. Grabe! Nakakadiri lang!

"Sira ka! Kung ako 'yun, tuwang tuwa na ako! 'Yan tuloy bubugbugin tayo!" sabi n'ya
sa akin.

"Sorry na! Bilisan mo nga!" sabi ko sa kan'ya.

Umuulan ng mga bote ng mineral water. Tissue paper at kung anu ano pa. Buti pala
mabilis kami at maagap kung hindi bugbog talaga ako. Omg! Bakit kasi napakatapang
ko eh?!

Siraulo ka talaga Trish, bakit mo naman kasi sinampal yung sikat na yun? Hay nako!
Jusko ang shunga shunga mo. Kawawa ka na naman nyan.

-____-

***

One week na ang nakakalipas..

One week na din akong nababash ng mga fangirls nya. 

Kawawa naman ang magandang image ko sa aking university! 

LIKE D-U-H! Ang hirap pumasok sa university na 'to, Guzman University!

Pagmamay-ari sila ng  pinakamayamang negosyante sa Pilipinas. Kaya dream come true


ang makapasok dito. Sino pa ba ang aasahan ko? Kung hindi ang sarili ko at ang utak
ko. Oo, tama kayo. I'm a scholar. 

Puhunan ko ang utak ko sa success. Ansabe? Hahaha!

So ayun nga, scholar nila ako. Tanging mayayaman. I mean, mostly mayayaman ang nag-
eenroll dito. Swerte ko nga kasi, kahit si Papa na lang ang kasama ko sa bahay.
Nakapag-aral pa din ako. Yup, dalawa na lang kami ni Papa sa bahay.

Aside from that, nalugi ang kompanya namin. Kamusta naman yun? 

So from rich we became poor. 

Hindi naman yung mahirap na mahirap yung saktuhan lang. May pambaon din naman ako
kaso you know, laki sa yaman. Kaya ang hirap mag-adjust. Kasi naman bakit nalugi pa
yung kompanya namin kung doon mag-ccollege na ako. Kaya ngayon, pinagtitiisan kong
mag maintain ng grades ko. Pangarap kasi ni Papa na dito ako magtapos. 

Medyo napahaba na ang litanya ko. 

Nandito ako ngayon sa gate ng school. Tsusyal! 

De-swipe lang ang ID namin. 

Kamusta naman itong skirt ko na above the knee? Shit! Tsaka one more thing may coat
pa 'kong suot. Ang init sa Pilipinas diba? Tapos gan'to? Never mind, naka-aircon
naman mamaya sa classroom.

"OUCH!" sigaw ko. May isang pusang gala na lalaki lang naman ang nakabunggo sa
akin. 

Syempre, Ako pa ba? 

Like D-U-H! Kung yung Terrence nga na yun, natarayan ko. Eto pa kaya?

"Ang laki ng daan Mister!" pahayag ko. Nakita ko naman na nagsalubong ang kilay
n'ya at nag-smirk.

"Kasalanan ko bang nakaharang ka jan?" sabi nito. Naisarado ko ang mga kamay ko sa
sobrang inis ko sa sinabi n'ya. Para bang sinasabi n'ya na ako pa ang may
kasalanan.

Exhale.Inhale.Exhale.Inhale
Kailangan kong pakamalmahin ang sarili ko. Baka samain s'ya sa akin.

"So ako pa ngayon ang may kasalanan?! Huh?!" pagmamataray ko sa kanya. Aba!
Nakashades pa ang mokong!

Umagang umaga, nakashades? Ew baka may sore eyes!

"Oo, you are so stupid! Haharang harang ka jan sa daan" sabi n'ya. Kaya naman
lalong uminit ang ulo ko. 

"Imbis na mag sorry ka, ikaw pa ang may ganang magalit? Are you stupid? Ikaw ang
nakabunggo sa akin! Bwisit na 'to!" sabay hampas ko sa kan'ya ng isa kong libro sa
braso n'ya. Kung meron akong ditong heels na sapatos, baka ayun ang hinampas ko sa
kan'ya. Para mawala ang kayabangan n'ya at mawala na s'ya sa mundo.

"Tatanga tanga ka kasi! Bakit nga ba ako nag-aaksaya sa walang kwenta na babae na
katulad mo! Ang sakit mo sa tenga!" sabay nagtakip pa s'ya ng tenga. Aba! Huminga
muna ako ng malalim bago ako magsalita.

"Ang kapal mo Mister! Madapa ka sana!" sigaw ko sa kan'ya at nag walk-out na ko.
Lunes na lunes. Umpisa ng klase guys! Umpisa ng second semester! May nangbabadtrip
na naman sa kagandahan ko. Psh!

"Terrence will study here?! Pakipatawag ang medic! Mahihimatay ako sa tingin ko!" 

"Kya~! Terrence Sy mag-aaral dito?! Pakipatawag ang funeraria at mamatay na yung


mga katabi ko!"

"I can't breathe.." humawak pa 'to sa dibdib n'ya, "Nalaglag na ata ang bra ko.
Pakitaas naman girl!"

"Huwag feeling! Talagang lalaglag yung bra mo! Wala namang kapitan!" napatawa ako
sa pambabara ng isang babae sa kaibigan n'ya.

"He is so near! Gosh! Paautograph naman idol slash husband ko!" 

Nairinig ko pa lang yung pangalan nya, sumasakit na ang tenga ko. 

Hindi naman ako interesado sa narinig ko, lumingon pa din ako sa likod ko.

And right there, "Shit!" I mouthed.

"This can't be Trish, s'ya yung nakabunggo ko kanina?!" 


"Kyaa~ Baka ipabugbog n'ya ako sa mga fangirls nya!" Kaya naman binilisan ko yung
paglalakad ko at nakarating na ako sa designated room ko. 

"Miss, you are twenty minutes late! Detention after your class! What's your name
miss?" ini-scan ako ng teacher na nasa harap ko. Maganda ako kaya naman buong puso
akong sumagot sa katanungan n'ya.

"Princess Trish Lua."  simple kong sagot sa teacher na may hawak na mahabang stick.
Nakapusod pa ang buhok n'ya at nakared lipstick. Nakakatakot ang itsura n'ya. Para
s'yang reincarnation ng mga striktong teacher sa medieval era. Yung isang maling
galaw mo ay hahatawin ka ng latigo.

"Miss Lua, the dean of this college wants to talk with you." Wala naman akong
nagawang mali. Diba? WALA NAMAN DIBA?!

OMG! BAKA TANGGALIN ANG SCHOLARSHIP KO! NO WAY! 

Kapag nangyari 'yon, babagsak ako as waitress sa isang super cheap na fast food
chain. Tapos hindi ko kakayanin ang trabaho at matatanggal ako. Kapag nangyari 'yun
ay wala akong pera. Kapag wala akong pera ay magugutom ako. Pagkatapos..pagkatapos!
Mamatay ako!

Nabalik ako sa katinuan ko noong nag-snap ng fingers yung teacher na nasa harap ng
mukha ko.

"Ma'am, why did she like to meet me?" tanong ko naman. Englishera kasi ako minsan,
kasi nga diba from rich to poor. Oo, 'pag mayaman nag-eenglish. Huwag mo na sa akin
ipaexplain ang koneksyon ng sinabi ko. Maganda kasi ako..

"I dont know Ms. Lua. Please do it faster. It's about your scholarship!" sabi nya
naman.

Kaya naman nag-palpitate ng matindi ang puso ko!

Bakit ba ang malas malas ko ngayon? Bwisit na 'yan! Unang una, nabunggo ko yung
bwisit na lalaki na 'yun. Pangalawa, detention. Pangatlo, dean's office. Wala na
bang susunod pa sa kamalasan ko? Baka meron pa, paki-advance na Lord.

Kaya naman kahit na kinakabahan ako. Dinala ako ng mga paa ko sa harap ng pinto ni
Dean. 

Bubuksan ko na yung door knob. 

"Hala ka trish! Ang bad mo kasi! " sabi ng konsensya ko.


"Heh! Di naman ako bad! Bwisit! Mahirap bang maging over protective sa sarili?"
sagot ko sa kan'ya. Oo, literal na nababaliw na ako at least magandang baliw.

*eccck!* 

Wag ka! Tunog 'yan ng pinto, binuksan ko na kasi.

"Good morning Ms. Lua! Come and please occupy a seat." bati sa akin ni Dean
Albarda. 

"Good morning po!" sabi ko naman. 

"I'll make this straight. This is all about your scholarship. We found out na
masyado ka ng harsh sa mga school mates mo. At maraming nakakapagreport sa akin.
Especially...last week."

Naging bad ako last week. Duh! Paano naman kasi laging may nanghaharang sa akin at
paulit-ulit nilang pinapamukha sa akin yung pagsampal ko sa panget na 'yun.

"Ma'am, I was just defending myself. Lagi po nila akong inaaway." and that started
nung nasampal ko si Terrence, live on national television. Huhu televise pala 'yung
mallshow na 'yun..

"Ma'am, sorry po. Gagawin ko po ang lahat maibalik lang yung scholarship ko."
pagmamakaawa ko sa kan'ya. 

"Actually, may nahanap na kaming solusyon.." Bigla na lang kumislap ang mga mata
ko. Taray! Kumislap talaga 'noh?

"What is it po?" tanong ko naman. 

Inhale

Exhale

"You will be the tutor of Mr. Sy." sabi pa n'ya. Para naman akong may naalala sa
apelyido n'ya kaya naman buong puso akong nagtanong.

"Sure po Ma'am! Ano po bang full name n'ya?" tanong ko naman. Jusko, kung ito lang
ang solusyon! Go lang!

"You'll tutor Mr. Terrence Andrew Sy." and right after I heard that ugly  name.
Nag-collapse ako at nawalan ng malay. Pero s'yempre joke lang 'yon. Hindi
nahihimatay ang mga magaganda sa sitwasyong ganito.

"WHAT?! SERIOUSLY PO?! YUNG TERRENCE NA YUN?!" hindi naman halata na nagulat ako sa
reaksyon ko.

"Hey, is she is my tutor?" narinig ko ang boses ng isang lalaki na nakatayo sa


pinto. Biglang lumakas ang hangin at tinangay ang dean's office sa Pasig River.

"IKAW?!" nanlalaki pa ang mata n'ya at kulang na lang ay lumaglag ang panga n'ya sa
kagandahan ko.

"IKAW?!" panggagaya ko.

"Mr. Sy kindly meet Ms. Lua...your personal tutor." 

——-

Palike po ng MFMMB or click the external link:  https://www.facebook.com/MFMMB

Don't forget to vote and comment!  

=================

Chapter 3 - Princess

Chapter Three

Trish

"Best! Anyare? Bakit gan'yan ang mukha mo? Hindi ko maexplain eh!" sabi ni Steph.
Nandito kami ngayong dalawa sa cafeteria at lunch break namin. Para akong
pinagsakluban ng langit, ng dagat, ng bundok, ng bulkan at kung ano pang bagay na
p'wedeng ibagsak sa akin.

"Best! Patay na talaga ako. Bakit ang malas malas ko ngayon? First day na first day
eh.." kanina pa ko nababadtrip. Dala siguro ng mga nangyari kanina. Hays!

"What happened ba? OA mo huh? First day pa lang stress agad?!" pahayag n'ya at
hindi s'ya makapaniwala. 
"Oo best.. nakakastress ang araw na 'to.." sabi ko sa kan'ya. Naiisip ko pa rin ang
deal ni Dean Albarda sa akin.

"Ano ba kasing nangyari? Kumain ka nga..mangangayayat ka n'yan.." sabi n'ya sa akin


at binuksan ang balot ng burger ko. Wala akong ganang kumain, kaya burger lang.

"Nakakapanibago ka best.. ang lakas mo kayang lumamon. Bakit burger lang 'yan?"
nag-aalalang tanong n'ya sa akin. 

"Eh kasi naman best.. wag kang maingay? Promise?" tapos tinaas ko yung right hand
ko para mag-pinky swear kami. Kinabit n'ya naman yung mga pinky fingers namin at
sinabing "Promise best.."

So ayun, wala akong malabasan ng frustation ko. Tutal may best friend ako ay sa
kan'ya ko na lang sasabihin. Kahit may saltik sa ulo 'yung isang 'to ay
mapapagkatiwalaan ko naman s'ya. 

"Alam mo ba.. late ako ng twenty minutes? Huhuhu.. First subject pa!" daing ko
kaagad sa kan'ya. Binigyan n'ya naman ako ng bored na look at tinaasan n'ya pa ako
ng kilay.

"Sus! Yaan mo na best.. Yun lang pala eh!" baliw talaga yung babae na 'to. Scholar
kaya ako kaya napakahalaga nun. First impression lasts nga diba?

"Gaga! On my part, that was not okay.. You know best, I am scholar.." paliwanag ko
sa kan'ya.

"Oo nga noh best? Haha! Sorry naman.. O' s'ya kumain ka pa.. 'yun lang ang reason
kung bakit gan'yan ka?" sabay subo n'ya ng chicken fillet na isinawsaw sa gravy.

"Meron pa best.. malas kasi ako ngayong araw." sabi ko. Uminom muna ako ng iced tea
bago ako ulit nagsalita.

"Detention ako after ng class.. saya di'ba?" nag form yung lips ko into a bitter
smile. Ginanahan naman s'ya at na-amaze sa binalita ko sa kan'ya. 

"At least, maeexperience mo na madetention best. Masaya yan! Suki ako jan eh!
Haha!" tumawa pa s'ya. Alam n'yo kasi si Steph, laging nasa detention yan! Madalas.
Lagi kasing late 'yan at kung anu anong kagagahan ang ginagawa sa buhay. 

"Sira ka talaga! Sira na nga ang reputasyon ko last week. Ngayon pa din ba?"

"Oh I remember something best.. nandito na pala si Terrence Sy! Oh my gosh best!
Kyaaaa~~! Engineering s'ya best like you! Ohmygahd!" batukan ko kaya 'to? Kinilig
pa sa harap ko. Ang panget panget ng bias n'ya. Hindi ba s'ya nasusuka sa
pagmumukha n'un? 

"Umayos ka nga Stephanie! Pinagtitinginan tayo! Nakakahiya ka!" komento ko


kabaliwan n'ya. Umayos naman s'ya ng upo.

"Eh kasi naman best.. akalain mo 'yun? Dito s'ya nag enroll? Sa bagay, pang sosyal
ang Guzman University!" nag spark pa yung mga mata n'ya.

"Best..." tawag ko sa kan'ya. Naubos n'ya na pala yung pagkain n'ya. At ako ay
hindi pa.

"Bakit best? Another problem?" tanong n'ya sa akin. Tumango naman ako.

"Meron pa? Shocks best! Game na.." Uminom ako ulit ng iced tea tsaka water na din.

"Muntik na mawala scholarship ko.." saad ko sa kan'ya.

"WHAT?! WHY?! Hindi pwede yan! Ihihingi kita ng pera kay daddy!" tumayo s'ya sa
kinauupuan n'ya at akmang susugod sa isang nuclear war. 

Expected, 'eto na naman ang reaction n'ya. Knowing, my best friend. Hindi n'ya ako
papabayaan. Noong sinabi ko sa kan'ya na nalugi ang kompanya namin. Hindi n'ya
matanggap. Lalo na nung nag-offer s'ya na hihingi daw s'ya ng pera para pang
tuition ko dito sa G.U. Kaso sabi ko, huwag na lang. At first, hindi naman ako
responsibility n'ya/daddy n'ya. Kaya ayun, nag apply ako bilang scholar. Pumasok
naman sa awa ng D'yos. I'm bright eh!

"Muntik nga lang best. Wag OA! Nasolusyunan naman. Don't worry!" nag peace sign pa
ko sa kan'ya. Kumunot naman 'yung noo n'ya.

"What kind of solution?" tanong n'ya. Should I say it to her? Baka mag
hyperventilate bigla 'to, crush n'ya pa naman 'yung tuturuan ko. Let me rephrase
it, patay na patay pa naman s'ya sa tuturuan ko. Ano bang nakita n'ya dun? Pare-
pareho lang naman kaming tao! Tsk! 

"Huwag mo ipagkakalat 'to? Bawal magreact nang exagg? Bawal sumigaw o tumili?"
kailangan ko munang siguraduhin. Hyper pa naman 'to.

"Go spill it out!" excited n'yang sabi. Tsismosa talaga. Tss!

"Bawal tumili! Bwiset ka! Promise muna? Babalatan kita ng buhay!" pagbabanta ko sa
kan'ya.

"Oo na! Behave ako! Promise! Promise talaga!" itinaas n'ya pa yung kamay n'ya na
parang nangangako.
"Okay.." sabi ko at nag-umpisa na akong magkwento. Kinuwento ko sa ka'nya ang
napag-usapan namin sa dean's office. Mula sa pinirmahan kong mga papel. Mga terms
and conditions at samu't saring kaartehan nila.

"Best, sinong Mr. Sy? As in Terrence? Terrence Sy of Elite 5? S'ya ba best?" tanong
n'ya sa akin. As an aswer, tumango na lang ako.

"Kyaaaa~!" sumigaw s'ya pero walang boses! "Aww best!" binatukan ko nga. Mukang
tanga eh!

"Napaano ka?" tinaasan ko s'ya ng kilay. 

"Sabi mo bawal tumili? So gan'yan ginawa ko. Okay ba?" painosente n'yang sabi. 

"Ow okay, para ka lang tanga.."

"Best ang mean mo sa akin!" hinampas nya pa ako.

"Just stating the obvious. See ya later, may klase na 'ko" paalam ko sa kan'ya.
Baka malate na naman ako eh. Mahirap na diba?

"Ok best! See you mamaya!" nag-wave s'ya ng kamay sa akin, sabay kindat. 

"What? May detention slip ako. Huwag mo na ako hintayin.."

"Basta see you!" nag wave s'ya sa akin. Inirapan ko lang s'ya. Nagpunta na ako sa
Physics class ko. Habang naglalakad papunta sa room 309. Third Floor. Bwisit
talaga! Elevator na nga lang ako. Katamad maghadanan eh.

Lakad..Lakad..Lakad. .  .

"Ay ano ba yan!" sigaw ko. For the second time, nalaglag na naman ang mga books ko.
Nabunggo na naman ako. Kung hindi ka nga naman minamalas, lahat na lang nabubunggo
ko? Ano na ang susunod na bubunggo sa akin? Kotse? Truck? Tricycle? Bwisit talaga! 

"Sorry Miss!" sabi n'ya. Tuloy pa din ako sa pagpulot sa apat kong libro. Genius ko
noh? But wait. . Tinutulungan n'ya ako magpulot ng mga nalaglag kong libro. Nag-
angat ako ng tingin sa kan'ya. 

"Hey! I can manage.." sita ko sa kanya. Pero para wala s'yang narinig at inabot sa
akin yung mga libro ko.
"Sorry miss.." malumanay ang boses n'ya. 

"Anong magagawa ng sorry mo? Nangyari na!" sigaw ko sa kan'ya. Ayaw ko naman maging
rude pero nakakainis pa din. Sinabi ko ng, kaya ko eh. Nag-iinarte pa, nakakainis
ba! 

"Woa! Sorry miss...chill lang!" itinaas n'ya ang kamay n'ya at parang
sumusurrender. Wait highway! He looks familiar. Parang nakita ko na s'ya somewhere.

"K. Whatever!" sabay flip ko ng hair ko. Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at


nagsimula na akong maglakad papuntang elevator. Nakakathree steps pa lang ako ng
tinawag n'ya ako ulit..

"Miss!" sigaw n'ya. Napalingon naman ako.

"Problema mo?" tanong ko sa kan'ya habang itinaas ang mga well curved kong kilay.

"Favor naman?" sabi n'ya with his eyes pleading. Ew! Pacute ka koya? Infairness,
mukang tao naman si kuya. Ngayon ko lang napansin ang chinito n'yang mata, ang
matangos na ilong, ang naka-wax n'yang buhok at ang isang oh so yummy na red lips. 

"Seriously? I didn't know you tapos favor agad? Feeling close?" tinaasan ko s'ya ng
kilay at naningkit to the infinity level ang mga kilay ko.

"Sungit mo naman miss. Pwede bang magtanong?" 

"Nagtatanong ka na diba?" pagmamataray ko sa kan'ya. Hays, mga tao ngayon..hindi mo


alam kung shunga lang talaga o inborn ang pagkashunga.

"Ah oo nga noh? Hindi ko naisip yun.." napakamot s'ya sa likod ng ulo n'ya. Ew,
what a weirdo!

"May isip ka ba?" matawa tawa kong sabi. Nakunot naman 'yung noo n'ya.

"Sungit talaga. Miss, saan ba ang room 309? Naliligaw kasi ako. May 309 din kasi sa
kabilang building. Tapos may 309 din sa kabila. Kanina pa ko nahihilo. Di ko
mahanap.." naawa naman ako sa kan'ya. Ang init kaya ng suot namin, may coat s'ya.
Nakatie at long sleeves at gray pants.

"Ow? May I see your sched?" sabi ko sa kan'ya. 309? Hindi kaya? May kinuha naman
s'ya sa bag nya. Infairness, branded ang bag. Mukang mamahalin. May taste to and I
like that! Muk'a naman s'yang mabait, sadyang hot tempered lang talaga ako. After a
minute, binigay n'ya sa akin 'yung sched n'ya.

"Follow me.." maikling sabi ko at pumunta kami sa harap ng elevator. Pumasok kami
agad.. na kaming dalawa lang. Awkward! Dahil maganda ako, hindi pa rin ako
naconscious. Trish Lua? Magiging awkward? Hell no!

"Hoy kuya, engineering ka din pala?" tanong ko. Actually, alam ko na engineering
s'ya. Pang engineering yung uniform, e.

"Yeah!" walang ganang sagot n'ya. Tumingin s'ya sa wrist watch n'ya at ibinalik ang
tingin sa mga numbers sa gilid ng elevator. 

"Transferee?" tanong ko. Feeling close na ata ako? Shocks lang!

"Yeah.. seriously, hindi mo ko kilala?" tanong n'ya. Nakunot naman yung noo ko.
Anong pinagsasabi nito. Nahagip naman ng mata ko 'yung ID n'ya.

"Based on your ID, Russel Liam Ong ang name mo."  sabi ko sa kan'ya ng pagkasimple
simple.

"Ahhh.." 'yun lang ang response n'ya at ngumiti s'ya. Ang creepy naman nito! Sakto
naman bumukas 'yung elevator. As usual, yung mga boys na glued na yung mata sa
akin. Whatever! And yung mga girls, wait?

Bulong sila ng bulong? Tumitili pa 'yung iba sa kasama kong lalake? Nag wave naman
sa kanila ng kamay si Russel. Oh come on! Chick magnet pala 'yung kasama ko.

"We're here. Pasok na tayo?" sabi ko sa kan'ya.

"Did you mean? Tayo? Edi kaklase kita?" isa na naman nakakatangang tanong n'ya. 

"Obvious ba?" instant na tumaas 'yung kilay ko. Hay nako, napaka-slow poke naman
nito. May itsura sana eh kaso may pagkashunga minsan. 

"Sungit talaga! Haha! Sige na tara pasok na tayo!" masiglang sabi n'ya. Ang sarap
sa pandinig ng tawa n'ya. Wala lang, na-amaze lang talaga ako sa lutong ng tawa
n'ya. Parang chicharon ni manong juan!  Pumasok na mga kami sa loob. Kung hindi nyo
alam, janitress ako. Joke lang!

Course ko? Civil Engineering. Pareho kami ni kuya, kuya Russel. Taray, may instant
kuya ako. Pumunta naman ako sa favorite spot ko. Sa unahan but sad to say. May
letcheng nag occupy ng bangko ko. Wala kasing seating plan kaya ganun. Unahan lang.

Medyo, badtrip pa din ako. Kaya 'di ko na icoconfront yung poncio pilato na 'yun.
Sa last row na lang ang vacant. Kasunod ko pa din si Rusell. Feeling close ako!
Omfg lang!

"OMG! IS THAT RUSSEL ONG?"


"CLASSMATE NATIN S'YA?"

"WOA! ELITE 5 IS INVADING OUR UNIVERSIRTY!"

"PA-AUTOGRAPH RUSELL!"

Nagwave lang naman sa kanila si Rusell. What? Naguguluhan ako? Are they talking sa
kasama kong guy ngayon? Elite 5 din s'ya? Wait, kaya pala. . . .kaya pala andaming
bumabati sa kanya.

"Bakit mo 'ko sinusundan?" tanong ko sa kan'ya.

"Wala naman akong kakilala dito. Gusto ko tabi tayo.." nag-smile na naman s'ya. 

"K. Corny mo. Para ka namang mawawala dito.." sabi ko sa kan'ya. Shunga lang talaga
yung mga naliligaw, kagaya n'ya. Hahaha!  No choice, sa likod kaming dalawa.
Magkatabi kami.

~cruccckkkk~

Sound effect ng pagkulo ng t'yan 'yan. 

"Omg! What's that?" tanong ko sa kanya. Napakamot lang s'ya sa batok n'ya. At
parang nahihiyang tumingin sa akin. Nahihiya ba s'ya? Namumula eh, ow so cut—gross!

"Ah..eh..'di pa ko naglulunch.. He-he!" seriously? 1pm na ngayon. "Di pa din ako


nagbbreakfast.." naawa naman ako agad.

"Seriously? Why?" 

"I got lost diba?" napatango tango na lang ako. Kahit ganito naman ako kataray,
mabait naman ako. Kaya binuksan ko ang bag ko at may kinuha ako para kumalma ang
mga lamang loob n'ya. 

"Oh.. kain ka na.." sabi ko sa kan'ya. Sabay abot ko ng burger na tinake-out ko at


bottled water.

"Ay wag na nakakahiya" sabi n'ya pa.

"I insist! Kuhanin mo na nga! Arte arte!" nagbalik na naman ang pagmamaldita ko.
"Sungit. Pero thanks. What's your name then?" tanong n'ya.

"Princess Trish Lua. That's my full name. But Trish na lang. Corny ng Princess eh."
sabi ko sa kan'ya.

"Ah. I'd like calling you Princess. Para pag may tumawag na Princess sa'yo alam mo
na kung sino." sabay kagat n'ya sa burger. Why is he so cute? Erase! Ang bait n'ya
pa compare sa Terrence na yun.

"Whatever. So Liam na tawag ko sa'yo? So we are the same?" tanong ko sa kan'ya.


Masyado nang polluted ang Russell. Kaya Liam na lang! 

"Sure. Ikaw pa lang tatawag n'yan sa akin bukod sa mom, dad at little sister ko.
They kept calling me Rusell or Russ for short.  Seriously 'di mo ko kilala? May TV
ba kayo?" seryoso n'yang tanong.

"Anong akala mo sa akin? Taong bundok? Hindi kita kilala eh. Hindi ako mahilig sa
mga boy group na 'yan. Tsaka mas gusto ko pang magbasa.." sagot ko sa kan'ya.

"So 'di mo kilala yung grupo ko? Yung Elite 5?" tanong n'ya. Napangalahati na n'ya
yung burger.

"Kilala naman. Actually, nabubwisit ako sa grupo nyo. Lalo na sa Terrence na 'yun!
Kainis! Nasampal ko tuloy s'ya nung kiniss n'ya ko sa cheeks. Nung mallshow ba
tawag dun? Ew! Kairita s'ya!" sabi ko sa kan'ya. To my surprise, tumawa lang s'ya
at huminto sa pagkain.

"So ikaw yung babae na 'yun? Napatawa mo ko dun! Natuwa ako sayo kesa mainis!
Hahaha! Si Terrence yung bestfriend ko sa grupo kaya alam ko na bwisit na bwisit
s'ya nung araw na 'yun. Hahaha! I should know you more Princess.."

"Pagkatuwaan ba naman ako? Nga pala, mas may nakakainis pa.."

"Ano naman 'yun?"

Crap! Biglang dumating yung prof namin. So bahala muna si Liam sa buhay n'ya.
Makikinig ako sa professor.

***

Halos trenta minutos na ang nakakalipas at automatic na inaantok ang utak ko. Ang
boring ng atmosphere! 

"Boring naman. Introduction pang nalalaman..." bulong ko.


"Hot headed ka na naman princess." bulong sa akin ni Liam. Kaya naman nirelax ko
yung sarili ko.

"Mr. Ong! It's your turn.." sabi ng professor naming babae. Nagspark pa 'yung mata
n'ya nung tumayo si Liam sa upuan n'ya. Parang slow motion ang paglalakad, lahat
ata ng tingin ng buong klase nasa kan'ya. Napagmasdan ko na din 'yung mukha n'ya.
Well built, makinis, flawless, walang acne burns. Maganda ang mata. Pinkish ang
lips. Tama na 'to, nakakarami na ang compliment n'ya sa akin. Kinikilabutan na ako
sa pinagsasabi ko.

"Hi! I'm Russell Ong. I'm a transferee here, I hope that we can all be
friends!" tapos nag bow s'ya ng head n'ya. Parang Japanese lang? Hehe! As usual,
nagpalakpakan ng bongga 'yung klase. Lalo na ang mga bwiset kong kaklase na babae.
Lalandot!

"Friends daw? Magiging friends na natin si Rusell?!" Asa ka pa. 

"Pa-autograph Idol!"  seriously? May fanboy s'ya? Not my business.

"Okay ba speech ko?" nag wiggle pa 'yung eyebrows n'ya

"Walang kwenta. Masyado kang mabait" sabi ko sa kan'ya.

"Silly!" sabi n'ya, ginulo n'ya ang buhok ko at umupo na s'ya sa upuan n'ya. Inis
naman akong tiningnan s'ya, ang hirap kaya magsuklay at mag-ayos ng buhok! 

"Very well said Mr. Ong!"  napapalakpak pa si professor. May hidden desire ang peg?
Anong very well said doon? Eh wala ngang kwenta ang sinabi n'ya?! Kakabagot naman.
Ang tagal naman ng turn ko.

"Ms. Lua. Your turn!" tawag n'ya sa akin. Unlike Liam, nag-iba ang aura n:ya.
Serious mode s'ya ngayon pero kanina tinalo pa ang fireworks sa sobrang kinang ng
mata n'ya. Naglakad ako ng may poise papunta sa harapan. Para kasing may mini stage
sa harap.

"Trish Lua. Bye!" sabi ko. Chin-up akong naglakad pabalik sa upuan ko. Bawal
yumuko, nakakapangit.

"That's so rude and she's stupid to say that boring introduction! " sabi ng isa
kong kaklase. Huminto ako sa paglalakad ko. Parang nagpantig ang tenga ko sa
narinig ko. Kaya naman bumalik ako sa harapan and let the show begin..

"First of all, we are all here to reach the zenith of our goals. To be dexterous
professionals someday. If you're not contented with my introduction a while ago.
Well, I can give you a brief description about me. I love Math and Science, my
favorite colour were pink and blue. Lastly, I'm not stupid. I'm Princess Trish Lua,
I'm a scholar here in Guzman University. Based on my general weighted average, rank
one on engineering. Take note, that's overall. Well, that would be all, I hope we
can all be friends. Good day!" I show my warmest smile yet sarcastic.Sabay naglakad
pabalik sa upuan ko sa likod. Sa tabi ni, Liam. Nabwisit lang talaga ako. Hindi ko
intesyon, magmayabang. Nainis lang talaga ako.

"Woa! She's cool!"

"Omg! She's a genius. May kaklase tayong genius at artista!" 

"I don't like her. She is arrogant!" I sit on my chair with a deep sigh.

"Hindi mo sinabi akin na ikaw pala ang rank one dito. Haha! Nakakahiya naman.
Walang wala ako sayo.." sabi ni Liam sa akin.

"Heh! Nabwisit lang ako kanina kaya nasabi ko yun. Tsaka ano ba, 'wag ka ngang
mailang sa akin. Ano ngayon kung rank one ako? Artista ka nga pero 'di ako naiilang
sayo. Kaya sana ikaw din.."

"Pakopya huh?" sabay ngumiti s'ya ng nakakaloko.

"Pag-isipan ko pa.." sabay nangalumbaba ako.

"I think we are friends na! Aren't we?" tanong n'ya. Kita mo talaga sa mukha n'ya
yung pagkamasayahin.

"I'll think of it.." sabi ko pa.

"Eh? Magkaibigan na tayo n'yan?" sabi n'ya sa akin. Sunod sunod na nag wiggle pa an
eyebrows n'ya.

"Okay. Ano pa nga ba ang magagawa ko. Ang rude ko naman kung tatanggihan kita.."
sabi ko.

"I think this section is interesting.. Goodbye class.." Palabas na s'ya ng pinto
nung bumalik sa s'ya mini stage.

"Announcement, all teachers will be having a meeting. So your next class after this
is cancelled. Goodbye!" Pinilit kong matuwa, pero hindi ako natuwa. Habang
nagsasaya 'yung buong klase. Ako eto, parang napagsakluban ng langit at lupa.

"Ba't 'di ka masaya? Wala ng klase oh.." sabi ni Liam.

"Detention ako after this. Sige una na ko.." kinuha ko na yung bag ko at pumunta sa
detention room.

To my surprise, kasunod ko na naman yung lalaking 'to, "Why you keep on following
me?" maanghang na tanong ko.

"Sa'n ba yung parking area?" Napafacepalm na lang ako.

"Doon oh!" turo ko sa kan'ya.

"Ah thanks sa lahat! Ingat ka sa pag-uwi mamaya. Hindi kita masasamahan sa


detention room, pinatawag ako ng manager ko. May recording daw. Ingat princess!"
nag wave s'ya sa akin at umalis.

"Okay" sabi ko at pumunta na ako sa detention room.

***

 "Best! Bakit ang tagal mo? Kanina pa kita hinihintay!" bumugad sa akin agad 'yung
pagmumukha ni Steph.

"Umaano ka dito?" nagpapacute pa s'ya ng mata sa akin habang malawak na ngumingiti.

"Edi gumawa ako ng kasalanan kaya nasa detention. Gusto kita kasama. Sabi ko sa'yo
kanina na magkiki—aray naman!" pinitik ko nga 'yung noo n'ya.

"Sira ka talaga.." Umupo na kami sa sahig since walang upuan. Tiles naman kaya okay
lang. Nag vibrate ng phone ko. So meaning to ay may nag-text! Kaya naman kinuha ko
agad. May nagtext na unknown number.

"Teach me now or I'll confide you. Coffee Shop near G.U. I'll give you 5 minutes."
Nag-init na lang bigla yung ulo ko sa nabasa kong text! Mukhang may plano na naman
s'yang sirain ang araw ko!

Ugh! Mapapatay talaga kita! 

=================

Chapter 4 - Detention

P. Trish Lua on the side


*****

Chapter Four

Ano ng gagawin ko? Detention ako ngayon! Paano ako lalabas dito sa detention room?
Kainis talaga 'yung monster na 'yun. Tama monster ang itatawag ko sa kanya! Isa
s'yang halimaw! Wala s'yang awa! 

Pagtingin ko sa wrist watch ko. One minute na kaagad ang nakakalipas? Shocks! He
just gave me five minutes. Naalala ko na naman yung nangyari sa Dean's Office.

"Mr. Sy meet your tutor Ms. Lua.." Yung totoo? Kanina pa 'ko nabubwisit nung
marinig ko palang 'yung name ng manyakis na yun. Isa s'yang halimaw! 

"What? Seriously po? S'ya yung tuturuan ko?" di ko makapaniwalang tanong kay Dean
Albarda. Mas tanggap ko pa kung yung mga low I.Q ang turuan ko kesa sa halimaw na
'to.

"I think. . it's fine with me Dean Albarda.. Are you sure that she can teach me
well? Well, I don't think so.."— he places his index finger on his chin —"based
from her reactions? Hmm.. I think she can't.." sabi n'ya ng pacool. Grabe, halimaw
talaga s'ya. Nakuha n'ya pa akong insultuhin sa harap pa ng mismong dean?! Di ko
'to palalampasin.

"Do you know what you're talking about Mr. Sy?" pinandilatan ko pa s'ya ng mata na
parang sinasabi ko matakot-ka-sa-tingin-ko-look. As expected, he shows his famous
smirk. This guy is really getting on my nerves! On my neurons, on my brain cells,
somatic cells, red blood cells, white blood cells and reproductiv--- Nevermind
guys.. 

"If you can't teach me. I think there's someone else out there. ." tumayo na s'ya
sa prenteng pagkakaupo n'ya sa couch. Pacool talaga? Nakakairita s'ya!

"The only way to compensate with this problem Ms. Lua is to teach him. Beside, Mr.
Sy is very kind and good looking. He is famous and for sure, you'll be honor to
teach him.."

WHAT? SERIOUSLY, FANGIRL DIN SI DEAN? I CAN'T BELIEVE NA S'YA DIN AY NANINIWALANG
MABAIT YUNG HALIMAW NA 'TO!

            Very kind?! Alam ba ni Dean ang sinasabi n'ya. Kung makatingin nga
nakakairita na eh. Mabait lang 'yan sa harap ng mga fans n'ya. Pero yung totoo,
masamang masama talaga ang ugali n'ya. Nakakainis na manyakis!
Good Looking?! I can't believe this.. por que artista? Good looking na? That's a
misconception! Hindi s'ya gwapo sa paningin ko. Isa s'yang bulate na masarap ibaon
sa lupa. Period!

Famous?!  Famous daw? Eh hindi ko nga s'ya kilala. Like hello? Famewhore kamo!

 I'll be honor to teach him?  Seriously, gusto ko ng magcollapse at tumama 'yung


ulo ko sa bato at macomatose. Never akong magiging honor na turuan s'ya.

Kung hindi lang talaga sa scholarship ko. Hindi ko 'to gagawin, "Fine Dean Albarda.
. I'm gonna teach him.."   Napangiti naman sa akin si Dean. As usual, yung halimaw
nag smirk lang na parang iniinis ako.

            "Good Ms. Lua. By the way, Mr. Sy will pay you 5k per week. Actually,
three days every week yung pasok n'ya due to his shedule. Kaya three days lang. And
If he needs an extra time, incase na kailanganin ka n'ya. Magdadagdag s'ya ng 5k.
Yung schedule nya ay WTF. Incase na kailanganin ka n'ya 'pag Monday or Tuesday,
mag-aadd s'ya ng payment.." Natawa naman ako. WTF daw yung schedule? Hahaha! What
the fudge lang! Bagay sa kanya ang sched n'ya. What the f-ck s'ya eh! I'm so witty!

"By the way, we made a contract. Just sign here Ms. Lua" inilapag ni Dean yung
papel sa harap ko. Walang imik si halimaw sa gilid. Nakaearphone lang sya.

***

I Princess Trish Lua is willing to teach Terrence Andrew Sy for about the whole
second semester.

I'm gonna teach him every Wednesday, Thursday and Friday. Because of this, I will
receive P5000.00 as a payment. And when he requested my time to teach him.. he'll
give me an additional payment of P5000.00.

 Rules, I'm going to follow:

Napataas naman yung kilay ko ng may rules pa. What the heck? Bakit may ganito pa?

Rule One:

I must teach with all my heart and all the lessons he must know. Especially, the
major subjects.

Rule Two: 

I'm gonna teach him 3 hours per day.


Rule Three: 

I must follow his request. Especially, when he requested to teach him or the other
way around.

When I don't obey the said rules, my scholarship will be gone.

Yung tototo? Ang hirap nito! Mas masarap pang magcommunity service ng isang taon
kesa turuan yung mayabang na 'to.

Signed by: Dean Jaymee Albarda

Signed by: Terrence Andrew Sy

Signed by: Princess Trish Lua

***

"Kailangan po talaga 'to?" tanong ko. Para naman kasing wala akong takas dito.
Parang dehado ako, "Yes Ms. Lua. Kindly sign that.." Nagdadalawang isip pa 'ko na
pumirma dun. Nakatingin lang ako sa letcheng papel na yun.

"Kung ayaw mong pirmahan yan.. edi huwag mo.. marami namang iba jan.. bye
scholarship.." tiningnan ko s'ya ng masama. Papatayin na lang kita sa isip ko.
Sasaksakin kita hanggang malagutan ka ng hininga!

 "Done.. When will I start?" tanong ko kay Dean. At binigay ko sa kanya yung
letcheng kontrata na yun. In short, pinirmahan ko nga yun. No choice. Isa pa,
kailangan ko ng pera. Ayaw kong maging pabigat kay Papa.

 "It depends on Mr Sy.."

***

At eto nga ang kinakatakot ko ngayon, ang basta n'ya akong ipapatawag. Badtrip
talaga yung monster na 'yun. Ngayon pa talaga, "Best.. anyare? Sino nagtext at para
kang nalugi jan?" nakalimutan ko pa lang nandito din si Steph.

"Wala. Aalis lang ako best.." and right there, gagamitin ko ang pinakabest kong
acting. Actress ata 'to. Nag-umpisa na akong mamalipit sa sakit ng puson ko
kunwari.
 "A—aray! I—It kills me... this pain aaahhhh.." para na akong tanga sa ginagawa ko
sa loob ng detention room. As expected, I get their attention. Yung facilitator
tsaka yung mga kapwa ko bilang sa detention.

"Oh my God best! What happened? Best are you okay?" hawak ni Steph 'yung kamay ko.
Pagtingin ko sa wrist watch ko, three minutes na lang. Patay na ko kay halimaw.

"Ahhhhh... ang sakit... it kills me like hell.. I wanna go home and take my
medicine.. uhhhhh!" kunwari ang sakit sakit talaga, si Steph naman ay nagpapanic
na.

"What's happening here? What happened to you Miss?" tanong sa akin ni kuyang
facilitator. 

"I can't stay here anymore. Sakit ng puson ko. Uhhhhh...a—aray!" nag-iba naman
'yung mukha ni kuya. Parang naawa sa akin.

"You can go home now. .ikaw ba ang kasama n'ya? You should accompany her." nag-nod
lang si Steph at inakay ako palabas. Nung nakita kong malayo na kami sa detention
room. Kumaripas na ako ng takbo. Shocks! Two minutes na lang! Patay na ko! Hindi ko
na nilingon si Steph na halatang galit na galit sa pag-iwan ko sa kan'ya. Sorry
Stephanie, I need to this. Baka kainin ako ng halimaw na 'yun sa galit.

Halos lumipad na ako kakatakbo. Malapit lang naman yung pesteng coffee shop na
'yun. Nasa harap lang s'ya ng school. Finally, nandito na ako sa harap ng coffee
shop. Kinakabahan ako. Ewan ko ba kung bakit basta kinakabahan ako, hindi naman ako
takot sa kan'ya. But I have this strange feeling na baka mag-evolve sa galit yung
halimaw na yun.

With my super confidence, I entered the coffee shop with my head high including my
chin. I walk with poise. Inayos ko yung buhok ko gamit ang mga daliri ko. Pagtapat
ko pa lang glass door. Pinagbuksan ako ni manong guard.

Pagkapasok ko pa lang, hinanap ko ang itim n'yang aura. Hinanap ko 'yung lalaking
nakasimangot lagi. Poker face as always. Kahit kinakabahan ako, nilibot ko 'yung
buong coffee shop. Nakita ko 'yung isang lalaking nakahood doon sa gilid.

For sure, s'ya na nga 'yun. Base pa lang sa built ng katawan, s'ya na talaga. May
bumabalot na itim na aura sa katawan nya at masama talaga ang kutob ko sa kan'ya
kaya nalaman ko na s'ya yun.

Lumapit ako sa kan'ya. Hindi n'ya napansin ang presensya ko dahil busy s'ya sa
paglalaro ng 2Push sa phone n'ya. Nagulat pa s'ya nung nakita n'ya akong nakatayo
sa tabi n'ya. Pero as usual, 'yung gulat n'ya parang wala lang. Walang emotion.
Ganun ba talaga s'ya?

Bigla naman s'yang tumingin sa high tech n'yang wristwatch, "You're 20 seconds
late." nakatingin s'ya sa akin na akala mo napakabigat na ng ginawa ko.
"Twenty seconds lang naman!" pangangatwiran ko. Napakabigdeal na ba ng ginawa ko.

"But still you're late." sabi n'ya. Umupo na din ako sa harap n'ya.

"WEH? Big deal na ba yun? Seconds lang?" saad ko. Bakit ba ganito ugali n'ya. Sa
mga fans, palangiti. Sa akin, masungit. Kung mas masungit ka, mas masungit ako.

"Who gave you permission to sit?" tinaasan n'ya pa ko ng kilay. Walang'ya ka


talaga.

"Pagmamay-ari mo? Hah?!" sagot ko ng pabalang sa kan'ya. Hindi n'ya alam ang
dinanas ko para makapunta lang dito. Dami kong kahihiyan na tinanggap sa kan'ya
simula last week. Iniwan ko pa si Steph. Kamusta naman yun? Tapos sasabihin n'ya na
bawal akong umupo dito? HUWOW LANG! Manigas s'ya pero 'di ako matitinag sa
kinauupuan ko over my beautiful body.

"Kaya kong bilhin yung buong coffee shop na 'to. Kahit ikaw kaya kong bilhin.."
sabay sipsip nya sa frappe n'ya.

"Ows talaga? Bilhin mo nga! Tsaka kung bibilhin mo ko, manigas ka! Not for sale
'to. Ganda ko naman para bilhin mo!" nag-tongue sticking out pa ko. Childish na
kung childish.

"Why are you late? Explain.." seryoso n'yang tanong. Kelan ba naman hindi s'ya
naging seryoso? Huminga muna ako ng malalim bago ako magsalita, "Kasi po nasa
detention room po ako at kinailangan ko pang mag-inarte doon para makalabas ako.
Tapos pagdating ko dito, gaganyanin mo ko. Wow lang po huh? Excuse me, halos
lumipad ako kakatakbo. Muntik na akong madapa. Bwisit 'to. Okay na po ba?" tatango
tango lang s'ya.

"Ok." walang gana n'yang sagot.

"What's up? What subject ba?" kaswal na tanong ko sa kan'ya. Nagkibit balikat lang
s'ya. Nakahood at nakashades s'ya ngayon. Disguise siguro noh? Ang hirap pala
maging sikat, para kang may sore eyes. Haha!

"Anong gagawin natin dito?" Tinuro n'ya yung mga paper bags at bag n'ya siguro
'yun. Ah oo tama, bag n'ya nga yun.

"Dalhin mo 'yan at sumunod ka sa akin..." literal napanganga ako sa kan'ya.

"Nasisiraan ka na ba ng bait? Bakit ko dadalhin 'yan? Hoy for your information,


tutor mo ako. Meaning to say kung hindi mo alam, tuturuan lang kita. Secondly, ang
ganda ganda ko naman para pagbitbitin mo n'yan. At lastly, halos magkandarapa ako
sa pagpunta dito tapos pagbibitbitin mo lang ako?"  I took a deep breath. Hindi ko
na kaya 'to.

"Pakialam ko? I said, you should pick up those things... unless..." tinuro n'ya pa
yung mga gamit n'ya.

"Unless what?" tanong ko sa kan'ya. May pabitin pang nalalaman eh! This time
napatingin na 'yung mga customers sa amin. Hindi ako gumagawa ng scene at hate na
hate ko yun. Nakakainis! 

"Rule 3.." Pilit kong inalala yung Rule 3 na sinasabi n'ya.

Rule Three:  I must follow his request. Especially, when he requested to teach him
or the other way around.

"Fine. Ang gentleman mo talaga! Bwisit!"  wala na akong nagawa at binitbit ko na


yung bag n'ya. Yung tatlong paper bags. Damit siguro yung laman nito. Aish! Muk'a
akong katulong. Nakakainis! Ganda ko naman na katulong.

***

Paglabas namin ng shop na yun. Nakita ko s'ya sa harap ng isang . . WOW! Napanganga
na lang ako! Isang tumataginting na Lamborghini Gallardo lang naman!  Amazing!
Magkano kaya yan? Ang mahal siguro n'yan.. Sa bagay, mayaman na mayaman siguro
s'ya. Hindi na ako magtataka dun. 

Sumunod naman ako sa kan'ya. Hawak hawak ko pa din yung mga pesteng gamit
n'ya. Binuksan nya yung pinto ng kotse n'ya. Pumasok na s'ya kaagad sa loob. Ako
naman ay pumunta sa kabilang pinto at binuksan ito para makapasok na din ako. 

 "Where do you think you are going?" nakataas pa yung kilay n'ya habang prenteng
nakasandal yung ulo n'ya sa headrest ng upuan nya. 

"Sasakay ako.. Baket?" tanong ko naman sa kan'ya. Nilagay ko pa sa back seat yung
gamit n'ya syempre sumakay din ako.

"Hey, huwag ka jan umupo. Baka madumihan mo pa yan at masira pa ang kotse ko. Dun
ka sa compartment!!!" sigaw n'ya sa akin.

 SERIOUSLY COMPARTMENT?

 "Ano pakiulit nga?!"sigaw ko din sa kan'ya. Nabibingi ata ako sa narinig ko.

 "Dun. Ka. Sa. Compartment." cool n'yang sabi. 


"You're kidding right?" di talaga ako makapaniwala. Sa compartment n'ya ako
papasakayin? Dahil sa baliw ako. Pinagpag ko pa yung upuan ng kotse n'ya. Lumabas
ako sa mamahalin n'yang kotse at itinaas yung compartment.

EDI SA COMPARTMENT! Hindi naman ako mahirap kausap!

"HEY STUPID!" isang nakakabinging singhal n'ya sa akin. Kaya naman nagulat talaga
ako. Kailangan talaga nasigaw? Nakunot pa yung noo n'ya at parang naiinis sa
ginagawa ko. S'ya naman yung nagrequest na dito ako sumakay. Sinusunod ko lang. 

"Ay halimaw!"  

"WHAT?! SERIOUSLY, TANGA KA BA TALAGA? JAN KA SASAKAY?!" he cussed after that.

"EH SABI MO NGA DIBA?! TANGA KA DIN! MAKATANGA KA SA AKIN! BWISET!" sigaw ko din sa
kan'ya. S'ya lang ba ang may karapatang sumigaw? S'yempre ako din! 

"Tss..stupid!" nakuha nya pang ibulong yung "stupid" eh narinig ko naman. 

"Uuwi na ko. Jan ka na nga. Kainis! Madumog ka sana!" sigaw ko sa kan'ya sabay nag-
walk out.

"Fine. If that's what you want. I'll call the Dean.." sabay nilabas n'ya yung
mamahaling phone n'ya at nag-dial na.

Nagka-heart-attack naman ako nung ginawa n'ya yun. 

"Hep hep! No way! Joke lang naman! Sa’n ba tayo pupunta?" 

"Condo." 

"Anong gagawin natin?" 

"Malamang magrereview. Tanga ka talaga..." 

"Mas tanga ka!" 

"Sumakay ka na nga.."  

"Saan?" 
"Malamang sa kotse." Sumakaya ako sa back seat.. Pero ang sama ng titig nya.

"Umaano ka jan?"

"Nakaupo. Malamang." 

"Dito ka sa tabi ko. Ginawa mo pa akong driver..tsk! 

"Fine. Wag mo nga akong sigawan! Hindi naman ako bingi. Kainis 'to!" bumaba ako at
pumunta na nga sa tabi n'ya. Ang cool lang nakasakay ako sa kotse na 'to. Sana wala
akong kasama ngayon. 

"Yung totoo, bakit ang bait mo sa fans mo tapos sa akin hindi?" mahinang tanong ko
sa sarili ko. OO, kinakausap ko yung sarili ko. Paki ba nila?

"Hindi ko malilimutan yung pagsampal mo sa akin. Kaya pagbabayaran mo


yun.." seryoso n'yang mukha ang nakasalubong ng mukha ko. 

Patay ka Trish. The monster is back. 

=================

Chapter 5 [1] - Naked

Terrence on the side --> 

***

Chapter 5 [1] - Naked

Trish

Alam n'yo 'yung nakakainis? Yung halimaw na 'yun! Para akong katulong at hindi
tutor! Ang galing galing talaga ng halimaw na 'yun. Nandito na kami sa harap ng
mataas na building na 'to. Teary eyed ako, naalala ko yung company namin.
"You look so stupid..first time makakita ng ganyang building?" sabi n'ya at take
note, nakapamulsa pa s'ya.

"Anong tingin mo sa akin? Taong bundok?! Kapal mo rin noh? Ilang page 'yan?"
pagmamataray ko naman sa kan'ya.

How dare him na itanong n'ya sa akin 'yun. First time ko daw bang makakita ng isang
skyscraper. The hell, ano ako sinaunang tao. Mga taong Java at Homo Erectus?

"May page ba yung mukha? Bilisan mo nga.. kupad mo!"

"Kailangan talaga nakasigaw huh? Basag na eardrums ko sa'yo!" angal ko sa kan'ya.

Seriously, bakit ko ba s'ya natatagalan. Siguro, nagagamit ko lang yung


pagkamaldita side ko sa kan'ya. Ang yabang yabang n'ya, akala mo kung sinong gwapo.
Bakit ba s'ya nasama sa Elite5? Ang layo ng ugali nila ni Liam!

Hanggang makapasok kami sa loob ng building. At nasa harapan kami ng elevator


ngayon. Bitbit ko yung school bag nya. Nakasuot kasi ako ng school bag ko din. Kaya
bitbit ko yung sa kan'ya. Tapos may hawak pa akong tatlong paper bags na ubod ng
laki. Nagmukha na akong bagger.

"Baka gusto mo naman akong tulungan noh?!" sigaw ko ulit sa kanya. This time ako
naman ang magagalit at sisigaw. Ako ata si Trish.

"Paki ko? It's your job!" sabi n'ya sabay saksak ng headset. Walangya ka talagang
halimaw ka. Sumabog sana yung headset mo! Brilliant ko dun. Natatawa tuloy ako ng
palihim.

Bumukas na yung elevator at pumasok na kaming dalawa dun. Haggard na ako. Ano na
kayang itsura ko, nabawasan lang siguro ang kagandahan ko.

Nasa third floor na kami. At pang-16th floor yung unit n'ya.

Pagbukas naman nung elevator sa third floor pumasok yung dalawang babae. As usual,
tinaasan ko lang sila ng kilay. Nakakainis kasi, lakas makatingin sa akin. Hinead
to toe ba naman ako. I just return the favor.

"Terrence? Is that you... oh my it's you!!! Kya!" hyper naman ni ate. Makatili
impit na impit. Yung matinis. Speaking of Terrence nginitian n'ya yung dalawang
babae. Nakababa na din yung hood n'ya tsaka wala na din kasi s'yang shades kaya
siguro nakilala na din s'ya.

"Terrence, I watched your shows every day! Grabe, ang gwapo mo pala talaga sa
personal.." nag-spark pa yung mata n'ya. Sana sumabog yung mata mo at mag-spark
hahaha!
"Thanks!" sagot ni Terrence.

O.O

Marunong s'yang mag thank you? Di halata. Teka, naging puti ata ang aura nya. God!
Sa akin masungit ganon? Fine! Pakitang tao kasi!

"P'wede ba pa-autograph?" request ni ateng nakapony tail. Mukha kasing pony eh


haha! Ang witty ko dun!

"Sure!" sabi ni Terrence.

"Sis! May dala ka bang pen jan?" tanong ni Ateng Pony kay ateng Barney. Naka-violet
kasi s'ya. Kaya barney na lang. Rhyme na rhyme, Barney-Pony.

"Wala eh sis, papel lang dala ko.." sabi pa ni Ateng Barney. Buti nga, mga
kagagahan kasi. Lakas makapag-fangirl. Eh mga tao din naman 'yan. Buti mga sa inyo.

"Ate..." sabi ni Ateng Pony. Naka-chin up pa ako at hindi ko sila papansinin. Alam
ko naman na ako ang tinatawag n'ya.

"Ate..." sabi ni Ateng Barney. Snob na kung snob.

"Ate...ate.. huy!" nag-wave pa sila ng kamay sa mukha ko na kinainis ko naman.

"Problemo n'yo?! God! Baket ba?! Don't call me ate! Di ko naman kayo kapatid!"
napahilamos na lang ako sa mukha sa sobrang inis sa dalawang asungot na 'to. Yung
halimaw naman, pinagmamasdan lang kami. Ano pa nga ba? Poker face yan.

"Pwede ba makahiram ng ballpen?" sabi ni Pony.

"Ayaw. Ko" madiin kong sabi. Bakit ko sila papahiramin. Baka mahawaan pa ng germs
ni halimaw yung pen ko at hindi na sumulat. And I don't want that to happen.

"Naka-uniform ka so that means school bag yan. Please ate! Peram na.." pagmamakaawa
ni Barney.

"Wala eh. Baka mahawaan pa ng germs. Kaya wag na lang." nag flip pa ako ng hair.
Nakalukot naman ang mga mukha nila. Buti nga. Mga fangirls sila? Haha! You wish na
tutulungan ko kayo. Nagmumukhang hater na ako. Ohgahd!

"Give me my bag.." utos ni Terrence. Sinaksak ko naman sa kan'ya yung bag n'ya.
"Yan oh!" matipid na sagot ko.

"Sus.. alalay lang pala kung makaasta akala mo kung sino" bulong ni ateng barney.

"Oo nga sis.. kala mo kagandahan.."

"Excuse me, kung batayan ng kagandahan yung mga pagmumukha n'yo. Mas lalagpas pa
ako sa level n'yo." cool kong sabi.

"Take this.." inabot ni Terrence yung papel na may autograph daw. Infairness, ang
ganda ng pirma nya.

May paniniwala ako na kapag maganda ang pirma, panget s'ya sumulat.

In short, bad penmanship.  Iniisip ko pa lang kung paano s'ya sumulat natatawa na
ako. Nagdidiwang na ang lahat ng internal organs ko.

Di ko namalayang nasa 16th Floor na kami. That means, papasok na kami sa unit n'ya.
Konting lakad lang sa bandang kanan. At natapat kami sa unit 234. Taray, two three
four.

"Open the door." sabi n'ya sa pinto.

"Hahahahahahaha! Muka kang engot!" sabi ko pa. Kausapin ba naman ang pinto?

"Alam mo yung voice command? Tss" sabi n'ya. Napahiya naman ata ako dun. And from
that, bumukas yung pinto. Taray, high tech ito! Voice command pang nalalaman.

First time kong pumasok sa unit ng isang lalaki. I mean syempre may kwarto din
s'ya. Makikita ko din kaya yun?

Pumasok na sya sa loob kaya pumasok na din ako. Nilagay ko naman yung mabigat nyang
bag at paper bags dun sa sofa n'ya.

Nasa living room kami. Taray! Flat screen tv! Airconditioned pa. Naglakad ako ng
konti. Para kasing nakaawang yung pinto. Kaya naman nacurious ako. Si Monster nasa
kitchen siguro. Ewan ko ba!

From that room, kulay white and black ang dingding. Kwarto n'ya yun for sure. Ang
ganda ng interior designs. Manly na manly. Tapos parang may estante na puro stuffed
toys, caricatures at kung anu ano pa. Mga binigay siguro ng mga fans n'ya.
Infairness, may pagpapahalaga s'ya sa mga yun.
Akala ko kasi sila yung tipong,  itatapon yung mga paghihirap ng mga fans.
Nagkamali ako dun.

Bago pa ako mahuli na nagsusurvey dito sa unit n'ya. Umupo ako sa couch at baka
mahuli nya pa ako. Mahirap na baka pagsabihan pa ako nun na interesado ako. No way.
Di ko hahayang mangyari yun.

Malinis ang unit n'ya. Medyo pangit lang ang pagkakaayos ng furnitures. Di ko type.
Bakit kaya ang tagal ng halimaw na yun. Kaya naman tumayo ako at binalikan ko yung
nakaawang na pinto sa kwarto nya.

Napatakip na lang ako sa bibig ko nung nakita ko si Terrence na half naked talaga
lang naman! What?! Half naked!

O.O

"Kyaaaa! Ang bastos mo! Ang bastos bastos mo!" sigaw ko sa kan'ya. Bahala na kung
mabasag lahat ng salamin dito dahil sa sigaw ko. Manyak talaga! Tumaas ata lahat ng
dugo ko sa ulo.

---------

Votes & Comments :)

=================

Chapter 5 [2] - Bad

Chapter 5 [2] - Bad

Halos mabasag na yung mga bintana at salamin sa lakas ng sigaw ko. Yung puso ko
naman ay parang hinahagis sa Mars! Ang lakas ng kabog..

Oh God! Totoo pala yung six pack abs na 'yan. Wet look pa yung halimaw. Tanging
towel lang ang suot n'ya. Infairness, napakahot n'yang tingnan habang may tumutulo
na tubig sa buhok n'ya pababa sa gitna ng abs n'ya. Yuck! Ano bang pinag-iisip ko?!

"Kyaaa! Magbihis ka ang manyak mo!" sigaw ko sa kan'ya.

"Manyak?! Tama na yung pagtitig baka matunaw ako." baliwala n'yang sabi.

Agad naman akong nagreponse.


"Pwe! Ang pangit mo! Muk'a kang kargador!" pasensya s'ya, 'yan 'yung lumabas sa
bibig ko. Muk'a s'yang kargador. Ang galing ko diba? Pero di naman talaga s'ya
mukang ganun. Ayaw ko lang s'yang purihin, baka lumaki yung ulo.

"You're drooling.." sabi n'ya sabay sara ng pintuan. Naririnig ko pa ang mga tawa
n'ya. Bwisit ka talaga!

You're drooling. Takte! Agad ko naman sinalat yung gilid ng labi ko. Pero pwede
bang mag-mura? Shit lang! Wala naman! Walang'ya ka talaga! Asa kang maglalaway ako
sayo!

Back to reality, medyo napakalma ko na din yung sarili ko sa liveshow kanina.


Kadiri talaga! Nakaupo ako sa couch, may magazine dito sa glass table. Mas mabilis
pa ata yung paglipat ko ng page ng magazine kesa sa pagkurap ko. Ganun talaga
natetense ako. Ohmyghad!

Marami bang humahanga sa kanya dahil sa six pack abs na yun. Parang ang sarap
sundutin! Totoo kaya yun? Yuck! Polluted na ng utak ko!

Alam ko magrereview kami. Halos mag iisang oras na kaming walang ginagawa dito.

Speaking of that freaking halimaw, kalalabas n'ya lang ng kwarto n'ya. Nakabihis na
s'ya. Pag-artista ba gan'yan talaga pumorma? Hanggang sa bahay nakaporma? Duh hell!
Naka-uniform pa ako, tss.

"Let's start." sabi n'ya tapos umupo sa single couch na kaharap ko. Bakit ba ako
natetense? Halimaw kasi yung nasa harap ko.

"Anong subject ka nahihirapan?" tanong ko sa kan'ya.

"All" walang gana n'yang sabi.

"All? As in lahat?" nanlalaki pa ang mata ko sa sinabi n'ya. Bakit naman lahat?
Hindi ba s'ya nag-aaral o nakikinig man lang? What kind of student he was?

"Obviously.." sabi n'ya. Bakit ganun ba s'ya sumagot? One word? Two words? Tipid
magsalita? Eh hindi naman big deal ang pagsasalita. Ikakamatay n'ya ba pag
nagsalita s'ya ng mahaba.

"Don't stare, I know I'm handsome but it's rude.." walangya!

"Kapal ng mukha mo!" sabi ko sa kan'ya. Ang hangin talaga dito. Sana liparin na ako
para makauwi na ko. Nakakabwisit s'ya as in. Sa'n ba 'to pinaglihi ng nanay n'ya,
sa semento kaya? Kapal eh!
"As'an notes mo? Bilisan natin ng makauwi na ko." pag-iiba ko ng topic. Baka kasi
hindi kami makapagreview at makapatay pa ako ng di oras. Makulong pa 'ko.

"I don't have." sabi n'ya naman.

"Oy seryoso na kasi! Asan na mga notes mo?" baka kasi nagbibiro lang s'ya diba?
P'wede ba 'yun walang notes?

"I. don't. have" inemphasize n'ya pa talaga ng mabuti ang bawat word sa sentence na
'yun. May bright idea naman akong naisip. Nakita ko yung school bag n'ya. Tumayo
ako at kinuha yun at bumalik sa pagkakaupo ko sa harap nya.

Binuksan ko yung bag at nakita ko ang isang makapal na notebook. Or should I say
isang binder. Kulay dark blue. Pati notebook mamahalin?

"Hey freak! That's mine!" sabi n'ya pa sabay agaw sa akin ng notebook.

Pero sadyang maganda ako para maagaw n'ya. Ano konek ng kagandahan sa pag-agaw?
Pakiexplain. Hindi ko rin maexplain eh.

"No! Way! Over! My! Magandang! Hair!" boom at iyon. Hindi n'ya talaga maagaw sa
akin. Kaya naman binuklat ko.

"Dobolyu ti ef! Puro doodle? Yung totoo?" hindi ko magawang magulat sa mga
nasaksihan ko. Para akong nastroke ng sampung beses. Halos mamula na ang mukha ko..

"OMYGOD! ANG MANYAK MONG HALIMAW KA!!!" sabay bato ko ng notebook sa kan'ya.
Napakamot naman s'ya sa batok n'ya. Walang'ya kang manyakis na halimaw ka.

"That's why I said. That's mine. Tsk!" s'ya pa ang nagalit. Isinandal n'ya ang ulo
n'ya sa headrest ng sofa, nagcross arms at ipinikit ang mata.

Ganito kasi yun. Yung una kong nakita. doodle lang. Name n'ya at kung anek anek pa.

Tapos 'yung pangalawa. Nude na babae? Sino ba namang hindi magugulat dun? Yung
katabing page, nagkikiss na babae at lalaki na anime. Pero infairness, ang ganda
n'ya magdrawing. Yuck!

"Freak." narinig ko na naman ang husky n'yang boses na nagpapatayo ng balahibo ko


sa katawan. Nilingon ko naman s'ya at nakita ko 'yung gabundok na libro sa harap
ko.

"Sa'yo to? Yung lahat ng 'to?" tanong ko. Nag nod lang sya. Seriously, 'yung mga
author ng book na 'to ang mga idols ko. Math and Science lang yung book. Pero
grabe, sino bang hindi matutuwa dito sa mga nakikita ko. Kumpleto lahat ng edition!

Eh sa matalino ako, kaya nagniningning yung mga mata ko.

"Game na!" energetic na kung energetic eh sa naeexcite akong buklatin ang


magagandang babies ko na 'to. Yup, babies ang tawag ko sa mga books ko. Bookworm po
ako since then. Nagsimula na kaming dalawa. Ako ang teacher kaya ako ang masusunod.

"Ganito 'yan. Transpose mo sa right. Blabla..." paliwanag ko pa with matching hand


gestures.

"I know that already." sabi n'ya naman. Kaya nag move na kami sa next lesson. Math
pa din, Analytic Geometry naman.

"Hoy monster, 'pag sa circle. Use this formula. Hanapin mo muna 'yung coordinates
sa cartesian. Then apply mo yung Algebra. Gets?" tanong ko pa sa kan'ya. Kanina pa
ako dakdak ng dakdak dito. Pero ayan na naman s'ya, nakatingin lang at parang
inaantok.

"I know that already." 'yan na naman yung sagot n'ya. Alam n'ya naman pala eh,
tapos tinuturo ko pa. Pinapahirapan ba ako nito. Dahil good mood ako sa mga babies
na nasa harap ko. Hindi ko na lang papansinin si halimaw.

"Okay. Ano bang hindi mo alam?" tanong ko ulit.

"All" sabi n'ya.

"What? Lahat? Eh 'pag tinuturo ko naman sa'yo sasabihin mong alam mo na 'yun.
Niloloko mo ba ako monster?" tanong ko pa. Sabay kagat ko ng ballpen. Ganito kasi
ako pagbadtrip. Napalunok naman s'ya sabay nag-iwas ng tingin. Ano problema nun?

"Game na. Physics naman.." at ayun, binuklat ko ang Physics si Zemansky yung
Author. Nakatingin lang s'ya sa libro, 'Yan very good, behave lang para walang
World War III.

"Doppler effect. Ganito yan, ganitong formula yung gagamitin mo pag stationary
source tapos moving away yung listener.." sabay sulat ko ng formula sa notebook
n'ya.

"Ah.." 'yan lang yung response n'ya.

"Tapos pag kukuhanin mo yung distance sa infront at behind, ganito gagamitin mong
equation.. Gets mo ba?" sinulat ko ulit 'yun sa notebook n'ya. Tumango naman s'ya
as a response.
"I'm hungry." sabi n'ya sa kalagitnaan ng pagtururo ko. Tinaasan ko naman sya ng
kilay.

"And so kung gutom ka?" pagmamataray ko. Bored lang s'yang nakatingin sa akin.

"Pagluto mo ko.." sabi n'ya. Nanlaki naman ang mata ko. Inuutusan n'ya ba ako?!

"Magpadeliver ka na lang."—sabi ko naman— "Hindi mo ako katulong. dugtong ko.

"I don't want to. Kakasawa ang fastfood." sabi n'ya naman.

"Edi magpaluto ka! Halimaw ka! Ginawa mo pa akong katulong! Asa ka men!" tumayo na
ako at kinuha yung bag ko.

Pero nung patayo na ako. Hindi ko mabuksan yung pinto.

"Hoy monster! Buksan mo nga 'to.." nakadukdok kasi s'ya sa glass table. Parang
hindi ata narinig yung sigaw ko. Imposible!

"Hoy monster! Pakibuksan ang pinto! Hindi ko po kasi mabuksan! Kailangan ata ng
panget mong boses!" sigaw ko ulit. Pero wala s'yang katinag tinag.

"Hoy monster! Huwag mo akong drama dramahan! Hindi ka mananalong best actor sa
paningin ko! Bilis na! Gabi na oh!" sabay check ko sa wrist watch ko, 7:45 pm.

"HOY MR SY! NAIINIS NA KO! BUBUKSAN MO BA O BUBUKSAN MO?!" sigaw ko sabay bato ng
unan sa kan'ya. Pero wala pa din s'yang reaksyon. Dahan dahan s'yang bumagsak sya
sa carpeted na floor nung nabato ko s'ya ng unan.

"HOY SY! WAG MO KONG DRAMAHAN! BUKSAN MO NA YUNG PINTO!" sabi ko. Dinilat n'ya pa
yung mata n'ya. Parang may kakaiba.

"Terrence code xxsx, open." mahina n'yang sabi at bumukas na nga ang pinto.

Papalabas na ako ng condo n'ya. Tapos ayun nga nung malapit na ko sa pinto.
Napansin ko yung phone ko na nasa tabi ng nakahigang panget na halimaw.

Kaya naman pumunta ako. sa tabi n'ya at kinuha ko 'yun. Nakapikit pa din s'ya at
tahimik. Medyo nagchichill din s'ya. Bilang isang concerned citizen, hinipo ko yung
noo at leeg nya..

"Tinatablan ka pala ng lagnat...."


----------

Picture of Terrence sa gilid nung nilalagnat sya --> 

=================

Chapter 6 - Dreams

Chapter 6

"Huy Steph? Hello?" kanina ko pa s'ya tinatawagan. She accepted the call but she's
not talking. What's the purpose of having a conversation like this?

"Uso magsalita! Ipapalunok ko sa'yo yung landline!" nakitawag nga ako gamit yung
landline dito sa condo ni halimaw eh. Mas inuna ko pang tumawag kesa galawin s'ya
sa sahig. Eh baket ba? Hindi naman s'ya mamatay kaagad.

"B—best ikaw ba 'yan?" nagstutter pa s'ya.

"Problema mo? Oo, yung magandang bestfriend mo 'to." sagot ko naman sa kan'ya.

"Oh ikaw pala yan! Kala ko kung sino na! Haha! Baket ka napatawag?" minsan ugok
talaga kausap 'to.

"Tutal, malapit ang bahay n'yo sa bahay namin. Pakisabi kay Papa na hindi ako
makakauwi! Thank you hah?"

"Eh? Yung Papa mo na serious type? No way! Tawagan mo na lang! Letche ka! Uutusan
mo pa ako!"

"Napaka-sama mo Steph! Bilis na! Mas maganda pag personal! Naggagawa ako ng
project...—Oo wait lang! Papunta na! — O ayan best, tinatawag na ako ng mga
groupmates ko. Babush! Salamat mwa!' in-end ko na yung line. Knowing that girl,
masyadong matanong.

Think think think...

"Hoy monster! Buhay ka pa ba? Bumangon ka na nga jan!" sinundot sundot ko pa 'yung
pisngi n'ya.

"Huy monster! Bangon na! Bilis na! Anong akala mo bubuhatin kita?!"—pinagpatuloy ko
pa 'yung pagsundot sa pinsgi n'ya. Pero tanging —"Mmm.." yung sagot n'ya.
Imposibleng mamatay s'ya kaagad, masamang damo ka'ya 'to.

"Fine! Napaso na ang daliri ko kakasundot sa pinsgi mo. Walang'ya ka talaga. Tutor
lang ako at hindi kargador!" fine, wala na akong nagawa kung hindi buhatin s'ya.

"Uhh ang bigat mo!" nilagay ko 'yung kamay n'ya sa balikat ko. Para mas madali ko
s'yang maalalayan.

"Grabe ka! Ang sakit ng balikat ko..ang bigat mo naman!" nagkandayuko na ako sa
bigat n'ya.

"Kargador ba ako? Hoy Terrence! Magpagaan ka naman.." yun nga, gumaan s'ya.
Naintindihan n'ya siguro ang sinabi ko. Mabilis ko tuloy s'yang naihiga sa kama
n'ya.

"Hoy anong masakit sayo?!" sigaw ko. Nakapamewang pa ako. Habang s'ya naman ay
nanghihina.

"Head." matamlay na sabi n'ya.

"K. Fine. Nilalagnat ka eh. What should I expect?" alam ko naman yung first aid e,
so yun na lang. Kaso pag maiisip kong aalagaan ko 'to. Wag na lang uy! Bwiset s'ya
ah? Tutor na kargador na nurse pa?! Wow lang! Dagdag sweldo 'to.

"Jan ka lang! 'Wag kang malikot! Tatawag ako ng ambulansya.." akmang lalabas ako ng
magsalita s'ya.

"Don't leave.." mahinang sabi n'ya pero sapat na para marinig ko. My internal
organs are starting na konsensyahin ako. Ew, ang conyo ko!

"Fine.. tatawag lang ako para makauwi na ko.." sabi ko naman. Akmang lalabas na ko
ng magsalita na naman s'ya.

"Stay beside me please..."  parang may nagpush sa utak ko na bumalik sa loob ng


kwarto.

"Lintek ka taaga! Marunong ka palang mag please!" dumilat s'ya sandali at tiningnan
ako. Nandito ako sa tabi ng kama n'ya. Sa may couch sa tabi ng kama!

"Thanks.." sabi n'ya. Parang akong binuhusan ng gasolina. Nagvibrate ata lahat ng
mga lamang loob ko. Ipinikit n'ya uli yung mga mata n'ya. Pinagmamasdan ko lang
s'ya. I mean pinagmamasdan yung pagpikit ng mata n'ya.

"Hoy monster! Asan ba 'yung medicine kit mo? Towel tsaka basin?" tama kayo
kinakausap ko 'yung tulog. Tanging hangin lang ang kausap ko. Ano pa nga ba ang
inaasahan kong isasagot ng tulog. Tama kayo, nababaliw na ako.

"Fine. Sabi ko nga eh, hahanapin ko nga mag-isa." padabog akong tumayo sa couch.
Ang laki ng unit n'ya. Saan ko kaya 'yun makikita? Malamang sa cr meron 'no?

Pumunta ako ng bathroom and there I found it, the medicine kit. May towelette akong
nakita na nakasabit. So kinuha ko na din. Walang basin akong makita kaya yung tabo
na lang. Bright ko talaga!

"OH MY GOD! BRIEF NYA TOH?!" pagtataka ko. Halos manlaki ang mata ko sa nakikita
ko. Do you mean ganito kalaki ang itinatago n'ya?

"SVXL?" anyare? Bakit ganito yung nakalagay.

Isip Trish. Matalino ka dib?

Ting!

"SVXL? SUPER VERY EXTRA LARGE! BOOM PANIS!"  pero joke lang. Imbento ko lang. Tuwa
naman kayo? L lang.

Whatever. Paki ko naman jan. Tae lang! Oh dahil sinapian ako ng kabaitan. Pupunasan
ko na s'ya. Labag talaga sa loob ko yung gagawin ko na 'to. Yung manyak na 'to,
pupunasan ko? Nakakasuka!

Yung mga fangirls n'ya panigurado kapag ginawa 'to. Maghhysterical. The hell diba?
Mga over acting. Hakhak! Umupo ako sa gilid ng kama. Hawak hawak ko yung basang
towelette.

"Hoy! Pupunasan na kita huh? Kahit nandidiri ako, gagawin ko. Baka hindi ako
patulugin ng konsensya ko.." idadampi ko na yung towelette sa mukha n'a  ng biglang
napatitig ako sa mukha n'ya.

Yung pulang labi n'ya na medyo pinkish. Tsinitong mata, yung bridge ng ilong ay
sadyang perfect lang. Yung kilay, medyo makapal pero sakto lang. Ang hot n'ya
tingnan! 'Yung complexion n'ya ay maputi, ang flawless n'ya! What the hell, ang
gwapo gwapo n'y— Ugh! No! No! Masyado ko naman atang pinupuri yung manyak, yung
mayabang, yung hot tempered na 'to.

Pinunasan ko yung mukha n'ya muna. Gusto kong lapirutin pero kawawa naman kaya
hindi ko na naituloy. Natapos ko ng punasan yung mukha at leeg. Yung katawan naman.

"Monster..." tawag ko sa kan'ya.


"Hmmm.." yun lang. Nakapikit pa din s'ya.

"Monster, dumilat ka nga. Pupunasan kita sa katawan. Pero 'wag kang assuming
ginagawa ko 'to para bumaba yung temperature mo.. 'Wag feelingero.."

Nag nod lang s'ya at this time, gising na s'ya. Bakit ko ba inaalagaan 'yung tao na
'to.

"So sa tingin mo mapupunasan ko 'yan hangga't hindi ka naghuhubad?" tipong


huhubarin n'ya na yung shirt n'ya kaso hindi n'ya magawa.

"Aish! Grabe ka palang magkasakit! Simpleng bagay eh! Ako na nga!" mas lumapit ako
inangat ko yung ulo n'ya tapos sabay hubad ng shirt n'ya.

Shet! Nakakagutom! Pengeng kanin! Extra rice! Gahd, ano na bang nangyayari sa akin?
Nahahawa na ako sa kamanyakan n'ya! This can't be!

"Totoo ba yan?" turo ko sa abs n'ya.

"Pervert.." he murmured. Pero sad'yang malakas 'yung pandinig ko. Kahit 5 decibels
lang 'yan kaya ko.

"Agad agad? Pervert? Kapal mo! Bahala ka nga jan! Bwiset ka!" tumayo na ako ng
higaan n'ya. Bigla naman n'yang hinawakan ang kamay ko..

"Sorry Trish, please stay.." he called me on my name? God! Biglang bumilis ang
tibok ng puso ko. He even said sorry. Miracle 'to! Magpapamisa ako mamaya. Anyare?
Napawi na agad ang galit ko ng dahil doon.

Umupo ako ulit sa kama at tumabi ako ulit sa kan'ya, "Totoo ba 'to?" turo ko ulit..

"Oo nga. Hawakan mo pa." mahina n'yang sabi. Bigla naman akong nabuhayan ng dugo sa
sinabi n'ya.

"Sige.." pumayag ako.

CURIOUS KASI AKO!

~poke~

Ang tigas pala nito noh? One more pa kasi hindi ko na feel.

~poke~
I can't believe this. They are real! Nung susundutin ko na sa pangatlong beses yung
abs n'ya. He held my hand.

"Pupunasan mo ba ako or you will just keep on poking my abs?"

"Eto na nga. Pangit naman ng abs mo! Tse!"

Punas dito..Punas doon..Tapos na!

Yung singit naman! Sabi kasi ng mommy ko kasama daw yun, "Hoy asan mga damit mo?
Ikukuha kita. Magpalit ka tuloy ng pants mo. Mag pajama ka na lang kung meron ka.."
tinuro n'ya naman. Kaya pinuntahan ko yung sinasabi n'yang closet.

"Wow!" yun lang ang nasabi ko. Sobrang amaze ko ba? What do I expect? Artista ang
kaharap ko. Malamang puro branded ang damit at syncronize ang ayos.

Bumalik ako sa kan'ya. "White shirt para gumaan ang pakiramdam mo. Punasan mo yung
legs at singit mo at magpajama ka. Labas muna ako.."

"I said ---" I cut him off.

"Hindi ako aalis. Happy?" nag-walk out na ako sa kwarto n'ya. This time kitchen ang
tinungo ko.

***

Gagawa na lang ako ng mushroom soup. Wag n'yo ko maliitin, tinuro 'to ni Mama sa
akin. Naalala ko na naman 'yung pagkawala ni Mama..

Hinding hindi ko makakalimutan 'yung time na binawian ng buhay si Mama. I was 10


years old that time. Pauwi na ako sa bahay namin. Kasama ko si Papa at nakakotse
kami nun. On our way home, maraming taong nakapaligid at nakablock sa daraanan
namin. Kaya napagdesisyunan naming bumaba ng kotse.

"Miss, anong nangyari dito? Bakit nagkakagulo?" tanong ni Papa sa babae sa harap.

"May nabundol. Nagcrash yung sasakyan.." sagot naman ng babae.

"Teka nga.. pwede pasingit?" tanong ni Papa sa kan'ya. Tumango naman yung babae at
hawak hawak ako sa kamay ni Papa noon. I was so innocent nung masaksihan ang mga
ganun. I found my mother.. bloody... her face has been showered by her own blood..
Nagmadali si Papa na puntahan si Mama. Nakita namin si Mama sa kotse n'ya na
duguan.
"Hon!"—patuloy sa pagtapik si Papa sa mukha ni Mama—"Wake up hon! Hindi ko alam
kung paano ako kapag wala ka.." sabi ni Papa. Nakatingin lang s'ya sa dugong
umaagos mula sa ulo ni Mama.

I can't do anything but to cry. Hanggang lumapit yung nga medics at sinabing, my
mother was already gone.

After that incident, masyadong nadepressed si Papa kaya napabayaan n'ya yung
kompanya. Hindi naman kami as in zero. Tinulungan pa din kami ng kapatid ni Papa.
Pero unlike dati, na lahat ng luho ko nakukuha ko. Pero ngayon, iba na talaga. Pero
soon, I know. Makakabawi kami.

Masyado na akong madrama, nandito naman ako para ipagluto yung halimaw. Nagugutom
daw kasi sya. Remember? Yun 'yung pinag-awayan namin. Nagugutom daw s'ya. Fine.
Palamunin natin s'ya hanggang mabilaukan.

After 15 minutes, natapos ko na din lutuin yun. Ako pa ba? Magaling ako e! Dala
dala ko yung isang bowl ng soup na nakapatong sa tray. May tubig din dun tsaka
gamot. Pumasok na ako sa kwarto n'ya. Expected, tulog 'yung halimaw. 

"Monster.. oh pinagluto kita. Baka konsensyahin ako e". sabi ko sabay nilapag yung
tray. Pero wala s'yang kagalaw galaw. Nakatingin lang s'ya sa akin.

"Oo, alam kong maganda ako. Wag mo ko pakatitigan. Nakakasuka ka.." nakapoker face
lang s'ya sa akin at itinagilid n'ya pa yung ulo n'ya. Parang sinasabi na anong-
gagawin-ko-dito-look. 

"Wag mong sabihin na hindi ka makahawak ng kutsara?"  tumango naman s'ya.

"Bwiset ka talagang Monster ka! Tumayo ka nga jan! Bilis! Ang galing mo ah? Tutor
na ako, kargador na maganda pa, nurse pa, chef pa, alalay pa. Magaling!" kahit
anong inis ko, kawawa naman 'to. Kanina pa 'to gutom. Im not doing this for him but
instead Im doing this for my own sake, ayaw ko lamunin ako ng konsensya ko. 

"Hindi ka din makatayo? Jusko monster.. " napafacepalm na lang ako. Inalalayan ko


pa s'ya sa pagbangon. This was the first time na mag-alaga ako ng ganito. 

"Say ahhh!" sabi ko pa. Parang nagpapakabait ako ngayon. Baka kasi sungalngalin ko
'to ng kutsara eh.

"Bilis! Nakakangawit. 'Wag mong sabihin inganganga pa kita! At ako pa ang ngunguya
n'yan!" inis na sabi ko. Nilunok n'ya ulit. Hanggang mapangalahati namin yung
bowl..

"Oh isa na lang! Bilisan mo! Huwag mo 'ko artehan!!" and for the last scoop,
nilunok n'ya. Wala ng nguya nguya bahala na s'ya.

"Tubig oh!" sabay abot ko sa kan'ya ng tubig..

"Gamot oh!" sabay abot ko sa kan'ya.

"Matulog ka na. ."

"Don't lea---"

"OO NGA! ANG KULIT MO! HALIMAW KA TALAGA! MATUTULOG NA AKO DITO! IKAW DIN!" at
nahiga ako sa couch sa kwarto n'ya. Bahala na kung sumakit 'yung katawan ko dito. 

Nakatulog na kami. Galing ko 'no?

3AM.

The Devil's Hour!

Matatakutin ako letche! Wag kayong maingay. Wag n'yo ipagsabi! Nakakahiya! Pinilit
kong bumangon sa couch kasi natatakot ako putek! Nagising ka ba naman ng ganitong
oras? DUH! 

Tumabi ako sa kama ni Terrence. Nasa kabilang side naman s'ya eh. Tapos nung
papunta na ako. Tumunog yung iPhone n'ya. 

Sasagutin ko ba o hindi? 

Kapag sinagot ko, baka multo to? Pakshet makakapatay ako talaga. Kapag hindi ko
naman sinagot, baka importante naman 'to. Sayang naman!

Kaya sinagot ko na din..

"Hello? Terrence. May shoot mamayang 8." sabi ng lalaki sa kabilang linya. Pogi ang
boses sana pogi din.

"Hello. Terrence? Hoy! Tulog ka na ba?" tanong n'ya. Napapoker face na lang ako.

"Excuse me, oo tulog si Monster." sabi ko.

"Who are you?" sagot n'ya. Kung kaharap ko 'to, baka tinaasan ko na 'to ng kilay.
"May sakit s'ya. Bye! Iniistorbo mo ang tulog ko." binaba  ko na kaagad. Alas tres
ng madaling araw tapos tatawag? Nahihibang na ba s'ya? Kung sino man yung tumawag
na 'yun, madapa ka sana. Binalik ko yung tingin ko sa natutulog na halimaw..
Hanggang magsalita s'ya.. 

"Cess, 'wag mo kong iwan." 

=================

Chapter 7 - Classmates

Chapter 7

Nagising ako ng 5am. Ang aga 'no? Gan'yan talaga kapag maganda, maagang nagigising.
Gulat naman kayo? Walang koneksyon 'yan.

Kinuha ko yung thermometer at isinaksak sa p'wet ni Terrence. Pero s'yempre joke


lang. Digital thermometer lang 'to at hindi anal. Hahaha!

Tinaas ko yung kilikili nya. Amuyin ko kaya? Joke!

"Check ko lang temperature mo.." sabi ko. Umupo ako sa tabi n'ya.. At nilagay na
'yung thermometer sa kilikili n'yang mabantot. Haha! Joke lang! Alaga siguro 'to ng
derma n'ya? Ang puti!

"Bumaba naman na ang lagnat mo. . . sayang naman." nag-snap pa ako ng fingers.

"Talikod ka nga sa akin hoy!" nakapikit pa s'ya at parang walang pakialam sa


paligid n'ya. Kaya sapilitan ko s'yang itinagilid. May ichecheck lang naman ako.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko. Tanging lampshade lang ng kwarto n'ya 'yung
bukas. Natulog pala ako sa tabi n'ya, 'wag kayong OA! May nakaharang na unan sa
pagitan namin. Naduwag lang ako sa lintek na devil's hour na yan. Sisihin ang mga
pinapanood kong horror movies, bwisit!

"Hoy papalitan kita ng damit! Pakers ka!" kumuha ako ng isang white t-shirt 'yung
cotton. Basa kasi s'ya ng pawis..Pinalitan ko na s'ya. Tumabi na ako at natulog
ulit. Waaah! Nakakapagod talaga ngayon. Puyat na puyat pa ako.
zzzZzz..

"AHH! ANO BA?!" sigaw ko. May mabigat na nakapatong sa dibdib ko. Pagtingin ko sa
parteng dibdib ko ay nakita ko ang isang kamay na nakapatong doon, kaagad tumaas
ang lahat ng dugo sa mukha ko.

"WAH! ANG MANYAK MO!" sabay hinampas ko 'yung kamay n'ya. Halos maputol ang litid
ng vocal cords ko.

"WAH! ANONG GINAWA MO SA AKIN?! ANG MANYAK MO!" sabay binato ko sa kan'ya ng mga
unan. Wala akong paki kung may lagnat pa s'ya basta ang alam ko ay kailangan kong
saktan s'ya.

"ANO BA?! ANONG PROBLEMA MO AT NAGSISIGAW KA JAN?!" sabi n'ya. Aba pagkatapos ng
lahat ng ginawa ko sa kanya, sisigawan n'ya pa ako. Pagkatapos n'yang hawakan ang
mga bagay na hindi naman dapat hawakan ay ganoon na lang ang sasabihin n'ya?

"AT IKAW PA ANG MANINIGAW HA?! ANG MANYAK MO! HINAWAKAN MO ANG BOOBS KO!" sabay
takip ko sa dibdib ko gamit ang isang unan.

"HINDI KO GINUSTO YUN! TSAKA ISA PA, WALA NAMAN AKONG NARAMDAMAN... MERON BA?"
naglalaro sa mga labi n'ya 'yung smirk na 'yan. Mas lalo atang tumaas ang dugo ko,
hindi sa kahihiyan bagkus sa galit ko sa kan'ya.

"ARAY! WALANGYA KA TALAGANG BABAE KA!" sigaw n'ya. Buti nga, sapul sa ulo ng 12
inches na vase. Hahaha! Joke lang, sapul s'ya ng sapatos n'ya. Hinaplos haplos
naman n'ya 'yung ulo n'ya. Mabuti na lang talaga at expert ako sa pagbato.

"Hoy mukang okay ka na. Alis na ko..Hindi pa tayo tapos, ang manyak mo." inirapan
ko s'ya at nagmadaling lumabas ng kwarto n'ya.

"Bakit? Ayaw mo ko gumaling para makatsansing ka sa akin?" he said without regret.


Pilit kong pinakalma ang sarili ko. Wala ng mas yayabang pa sa kan'ya.

"Ang kapal mo! Peste ka! Pakibuksan ang pinto ng makaalis na ko. Kailangan ko pang
magpaliwanag ng mahabang mahaba sa Papa ko. Panira ka kasi eh! Sh-t lang!" inis na
sabi ko. Bigla namang nagbago ang ekspresyon ng panget n'yang pagmumukha.

"Hatid na kita.." sabi n'ya. Weh?

"Wow! Hatid your face! Kaya ko ang sarili ko. Kung gusto mo, bigyan mo na lang ako
ng pamasahe.." actually, may pera pa naman ako. Hindi ko lang talaga gagastusin.
Nakahawak sa bewang 'yung isa kong kamay habang 'yung isa ay nakalahad at
naghihintay ng pera.

"Tss.." lumapit s'ya sa akin at nilagay yung P1000.00


"Hoy! Halimaw! Ang laki naman nito! 100 lang! Kainis 'to!" sabi ko sabay abot sa
kan'ya ng isang libo n'ya.

"Yan lang barya ko, e." walang ganang sagot n'ya sabay higa sa kama n'ya.

"Kbye!" nagsalita s'ya para mabuksan ang pinto. Lumabas na ako at umuwi na.

***

Pagkatapos kong bumaba sa isang taxi ay dumeretso na ako sa loob. Ay, kinakabahan
talaga ako. For sure, magagalit si Papa.

"Papa.." bungad ko sa kan'ya. Nakunot 'yung noo n'ya at napalingon sa akin. Eto na
nga ba ang sinasabi ko. Patay ka Trish..

"Kumain na ba kayo Pa?" nag-pasweet pa ako. Sabay upo sa tabi n'ya. Nasa sofa kasi
s'ya at nagbabasa ng dyaryo. Nakita kong itinupi nya yung dyaryo. Oh no! Baka
ipukpok nya sa akin 'to.

"Papa! Wait chill lang! Magpapaliwanag po ako!" sabi ko naman. Tumingin si Papa sa
damit ko. Patay! Isinuot ko kasi 'yung damit ni Terrence. Kasi naman nakauniform
ako.

"A-ano P-papa! Hiniram ko 'yung damit kay Te- a- ano sa kaklase ko! Tama sa kan'ya!
Diba nga po kasi nakauniform ako? So 'yun! Gumawa po kami ng project.." I lied.
Patawarin nyo po ako Lord. Nagsinungaling ako. Wah! I hate this!

"Ok. Now, go to your room. Fix yourself. May pasok ka pa diba?" sabi n'ya. Thursday
pa nga pala ngayon. Sakit sa bangs!

"Okay Pa.." sabay halik ko sa pinsgi n'ya. Ngumiti ako sa kan'ya ng pagkalawak
lawak, "Pa! Balita ko..ah wala.." balita ko makakarecover na ang kompanya natin.

***

Guzman University

Para akong zombie na naglalakad. Taas noo akong bumaba sa taxi na sinakyan ko.
Sensya! Mahirap ang estado ng buhay namin ngayon. Kaya ganun. Papasok na lang ako
ng gate ng tinitigan ako ng guard na mukang ipis mula ulo hanggang paa.
"May ano manong? Makatitig ka sa akin? Anong meron? Pakicheck na po ang bag ko.."
sabi ko sabay bukas ng bag ko.

"Naninabago lang ako sa'yo ija, ang laki ng eyebags mo e.." sabi n'ya naman at
talagang takang taka s'ya sa itsura ko ngayon. Hindi naman ako pumangit dahil never
akong papangit.

"O-okay.." sabi ko at umalis na sa guard house na yun. Sitahin ba naman ako tungkol
sa masagana at healthy kong eyebags? Tiningnan ko ang reflection ng mukha ko sa
front cam ng phone ko.

Tama nga si kuya, nakakapanibago. Ngayon ko lang naexperience yung ganito.


Nabawasan ang kagandahan ko. Konti lang. Pero kahit tingnan mo! Cute kaya!

Mga 100 meters at 5 inches and .25 centimeters na lang siguro at nasa engineering
building na ako. Gan'yan ang mga engineer, magaling sa sukatan. Huwag mo na itanong
kung paano ko nagawang sukatin yun, instinct lang.

Biglang nagpantig ang tenga ko sa mga narinig kong bubuyog sa harap ng rebulto sa
Guzman University!

"Oh s'ya pala yung rank one ng engineering? Infairness, mukhang tao! Kala ko kasi
sis, mala-beta-lafea lang! Hakhak!" sabay tawa ni ate na sobrang tangos ang ilong,
squidward alert.

"Yah, s'ya nga 'yun and you bet, s'ya din ang nanampal kay baby Terrence! Gan'yan
pala sya noh? Matalino pero masama ang ugali. Bakit hindi n'ya kaya gamitin yung
katalinuhan n'ya sa mabuti. Tss poor girl!" sabi ni ate na may pailing iling pa.
Let's call her Sandy, yung sandy sa spongebob, laki ng ngipin eh.

"Bravo! That is so amazing girls! Hindi ko narinig ang pag-uusap nyo! Clap clap for
that!" pumalakpak pa ako ng bongga habang papalapit sa kanilang dalawa. Bigla naman
umurong ang mga buntot at sungay ni sandy at squidward. Takot na lang nila sa
kagandahan ko. P’wes walang maaapi kung walang magpapaapi.

"Lalakas n'yo makapagsalita noh? Pero pagkaharap n'yo... walk out lang? Because I'm
kind, palalampasin ko pa 'to.."  nagkaripasan ng takbo yung dalawa. Dahil astig
ako, naglakad na ako pabalik. Third floor again. Bakit kasi nasa third floor pa ang
room namin? Nakakapagod kaya!

Pagkadating ko agad sa Engr. Bldg. Tinahak ko yung elevator. Tagalog yan para
astig! Halos lumuwa lahat ng mata nila dahil nakakita na naman sila ng dyosa. Puno
ang elevator kaya hagdan na lang ang ginamit ko.

Tamad na tamad akong maglakad. Isa pa ay inaantok ako to the infinite level, feel
na feel ko ang pamimintog ng mga malulusog kong eyebags. Dapat talagang sisihin
yung arogante at mayabang na lalaki na ‘yun. Habang naiisip ko kung bakit ko s’ya
inalagaan ay bumabaliktad na ang sikmura ko. Imagine? Sa ganda kong ‘to ay
inalagaan ko ang katulad n’ya? Just ew, ew talalaga!

Finally nasa third floor na ako. Kung kanina zombie lang ako. Ngayon naiiritang
zombie na. 309, 'yan ang room ko. Pumasok na ako kaagad. Kaagad akong naglakad
papunta sa upuan ko, umupo ako sa unahan. Yung favorite spot ko. Nakaupo naman ako
kaagad. First row sa may kanan, pangalawang upuan sa dulo. Five minutes pa bago
magsimula ang klase.

Wala akong katabi. Tss mga takot umupo sa unahan. Ano bang deal kung uupo sila sa
uunahan? E, mas matututo pa nga sila dito kaysa naman na sa likod sila maupo, puero
daldal lang ang kahihitanan nila doon. Maya may may tumabi na sa akin. Pagtingin ko
ay nakita ko ang isa pang nakakairitang pagmumukha.

"Boo!" gulat n'ya sa akin. Nakunot naman ang noo ko. Tinaas ko yung kamay ko at
tinakpan ang ilong ko.

"Ang baho ng hininga mo!" sabi ko sa kan'ya. Natawa naman ako sa kan'yang reaksyon.
Pero joke lang, di naman mabaho, bango nga eh. Fine!

"Huwaahhhh..." sinapo n'ya pa ng palad n"ya ang hininga n'ya. Seriously, muk'a
s'yang tanga. Patulan ba naman ang pang-aasar ko?

"Di naman mabaho. Nag-tooth brush kaya ako at nag mouthwash pa.." seriously?
Naniwala s'ya sa sinabi ko? Kahit kalian talaga may mga taong hindi marunong
tumanggap ng joke.

"Malay ko bang maniniwala ka? Haha! Kung nakita mo lang reaction mo, that was a
blast! Haha!" pumalakpak pa ako habang s'ya naman ay sumimangot.

"Heh! Muka kang zombie Princess!" pagpuna n'ya sa mga malulusog kong eyebags.

"I know Liam. So shut up!" sita ko sa kan'ya. Nag-cross arms ako at inirapan s’ya.

"Doon ka nga sa likod. Makikinig ako sa prof. Ayaw ko ng maingay!" protesta ko.
Ayaw ko pa naman na habang nagkaklase ay may gumugulo sa pakikinig ko. Nandito ako
sa school para matuto at hindi makipagdaldalan.

"Oo na. I'll be quiet promise!" tinaas n’ya pa yung kanang kamay n’ya. Inirapan ko
naman s’ya. Lagi na lang naeexercise ang mga eyeballs ko dahil sa mga salot na
lalaki na ‘to. Kailan ba nila ako lulubayan?

"Ang korny mo!" After 5 minutes, putek. Dumating na din ‘yung prof namin. English
chuchu. Taas noo s’yang pumunta sa harap habang bitbit bitbit n’ya ang kan’yang mga
folders, bitbit n’ya din ang isang laptop at isang projector. Imagine kung gaano
kalaki ang mga kamay n’ya?
"Okay class.. You have your new classmates.." inilapag n’ya ang kan’yang mag bitbit
sa mesa. Ako naman ay nakaprenteng upo lang sa armchair at tahimik na nakikinig sa
kan’ya.

Hindi naman ako nagulat sa sinabi ng professor naming na magkakaroon kami ng bagong
kaklase. Kung angular man ako ay slight lang at hindi kagaya ng mga kaklase kong
over ang pagkagulat. Nag-start na silang magbulung-bulungan hanggang umingay na ang
buong klase.

"Actually, I think you know them.." sabi ng professor naming babae. Nagtuck in pa
sya ng buhok sa tainga n’ya. Paano naman naming makikilala ‘yung mga transferees?
Alam ba ni professor ang sinasabi n’ya? Kapag ‘yan ay hindi ko kilala, I swear
lalapit ako sa professor ko ay i-qquestion ko ang sinabi n’ya. Hmm..

'How can we know them? Tss.' sabi ko sa sarili ko. Pero sa utak lang yun. Mahirap
na kapag rumatrat na naman ang bibig ko.

"Introduce yourself boys.." sabi ni Ma’am. Sakit sa bangs ng patweetums na boses! 


Bigla naming pumasok ang isang maputing lalaki, kulay pink ang buhok nito at may
kagwap—ew! Hindi s’ya gwapo, mukha s’yang mayabang at arogante.

"Hi I'm Carl Gonzales. Hi new blockmates!" sabay nag bow pa s’ya ng ulo n’ya. Wait,
I think I know him. Di ko lang maalala kung saan ko s’ya nakita. He looks so
familiar. Well, it is not my business anymore. Bakit nga ba ako mag-aaksaya ng oras
para kilalanin s’ya? Psh!

OMG! KAKLASE NA DIN NATIN S’YA?!

WAAAA! FAFA CARL! I LOVE YOU!

PA-AUTOGRAPH MAMAYA CARL!

Ano ba naman ‘yan? My fans agad? Sino ba yung Carl na ‘yan? Hindi porket gwapo ay
gan’yan na ang reaksyon nila. Para silang mauubusan ng lalaki. Okay lang naman mag
fangirl pero huwag naman yung OA na. Nakakasakit na sila sa mata.

"Okay..meet your next classmate. Please introduce yourself handsome.." sabi ni


Ma’am ulit. Pumasok naman yung maamo ‘yung mukha, maputi, matangkad, at talagang
magkapareho sila nung unang lalaking pumasok sa room. May kulay din ang buhok n’ya,
plum ‘yung color. Kapansin pansin din ang pagkamisteryoso ng isang ‘to. Paano ko
nasabi? Dahil sa instinct ko, maganda kasi ako.

"I'm Dominique Ignacio.." simple as that. Umusog s’ya sa tabi ng kulay pink ang
buhok at tumingin sa kan’yang phone.

Sunod na tinawag ‘yung isa pang lalaki. Medyo may kaliitan s’ya kaysa sa mga
naunang pumasok. Pero kung susumahin mo ang kagwapuhan ng isang ‘to ay may ilalaban
naman s’ya. W-wait? Did I say gwapo? Binabawi ko na pala, mukha s’yang playboy na
ewan.

"I’m Kurt Silva!" sabay kumindat s’ya sa mga buong klase. Kung p’wede lang talaga
ako masuka ay nasuka na ako ngayon dahil sa sinabi n’ya. Puno s’ya ng kahanginan sa
katawan n’ya, okay sana kung humble kahit paminsan minsan eh.

Isinaksak ko sa tenga ko ‘yung earphone. Makakinig na lang music. Puro kahanginan


lang ang naririnig ko. Puro sigawan ng klase. Parang transferee lang? Sus! Tao di
‘yan. Pantay pantay lang tayo. Like duh! Tao din sila..kaya dapat ay pantay pantay
ang pagtrato natin sa isa’t isa.

Ipinikit ko ang mata ko at ini-enjoy ang music. Bahala sila, wala ako time para sa
mga gan’yang bagay. Basta ako, cool lang.

Kinakalabit ako ni Liam na naging dahilan para mainis ako. Inis ko s’yang hinarap
na nakasalubong ang dalawang magaganda kong kilay. Nandoon na ako sa mataas na
parte ng kinakanta ko. Ibibirit ko na, eh! Panira ng moment, nakakainis!

Tinaasan ko s’ya ng kilay, "Problema mo?" mahina kong sabi. Ayaw kong mag-eskandalo
at mas lalong ayaw ko na marinig ng professor naming strikto ang pagkainis ko. Trip
kong maging good girl sa kan’ya.

"Eto naman ang sungit... Tss di ka interesado sa kanila?" turo n’ya sa mga lalaking
nasa harapan. Yung tatlong unggoy, yeah mukha silang unggoy. Mahirap talagang
magcompliment sa mga gwapo, I mean sa mga nasa harap ngayon. Nasesense ko na kapag
nagcompliment ka sa kanila ay lalaki kaagad ang mga ulo nila.

"Hindi e. Sino ba sila?" simple kong sagot at tanong. Nakunot naman yung noo n’ya
sa sinabi ko. May mali ba?

"Ow! Seriously di mo sila kilala?" pag-uulit n’ya na naman. Bakit hindi ba s’ya
makapaniwala sa sinabi ko? Hindi ko na s’ya pinansin. Masyado na akong nastress at
puyat na puyat pa ako. Isinaksak ko ulit ‘yung earphone sa kaliwang tenga ko at
muli s’yang hinarap para sagutin ang tanong nya.

"No." walang ganang sagot ko. Ipinikit ko ulit ang mata ko. Bahala na. .wala akong
pakialam sa kanila. Hindi naman big deal yung pagiging transferee nila. Whatever!

Tahimik lang akong nakikinig sa playlist ko. Ramdam na ramdam ko ang kanta ni Miley
Cyrus. Habang busy ako sa pakikinig ay mas lumakas ang hiyawan at sigawan. Hindi ko
parin pinansin at nagfocus ako sa pagkanta ko.

“Omg! Is he our new classmate too?!” narinig kong sigaw ng class beadle naming na
si Tiara. Kahit kailan talaga ay walang makakatalo sa pagkadalahira n’ya. Halos
aabot ang lakas ng boses n’ya sa kabilang building.
“Like omfg talaga! I can’t believe this!” may sumigaw na naman sa mga kaklase ko.
Medyo naiirita na rin ako dahil hindi ko mapakinggan ng maayos ang pinapakinggan
ko. Nakakainis to the point na gusto kong lumabas na ng class room at umuwi na sa
bahay at magpahinga.

“AHHHH! OMYGHAD! IHHH!!” doon ko na idinilat ang mata ko dahil sa malakas na


malakas na bunganga ng nasa likod.

Idinilat ko ng dahan dahan ang mga mata ko at ini-scan ang buong paligid.
Napatingin ako sa harapan at nakita ko ang tatlong unggoy na lumalapit sa lalaking
nakatalikod.

Dahan dahan na humarap ang lalaki at nakita ko ang pagmumukha ng isang halimaw,
bigla na naming nag-init ang ulo ko ng makita ko ang halimaw n’yang mukha, “Hi! I’m
Terrence Andrew Sy, your new classmate..” tinawag ko ang lahat ng santo at nagdasal
n asana ay panaginip na lang ang lahat ng ‘to.

=================

Chapter 8 - World War 4

Chapter 8

Hindi ako makapagconcentrate. Naiinis ako sa presensya ng mga impakto na 'to.

Alam n’yo ba ‘yung mas nakakainis? Ang iingay nila! Kalalaking tao ang iingay!
Feeling hari sa loob ng room. Lalo na yung Carl na ‘yan! Pinakain ata ng ano ng
baboy, ng baka at manok. Lahat ng hayop! Halatang naiinis na din ‘yung katabi n’ya,
‘yung nasa kanan n’ya, the silent type na bored ang look, Dominique ang name n’ya
sabi ng mga malalandot na kaklase ko. Tapos tinanong ko pa yung katabi kong ungas
kung sino ‘yung nasa kaliwa nun, Kurt daw ‘yun at huwag daw ako maglalapit dun.
Babala nya pa!

I freakin' don't care. Bakit ko naman sila tatapunan ng konting tingin? Tao din
sila guys! My golden rule says ”iba ang gwapo sa feeling gwapo.”  Iba naman talaga
ang gwapo sa feeling gwapo. Hindi ko naman sinasabi na wala silang itsura, ang
pinopoint out ko lang ay ayaw ko sa presensya nila.

Tama naman ako, artista lang sila pero tao pa din sila. Hindi nila teritoryo 'to.
At wala dapat na maghari harian at special treatment pa dito kahit na isa 'tong
exclusive school.

Nagdidiscuss si Sir Dimakasulat. Yap, ganyan ang name n’ya. Noong una ko nga s’yang
na meet ay halos nagpigil na ako ng tawa. Pero hayaan natin s’ya, nagpakirap ang
tatay n’ya na dalhin ang apelyido nila, so dapat respect din natin. Dakdak lang
s’ya dakdak sa harap. Nakakainis kasi ang linaw linaw na nadiscuss n’ya na ‘yan
simula nung isang araw at hanggang ngayon ay ang patuloy n’ya pa ring dinidiscuss,
paulit-ulit lang kami sa topic. Nakakasawa nng making. Hanggang ngayon kailangan i-
discuss?! Hindi makaget-over? Kaya sa sobrang antok ko at sa sobrang irita sa
presensya ng mga ogre dito sa likod. Yap, ogre. Kamukha sila ng napanood ko! I took
a nap..

Mga thirty minutes din ‘yung tinagal ng pag-iglip ko. Two hours kasi ‘yung subject
namin na 'to. Math s’ya actually, Analytic Geometry. Puyat ako as in, sino ba naman
hindi mapupuyat kapag nagbantay ka ng may sakit, hindi lang ordinaryong tao ang
binabantayan ko, halimaw kaya at kasalanan 'to ng halimaw na ‘yun. Yung manyak na
yun! I'll call him manyak na halimaw!!!

Nagising ako ng may sumigaw. Bading kasi yung professor namin na 'to pero kahit ano
pa mang kasarian n’ya ay dapat pa rin s’yang bigyan ng respeto at dapat ding
igalang..

"Omg?!" sigaw ko. Ang lakas ng kabog ng puso ko. As in! Parang may nagkakarehang
mga kabayo. Ikaw ba naman ‘yung magulat mula sa mahimbing mong tulog? Tumatabing pa
sa mata ko ‘yung ilang strands ng buhok ko. Medyo malabo pa ‘yung mata ko kasi
galing sa pagkakapikit.
Nagtawanan ang buong klase sa inasal ko. Ang rank one ng engineering?
Pinagtatawanan. Hindi ata 'to tama.

"MS. LUA! THIS IS MY CLASS! NOT YOUR BEDROOM!" sigaw ni professor. Talagang bumalot
sa buong room namin ang high-pitch n’yang boses.

"Yes I know po.." cool kong sabi sabay ayos ng buhok kong nakalaylay sa mukha ko.
S’yempre, maganda kaya ako.

"UGH! YOU ARE SUPPOSEDLY PAYING ATTENTION ON MY DISCUSSION BUT YOU'RE SLEEPING IN
MY CLASS AND DROOLING!" sabi n’ya. Medyo hindi naman ata tama ang sinasabi n’ya?
Naging professor ko na rin si Sir at alam ko ang mga sistema n’ya. Mahilig s’yang
mamahiya ng mga estudyante. I know na palalabasin n’ya ngayon, at ito na nga iyon
ang mapahiya ako.

"Sorry Sir.. and I'm not drooling.." buong galang akong sumagot at idinepensa ang
sarili ko. Hindi ko na s’ya sinagot at tumingin na lang sa white board kung saan
nakasulat ‘yung mga sinasabi nya kanina. Hindi ko magawang hindi mainis kasi
pinagtatawanan nila ako, nanatili lang akong kalmado.

Nasa likod ko yung apat na ogre. Si Liam ay nasa tabi ko at amit ang peripheral
vision ko, nakita ko na tumatawa ‘yung apat na ungas sa likod namin. My fist was
suddenly clenched. At this time, I am pissed off. Hindi naman ata tama na kulang na
lang ay gumulong na sila kakatawa.. Ano bang masama sa ginawa ko? Puyat ako at
dahil sa kagagawan ‘yon ng isang halimaw..

"So, Ms. Lua. You're not listening to me, can you do the problem 8 in front.."
tiningnan ko ‘yung problem na sinasabi n’ya. I bit my lower lip. "And explain your
answer..." dugtong pa ni Sir.
Tumayo ako sa arm chair na inuupuan ko. Inayos ko muna mahabang buhok ko. May poise
ako na naglakad papunta sa harapan. Nakita ko ang pagsulyap sa akin ng mga lalaki
kong blockmates, kahit mukang zombie ako dahil puyat ako ngayon. Nabawasan man ang
ganda ko pero hindi pa aabot ‘yun ng millimeters.

Inabot sa akin ni Sir yung white board marker n’ya. Dahan dahan kong binuksan ang
takip ng marker. I write my answer within 1 minute sa case 8. Medyo mahaba kasi
‘yung solution kaya napatagala akong magsulat. I was not even satisfied with my
answer, na bitin ako magsagot. Napanganga naman si Sir habang tinitingnan n’ya ang
ginawa kong solusyon. Alam kong natulog ako pero parang chicken na lang sa akin ang
problem na pinapagawa n’ya.

"Woa!" yun ang naririnig ko sa likod ko. Mga kaklase kong hayop kung makatawa
kanina ay ngayon ang mga nakanganga.

"Gosh!" sabi ng kaklase kong babae. Makairap ka sa akin kanina tagos hanggang bone
marrow pero ngayon ay napatakip na s’ya ng bibig n’ya dahil sa pagka-amaze sa
karunungan ko at kagandahan ko.

"Ok, explain your answer..." sabi ni Sir. Huminga muna ako ng malalim bago
magsalita. All eyes were on me. Seryoso silang nakatingin sa akin. Lalo na yung
halimaw sa likod ng upuan ko, si Terrence manyak.

Si Liam naman ay nakangiti. Yung showy n’yang smile ay nakita ko na naman. Yung
Kurt naman ay wagas kung makalipbite, s’ya ata yung pinakababaero sa Elite 5. Yung
Carl salita pa din ng salita. Hindi ba napapagot ang bibig n’ya? Yung Dominique
naman nakamasid lang sa akin. Psh!

“What’s up Bloooockmates?! Na-amaze na naman kayo sa kagandahan ko?!” gan’yan ang


bungad ko. Nagulat naman sila sa intro ko, halos sila ay nakanganga. Bakit may mali
ba sa sinabi ko? Pawang katotohanan lang ang sinabi ko.
"Don't laugh. I was just energizing you ‘cause you look all bored. Am I right?"
tanong ko sa buong klase.

“Yes”

“You got it!”

“Definitely!”

Mga side comments nila. Hinga ulit ng malalim.

"Since I already got your attention. So the problem is "A right angle at (5,7) and
the equation of one of its leg is 2x-y-3=0. Find the equation of the other leg."

"Therefore, we should know the equation of the other leg of the triangle. This
problen was a bit tricky..."

"And then? Continue Ms. Lua.." side comment ni Sir. Nginitian ko pa s’ya bago ako
ulit magsalita.
"You should tranform this equation into y=mx+b in order to know what is the slope
of this equation. So wE get y=2x-3. So the slope is 2. Since this is a right
triangl-" napatigil ako sa pagdidiscuss ko dahil napatingin ako kay monster
na nagmemake face pa. Letche talaga ang pagmumukha n’ya.

"So I was sayin--" nayukom ko ‘yung palad ko. Nakakairita ang mukha n’ya. Nag-fface
dance ang mokong. And I think ay ginagawa nya 'to para madistract ako.

I composed myself. Hindi dapat ako magpaapekto.

"So I was saying, It is right triangle so therefore It will form 90 degress angle
and it is definitely perpendicular so the other slope is -1/2.

Inirapan ko yung halimaw na papansin at itinuon ko ang sarili ko sa pag-eexplain ng


sagot ko. Ayaw kong mapahiya dahil sa kagagawan n’ya.

"Use y minus y sub one equals m multiplied by quantity x minus x sub one. Replace
different terms. And we will get x+2y-19." nakahinga na ako ng maluwag pagkatapos
kong mapaliwanag ‘yung case 8 na ‘yan. Muli akong nagbalik sa upuan ko sa harap.
Isang malaking ngisi ang nakita ko sa labi ni Terrence.

"So very well said Ms. Lua. Gayahin n’yo si Ms. Lua kahit natulog sa klase.. kayang
sagutan ‘yung pinapasagot ko." Buong ganda akong ngumiti sa sinabi ni professor.
Dapat ito ang sinabi n’ya, “gayahin n’yo si Ms. Lua. . maganda na ay matalino
pa.” Naiwang nakatulala pa din ‘yung mga blockmates ko. Huh?! Anong Akala nila sa
akin, stupid? No way, nasa akin pa rin ang huling halakhak.

"That's for today. Any question?" our professor said. I raised my hand once again.
"Yes Ms. Lua?" tanong n’ya. Siguro naman ay ito na ang chance ko kung paano ko
naman s’ya qquestionin? Kanina kinuwestyon n’ya ako sa pagtulog ko? Ngayon naman ay
ito naman ang pagkakataon ko para kuwestyunin ang turo n’ya.

"Sir, your answer on case 4 and case 5 is wrong." I said confidently. Pinahiya n’ya
ako kanina. Hindi naman pinahiya pero parang nakakaoffend lang. Tsaka mali naman
talaga ‘yung sagot n’ya. Kaya dapat itama..

"WHAT?!" hindi n’ya makapaniwalang sabi. Yung mga kaklase ko naman nagsimula ng
magbulung bulungan.

"How can you say that my answers are wrong? You should know what you are talking
about or else..." pagbabanta n’ya. Siguro hindi naman ako magkakalakas ng loob kung
alam ko na mali ang sasabihin ko at hindi ako sigurado sa mga sinasabi ko. I am
doing this because as far as I know ay mali ang sagot n’ya.

"Ok Sir, you weren't able to use the distance formula. We can easily solve that if
we use this formula.." pumunta ako sa harap at kinuha ‘yung marker sa kamay n’ya at
nagsimulang magsulat, "And that would be the answer.." sabi ko gamit ang nag-
uumapaw na confidence. Halatang napatunganga naman s’ya sa sagot ko

"And lastly Sir and dear blockmates. If you know the basic principle of
differential and integral calculus. We can solve that problem by using those
principles and equations..” sinulat ko ‘yung pinopoint out ko. Marami akong
pinaglalaban sa buhay, maganda problems.

"Simplier right? That's all!" nagbow pa ako sabay ngiting tagumpay.

"Ms. Lua, I am teaching you the basic steps and not those step. Goodbye for now.
But before I leave the four corners of this room. I admit, Ms. Lua is right. Lets
call it a day," umalis na din si Sir. Umupo ako at inayos yung bag ko. Hindi pa din
nag-aalisan ‘yung mga blockmates ko. Nakatingin sila sa akin na parang hindi
makapaniwala sa mga pinagsasabi ko.

            "Trish.. p-pwede mo ba ako t-turuan dito?" sabi n’ya ng nauutal. It's


Mickey, s’ya yung kadikit lagi ni Tiara. Ewan ko ba kung paano n’ya nagging
kaibigan ang maldita na ‘yon? Like duh, hindi ko nanaiisin na maging kaibigan ng
isang ahas at plastic. Mga 5’6 ang taas n’ya at mag itsura din naman, chinito s’ya
pero hindi mukhang hito.

"Ok. What's the problem ba?" tanong ko naman sa kan’ya. Napansin ko naman na parang
natetense s’ya. Baka naiilang s’ya dahil maganda ako at s’ya ay pangit? Tama naman
diba? Sa taglay ko ngang kagandahan, pati sarili ko ay gusto kong pakasalan.

"A-ano kasi d-dito." tiningnan ko naman s’ya at nahuli kong nakatingin din s’ya sa
akin. S’ya ang unang nag-iwas ng tingin. Hindi n’ya talaga makakaya ang deadly
glares ng isang dyosa.

"Yung totoo? May speech defect kaba?" seryoso kong tanong sa kan’ya. Tumawa naman
ng malakas yung katabi ko, si Liam.

"W-wala bakit?" tanong n’ya. Paano ba naman kasi kailangan ba talagang nagsstutter
kapag nagsasalita? Ow, natetense talaga s’ya dahil isang dyosa ang kausap n’ya.
Mahirap talaga maging maganda, ang dami ko tuloy problema. How sad...

"Joke lang! Gan’yan lang 'to. Gets?" natapos na din at binalik ko ‘yung sarili ko
sa pag-aayos. Habang kinikuha ko ang face powder ko ay may isang demonyo na
nagsalita at halata naman na pinaparinggan ako.
"Feeling matalino.." narinig kong bulong ng isang insecrure na halimaw. Bulong o
sadyang nagpaparinig lang. Di ko s’ya pinansin. Wala talaga akong panahon para pag-
aksayahan ng panahon ang mga kulang sa pansin na tao.

"Kala mo kung sinong magaling..." bulong n’ya ulit. Kaya hindi na ko nakapagpigil


kaya naman ay nilingon ko s’ya at tiningnan ng masama.

"Nagpapansin ka ba sa akin? Papansin ‘to! Doon ka sa outer space palitan mo ‘yung


araw!" sabi ko ng derederetso. Nagulat din ako sa sinabi ko. Napatingin sa akin
‘yung tatlo n’yang kasama at mga nakanganga sila habang papalit palit ang tingin sa
aming dalawa.

"Sabi ko sa inyo mga pre, kakaiba s’ya diba?" sabi ni Liam sa kanila. Ako naman ay
nagkataka sa sinabi ni Liam. Are they referring to me?

"Woahhh!Ang cool" sabi ni Kurt. "I like you! Can I get your number?" sabi n’ya. Wow
lang! Wow lang talaga sa confidence!

"Number your face!" I snapped without looking at his maniac face.

"Hindi mo ba ako kilala?"  sabay kindat n’ya sa akin. Ew!

"Hindi e. Dapat ba?" mataray at simple kong sagot sa kan’ya.


"Woah! Pachix pa mga pre!” tumingin s’ya sa mga kaibigan n’ya at muling itinuon ang
tingin sa kagandahan ko, “S-sigurado kang hindi mo ako kilala?" tanong n’ya na
naman. Naghihintay naman ng sagot ‘yung mga kagrupo n’ya.

"Una sa lahat, bakit ako nag-aaksaya ng oras ko para usapin ka. Pangalawa, I didn't
even know you and I'm not interested. Bitch please!" sabay irap ko sa kan’ya. Pati
na rin sa tatlong katabi n’ya. Si Liam, exempted sa pagtataray ko. I know him a bit
naman kahit papaano.

Gulat pa din silang iniwan ko dun. Bitch please! Hindi ako mauuto ng mga yun.

***

Russell Liam

"Sabi ko sa inyo mga pre! Kakaiba s’ya diba?! Haha! Ano ka ngayon Kurt? Isa kang
malaking ekis!" itinaas ko ang mga kamay ko at nagform ng isang malaking x-mark.
Nagtawanan naman ang buong grupo dahil sa epic na pakikipagsagupaan ni Kurt kanina
kay Princess.

"Wala ka pala Kurt, eh! Ako naman! Mwahaha! It's my turn! Haha!" sabi naman ni
Carl. Tingnan na lang natin kung mapapaamo n’ya ang isang tigre sa bangis. P-pero
there is something different about her and I find it really interesting.

"Let's follow her.." sabi ko sa kanilang apat. Nakita namin s’ya na eleganteng
naglalakad papuntang cafeteria. Aish bakit doon pa? Andaming tao dun for sure
pagkakaguluhan na naman kami. Hay nako, hirap talagang maging sikat.

Nagsimula ng pagkaguluhan kami. Sa labas pa lang ng room ay marami na palang nag-


aabang.

“Hi, pwede ba pa-autograph?” tanong ng isang maliit na babae. Nakasuot s’ya ng


isang t-shirt na may ‘We Love Elite 5’ sa unahan. Hanggang dito rin ba naman sa
loob ng University ay hindi kam mauubusan ng fan girls?

“Elite 5! Anakan n’yo ko!” napatawa na lang ako sa isinigaw ng isang babae. Kahit
kailan talaga ay hindi kami mawawalan ng mga wild na fans.

“Mahihimatay na ko! Waaaahh!” nagulat na lang kaming lahat noong may bumagsak na
babae sa flooring. Kaagad naman s’yang pinuntahan ng mga kasama n’ya.

"Uy pre, si sungit girl nawala sa paningin natin.." bulong sa akin ni Kurt.

"Oo nga.." pag-sangayon ko naman. Si Carl yung nag-eentertain sa mga fans naming
tsaka si Dominique.

"Girls, may pupuntahan lang kami. So excuse us.." sabi naman ni Kurt kaya nag give
way ‘yung mga fans namin. Buti na lang talaga at ang talino ni Kurt. Joke! Hanggang
makarating kami ng elevator. Kaming lima lang ‘yung nakasakay.

"Where are we going?" bored na tanong ni Terrence. Ano pa mga ba ang i-eexpect ko


sa kan’ya. Gan’yan naman talaga lagi itsura n’yan. Akala mo ay maraming
pinagdadaanan sa buhay. Sanay na sanay na ako sa kan’ya, sa tagal ba naming
magkaibigan.

"Susundan si destiny..." nag-ala-puso pa ang mga mata ni Kurt.

~boogsh~

             

            Binatukan namin s’ya. Kaagad n’ya namang ininda ang sakit ng pagbatok
naming sa kan’ya. Masakit ba mabatukan ng apat na tao? Parang hindi naman..OA lang
talaga si Kurt. Tsk!   

"Destiny mo mukha mo! Susundan si Princess..." sabi ko at nagtaka naman sila sa


sinabi ko. "I mean si Trish.."

             

"Ahhh! Oo nga maganda yun! Papaibigin ko pa si sungit girl eh!" pagsingit na naman
ni Kurt.

~boogsh~

 Kagaya noong nangyari kanina ay binatukan na naman namin s’ya, "Sumosobra na kayo


ah! Ang sakit eh! Pagnabawasan ang utak ko! Masusubukan n’yo ko!" angal n’ya pa.
Maaawa na ba kami?
"Maaawa na ba tayo mga pre?" sabi naman ni Dom ng nakakaloko. Hagalpakan naman kami
ng tawa. Napakswerte ko sa mga kaibigan ko. Lagi nilang pinapasaya ang araw ko.

"May utak ka ba Kurt? Hahaha!" nag high five pa kami sa tanong ni Carl kay Kurt.
Gigil na gigil na si Kurt hanggang bumukas ‘yung elevator at naglabasan na kaming
lima.

***

Trish Lua

Nakakabadtrip ‘yung lima na yun. Bakit kasi sa lahat pa ng school? Dito pa sila
nag-enroll! Waaa! Nakakainis tapos sa dinami dami ng section sa section ko pa sila.
Badtrip! Sa sobrang badtrip ko ngayon, kakain na lang ako. Dumating na din ‘yung
siraulo kong bestfriend, si Steph.

"Hoy ikaw! May kasalanan ka sa akin!" bungad n’ya sa akin at umupo na sa harapan
ko.

"Ano na naman?" tanong ko. Tinaasan ko s’ya ng kilay pero napansin ko na nagtaas
din s’ya ng kilay sa akin.

"Nakakainis ka! I hate you! Huhuhu! Tinakbuhan mo ko after ng detention!" sabi n’ya
at na pout pa.
"Ang pangit mo! Huwag kang mag-ppout may binabagayan yan! Hahaha!"

"Ang hard mo! Kumain na lang tayo!" sabi naman at umorder na kaming dalawa.
Pagkabalik namin sa upuan naming ay kumain kami kaagad. Grabe, nakakagutom
makipagbangayan sa strikto mong professor, isabay mo pa ang mga pabida mong kaklase
at ang huli, ang limang ungas na ‘yon.

"Ano ng nangyari? Naturuan mo na ba si Terrence?" tanong n’ya. Tumango naman ako.

"Oh my God! You are so lucky! Huhu! I’m so ingget na! Anyway, how was it? Anong
feeling?" tanong n’ya. Feeling n’ya naman ay ikakaganda ko ang pagtuturo sa
aroganteng lalaki na ‘yon? Kung p’wede ko lang sabihin na tinamaan pa ng lagnat ang
halimaw na ‘yun, ano pa kaya ang magiging reaksyon n’ya?

"Pwe! Ikaw na magturo gusto mo.. Boring kausap naman ‘yun eh! Arogante, hambog,
mayabang, lahat ng kasamaan ay nasagap n’ya lahat!" sabay kain ko ng fries.

"Kung pwede nga lang eh! Pahiram ng utak mo kahit one day!" sabi n’ya pa. "Gwapo
n’ya nuh? Buti hindi ka nadidistract?" inayos ko ‘yung buhok ko saka uminom ng
tubig.

"Nakakadistract muk’a n’ya, feeling pogi.." bigla namang kumislap ‘yung mga mata
n’ya at tumili s’ya ng pagkalakas lakas.

"Kyaaaaaa Hi Elite 5!" kumaway s’ya at ang ngiti n’ya ay hanggang planetang
Neptune. Gumala ang mga kamay n’ya sa braso ko at pinagkukurot ako.
"A-aray! Umayos ka nga! Hindi kita kilala!" parang timang 'to. Paglingon ko nakita
ko ‘yung limang lalaking panggulo ng buhay estudyante ko.

"Diba kaklase n’yo ‘yung bestfriend ko? Kyaaaa Trishy! Huhu! Ang swerte mo!"
patuloy s’ya sa kabaliwan n’ya. Kinilikig ang baliw kong best friend. Kadiri lang!

"Oh yes!" dinig ko. Malamang yung madaldal na si Carl ‘yun.

"Can we sit here ladies?" pacool na boses ni Kurt. Si boy manyak. Yung bestfriend
ko jusko naghihysterical na ata. Kulang na lang ay mahimatay s’ya. At noong
tiningnan ko ang mukha n’ya ay halos umakyat na ang lahat ng dugo sa pagmumukha
n’ya.

"Hindi pwed-" Steph cut me off.

"YES!Of course, you can!" napa-face palm na lang ako sa kan’ya. Thank God, I have a
best friend to saved me.

“Omg! Sana dito na lang sila umupo!”

“Ang swerte nilang dalawa!” excuse me? Anong swerte? Swerte ba ang tawag
dito? Kamalasan ito!
"What's your name?" sabay kindat ng Kurt sa bestfriend ko.

"Omg! Is this happening for real? Kyaaa~! Pakisaktan nga ako best!"  nagbablush pa
‘yung abnormal na 'to. “Parang isang explode ng ovaries ang panaginip na ‘to..”
sinampal ko naman s’ya sa kanang pisngi n’ya. Kaagad naman itong pumula dahil may
kaputiaan s’ya.

"Okay na ba?" tinaasan ko s’ya ng kilay. Mukhang hindi pa okay kaya naman ay
inangat ko uli sa ere ang mga palad ko at sinampal ko ang kaliwang pisngi n’ya.

 "Perfect!” pumalakpak ako habang tinitingnan ang namumula n’yang mag pisngi. “Mas
okay na siguro ‘yan. Para pantay.." yung itsura nilang lahat. Nakanganga at
nanlalaki ang mata.

"Hey you said, saktan kita. Your wish is already granted. You asked for it." sabay
kagat ko sa burger ko.

"Omg! So totoo nga 'to? Nasaktan ako eh! Kyaaaaa! Thank you best!" sabay hug n’ya
sa akin. See? Hindi s’ya ganoong kabaliw? I have an awesome best friend, walang
makakatalo sa kabaliwan n’ya.

"Okay ka lang ba baby girl?" hinaplos pa ng Kurt ‘yung pisngi ni Steph.

"Ew!" sabi ko.


"Inggit ka ba? Maka-ew ka ah?" halatang naiinis na ‘yung boy manyak sa sinabi ko.

"Excuse me? Kung sa’yo lang? Wag na! Manwhore!" sabay irap ko sa kan’ya.
Nagsalubong naman ang kilay n’ya at hindi ko maipinta ang pagmumukha n’ya.

"Hey amazona!" may nagsalita out of nowhere.

"Oh baket? Chinito?" sagot ko. Si Carl ‘yung kumakausap sa akin.

"Huh? Anong chinito?"

"Half Chinese and half hito! Hahahaha!" tawa ako ng tawa. Kala nya huh?! Witty kaya
ako!

"Hahahahahahahahahaha!" tawanan din yung kasamahan nya except kay halimaw.

"Hard mo best!" bulong n’ya sa akin sa akin at nagpout pa.

"Bagay lang y’ung sa kanila haha!" bulong ko din.

Kung makatitig ‘yung fangirls nila ay kala mo ay sinasaksak kami. Papatulan ko na


'to eh. Hahaha! Pero s’yempre, masyado akong maganda para pag-aksayahan sila ng
oras.

"Princess, Kain ka pa? My treat.." bwiset! Si Liam, bakit ba ang gwapo at ang bait
nito. Omg, crush ko na ata s’ya? Kidding!

"Princess?!" nagtatakang tanong nilang lahat.

"Frappe na lang Liam."

"Liam?!" tanong nilang lahat. Di kasama si Halimaw. KJ ‘yun e.

                         

"Yes, Princess. Wait lang ah?" tumayo s’ya at bibili yun for sure.

"ANO PONG MERON AT MAKATINGIN PO KAYO?!" announce ko sa buong cafeteria. Nag-iwas


naman sila lahat ng tingin at bumalik na naman sa normal ang takbo ng mga tao sa
loob.

"Ang sungit mo talaga nuh? Saan ka pinaglihi ng nanay mo? Sa sama ng loob?" mapang-
asar na tanong ni Carl. Huminga muna ako ng malalim.

"Paki mo? Crush mo ba ako?" sabay ngisi ko.


"Kapal mo rin! Di ako magkakagusto sa babaeng katulad mo. Tss. Baka ikaw ang may
crush sa akin?" this time s’ya naman ‘yung nag smirk.

"Sa'yo? Haha Yung mukhang ‘yan? Hahaha! Hindi na lang uy! Haha" tawa ko pa.

"BOOM!" sabi na lang ni Dominique sabay tawa ng malakas. Baliw din pala 'to.

"Ang tahimik pala ni Terrence noh?" tanong n’ya. Ako ang sumagot sa katanunga n’ya.

"Hahaha! Is that a joke? Stop it dahil tawang tawa na ako!" nagulat na lang ako ng
hilahin ako ni Terrence papalabas ng canteen. Hanggang makarating kami sa likod ng
isang lumang building. Walang katao tao dito tanging mga halaman at mayayabong na
puno ang nakapaligid dito.  Huminto kami sa isang puno ng acacia.

"Ikaw babae ka ah! Kanina pa ako nagtitimpi sa’yo!" hinigit n’ya ako sa braso ko at
talaga namang mahigpit ang pagkakahawak n’ya sa braso ko. Kinagat ko ‘yun kaya
nabitawan n’ya ako.

"Inaano ba kita? Pag ito nagpasa! Babangasan ko mukha mo" sabay haplos ko sa braso
ko. Parang magkakaroon ako ng instant pasa dahil sa kagagawan n’ya.

"I don't care. And.." simple n’yang sabi "Stop flirting with my friends"

loading 1%... loading 19%... loading 34%... loading 56%... Ano daw? loading 75%...
loading 84%... loading 99%...

"WOW! FLIRTING? UNA, ANG KAPAL NG MUKHA MO PARA SABIHAN MO ‘KO NG NAKIKIPAGFLIRT
AKO SA KAIBIGAN MO! PANGALAWA, WALA AKONG PAKI SA INYO! PANGATLO, SINO KA PARA
PAGBAWALAN AKO NA MAKIPAG-USAP? AT PANG-APAT, HINDI AKO KAGAYA NG IBANG
BABAE!" nag-iwas tingin lang s’ya sa akin at parang lumambot ang ekspresyon ng
mukha n’ya.

"Wala kang utang na loob. Muka akong zombie ngayon dahil sa'yo. Pasalamat ka at
malandi ako. Malandi! Ang landi landi ko! Grabe.." pinunasan ko ‘yung mga luha ko.
Iniwanan ko s’yang nakatayo doon. P-pwede namang umiyak diba? Babae din ako at may
kahinaan pa din ako.

            "Umiyak ka ba princess?" nasalubong ko si Liam habang tumatakbo ako


kawalan. Gusto ko lang mapag-isa. Stress na stress ako sa mga nangyayari ngayon.

"W-wala 'to. Huwag mo na ako pansinin.." bakit ko pa kasi nakalimutang magdala ng


panyo. Lumapit s’ya sa akin at pinunasan ang mga luha ko gamit ang panyo n’ya.

"Don't cry Princess. Let me wipe your tears.. sobra kang special na babae para
umiyak.." hinagkan n’ya ako at humagulgol ako sa dibdib n’ya. First time kong
magpakita ng kahinaan. This ain't no cool.

=================

Chapter 9 - Announcement

Chapter 9
Stop flirting with my friends..

                 

Stop flirting with my friends..

                    

Stop flirting with my friends..

Talagang nagpantig ang tainga ko sa pesteng line n’ya na ‘yan. Seriously, bakit nga
ba ako nagpaapekto sa sinabi n’ya. Mahirap pala talaga kapag red days, ang
sensitive ko. Kainis! Ang kinagagalit ko pa ay umiyak ako sa harapan ng isang
halimaw! Ughhh! Nakakaaasar talaga!  

Asa sya! Yung kaibigan nya lalandiin ko? Wow lang! Mandiri namana s’ya sa sinabi
n’ya.

Tinanggal ko yung kamay ko na hawak hawak ni Liam. Kanina pa din nakasunod sa akin
si Liam. Ugh, why he is so gentleman? Mas lalo tuloy akong na-aattract sa katulad
n’ya, wala ka ng hihilingin pa, "Eto na yung pinabibili mo.." sabay abot n’ya ng
frappe.

"Ay thank you.." nahihiyang sabi ko pero naregain ko na ang poise ko. Duh, itsurang
pag-iyak na ‘yun ay pagluluksuan ko? No way, dapat marunong tayong mag move on ng
mabilisan. Huwag mong gawing kawawa ang sarili mo at hindi naman nakakabawas ng
pagkacool ‘yung pagsasabi ng thank you.

"M-marunong ka palang mag thank you?" nauutal n’ya pang sabi at sabay nag-iwas ng
tingin sa akin. Ah I mean, sa kagandahan ko.
"Ay joke lang ‘yung narinig mo! Baka bag ko ang nagsalita!" sarkastiko kong sabi at
inirapan s’ya.

"Adik ka talaga.." sabay ginulo n’ya yung buhok ko. Inis naman akong tumingin sa
kan’ya. Don’t messed up with my hair, ugh, I hate this!

"A-ano ba! Feeling close ka! Ginulo mo pa ang buhok ko!" tinampal ko ‘yung kamay
n’ya. Ohmyghad, tumawa s’ya at ang gwapo n’ya doon! Ugh, I hate to say that pero
ang gwapo n’ya talaga eh!

"Sinabihan mo pa ako ng adik! Muk’a ba akong adik? Hah!"

***

Nandito kami ngayon sa isang bakanteng room. Walang tao, malamang bakante nga e.
Bobo nyo. Hays!

"I thought we're friends already?" tanong n’ya. Ohmyghad,  huwag mo nga akong
titigan.

"Alam mo ‘yung joke? Try mong bumili nun!" dinaan ko na lang sa pambabara.
Makatingin kasi eh..

"Oo alam kong maganda ako.. huwag mo naman akong pakatitigan.." dagdag ko pa.
Natawa naman s’ya sa sinabi ko. Hawak hawak nya pa ‘yung tiyan n’ya. Sige lang,
mamatay ka d’yan kakatawa. Bwisit na lalaki na ‘to, pagtawanan ba naman ang isang
dyosa?
"Hahahahahahaha-Hahahahaha-Hahaha! Ang dami kong tawa mga labing lima!" sabi n’ya.
Puti ng ngipin, kainis!

"Ows? Nabilang mo?" pambabara ko.

"Oo e, hahahaha mga apat na tawa ngayon!" sinukbit ko ‘yung bag ko at iwanan s’ya
dun. Bakit ba ang daming nasisiraan ng bait ngayon? Bakit ba ang daming baliw
ngayon? Bilangin ba naman ang tawa? Sinong hindi kikilabutan doon?

"Oy wait! Saan ka pupunta?" tanong n’ya. Hanggang pagsigaw kailangan malumanay?
Walangyang Liam 'to. Mas modest pa sa akin kumilos.

"Sa Female CR! Sama ka?" I smirked.

"Ah--eh- Hindi na! Kitakits sa next subject Princess.." nag wave pa s’ya sa akin
habang lumalayo s’ya na tumatakbo. Intindihin n’yo na lang kung paano ‘yun. And
speaking of that next subject. Makikita ko na naman ‘yung pagmumukha ng monster na
‘yun! Dapat hindi ako affected! Syempre, masyado akong maganda para pag-aksayahan
na naman s’ya ng oras ko. Ah no, masyado akong dyosa.

Pumunta na ako sa ladies’ comfort room. Tuluy tuloy akong  pumasok sa isang
cubicle. Umupo at tumae. Hahahaha! Joke lang, umihi lang ako. Tsaka alam n’yo na,
isasabay ko na ang pagpapalit ng napkin. Ehh, ayoko pa namang nagpapalit sa school.
Nakakaasar eh..
“Mag shift na kaya tayo sa engineering? Ano? Hihihi.. Kumpleto ang Elite 5 dun
gwabe..” narinig kong sabi ng isang babae sa loob ng cr. Malamang, nasa cr ako
ngayon. So dito nga sa loob nanggagaling ‘yung haliparot na estudyante na ‘yon.

“Oo nga sis! Papaasikaso ko kay Papa yung papers ko! Waaaa.. Kay Kurt na lang ako..
Solve na ko dun!”  seriously, Kurt? Yung muk’ang manyak? Hakhak! No taste ew!

“Ako naman kay Russel! Ang amo ng mukha n’ya eh! Ang bait pa! Ugh, parang aatakihin
ako sa puso kapag nakikita ko ang smile n’ya...” may taste ka. Infairness, hehe!
Hindi ko na rin idedetalye kung paano ako nagpalit ng pad. Nakakahiya naman sa’yo.

Tapos kung minamalas ka nga naman, paglabas ko ng cubicle. Nakita ko sa harap ng


salamin ‘yung pinakainsecure sa akin.

"Ow look who's here.." hinead to toe nya ako. Nagshrug lang ako. Paki ko ba sa
kanya? Naghugas ako ng kamay sa sink at mabilis na dinry.  Kinuha ko sa bag ko
‘yung lip balm ko. Chap lip na ako at bawal ang biyak biyak ang nguso, nakakapangit
‘yon. Yun lang naman ang nilalagay ko sa labi ko at konting face powder sa mukha
para matanggal ang pagka-oily. Di naman ako maarte e. Like this b-tch on my side.

Gamit ang peripheral vision ko. I saw her staring at me. Gan’yan na ba ako kaganda
para tingnan ng gan’yan? Those deadly glares that I have received from her makes my
heart jumped in triumph. Pinabayaan ko lang. Insecure kasi s’ya since dati pa.
Well, let say na ako lagi ang nakakakuha ng gold at s’ya silver. S’ya ay may
magandang career, ako maganda lang talaga. Ay hindi pala! Dyosa nga diba ako? Rank
two kasi at hindi n’ya ako matalo talo. Wala pa sa talampakan ko ang kagandahan
n’ya.
One thing more, kasama sya sa Top Model Philippines. Nadaya ‘yung season 3 ng TMP
eh. But in an accident, Naging grand winner s’ya. Nakakasama ng loob diba? Yung
muk’ang ‘yan? Nanalo? Kaya buhat noon, hindi na ako nanood ng favorite kong show na
TMP. I found it boring since nung sumali s’ya.

                Meet Iana Sharm Dizon, ang kaharap ko ngayon. Ang babaeng walang


insecurities sa katawan. Promise, as in! Wala s’yang insecurities kaya nga ngayon
ay gan’yan s’ya makatingin sa akin? See? Inirapan n’ya pa ako? Wala talaga..

"So.. magkaklase pala kayo ng Elite 5?" tanong n’ya at naglalagay s’ya ng kung ano
sa pilikmata n’ya. Ang magaganda, natural beauty lang. Ang feeling maganda, kahit
anong ilagay sa mukha n’ya ay gan’yan na talaga. Ang maganda isang take lang ng
selfie ay pang profile picture na, ang feeling maganda ay naubos na ang space sa
memory card ay wala pa ding mapili. And I concluded, nagffeeling maganda lang ‘to.

"So?" sagot ko.

"So may nilalandi ka na naman?" diretsahang sagot n’ya. Nagpantig ‘yung tainga ko
at hinarap ko s’ya. Itinaas ko ang kilay ko at ini-scan ang panget n’yang itsura.

"Look who's talking.." pambabara ko sa kan’ya. Nagpakawala s’ya ng isang mabahong


hininga. Ew!

"A-ano?!" tanong n’ya. Halos hindi ata s’ya makapaniwala sa sinabi ko? I am just
stating a concrete fact.
"Are you deaf? Try to clean your ears.." I smirked. Mas lalo namang sumimangot ang
mukha n’ya at nagliliyab na s’ya sa pagkainis.

"What the!" looking pissed off. Haha! Humakbang na ako papalayo, ginawa ko ang
signature na pag-flip ko ng buhok and before I reached the door, she grabbed my
sensitive arm.

"Don't try me. Marami akong p’wedeng gawin sa'yo.." pagbabanta n’ya.

"Gosh! Nakakatakot! Go lang! Support pa kita!" at iniwan ko s’ya dun na tulala. Ako
matatakot n’ya? Nahihibang na ba s’ya?

***

 Nastress ako sa babaeng ‘yun. Anong akala n’ya magpapatalo ako sa kan’ya? No way!
Haha! Ako pa ba? Okay na ‘yung isang beses akong umiyak. Napuwing lang kasi ako
kanina.  Ihh, Push ko ‘to! Bumalik na ako sa room namin. Puro boring ‘yung
subjects. As usual, maaga pa ako ng twenty minutes.

Umupo ako sa pangalawang row sa dulo. Mga lintek kasi inunahan na naman ako sa
upuan ko sa harap.Good mood ako kaya hindi ko na sila pinaalis. Wala pa din ‘yung
mga asungot ng buhay ko. Kaya nagsaksak na lang ako ng earphone. Hindi ako
magsosoundtrip. Manonood ako ng mga prank videos. Para astig. Nakakaawa itsura ng
mga naggood time eh.
"Hahahahahaha!" tawa ko ‘yan. Pati ba naman pagtawa ko ay napapansin ko na
napapalingon sa akin ang mga lalaki kong kaklase? Ugh, maganda problems na naman.
Kainis!  Yung pinapanood ko kasi lakas maka-shunga. Paano naman kasi, ang shunga
shunga ng babae. Nagpagulat ba naman? Kung ako ‘yon, sinuntok ko sa sikmura’ yung
magpprank sa akin ng ganun. Sira ba ang ulo n’ya? Wala lang, natawa lang talaga
ako. Ah forget it!

"Princess!"

"Ay kabayo!"  syempre nagulat ako. Nandito na naman ‘yung seatmate ko.

"Mukha ba akong kabayo?"

"Sad to say, oo." tapos tumawa ako. Sa kalagitnaan ng tawa ko. May nakikitawa sa
kabilang side ko.

"Hahahahaha! Idol talaga kita Trishy!" sabi ng Carl na 'to. Feeling close lang?
Attention seeker ang peg? Hindi naman kasali nakikijoin? Taasan ko nga ng kilay.

"Trishy? Teka? Close ba tayo?" pagmamataray ko. Yung tatlo pa nilang kasama nasa
likod ng upuan namin ay nakikinood at nagpipigil ng tawa sa itsura ng Carl na ‘to.
And sad to say, nakita ko ‘yung kinamumuhian ko na nasa tapat ng likod ng upuan ko.
"Makikipagclose. He-he!" sabay kamot n’ya sa batok n’ya.

"No thanks." sabi ko sabay irap sa kan’ya. S’ya ‘yung nagsabi sa akin kung
pinaglihi raw ba ako sa sama ng loob? The heck!

 "Trishy naman ehh!" nagtatantrums pa. Ugh, is he even a man? Mukha s’yang retarded
na bata! Isama mo pa ang vibrant pink na buhok n’ya!

"Sigurado ba kayong all boys ‘yung group nyo?" tanong ko sa iba n’ya pang kasama.

Nagtanguan naman silang lahat.

"Parang hindi eh, wait lalaki ba 'to? Ambading eh!" turo ko kay Carl.

"Hahahahahahahahahaha!" tawa nila.
"Whatever Trishy. Nye nye nye!” diniliaan n’ya ako, “Kala mo hahalikan kita? Style
mo bulok kunwari sasabihan ng bading para makakisss. Tsk!"

~boogsh~

                 

"Kung sayo lang! Huwag na! Kapal mo naman!" Napatingin naman ‘yung buong klase sa
pagbatok ko kay Carl. Oh-oh! Peymus nga pala ‘yung mga hinayupak na 'to.

"Hehehe! Joke lang ‘yon. Di naman masakit diba?" tanong ko kay Carl..   

"Masaki--ay hindi! Nagbibiruan lang kami" sabi n’ya sabay ngiti. Para namang
nakahinga ng maluwag ang mga fangirls n’ya. Good boy! Parang aso. Tapos nalaglag
‘yung ID n’ya ata? Basta hindi ID ng school. Basta may picture n’ya na naka-attach
ay may mga details. Pinulot ko naman at natawa ako sa nabasa ko.

"Hahahahaha! Grabeng pangalan ‘yan! Saang aparador nakuha ‘yan? O kaya saang baul?
Hahahahaha!" mangiyal ngiyak naman ako pagtawa. Ang gwapo n’ya tapos ganun pala ang
real name n’ya? May pa Carl Carl pa s’yang nalalaman. Pffft! I swear kikilabutan
kayo sa name n’ya.

Carlito Dominador Gonzales


"Oy! Huwag ka ngang tumawa!" sita n’ya sa akin. Pero nakakatawa talaga eh. Kaya
pala Carl. Hahahaha! Carlito pala. Hindi ko ineexpect ang mga ganung kadramahan sa
pangalan. Hindi ko naisip ‘yun ah?

"Carlit—ashskqvsuw!" tinakpan n’ya ‘yung bibig ko. Hahaha! Pikon na bata, parang


tatawagin lang naman sa totoong pangalan n’ya eh. Hindi ba s’ya proud? Pfft!

"Sige tatahimik na ako sa isang kondisyon.." I smirked. Mas maganda pa ‘to sa


inaasahan ko. Humanda ka Carl Gonzales.

"A-ano?"

                "Be my slave within one week." I smirked. Taas noo akong nakatingin
sa kan’ya. S’ya naman ay hindi maipinta ang mukha at parang sasabog na sa galit.

"ANO?!" sigaw n’ya, ang OA lang. Sige, magyabang ka pa Carlito. Sisiguraduhin kong


titino ‘yang kayabangan mo. Habang busy kami ni Carl sa pagdidiskusyon ay
nakatingin lang sa amin ‘yung mga kasama n’ya.

                "Yes you heard it right. Be my slave within one week. Bingi ka ba?”
mataray na pahayag ko. Nakita ko naman na parang nacoconvince na si Carl sa
magandang offer ko sa kan’ya.

"Fine. But I have condition too."


"Ow? Sorry dear, wala kang pang black mail." tinaas ko ang index finger ko sabay
sabing, “No. No. No..”

                Nagulat na lang ako noong sumigaw s’ya, "MGA FANS OH!!" tapos


hinawakan n’ya ‘yung batok n’ya at  nagsimulang mag-inarte.

"Oo na! Oo na! Ano ba yon?" naiirita kong tanong. Hays, kahit kalian talaga ay
bwisit ‘yung isang ‘to sa buhay ko. Kailan ba nila ako tatantanan?!

                "Be my friend?"

"Ikaw? Magiging kaibigan ko?" napangisi ako. Seryoso ba s’ya?

"Bingi lang? Oo nga!"

"K!" inirapan ko s’ya. Ginusto n’yang maging kaibigan ako? Fine, s’ya rin naman ang
magssuffer sa bandang huli. Kawawa naman at baka umiyak ‘yung baby at baka
makasuhan pa ako ng child abuse o kaya naman pumapatol sa retarded na bata.
Mga ilang minuto pa ay dumating na ang professor naming. Elegante s’yang naglakad
sa harapan at inilapag ang mga gamit sa ibabaw ng desk. 

"Okay class. Next next week. Magkakaroon ng pageant ang Guzman University ang Mr.
and Ms. College of Engineering and Architecture.” wala naman akong paki sa mga
pageant na ‘yan, “Masyadong mahaba so Mr. and Ms. CEA na lang para madali.
A’right!” Akala ko ba naman kung anong announcement na. Beauty Contest lang pala.
Tsk!

"Kailangan ng representative ang department n’yo, mga future civil engineer! You
need to choose one guy and one girl for your department..” walang nagtataas ng
kamay. Wala akong kinalaman d’yan. Nakakahiya kaya! Hindi naman ako nahihiya dahil
pangit ako, ang sinasabi ko lang. Ayaw ko sa mga gan’yang beauty contest, hindi ko
lang feel. Shet lang ‘yung mga gan’yan.

Hanggang magtaas ng kamay’ yung Dominique nasa likod ni Liam. Ano na naman kayang
balak ng pamysterious na kutong lupa na ‘to?

"Yes,  sir at the back?" sabi ng professor.

"Trish Lua Ma’am." sabi n’ya. Nilingon ko sya at nakitang ngumingisi. Binigyan ko


naman s’ya ng masamang tingin. Ako pa talaga ang gagawin n’yong representative, oo,
alam kong maganda ako pero ayaw ko ng sapilitan, dyosa kaya ako. With all due
respect, tinaas ko ang kamay ko at buong giliw na tumutol.

"N-no Ma’am! I objec--" tapos nagtinginan ng masama ‘yung mga kaklase ko.

"I think Ms Lua.. bibigyan din naman kita ng incentives. ." sa kan’ya na ‘yung
incentives n’ya. Hindi ko kailangan ng mga gan’yan para tumaas lang ang mga grades
ko. Matalino ako, duh!

"Excempted ka na sa finals exam."  sabi ni professor.  Paki ko naman dun? Kaya ko


naman i-perfect yun. Sus!

"No sir. A-ayaw ko po." madiin na pagtutol ko. Bigla naming umingay ang buong klase
at talagang masama ang mga tingin ng mga blockmates ko. Ano na naman kayang
ginawang kalokohan ng Elite  5 na ‘to. Ugh! Paki ko ba sa kanila?

“Ano ba yan? Ang KJ naman! Sa bagay, isa s’yang geek na panget!”

“PAANO NA TAYO N’YAN? WALA TAYONG REPRESENTATIVE?”


“SUS! WALA NA TALAGA TAYO!”

“Hahaha! She couldn’t join that contest ‘cause she's ugly.” Awtomatiko naman akong
napalingon sa isang halimaw sa likod. Nakangisi s’ya at talagang nakakairita ang
panget na pagmumukha n’ya.

Tiningnan ko sya ng masama.

 Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita, okay fine, alam ko naman na ako
ang mananalo."Fine Ma’am.. Count me in." nagpalakpakan naman ang mga nakakainis na
blockmates ko. For sure, ako naman ang mananalo sa beauty contest na ‘yan, baka nga
pagngiti ko pa lang ay ako na ang ideklarang winner.

"So may ipanlalaban na tayo sa girls. Sa boys naman. Who wants?"

Nagulat na lang ako noong nagtaasan ng kamay si Kurt, Carl, Liam at Dominque. Isa
ba sa kanila ang mag-eescort sa akin? Duh, sigurado ba sila na mapapantayan nila
ang kagandahan ko? Tsk, mga feeler.

  

 "MA’AM, WE NOMINATE TERRENCE SY." sabay sabay nilang sabi. Sus, si Terrence lang
naman pala ang kapartner k—ANO?! Yung monster na ‘yun ang makakapartner ko?! Ewww!

“No! A-ayaw ko sa kan’ya! I object!” gigil na sabi ko habang nakatitig ng masama sa


halimaw sa likod. Hindi p’wede ‘to, dadanak ng dugo sa stage!  

"Hindi ikaw ang magdedecide n’yan Ms. Lua. So any objection Mr. Sy?" tanong ng
professor, Halos lahat kami nakanganga at naghihintay sa isasagot n’ya. Dahan dahan
na bumuka ang bibig n’ya. Tiningnan n’ya muna ako bago magsalita, "Count me in
Ma’am.." Ugh! No! Hindi p’wede ‘to!

=================

Chapter 10 - Boys Talk

Chapter 10

"Dude! May shoot pala mamaya! Yikes!" nakapangalumbaba na sabi ni Carl. Speaking of
Carl Gonzales, ang totoong name n’ya ay Carlito Dominador Gonzales. Pero screen
name n’ya ay Carl Gonzales. Si Carl ang pinakafriendly, ang lalakeng may pink na
buhok at ang pinakamasayahin sa grupo.

"Onga pre. Music video daw eh.." sagot naman ni Kurt nabusy sa pakikipagtext habang
hinihimas ‘yung hita nya. Si Kurt naman ang pinakamakulit sa grupo, isa itong
playboy at napaka-aggressive sa buhay.

"Paano ba yan Terrence? Goodluck sa pageant!" tinap ni Carl ‘yung balikat ni


Terrence. Nakuha naman ni Carl ang atensyon ng binata, unti unti itong lumingon at
sinamaan ng tingin si Carl.
"Fvck you!" sabi nito sabay tungga ng favorite nyang inumin, yakult. Simula bata pa
lang si Terrence ay mahilig na ito sa inumin na ‘yon. Nakakailang bote din s’ya ng
yakult at hindi n’ya man lang kinoconsider kung effects ng sobrang pag-inom nito.
Wala kasi s’yang pakialam, masarap daw e.

"Pre baka malasing ka na naman kakainom n’yan?" natatawang sabi ni Kurt.

"Gago!" isang mura lang ang natanggap n’ya. Ayaw na ayaw ni Terrence ang
pinapakialaman s’ya pagdating sa favorite n’ya.

"Ayaw mo ba? Bakit sabi mo pa count me in... Tss kung ayaw mo.. Andito naman kaming
apat.." Kurt smirked.

"Oo nga kung ayaw mo Terrence. Pwede naman ako.." sabi ni Liam na kasalukuyang
naglalaro ng 4 pics 1 word sa iPhone n’ya.

"Asa.." ‘yun lang ang sinabi ni Terrence sabay tusok ng straw sa pangatlong bote
n’ya ng yakult.

            Hindi din alam ni Terrence kung bakit s’ya sumali sa walang kwentang
contest na ‘yon. Gusto n’ya lang talaga ipamukha sa Trish na ‘yon na nuknukan s’ya
ng gwapo.

Naalala n’ya na naman ang pangyayari kanina sa loob ng classroom bago sila i-
dismiss ng kanilang matandang professor.
"Ohghad,  talo na ang civil engineering.. Walang k’wenta ang kapartner ko.."
halatang pinaparinggan n’ya si Terrence na nasa likod n’ya lang. Knowing Terrence,
hindi naman mahaba ang pisi ng lalaki na ‘to. Hindi nakapagpigil s’ya nakapagpigil
at pinaringgan din n’ya si Trish.

"Feeling maganda, hindi naman bagay."napalingon si Trish sa sinabi ni Terrence but


Terrence stay calm and  shows his famous smirk.

"Gwapo daw s’ya? Wew! Kiss my foot!" sabay irap nito. Para talagang aso’t pusa kung
mag-away ang dalawang ‘to. Nasanay na din ang Elite 5 sa pagbabangayan ng dalawang
‘to kaya naman ay hindi na nila pinapakialaman ‘yung dalawa.

"Patalo ‘yung isa jan for sure." sabi naman ni Terrence.

"Let see. Baka ikaw.." sabi ni Trish. Nagsukatan sila ng tingin. Hanggang magsalita
si Terrence. 

"Tss! Drool over me!" tapos dinismiss na sila.

Back to the present. Nasa isang bakanteng room na airconditioned ‘yung limang gwapo
na ‘to. Lahat naman ng room sa Guzman University, airconditioned, "Grabe talaga mga
fangirls natin ‘no? Hanggang dito pala sa bagong pinapasukan natin, meron." sabi ni
Kurt.
"Malamang. Bobloks!" sagot ng tahimik na si Dominique. Si Dominique, ang silent
type sa grupo. Moody kasi s’ya at talagang napakamisteryoso ng isang ‘to, parang
may top most secret na tinatago sa katawan.

"Baket nga pala kayo nag C.E?" tanong ni Liam sa kanila. Tinanong ni Liam ang mga
kaibigan kung bakit sila nag take ng ganoong kurso, sa pagkakaalam kasi ni Liam ay
ibang kurso ang kukunin ng mga ‘to kaya naman ay nagtataka s’ya kung bakit CE ang
kinuha ng mga kaibigan n’ya.

"Masama ba?" tinaasan ng kilay ni Carl si Liam.

             

"Oo nga! Baket ba?! Walang basagan ng trip!" dagdag pa ni Kurt.

Nagtataka kasi si Russell Liam kung bakit nag take ng CE yung mga 'to. Si Terrence
alam n’ya kasing Chemical Engineering tapos nagulat na lang s’ya na pati ito CE.

"Bakit nga?" tanong nito ulit.

"Marami kasing chix sa engineering. Hehehe!" sabi ni Kurt. Tumawa pa s’ya pagkasabi
nun. Baliw talaga sa isip ni Liam.

"Mamamatay ka na sa pambababae mo. Magka-aids ka sana!" sabi ni Carl.


"Ulol! Kesa naman sa panlalake. Gago!" sa bagay may point s’ya dun.

"Oy Terrence! Kung magbaback out ka talaga. Tandaan mo marami pa kaming pogi sa
tabi mo" nagwiggle pa ‘yung brows ni Carl at tiningnan naman s’ya ng masama ni
Terrence hanggang sa... binato s’ya nito ng bote.

"A-aray! Di ka mabiro! Huhuhu!" haplos haplos nito’ yung noo kasi tinamaan s’ya ng
bote ng yakult.. Nakunot naman ‘yung noo ni Terrence nung mabasa n’ya ‘yung text ni
Trish.

            From: Freak

Papuntahin mo nga dito si Carlito. May iuutos ako.

Tumaas naman yung kilay nito at nagalit. Bakit ako inuutusan mo? Sino ka para
utusan mo ko?! ‘yan lang naman ang tumatakbo sa isip n’ya.

Kaya he pressed delete at muli n’yang ibinalik sa bulsa n’ya yung phon-- subalit
nagvibrate ulit ito.

From Freak:

Wtvr! KJ mo! Sumabog sana ang phone mo!


Kaagad s’yang nagswipe sa phone para mag reply..

"Same to you."

Then he pressed send.

Natatawa na lang s’ya sa kamalditahan ng babaeng freak na ‘yun.Hindi din alam ni


Terrence kung bakit nakikipag-asaran s’ya dun. Ngayon lang kasi may kumalaban sa
kan’ya at ang worst pa, isang babae pa.

"Anong nginingiti ngiti mo jan?" tanong ng tsimosang si Carlito.

"Pake mo?"

"Ay Kj! Ayaw mag share!" sabi ni Carl. Hinawakan ni Terrence ang pangalawang bote
at muling ibinato sa tsimosong kaibigan. Tinamaan s’ya ng bote ng yakult.
Nakalimang bote si Terrence kaya may tatlo pang natitira.

"I can't imagine na hindi ako kilala ni destiny ‘no? Tss! May tv kaya ‘yun or even
d’yaryo? Magazine?" sabi ni Kurt na kasalukuyang nakapatong ang ulo sa dalawang
bisig n’ya.

"Ang sabihin mo, taong bundok talaga ‘yun." sabi pa ni Carl.


"Ang sabihin nyo. First time n’yong makahanap ng katapat n’yo!" wika ni Rusell.

"Russ! Oo nga eh! Pambihira talaga ‘yung babae na ‘yun ‘no? Ni hindi man lang
tinatablan ng kagwapuhan ko. Siguro lesbian ‘yun?" depensa ni Kurt.

Sumagot naman si Carl at dinagdagan pa yung sinabi ni Kurt, "O baka naman. Nagpasex
change s’ya! Tama! Nagpasex change s’ya! Baka nga lalaki ‘yun e!" seryosong sabi ni
Carl. Matatawa ka na lang sa mga wild imaginations ng dalawang ‘to.

Natawa naman si Dominique at kinuha ang tatlong basyong bote ng yakult at inihagis
sa dalawa. Mga malalawak talaga mag isip ‘yung dalawang siraulo na 'to.

"Gago! Sa ganda n’ya na ‘yun?" sabi ni Dominique. Pasalamat silaat nagsalita ‘yan
ng mahaba, "Huwag mong sabihin na crush mo s’ya?" sabi ni Carl daldal.

"So?" tipid na sagot.

"T-teka.. speaking of that girl.. Nakita ko na s’ya eh! Saan nga ba ‘yun?" nag-
iisip na tanong ni Carl. B

Binalot sila ng tatlong minutong katahimikan habang iniisip kung saan nga ba nila
nakita si Trish. Hanggang may nag-pop out sa utak nila, "THE ONE WHO SLAPPED
TERRENCE! YEAH! S-SYA NGA YUN!!!" monotonously na sagot ng tatlo.
"Ang lupet n’ya dun! Haha!" wika ni Kurt.

            "Gago!" sita ni Terrence sa kan’ya.

"Masakit pa ba hanggang ngayon?" hinawakan pa ni Dominique ang pisngi ni Terrence.

"Tarantado." sabi nito. Bakit ba ang harsh magsalita ni Terrence? Sino ba naming
hindi maiinis sa mga kaibigan n’ya na puro pang-aasar lang ang kayang gawin? Hindi
pa din alam ng mga kaibigan nito na tutor ni Terrence si Trish. May kan’ya kan’ya
kasi silang tutor. Nagkataon lang na nirecommend ng dean si Trish para kay
Terrence.

Bumukas ‘yung pinto at inuluwa nito ang isang babae.

"HOY SLAVE! Kuh! Kuh! .... " sabi ni Trish. Tinatawag n’ya si Carl na parang aso.

"U-umaano ka dito Trishy?" sabi ni Carl. Pero alam n’ya naman na s’ya ang pakay
nito.

"Excuse me? Master Trish." pagcocorrect n’ya.

Natulala lang ‘yung mga kasama n’ya sa dalawang nag-uusap.


"Ma-master Trishy!"

"Very good! Dahil good boy ang slave ko! Suotin mo 'to! Catch!!!" sabay hagis n’ya
ng isang kadenang bakal kay Carl.

"Para san 'to?" tanong ni Carl habang titig na titig sa metal collar ng isang aso.

"Try mong lunukin! Baka kaya mo! You're my slave and you must wear that. .Tss,
stupid like the other guy over there." nagroll eyes pa 'to.

"Princess that is absurd." sabi ni Liam na gulat na gulat sa sinabi ng dalaga.

"He asked for my friendship. Diba nga ang sabi dogs are man's bestfriend. And they
said that dogs are loyal, so d’yan ko matetest kung loyal s’ya sa akin. Bayaan mo
na ako. Ittrain ko ‘yung slave ko na ‘yan.." then she winked at Liam. Nastarstruck
naman si Liam sa pagkindat nito. Alam naman ni Liam na talagang napakaganda nito
kaso ubod nga lang sungit.

            "So I heard you have a video shooting.” Napatingin ang lahat ng


miyembro ng Elite 5 sa kan’ya, “Kahit hindi naman bagay. Kaya ikaw slave.. I'll set
you free... today.” Umikot si Trish kay Carl na kasalukuyang nakaupo sa isang arm
chair, nilaro laro nito ang pink na buhok ng binata at nagsalita, “And you'll start
tomorrow as my slave.."

Lumayo si Trish ng ilang pulgada at nagsisimula na s’yang maglakad papalabas ng


silid na iyon kaso hinabol ni Carl si Trish dahil may gusto itong itanong at
sabihin, "Should I wear this one?" tanong n’ya. Gusto n’ya talagang magkaroon ng
babaeng  bestfriend. Kaya willing s’ya na magpakaalila para maging kaibigan lang
‘yung babaeng masungit na ‘yun.

            "Yes. Pero pag-iisipan ko pa din. Malay mo bukas bumait ako. So just
pray for that. Ciao!" Iniwan silang tulala sa nasaksihan nila.

            "I can't believe her!" sabi ni Dominique.

"Whoa! Bakit ka pumayag? Ang bobo mo Carl!" sabi ni Kurt na parang mas awang awa pa
sa kalagayan ng kaibigan.

"Bad princess.." bulong ni Liam.

"Freak will be always freak" sabi ni Terrence.

"Wag nga kayo! Kanya kanyang trip ‘yan!" sabi ni Carl. May sapi talaga ‘yung
lalaking 'to.  Nagulat silang lahat noong narinig nila na bumukas ang pinto at
iniluwa si Trish na may demonyong ngiti.

"Oops! I forgot something!" nakapout na sabi ni Trish. Lahat sila ay nakuha ang


atensyon dahil sa kagandahan nito, isabay mo pa ang mapupulang labi nito na
nakapout. Aw, dyosa talaga.
"A-ano?" sabi nilang lahat except kay Terrence.

            "Hey monster! Are you sure that you wouldn't back out?" Sinamaan s’ya
ng tingin nito at akmang huhubarin y’ung sapatos n’ya para ibato sa nakakaasar na
babae.

            "Fine! Fine! I'm just asking! If ever magbago ang isip mo! Nanjan naman
si Liam.... si Carl! .. Si Dominique at si Kurt! Hehe! Right? Baka kasi matalo
tayo!" sabay ngiti nito ng akala mo nanalo na.

            "Yun naman pala e!" nang-aasar na sabi ni Kurt.

"Wow trishy! Gusto ko ‘yan!" pag-agree ni Carl.

"Yun oh!" tipid na response ni Dominique.

"That would be better kapag tayo!" sabi ni Liam sabay ngiti ng napakalawak.

"GET OUT!!!" sigaw ng nagagalit na si Terrence. Kung totoo lang na naglalabas ang


tao ng usok sa ilong kapag nagagalit, malamang nasuffocate na sila.

Konting konti na lang at aabutin na s’ya nito. Pero hindi natinag si Trish sa
kinatatayuan n’ya, "I like your look right now. Fine! Bwahahaha! I succeed!
Hurray!" at isinabog n’ya sa kan’yang sarili ang mga confetti na galing sa bulsa
n’ya.

Lumabas na si Trish sa room na ‘yun na may ngiting tagumpay, habang si Terrence


naman ay tumayo at sinipa ang isang armchair, “I swear, I could kill that freak..”

=================

Chapter 11 - Past

Ang sarap talaga ng buhay kapag may pera. Kakasahod ko lang kay Terrence kanina.
Hihi! Alam n’yo ba kung paano ko nakuha ang sweldo ko? Tutal tsismosa kayo,
kukwento ko na din.

After kong maasar si halimaw kanina. Trip ko lang s’yang asarin. Eh baket ba? Sira
pala  sy’a. Ano ‘yun? Wala akong revenge? Pinaiyak n’ya ako remember? Akala n’ya
hindi ako gaganti. Utot n’ya!

Successful naman ang plano kong pang-aasar. Kasi pulang pula s’ya sa galit. I'm so
genius talaga. Naggupit pa ako ng mga construction papers para sa confetti ng
pagkapanalo ko.

Effort na kung effort. Mas mabuti ng handa dahil sa huli nasa akin parin ang huling
halakhak. Tumawa ka ng parang witch. Parang ganon. Anyways, nawala na tayo sa
kwento ko. Before kasi naming dalawa mag-asaran doon sa vacant room. Nakuha ko na
talaga ‘yung sweldo ko. Nag-paranigan diba kami after ng dismissal? Feeling maganda
daw kasi ako. So ayun..

"Hoy pasahod ngayon ah? Give me my money.." nakalahad na ang kamay ko. Aba, hindi
naman sa patay gutom ako sa pera kaso ang usap ay usap. Sa ayaw at sa gusto n’ya ay
obligado s’yang bigyan ako ng sweldo.
"Tss! Mahirap" bulong n’ya.

"Aba't! Hoy lalake! Pinaghihirapan ko ‘yung binabayad mo sa akin! So akin na..."


pinag-rub ko pa ‘yung dalawang kamay ko at hinipan saka inilahad.

"Oh." Abot n’ya na parang malaki pa ang sama ng loob dahil pasweldo ngayon. Tsk,
ang pangit n’ya talaga. Hays.

"Kbye." sabi ko. Iniwan ko na s’ya dun at naglakad ng cobra walk.

Ganung kasimple. Hindi s’ya mahirap kausap. Anong akala n’ya dadamdamin ko ‘yung
pagsasabi n’ya sa akin ng malandi. No way! I won’t make myself to look pathetic.

"Hindi porket nilait ka. Magdadrama ka na. Huwag tanga, laitin mo din para pantay."
‘yan ‘yung motto na isa sa mga favorite ko. Nilait ka na nga tapos wala ka pang
revenge? No way.

Mas magalit ka kung nilait ka ng mas kalait lait sa’yo. Ipamukha mo sa kaaway mo.
Na s’ya pusa at ikaw tigre. Ganun yun!
Ang dami kong nabibigay na tips sa inyo. Medyo nadadala na ako ng kadaldalan
ko,"Bwiset ka Steph! Sa ganda kong 'to, pinaghihintay mo ‘ko!" sa loob loob ko.

Nandito ako sa mall at hinihintay ko ‘yung bestfriend ko. Hay nako ang kupad kupad
n’ya talaga! Umupo muna ako sa high stool. Dito ako sa Startriangle, ang
pinakasikat na coffee shop sa Pilipinas.

"Miss can I join you here?" tanong ng isang lalakeng chinito. Chinese na mukhang
hito. Tiningnan ko naman s’ya mula ulo mukhang paa.

"How about no?" tinaasan ko s’ya ng kilay.

"How about yes?" tanong n’ya. Ang kapal ng mukhang ngumiti! Yah, nakakainis angh
pagmumukha n’ya.Di naman bagay! Tsk! Kung si Liam ka hahayaan kitang ngumiti ng
gan’yan kaso hindi naman s’ya si Lim, so forget it.

"Shoopi! Maraming table jan! Lumayas ka sa harap ko. Go away!" pagtataboy ko sa


kan’ya. Ngunit sa di maipaliwanag na dahilan. Nakaupo lang s’ya dun at for Pete’s
sake ay talagang naiirita ako sa pagmumukha n’yaa.

Kapag may nanggugulo. Ganito ang gawin n’yo. Watchout! Sampolan natin ang isang
mayabang na 'to.

"Alam mo kuya? Para kang araw..." binigyan ko s’ya ng isang magandang ngiti. Yung
tipong mapapanganga ang kausap mo dahil sa kagandahan mo. Sureball, walang
makakatiis sa kagandahan ko, dyosa ako na bumabasa lupa.

Kung nai-sshare lang talaga ang kagahandan ay marami na akong natulungan, kaso
hindi nasshare so sorry na lang.

"Alam ko na ‘yan! Kasi ako ang nagpapaliwanag ng mundo mo?" sabi nya. Kinikilig pa
ang ungas.

"Iba 'to.." sabi ko.

"O? Edi baket kung ganun?"

"KASE ANG DILAW NG NGIPIN MO, PARANG ARAW! BOOM! MUK’A KA PANG BUNGANG
ARAW!”  inirapan ko muna s’ya bago ko napagpasyahan na lisanin ang masalimuot na
lugar na ‘yon.

As usual ‘pag may naasar ako, natutulala talaga sila. S’yempre! Ako pa ba?

Hindi porket maganda ka magpapakabait ka na sa kanila. Well, depende naman sa’yo


kung paano mo sila itatrato. Kung mabait s’ya sa’yo, maging mas mabait ka. Pag
masama s’ya, maging demonyo ka. Pag mayabang s’ya, mas yabangan mo s’ya. Kapag
panget s’ya, wala na tayong magagawa jan. Change topic na lang..

Paglabas ko pa lang ng starbucks. Nakita ko na si blonde, I mean si Steph, long


blonde hair kasi s’ya. Tapos ako, black na medyo curly ang dulo ng mahaba kong
buhok.
Nakaskirt ako na black  ay suot suot ko din ang black and white na chuck taylor ko.
Ayaw kong mag heels eh, kaya chuck na lang. Astig kasi ako..

Si Stephy naman skirt tapos umo-off shoulder with her boots.

"Tuhray! Anong sabi ng balikat sa suot mo?" bungad ko sa kanya. Ngumiti naman s’ya
ng pagkatamis tamis. Feeling n’ya ba ay nagcocompliment ako sa kan’ya?

"Anong meron sa all black na ‘yan? At tali sa ulo mo? Haha!"

"Maganda kasi ako. Tara na nga!" aya ko sa kan’ya. Balak kong bumili ng damit.
Kahit mga tatlo lang, pangdagdag sa collection.

“Wiwit! Chix pare!” may narinig akong sumipol at paglingon ko sa gawing kanan ni
Steph ay nakita ko ang isang jejemon na handa ng tumulong ang laway sa kagandahan
ko. Huwag n’yo na isama si Steph, maganda lang ‘yan pero ako ang dyosa.

            “Wow! Ang ganda naman nila!” nagpatuloy lang kaming dalawa sa


paglalakad. Sanay na akong masabihan ng maganda, ewan ko na lang dito sa kasama ko
kung nasasabihan ba s’ya.

            “Mga miss! Papicture naman!” napatawa si Steph sa narinig pero ako ay


nanatili lang na kalmado sa mga compliment na tinatanggap namin.
"Ahihihi sis! Ganda naman natin!” sabi ni Stephy. Napalingon naman ako sa kan’ya na
puno ng pagtataka.

"Baket natin? Diba dapat ako lang?" mataray na pahayag ko. Gusto ko lang inisin ang
isang Stephanie Montecarla.

"Selfish ka. Haha! Pogi ni Carl noh?" nagsspark pa ang mga mata n’ya na animo ay
spark ng isang poste ng Meralcorp.  

"What si pink hair?" tanong ko. Malay ko ba kung sinong Carl ang  sinasabi n’ya.

"Oo s’ya nga! Hihi Sama mo ko ulit pag may gathering kayo. Hihi! Close ka na sa
Elite 5 diba?" kinikilig nasabi n’ya.

"Di ako close. Sila nakikipagclose eh." sabi ko. Totoo naman kasi sila naman
talaga.

"Weh sis? Gwapo kaya nila kyaaaaa~ grabe~!"

"Yung mga ‘yun? Gwapo? Hahahaha tatawa na ko!" sabi ko. Sabay irap sa kan’ya.

"Bitter mo! NBSB ka kasi!" pang-iinis n’ya. Oo, nahurt naman ako ng slight sa
sinabi n’ya, mga millimeters lang naman. Tama kayo, no boyfriend since birth. Gusto
ko kasi ‘yung panghabambuhay na.

"Nyenye! Ikaw din NBSB!!" sabi ko.

"Trishy! Don't compare me with ya. I have ex's" pagmamalaki n’ya. Tapos sabay
ngiting tagumpay kasi naaasar n’ya ko. Pero nagkakamali s’ya.

"No boobs since birth ka kaya."  Napalingon naman s’ya sa hinaharap n’ya sabay
galit na tumingin sa akin.

            "WEH? Laki kaya nito!"

 "Kdot." Ayaw ko ng makipagdiskuyson kay Steph dahil sa pagkakaalam ko ay hindi


magpapatalo ang isang ‘yan. Pwes, ako rin naman ay hindi magpapatalo sa kan’ya.

Matapos ang ilang minuto ay nakarating kami sa isang boutique, Butik ‘yan ‘yung


name ng botique. Maganda kasi dito. Eto ay ang pinakasikat na brand ng damit sa
buong mundo. Medyo may kamahalan. Pero since nandito si Steph! Haha S’ya ang
bibili!

Si Steph Montecarla? Mayaman yan! Fashionista ang baliw na bestfriend ko yan.


Montecarla's Group of Company. Maraming pera ‘yan. Pangatlo sa pinakamayang tao sa
Pilipinas ‘yung daddy nya. Kami naman dati, pangalawa kaso bumaba at nawala sa
peak.
"Hoy! May hindi ka pa nasasabi sa akin!" tinaasan n’ya ako ng kilay. Anon a naman
sinasabi ng baliw na ‘to?

"What?" tanong ko.

"You're going to represent CE pala sa darating na Mr. and Ms. CEA!" I nodded. So
ano ngayon?

"At balita ko rin na si Terrence ang partner mo kyaaaaa~!"

"And so?"

"And so? Edi maswerte ka! Gaga 'to! Pogi pogi kaya non!" sabi n’ya pa.

"Yung mukhang ‘yun? Hahahaha!” sarkastiko kong tawa, “Baka matalo pa kami dahil sa
mukha n’ya!"

"Hahaha! Sira ka talaga! And for that ,ako ang magttrain sa’yo! Ako ang bonggang
stylist mo!" sabi n’ya pa. Mas excited pa s’ya sa akin eh. Kaya hindi ko kaagad
sinabi sa kan’ya ang pagsali ko. Knowing her, madalas s’yang maghysterical sa mga
bagay bagay.

"Whatever! Tsaka matagal pa ‘yun! Two weeks pa!"


"Oo nga.. mabuti ng maghanda best friend, kasi ang balita ko ang ipanglalaban ng
Architecture ay si..... Dora! Haha!"

            "Who's dora?" tanong ko. Dora? The hell. Kailan pa ‘yun nagkatotoo?
Baliw talaga ‘yung isang ‘to.

 "Speaking of Dora, ayun s’ya oh...Tada!" tapos tumawa s’ya ng tumawa. Pagtingin ko
sa likod ko. Natawa din ako. S’ya pala ang sinasabing dora ni Steph?

"Baliw ka! Haha!" tapos ang high five kaming dalawa.

Andito pala si Iana Sharm ang reigning queen ng Top Model Philippines. Asa!
Maraming namangha sa pagpasok n’ya sa Butik. Okay, sikat s’ya eh. Napapanganga sila
sa itsura ni Dora. Anong kahanga hanga jan? Halos lahat sila in-aassist ‘yung top
model daw.

"Ohh.. look who's here.." sabi n’ya. Nasa harap na namin s’ya. Hinead to toe n’ya
si Stephy tapos ganun din ang ginawa n’ya sa akin.

"Look who's there.." sabi ko. Hinead to toe ko rin s’ya.

"Ohhh.. bakit nandito ka? Mageexplore ka ba? Hahaha!" baliw na banat ng bestfriend
ko. Napahampas ako sa braso n’ya, napakalakas talagang mang-asar ng isang ‘to.
"I didn't expect na you can afford those thing, ew, should I buy you one?" sabi
n’ya. Kala n’ya maooffend ako? Pwes, kala n’ya lang ‘yon.

"Really? How about buying this shop? I can afford this!"  madiin na sabi ni Steph.

"I'm not talking to you. So shut up blonde!" nanlilisik na ang mata n’ya sa galit.

            "Maybe?” I paused for a moment, ”Maybe I can't afford those things...
Maybe I don't have plenty of money.. but one thing is for sure... mas maganda ako
sayo." tinaasan ko s’ya ng kilay.

"High five tayo jan sis! Bet na bet!" tapos nakipag high  five sa akin si Steph.

"Oh really? May napatunayan ka na ba? Mas maganda kasi ako sa’yo. Watch your words.
Alam mo’ yung Top Model Philippines? I'm the grand winner!" sabi n’ya sabay  hawi
ng buhok at nag-ngiting tagumpay.

            "Yes I know that. Kaya nga nung nanalo ka. Hindi na ako nanonood ng
show na ‘yun.." sabi ko sabay tawa at irap sa kan’ya.

"So I heard sasali ka sa Ms. CEA? Goodluck. Maawa ka naman sa sarili mo, pity on
you.” sabi n’ya sabay walk out.
 "Kdot~! See yah!" Anong akala nya? Matatakot ako sa kanya? No way, sa assuming
n’yang ‘yan, mas maganda ako sa kan’ya dahil ako ay dyosa.

Terrence

Humanda ka freak. Ngayon ako maghihiganti sa’yo. Kala mo kung sinong magaling.
Nakuha pa akong inisin.  Ha ha ha! Never akong maiinis sa’yo, pasalamat  s’ya at
babae s’ya. Nako kung hindi s’ya babae ay matagal ko na s’yang pinatulan!

Nga pala, may pasok kami ngayon at nakakainis ang nangyari kahapon. Ugh, why I am
really pissed with that too conceited girl?

"HOY SLAVE! Kuh! Kuh!" nagulat akong sinabi n’ya ‘yan. Gawin ba namang aso’ yung
kaibigan namin? Sira talaga. Napaiwas na lang ako ng tingin noong malapit n’ya na
akong lingunin. Gah, ang panget n’ya.

"U-umaano ka dito Trishy?"  sabi naman ni Carl. Bobo din 'tong Carlito na 'to e.
Bakit gusto n’ya pang makipag kaibigan sa freak na ‘yun? He's so insane. Kung
matino kang tao, hindi ka mamimili ng gan’yang  klaseng kaibigan! Sus, magsama
silang conceited.

Tapos maya maya. Hinagis n’ya’ yung collar ng isang aso. Okay, aso lang naman e—ANO
ASO?! Sinong baliw ang magpapasuot ng gan’yan sa tao? At sinong baliw ang magsusuot
n’yan?
Pareho sila ni Carl, mga weirdo.

Tapos umalis na s’ya at nakahinga ako ng maluwag. Tuwing nakikita ko s’ya


nakakairita ang mukha eh. Napakagaspang pa ng ugali. Babae ba talaga ‘yun? Parang
hindi eh. Yung feeling na papalapit pa lang s’ya ay kumukulo na ang dugo mo, nag-
uumpisa ng  magalit ang mga ugat sa katawan mo, ‘yung feeling na ang sarap pang
makipag-rock-paper-scissor sa salamin kaysa makita mo ang pagmumukha n’ya, ugh,
damn feels.

"Oops! I forgot something pa!"  sabi n’ya using her maarteng tono. At talagang
bumalik pa s’ya para sabihin ‘yung nakalimutan n’ya? Nag-pout pa si Freak, muntik
na talaga akong masuka noong ginawa n’ya yun. That was the most annoying pout I
have saw in my entire life.

"Hey monster! Are you sure that you wouldn't back out?" she said.  Ako mag
bbackout? The hell! Itsurang contest na ‘yan magbabackout pa ako? Anong akala n’ya
sa akin pabigat sa kan’ya? Aba! Ang kapal naman ng mukha n’ya!

Sa galit ko ay hindi na ako nakapagpigil at sinigawan ko s’ya, “Shut up!”


nakakainis kasi. Feeling maganda, akala mo naman mas maganda pa sa paa ko.
Nakakadiri!

"I like your look right now. Fine! Bwahahaha! I succeed! Hurray!" sabi
n’ya. Nagulat na lang ako ng may isinabog s’yang confetti?

Hindi naman s’ya prepared. As I said, gaganti ako. At ngayon ‘yon.

             

Baket nga pala ako sumali sa pipitsuging contest na ‘yan. Well, gusto ko lang
ipamukha sa freak na ‘yun na magiging effortless ‘yung pagkapanalo ko. Ipapamukha
ko sa panget n’yang mukha na ang gwapo gwapo ko.

Teka, hindi ba s’ya nagagwapuhan sa akin?

Sa bagay, mala-demonyo ‘yung ugali nun. Baka kasi type n’ya ‘yung same sex, yuck,
kaya pala.

***

Terrence

Maaga ako pumasok ngayon para makaiwas sa stampede ng mga fans. Napakahirap talaga
maging sikat at gwapo, anong akala nila ‘yung mga panget lang ang nagkakaproblema?
Ako din kaya, ang dami kong pogi problems. Sa dami nga ay hindi ko na mabilang,
tsk!
Konti pa lang ‘yung pumapasok at dali dali kong ipinark ‘yung baby ko, my
Lambhorgini.  Pagkababa ko pa lang ng kotse nakita ko na ‘yung unang makakasira ng
araw ko. 

"Hi Andrew, long time no see.." nagpacute pa s’ya sa akin, kagaya ng dati  n’yang
ginawa. Muntik na akong masuka sa pagmumukha n’ya, hindi ko na lang s’ya pinansin
at inilagay sa bulsa ko ang mga kamay ko, she is just a waste of my precious time.

"Oh? Acting like rude eh?"  nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi na pinansin
ang pinagsasabi n’ya. Napansin ko naman na nakasunod s’ya sa akin. Ano bang
ginagawa ng babaeng ‘yan dito? Hindi naman s’ya dito nag-aaral. Mga panira talaga!
Badtrip!

"Can you stop stalking me?" inis na sabi ko. Napahinto ako at napaharap sa kan’ya.
Ano bang ngini-ngiti ngiti n’ya jan? Nakakainis talaga!

"Can you stop walking away from me?” umikot s’ya sa akin habang nakaturo ang
hintuturo n’ya sa collar ng uniform ko, “Stop walking away from me, my dear
boyfriend?" 

"Stop this nonsense talk, Quencess Aruta.” Tinabig ko ang mga kamay n’ya na ngayon
ay nakahawak na sa collar ng uniform ko, “And please, shut the fuck up. Umaano ka
ba dito?!" 

"Binibisita ang boyfriend ko.” Boyfriend? Alam ba n’ya ang sinasabi n’ya? We’re
over!

“ Remember what we used to do? Lagi tayong magkasama. I just missed that.." sa
tingin n’ya ay ngayon ko pa s’ya paniniwalaan? After what I’ve suffered, I moved on
so easily. Hindi dapat ibigay sa isang tao ang pagmamahal na hindi n’ya deserve.
"I remember when you couldn't be faithful, my ex,  that's what I remember.. do you
remember?" she was stunned for a moment and that’s the time I walked away from her,
bullcrap. 

=================

Chapter 12 - Gas Station

Chapter 12

I did my daily morning rituals. Maaga ako papasok ngayon dahil trip ko lang. Minsan
lang magising ng maaga at pumasok ng mas maaga sa itinakdang oras ng pagpasok.

"Buenas diaz Papa!" bati ko kay Papa. Pronounce as ‘yung pang mayamang papa.

"Buenas Diaz! Como estas?"  sabi naman ni Papa while sipping his favorite coffee
blend.  [Good morning, how are you?]

Lakas namin maka-spanish ni Papa. You know, magaling si Papa sa iba't ibang
lenggwahe. Tinuturuan n’ya ako since pagkapanganak ng mama ko sa akin, umupo ako sa
seat ko. Habang si Papa naman ay busy sa pagbabasa ng kan’yang dyaryo. Kumuha ako
ng french toast. Pang sosyal ‘yung pagkain namin. Chos! As I said, di naman kami
naghirap ng matindi. Nakasupport pa din sa amin ‘yung mga uncles ko at may natitira
pa naming ipon si Papa sa bank account at ‘yung mga naiwan na ari-arian ni Mama.

Huminga ako ng malalim bago magsalita, "Genki. Papa, Dono yo ni anata no suimin
nodesu?" sabi ko sabay kagat ng malaki sa french toast ko. [I'm fine. Papa, How is
your sleep?]

 Tumingin s’ya sa akin at ngumiti. Bilib naman kayo! That is Japanese. Oha! Maganda
na matalino pa, perfect. Ideal girl!
            "Kkwae jon-eun. Neomu iljjig" he said. Napaisip ako sa sinabi nya. That
is Korean if I'm not mistaken. [Pretty good. It's too early..] Oo nga naman, kung
ako nga nagtataka kung bakit ang aga kong nagising. S’ya pa kaya?

Nakapagspanish na kami, filipino, english, korean at japanese. What's next?

Nilagok ko ang isang basong gatas. Tumayo ako sa kinauupuan ko. Kinuha ko ang bag
ko at nagsalita, "Fur einen. Wechsel auf wiedersenen!" [For a change. Goodbye!]

            Lumapit ako sa kan’ya at hinalikan ko s’ya sa pisngi. Makapasok na nga


at baka magamit namin ang lenggwahe sa buong mundo. Haha! Binigay ni Papa ‘yung
baon ko.

"Bye. Curare!" he said then his lips was form into a smile. [Bye. Take care!]
That's italian.

"Wa." sabi ko. Kapampangan ‘yan. Hohoho! Naglakad ako palabas ng bahay. Paglabas ko
ng bahay. Shems! walang masakyan! Bakit kasi isolated ang place namin!

Hanggang may papalapit na motor. Omg! Umagang umaga manghoholdap? Agad agad kong
binuksan ang gate para makapasok ulit sa bahay namin. Grabe! Grabe ang tibok ng
puso ko, akala mo ay may rally ng mga lamang loob ko.

Pero huli na ang lahat. Nahablot n’ya na ako sa mga braso ko.
"Get off!" nagpupumiglas ako pero hinigpitan n’ya ang kapit n’ya.

"A-ano ba! Bitawan mo ko!" sabi ko. Binitawan n’ya naman ako kaya muntik na akong
ma-out of balance.

"Bakit mo ko binitawan? Leche!" buti pala nakahawak ako sa bakal kundi semplang
ako. Nakakainis!

"Sabay na tayo." sabi n’ya. Sino bang ungasis na 'to. Lakas makahelmet eh, kaya
hindi ko Makita ang mukha n’ya.

"I don't know you..so please. Padaanin mo ko." sabi ko. Aba! Nakaharang s’ya sa
dadaanan ko.Nakatingin langa ko sa kan’ya habang s’ya naman ay dahan dahang 
tinanggal  ‘yung helmet n’ya  and, wow!

"Umaano ka dito Liam?" tanong ko agad sa kan’ya. Imbis na sumagot s’ya. Sinuotan
n’ya ako ng helmet. Anong ibig sabihin nito? Bobo lang Trish, malamang sasakay ka
sa motorbike n’ya. Aish! Heh! Pakilamera na subconscious mind. 

"Excuse me? What's the meaning of this?" I asked him without breaking our eye
contacts. He beamed at me and said, "Obviously, sasakay ka. What happened to you?
Since the last time I checked you, you're genius. And now? Nevermind..Haha! Peace!"
sumakay s’ya motorbike n’ya habang ako ay naiwang nakatulala sa kan’ya. 

           

"Hoy! Nakikita mo ‘yung semento? Baka gusto mong dumikit ‘yung mukha mo jan?!"
pagtataray ko sa kan’ya. Grabe, naeenergize ako ngayong umaga. Bakit ba ang daming
nakakabwisit?! 
"Hop in.." sabi n’ya. tiningnan ko lang s’ya. Ako mapapasakay mo sa motor?

"Scared?" he smirked for a while. Oh no. Matatapakan ang pride ko.

"A-ako? Bakit naman ako matatakot? Duh! Kung kotse nga kaya kong patakbuhin ng
120km/hr, ‘yan pa kaya?! Sus, chicken!” oh Lord, help me.

***

Russel Liam 

Halata namang natatakot. Ayaw pa aminin. Nasabihan ko pa s’ya tuloy ng scared.


Medyo kabisado ko na din ‘yung ugali n’ya. Masyadong mapride. Ayaw n’yang
natatapakan ang pride n’ya. Hanggat maaari ay ayaw  n’yang ibaba ang ego n’ya, tss!
She is one of a kind and I damn interested with her. 

Kita mo ngayon? Halata namang natatakot sumakay ng motor ayaw pa aminin.

Inayos ko ‘yung pagkakalagay ng helmet n’ya.

 “It suits you.” Napangiti ako habang minamasdan ang customized helmet ko na
pinasuot sa kan’ya, terno kami ng helmet. "Tara na." aya ko sa kan’ya.
"O-okay." Nag-aalanagang sabi n’ya at sumakay na s’ya. The moment she climbed on my
motorbike, I definitely saw her uneasiness.

"Kapit ka.." sabi ko.

"Tss. Baho mo baka kumapit ang amoy mo sa akin.."  ang arte grabe. S’ya lang ‘yung
babaeng nakikita kong ganyan. Yung ang sungit  kahit maganda naman ang ipinapakita
mo sa kan’ya, wala na akong makikitang katulad n’ya. Bukod tanging s’ya lang!

"Baho daw? Kaliligo ko lang eh.." Ako si Russel Liam magiging mabaho? That's
ridiculous! Never akong naging mabaho. Mangyayari lang ‘yun pag naaagnas na ako.

Pinaandar ko na ‘yung motor, "Woaaaa! Ahhhhh!" sigaw n’ya. Halos matawa ako sa
reaksyon n’ya, ano s’ya ngayon? Hindi daw takot pero kung makatili ang lakas. Abot
hanggang Saturn.

Naramdaman ko din na ang higpit ng pagkakayakap n’ya sa akin. Hindi na hawak, yakap
na. Yung literal na magugusot ang damit mo.

"Tsk. Di pala takot ah.." I said. Nakafocus lang ako sa pagdadrive. Nakadikit y’ung
ulo n’ya sa likod ko, "U-uy L-liam! B-bagalan mo! Gusto ko pang mabuha!!" I
chuckled at binagakan ang takbo.

"This is better. Bakit alam mo ‘yung bahay ko at bakit nakamotor ka? Baka
pagkaguluhan ka n’yan?"
"Trip ko lang. Mas hassle mag kotse eh. Yung bahay ko at bahay n’yo ay isang bahay
lang ang pagitan.." sabi ko. Totoo naman na isang bahay lang ang pagitan. Nasa
isang village kami at mahigpit ang security kaya hindi nakakapasok ang mga fans.
Pero pag may nagpapaabot ng regalo. Nilalagay sa harap ng bahay namin. Actually, my
dad owns that house. I'm planning to be independent next month. I'll buy a condo
unit.

"Weh? Bakit hindi kita nakikita?" sabi n’ya.

"Eh kase nga. Busy akong tao, lumalabas ka ba ng bahay nyo? Lagi akong
nagbabasketball sa harap nyo e." sabi ko. Yung malaking bahay nila este mansion.
Ang nasa harap nun ay ‘yung basketball court. Madalas akong magbasketball dun. Lalo
na pag walang magawa at gusto magpapawis.

"I'm not going outside eh. I see. . so neighborhood pala tayo?"

"Ganun na nga.." patango kong sabi.

"Malas ko talaga.” She snapped her fingers, “Sa lahat ng kapitbahay namin.. may
mabaho kaming kapitbahay. " bumuntong hindinga s’ya, “Hays, kaasar naman.”

"Kapal neto. Kaya pala kung makayakap ka sa akin at makasinghot  sa likod ko. Wagas
na wagas!" for sure ay inirapan n’ya ako dahil sa sinabi ko.

"Heh! Natatakot lang ako! Ew!"

             
"Ganyan ka ba talaga? Hilig mong magsungit."

             

"Born to be real."

"Andito na tayo.." I said. Binigay ko sa guard ‘yung susi ng motor ko. ‘Sya na mag
park nyan. Natatamad ako. Since maaga pa, walang nakakita sa amin ni Princess. Yung
guard lang nakakita na nakaangkas si Princess sa akin.

"Super aga naten! Weee!" inistrech n’ya ‘yung mga kamay n’ya na parang ineenjoy ang
sikat ng araw.

"Tara na nga.." hinila ko s’ya .

"Bitaw.."  Kaya naman bumitaw ako kaagad . Ang awkward tuloy ngayon, bakit ko ba
kasi hinawakan ang kamay n’ya na walang paalam? Hindi ko na lang pinansin ang
ginawa ko instead nag focus na lang ako at ininejoy ‘yung pagkakataon na ‘to habang
kasama ko s’ya.

Naglakad na kami papuntang engineering building, "Alam mo ang cool mong kasama."
she said. Napalingon naman ako sa kan’ya. She is really cute.

"Why is that so?" I said. I smiled.

 "COOLang sa pansin. HAHAHAHAHAHAHA!" at nagtatawa na parang baliw. Ganito ba


talaga s’ya tumawa sa harap ng isang lalaki? Di gaya ng mga nakakasama kong babae
kagaya ng mga model, mahinhin at di gan’yang tumawa. Ugh, turn on.
"Eh?" bumabanat pa eh. Coolang sa pansin. Wtf! First time kong masabihan ng ganun.

***

Hanggang makarating kami sa harap ng room namin, "Seriously, di ka majoke? Cool ka


talaga kasama! Ang astig pala magmoto-" Hindi n’ya naituloy ang sasabihin n’ya nung
makita n’yang may tao na sa loob ng room.

"Bro!" bati ko kay Terrence na nakatingin lang sa aming dalawa. Hindi s’ya
nagsalita. Tinanguan n’ya lang ako. Isa pa din ‘to, hindi mo rin alam kung good
shot or bad shot eh. Tss, buti pa ako. Laging positive lang!

Umupo na si Princess. Dating gawi, sa harap kami, "Dun ka nga sa kaibigan mo." sabi
ni Princess. Ano na namang nakain nito at nagbago ‘yung maganda n’yang mood? Kanina
kasi diba, ang lakas mang-asar ngayon naman hindi mo maexplain ang pagmumukha n’ya.

"Gusto ko dito eh." sabi ko. Nasa likod nya si Terrence. Na hindi mo din
maipaliwanah yung mukha. Mukhang badtrip din.

Nagsaksak ng earphone si sungit. Kaya ako din nagsaksak na din sa tenga ko. Si
Terrence din nagsosoundtrip.

Kanya kanya kami ng mundo ngayon. Walang pakialamanan.


Dumadami na din yung tao sa room. Hanggang may lumapit sa akin. Kaklase namin sya
siguro.

"H-hi Russell" nahihiya nyang bati.

"Hi" response ko sa kanya. Nginitian ko sya.

"I'm Liz. Pwede pa autograph?"

"Sure" sabi ko. Inabot nya yung isang scrap book.

Nandun yung mukha ko. Talagang napakaeffort. Natapos ko ng mag sign dun at inabot
ko sa kanya.

"Salamat" sabi nya.

"Ako dapat magpasalamat. Thanks" I said.

Maya maya pumunta sya sa tabi ng upuan ni Terrence.

"T-t-terrence.. pu-pwede b-ba na m-mag sa-sa-sign ka di-dito?" napanganga na lang


ako. Napansin nya din siguro yung pagkabadmood ni bro.
Nakakatakot at napakasamang tingin. Kinuga nya yung pen at pumirma. Ni hindi sya
nagsalita.

"Sa-sa-salamat.." sabi nito.

Biglang lumakas yung hangin. Nilipad ako sa white board. Joke

"Hi Trishy!" dumating na si Carl.

Nag-angat ng tingin si Princess. Sinamaan nya ng tingin ang bagong dating na si


pink hair.

"Correction, Master"

So totoo nga yung one week slave na usapan na yun?

"Master Trishy! Tabi ako sayo huh?" pabulong nyang sabi. Kasi naman,
pinagtitinginan sya ng mga block mates namin.

"K" tipid na sabi nito. Ako yung nasa kaliwa nya si Carl yung sa kanan.
Tumayo si Terrence at sinipa yung upuan ni Carl.

"Tabi!" sabi nito.

Pati ako nagulat. Ano bang problema nito at makapag utos. Wagas!

"Tabi kami ni master eh." pangangatwiran ni Carl.

"Tatabi ka o ipapatanggal kita kay dad?"

Alam  nyo naman yung isang yan, yung daddy nya yung manager namin, Kaya isang pitik
lang ang galaw ni Carl.

"Oo na. Tatabi na. O yan.. tss" iiling iling na sabi ni Carl at nag move sa isang
upuan na katabi nito.

Prenteng umupo si Terrence. Si Trish naman hindi sya pinansin.

Hanggang dumating na din si dom at kurt.


Dumatin na yung prof namin sa Physics.

Trish Lua's Point of View

Inalis ko na ang pagkakasaksak ng earphone ko. Dumating na si Prof eh.

"Class today, since natackle na natin yung lesson na 'to. Bibigyan ko kayo ng time
para kopyahin yung lesson nyo." sabi ni prof.

Pagkakakita ko sa mga nakapost. Lumuwa ang mata ko. The hell, pitong cartolina?

Carl raised his hand, "Do you have handouts?". Our prof responsed, "I'm giving you
only 45 minutes to copy that. No more buts, just do it. And next week, unit exam."

Kinuha ko yung notebook ko. Makapagsulat na nga.

"Freak.." may bumubulong na panget sa tabi ko. Inis na nilingon ko sya.


"Problema mo?" tanong ko.

"Isulat mo ko." sabi nya.

"Ano lang silbi ng kamay mo?" tinaasan ko sya ng kilay, kaliwa muna. "Sino ka para
utusan mo ko? Alipin mo ba ako? Tutor mo lang ako." sabi ko.

Ngunit di sya nagsalita at ngumiti lang ng nakakaloko.

"You signed this. So you're my slave now."

Ikinurap kurap ko pa yung mata ko sa nakikita ko.

Pirma ko nga yan.

I know my signature at mahirap gayahin yung pirma ko.


"Ano? Isusulat mo ba ako o isusulat mo?" sabi nya.

Hinablot ko yung papel na hawak nya. Parang eto yung papel na pinirmahan ko about
sa scholarship?

O.O

Biglang may naalala ako.

May dalawang papel na ibinigay si Dean Albarda nun. Yung unang page, about sa
contract about sa pagiging tutor.

Dahil sa sobrang badtrip ko sa mga nakasulat sa kontrata. Binuklat ko yung


pangalawang page. Pinirmahan ko agad yun. Nakakabadtrip kasi.

Magugulat ka na kang na tuturuan mo isang halimaw.

"Di mo man lang binasa yung nasa second page" sabi ni halimaw.
Kinuha nya yung mga papel.

"Edi aken na! Babasahin na!" sabi ko.

Kaso hindi nya binigay at hindi na ipinabasa sa akin. Binalewala ko lang kasi about
sa tutor lang yun.

"You fooled me!" sabi ko sa kanya.

"Coz you're a fool" he said.

Binasa ko yung nasa papel..

Enslavement Agreement.

I'm willing to be a slave to Terrence Andrew Sy within 100 days. 

"Fudge! Ano 'to? Sira ka ba talaga? 100 days? Damn you!"


Pagsisilbihan ko sya ng ganung katagal? The hell!

Never akong magpapaalila sa kanya. Sino ba sya para utos utusan ako?

Kaya ang ginawa ko. 

"Ha ha ha! Wala ng agreement! Neknek mo!"

"Bakit mo pinunit?" tanong nya.

"I don't care" sabi ko sabay inirapan sya.

"That's only a scan copy."


Napatingin ako sa kanya.

"Damn you! Go to hell! You're really an ass!"

"I know. Hey, 30 minutes left. You should copy now."

Labag sa loob ko.

Tutor tapos naging slave? Anong nangyari sa buhay ko. Masahol pa 'to sa
pinagsakluban ng langit at lupa. It's like living in hell with this arrogant
monster.

"Don't be too cocky and bossy! Fine isusulat na! Nasaan ba notebook mo?" 

"Your notebook is enough.." 

"What? Wala kang gamit?"

"As you can see, I don't have bag today. You're my slave so shut it."
"Screw you!"

Lord, bakit po ba pinapahriapan nyo po ako? Dati tutor lang ngayon alipin na
talaga. At worst, demonyo yung amo ko. 

Kahit labag sa loob ko, kinuha ko yung Minnie Mouse kong notebook. Walang basagan
ng trip, favorite ko yung daga na 'to since nung bata pa ako. Kaya wag ka tumawa
baka basagin ko yang ngipin mo.

Sa lalim ng pag-iisip ko.

Te..teka...

*Ting!* 

Ganyan kabilis akong mag isip ng paraan.

"Psstt! Carlito!" tawag ko sa kanya ng pabulong.. 


"Ano ba? Wag mo nga akong tawagin sa pangalan na yan. Ano yun Master Trishy?" he
asked.

I grinned, "Isulat mo ko. You're my slave diba? Come, take it.." abot ko sa kanya
ng notebook ko. At kinuha nya naman.

"Very good!" sabi ko sa slave KO. 

Pero sinamaan ako ng tingin ni Terrence.

"What?" inis kong tanong sa kanya. 

"You're the one responsible of writing my notes.." he said with irritation.

"Pardon me? He's my slave. Don't bother about it.. Arte mo ah?" 

"It's just that..."


"WHAT?" I hissed.

"His penmanship was so bad like a paranoid chicken." 

Natawa talaga ako sa sinabi nya at pagmumukha nya.

"Notebook lang yan. Don't bother. Haha! You look concerned...on my notebook..
Geez!" 

Terrence's Point of  View

Pambihirang babae 'to. Pagtawanan ba naman ako. Gusto ko sya yung magsulat eh.
Gaganti ako diba? Kaso masyado syang mautak para maisip yun. Eto namang Carlito na,
lintek din. Hindi man lang umangal.

"Sobra ka naman Terrence. Readable naman yung sulat ko kahit papaano.." sabi nya.
Paawa pa kay Freak.

"Shut up. Your penmanship is so disgusting." I said.


He pointed his chest referring to his heart. He acts as he was very hurt on my
statement. Geez! Fvcking moron. 

"Grabe ka naman bro. Ikaw na nga isusulat eh.."

"Screw you! Shut up!" 

Flashforward

Andito ako sa parking lot. Sa may basement ng building. 

Texted freak 

"5 minutes. Parking Lot" 

After three minutes. Nakarating agad sya. Hinihinga hingal pa.

"You look disgusting. I said.


"Pardon? Atat ka kasi eh! Ano ba yon?!" she yelled.

"Come with me.." I said.

Nasa harap na kami ng kotse ko. 

"Do you know how to drive?" I asked.

"Yes. So then?" she asked.

"Take the care key. Drive for me.."

I throw my car key to her. Gladly, nasapo nya.

I entered the shotgun seat.

She sit on the driver's seat.


"The hell.. Ugh! I can't believe this! You're so unpredictable!" she hissed.

Whatever. Hindi ko naman dapat sya talagang gagawing slave. Pero naiinis na talaga
ako sa kanya. Anyway, that enslavement agreement was only a back up. Pag hindi sya
pumayag maging tutor. At least, naka signed sya sa pangawalang papel. 

"Definitely..hmm..drive to the nearest 7-11." 

"WHAT? Demanding like a boss!" 

"I'm your boss..you should obey my rules and my demands. Got it?" I playfully
smiled as I see her face looking so irritated. 

"Fine. Pagbabayadan mo ang lahat ng 'to."

She started to run the engine.


"WOAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!! shit" I yelled. 

"THE HELL!!! WHAT KIND OF BULLSH*T ARE YOU?!" I yelled. God, papatayin yata ako
nito. Luckily, I fastened my seatbelt.

"You asked for me to drive you. Your wish is my command. Hohohohohoho! I like your
car! Awesome! What if? Itodo ko yung takbo natin? Would it be great?" she smirked.

I didn't expect this. We are on a highway. 

Babaeng sobrang bilis magpatakbo. Like a pro. 

"Your being an ass. Are you a racer? C'mon! Decelerate!!!" 

"I'm a drag racer. You know.." she said. 

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

"For real?" I asked.


"Oh yes..bingi neto!" 

"Shit! Babangga tayo!!!!" sigaw ko. Paliko na kasi kami pero sya ambilis nya
talagang magpatakbo.

I closed my eyes.. kasi babangga na kami anytime.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHA! You look so nervous huh? HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" 

I opened my eyes. I saw her laughing really hard.

"You little brat! Damn you!" 


"HAHAHA Whatever! Ganda ng kotse mo eh, gasgasin mo naman kasi yung gulong! HAHAHA!
Anyway, nasa 7-11 na tayo. What now?" 

"Buy 20 bottles of yakult.." I demanded.

"O-okay. Pera?" sabi nya.

"Wala akong cash. You should pay it."

"Tss."

Lumabas na sya ng kotse. 

Ako naman naiwang nakatulala. Ambilis nyang magpatakbo. Badtrip!

Nakabalik na sya after five minutes.


"Hey. Sit there. I'll sit here." I said.

Mahal ko ang buhay ko at gusto ko pang mabuhay. 

"Better!" she said. Ngumiti ngiti pa. Pangit naman.

6PM NA

*woooooooooooshhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh blagggggggggggggggg* 

"Damn" I cursed. 

"What happened?" she asked.


"Ayaw umandar. You know what to do.." I said.

"ANO?! What do you mean?" she asked again.

Tinuro ko yung likod ng kotse and mouthed, "Tulak mo" 

"Ugh! Nakakainis ka talaga! Bwiset ka!!! Ako pa pagtutulakin mo!!!! Aish! Go to


hell jerk!" 

Trish Lua's Point of View

May araw ka din.

Ang ganda ko naman masyado para gawin ko 'to. 

Magtulak ng kotse.
Huhuhuhu. 

I saw a road sign:

"Next gas station, 5 Kilometers." 

=================

Chapter 13 - Catwalk

Chapter 13 - Catwalk

Five days past since yung announcement ng contest na yan. Nandito kami ngayon sa..

"Te-teka! Hoy saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanilang lima. Nandito kami sa
kotse ni Kurt. At hindi ko alam kung saan kami pupunta. Basta pinasakay na lang
nila ako basta. It's Saturday kaya walang pasok.
Eto pa ang nakakagulat, ginising ako ni Papa para lang pasamahin sa limang ungas na
'to. Si Liam ang sumundo sa akin at naglakad kami papuntang gate ng village at doon
naghihintay yung kotse ni Kurt.

"Hoy san ba tayo pupunta?" pag-uulit ko. Tumingin sa akin si Liam.

"Papractice.. lapit na contest eh." sabi nya. Ah oo nga pala, malapit na.

"Kailangan pa ba nun?" tanong ko.

"Oo naman Princes-"

"Ang ingay nyo!!!" eto na naman so hot headed. Si halimaw rumaratsada na naman.

"Wag ka nga makisali! Sawsaw ka!" sita ko sa kanya.

Kaming dalawang nag-uusap tapos sasabat bigla. Papansin masyado!

"Tss" yun lang ang response nya pag nababara ko sya.

"Hoy Kurt! Ako magdadrive!" sabi ko. Napatingin silang lima sa akin.
"Oo may angal? Marunong akong mag drive. Bilis ako na. Mabagal ako magpatakbo
promise. Tell me where should I stop." confident na sabi ko.

"Sigurado ka ba? Sa bagay, napagod ako sa shooting kahapon."

"M-marunong ka mag drive Master?" tanong ni pink hair.

"Medyo lang hehe!" sabi ko sabay peace sign.

"O edi ikaw na mag driv—"

"NO WAY! IKAW MAG DRIVE KURT! PAPATAYIN TAYO NYAN!" protesta ni Monster. Inirapan
ko lang sya.

"Please? Ako na please..." nag puppy eyes ako kay Kurt. And there, shoot!
"Sige na ng—"

"Damn you Kurt! Binabalaan ko kayo! Kung gusto nyo pa mabuhay, ikaw ang magdrive!"
protesta nya ulit. Bwisit talaga 'to. Ang sarap kaya i-drift nito!

"KJ nito as if ibabangga ko, edi mamatay din ako? Wooo! Monster, ang coward mo!" I
grinned.

"Teka Terrence, bakit ba parang takot na takot ka sa driving skills ni Trish?"


tanong ni Kurt.

"Ahh..eh.. I saw her driving! She is a reckless driver!" palusot nya, Anong I saw
her. Kasama ka kaya sa kotse mo. Sinungaling na 'to.

"WEH? KASAKAY KAYA KITA NUN! WAHAHAHA! MONSTER! NAAALALA MO BA ITSURA MO NU—" sabi
ko. Napatingin naman ako sa mga reaksyon nila. Patay, hindi nga pala alam nila alam
na slave ako ng halimaw na 'to. Sinamaan pa ako ng tingin ni Monster "SLAV—
adsfssjahslskalakah"

"Ano ba! Ambaho ng kamay mo!" sigaw ko sa tenga nya. Takpan ba naman ang bibig ko?
Kita ng nagsasalita ako. "Bastos mo! Nagsasalita eh! Where am I nga pala?"

Terrence's Point of View

Ipapahamak pa ako ng freak na 'to. Buti pala napigilan ko sya kung hindi sasabihin
nya pa sa mga kaibigan ko na slave ko sya. Tapos magpapaaawa yan for sure. Mga uto
uto pa naman ang kaibigan ko at sa tingin ko, maaawa naman yung mga mokong na 'to.

Kaya tinapalan ko ng kamay ko yung maputak nyang bunganga. Nakakainis kasi. She's
so loud. Napakaingay!

"Where am I?" tanong nya.

"Sa ano, bakit kayo magkasama ni Terrence? Yung sa pagdadrive ba yun?" tanong ni
Carl.

"Ah yeah. So ano nga kasi alipi—"


"Tutor ko sya." sabi ko. Baka kung ano pang sabihin nya eh. At ako pa ang
magmukhang masama.

"ANONG TUTOR? SIRA KA PAL—" sinamaan ko sya ng tingin. Yung tingin na talk-and-
you're-dead look.

"Oo nga. Tutor nya ako. Hehe! Tama!" sabi nya. Good slave, Magkakasundo tayo nyan.
Matatakot ka din pala sa akin eh. Kala ko kasi hindi makukuha sa tingin yang freak
na yan eh.

"Ah. Ikaw na mag drive. Hey Terrence, bakit ayaw mo ba magdrive sya? Mabagal naman
daw sya magpatakbo."

"Do you know what you're talking about. She's.a.drag.racer!"  he emphasized every
word.

"Eh ano ngayon? At least mabilis! Bleh!" binelatan ko pa sya.

Porket drag racer mapapahamak kaagad. OA lang ni halimaw eh.

"Whoa! Totoo?" tanong ni Liam.

Nag nod ako. Hindi ko kinakahiya maging drag racer. Bakit ba? I love that sport.
Kung sport bang matatawag yun.

"For real?" nag-salita din yung tahimik sa grupo si Dominique.

"Oo nga. Kulit nyo. Bilis! Sasampolan ko kayo ng driving skills ko!" pagmamalaki
ko.

"Anong sample? Go to hell!" protesta ni Monster.

"Nye nye blehhhhh. Scared ka lang eh!" pang-aasar ko.

"Eh kung drag racer ka? Bakit takot kang umangkas sa motor ko?" tanong ni Liam.

"Eh gusto ko Kotse duh!" sabi ko.

"Do you mean? Umangkas ka sa motor nya." sabi ni pink hair.

"Yes, pinilit nya ako eh!" sabi ko.

"We are neighbors" sabi ni Liam.


"Oh? Edj mapapadalas tayo nyan sa inyo bro?" tanong ni Kurt.

"Bawal sa village namun yung malalanding lalake. Bawal ko dun." sabay tawa ko.

"Ang sama? Malandi kaagad? Gwapo kasi ako.."

"Ha ha ha. Na ka ka ta wa"

"Anyway boys, daananan natin si Steph. Malapit lang bahay nila.." pag-iiba ko ng
usapan.

Sumuko na ako sa pakikipagbangayan sa halimaw na 'to. Mukha nya kasi nakakainis,


magdadrive lang ako eh. Pinalaki la yung usapan. May sira talaga sya sa ulo.

"Sino ba yun?" tanong ni Carl.

"Bestfriend ko. Dali na.. matutulungan tayo nun."

"No need. We have instructors there" sabat na naman ni Monster.

"Wag ka nga! Gusto ko kasama yun eh! Bakit ka ba nangengelam?" protesta ko.
"Your both loud." sabi nya.

"Hoy kayong dalawa tama na yan. Puntahan na lang natin para walang usap."

Damn you Kurt, isasama mo pa yung babaeng madaldal na yun. Yung babaeng blonde. Tsk

Trish Lua's Point of View

Badtrip kausap si Terrence nuh? Sabatero grabe. Ngayon naman pati pagpunta sa
bestfriend ko. Bawal? Like, sino ba sya? 

Binaba yung salamin ng kotse and I saw her on short front long back dress. Me? I
was wearing a summer o-collar pleated denim net yarn falbala sleeceles dress.
Search mo na lang kung gaano ako kaganda ngayon. 

Kumaway ako sa kanya mula sa mamahaling kotse na 'to na isang Infiniti Q60


Convertible . Search mo na lang din kung curios ka sa kotse ni Kurt.

"Trishyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy! Anjan ka pala!" sigaw nya sa akin habang papalapit.


Taasan ko nga ng kilay. Lakas maka short front long back dress eh. 
"Anong meron sa suot mo? Beach lang?!" tanong ko sa kanya. 

"Trishy naman ehhh. Kainis ka. Maganda naman ako ah?" umikot ikot pa sya. "Eh ikaw?
Anong meron sa damit na yan?" napatingin sya sa suot kong shoes "Geez! Your shoes!
Bakit nakachucks ka? Di bagay sa damit. Bobo ka na naman!" wika nya.

"Dito ako komportable eh. Pumasok ka na nga dito!" sabi ko sa kanya. 

Nag spark naman yung mata nya nung makita nya si Cark tsaka sila monster.

Tumabi sya sa akin. Balit ganito kami. Terrence-Ako-Steph-Carl. Si Liam kasi katabi
ni Kurt. 

"Uy sis! Bigatin ka talaga! Taray ng sinasakyan natin! Eto ang latest model ng
kotse ngayon!" bulong nya. Pero sadyang malakas talaga yung pandinig ng driver
namin ngayon este si Kurt. 

"I like you. . you know the latest car models." sabi ni Kurt sabay kindat kay
Steph. 

Pigilan nyo ko makakasaksak ako ng babaeng kinikilig.

"Syempre nemen.. ene kese.. my dad like car ehh" sabi nya sabay tingin kay Kurt.
"Ano ba Steph! Manahimik ka nga..kakahiya ka.." sabi ko sa kanya. Bwisit na 'to,
obvious kiligin.

"Pagbigyan mo na. Grabe puro gwapo ang kasama natin" bulong nya.

"Carli--" tawag ko sa kanya "I mean Carl! Si Steph nga pala, bestfriend ko yan.
Baka type mo" sabi ko sa kanya. 

Eto namang baliw na katabi ko. Kinikilig. 

"Ayaw ko sa maingay.." sabi nya ng seryoso. 

Lumukot naman yung mukha ni Steph. "Mas maingay ka kaya!" protesta ko.

"Pwede mag joke? Hahaha! Hi Steph. I'm Carl..nice meeting you!" sabi nya sabay
lahat. Eto namang baliw kong bestfriend. Nanginginig yung kamay. Tinaggap nya din
naman.

"Miss blonde, Rusell Ong. Nice meeting you" sabi naman ni Liam. Formal na formal
ang pagpapakilala.

"Dominique" sabi ni Dominique sa likod. 


"Ahh h-hello! Wooooo oxygen please! Grabe Trishy, sumasakit ang pelvic bone ko!" 

"Baliw!" 

"ANG INGAY NYO!" sigaw ng kumander sa tabi ko.

"Wag mo sya pansinin Steph. Ganyan yung idol mo na yan. Hot headed" paliwanag ko
kay Steph.

"Hihihi!~ Ang cute kaya!~" sabi nya.

"FUDGEEEEE!! Baliw ka talaga!"

Anong cute dun? Yung mainitin na ulo na'to cute. Sira talaga sya. Hay nako. 

Hanggang makarating kami sa isang Dance Studio. Anong gagawin namin dito. 

Nakita ko yung mga peymus na lumapit sa babae.


Pagkapasok pa lang namin. May isang babaeng iniscan ako mula ulo hanggang paa. 

"Oh~so sya pala yung sinasabi nyo..Her fashion style is disgusting.." sabi nya ng
nanlilisik yung mata sa akin. Taray, disgusting daw. "And oh, I like the dress. But
the shoes, epic fail tsk" sabi nya pa. 

Ako pa ba? 

"Oh I like it this way. Any problem? I am comfortable with this. Isn't your feet?" 

"No." sabi nya naman.

"So don't mind me.."  sabi ko. 

I think mga 5years lang yung tanda nya sa amin. Mga 23 siguro. 

"Wow just wow boys..She's unbelievable!" sabi nya.

"Sabi namin sayo eh.." they said monotonously.

"Why were here" tanong ko. 


"Just for a formality. I'm going to introduce myself. I'm Kylie Silva. Sister ni
baby kurt. I'm a  stylist and  a model as well" 

"I'm Trish Lua. Nice meeting you" sabi ko. 

"Ate naman eh! I'm big already..wag mo na ko tatawagin ng ganun" 

"Wala kang paki. Trish, wear that." sabi nya. 

Tumingin naman ako sa kanya at nakita ko yung 6 inches na heels.

"Why would I wear that?" tanong ko sa kanya. Baka matapilok pa ako noh. 

"Pageant is a pageant. Di ka naman pwedeng nakaganyan."

"Oo nga bestfriend." sabat ni Steph.

"Fine fine. Pag ako nacomatose! Sinasabi ko sa inyo.." pagbabanta ko.


I wear that freaking high heel stiletto shoes. Lord na naman hindi ako madisgrasya
dito. 

"I'll teach you huh? First na gagawin mo, Be Happy" sabi nya.

"Be happy? Bakit naman? Mukha bang hindi ako masaya sa ginagawa ko?" tanong ko.

Umiling sya.

"No Trish, I mean Smile as much as you can and greet everyone you meet. Offer a
happy "hello" to passing people and a warm smile. Wag maging super suplada. Bawasan
mo.." 

"I'll try. What's next Ate Kylie?" ang galang ko diba. Syempre, ano ang golden rule
ko? Pag mabait yung tao sayo, mas maging mabait ka. 

"So, yung pinunta mo talaga dito yung about sa paglakad ng nakaheels. Hindi ka pa
sanay, right?" she said. I nodded. "I'll teach you on how to walk like a catmodel
like me. Get it?" she said.

"Ganito ang una  Learn to stand like a supermodel." tapos nag pose sya na
pangmodel. 
"Paano ba yun?" tanong ko. Syempre ako, hindi ko alam.

"Ganito lang.. Gayahin mo ko." she throwher shoulder back and down and she push her
hips slightly forward. "You should be able to balance a book on the top of your
head." she said pa. 

Ginaya ko naman sya at I got the correct posture.

"Next Place the ball of your foot down first (not the toes), then your heel, but
keep most of your weight balanced on the ball of your foot rather than on the heel.
Para mas elegante." she said. Kaya naman ginaya ko.

"Next trish ganito, Put one foot in front of the other  Toes should face forwards.
Your footprints should form a zigzag. When done quickly, this gives the body that
characteristic swing. Tapos yung ankles mo should never bump, madadapa ka." 

Tapos eto na naglakad na sya as in wow.

"Omg! You're good ate Kylie!" sabi ko with matching palakpak pa.

"Good luck freak!" pang-iinis ni Terrence na naka upo habang yung dalawang kamay
nya nasa tuhod nya. Nakuha mo pang mang-asar ah. 

"Screw you. Kaya ko bleh!" binelatan ko sya. He smirked.


That guy is really on my nervers.

"Make your stride look long and controlled by lifting your legs almost in the same
fashion a horse would while doing trotting leg extensions. Look forward like
this.." sabi ni Ate Kylie.

"Once more ah. Lalakad ako tapos ikaw naman.." sabi nya. "And reminder, you must
walk and strut your stuff like you know you're beautiful and you know that you're
smokin' hot, and all the young men out there are going to be going crazy when they
see you!.Pangangahin mo sila pag naglakad ka." litanya ni Ate Kylie.

"Andami namang reminders! Maglalakad lang eh!" 

"Gusto mo ba matuto o hinde?!" 

"Gusto syempre. Go na. Maglakad ka na. Tapos ako naman" 

"Hoy freak, wag kang mag assume na maganda ka. Mapapagod ka lang. Kahit maglakad ka
pa ng sampung kilometro hindi ka gaganda at hindi mo kami mapapanganga." sabi ni
halimaw. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Whatever. Gusto mo mag heels? Baka naiinggit ka eh!" pang-aasar ko. Kala nya huh.

Naglakad na nga si Ate Kylie. "Your turn na Trish!" masiglang sabi nya. 
Mga nakaupo yung mga ungas sa flooring. 

Unang hakbang ko pa lang, grabe ang ganda ko talaga. 

May salamin kasi sa harapan ko. Actually salamin yung pader ng studio.

Lakad with grace

Lakad with confidence..

Lakad with naguumapaw na confidence..

"OH MY GOD TRISH!!!" sigaw ni Steph. 

"O.M.G!" si Ate Kylie.


Pumikit na lang ako at mukhang magiging masama ang pagkakalanding ko. 

Parang naging slow motion ang paligid ko. I closed my eyes kasi alam kong babagsak
na ko in a second.

I felt an arms around my waist. And I saw him, his face. 

Super awkward ng posisyon namin. Para kaming nagsasayaw ng ballroom na nasa final
pose na.

Terrence, why'd you do this? I was about to fall. Why did you saved me? 

------------------------------------

Umaasenso ang #TeamTerrence.Vote this if you like this Chapter! 

#TeamLiam o #TeamTerrence. Answer Why? :D

Add nyo po si Terrence sa Facebook  https://www.facebook.com/terrenceandrew.sy or


search 

terrenceandrew.sy@facebook.com  

Si Trish Lua naman https://www.facebook.com/princesstrish.lua.9 or search 


princesstrish.lua.9@facebook.com  

Sila pa lang ang meron =)     

 Palike po ng MFMMB'S FB PAGE or click the external link:


https://www.facebook.com/MFMMB 

-sweetadmirer♥-  

=================

Chapter 14 - Text

No grammar nazi's allowed. This is not edited. 

 *****

Chapter 14

Third Person

Hawak hawak ni Terrence ang bewang ni Trish. Habang ang babae naman ay nakahawak sa
mga batok nito. The next thing they do..Itinayo nya si Trish at umalis bigla. He
stormed out. He walks as if nothing happened.

Agad namang naglapitan sila Carl, Dom, Kurt at Liam. Si Steph at Kyle din ay
lumapit.
Lumapit si Liam sa dalaga at hinawakan nya ito sa dalawang balikat.

"Ayos ka lang ba? Anong masakit sayo Princess?" nag-aalalang tanong nya. Hindi pa
rin makapaniwala si Trish, na si Terrence ang sumalo sa kanya. Ngumiti lang ito ng
tipid, "I'm fine. Don't worry."

"Uy bestfriend? Are you sure? Walang masakit sayo?" tanong ni Steph sa kaibigan
nya.

"Master Trishy.. okay ka lang ba? Gusto mo magpatawag na ako ng ambulansya?" sabi
ni pink hair. Sinamaan naman sya ni Trish ng tingin, "Agad agad? I said, I'm fine."

"If you said so, ikaw naman kasi Ate Kylie eh. Ang taas ng pinasuot mo sa kanya..
aish!" sabi ni Kurt sa ate nya.

"Eh? Sorry naman.." sabi ni Kylie sa kapatid.

"Okay lang Kurt. He he Ang galing nga ng ate mo eh." sabi ni Trish.

"Master. Gusto mo ng tubig or juice?" tanong ni Carl kay Trish, "Water na lang."
sagot naman nito.

"Sama ako Carl" sabi ni Steph. Tumango lang si pink hair at lumabas na sila.
Sumunod naman si Dominique sa kanila. Habang yung magkapatid pumasok sa isang
kwarto. Mukang may gyera na magaganap.

Si Liam naman lumuhod para tanggaling yung nakasuot na heels sa paa ni Trish. The
next thing she knew ay buhat buhat na sya ni Liam at dinala sa isang couch sa
studio.

"Okay lang ba yung mga paa mo?" tanong ni Liam. "I'm fin— Ouch!." napailing na lang
si Liam sa inasta ng babae. Aksidente kasing mapadampi yung kamay nya sa ankle ng
paa ni Trish kaya napa-aray 'to.

"Tsked. Look at your feet..." sabi ni Liam. "Wait for me here, I'll just get some
ice packs." the he stormed out to get that stuff.

Trish Lua

Due to superb level of confidence. I found my self falling or should I say slumping
on the floor. But oh wait, the correct term is drooping my posture. I suddenly look
at my feet, "Oh no, this is bad." I saw my feet getting red.

I still felt his warm arms that enveloped my waist. I was about to fall, but he
saved me.

"Why? Why'd he did that?" I asked myself. Knowing that monster will surely NOT help
me. He'd rather start laughing at me that time, but he isn't. What's with that
douche?

He stormed out once he accompany me to stand. I was about to thanks him but he
walks out. Ugh! This is so implausible.

Suddenly, a finger pokes me on my cheek. I stopped him by slapping his callous


hand. Joke.

"Hey, are you alright?" he asked. And now Liam is here, but my mind kept thinking
about what that freaking monster did to me. This is not me.

"Are you insane? Why you poked me? My face will be damaged because of your callous
hand." I protest. I was just kidding, his hand are soft.

"Oh you're spacing out a while ago. I'm calling you but you seems so ... nevermind.
And for your information, My hands are soft." he said with disgust. "Let me.." he
held my feet. And right there, I feel the cooling sensation.

"Thanks" I said. He just smiled and started to said those boring words of wisdom
like.

"Be careful next time." and a lot more.

We heard the door slammed as those three, Steph, Carl and Dom walks toward us.

"Carl naman eh! Gusto ni Trish yung junk foods eh!" she said. "I bet she likes this
one, masama sa kalusugan yung junk foods." sabi naman ni Carl while holding those
cheesecakes, crackers and healthy foods on his hands. While his other hand held the
bottle of water.
"What about the commotion? You're irritating. Ang ingay nyo!" irritation plastered
on my voice. They are really annoying. Liam sat beside me while my injured leg is
on his lap.

"Kasi nama eh...Trishy sabi ko sa kanya, Yung potato chips na lang bilin eh. Kaso
look, he bought that." she pointed out those stuff.

"Eh.. mas masarap kaya 'to. Mas healthy pa. Kaya ang payat mo Master eh..oh kain ka
na." he gave those stuff.

"Ugh sis, do you mean kakainin mo yan?" she said. What's unbelievable on eating
these?

"Yeah. You want?" I offer her some crackers. "Uhm no, i don't like that." she said.
Brat will be always brat.

"Sabi ko sayo eh, Magugustuhan nya yan eh. Tss" pink headed said. Napailing na lang
ako sa commotion nila.

They kept on arguing about what is healty and what is not, what is scrumptious and
not. They are really annoying.

"Where is he?" I said out of nowhere. I was late na nung natakpan ko ang bibig ko.
"Who? Si Terrence ba?" Liam asked. I glanced at him and I nodded. Curiosity
strikes. I should thank him for what he did.

"I-I dont know. Baka nasa labas?" he said. Why did I asked that? Alam ko naman na
nandito si Liam so how can he knows where is he.

"Ah si Terrence ba? Nasa parking lot." Dominque said. I'll give him what-else-look.
"Uuwi na daw."

I sighed.

I didn't bother myself to asked further questions. I kept my mouth shut. Until, Ate
Kylie and Kurt is walking elegantly toward us. Kylie is a model, Kurt is an actor
and I bet he knows how to be male model then. Ganun naman yun diba?

"Are you okay na ba? Baka kasi magwala si baby kurt eh.." she chuckled.

"Ate ano ba?! It's all your fault!" he said. Ganito ba talaga yung magkapatid na
'to. Always yelling? Kayo din naman ni Terrence Ah? Ano ba?! Bakit naman nasama sya
sa usapan.

"Oy Trish sorry ah." she said. I face her and said, "Nah it was okay."
Nakita ko naman ang pagduro ni Ate Kylie sa kapatid nya, "I told you! He's okay!
Ang OA mo lang brothaaa.." she said. "Bakit kasi high heels yung pinasuot mo.
Nasaktan tuloy sya." Kurt said.

"Anong gusto mo? Rubber shoes with gown?" she sarcastically said.

"Fine. We'll leave, Hatid na namin sila."

The new thing I new. Nasa labas na kami ng studio and we are on the elevator. We're
six.

"Sa kabilang pinto tayo dumaan. Maraming fans na nag-aabang sa main door."
Dominique said. We all agreed.

What do you expect? Artista 'tong mga kasama namin.

"Mauna na kayo sa parking girls. Mahirap na pag nakita tayong magkakasabay." sabi
ni Kurt.

I saw a man standing infront of us wearing that nerdy glass. Who is he?

"Are you Trish Lua?" tanong sa akin. Teka, who is he and why he knows my name.
"Who are you? And I don't know you either. So excuse us." I said. He blocked our
pathway.

"I'm asking you. Just answer." he cockily said. What the hell is with this jackass.

"Yes I am. And why you kept on asking?" I said with irritation. Nakakainis alam nyo
ba yun? Sino ba 'to. Konting konti na lang at magmamaldita na ako. Konting konti na
lang at masasampolan ko si kuya.

"Nice meeting you Trish. I'm Rome Silerio." he offered a shake hand but I refused
to take his offer. Tiningnan ko lang yung kamay nya.

"I like you." he said. My eyebrows frowned on what he had said, "I don't like you."
I scowled.

His voice looks so familiar. I heard it somewhere but I can't recall where I heard
his voice. It looks strange to talk with strangers nga diba? So I composed myself,
sampolan natin ang isang 'to.  Let's do the TLML , Trish Lua's Maldita Lines. Let's
call it that way.

"So follow me.." he said. Itaas ang kilay simula sa kanan. Yung tamang taas lang.
Be sure na isipin mo muna yung sasabihin mo. Don't say bad words or mag cursed. Ang
pangit tingnan nun.

Look at him from head to toe. Recall what he has said, did he jusy say that I'm
going to follow him.

I camly said, "Hindi ako utusan para sundin ka."

He was shocked, he even mouthed "Woah". What's with unbelievable with Trish Lua's
Maldita Lines?

"You're really a brat!" he tsked. Sino ba talaga 'to? I'm getting pissed.

"I am and you don't care."

Nasaan na ba sila Steph? Ako lang kasi mag-isang nandito. And here they are, nakita
ko ng papalapit sila Carl.

"Woi Rome! Long time no see" sabay high five nilang dalawa ni Carl. Nag fist to
fist naman sila nila Dom at Kurt at Liam.

"Who is he?" tanong ko sa kanilang apat.

"Close friend of us. Pero pinakaclose nya si Terrence and they are like siblings."
sabi ni Carlito.
Napa-ahh naman ako. Awts nakakahiya naman, Bakit kasi nag TLML pa ako sa kanya.
Mukha namang mabait eh.

"Di ko po sinasadya Kuya. Sana po di kayo na-offend." sabi ko kay Rome nag bow pa
ako. "Magkasing edad lang tayo. Your seventeen right? Same as mine." then he smiled
at me.

"I'm not asking. Hehehe joke lang po!" then we all laughed, Mga baliw, Hindi na
offend sa sinabi ko?

"Gotta go. I was just dropping by. Are you okay? How's your feet?" He asked.

"Nah it's fine. How did you know."

"Hehe napansin ko lang na ika ika ka kanina." he scratched the back off his head
and run like a ninja.

Pumasok na kami sa kotse ni Kurt. Waa gusto ko talaga idrive 'to. Mukang astig i-
drift.
Rome's Point of View

If you can't remember me. Nasa kauna unahan akong scene. Naalala nyo na?

Ako din yung tumawag nung madaling araw. Then I knew na tinamaan ng lagnat si
Terrence. We're like brothers. Sa kanila ako nakatira eh kasama ko si Tito Mike.
Daddy ni Terrence.

~Flashback

Nag-aaral ako ng Foreign Language ng biglang tumunog ang iPhone ko.

"Yeoboseyo.." sabi ko. I didn't bother to see the callers name. I am busy reading
this book.

[Hey! Pumunta ka nga ng VIP Dance Studio A-S-A-P.] napakabossy naman ng tumatawag
na 'to.

"Who's this? And I don't know you. Araso?!" I yissed.

[Fvck Rome! This is Terrence! Go there now!] he shouted.


"Nag-aaral ako bakit ba?!" sabi ko naman. Like a boss talaga yung kapatid ko na
'to. Para ko na syang kapatid kaya kapatid na ang tawag ko.

[I'll text you why!] he yelled. Damn! Basag na ang eardrums ko sa lakas ng boses
nya.

Then the line went off.

At eto nga pumunta ako sa VIP Dance Studio. At nakita ko yung isang babae na iika
ika maglakad.

I read his text, "Look for Trish. Ask her if she's alright."

I drove super fast just to check if Trish was alright. *grinned*

"You're really a douche Terrence. Don't worry bro she's fine." I replied. 

=================
Chapter 15 - First Class

Chapter 15

 Trish Lua

 Hay nako. Monday again Kahit matalino ako, I hate Mondays. Maaga na naman ang
pasok, 8am Fudge! Gumising na ako. Ano pa nga ba ang choice ko? Kinausap ko muna si
Minnie Mouse na nakangiting sumalubong sa araw ng Monday. Napangiti tuloy ako nung
makita ko s'yang nakangiti sa akin.

 "Hi Minnie! Ang cute mo talagang daga ka!" sabi ko sa kan'ya. Hindi ako nababaliw,
talagang ang cute lang talaga ng dagang 'to na may ribbon sa ulo. Baka nga
matuluyan na akong mabaliw kapag kinausap ko ng kinausap si Minnie. Kaya ginawa ko
na 'yung mga morning rituals ko.

Ang sarap talaga ng buhay 'pag Monday. Kasi you know, walang Terrence, walang Elite
5 na nanggugulo. Wala sila, ang saya saya. Remember, WTF ang schedule lang nila sa
pagpasok. Meaning to say wala sila ng Monday at Tuesday. Wala ng mas sasaya sa
buhay ko ngayon. I'm free! Back to normal ang life ko.

Nakapaligo na ako at kasalukuyang binoblower ang buhok ko.

*bzt!*

Sinong badtrip kaya ang nagtext ngayon? Kinuha ko ang phone ko na nakapatong sa
study table ko.

From: Carlitong Panget

Master trishy!!! Waaahhh! Miss na kita! Isang araw na tayong di nagkikita! Huhu!
Good morning! Ingat ka sa pagpasok! Sana mamiss mo din ako. Kitakits sa Wed. — Carl
Pogi ;)

Literal na napaangat ang dalawang kilay ko. Ako mamimiss s'ya? Asa! Tama ba ang
nakikita ko? Carl Pogi daw? Abnoy talaga 'to. Carlitong Panget nga name n'ya sa
phone ko eh, lakas makapuri sa sarili. Pinindot ko ang reply sa screen at nag
compose ako ng message. Magandang exercise 'to sa umaga. Namiss ko rin ang Trish
Lua's Maldita Line or simply TLML.

"Hoy simula nung nagtext ka! Nabadtrip na ako! Bwiset!" pinindot ko ang send button
at nag send naman s'ya. Lagi kaya akong unli. After thirty seconds, nag reply din
s'ya. Ang bilis diba?
"Master Trish naman eh!!! :(((( Ang pogi ko kaya!" reply n'ya. Nagreply ako ulit.
Ito na ang last reply ko kasi nabubuwisit na talaga ako sa Carlitong Panget na 'to.
Last na talaga baka kasi matrashtalk ko s'ya ng bongga, kawawa naman.

"Magpapalit na ako ng number! Bwiset!"

Send!

Nagsisisi talaga ako kung bakit ko ibinigay ang number ko sa kanilang apat. Kasi
naman mapipilit eh.

Flashback 

Nasa highway kami, kasi nga ihahatid na nila ako sa bahay ng biglang tumigil 'yung
kotse ni Kurt.

"Hoy baket mo itinigil?!" tanong ko sa kan'ya. Nagtinginan 'yung tatlo, si Kurt,


Carl at Dom.

"LABAS!!!" sigaw nilang tatlo. Literal na nagulat ako sa sinabi nila. Ako ba ay
pinalalabas nila ng kotse? The hell. Hindi ako makapaniwala.

"What? A-ayaw ko! Baket ba?!" protesta ko. Mga ungas na 'to ngayon pang nakuha mag
biro ngayon na may injury ako.

"Bababa ka ba o kakaladkarin ka namin palabas?" literal na napanganga ako sa sinabi


ni Dominique, the serious type.

"Ayaw ko nga! Mga joker kayo noh? Wala namang tripan mga pare!" sabi ko. Nag fake
laugh pa ko, "Haha! Di na kayo nakakatuwa guys!" sabi ko pa.

Eh paano naman kung bumaba ako dito? Wala namang magsasakay sa akin dito, duh!

"Get out!" sabi nila. Literal na napadrop jaw ako.Tinaasan ko sila ng kilay.
Nakakainis na talaga sila! Ugh!

"Ano bang kailangan n'yo? Alam kong mangbblackmail kayo! Spill it!" nanggigil na
sabi ko.

"Paano mong nalaman na mang bblackmail kami?" tanong ni Kurt.

"Wala na kayong pake! Matalino ako duh! Ano nga?!" ngumiti naman silang tatlo sabay
sabing, "Yung cellphone number mo Trish."
"Oh eto calling card. Bwiset!"

End of Flashback

Nakakainis. Artista ba talaga 'yung nga yun? Diba dapat nga sila pa 'yung
hinihingian ng number. Tsk! Bumalik na 'yung katawang lupa ko sa katawan ko.
Nagvibrate 'yung phone ko at may tumatawag this time.

Unknown number.

"Who's this?" tanong ko sa kabilang linya.

[ . . . . ]

Kumakausap ba ako ng hangin? Prank call ba 'to? Ganito ang napapanood ko sa mga
prank shows. O di kaya? May multo sa kabilang linya? Waahh! Baka naman bibigyan ako
ng death threat nito. Kaya naging mahinahon 'yung boses ko.

"H-hello? Who's this po ba?" tanong ko ulit. Kinakabahan talaga ako putspa. Baka
kasi killer 'to, Mygod!

[. . . . . . ]

Wala pa ding nagsasalita. Grabe! Sa pagkainis ko wala na akong pakialam kung killer
s'ya o hindi.

"SINO BA 'TO? NAKAKATANGA NA! NAKAKAINIS! SAAN MO BA NAKUHA ANG NUMBER KO?! GO TO
HELL! WAG MO NA AKO TATAWAGA—"

"Princess. . .It's Liam and I missed you.." right after hearing the word
Princess.  

"Ako to si Liam.. relax lang! Wag mo ko sigawan. Ok?" Hindi pa rin ako makaget over
sa inis ko kahit nag-iinit na ang mukha ko sa sinabi n'ya.

"PAANONG HINDI SISIGAWAN?! KANINA PA AKO NAGTATANONG KUNG SINO KA TAPOS HINDI MO
SINASAGOT! BAKIT BA NAPATAWAG KA?!"

"Miss na kita eh. Sa wednesday pa tayo magkikita. Hays, so paano ba 'yan pakabait
ka huh?"

"Anong pakabait? Mabait ako 'no! Bleh!" then i-end ko na ang call. Makapasok na nga
at baka kung sino pang Poncio Pilato ang tumawag. Mahirap na at baka maging super
moody ko ngayon.  

***School

Nakarating ako ng 7:30 dito sa school. Naglakad at papuntang gate. Sa laking gulat
ko, ang haba ng pila. Shems! Bakit ang daming tao? Anong meron? Sa bagay, rush hour
ngayon kaya ganyan.

Walang magaganap na World War V ngayon kasi wala 'yung mga ungas. Ano kayang
magandang gawin ngayon? Aware naman siguro kayo sa pagkabratinella ko?

Anyways, 'yun nga, tandaan ang mga first class brats ay hindi ugaling sumingit sa
pila. We, the first class brats learn on how to obey rules. Hindi kapag sinabing
maldita ka, bad image kaagad ang makikita nila.

Hindi ka magmamaldita ng walang dahilan. Dapat laging may dahilan. Wag gumaya sa
mga second rate brats. Mga jejemon yun. OK?

Kung tatanungin n'yo kung anong suot ko, nakacivillian ako. Ewan ko ba dito sa
University na 'to kung anong meron. Nag-announce na lang na pwedeng pumorma ngayon.
Ayaw kong idescribe ang suot ko, alam n'yo naman siguro ang sagot ko. Cool, maganda
at simple.

Paalaala, ako ay hindi warfreak. Hindi ko hilig ang mamahiya ng tao ng WALANG
dahilan. Dapat laging may dahilan. 

Nakapila na nga ako, but sad to say 'yung nasa harap ko isang lalake. Yung sa likod
ko, isang third year tourism student siguro.

Bakit ba ang tagal mag check ng bag at mag swipe ng ID? Mga pa-VIP, e. Anong akala
nila may dala kaming bomba?

"Miss anong meron?" tanong ni ateng nasa likod ko. Sinagot ko naman s'ya ng maayos,
"Malay ko".

Hindi ko naman talaga alam kung anong meron. Kaya malay ko ang isinagot ko. Pero
parang na-offend s'ya sa sinabi ko.

"Tinuruan ka ba ng nanay mo na gumalang sa mas nakakatanda sa'yo?!" she said.


Hinarap ko s'ya at bored ko s'yang sinagot.

"Of course, yes. Eh ikaw? Tinuruan ka ba ng nanay mo na gumalang sa mas nakakaganda


sa'yo?" tumalikod ako sa kan'ya at nagsimula ng pumasok sa loob.
Ganyan ang mga first class brat, bored sumagot pero malaman. May saysay ang
sinasabi. Nakapasok na ako sa loob. Hindi ko na pinansin si ate. Paki ko ba sa
kan'ya?

"Hoy hindi pa tayo tapos!!" may sumigaw sa likod ko. Ganyan ang mga low class brat,
sumusugod. Gustong gumawa ng eksena. Poor third rate brats. Kawawa naman. Dapat
pala nag-enroll s'ya sa akin ng maturuan naman ng mga pang first class na attitude.

 Hindi ko s'ya hinarap bagkus ay pinabayaan ko lang s'ya magtatalak. "Feeling mo


ang ganda ganda mo!" sigaw n'ya na naman. Aish! Nakakarindi sa tainga ang matinis
na boses n'ya. Seriously, gaano kalalim n'ya hinukay ang ganoong boses?

Lumingon ako sa kanya at mahinahong nagsalita, "Eh ikaw? Walang ganda." iniwanan ko
s'ya doon. Nakakainis ba ang mga tao ngayon, why oh why?

Naglakad na ako papunta sa first class ko. Mag-aaral na lang ako. Hirap talaga
kapag maganda, daming nakakapansin sa kagandahan mo. Agad akong nakarating na ako
sa designated room ko.

Ang mga first class brat loves attention. Hindi attention seeker. Magkaiba 'yun.
Hindi papansin at paepal. Hayaan mong ikaw ang mapansin nila at hindi ikaw ang
magpapansin. Ang mga third rate brats, ayan 'yung mga nagtutumbling at nagkkart
wheel makakuha lang ng atensyon. Wag n'yo sila gayahin kung ayaw n'yong malait.

Sa kasamaang palad, nakaharap ko ang block president namin. Si Tiara Gomez, ang
teacher's pet. Nasa loob ang kulo ng babae na 'yan. Halata namang insecure s'ya sa
akin. Hindi ako nag-aassume, pawang nagsasabi lang ako ng katotohanan. Hinarang
n'ya pa ako at tinaasan ng bagong ahit n'yang kilay.

"Anong problema mo?" tanong ko. Hindi ako nagtaas ng boses, magconserve tayo ng
boses para sa papansin na 'to.

Galit s'yang hinarap ako, "Ang yabang mo talaga!" sigaw n'ya. Shoot, naalog ang
cochlea ko sa tenga. Shoot sa eardrums hanggang makarating sa auditory nerves ko.

Huminga muna ako ng malalim. Anong bang problema ng papapansin na 'to? Ako pa
talaga ang biktima n'ya? Sorry but she doesn't deserve such attention from me.

"At least ako may maipagmamayabang? Eh ikaw?" tumikhim ako, "Haharang ka na lang ba
jan? Shoo! Para kang tae sa daan!" sabi ko at tinabig ko ang kamay n'ya.

"Hahahaha! Nice one Trish!" sigaw ng mga supporters ko. Hays, see? Hindi ako
nagpapansin bagkus ako ang pinansin nila. See the difference between those person
who loves attention and those attention seekers? Totally different.

Umupo ako sa upuan ko habang sila ay nagtatawanan pa sa mainit na tagpo namin ni


Tiara. Kawawang Tiara ako pa ang babanggain mo? Halatang nasa loob ang kulo, pag
nandito sila Liam hindi makaganyan. Ang bait bait ng aura tapos 'pag wala naman
kala mo kung sinong siga sa kanto. Whatever, ganyan ang mga low rate.

Nakinig lang ako sa professor. Gladly, natapos na ang tatlong class ko. Kaya naman
lunch na ngayon, 11:30 to be exact. Kaya naman, naglakad na ako papuntang
cafeteria. Sosyal ang cafeteria namin dito, cetralized. Walang langaw.

On my way to cafeteria, parang may nasesense ako na hindi magandang mangyayari.

Shoot, so totoo nga! Sa kasamaang palad may nakabunggo sa akin. Grabidad! Sa


katangahan n'ya, natapon ang dala n'yang frappé sa damit n'ya. Hindi ako ang may
kasalanan kundi ang katangahan n'ya.

Nasa harap kami ng cafeteria. So maraming audience, maraming nakikiusyoso. Sino ba


naman ang makakapag-expect na 'yung rank one ng engineering ay nakabunggo ng isang
campus princess daw. Hindi ko s'ya kilala sa pangalan pero kilala ko ang pagmumukha
n'ya, kasamahan s'ya ni Iana Sharm kung hindi ako nagkakamali. Model din daw ang
pagmumukha nito.

"WATCHOUT BITCH!!!" sigaw n'ya ng pagkalakas lakas. 

Wrong move, mali ang akala ko, kala ko isa s'yang first class brat. Tss, wrong move
talaga. Sumigaw ba naman? How pathetic.

Yung kasama n'ya namang lalaki na pinagkalooban ng magandang mukha, in short gwapo,
ay todo punas ng panyo sa sando nito na puno ng natapon na kape. Ang mga first
class ay hindi takot magcompliment. Sayang naman si kuya, nagkataon na nagkaroon ng
isang  girlfriend na retarded ang ugali.

Nag-cross arms lang ako at bored na tiningnan s'ya. Nakakaloka, walang tigil ang
bibig n'ya kakadada. Imbis na punasan ang damit n'ya o pumunta sa washroom ay
andito s'ya sa harap ko at tinatalakan ako.

"TINGNAN MO ANG GINAWA MO! SA STATES KO PA 'TO BINILI 'YUNG DAMIT NA 'TO! MYGOD!"
sabi n'ya. Tinuro n'ya pa ang damit n'ya. Damit ba ang tawag jan? Kulang na lang ay
hubaran s'ya? Wrong fashion statement.

Let me describe her clothes. She is wearing a very short short. Well, I'm not so
sure kung panty 'yon o short sa sobrang ikli at isang see-through loose na white
sando at back brassiere. Hindi n'yo ako masisisi kung undergarments ba ang suot
n'ya o whatsoever.

Nakatingin lang ako sa mga kuko kong mahahaba. Trip kong magpasquare cut ng kuko
mamaya. Pinapakinggan ko lang s'ya habang naglilitanya.

"ANO BA?! WALA KA BANG SASABIHIN JAN? TITINGIN KA NA LANG SA KUKO MO?! ANO KA BA?
TANGA O SADYANG TANGA LANG?!" shoot! Pasok sa eardrums ko. Did she say I am
stupid?!

Mas lalong nakaagaw ng atensyon 'yung sigaw n'ya at mas lalong umingay ang mga
bulungan.

"Diba si Jaz yun at  si Trish?" narinig ko lang somewhere.

"Kawawa naman si Jaz natapunan ng frappé.." s'ya pa ngayon ang nakakaawa 'no? How
dramatic it was? Maiiyak na ba ako?

Huminga muna ako ng malalim at binigyan s'ya ng isang bored look for the nth time.

"Done?" tipid na sabi ko. Mas sinamaan n'ya ako ng tingin at mas lumakas ang mga
bulungan. Isang word pa lang ang sinabi ko pero ang lakas ng impact, ganyan ang
first class.

"First, stop nagging dahil kanina pa sumasakit ang eardrums ko sa'yo and don't
expect na magsosorry ako sa'yo dear...." — lumakad ako papalapit sa kanya.  — "but
you seem so used up." sabi ko. Napa-woah naman ang mga lalaking audience at mga
babae. Perfect! I'm just stating the obvious, look at her face, dark shades of
make-ups?

Tinaas ko na ang kanang kilay ko at matatag na tiningnan s'ya. Yung time na


magsasalita na s'ya ay pinutol ko ang sasabihin n'ya.

"Second, kapag magsasalita pa ako ay huwag kang bastos"—lumapit ako ng lumapit sa


kan'ya hanggat umuurong s'ya sa kinatatayuan n'ya— "and next time...."— sabay ikot
ko sa kanya habang naghihintay naman ang mga mahal na usisero at usisera sa
sasabihin ko.

"And next time uso mag panty!"

Shoot! 

Yan ang mga napapala ng mga palaaway. Tulala na naman si warfreak.

 Anyways, naturuan ko naman na kayo ng mga simpleng moves. First class dapat.
Tsek! Iniwanan ko s'ya dun kasama ang kawawa n'yang boyfriend. Kanina pa talaga ako
gutom, kainis naman kasi bakit ang dami bang panira ng araw ko? Ang daming maldita
scenes ang nagaganap. May susunod pa kaya? Hopefully kung mayroon man ay last na.

***Cafeteria

 Pagpasok ko ng cafeteria ay halos puno na ang mga tables. Err. Saan ako kakain
nito?
Nakita ko na lang na tumayo ang grupo ng isang kalalakihan att laking gulat ko kung
sino ang isa sa mga tumayo at pinagtitinginan. I can't believe this, he is here.

"Hoy panget!" tawag n'ya sa akin. Aba, sir*ulo ka talaga. Lumapit ako sa kanila,
especially sa lalaking tinawag ako ng panget. "Mas panget ka!" inirapan ko s'ya.

"Paupo nga!" sabi ko. Tumayo naman ang isa n'yang kasamahan at nag-offer ng bangko.
Good boy!

"Umaano ka dito?" tanong n'ya.

"Ako dapat ang nagtatanong n'yan. Ikaw, umaano ka ditong bubwit ka?" tanong ko.

"Don't answer me a question, moron." he said. Kung nasusungitan na kayo sa akin ay


may version 999 ako. Meet him, ang pinakasuplado, pinakapilyo, at pinakamaldito.

"Hoy Prince Tristan Lua! Umaano ka ba dito?" tanong ko. Ang aking kakambal, hindi
ko s'ya kamukha. Nasa Korea s'ya at ang pinagtataka ko kung bakit andito s'ya.

"I was waiting for you Princess Trish Lua." he said. "And what's your purpose?"
sabi ko naman.

"Dito na ako mag-aaral. At i-tour mo ko sa University n'yo." like a boss ang loko.

"Busy ako, sa iba na lang." sagot ko. Sinamaan n'ya ako ng tingin, "May pasalubong
pa naman ako sa'yo, sige wag na lang!"

Hinampas ko naman s'ya sa braso n'ya, "Fine! Later after ng class ko."

"Tristan, treat mo naman ako.." pagpapuppy eyes ko sa kan'ya. "Ano ako bangko?"
pambabara n'ya. Aray, basag ako don.

"Mag tour ka mag-isa mo!" sabay irap ko sa kan'ya. Parang libre lang?!

"Okay munchkin.." sabi n'ya. Hinampas ko ulit s'ya sa braso n'ya. "Loko loko ka
talaga!" bulong ko sa kan'ya. Kaya kami laging napapagkamalan na mag-bf/gf eh.
Dahil sa munchkin na tawag na 'yan. Sabi n'ya kasi, mas okay na daw 'yun. At least,
walang lalapit sa kan'ya na babae kasi andito raw ako at ganon din daw sa akin.
Parang may allergy' yung kapatid ko na 'to sa babae, e. Sa akin lang s'ya
nakikipagbarahan ng gan'yan. Pati na rin sa mga tropa n'ya. Kay Uncle s'ya nakatira
sa Korea, kinuha kasi s'ya ni Tito. Kaya nakakagulat kasi andito s'ya ngayon.

Pagkaupo ko pa lang. Dumadating na si Tristan habang  hawak hawak ang isang tray ng
pagkain.

 "Get out." sabi n:ya sa mga kasamahan n'ya kaya naman nag-alisan na sila. Kaming
dalawa na lang ang pinagtitinginan dito. Isang gwapo at isang maganda.

Kinuha ko ang platong may lamang chhicken wings at rice. At isang basong iced tea.

Kakagat pa lamang ako sa isang chicken wings ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Trishy bestfriend!" sabi n'ya habang hawak hawak 'yung isang mogo mogo at isang
crackers. Nilingon ko 'yung brother ko and he mouthed "Who is she?". Ayaw n'ya
kasing nalalapitan ng babae, may phobia. Joke lang!

"Woa! Bestfriend! Sino s'ya?" tanong 'nya sa akin. "A—eh ano si Tristan." sabi ko.
Hindi n'ya kasi kilala si Tristan. Kasi naman sa Korea s'ya ng matagal na panahon.
Sa Skype nga lang kami nag-kakausap nito eh.

"Hi Kuya! I'm Steph Montecarla." sabay lahad ng kamay n'ya. This would be a great
scene.

Tiningnan n'ya lang 'yung kamay ni Steph at dinivert ang tingin sa iba.

"Tristan! Haha! Ang rude mo! Bestfriend ko 'yan kaya umayos ka please.."

 "Sorry but I don't prefer shaking hands. I'm Tristan." sabi ng brother ko.

"Pogi sana kaso ang yabang." bulong sa akin ni Steph.

"W-what? What did you say?!" natawa naman ako kasi narinig n'ya pala ang sinabi ng
baliw na 'to, "Pogi ka sana kaso bingi ka." sabi ni Steph. Shoot!

"You don't have the rights to say that to me." sabi ni Tristan. Bravo! Nakakatuwa
talaga panoorin 'yung kamaldituhan ng kapatid ko.

"Enough na Steph.. Pagpasensyahan mo na si Tristan."

"Munchkin, blame her!" turo n'ya kay Steph.

"What? Anong ako? Baka ikaw!" sabi naman ni Steph.

"Tristan.. say sorry."


"Bu—" sabi nya. Sinamaan ko s'ya ng tingin. "Fine. I'm sorry." sabi ni Tristan
sabay sipsip sa iced tea ko.

"Sino ba kasi 'yan bestfriend?" tanong ni Steph.

"My twin brother." sagot ko.

"WEH?" hindi nya makapaniwalang sagot. "Oo nga, nagtanong ka pa tapos di ka


maniniwala? Psh" I rolled my eyes at her.

"Are you a moron that you couldn't even understand what she was saying? Do I need
it to traslate her statement into fifteen different languages?" pambabara ng
kapatid ko. Pahiya si Steph dun. Sakit sa heart!

"I'm not talking to you. Shut up boy!" protesta ni Steph kay Tristan.  

"I'm just trying to explain it to you booby bird."

"Edi ikaw na matalino! The best ka!"

"Eh? I know. Kung di pa sabihin ni munchkin na kapatid n'ya ko, I know that you
gonna fling with me." he said. Nagbabaga na sa galit si Steph.

"Tristan.. Can you shut up? Gumagana na naman ang pagkamaldito ah?"

"Look who is talking. I'm gonna confide you to Appa. You're talking like a good
girl eh? Sino ba 'yung nakikipag-away sa labas kanina?!" paninisi n'ya.

"Omg sis! Totoo? Nagmaldita ka na naman kanina?" tanong ni baliw. Natameme naman
ako sa sinabi ni Tristan. Mas malala kasi s'ya sa akin eh.

"Aren't you gonna talk?" he smirked. "I guess, I'm right princess?"

"Whatever. Ugh. Bumalik ka na nga ng Korea!" I hissed.

"I.don.want.to. I'm staying here for good whethere you like it or not." he said
then sip my iced tea. Madadagdagan na naman ang problema ko!

Hanggang may dalawang girl na lumapit sa table namin. This would be great scene
again. Nakamasid lang kaming dalawa ni Steph kay Tristan. Binulungan ko si Steph
ng, "Watchout. Look at him haha!" I mocked.

"Kuya anong name mo?" sabi ni girl. Kinuha lang ni Tristan 'yung iced tea ko at
pinaglalaruan 'yung straw. Habang 'yung isang kamay n'ya ay kinakalikot 'yung
iPhone n'ya. Pahiya ng konti. Wala man lang natanggap na sagot. Badass talaga!

"Pst kuya.. a—anong name mo?" sabi ng isang girl na kasama. Nakakatawa naman ang
scene na 'to. Bored na tumingin si Tristan sa kanila at ngumiti, 'yung ngiting
makalaglag ng panty.

"Sorry but I'm not interested."

Umalis na luhaan 'yung dalawa. I feel sorry for them. Hindi nakikipag-usap si
Tristan sa mga babae except sa mga kakilala n'ya or ipinakilala ko. Sa akin lang
'yan madaldal tsaka sa bahay namin.

"Ang hard mo grabe, parehong pareho kayo ng babaeng 'to!" sabi ni Steph.

"We know." sabi naming dalawa. Sabay poker face s'yempre.

"See you later panget!" then he stormed out the cafeteria. He even winked at me and
that is gross. Mukhang madaragdagan na naman ang problema ko, why can't I have a
peaceful life?

*****

=================

Chapter 16 - Call

Chapter 16

 Sa wakas at natapos na ang klase ko. It's already 4 pm.  Teka! May usapan nga pala
kami ng kakambal ko.Saan ko naman makikita 'yun? Balak ko sanang tawagan s'ya kaso,
wala akong number n'ya. Bumaba na ako sa lobby. I used the elevator. Nakakatamad
gumamit ng stairs. At mabilis 'yon makahaggard.

Pagkabukas pa lang ng elevator. Nakarinig na ako ng isang commotion. Hala anong


nangyayari sa harap ng lobby? Pumunta ako kaagad doon with poise. Nag-give way
naman sila ng daan and I saw Tristan. Napahawak na lang ako sa noo ko. Ano na naman
bang pumasok sa kokote ng magaling kong kapatid?

Nakatayo lang si Tristan at nakatingin sa malayo. Habang may tatlong babae na


nakaluhod at nakahawak sa jeans n'ya. Jusko, patay na naman ang mga babaeng 'to.
"Can I court you?" sabi ng babae sabay inilahad 'yung isang box, it's probably a
gift.

Nagsigawan naman 'yung mga nagsisinuod. Tila nasa isang live shooting ang eksena
ngayon. Sabay napa-woah sila nung binato ni Tristan 'yung regalo ng babae. Pati din
ako napatakip ng bibig sa gulat.

"I don't need you. Go away!" sabi ni Tristan. Mas malala 'to sa akin. S'ya 'yung
lalaking version ko pero mas malala ng mga ilang percent.

Umiiyak na ang babae. Hindi ko naman masisisi, the hell. Kababaeng tao tapos ikaw
ang manliligaw? Wrong move. Habulin talaga ng chix 'yung kakambal ko. Wee!

Nag-alisan na 'yung nga tao. I felt sadness. Kasalanan din naman n'ya kasi.
Kakatransfer pa lang, balak ng makipaglandian? Low class brats, bakit sumasakit ang
ulo ko sa inyo?! Umalis na din 'yung tatlong ungas na babae.

"Hoy panget! Myghad! Making a scene talaga 'no?" sabi ko. Ngumiti lang s'ya ng
nakakaloko, "Hirap talaga kapag pogi.." I lost my jaw.  Bumagsak na sa lupa at
nagkalasog lasog na.

"Tss kapal mo naman!" tapos inakbayan n'ya ko. "Ugh! Bigat ng kamay mo!" tinampal
ko pa 'yung braso n'ya.

***

Napadesisyunan namin na pumunta sa park ng school. Oh yes, may park sa loob ng


school namin. And maganda pa rito, may mga food stalls and everything. Natatamad
kasi ako magdescribe ng lugar na 'to basta nasa park kami. Tapos ang usap. Nakatayo
ako sa isang bench habang 'yung kapatid ko naman nakaupo. Nakakamiss din pala 'yung
douche na 'to.

"Alam mo, ang hard mo kanina!" sabi ko sa kan'ya. Napalingon naman s'ya sa akin
sabay taas ng kaliwang kilay. Bakit ang cute n'ya kapag nagtataas s'ya ng kilay?
Bagay na bagay. Ang astig ba!

"Look who's talking. Sinong mas hard? Ako o ikaw na sinabihan 'yung babae kanina na
that she must wear her undies?" he said. Shoot! Nakita n'ya pala at narinig 'yung
commotion ko kanina. I can't blame him, keen observer nga pala s'ya.

"Ano ba dude! S'ya kaya ang nauna! Mas hard ka pa din! Pinahiya mo pa 'yung tatlong
girls sa maraming tao!" sabi ko naman. Nakatayo pa din ako sa bench. Feel ko lang
na tumayo.

"That's her fault. Ikaw din naman maraming nakanood sayo ah?"
"Ayun nga. Nandoon na tayo Tristan ah. Babae pa din 'yung inano mo kanina. You
should respect them." paliwanag ko.

"Ikaw din naman ah? Babae din 'yung nakasagutan mo kanina" nagkakanda haba pa 'yung
nguso n'ya sa paliwanag.

"Hindi ka talaga papatalo 'no? My point is, you are a man now. You should gave them
a little pity."

"Oo na. Oo na. Ako na mali. Sila naman kasi 'yung may kasalanan. They kept on
following me. They kept on asking my private number. What the heck."

Ganyan ang mga first class witted snob guy, alam nila kung tama sila o mali. They
say sorry if ever na alam nila na they were wrong. But remember this, hindi sa
lahat ng panahon dapat mag-sorry. Kung di mo kasalanan, aba wag kang magsosorry.

"I missed you.." he blushed.. How cute he was. Nag-iwas pa s'ya ng tingin. Aba
nahihiya pa 'yung ugok na 'to. Minsan lang maging sweet 'yung snob na 'to.

"Walang bawian ah? Kyaa~!" sabay damba ko sa likod n'ya. "I-piggy back ride mo ko
brotherrr!" 

"Ack~! Fvck you're killing me! Don't grip so hard! Ack~!" he pleaded.

"Oo na. Basta ipasan mo ko! Namiss ko 'to dali na! Takbo!" sabi ko sa kanya, He run
naman habang nakapasan ako sa likod n'ya. I missed our childhood days. Yung kapag
may nang-aaway sa akin s'ya 'yung nagtatanggol ko. Nakakamiss din pala 'yung
presence n'ya. Kahit hindi man masyadong vocal 'yung kapatid ko na 'to. Mahal ko
'to, syempre. Kaming dalawa na nga lang eh tapos hindi pa close?

"Why did you stop?" I asked

"You're getting heavy.." he said while regaining his oxygen. Automatic na hinampas
ko s'ya sa balikat n'ya, "Sexy naman." I said. He smiled, "Yan ka na naman.
Seriously, namiss mo ba ako?" tanong n'ya.

Nag-isip muna ako at inikutan s'ya, "Pwede na din. Hehehe! Oo naman namiss kita!"
sabi ko.

"Punta tayo kay mama?" tanong n'ya.

"Tara. Matagal ko na ding hindi nadadalaw si mama.." sabi ko. We headed to his car.

***
"Tristan.. I have question!" tanong ko sa kan'ya, habang s'ya ay nakafocus sa
pagdadrive. Bored n'yang sinagot 'yung tanong ko, "What?" he said, back to snob
'yung peg n'ya ngayon.

"Bakit ka iniligtas ng taong kaaway mo palagi?" I asked.

He frowned at my question, "What?" I guess, he didn't understand what I was trying


to ask. I took a deep breath before I speak.

"For example, lagi mo s'yang kaaway tapos ikaw naman lagi mo din s'yang inaaway.
Then one time, nalaglag ka sa hagdan then he saved you. Anong meaning nun?" tanong
ko. Dalawang araw na akong binabagabag ng utak ko.

Hindi ko alam kung bakit n'ya ako niligtas.

"There are two reasons, Una, maybe he's concern and second, sadyang mabilis lang
ang reflexes n'ya." napa-ahh na lang at napatingin sa bintana.

Maybe he's concern...

 Hindi naman s'ya concern sa akin ah? Ininis n'ya pa nga ako bago lumakad nun eh.
Ganon ba 'yung concern? Yung concern ba 'yung tipong itinayo tapos umuwi kaagad?
Ganun ba 'yung concern? Pakiexplain nga! Ahh, so mali 'yung first reason.

Maybe mabilis lang talaga ang reflexes n'ya..

Right! Eto 'yung sagot sa iniisip ko. Mabilis lang talaga s'ya gumalaw kaya
nailigtas n'ya ako. Hindi naman s'ya worried sa akin. Tama! The second reason was
right.

Nawala na 'yun mga iisipin ko sa gabi at nabawasan na s'ya. How happy I was.
Nakarating na kami sa sementeryo at nagtungo kami sa puntod ni mama.

Trisha Lua

Her name was like us. Isinunod ni mama 'yung name namin ni Tristan sa kanya. Trish
& Tristan. Yung Princess and Prince naman ay kay Papa isinunod, King 'yung first
name ni Papa.

Nagsindi si Tristan ng kandila tapos ay inilagay n'ya 'yung bulaklak ng tulips na


binili namin kanina.

"Hi Ma! Miss na miss na kita.. Ma.. wag kang mag-alala sa amin. Malaki na kami ni
Tristan oh.." tiningnan ko si Tristan na nakatingin lang sa akin..
"Ma.. scholar pa din ako. Hindi namin pinabayaan si Papa. Mama, sana masaya ka jan
sa heaven. Mama, namana ko 'yung kasungitan mo ng konti.. hehe kaming dalawa ni
Tristan.."

"Ma.. si Trish lang 'yun. Wag mo naman ako idamay." protesta ni Tristan.

"Tingnan mo Mama oh! Inaway ako ni Tristan kanina sa school, Kakakita pa lang namin
tapos ganyan na. Ma, multuhin mo nga 'to.."

"Ano ba Trish. Wag mo nga i-brain wash si Mama. Ikaw nga 'yung nang-aaway jan eh.
Sinungaling ka na. Mama oh! Si Trish habang lumalaki nagiging sinungaling.." tinuro
n'ya pa ako.

"Aba! Mama 'wag po kayong maniwala jan. He called me panget kanina mama. Ang rude
ng anak mo na 'yan!" sabi ko naman.

"Stop this! Baka nga multuhin tayo ni Mama n'yan.." sabi n'ya ng seryoso. 

"Alam mo mama, sorry ang tagal ko pong hindi nakadalaw sa inyo. Nag stay ako sa
Korea. Pinag-aral ako ni Uncle, si Papa kasi.. ayaw kong mahirapan sa aming
dalawa.. 'yung pangako ko sa inyo ay tutuparin ko.. poprotektahan ko si Trish tsaka
si Papa.. Ibabangon po namin 'yung pinaghirapan n'yo ni Papa, 'yung kompanya
natin.." he said. Mangilid ngilid 'yung luha ko.

 Yung first class snob guy na 'to nagmamature na din pala. Mas mature pa ata s'yang
mag-isip sa akin.

"Ma, nag-lelevel up na si Tristan mag-isip 'no? Ang galing naman.." napapalakpak pa


ako sa speech n'ya. Pinanliitan naman ako ng mata ni Tristan.

"Tss tumayo ka na nga jan. Gabi na! Baka mapagalitan tayo ni Papa.."

"Bye mama! Next time na lang tayo mag usap! Ciao!" sabay nag flying kiss ako kay
Mama.

***

Ako ang nagdadrive ngayon. Mas pinili kong patakbuhin ito ng moderate lang. You
know, may kasama akong sumbungero.

Sumbungero kasi s'ya, s'ya lang naman ang nagconfide sa akin kay Papa na
nakikipagkarera ako. Kaya ayun, tinaggalan ako ng kotse ni Papa.
"Bakit ayaw mo makipaghangout o makipagclose sa ibang babae?" tanong ko.

Sumagot naman sya kaagad, "They are annoying." at itinuon uli ang sarili sa
paglalaro ng 2Fuse.

"Eh baket ako? Mas nakakainis ako ah?" tanong ko ulit. Mas tutuusin, mas
nakakabwisit pa ang ugali ko.

"You're one of kind and I'm used to it.." he said.

He's right. Sanay na sanay na s'ya sa ugali ko. Para kaming aso't pusa nga naman
kapag pinagsama. Madalas din kaming magpisakalan n'yan. Yung tipong wrestling
gan'yan. Pillow fight. Arm wrestling. Batuhan ng monoblock chair. Joke!

*bzt!*

Tumutunog ang phone ko. Nasa bag ko pa naman 'yun. Eh nagdadrive ako.

"Uy.. Tristan pakuha nga ng phone ko.." sabi ko sa kan'ya. He smirked and get my
phone. He even answered it and I'm used to it naman. Lagi n'yang sinasagot 'yung
mga tawag ko. Protective nga kasi s'ya.

"Who are you?" he said.

"Sino ba yan?" tanong ko. Pero inisnob n'ya lang ako at muling nakipag-usap sa
tumatawag.

"I don't want to—no no you can't—we have our date, right girlfriend?" then he threw
my phone on my bag.

"Who's that? Tsaka anong girlfriend ang pinagsasabi mo?!" I hissed. Sino ba kasi
ang tumawag?

"Terren—"

Inihinto ko 'yung kotse at pinagsusuntok s'ya sa braso. "Nakakainis ka! Ugh! I hate


you! I hate you! Ughhh! Ipinahamak mo pa ko Tristan! AHH!"

=================

Chapter 17 - Trunks

Chapter 17
Nakarating kami kaagad ni Tristan sa bahay. Nagtatalo pa din kami. Pakelamero kasi.
Bakit ko ba kasi pinahawak ang phone ko sa katulad n'ya? Damn it, bakit ba hindi
ako nag-iisip sa mga ginagawa ko? I am so careless.

"Ugh! Nakakainis ka! Kung anu ano ang pinagsasabi mo!" patuloy pa rin ako sa
pagsuntok sa braso n'ya, aish! Nakakainis talaga! Hindi ko alam kung lalaki nga ba
talaga s'ya dahil sa pagkapakilamero n'ya at talagang napakadaldal n'ya hah? Kung
anu ano ang sinasabi. Yan tuloy nakatikim s'ya ng power punch at super kick ko. 

"Isa na lang talaga Princess Trish Lua. . .isang suntok pa. .ako na ang susuntok
sa'yo.." pagbabanta n'ya. Napalunok ako ng wala sa oras, he called me on my full
name. Ugh! Nakakainis! Seryoso s'ya n'yan. Ibig sabihin baka posibleng suntukin
n'ya ako macomatose ako ng wala sa oras. Baka isang suntok n'ya ay liparin na ako
sa sobrang lakas ng impact. Kaya minabuti kong itigil 'yung pambubugbog ko sa
kanya. Mahirap na at baka mapunta ako sa heaven ng wala sa oras, mawawalan ng
modelo para sa kagandahan..ay kadysosahan pala. 

"Aish! Ano ba kasing sinabi mo sa kanya! Kakainis ka! Bumalik ka na nga ng


Korea!" sigaw ko sa kanya at pumasok na ako ng bahay. Pero syempre joke lang 'yung
Korea thingy na y'un. Miss na miss ko yung tukmol na 'to, e. 

Sakto namang pababa si Papa sa hagdan. Kaagad n'ya kaming nginitian na dalawa at
lumapit sa amin, "My princess.." sabi n'ya tapos nag-hug ako sa kanya. Gawain namin
'yan. Nakita din ni Papa si Tristan na kakapasok lang. "Prince.." sambit ni Papa.
Lumapit naman 'yung ungas at yumakap pabalik kay Papa.

"Ehem.." sambit ko. Napalingon naman sila sa akin. "Let's eat.." aya ko sa kanila
at nagpunta na kami ng dining room.

Yung inis na 'to, ikakain ko na lang. Mabuti pa nga..

***

Carl Gonzales

Nasaan kami ngayon? Andito kami sa shooting place ng aming music video. Malapit na
kasing magrelease ng album. Sold out na naman 'yun for sure. Baka makadouble
platinum kami kaagad pag inilabas 'yung album. Wala e, heartthrob plus talent.
Noong nagpaulan ng kagwapuhan si Lord, ako ang nagdodonate. Ahem! Nagsasabi lang ng
totoo, huwag mo ko irapan. 

Yung shoot ngayon ay magagananap sa isang swimming pool. Anong gagawin namin sa
swimming pool? Malamang nakadisplay ang naggagandahan naming katawan para expose
ang aming mga abs, biceps at triceps. Hay nako, ang hirap talaga kapag gwapo. 
Ganito lang naman ang gagawin namin, sisisid sa ilalim ng tubig. Alangan namang sa
lupa diba? Masakit 'yun. Hehe! Magtatampisaw, papaagusin ang tubig sa katawan para
magmukhang hot, ah basta! Basta pogi ka, kahit anong gawin mo hot ka pa din. 

Mahigit sa dalawang oras na kaming nakababad sa pool. Kaya nagdecide si Direk ng


pahinga muna. Mabuti naman, ang akala ko ay babarin kami sa swimming pool at
ibbreed para gawing isda. Ang gwapo ko naman para maging isda. Tsk! 

Kasalukuyang nakaupo ako sa isang beach chair. Basta nakaupo ako at nagpapatuyo ng
katawan. Syempre, looking hot pa din tingnan. Hehehe! 

Kung itatanong n'yo o kahit huwag n'yo na itanong ay sasabihin ko pa din kung
nasaan ang mga kasama ko, ang masungit ko na kaibigan na nag-ngangalang Terrence,
ay prenteng nakaupo sa isang recliner chair. Like a boss talaga ang isang 'to,
minsan tuloy ay naiinggit ako dahil kaunti lang ang pinpagawa sa kan'ya. Pero mas
swerte ako sa kan'ya, wala akong striktong tatay at bossy na kapatid. Hays, buti na
lang ay napagtanto ko na mas gwapo ako. 

"Matagal pa ba yung shoot?" tanong ko kay Kurt na busy sa kakaselfie. Kahit kailan
talaga ay napakavain ng isang 'to. Minu-minuto ay nag-uupload sa kanyang social
networking accounts. Tsk, bakit n'ya kaya trip 'yung mga ganun? Eh, ang panget n'ya
pa naman. 

"Saglit na lang siguro. Last scene na lang siguro tapos pack up na." napa-ahh na
lang ako sa sagot n'ya. Edi ibig sabihin, malapit na palang matapos at makakauwi na
ako at makakapagpahinga. Nakakapagod mag artista pero masaya. 

Nakakapagod kasi hectic ang schedule mo. Masaya in a way na maraming humahanga
sa'yo. Na maraming nakakakilala sa'yo. Maraming nakakaalam ng talent mo. Masyadong
madrama na 'yung sinasabi ko kaya ititigil ko na 'to. Baka mapaiyak pa ang gwapong
katulad ko, tsk. 

Nakaswimming trunks lang kami ngayon. Ayan 'yung sabi ng direktor ngayon. Kaya
ayun, andaming naglalaway sa one pack ab ko. Oo one pack, sorry ah? Bawi namans a
mukha ko. Hindi naman ako nagpapalaki ng muscles. Okay na ko sa one pack ab ko.
Sila Terrence, 'yan 'yung mga conscious sa katawan. Palibhasa't katawan lang ang
asset, eh ako, ang gwapo kong mukha. Wahaha! Todo maintain at workout pa. Lalo
naman si Kurt na ginawang libangan ang pagbbench press at pagbabarbel. Ewan ko ba
sa kanila, gustong pinapahirapan ang sarili.

Naalala ko na naman 'yung sapilitan naming pagkuha ng number ni Master, laughtrip


talaga. Ayaw n'ya pa ibigay pero napilitan. Speaking of that girl, tinext ko s'ya
kanina. Kaso hindi na s'ya nagreply.

Sa buong buhay ko, ngayon lang ako hindi nireplyan ng isang babae. Ako ang madalas
na hindi nagrereply pero s'ya f*ck dinedma n'ya ako.
Gusto ko s'yang maging kaibigan. Gusto ko ng isang babaeng best friend. But sad to
say, sa Wednesday na magtatapos ang pagiging slave ko. Ibig sabihin noon ay friend
na kami. Sayang lang talaga pero mas gusto ko 'yung best friend eh. Para kasing ang
sarap magkaroon ng best friend na babae. Ewan, trip ko lang talaga. 

Nakita kong tumayo si Terrence bitbit 'yung iPhone n'ya. Saan na naman kaya 'to
pupunta? Bahala na nga s'ya, baka magpapagwapo ay hindi naman na magbabaro ang
hitsura n'ya. Tsk! Nagpapakapagod ka lang dude! 

Terrence

That director is damn annoying! Nakakainis s'ya, ibabad ba kami sa chlorine sa loob
ng dalawang oras? One thing more, 'yung mga babaeng kasama namin sa shooting, fvck
lang talaga! Gusto ko silang lunurin isa isa! They are on my nerves, gusto ko
silang ibaon sa ilalim ng tubig. Makaligkis sa braso ko wagas, lakas makatsansing!
Tsk! 

Paano ko nasabi na nakakainis sila? Okay, una. 

Kasalukuyan akong kumakanta. S'yempre medyo sexy 'yung galaw kaya naman nakataas
y'ung kamay ko at inienjoy 'yung kinakanta ko. Hanggang lumapit sa akin 'yung
nakakainis na model na 'to at t niyakap ako bigla habang nakataas 'yung kamay ko.
She even grind her body against me. 

"Fvck!" I cussed. "Don't dare to touch me!" I hissed. Kaya naman nakaagaw ng


attention 'yung ginawa ko at galit na tumingin y'ung director sa akin and said,
"What's wrong with you Terrence?! Cut! Take three!" he scowled. I want to throw
punches on his ugly face, kung hindi lang trabaho 'to ay pare-pareho ko na silang
iniwanan. 

What's wrong with me? Ako pa ngayon ang mali ngayon? Gusto kong manuntok ngayon sa
mukha sa totoo lang. Kanina pa ako nababadtrip dahil sa kanila pati na rin sa mga
bwisit kong kaibigan. 

"Ano na Terrence?!" sigaw na naman ng direktor. Naiyukom ko ang kamao ko, oh please
stop shouting at me. Hindi mo alam kung ano ang magagawa ko sa'yong panot ka. Eh
kung pagbuhulin ko sila ng babaeng humahawak sa akin kung saan saan? Tang*na lang,
flirting is not my forte. Magsama sila ni Kurt, buti pa 'yun. Huwag lang talaga
ako. Tss! 

Pangalawa, nakaswimming trunks lang kami. Syempre, nakaexpose na naman 'yung abs
ko. Bakla ata 'yung director na 'to. Mas papatok daw kasi 'yung album kapag ganun.
What the hell he was thinking? We are not pornstars for Pete's sake. Tumutol pa ako
sa daddy ko eh, Kaso fvck ayaw n'ya ako pakinggan even my suggestions kung paano
mapapaganda ang video.

Do I have a choice to decline this attire? To wear this dark blue skimpy swimming
trunks? Bakit hindi n'ya na lang kami pinagbrief o kaya ginawang bold star? 
Take three na ngayon. Supposedly, kaya naman naming i-take 'to ng dalawang takes
lang. Kaso panira talaga 'yung mga babaeng kasama namin. Lalo na 'yung model na
kapartner ko. Hindi naman maganda, tss!

Kung makadikit sa akin kala mo showgirl sa bar. Do not get me wrong I found her
that way. Kasalanan ko ba kung ganoon ang impresyon ko sa kan'ya, he made to judge
her that way. Masyado s'yang clingy and it irritates me.

Si Carl 'yung kumakanta ngayon. Wag kayong mataka, s'ya 'yung pinakamagaling
kumanta sa grupo. Katotohanan 'yun at hindi ako nagbibiro. I don't like to kid.

He is singing while we're dancing like a male stripper. Medyo daring 'yung galaw.
Yung babaeng kasama ko naman na nasa harap ko ay ginagrind 'yung katawan n'ya sa
akin. Was she trying to seduce me right now? Ah ewan, ang bastos n'yang tingnan sa
paningin ko. Walang hot sa kan'ya, sus! Nakataas 'yung kamay n'ya at nakahawak sa
batok ko while she is grinding herself against me.

"Fvck!" I mouthed. Dumikit 'yung butt n'ya sa pagkalalaki ko. And for your
information, she is wearing her red two piece-bikini. Sa sobrang gulat ko. Naitulak
ko s'ya at nasubsob s'ya sa tubig. Oops, that's not my fault it is her fault.

"Ohmyghad Iana! Are you okay?" someone shouted. In fact, I was shock because of
that. I didn't mean to do that to her. But I won't admit that it was my fault,
again, it is her.

Ikaw ba naman madikitan ng . . . Fvck lalaki din ako! Maraming mga bagay ang hindi
maexplain kapag nangyayari ang mga ganung bagay. Maraming nagagalit sa katawan
ko..mga ugat sa katawan ko.

She asked for it. Hindi ako nagsisisi na naitulak s'ya. Kasalanan n'ya 'yun because
she was aggressive. They all witnessed how she slumped herself into the cold water.

"Terrence! Anong ginawa mo?!" tanong nila Kurt sa akin. I shrugged, hindi ko naman
dapat sabihin na nangseseduce 'yung babae na 'yan.

"Iana Sharm, are you okay?" tanong ng isang co-model n'ya. Tumango naman s'ya at
ngumisi sa akin. I don't like her. I send her deadly glares.and rolled my eyes to
her. Shoo, I don't like her. Period.

"Terrence, Let's talk for a while and Mr. Director, can we have a short break?" dad
said. The director just gave him a slightly nod while I am staring at my father
with disgust, he said "Follow me." I frowned.

Well my dad, let me describe him. He is so selfish, puro pera lang 'yung gusto
n'ya. Wala s'yang paki sa nararamdaman ng ibang tao. He don't treat me as his son.
Wala lang. Parang pera lang 'yung gusto n'ya, 'yung talent fee ko bilang artista ay
mas mahal n'ya pa sa akin. I smiled bitterly with the thoughs who keep on smashing
on my nerves.

"What did you do?! I'm so disappointed with you kid! Ano bang mahirap sa pinapagawa
ng director?! When he says you'll dance! Just dance! Damn Terrence, what's wrong
with you?! Wag mo ko ipahiya!" he stormed out. Nagkibit balikat lang ako sa sinabi
n'ya.  Masyado na akong manhid sa mga pinagsasabi n'ya. Lumaki ako sa ganitong
sistema. Mag-aapat na taon na ako sa industriyang 'to. Kaya sanayan lang. Sanay na
ako sa kan'ya, sanay na sanay.

He don't compliment me. Kahit makakuha ako ng awards, wala lang sa kan'ya. He don't
even congratulate me. Do I sound pathetic, isn't it? Ganun s'ya, mas gusto n'ya
pang palakihin 'yung kayabangan n'ya. My dad is an arrogant bastard, hangga't may
ipagyayabang n'ya ay gagawin at sasabihin n'ya. Pag nakakuha ako ng award whether
music or acting. S'ya pa ang tuwang tuwa kasi may maipagmamalaki na naman s'ya. May
ipagmamayabang na naman s'ya. Ganun s'yang kasama. I really loved my father. At
hinding hindi ko makakalimutan 'yung pangyayaring ayaw ko ng alalahanin. Matagal ko
ng pilit na linilimot pero hanggang ngayon binabagabag pa rin ako ng konsensya ko. 

Lumayo ako kila Carl. Balak kong tawagan si freak. Ewan ko ba, naging habit ko na
atang asarin 'yung isang 'yun. She is like a stress reliever. Nakakawala ng stress
na nakakabwisit.

"Freak.." I said on the other line. My mouth was slightly opened when I heard a
guy's voice. The heck who's this?

["Who are you?"] he said. Fvck who's this? Bakit lalaki ang sumagot? Si freak may
kasamang lalaki? Imposible! He is a man hater! At laging 'yung blonde lang na
kaibigan ang kasama n'ya.

"None of your business. Just gave HER phone.. I'll talk to her.." I said. I closed
my fist. I don't know why I felt that I was pissed off.

["Sino ba yan?"] damn! It's her voice! Si freak 'yun at hinding hindi ako
magkakamali. I know her ugly voice it is erratic.

[No..no you can't..] sabi ng nasa kabilang linya. Sino ba 'yung ungas na kausap ko
ngayon? Patay ka talaga sa akin freak!

"Give it to her.." I breathe. Konting konti na lang at sasabog na 'yung bibig ko at


mumurahin ko na 'yung sino mang mayabang na 'to.

["We have our date.. right girlfriend?"]

Then I heard that toot toot sound. Darn, who the hell was that?

"Fvck! He don't have a boyfriend! wag mo kong gaguhin! Damn! Damn that freak!
Ahh~!"
Paanong nagkaboyfriend 'yun? May makakatagal ba sa ugali n'ya? Sino kayang malas na
lalaki ang pumatol dun? Tss, hindi man lang s'ya nag-thank you sa akin nung
niligtas ko sya sa kahihiyan nya. She has this self-confidence. Ang imba nga lang!
She is so ungrateful and selfish brat.

Dapat nga tatawanan ko nga s'ya eh. Kaso fvck, hindi ko alam lung bakit gumalaw ang
katawan ko at sinalo s'ya. Bakit ko ba ginawa 'yun? Masyado talagang mabilis ang
reflexes ko. Dapat pala ay hindi ko na s'ya sinalo.

"We have our date... right girlfriend?" damn! Who's this unlucky guy? Why I didn't
know about that guy? Fvck, I need to find out that bastard.

=================

Chapter 18 - Threat

Chapter 18

Maagang maaga akong nagbihis. Mahirap na at baka mapektusan ako ni Tristan. Alam
n'yo naman na sobrang bait ng kapatid ko. Well, papasok kami ngayon ni Tristan at
sabay daw kami sa kan'yang Mercedez na kotse. S'ya na ang may kotse, ako na ang
wala. Life is so unfair buti na lang talaga at maganda ako.

Kanina pa ako naghihintay sa sala. Ang tagal at ang kupad talaga kumilos ng
lalaking 'yun. Sumasakit ang mga brain cells ko sa kan'ya, "Thank you Lord."
nakahinga ako ng maluwag noong namataan ko na s'ya na pababa ng hagdan. Mabuti
naman at kanina pa umuusok ang ilong ko kakahintay at kanina pa din umiinit ang
pwet ko sa kakaupo at kakahintay sa kan'ya. Tumayo ako at nilagay ang ang dalawang
kamay ko sa baywang ko.

"Ang kupad mong tukmol ka!" singhal ko sa kan'ya. Tinaasan n'ya lang ako ng kilay.
Hala! Bakit ba ang astig n'ya kapag ginagawa nya yun? Dinampot n'ya 'yung bag n'ya
sa couch. Tiningnan n'ya ako at tinaasan ng kilay, "I'm not asking for your
opinion." and he began walking. Ugh, peste ka talaga Tristan!

"Hoy! Ikaw na nga ang hinintay! Ikaw pa ang gan'yan, aba naman Tristan! Isang isa
na lang, sasamain ka na sa akin!" pagbabanta ko sabay pasok sa passenger seat ng
kotse n'ya.

"Is that a threat? Just for you to know, I'm scared sister. I am scared." he said
sarcastically. He even rolled his eyes. Ew, gayshit.

"Hoy bakla ka ba?" tanong ko. Naningkit 'yung mata n'ya sa sinabi ko. What's wrong
with that?, "Yung gwapong 'to? Bakla? Go to hell and bury yourself underground and
die in a fire." then he started the engine. I rolled my at eyes to him. Sirang sira
na ang araw ko sa kan'ya, what more kung sa school pa? Hays, kakabadtrip.

Wait, anong sabi n'ya? Ibaon ko daw ang sarili ko sa lupa? Pasalamat s'ya at mahaba
pa ang pasensya ko. Buhat ng dumating 'yung Elite 5 na 'yan. Habang padami ng
padami 'yung taong nakakasalamuha ko mas gumugulo ang tahimik kong buhay. Mas
nagiging baliw na ko, kinakausap ko na si Minnie at yung sarili ko.

Ayaw ko na makipagtalo sa kan'ya. Tutal, hindi naman magpapatalo 'yan. Itinuon ko


ang mata ko sa bintana. Sa sobrang pag-iisip. May pumasok na naman sa isip ko.

"I missed you princess.."

Ahh! Babae din ako! Kinikilig ako, peste naman! Gusto kong tumili na mag tumbling
na mg head spin. Ganyan 'yung feeling pag kinikilig ako. Si Liam talaga noh? Lakas
magpakilig. Pogi pa! Oo s'ya 'yung crush ko. Crush lang naman! Wala namang masama
dun. "Eh ano si Terrence sa'yo? " bulong ng konsensya ko,  kailangan maisingit
talaga 'yung monster na 'yun 'no? Sino nga ba s'ya? Isa s'yang kalat at salot sa
tahimik kong buhay.

"Diba nga sabi there is a thin line between love and hate?"

Ano bang bang pinaglalaban ng maliit na boses sa utak ko? Ang nosy n'ya ah, leche
lang. Thin line nga lang e. Sa sobrang thin nalagot na! Naputol na sa sobrang
nipis! Or hindi na nakita sa sobrang nipis! Kung ano man 'yan, 'wag mo na ipush.

"At least may line pa din kahit manipis."

Bulong na naman Ikaw na kaya pumalit sa akin dito?! Makarunungan pa sa nararamdaman


ko e! Aish, nasisiraan na ata ako ng bait.

"Earth to panget." nagulat na lang ako ng may malakas na impact na tumama sa noo
ko. "Aray! Ano ba?! Ang hina mo mamitik! Swear!" sarkastiko kong sabi sabay irap sa
kan'ya. Nakakainis! Kala n'ya ang hina n'ya mamitik, ang sakit kaya. Baka
magkainternal hemmorhage na ako dahil dun. Kawawa naman ako.

"You're spacing out. Kanina pa kita tinatawag kaso nakatulala ka lang jan. Ano bang
iniisip mo?" tanong n'ya.

"Ah ano.. Wala ka na dun!" hindi ko naman pwedeng sabihin na si Liam ang iniisip
ko. Oh my God! Nababaliw na talaga ako!

"Malapit na tayo sa school." sabi n'ya. Nilingon ko naman 'yung paligud kung
maraming tao. "Aye aye! Dito na lang ako!" paalam ko sa kan'ya. "Hintayin kita sa
gate.." sabi n'ya. Tumango naman ako. Bumaba na ako sa kotse n'ya at s'ya naman ay
humarurot. Ayaw naming nagsasabay pumasok. Nung high school nga kami, ilan lang
'yung nakakaalam na magkapatid kami. Ngayon pa kaya? Trip lang namin na walang
nakakaalam. Mas mabuti na 'yun, para kapag may gagawin kaming kaek-ekan. Okay lang.

Mga 50 meters na lang at nasa gate na ko. Natatanaw ko na ang napakahabang pila ng
NFA Rice. Joke lang! Ang haba na naman ng pila sa gate. Yung mga guards ang
nakakainis. Ang babagal mag check. Akala mo naman may dala kaming bomba. Psh!

Nakakatwenty meters pa lang ako ng lakad. So mga thirty meters na lang at nasa gate
na ko. May isang humahangos na tukmol ang papalapit sa akin.

"Hoy bakit ang tagal mo naman? Ang bagal mo talagang maglakad!" galit na sabi n'ya
sa akin.

"Sino bang nagsabi sa'yo na sundan mo ko dito?" — pagbabalik ko ng tanong sa


kan'ya. —"At hindi ko hinihingi ang opinyon mo tungkol sa bilis o bagal ng
paglalakad ko. Kala ko ba sa gate mo ko hihintayin? Umaano ka dito?"

"Sasabay sa'yo. Yung kotse ko kanina pa nakapark. Ang bagal mo kasi..." napa-ahh na
lang ako. So ganun nga ang nangyari, sabay kaming naglakad papuntang gate.

Nung malapit na kami. Bigla n'ya naman akong kinalabit, "Bakit?" tanong ko.

"Bakit ang haba ng pila?" he asked. I shrugged.

"Kasi hindi maikli..." —sinamaan n'ya ako ng tingin —"Joke lang! Rush hour kasi
ngayon. Masanay ka na.." sabi ko at pumunta na nga kami para pumila.

Grabeng exclusive school 'to. Dapat palitan 'yung mga guards. Sila ang nagpapatagal
eh. Kung makacheck ng bag kala mo may bomba kang dala e. Next time, ako na ang
magpapasabog ng school dahil sa haba ng pila, leche!

Si Tristan nasa unahan ko at ako naman ang kasunod n'ya. Gentleman kasi s'ya. Guys
first nga daw muna Nadivert ang atensyon ko sa babaeng nasa likod ko, pero hindi pa
rin ako lumilingon sa kan'ya, why would I mind her?

"Pssst!" tawag n'ya pero di ko sya nililingon. Why would I? Psst na ba ang pangalan
ko?

"Hoy miss!" kinalabit n'ya ako sa siko ko. Kaya hinarap ko na 'sya. "Hindi hoy ang
pangalan ko. Why you poked me?" ngumiti naman s'ya sabay kamot sa batok. "Pwede
pasingit?" tanong n'ya. Ngumiti naman ako ng pilit. So sisingit pala s'ya kaya n'ya
ako iniistorbo? Ngumiti ako' yung kasing laki ng universe, "Sure!" —ngumiti pa ako
ng mas malaki sabay taas ng kilay — "Sabi kasi sa pilang 'to, paunahin ang pangit."
sabay flip ng hair.

Ano sisingit ka pa?


Walang manners kasi. Yan ang napapala.

"Sira ka talaga.." bulong sa akin ni Tristan. "Di naman!" protesta ko ng pabulong


din. Hanggang makarating kami ng loob ng school. Salamat naman at nakapasok na
kami.

"So saan first class mo?" I asked him. Tiningnan n'ya ako. "Dunno" he said.

"Galing mo talaga Tristan.." sabay irap ko sa kanya. "T-teka.. ano bang kinuha mong
course?" tanong ko.

"Film and Multimedia Arts." sabi n'ya. Napatingin naman ako ng wala sa oras. "So
gusto mo maging director? Haha! Di bagay sa'yo!" sabi ko.

"Hindi ko hinihingi ang opinyon mo." he said. Shoot! Durog na naman ako. "Share ko
lang. Kausap ko 'yung sarili ko." pagdedepensa ko.

"Crazy."  he murmured. "Dun ka na nga! Kainis ka ay!" sabi ko at binilisan ko 'yung


lakad ko.

Nakakainis! Lagi akong nababara. Natatapakan ang image ko. Well, si Tristan lang
naman 'yun kaya hindi kasali 'yun. So film and multi arts pala ang kinuha n'ya,
magaling s'yang humawak ng lente ng camera. Yung paggagawa ng video, editing at
kung anu ano pa man. Basta go lang ng go! Program n'ya 'yun kaya go lang. Choice
n'ya 'yun, bahala s'ya. At isa pa malaki na s'ya.

Sabay kaming pumasok ni Tiara Gomez sa pinto, tanda n'yo pa sya? Si Block
President. Mahabaging D'yos, sa lahat ng makakasabay ko ay siya pa?

Naghanap na ako ng pwedeng upuan. Saan kaya?

"There." binggo.

Sa may unahan!

Kaya lumakad ako para umupo dun. Kaso 'yung Tiara na 'to nagpapabida na naman.
Sukat ba namang hawakan 'yung kaliwang part ng upuan habang ako naman ay nakahawak
sa right part. So parang may tug-of-war na magaganap. Tug of war ng upuan.

"Akin 'to!" she hissed. 'Nak ng! Kailangan sumigaw? Kailangan nagpapapansin na
naman? Shiz low class talaga. Huminga muna ako ng malalim. Ayaw ko ng may sisira sa
araw ko ngayon. Bored ko s'yang tiningnan, "Bakit? May pangalan mo ba?" tanong ko
na mas kinainis n'ya.
"Akin nga sabi 'yung upuan na 'to ehhh!" pasigaw na sabi n'ya. Kalma lang kung
kalma. Nakakainis ba 'yung mga ganitong tao, cheap. Nag-cross arms naman ako at
tiningnan s'ya ng deretso sa mata.

"Asan resibo mo?" tanong ko na mas kinainis n'ya.

"Ako ang nauna dito!!" sigaw na naman n'ya. Hays, para s'yang tindera sa palengke.
Sinuklay ko 'yung buhok ko gamit ang kamay ko.

"Itsurang upuan nagkakaganyan ka na! Tutal mabait ako, saksak mo sa esophagus mo!
Leche!" sabay saksak sa kan'ya ng upuan na naging dahilan para mawalan s'ya ng
malay. Joke! Bago pa ako mabadtrip, humanap ako ng bagong upuan. Baka kasi mabwisit
ako ng bongga at ipalamon ko sa kan'ya 'yung armchair na 'yun. Who would have
thought na nag-aksaya ako ng oras para kausapin s'ya

Nakahanap na ako. Actually, third row s'ya sa right. Tumabi ako kay Fourth, yung
lalaking nagpaturo sa akin. Tanda n'yo pa? 'Yung may speech defect? Chos!

"May sasabihin ako.." sabi n'ya kaagad pagkaupo ko. "Oh ano naman 'yon?" tanong ko
naman. Ngumiti naman s'ya sabay kamot sa batok. Problema nito?

"Crush kita.." shoot tuloy tuloy sa eardrums ko. Nginitian ko naman sya, "Yan ang
masasabi kong great taste!" sabay pat ko sa balikat n'ya. ˝Hanggang crush lang huh?
Hanggang dun ka lang pwede." sabi ko.  Para naman syang nadisappoint sa sinabi ko,
"Oh bawal ang sad!" — sabi ko. Yung katabi ko namang si Jessa ay nakisawsaw naman
sa usapan namin, —"Dapat happy!".

Hanggang dumating 'yung professor. Natatawa pa din ako. Like ong, I'm so witty. Si
Letlet kasi isa din 'yan sa mga first class brat na kilala ko.

"Good morning! Group Activity today." our professor said. It is Psychology time. 
Hyper si professor lakas ng energy abot hanggang Milky Way. Sa sobrang lakas ng
boses ni professor ni hindi ko marinig 'yung sinasabi n'ya. Kakaasar!

"So every group has three members." professor said. Sana naman 'yung matino naman
'yung kagroup ko or kahit wala ng kagrupo. Kaya ko naman 'yun. Yabang ko naman. At
least kaya ko naman talaga. Duh!

"Tan, Avocado, Dimasalang."

"Stereo, Dizon, Dimasukat."

"Poncio, Poknat, Pony."

"Karedad, Soledad, Trinidad."


"Trinity, Kiti kiti, Kiliti."

"Lua, Gomez, Yan."

Shoot! Kagrupo ko si Letlet Yan. Yung katabi ko at si Tiara! Napatingin naman ako
sa gawi ni Tiara. Aba! Inirapan ba naman ako.l ng gaga.

"Sis! Magkagrupo tayo!" sabi ni Let. 

"Di ako bingi." sabi ko kaya inirapan n'ya ako at sinimangutan, "Di ko tinatanong
kung bingi ka sis!" sabi n'ya naman.

"Gumaganon ka na ah?" pagmamataray ko. Tumawa lang 'sya sabay hampas sa braso ko.

"Close tayo? Kung makahamps ka ah?" tinaasan ko s'ya ng kilay. "Yup close!
Magkatabi tayo oh! Psh" sabi n'ya naman. Seriously? My mas lalala pa ba kay
Stephanie?

"Yan na 'yung nagmamagaling.."— bulong sa akin ni Letlet..May pahabol pa sya,


—"Lets help each other. This is gonna be exciting. Sino pa ba ang magtutulungan?
Kung hindi tayong magaganda lang." sabay tawa n'ya na pang first class.

"Tayo? Weh? Kasama ka?"—protesta ko. Nagpout naman s'ya — "Joke lang. Oo na lang!"
sabi ko naman at hinampas ko din s'ya sa braso n'ya. Syempre, 'yung mas malakas sa
hampas ko.

"Tama na 'yung daldalan! Nandito tayo para mag-aral at hindi magchismisan."


pagpaparinig ni Tiara sa aming dalawa. Really? Sa kanya talaga naggaling ang mga
salita na 'yan? Wow.

"Inggit ka? Hanap ka kasi ng kausap mo." sabi ni Letlet.

"Bakit hindi ikaw ang humanap? Hindi mo ko utusan." depensa ni Tiara.

"So mukha ka lang utusan? Ganon? Haha!" nakipag-apir pa si Letlet sa akin. S'yempre
tinanggap ko naman. Yung apir namin 'yung horizontal lang. Yung pang first class.

"Act like a lady Trish and Let. Be serious naman kahit ngayon lang." sabi naman ni
Tiara. Hindi rin talaga s'ya papatalo noh? Take note, inirapan n'ya pa kami.

"Anong pinaglalaban mo Tiara? Push mo 'yan! Palike mo sa facebook!" sabi ni Letlet.


Nagcoconserve ako ng boses ko. Kaya hinahayaan ko lang silang dalawa.
"I'm not like you na nagpapalike. Ew! Wag mo ko itulad sa'yo jeje girl. Sila ang
kusang naglalalike!" sabi ni Tiara sabay irap 'yung malapit ng matanggal 'yung
eyeballs.

"Sino ba kausap mo Tiara?!" sabi naman ni Letlet. Natawa na lang ako. Baliw talaga
'to.

"Alam n'yo. Hindi sa lahat ng oras kaya kong makipagbiruan sa inyo."  Tiara. Hindi
na namin s'ya pinansin ni Letlet. Masstress ka lang, priceless ang itsura e.
Namumula sa galit.

"Ok. So 'yung gagawin n'yo today ay may kinalaman sa heredity. So pag-uusapan n'yo
kung ano ba 'yung mga ancestors n'yo, kung anong lahi. Write a report on a yellow
paper." said professor.

"So let's start on your citizenship." panimula ko.

Nagresponse naman si Let, "Japanese-Filipino." sagot n'ya.

"Ako Fil-Am na may chinese blood." sabi ni Tiara habang naka chin up. Fil-Am? Tama
ba ang narinig ko?

"Mm.. Fil Am?"— I paused—"Oo nga noh! FILingera na AMbisyosa pa! Perfect!" sabi ko
naman sabay nagcheck ako sa hangin. Hindi ko maipinta anang itsura ni Tiara, ako na
naman ang nagwagi.

***

Pumunta na ako sa cafeteria. Lunch na e. Nakakastress ang dalawang kagrupo ko. Ang
sarap isali sa cockfight. Medyo napabilis ang oras, gutom na gutom na ako. Alam
n'yo naman, gutumin akong tao. Hindi ko alam kung bakit ang lakas kong kumain pero
hindi naman ako tumataba. Why? Anyways, ang saya talaga pag Monday at Tuesday.
Konti lang 'yung nakakapagstress sa akin, walang Elite 5. Wala ang mga tukmol sa
buhay ko. Tutal, naisingit ko sila sa pag-iisip ko. May kwento kasi ako, hindi ba
kayo nagtataka kung bakit wala sa eksena yung mga fangirls nila? Grabe, malalakas
ang sira sa ulo ng mga fans nila. Wala silang katulad, minsan nga ay nakakatakot
sila. Duh, they are so creepy. Kung ako magffangirl? Hindi sa Elite 5, yuck lang.
Ito 'yung nga nakakainis na pangyayari between me and their fans.

Kakatapos lang ng klase namin. Paglabas pa lang ng building ng engineering muntik


na magkaroon ng stampede. So nakipagsiksikan pa ako para makalabas ng building.
Nakita ko sila Carl na pumipirma. Maraming nagpapicture. Kaya nga naglabas ng
bagong policy ang school. Bawal pagkaguluhan 'yung Elite 5 sa loob ng school. Yung
lalabag sa rules, suspension.

Taray diba! Kaya ngayon, nabawasan naman 'yung kaguluhang dulot nila. Pag sa klase
naman namin, nabawasan din. Mga nahihiyang lumapit sa limang ungas. Sus!
Salamat talaga at naglabas ng memorandum 'yung University. Sila ang dapat ang
sisihin sa kaguluhan dito. Wala ng iba pa, dapat nga lumipat na lang sila ng
school.

Anyways, back to reality. Nandito ako sa cafeteria. Nakaupo na ako at biglang


nakita ko si Tristan na papunta sa table ko.

My jaw suddenly dropped when different noises appeared. What the hell is happening?

"Kyaaa si Tristan!"

"Omy! Why so handsome?"

"S'ya ba 'yung transferee from Korea?!"

"Ang astig n'ya talaga!" duh! Anong astig sa tukmol na 'yan?

"Papunta s'ya sa table ko!" psh, assuming mo ate.

Mga nakabibinging tsismisan sa loob ng cafeteria. Hindi ko alam kung matutuwa ba


ako dahil head turner 'tong kapatid ko, pero nakakainis eh. Ang ccheap nila.

"Munchkin! Yung laway mo tutulo.." hinawakan n'ya ang gilid ng bibig ko.

"Heh! Kapal mo talaga!" inalis ko ang pagkakahawak n'ya sa mukha ko, ew germs.

Nagulat na lang ako sa nakita ko. Waaah, "You're dead freak.." he said. Bigla na
lang ako kinabahan. Ano na naman 'to?

=================

Chapter 19 - Like a Boss

Chapter 19

Sumakit ang bangs ko sa nakita kong text message. Oh akala n'yo kung sino ang nasa
school ngayon? Asa kayo! Mga assuming na naman kayo  "You're dead freak.." binasa
ko s'ya sa pangalawang pagkakataon. Napa-huh pa ako pagkakita ko nito. Nireplyan ko
s'ya ng, "Ano na naman yon?!" at sinend ko na.

"Ako naman libre mo." sabi ng panget na 'to na kaharap ko. Napa-arch naman 'yung
brows ko, "Ano ako bangko?!" panggagaya ko sa kanya. Remember? Ganyan din ang
sinabi n'ya sa akin kahapon.

"Tss gaya gaya ng line.." bulong n'ya. Naningkit naman ang mata ko, "Weh? Sa'yo ba
'yun? Libre mo na nga lang ako. Rice tsaka beef steak na lang. Samahan mo na din ng
iced tea." sabi ko sabay ngiti ng malapad. Sinamaan n'ya naman ako ng tingin,
"Fine. Hintayin mo ko dito." sabi n'ya at umalis na. Nakahinga naman ako ng
maluwag. Akala ko naman makikipagtalo pa sa akin. Buti na lang talaga at galante
s'ya.

Masyado lang talaga kaming suplada at suplado. Pero tandaan n'yo naman 'yung isa sa
golden rules, maging mabait sa taong mabait. Maging masama sa taong masama. Give
and take relationship lang 'yan. Ganyan lang ang ginagawa namin ni Tristan, may mga
binabagayan 'yung pagtrato namin sa isang tao. Well hindi man kami magkamukha,
magkalevel naman ang ugali naman. Kaso nga s'ya 'yung galante at ako hindi. S'ya
'yung mahinang kumain at ako 'yung matakaw. S'ya 'yung mas talented at ako matalino
lang. S'ya 'yung mas maloko at ako slight lang. S'ya 'yung mas serious type at ako
slight lang. S'ya 'yung hindi grade conscious at ako conscious pero slight lang.
Marami man kaming pagkakaiba pero may talagang katangian kami na sadyang
magkapareho.

Nakabalik na si Tristan. Dala dala ang isang tray at may isa pang crew na sumusunod
sa kanya na dala pa ang isang tray.

"Daming pera ah?" tanong ko. Nag-shrug lang s'ya, "Ganyan talaga kapag pogi."

"Anong konek? Alam mo gutom lang 'yan, Tristan. Kumain ka na nga.." sabay tawa ko.
Nakakatawa eh. Mababaw ang kaligayahan ko. Pasensya ka. Pagkatapos namin kumain ay
nagpaalam na ako kasi may next class pa ako, "Trist! I have my next class. So alis
na ko.." sabi ko sa kan'ya. Tumingin lang s'ya sa akin habang sumisipsip sa orange
juice n'ya, "Okay, let's meet later. Mall tayo." tumango na lang ako kahit tipid
ako ngayon.

Bumalik na ako sa room ko. Kaso pagkabalik ko sa room, nasalubong ko 'yung mga
feeling first class.

None other than, Iana Sharm and her friends. Nakita ko din 'yung nasampolan ko.
Natatandaan n'yo si Jaz ba 'yun? Si Sando girl. So apat sila, at sinasabi din na
sila ang mga campus princesses dito. Iiwas na sana ako para magconserve ng energy.
Kaso 'yung dalawa nilang kasama, wait alam ko ang pangalan n'ya eh. Si Helo at si
Kiti. Tama si Helo at Kiti! So apat nga sila si Jaz, Iana, Helo at Kiti. Yung Helo
at Kiti, aba! Humarang harang sa daan. Oops!

"Alam mo ang landi landi mo!" sabi ni Helo. Ako? Sinabihan ng malandi? Wow naman.
Napataas ang kilay ko sa sinabi ng pusang 'to, "Alam mo, hindi ko naaalala na
hinihingi ko ang opinyon mo. And one thing more, If you think that I am flirt, what
do you call to yourself? A bitch?" sabi ko at nagtangkang lumakad sa kabilang side
kaso hinarangan naman ako ni Kiti.

"Lahat na lang talaga noh?!! Yung Elite 5 nilandi mo na! Ngayon, 'yung transferee
naman. Ang kati kati mo!!!" nagagalit na sabi ni Kiti habang dinuduro ako.
Hinawakan ko naman ang hintuturo n'ya at saka ibinalibag.

"Try mong gumamit ng sabon ko para hindi ka katihin. And Ikaw din. Hindi ko rin
hinihingi ang opinyon mo. Kaya pwede bang 'wag kang humarang jan kung ayaw mong
samain sa akin." sabi ko at pilit kong kinakalma ang sarili ko. Sinong transferee
ba ang sinasabi nila? Si Tristan? Goodness gracious! Ano 'to laman sa laman?

Naglakad na ako kaso biglang humarang naman 'yung Jaz.

"Alam mo dahil sa'yo nakipagbreak sa akin ang boyfriend ko! Ang sama sama mo!" sabi
n'ya at sasampalin sana ako. Kaso napigilan ko ang kamay n'ya at ibinalibag.

"Hindi ko kasalanan 'yan. Maybe your boyfriend realized that he had a wrong
choice." I shrugged. Naningkit naman 'yung mata n'ya at saka sumigaw, umiiral na
naman ang pagkalow rate nya. "Anong sabi mo?!" umuusok na ang ilong n'ya sa galit.

"Ang. sabi. ko. he. had. a. wrong. choice. Bingi ka ba?" I smirked. Hindi ko lang
matanggap na ako ang sinisisi n'ya kung bakit nakipaghiwalay sa kan'ya 'yung
boyfriend n'ya. Bakit naman ako nasama dun? Taray ah! Wala nga akong alam sa kanila
e. Hindi ko rin alam ang pangalan ng boyfriend n'ya. At wala akong pakialam. Baka
lalong gumulo ang buhay ko.

"Sumosobra ka na ah! Pagsisihan mo na kinalaban mo kami!" sabi ni Jaz..Nag-react


naman ako kaagad, "Grabe! Nasindak ako!" sarkastiko kong sabi sabay lakad papalayo
sa kanya.

"Magsaya ka na ngayon. Kasi hindi mo alam ang pwede naming gawin sa'yo." sabi ni
Iana Sharm. Taray! May ganong line na nalalaman? "Sige, paghahandaan ko 'yang
binabalak n'yo." sabi ko sabay lakad gamit ang cobra walk. Nakabalik na ako ng
classroom. Si Letlet ang una kong nakita.

"Hoy! Dito ka na maupo!" sigaw n'ya sabay kaway sa akin. Lumakad ako papalapit sa
kanya. "Letlet, you know. Hindi ko natatandaan na 'hoy' ang name ko. So with all
due respect, 'wag mo ko masigaw sigawan." I said. I placed my bag on the chair at
umupo na rin ako.

"Gusto ko 'yung line na yan! Pahiram ako hah? Gagamitin ko din yan if ever.." sabi
n'ya. Baliw talaga 'to. Binara ko na nga, nagustuhan pa.

"Whatever." sabi ko sabay irap sa kanya.


"Girl, by the way. Pasalamat ka at hindi ako nag volunteer maging representative ng
CE! So kamusta ang preparation?" tanong n'ya. Hindi ko alam ang isasagot ko.
Sasabihan ko bang, tinuruan akong maglakad at pumili ng damit. Yun pa lang. In
short, di pa ako prepared.

"So far so good.." sabi ko naman. Tumingin naman s'ya sa akin habang nagsspark ang
mga mata, "How's Terrence naman? Kyaaa~! Kinikilig ako girl! Ang swerte mo! How's
working with him naman?" sabi n'ya.

"Wala tayo sa tv para interviewin mo ako." sabi ko naman, Natawa naman sya. "Nasa
radio tayo girl!" Napapoker face na lang ako. Seriously, first class na may sapak
din sa utak. Kakaibang encounter 'to ah!

"Trish, five days na lang pala at Ms. and Mr. CEA na! So goodluck! Talunin 'yung
mga feeling reyna sa school natin." sabi n'ya.

Tama! Dapat pabagsakin ko sila. Kasali din pala sila Helo, Kiti at Jaz sa contest.
Kailangan ko na mag prepare talaga. Ayaw kong mapahiya at isa pa, papalaglagin ko
pa ang panga ni Terrence gamit ang ganda ko. Ay! Bakit nasama s'ya sa pag-iisip ko.
Erase and Undo.

***

Mall

Naglalakad kami ngayon ni Tristan. Yung walang'yang tukmol na 'to. Kinuha ang kamay
ko at nilagay sa braso n'ya, "Anong meron?" tanong ko. Weird naman ng tukmol na
'to. Ngumisi lang s'ya. "They're drooling on me. So pretend to be my girlfriend."
sabi n'ya.

"Ay kadiri huh!" sabi ko. Nag inarte pa akong masuka suka, "Ikaw? Maging boyfriend
ko? Ew! Nakakasuka naman. Hindi ko akalaing papatol ako sa isang tukmol."
Sumimangot naman s'ya, "Wag kang sumimangot jan. Nakakairita ang mukha mo Tristan."
sita ko sa kan'ya, "Ang gwapo nga ng kapatid mo e. You should be proud." wow naman.

"Holy cow! Nilalagnat ka ba Tristan?" hinawakan ko pa y'ung leeg nya. "Hindi naman
ah... malala ka na talaga.." pagpapatuloy ko pa.

"Trish.." tawag n'ya sa akin. Nakapalupot pa din yung kamay ko sa braso n'ya. Ang
tangkad ng kapatid ko na 'to. "Why?" I asked.

"Parang bumibilog 'yung pisngi mo. It's like my ass.." he said. Napataas naman ako
ng kilay. "Pinapalabas mo na mukang pwet ako? Ew ha!" pagmamataray ko. Tumawa lang
s'ya ng tumawa.

"Haha! You look epic! You should see yourself." humiwalay ako at binilisan ng konti
'yung lakad. Lakas mang-asar ng tukmol na 'to. Ikumpara ba naman ako sa pwet n'ya.
Sino ba namang matutuwa dun. Pwet talaga 'no?

"Hey! Hey! I'm just kidding. Trish—wait.." nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad.
Tumakbo naman s'ya kaya naabutan n'ya ako. And for the second time, ipinalupot n'ya
'yung kamay ko sa braso n'ya. Papansin kasi, ang daming nakatingin sa amin. Isang
maganda at isang gwapo ang nagtatalo. Kaso hindi nila alam na magkapatid kaming
dalawa. Asa sila!

"Trish..." tawag n'ya. Tumahimik na lang ako kasi naiinis pa din ako sa kanya.
"You're getting bigger.." halos naningkit ang mata ko sa sinabi n'ya. "What did you
say Tristan?!" I hissed. "Inaasar mo ba ako?!"

"No!" mabilis nyang sagot. "What no?" I asked.

He shrugged, "I'm describing you.."

Shoot! Naintindihan n'yo ba yun? He was describing me. Mataba daw ako huhu, "Screw
you! Uuwi na ko!" at tinalikuran ko s'ya, "Bahala ka na sa buhay mo! Wag ka na
magpapasama sa akin!" binilisan ko ang lakad ko at naiinis ako ng bongga, "Trish!
I'm just kidding! You're damn sexy!" he said. "Weh? Mukha mo!" belat ko sa kan'ya.

Sa pagmamadali ko nahagip ng mata ko 'yung isang batang lalaki, around four or five
years old na umiiyak. Lumapit ako sa kan'ya habang y'ung magaling kong kapatid
sinusundan ako.

"Hey baby boy, why are you crying?" I asked.

"I am lost. Uwahhh..." he burst out crying. Naawa naman ako. Kaya pinunasan ko
'yung luha nya gamit ang thumb ko, "Shhh.. who's with you?" I asked.

Tristan

Sinundan ko si Trish sungit. Parang binibiro lang naman na tumaba s'ya. Tapos
napikon na. Tss! Nakita ko na lang s'ya na may kinakausap na batang lalaki na ang
astig pumorma. Lumapit s'ya sa bata at kinausap n'ya 'to. Really? Kailan pa
nagkaroon ng pagmamalasakit 'yang maldita kong kapatid? Talaga lang hah? 

"Who's with you, baby boy?" she asked. Nakikinig lang ako sa pinag-uusapan nila.
Yung babaeng 'to may pakialam sa bata? Wow! 

"I'm with my yaya.." he said. Tumigil na din 'yung pag-iyak n'ya. 

"Ehem!" pagpaparinig ko na nandito ako sa likod nya. "What?!" she yelled.

"Kala ko ba uuwi ka na? What are you doing? Just go home." I said. Nagwiggle pa ang
mga eyebrows ko. Nakita ko naman 'yung pagkainis sa mukha n'ya, "You don't care
jerk." she said.

"Is he your boyfriend?" sabi ng batang unano na 'to. Bago pa makasagot si Trish,
inunahan ko na s'ya. "Yes.." sabi ko, si sungit naman nag frown.

"Hmm.. what's your name baby boy?" she asked.

"Don't call me baby boy. It's disgusting. I'm big already.." protesta ng bata na
'to. Wow!

"Big already? Haha But you're crying like a baby a while ago? Is that what you call
a big boy. You don't deserve to be call big. You still a baby boy.." I chuckled.
Tumulis naman 'yung nguso ng bata na 'to, " I don't ask your opinion dude.."

Halos napangisi na lang ako sa narinig ko. Ayaw ko sa tabas ng dila ng bata na 'to.
"Baby boy, nakakatuwa ka naman. Asan ba si yaya mo?" may pangiti ngiti pang
nalalaman si Trish. Porket nabara ako ng isang bata, kung makangiti wagas.

"She's flirting somewhere and she left me here. I'll confide her.." he explained.
"I'm hungry.." sabi pa ng bata. May pahawak hawak pa sa t'yan na nalalaman. Sus
arte e!

"Oh baby boy.. you want to eat?" sabi naman ni Trish. Tumango naman 'yung bata. "Oh
Tristan.. let's go. Treat us.." sabi n'ya.

"Huh? Ayaw ko, ikaw nag-ano jan! Edi ikaw manlibre. Ayos ka pala.."

"You don't have money? Tss poor.." sabat ng bata.

"Shut up, I'm not talking to you!" sigaw ko sa bata. "Tara na. Where should we
eat?"

"Of course! We should eat on a plate, It's dirty and yucky if we eat on table. Use
your head dude. Tsk!" Aba!

"Sumosobra ka ng bata ka ah! Isang isa na lang! Tatamaan ka na sa akin!" inambaan


ko ng suntok 'yung bata. Inawat naman ako ni Trish, "Oh ano ka ngayon? Bata lang
pala ang katapat mo e." kantyaw n'ya.

"Asa." sabi ko at naglakad na nga kaming tatlo.

"Saan mo gusto kumain?" tanong ni Trish sa kan'ya. Holding hands pa silang dalawa
habang naglalakad kami. Sus!
"A fancy one."

"Ano?! Choosy ka pa! Jan ka na lang kumain!" asa 'tong bata na 'to, Gusto pa sa
mamahaling restaurant. Napakachoosy n'ya naman.

"You don't have money? Tss so poor..." may pailing iling pa ng ulo 'yung bata. "Of
course I have!" protesta ko.

"Sure ka ba jan Tristan? Mamahalin daw na restaurant. Taray! Haha!" pang-iinis ni


Trish. May palakpak pa s'yang nalalaman. Alam ko naman na pumapabor sa kan'ya 'yung
hiling ng bulilit na 'to.

"Let's withdraw first." sabi ko. Mahirap na baka kulangin 'yung cash na nasa wallet
ko.

"Ok." sabi ni Trish sabay thumbs up.

"Whatever dude."

Naglakad na nga kami papunta sa pinakamalapit na atm machine. Marami din kasi akong
naipon sa Korea.

"We are walking for almost fifteen minutes. I'm tired and hungry.." pagmamaktol ng
bata sabay upo sa sahig 'yung parang naka duck sit. Ako naman kasalukuyang
nageenter ng pin sa machine.

"Oh, pagod ka na?" tanong ni Trish. Nag slight nod lang 'yung bata, nakikita ko
sila sa peripheral vision ko.

"Buhatin na lang kita.." sabi ni Trish. Inilahad n'ya pa 'yung mga braso nya. "No—I
don't want— I'm big already.."

"I insist! Tara na! Arte mo naman!" sabi ni Trish sa bata. "Anong nakain mo? Ang
bait mo ata?" tanong ko sa kan'ya, Pagkatapos kong kuhanin 'yung cash na kailangan
ko.

"Tss. Wag ka mangelam.." hanggang ngayon galit pa din sa akin? Sus! Binuhat n'ya na
'yung bata. Pinagmasdan ko lang s'ya habang buhat n'ya si liit.

"Oh my gosh.." sabi ni Trish. Habang buhat si Liit. Natatawa ako ng palihim kasi
hirap na hirap s'ya, 'yan kasi feeling hero.

"I told you. You can't carry me.." paninisi ng bata sa kan'ya. "Put me down.."
Ibinaba naman ni Trish 'yung bata.

Umupo naman ako at nag-duck-sit. "Hoy mayabang na unano. Sakay na!"

"H-hah?" sabi n'ya. "I said hop in on my back.." sabi ko. Nahihiya pa 'yung unano
na 'to.

Tinulak tulak pa s'ya ni Trish papunta sa akin. "Oh aarte ka na naman baby boy?!
Bilis na.. di naman s'ya nangangain.." hanggang maramdaman ko na may dumamba sa
likod ko. Naglakad na nga kami papunta sa isang resto, isang Italian Resto.

"Baba na. Aba! Napasarap naman ang pagkakapasan mo sa akin?" sarkastiko kong sabi.
"Your bad smell stinks on my nose..yuck! Anyways, thanks for the ride" sabi ng bata
at bumaba na kasi binuhat s'ya ni Trish pababa at inupo sa isang upuan.

"I want the biggest Italian Pizza here!" bibong sabi ng bata. "I like that too!"
second the motion ni Trish.

Napa-tango naman ako. Kala ko naman kung ano na ang oorderin nila. Pizza lang pala.

"Waiter oorder na kami.." tinaas pa ni Trish 'yung kamay n'ya, Lumapit naman 'yung
waiter habang hawak hawak 'yung paglilistahan ng orders.

"Ng pagkain po Maam?" tanong ng waiter.

"Hindi. Pakiabot sa akin 'yung dish washing liquid n'yo at nauuhaw ako."
sarkastikong sabi ng maldita kong kapatid. Naguluhan naman 'yung waiter. "Common
sense. Try mong bumili nun kuya."

"Trish!" sita ko sa kan'ya. Nakakahiya naman kay kuyang waiter. "Yung


pinakamalaking pizza tsaka pasta for three. Lemon iced tea yung bottomless.." sabi
ko. Umalis na din 'yung waiter.

"Hihihi!"— the kid giggled—"You're hot!" sabi nung bata na 'to habang nagpipigil ng
tawa.—"Hot tempered..Haha

"I know. By the way baby boy, what's your name?" tanong ni Trish.

Oo nga noh? Kanina pa naman sya kasama kaso hindi namin alam yung pangalan nya.

"Stefan Nicole S—"

"Here's your order Mam. Enjoy!"


"Yey!" bibong sabi ng bata.

"So I'll call you Stefan baby boy.." sabi naman ni Trish. "Hoy stefan! Dahan dahan!
Mabulunan ka nyan!" sita ko sa kanya. Nilantakan nya yung pizza kaagad.

"Nah I'm fine.. Kuya Tristan.."

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya. Kuya Tristan? Sounds new. "Again?" tanong
ko.

"I said I'm fine Tristan.." sabi nya. Napapoker face naman ako. Sure kasi ako sa
narinig ko eh. Kuya Tristan ang sabi nya. "Teptep.." sabi ni Trish.

"Teptep? Who's that?" tanong ng bata. "That's you baby boy.. Para mas maganda..
Stefan sounds like Teptep. A-ayaw mo ba?" nalungkot pa si sungit.

"I like it! Can you be my girlfriend?" tanong ng bata na ikinagulat ko. Nagkanda
ubo pa ako kasi umiinom ako ng iced tea. "HINDI PWED—" protesta ko.

Trish Lua's Point of View

"SURE! So ikaw na boyfriend ko?" tanong ko kay Teptep.

"Of course!" masigla nyang sabi, si Tristan naman nakakunot ang noo at ang sama ng
tingin sa akin.

"Joke lang! Haha! I fooled you! Bleh!" belat ko kay Teptep. "There is no turning
back. You're mine now. I love you and I really do."

Alam nyo yung mapapadrop jaw ka na lang sa bata na 'to.

"Hindi nga pwede! Ang bata mo pa! Palaki ka muna!" sabi ni Tristan. Panira ng
moment.

"Fine! If that's what you want! Wait for me future girlfriend!" tinuro nya pa yung
dibdib nya na sinasabing believe-me look.

"Kaya bilisan mong lumaki hah? Para maging boyfriend na kita." I winked at him.

"Y-yes! I will!"
"Ano bang pinagsasabi mo sa bata?" bulong ni Tristan. "Hayaan mo na. Bata lang
yan." sabi ko. "Bahala ka.." sabi nya. Nagkibit balikat lang ako.

"Hindi ka ba hinahanap?" tanong ni Tristan. "I don't know. I'm going to call my
brother.." he said.

"After this. Ihahatid ka na namin ah?" I asked.

He nodded.

Natapos na kaming kumain at naglalakad na kami sa loob ng mall. Napadaan kami sa


section ng mall, yung sa accessories section.

Bumaba naman si Teptep sa pagkakapasan ni Tristan.

"Come here.." sabi ni Teptep at hinila ako papunta sa monitor ng isang flat
screen.  "I'll show you something.."

"Hoy Tep! Ano na naman ba yan? Baka hinahanap ka na.." sigaw ni Tristan. "Follow me
Kuya Tristan.." sagot nito.

"That's my brother!!!" sigaw ni Teptep sabay turo sa  sa screen sa TV.

"WHAT? THAT MONSTER IS YOUR BROTHER?!" I yelled.

=================

Chapter 20 - Kid

Chapter 20

Hindi pa rin ako makaget-over sa identity ng bata na 'yon. Who would have thought
na may kapatid s'yang kasing sama ng demonyo.Yung halimaw na impakto na 'yun ay
kapatid n'ya? Hindi pa rin ako makapaniwala. Para akong bumubuo ng isang
napakahirap na math puzzel!  

"Teptep! Are you sure about what you said?"  I asked him without breaking our eye
contacts, "Yes, he's my kuya. Why? I bet you know him because he is a one of the
famous artist here in the Philippines?" napa-ahh na lang ako. Walang'ya sa lahat ng
magiging kuya n'ya bakit pa 'yung tukmol na 'yun?

Mas gusto ko pa nga 'yung ugali ng bata na 'to kesa sa ugali n'ya. Nakakabanas
naman!  
"Juskong bata ka! Mapapatay ako ni ser n'yan.." sabi ng isang babae na around 20
'yung edad. Sabay hila sa kamay ng bata. Tiningnan ko naman 'yung yaya n'ya, "Hey
look at what you did! Napakapabaya mo!" sabi ko sa kan'ya. Nagsasabi lang naman ako
ng totoo at talagang nagbabaga ang damdamin ko sa kapabayaan ng yaya n'ya. Iwanan
ba naman ang bata sa mall? Sinong nasa tamang isip ang gagawa ng ganoong bagay? 

"Sino ka ba ha? Kung makapagsalita ah, kala mo andami mong nalalaman!" sigaw n'ya
din. Mas tumaas naman ang kilay ko sa sinabi n'ya. Sino daw ako? At ang lakas
talaga ng bibig n'ya ah.

"We're the one who saved Stefan. He got lost. Ikaw pa 'yung may ganang sigawan ako
ng ganyan ah!" sigaw ko din sa kan'ya. Nakakainis 'yung babaeng 'to. "Baby boy,
confide that woman to your father.." utos ko kay Teptep.

"She's right. You're a  flirt! Ugh!" sabi n'ya sa yaya n'ya. Nakakatawa naman kasi
galit nagalit 'yung itsura ng bata na 'to. Perfect, kung ako ang magulang ni Stefan
ay nakutusan ay nasesante ko na s'ya. 

"Paano ba 'yan baby boy? We got to go!" paalam sa kan'ya ni Tristan. "Ugh! Don't
call me baby boy Tristan. Only my future girlfriend can say that!" protesta n'ya
kay Tristan. Ngumisi naman si Tristan, "Im her boyfriend baby boy.. bleh!" nag
tongue sticking out pa 'yung loko kong kapatid.

"I don't believe you. Is he your brother?" tanong sa akin ni Teptep. 

I nodded.

"I knew it! I knew it!" nagtatalon pa 'yung bata na 'to. How cute he was pero
s'yempre ay hindi ko na ipaparinig sa kan'ya yung pagsasabi ng cute s'ya, malakas
din ang self confidence ng bata na 'to eh, mana sa kuya n'yang hambog, "Hey
beautiful girl, can I kiss you?" lumapit pa s'ya sa akin at tumingkayad. 

"Hindi pwede!" sita ni Tristan sa bata. Tumingin naman ako kay Tristan, "Yaan mo
na. Kiss lang naman.." sabi ko kay Tristan. Yumuko ako para makapantay ko 'yung
height n'ya. "Only here huh?" turo ko sa cheeks ko. Aba, mahirap na at puro
pagkapilyo ang isang 'to. "Yes my babe!" sabi ng bata.

"Anong babe?! Ang bata bata mo pa! May ganyan ka ng nalalaman ah!" sabi ni Tristan
sa bata. Parang nanenermon lang. Ngumiti lang si Teptep, "I'm handsome. That's
life" nagkibit balikat pa 'to. 

"Mwaaahhhh! mwaaa mwaaa mwa---" inilayo ni Tristan 'yung mukha ni Teptep sa mukha
ko. Kasi naman todo halik sa akin, "Bye miss beautiful! My babe!" paalam n'ya sa
akin habang hawak hawak s'ya ng yaya n'ya palayo. I'm gonna miss this kiddo, walang
halong kaplastikan. 

"Bye baby boy!" nag flying kiss pa ako at sinalo n'ya naman. Naks naman! 
Terrence

I'm here in our mansion. My mom is not here because she has an appointment
somewhere. She called me up this morning and saying that I am the one assigned to
take care of my stubborn brother. Currently, I am waiting for them. Until the
telephone rings.. 

"He-hello Ser??" she asked. Natawa na lang ako sa tono ng pananalita n'ya, she has
this accent that makes me chuckle. 

"What?" I asked.  

"Nawawala po si Sir Stefan.." 

Damn! Nasuntok ko bigla 'yung table. Patay ako kay mom kung nagkataon na mawala
'yung makulit na bata na 'yun. I love my brother even though, he is like that. Wala
naman sigurong kapatid na hahayaan na mapahamak ang kapatid n'ya diba? I won't let
that to happen. 

"What the hell! Find him!" then the line went off.  Gusto ko man sumama kanina
pumunta sa mall kaso pagkakaguluhan lang ako dun. This is the hardest part of being
an artist, a famous person. You are not free to go to any public places. After
three hours of waiting, dumadating na 'yung bata na 'to. May pasipul sipol pa
s'yang nalalaman habang naglalakad papalapit sa akin. Parang wala lang nangyari. 

"Yo Terrence. What's up?" he cooly said. Napabuga na lang ako ng hangin habang
nagbabalak s'ya na umupo sa malambot na couch. 

"Where have you been kid?! Your yaya reported that you got lost!" panenermon ko sa
kan'ya. Nakapamewang pa ako at pinapagalitan s'ya. "Ano na naman bang ginawa mong
bata ka?!" umupo lang sya sa couch and raised his right hand to get their
attention, "You! Get me orange juice!" utos n'ya sa yaya n'ya. "Bro, Relax.. just
relax.. I'm here already..I have good news to you!" parang hindi bata kung
makaasta.

"What?" I asked. Nag-wiggle pa 'yung eyebrows n'ya at buong tamis na ngumiti. Ano
na naman bang pakulo ito? 

"I have a girlfriend already Terrence!" pumalakpak pa s'ya. Asa naman s'yang
seseryosohin ko 'ung sinasabi nya. "Dream on kid." I said. Naglakad na ako papalayo
sa kan'ya at pumunta sa kusina. Kanina pa ako nagugutom kakahintay sa kanila. Tapos
dadating sila dito na parang walang nangyari? The hell was that? 

"Whatever Terrence. I'm not kidding. I don't like to kid. I'll introduce you to her
when we cross our paths." 
"Ikaw na bata ka! Tawagin mong kuya si Terrence!" sabi ni Manang sa kan'ya, 'yung
nagpalaki sa akin. "Fine. Old lady.." walang ganang sagot nito. Napasapo na lang
noo si Manang. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yong bata ka!" 

"I want milk. I'm going to my room. I'll wait for my milk. Understand?" sabi nito
kay Manang. Kinuha n'ya 'yung cookie monster nyang stuffed toy sa couch. "Hey Kuya
Andwu! Sleep with me.." sabi n'ya. Lagi na lang s'yang ganyan, gusto n'yang may
kasamang matulog. 

"I'll sleep in my condo." paalam ko sa kan'ya.

"Waaah no! I'm going to call mom!" nagtatakbo s'ya sa harap ng telephone. Napaka-
spoiled talaga ng bata na 'to. Napailing na lang ako at nagtangis ang bagang ko
dahil sa kan'ya. He is so unpredictable kung hindi lang s'ya talaga bata ay
pinatulan ko na 'to. 

"Fine! Wait me there!" sigaw ko. Nagtatakbo na s'ya papunta sa loob ng kwarto n'ya
habang dinidilaan ako. Fine, he won. 

Nagpunta na ako sa kwarto ng magaling kong kapatid, I bring potato chips and soda.
I also want to watch a movie with this kid. How I missed this kid. Since, I left
our house and try my best to be independent. Once in a blue moon ko na lang
nabibisita 'yung pilyong bata na ito.

My brother, Stefan always say that he is a big boy. He is trying to pretend that he
is mature, that he knows everything like an adult. He don't want to call me 'kuya'.
He is definitely a spolied brat. Hindi ko alam kung paano ako nakakatiis sa ugali
n'ya.  

"Hey andwu!" he waved his hand. He gestured his hand towards his bed. "Come here!
Let's drink!" he said. Then he held his milk bottle up in the air. Deep inside, I
smiled. Bata pa din s'yang mag-isip. Mag-inuman daw kami kaso ang hawak n'ya 'yung
padede n'ya. Iiling iling ako na lumapit sa kan'ya. "Kid, what's your new movie
here?" I asked. "Mickey mouse, Barney and the newest season of Spongebob Andwu." he
said.

"No horror movie? Or even action?" I asked.

"Nah! I don't have that. Mom won't allow me to watch those movies. My life is
miserable since you left.." he sighed. Pumunta naman ako sa harap ng malaki n'yang
flatscreen tv. Isinaksak ko na lang 'yung CD. This is cool! 

"And why is that so?" I asked. Nakakatawa kasi ang itsura nya parang nalugi.

"It is hard to explain. Dad is always busy at his work. Mom too. Yaya is flirting
with our driver. My life is so miserable. I can't be young, wild and free."
"What you want me to do then?" napakadrama ng bata na 'to. Sa bagay wala syang
kasama sa mga trip nya. Hindi sya makapanood ng mga horror at action movies.

"Stay here andwuu.." he pleaded.

"You know about this already. Aren't you? You can go to my condo.." nagliwanag yung
mukha nya. "Every weekend.." sumimangot yung mukha nya.

"How about staying there for six months? So it will be fair!" he said.

"No, you can't." I said.

"Mickey Mouse!" sabi nya nung nakita nya si Mickey na nasa malaking monitor.
Binuksan ko na din yung potato chips, "Give me some!" sabi nya.

"Andwu.. I met a girl. The time a got lost.." he said. Nakafocus lang ako sa
panonood. "And who is she?" I asked.

"She is so beautiful. I'm inlove with her. She said that when I totally grown up I
can be her boyfriend!" he stared at me. His smile. That dazzling smile. Kitang kita
mo yung sya nya.

"You're only five years old. Don't assume.." sabi ko. He send death glares.
"Whatever! She is so charismatic! She is magnetizing! Woah!"

"I think you should go to sleep. Who ever is that girl. I'm so thankful coz she
found you." I said as I put his blanket around his body.

"You should thanks her and Tristan for saving me."

"And who's Tristan?"

"Hmmm.. Tristan? Well, he's the one who let me to ride on his back. And treat us on
an Italian Restaurant. He is with the girl I love.." sabi nya.

"Fine.. I will thanks them.. soon and for now just sleep. Paano ka lalaki nyan?"
sabi ko. Hinintay ko munang makatulog sya bago ako umalis sa bahay at umuwi ng
condo ko.

Freak, it's payback time. Excited na ako bukas. It's Wednesday already. *evil grin*
=================

Chapter 21 - Ceasefire

This is long. Walang magrereklamo na bitin. Haha! Mahaba talaga 'to. Honesto. 

Salamat sa pagbabasa. Happy 75k Reads, #16 Teen Fiction & #30 Humor! 

Flying kiss mula kay Author! Hahaha :*  Follow me! :O 

Chapter 21 - Ceasefire

Third Person's POV

Maagang nagising si Trish dahil sa sunud sunod na malakas na katok sa pintuan ng


kwarto nya.

Gulo gulo ang buhok at kinukusot nya ang mata nya. Pero yung malalakas na katok ay
hindi pa rin tumitigil.

"Bumaba ka na daw!" sigaw ni Tristan sa labas ng pintuan nya, "Kapag hindi ka pa


bumangon jan, gigibain ko na yung pinto na yan!" pagbabanta nya sa kapatid nya.
Ngunit hindi nya alam na gising na 'to at nag-uumpisa ng mabwisit sa mga malalakas
na katok na yun.

Binuksan nya ang pinto at galit na hinarap si Tristan, "Kanina pa ko gising!


Letche! Maliligo lang ako! Shoopi!" pinagtutulak nya si Tristan papunta sa hagdanan
kaya ito ay nalaglag at namatay. Pero biro lang yun!
Sa kabilang banda, sa condo ni Terrence. Kanina pa sya nakagayak para pumasok.
Masyadong excited syang pumasok ngayon, balak nya kasing maghiganti kay Trish dahil
sa hindi pagsagot ng tawag nya nung isang araw.

Ngumiti sya ng nakakaloko habang tinitingnan ang long sleeves nya na kasalukuyan
nyang sinasarado ang butones sa dulong arm part nito.

"It's payback time." sabi nito matapos maayos maisarado ang mga butones ng sleeves
nito.

Kinuha nya ang mamahalin nyang bag na kung saan nakalagay ang isang notebook,
pabango at kung anu ano pa.

Isinuot nya ang isang rayban na kung saan nagpaangat ng kanyang kagwapuhan.

Noong nasigurado nya na ang lahat ng dadalhin nya. Pumunta na sya sa basement ng
building, sumakay sa kotse at cool na nagdrive papuntang Guzman University.

Mabalik tayo sa mansion ng ng mga Lua. Inis na kinalabog ni Tristan ang pinto ng
kapatid nya.
"We're going to be late!" sigaw nito. Si Trish naman ay kasalukuyang nakababad sa
bathtub at naka-ear phones pa. Kaya hindi nya marinig ang sigaw ni Tristan sa
labas.

Bumaba si Tristan at pinuntahan ang ama na nagbabasa ng dyaryo sa sala. Bakas pa


din sa mukha nito ang pagka-inis. Naiinis sya dahil kanina pa sya ready pumasok
kaso mukang malelate pa sya dahil sa kagagawan ng kapatid nyang busy sa paliligo.

"Pa. Alis na ko." sabi nya dito. Nag-angat ng tingin ang ama. At parang nagalit ito
sa sinabi ng anak, "How about princess?" tanong ng ama dito.

Kahit na naiinis si Tristan, sumagot sya dito ng maayos. "I was knocking for one
hundred times. Maybe she is still on her bathroom. For pete's sake Papa, I'm going
to be late. So I'm going to leave.." paliwanag nito. Mukha naman naintindihan agad
ng ama ang inis ni Tristan sa kapatid. Napansin nya kasi na kanina pa nakagayak si
Tristan. At kanina pa sya pabalik balik sa kwarto ni Trish.

Sumakay na si Tristan sa kotse nya. at nag-drive patungong University.

Pagkaalis ni Tristan, pababa naman si Trish. Kakatapos lang nito maligo at naka-
ready na 'to. Tuyo na rin ang buhok nito kasi tinapos nyang i-blower ang buhok nya.
Dahilan upang lalo syang magtagal.

"Good morning Papa! Where's prince?" tanong nya dito. "Nauna na sya. Nainis sa'yo."
sagot naman nito. Nalungkot naman si Trish. Nagmamadali pa syang maligo dahil sa
demanding nyang kapatid pero ang nangyari, iniwan pa rin sya nito.

Humalik sya sa ama at nagpaalam na dito. Pagbukas nya pa lang ng gate, namataan nya
na ang lalaking naka-sandal sa Lexus nitong kotse sa harap ng bahay.
Si Liam

Nilalaro nito ang dahon at pinupunit. Naramdaman ni Liam ang pagbukas ng gate at
nakita nya ang isang babaeng, nakataas ang kilay at tinitingnan sya.

"Umaano ka dito?" tanong ni Trish kay Liam. Umayos naman ng tayo ang binata at
ngumiti. "Bakit ang tagal mo?" tanong nya sa dalaga.

Lumapit naman si Trish sa binata at sinabing, "Wow sa sagot! Nagtanong ako tapos
ang sinagot mo tanong din." sabay irap dito. Lumakad na si Trish upang mag-abang ng
masasakyan ng biglang hilahin sya ni Liam sa mga braso nito. Napatingin naman si
Trish at pinagpag ang braso na kinapitan ni Liam.

"Sabay ka na sa akin. Kanina pa kita hinihintay." sabi nito sabay kamot sa batok.
Napa-ahh na lang si Trish. Pero deep inside, kinikilig sya dito. 

"Asan yung motor mo?" tanong nya sa binata. Huminga muna ng malalim si Liam at
sumakay sa Driver's seat.

"Since malelate tayo. It's better kung magkotse na tayo para iwas sa gulo."
inistart nya yung makina ng kotse ang nagtungo na sila sa University.

Inis na inis si Terrence sa kotseng inunahan syang mag-park. Hinarangan pa nito ang
daan kaya hindi makapag-park ng maayos si Terrence. Binusinahan pa nito ang kotse
ngunit wala pa ding bumababang tao dito. Sa inis, bumaba sya ng kotse nya at
kinatok ang pinto ng kotseng nakaharang.

"Damn! Open this door!" sigaw nya. Hindi pa rin binuksan ng tao sa loob yung kotse.
Kaya naman nilakasan ni Terrence ang katok, bumaba bigla ang bintana at inulwa nito
si.

Tristan

"Fvck!" sigaw nito at chineck ang bintana. "Anong problema mo?!" galit na tanong
nito.

"Problema ko? Damn you! Ikaw! Ikaw ang problema ko! Haharang harang yang kotse mo!"
galit na sagot ni Terrence. Ngumisi lang si Tristan, "Pagmamay-ari mo ba ang daan?"
sabay tsked nito.

Napansin naman ng mga security guards ang alitan ng dalawa kaya pumagitna na ito.
"Ser kung maaari lang, tumabi naman ho kayo." pakiusap ng guard. Napataas naman ng
kilay si Tristan, "I'm not asking." sabi nya at mabilis na i-drift ang sasakyan nya
at pinark.

Napamura na lang si Terrence. Ineexpect nya na maganda ang magiging mood nya ngayon
pero nagkamali sya. Dahilan upang pumasok syang nakasalubong ang kilay. Walang
nagtatangkang kumausap sa kanya. Nahahalata din siguro ng mga fans nito na badtrip
ito. Pumasok na sya sa room at nakita nya si Trish at Liam na nagkakasatan.

Naunang makapasok si Trish at Liam. Kasi naman, si Trish ang nag drive. Kung
tutuusing si Terrence dapat ang naunang makapasok kaso nga lang, natagalan sya
dahil sa hinayupak na lalakeng yun.

"Ang cool mo talaga! Ang bilis naten hahahaha!" sabay apir ni Liam kay Trish. Kaso
napahiya 'to dahil hindi tinanggap ni Trish ang kamay nito. Halos naman pagsakluban
ng langit ang mukha ni Liam sa pagkapahiya.

"Hahahahaha! You look.. Pfft!" impit na pigil ng tawa nito. Sinipa ni Terrence ang
upuan at galit na umupo sa tabi ni Trish.

Inirapan lang ni Trish si Terrence. Sa loob loob nito, naiinis sya. Eh kung
matamaan sya ng upuan na sinipa nito? Pinagpatuloy lang nila Trish at Liam ang
pagkikipag-asaran.
"I can't believe you! Ang galing mo mag drift! Hahaha! Pfft.. nakita mo yung
traffic enforcer... hahaha!" hawak hawak ni Liam ang tyan nito. Hindi sya
makapaniwala sa driving skills ni Trish. "Oo nga.. yung katabing kotse natin
wahahahaha! Mas epic ang reaction nun!" sagot naman ni Trish.

Baliw kasi talaga si Trish, sukat ba namang makipagkarera sa kotseng katabi nito.
Binuksan pa nito ang bintana upang inisin ang driver.

Dumating na sila Carl. Sinalubong sya ng good morning ng mga kaklase nyang babae.
Kasunod nya si Kurt at Dominique.

"Wahh! I missed you Master Trishy!" akmang yayakap ito kay Trish kaso pinatid sya
ni Terrence. Dahilan upang madapa sya.

"Oh my God! Carl.. Pffft.. what happen? Hahahaha!" sabi naman ni Trish. Inextend
naman ni Kurt yung kamay nya upang tulungang makatayo ang kaibigan. "Pfft..Bakit ka
ba nanghuhuli ng isda jan?" pigil na tawa ni Kurt.

"Hahahaha" tawa yan ni Dominique. 

Sinamaan ni Carl si Terrence. Ngumisi lang 'to.

"Bakit mo ko pinatid?!" galit na tanong nito. Nakatingin naman sila Trish kay
Terrence. Nag-shrug lang ito ng balikat. "Bakit ka nagpapatid?" pagbabalik nya ng
tanong dito.
Mas lalong nainis si Carl at inis na umupo sa tabi ni Kurt. "Pasalamat ka at anak
ka ni manager.." bulong nito. Narinig ni Terrence yung bulong. "Tanggal ka na."
walang ganang sagot nito.

"Waaaaa! Terrence naman ehh! Joke lang eh! Alam mo naman na ako ang may kasalanan
nun eh! Waaa! Kurt ohhh.."

"Ano na naman? Labas ako jan." sabi naman ni Kurt. "Waaaa Kurt si Terrence ohh..
tatanggalin daw ako, edi mababawasan ang gwapo sa grup— aray.." binatukan sya ni
Terrence.

Hanggang dumating yung prof. Natahimik na si Carl na himas himas pa din ang tuhod
nyang nasaktan. Si Trish naman ay nakatingin lang sa prof na nagdidiscuss, ayaw
nyang tapunan ng tingin ang nasa kanan nya. Dahil mawawala sya sa concentration. Si
Liam naman ay busy din sa pakikinig, alam nya kasi na bawal istorbohin ang dalaga
pag nagkaklase na kaya pati tuloy sya ay nakikinig lang. Si Terrence naman ay
nakatingin lang sa mga sapatos nya. Nabolobore na talaga sya makinig, inaantok pa
kasi sya. Hindi din maayos ang tulog nya kagabi.

Pagkatapos magdiscuss ng prof nila ay nagsalita ito, "Get one whole sheet of yellow
paper."

Napatingin naman si Terrence kay Trish na kasalukuyang kumukuha ng papel sa bag.


"Freak.." mahinang tawag nito. Sakto lang para magkarinigan silang dalawa. "What?"
inis na sagot ni Trish. "Give me yellow paper.." sabi nito. Inirapan lang sya ni
Trish sabay itsa sa kanya ng one forth pad ng yellow paper. Nasapo naman ni
Terrence ang papel. At naghingian ng papel si Kurt, Carl at Dominique.
Inis na bumulong si Trish, "Ma-zero ka sana bwahahaha!" sa loob loob nya itsurang
papel na lang, wala pa. Tumayo ng maayos ang prof nilang may malaking eye glasses
at makapal.

"Okay. To know if you listen today on our discussion. Twenty items quiz."

Nag-angalan at umingay ang buong klase nila. Halos lahat ay tutol maliban sa
matyatayagang nakinig kanina. Si Terrence naman ay nakakuha ng isang malaking
bright idea. As in bright, daig pa ang liwanag ng sun sa sobrang bright. Gumana na
naman ang demonyo nyang utak.

Lakas makasurprise quiz 'to Sir!

Ay tae! Nakakabobo si Sir!

Bwisit naman! Pabida na naman si Sir!

Mga lines nang mga nabibwusit na estudyante. Tiningnan nila ng masama ang prof kaya
naman ito ay napaatras, "Relax. This is so easy. Alam ko naman na nakinig kayo
kanina. So you can answer this easily!" pumunta sya sa first row at dinistribute
ang questionnaire. "I am giving you only ten minutes to answer that" the prof
commanded.
Ay grabe naman Sir!

Ano to?! Marathon?!

Nakakaloka ka Sir! Buhusan kita ng chalk jan eh!

Bumagsak sana yung black board sa likod mo! Kainis!

Naiinis sila sa demand ng prof. Naidistribute na sa buong klase ang test paper.
Kinuha ni Trish ang questionnaire at pinasa nya yung iba kay Terrence. Ni hindi nya
man lang 'to nilingon.

Nag-umpisa ng magsagot si Trish. Ni hindi man lang sya nahirapan. Nasa number
twelve na sya ng bumulong yung lalaking nasa kanan nya, "Pakopya.." sabi ni
Terrence. Hindi makapaniwala si Trish sa sinabi nito, "Eh kung ayaw ko?" madiin na
tanong nito.

"Scholarship.. Fine..it's up to you freak.. tss" iiling iling na sabi nito at


ibinaling ang tingin sa test paper. Napabuga na lang ng hangin si Trish. Gusto
nyang sabunutan si Terrence sa panaakot nito, "Kopya ka na. Bilis! Kinakabahan
ako.. gago ka" sabi ni Trish sabay lahad ng test paper nya na saktuhan lang para
makita ni Terrence ang sagot nito.

"Wala akong ballpen..peram" bulong ulit ni Terrence. Napaface palm na lang si Trish
sabay kuha ng kanyang extrang ballpen na minnie mouse at ito ay kulay pink, "Putcha
monster! Oh bilisan mo. Baka mahuli tayo. Bwisit ka talaga.." inis na sabi nito
sabay abot ng ballpen. "Bakit ganito? Ayaw ko nito! Gusto ko yang ballpen mo!" sabi
ni Terrence nung makita nyang kulay pink 'to.

"Eh ayaw ko....." sabi ni Trish at itinago ang ballpen nya sa likod. Sinamaan naman
sya ng tingin ni Terrence at sumurender din 'to, "Punyeta ka talaga.." sabay abot
ng G-Tech pen nito. "Wag ka ngang magmura." inis na sabi ni Terrence. Ayaw kasi ni
Terrence yung nagmumura. As in ayaw. Hindi ko na ieexplain kung bakit ayaw,
malalaman nyo din naman kapag mabigyan si Terrence ng mahaba habang POV.

"Five minutes left.." sabi ng prof. Sa sobrang hirap ng test nila, ay bungi bungi
ang sagot ni Carl. Si Russel naman ay nasa number eleven na pero kalahati ng sagot
nya ay hindi sure. Hindi naman din sya nakakinig ng maayos sa prof kasi mas marami
pang beses ang tingin nya kay Trish.

"Woo" sabay taas ng braso ni Trish. Tapos na syang magsagot pero si Terrence ay
hindi pa. "Freak..answer mine." bulong nito. Awtomatikong napataas yung kilay nito,
"Sobra ka na talaga!" napalakas ang sabi nya kaya naman narinig ng buong klase.

"Any problem Ms Lua?" mataray na tanong ng prof nya. Halos lahat ng kaklase nya ay
naghihintay sa isasagot nya, "No sir."
"I told you not to shout. Tsk tsk" sabi ni Terrence na mas ikinainis ni Trish. "Wow
grabe! Sarap mong itapon sa ilong Pasig! Kumopya ka na lang.."

"Answer this. Let's exchange paper" sabi ni Terrence sabay hablot ng papel ni
Trish. Si Trish naman ay manghang mangha sa sulat ni Terrence. Maganda ito at
nakacapslock pa. Pantay pantay ang height at width ng letters.

Nagpalit na nga silang dalawa ng papel. Yung na kay Terrence ay papel ni Trish.

"Pass your paper!" sabi ng prof. Sa sobrang pagmamadali. Binura ni Terrence yung
pangalan ni Trish at pinalitan nya ito ng pangalan nya, Inabot naman ni Trish yung
sinasagutan nya at ibinigay kay Terrence. Nilagyan naman ito ng pangalan ni
Terrence, pangalan ni Trish ang nilagay nya sa papel nya.

Nagsasaya ang kalooban ni Terrence. Walang kaalam alam si Trish sa ginawang


kalokohan ni Terrence.

"Paper on the first row will be check by the second row. And the third row will be
check by the fourth row.."

Sinabi na ng prof nila ang mga sagot. Ipinasa na ito sa harapan at binanggit ang
mga score nila.

Taas noong nakatingin lang si Trish, sa isip isip nya sya ang highest score dahil
sisiw lang naman talaga ang test na yun para sa kanya.
"Gonzales, five."

Nagtawanan naman ang mga kaibigan nito. Si Kurt naman ay tinapik lang ang balikat
nito sabay sabing, "Ok lang yan Carl!"

"Kurt Silva, four"

Mas natawa ang mga kaibigan nito. Gumanti naman si Carl sa pang-iinis nito, "Ok
lang yan pre" sabay tumawa ito.

"Gomez, Tiara eighteen"

Napapalakpak pa si Tiara sabay tingin kay Trish. Inirapan lang naman sya ng dalaga.

"Eighteen lang pala sus.." bulong ni Trish.

"Ong, Russel Liam, seventeen."

Atomatikong nagpalakpakan ang buong klase. Halos lahat naman nagpapalakpakan ng


malakas kapag score ng Elite 5 ang tinatawag.
"Astig! Nice one Liam!" sabi ni Trish. Napatingin naman si Terrence sa dalawa at
ito'y nag high five pa.

Halos lahat ay tinawag na. Papel na lang ni Trish at Terrence ang natitira.
Masayang ngumiti ang Prof sa dalawa.

"Sy, Terrence Andrew....perfect twenty!" sabi ng prof.

Waahhh! Ang galing mo talaga Fafa Terrence!

Kyaaaa~! I love you na talaga Terrence!

Omg! Omg! Ang talino mo Terrence!

Mga nakakabibinging sigawan. Ngumiti naman ng nakakaloko si Terrence kay Trish.

"Lua, Princess Trish...nineteen"


Napa-ohh naman ang buong klase. Expected kasi nila na si Trish ang highest score.

"Class you may go now."

"What?! Sir! May I see my paper?" sabi ni Trish sabay lapit sa prof. Si Terrence
naman ay nagmadaling mag-ayos ng gamit at lalabas na 'to.

Nasa pinto pa lamang sya ng sumabog na parang bulkan ang bibig ni Trish, "Hayop ka
talaga!!!" sigaw nito at sabay bato sa ulo nito ng sapatos nya. Nakailag naman si
Terrence at tumakbo. Wala namang gaaanong nakakita sa pagbato ni Trish. Tanging
elite5 lang at yung prof.

Nag-tungo ang Elite5 sa headquearters nila. May pinagawa silang room nila na para
sa kanila lang. Nirequest ito ng daddy ni Terrence. Para naman daw hindi
nakakahalubilo at nakikigulo sila sa Cafeteria.

Prenteng umupo si Terrence sa malambot na couch.

"Anong nginingiti ngiti mo jan? Para kang sira." sabi ni Kurt sabay upo sa tabi
nya. "None of your business" tumayo si Terrence at pumunta sa haap ng isang mini
ref upang kumuha ng maiinom. Nagdidiwang pa din ang kalooban nya sa reaksyon ni
Trish kanina.

Nainis nya na naman 'to.


Gusto nya din itanong kanina kung sino ba talaga yung lalaking nakausap nya sa
phone at sinabi na boyfriend ng dalaga yun kaso wala syang karapatan para maitanong
yung bagay na yun. Mas mabuti na lang siguro na hindi nya na yun tanungin, hahayaan
nya na lang siguro malaman nya ito sa tamang panahon. Hindi sya concerned dito
tanging curious lang sya.

"Oy pre! Galing mo kanina ah! Perfect!" sabi ni Kurt sa kanya. Nagkibit balikat
lang sya sabay sinabing, "Wala eh.."

"Sus! Nangopya lang yan kay Master Trishy eh!" pagpaparinig ni Carl sa kanya.
Pinakyuhan nya lang 'to.

"Tatlong araw na lang at pageant na. Wala pa kayong talent ni Trish. Hindi pa kayo
prepared." sabi ni Kurt. Napaisip naman si Terrence at walang ganang sumagot, "I
have talent. I don't know if that freak has talent too."

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang galit na galit nababae.

"PATAY KA SA AKING HALIMAW KA!!!! ARGGG!!!" dumamba sya sa likod nito at


pinagsasabunutan.

"Kakalbuhin talaga kita! Ughhhh!" wala pa din itong balak na tumigil sa pagsabunot
kay Terrence. "Fvck! Freak! Awtts! Shit freakk..masakit!" daing ni Terrence. Inawat
naman sila ni Kurt at Carl at Dominique.
"Master Trishy.. maawa ka naman kay boss Terrence.." sabi Carl dito. Naawa si Carl
sa sinapit ni Terrence. Nagulo ang buhok nito na maayos na maayos kanina.

Tila nagbabaga sa galit si Terrence, ayaw nya sa lahat yung pinapakelaman yung
buhok nya. At ang mahirap pa, nasaktan sya sa sabunot ni Trish. Hinawakan nya ng
mahigpit sa braso si Trish dahilan upang mapa-aray 'to, "Sumosobra ka na ah!" higit
nya sa braso si Trish. "Ouch! Let me go! Aray!" daing namam ni Trish. Pumagitna si
Liam sa dalawa. "Tama na pre" awat nito.

Tila nahimasmasan naman si Terrence sa ginawa nya kay Trish kaya binitawan nya din
'to.

"Okay ka lang ba princess?" tanong nya sa dalaga. Tiningnan nya yung braso ni Trish
at ito ay namumula na. "Yelohan muna natin yan. Baka magpasa" sabi ni Liam at inupo
sya sa couch.

Nakatingin lang si Trish sa braso nya. Si Terrence din ay nakaupo sa couch kaso
nakagitna si Carl sa upuan. Kailangang pumagitna sya at baka mag-away na naman ang
dalawa.

Ang gago ko, tang'na! paulit ulit na sinasabi ni Terrence yan sa utak nya. Hindi
nya makuhang tumingin sa babaeng nasa kaliwa nya. Hindi nya naman intensyon na
masaktan si Trish. Nainis lang talaga sya sa pagsabunot nito sa kanya.

Si Trish naman ay kasalukuyang nilalagyan ng yelo ang mga braso nito. Nakaalalay si
Liam sa kanya. Naiinis pa din sya kay Terrence, hindi nya intensyong sabunutan ng
malakas si Terrence. Never kasi syang nakipag-away ng pisikalan. Ngayon lang
talaga.

"Sorry/Sorry" sabay nilang sabi na hindi tumitingin sa isa't isa. Pareho silang
nagulat sa sinabi nila.

"Magbati na kayo. Mahirap sumabak sa gyera ng hindi nagkakaayos. Tandaan nyo may
sasalihan pa kayong contest. Bawal muna mag-away sa loob ng three days. Wala pa
kayong talent, wala pa tayong nagagawang paghahanda sa Mr and Ms CEA. Kaya pwede
bang wag muna mag-away?" panenermon ni Liam.

Pareho namang tumango yung dalawa.

Nahihiya pa din sila sa pananakit nila sa isa't isa. Lalong lalo na si Terrence na
hindi naman sinadya yung ginawa nya.

"Itaas muna ang puting bandila. No war muna. Okay ba?" ulit na sabi ni Carl.
Sinamaan naman sya ng tingin ni Trish, "Ulit ulit ka. Nakakasawa!" inirapan sya ni
Trish. "Relax master Trishy!"

"Ay nga pala Master! One week na ngayon. Nakakalungkot naman..." sumimangot naman
si Carl. "Anong kaartehan yan?" tanong ni Trish. "Wala ka ng slave. Ibig sabihin
friend na tayo." ngiting wagas ang ibinigay nya.

"Whatever." sabi nya. Pero deep inside natutuwa sya kay Carl. Mabait kasi talaga
yung lalaking 'to, hindi lang sya talaga vocal. Ayaw nya kasing sabihin at baka
lumaki pa ang ulo nito sa compliment nya.
"Master Trishy! May talent ka ba?" tanong ni Carl sa kanya. Binigyan nya naman ng
isang nakakamatay na tingin yung binata. "Anong tingin mo sa akin? Natural meron!"
depensa ni Trish.

Halos lahat naman ng kasama nya sa room na yun ay napasabi ng "WEH?" sabay sabay
nilang sabi. Tumayo naman si Trish at nagsimulang dakdakan sila, "Fine. Wala kung
wala. Kailangan pa ba nun?" tanong nya.

"Naman! May talent portion sa pageant nyo." sabi ni Kurt. Inakbayan nya pa si
Trish, "Babaliin ko yang kamay mong manyak ka" pagbabanta ni Trish. Natakot naman
si Kurt kasi nga totohanin talaga yun ng amazonang babae na 'to.

"I told you she has no talent. Tsk" ininom ni Terrence yung yakult nya. "Edi ikaw
na! Ikaw na ang magaling! Ikaw na maraming talent! Ikaw na magaling kumanta,
sumayaw, umacting! Ikaw na! Ikakagwapo mo yan! Pweh!" sagot ni Trish.

"Yan na naman kayo eh. Ceasefire muna nga diba? Wag muna kayo mag-away pls lang."
pakiusap ni Liam sa kanila. "Mag-isip na lang kayo ng production number nyo kesa
magtalo."

"Wag ako sisihin nyo, sya ang nauna." sabi ni Trish. Nagmake face lang sa kanya si
Terrence. "May practice pa pala kayo ng production nyo mamaya. I mean ngayon na
pala." singit naman ni Carl.

"H-ha?" sabay na sabi nilang dalawa. Hindi nila alam na may ganun pang nalalaman.
"Oo, excuse na kayo sa klase. Pumunta na kayo sa Auditorium. Hinihintay na kayo
dung dalawa." paliwanag pa nito.
Tumungo naman silang dalawa sa Auditorium. Nauna si Trish maglakad, kasunod nya si
Terrence na hinahabol ng tingin ng mga kababaihan. Hanggang makarating sila sa
malaking pinto ng Auditorium. May isang lalaking nakasandal sa isang sulok at
tinawag si Trish.

"Munchkin!" sigaw nito kaya naman napalingon si Trish sa tumawag at nakita ang
kapatid na papalapit at umakbay kaagaad ito sa dalaga.

Nagulat naman si Terrence kung sino yung umakbay.Nakatayo lang sya dun at
pinagmamasdan ang dalawa.

Kung hindi sya nagkakamali, sya yung mayabang na lalaki na nakaharang sa parking
lot.

Naisip nya din na..

Sya din kaya ang boyfriend ng freak na 'to?

———

100+ VOTES FOR THE NEXT CHAPTER :) 

PAG MADAMI VOTES MAS MABILIS ANG UD! HAHAHA :) 


=================

Chapter 22 - Mad

Guys you are so cool! Binigyan nyo ako kaagad ng 100+ Votes! Hahaha! Kahit bumaba
ranking natin, ayos lang. Kasi naman nakakatuwa kayo. Lahat ng comment nyo binabasa
ko. Pinapangiti nyo ko hahaha! 

Kilig Alert para sa Chapter na 'to. Buwahaha! Wag muna natin pagmalditahin si Trish
kahit three days lang. Joke haha 

P.S - Pinahaba ko yung chapter na 'to. :/ 

Ge basa na! :)

Chapter 22 - Mad

Written in Third Person

Nakatingin lang si Terrence sa kamay na nakaakbay kay Trish. Nakashades sya kaya
hindi napapansin ni Tristan na tiningnan sya ni Terrence mula ulo hanggang paa. Si
Trish naman ay nakatingin lang kay Tristan. 

"Di kita naisabay kanina. Bagal mo kasi.." sabi ni Tristan sa kanya. "Ewan ko
sayo.. iniwanan mo ko kanina eh." pagmamaktol ni Trish, napansin naman ni Trish na
parang nakapako ang tingin ni Terrence. Hindi naman sa nag-eeavesdrop si Terrence
pero nagtataka sya kung sino talaga yun.
Narinig nya na talaga yung boses ng lalaki na kausap ni Trish ngayon..

We have our date.. right girlfriend?

BLAM!

Nag sink in na sa utak nya kung sino ang nakaakbay kay Trish. Sya yung lalaking
nakausap nya sa phone. Naiyukom nya ang mga kamao nya. Isinuksok nya na lang ang
dalawang kamay sa bulsa ng pantalon nya. 

Boyfriend nya pala.

Tumalikod na sya upang hindi na makita at makarinig nag pag-uusap ng dalawa.


Lumakad na sya at binuksan ang pinto ng auditorium. Wala syang balak hintayin yung
babae na nakikipag-landian sa labas. 

Inalis ni Trish ang pagkakaakbay ni Tristan. Naiinis na sya sa kapatid kasi naman
ambigat ng kamay nito. Kaya gamit ang buong lakas ay mariin nyang tinanggal ang mga
kamay nito.
"Let's talk later. May practice pa ako." sabi nya sa kambal nya. Nag-frown naman
yung kakambal nya. 

"Hindi kita masasabay mamaya. May pupuntahan ako." paalam sa kanya ni Tristan.

Naglakad  papuntang auditorium si Terrence. Hindi nya maiwasang mapatingin sa


dalawa.

Gamit ang peripheral vision nya ay nakita nyang..

Hinalikan ng lalaki si Trish sa pisngi at kumaripas ng takbo. 

Binaliwala nya ang ginawang paghalik ng lalaki. Parang may humahatak sa kanya
papasok sa loob. Nihindi nya na makuhang tumingin sa dalawa. Naaasiwa sya dito.

Sa kabilang banda, Si Trish naman ay tumungo na. Si Tristan naman ay sumakay na sa


nakaparadang kotse nya at pinatakbo na 'to. 

Sinundan nya ng tingin si Terrence na kalmadong pumasok sa loob ng Auditorium. Ni


hindi sya nito nilingon at hinantay man lang.

Inilibot nya kaagad ang tingin nya, hinahanap nya si Terrence.


Trish Lua's Point of View

What happen to that monster?

Nilibot ko ang tingin sa loob ng auditorium. Saan ba nagpunta yung monster na yun?
Lumakad ako papuntang stage at nakita ko si Terrence na pumasok sa back stage. Ano
na naman kayang gagawin ng halimaw na yun dun? 

Maybe, nandun yung mga ibang candidate. Tama!

Naglakad ako gamit ang mga paa ko. Natural! Paa ang gagamitin. Hello? Alangan naman
lumakad ako na kamay ang gagamitin ko. Kbye. Ang korny MO. 

Sinundan ko naman sya. Maraming nakasunod na babaeng contestant sa kanya. Nakita ko


pa na sya ay nakikipag-usap. Tinuloy ko ang paglalakad ko hanggang makarating ako
sa likod ng stage. Nandun na halos lahat ng candidates. Iba talaga kapag famous
noh?
Lapitin ng babae. 

Hindi ko sya makita. Masyadong malaki ang backstage para makita sya. Saan na naman
kaya nagsusuot yun? Hala! 

Nasaan na kaya si Monster? 

Tanong ko sa sarili ko, nakita ko syang kausap ni Jaz.

"Why so pogi?" tanong nya. Hindi naman sya pinansin nito.

Nakita ko din na nagcling si Iana Sharm sa braso nito. Hindi man lang umangal. "Ang
hot mo talaga pag nakahubad! Hihi!" tawang malandi nito. Tumaas naman ang kilay ko,
anong pinagsasabi ni Dora? May hubad pa syang nalalaman! Kadiri huh? Pati ba ganung
bagay ay pinapainggit nya. Ew slut! 

(A.N - Yung nakahubad na sinasabi ni Iana Sharm ay yung time na nagshoot sila
Terrence. Diba kasama sya dun.) 

Ew as in ewwww!
She means na nagjerjeran sila? Ew! Pero mukhang hindi naman. Inisip ko na lang na
kailangan manalo ako sa pageant na 'to. Para sa sarili ko naman din 'to. Wala na
akong paki sa s3x life nila. Masyado pang inosente ang isip ko para jan. 

Ang masasabi ko lang, "Care ko ba?" 

Nakita ko yung isang bading napapalapit sa mga contestant. Ehem mga co candidates
namin. Nakasuot sya ng isang damit na silver. Literal na kumikinang. Isang hikaw na
ubod ng laki. Yung tipong pwede mo ng gawing monkey bar. Isang killer high heels.
At isang headress na puno ng pakpak ng manok. Dapat isumbong sa Animal Welfare yan.
Joke!

"Okay! Candidates! Go to your partner!" sabi ni mahaderang production manager.


Manager pala sya, so meaning sya yung boss sa prod na 'to. 

"So bye Terrence.." sabi ni Iana dito. Napa "Tss" naman si monster, nakita kong
sumulyap si Dora sa gawi ko, "Good luck sa'yo. May partner kang panget!" sabay tawa
ng tatlo nyang mahaderang alipores. Sino pa ba? Si Jaz, Helo at si Kiti.

Gusto ko sana syang barahin gamit ang mga pamatay kong lines kaso yung mahaderang
manager na 'to ay epal.

Third Person
Pinaline up ng pila ang mga babae, katabi nilang naka-line up yung mga lalaki. So
baling dalawang line. Line ng babae at line ng lalake. Magkatabi lang yung dalawang
line.

Pinapangunahan ni Jaz yung pila ng babae, kasunod nya si Helo, tapos si Kiti, tapos
si Trish, at nasa likod nya si Sharm. Kasunod ni Sharm yung dalawa pang candidate.

"So boys, umayos kayo ng pila. Tapatan nyo yung mga partners nyo." sabi ng
production manager. Halos pumipalintik pa ang mga kamay nito habang nagsasalita.
Napakaarte din nito magsalita. 

Napatingin naman si Terrence sa gawi ni Trish. At ganun naman din si Trish. Kaya
naman sabay din silang nag-iwas ng tingin.

Awkward!

May dalawang nag-aayos ng gagawin nilang prod. Ang una nilang gagawin ay rarampa.
Una muna ang babae.

"So ganito girls ang unang gagawin. Lakad muna sa center.. tapos pose.." pumunta
naman yung bading na nag-aayos at nag pose sa gitna ng stage.
"Next thing. Lakad kayo sa kanan, Tapos strike your second pose." ginawa ulit ng
staff yung paglakad at pinakita kung paano ang gagawin. Napatango tango naman ang
mga kasali sa contest. 

"Tapos sa kaliwa naman. Tapos balik sa center. Habang pabalik na sa gitna yung
girls. Yung kapartner naman na boy.. nasa likod na at nakatalikod. Pagbalik ng
kapartner na girl sa likod. Susunod naman yung lalaki sya naman ang gagawa ng
routine na ginawa ko kanina, Intiendes?" mataray na sabi ng staff.

Napa-tango na lang si Trish. Kahit naiinis na si Trish sa manager kuno nila ay


nanatili itong nakatahimik. Nagcoconserve kasi sya ng energy.

Si Terrence naman napa-tango na lang din. Ayaw inisin ni Terrence si freak, ayaw
nya din kasing simulan na naman ang away nila. Iniisip nya na mas mabuti pa yung
ganito. Yung walang pansinan para walang away. Iniisip nya pa din yung lalaking
nakaakbay kay Trish kanina.

Si Trish naman ay nahihiyang magtanong kay Terrence about sa sinabi ni Sharm kanina
sa kanya na 'you look so hot lalo na kapag nakahubad'. Masyadong binabagabag ang
inosente nyang isip, hindi nya kayang magtanong ng ganong bagay. Kasi naman alam
nya lang mag-aaway na naman sila kapag nangelam sya sa buhay nito. Pinili nyang
maging tahimik at makinig na lang sa staff.

Unang naglakad si Jaz. Lumabas talaga yung pagkamodel nito sa paglalakad pa lang.
Magaling syang mag pose. At kitang kita mo ang grace nya sa paglakad. Nung matapos
ng maglakad sumunod naman yung lalaking kapartner nito.
Sinundan sya ni Helo. Tapos nung matapos na 'to sinundan sya ng lalaki nyang
kapartner na puno ng hangin sa katawan. Matapos maglakad ng lalaking hangin na ito.
Si Kiti naman ang rumampa at walang kaabog abog itong nadapa dahil na rin sa gaslaw
nitong maglakad.

"Hahaha! Girl, umaano ka jan? Kumain ka ng balot! Haha" tanong sa kanya ni Jaz na
tawa ng tawa.

"Pakyu ka girl! I'm not eating that kind of food. So ew!" sagot ni Kiti sa kanya.
Pagkatapos ng kalaptripan dahil sa pagkakadapa ni Kiti. Sumunod naman ang feeling
pogi na kapartner nito.

"Next contestant #4..." sabi ng staff. At inilabas nito ang bored na bored na si
Trish. Naglakad lang ito ng normal. As in normal na lakad. Yung tipong parang pagod
na pagod ka maglakad at pasan mo ang isang sakon bigas. Ganun ang lakad ni Trish. 

Napataas naman ang mga kilay ng mga babaeng candidate kasama yung mahaderang prod
manager. 

"Hahaha! What the hell! Anong lakad yan? Pang kanto?!" sabi ni Jaz sa mga kasama.
Nagtawanan naman ang mga 'to.

"Walang poise. Shet! Kaderder! Looks like a .... errr... pang-kanto talaga!"
maarteng sabi ni Kiti. Halos maiyak iyak na 'to kakatawa. 
Si Trish naman ay walang ganang lumakad at nung magpopose na sya. Tumayo lang sya
dun. Parang nawala sya ng ganang maglakad. 

"Ano ba yan candidate number four! Pageant 'to at hindi ka naggagala sa stage!"
sigaw ng naiinis na staff. Poker face lang si Trish at sinagot naman sya nito,

"This is a practice right? Are you a contestant?" kalmadong tanong naman nito.

"No." sagot ng staff.

Hindi napigilan ni Terrence ang inis dahil sa pagsigaw ng baklang staff kay Trish,
naiinis sya dahil walang karapatan 'to para sigawan yung babae. "Is that how you
treated your candidates? Shut your mouth! Wala kang karapatan para sigawan si
Trish!" singhal nito sa staff.

Lahat sila nagulat sa sigaw ni Terrence. As in nasa state of shocked silang lahat.

"I'm sorry Mr. Sy" sagot ng staff sa kanya. Bakas pa din ang gulat nila Jaz sa
ginawa ni Terrence. Napatakip pa ng bibig si Iana dahil sa gulat. 

Sino ba namang hindi magugulat sa galit na pagsigaw ni Terrence. Eh bihira lang 'to
magsalita kapag kaharap ang ibang tao. Kay Trish lang at sa mga kaibigan sya
nakapapag-ingay. 

Trish Lua's Point of View

"Lets go" hinila ako ni monster. Gulat na gulat pa din ako sa sigaw nya kanina. I
didn't expect this na magrereact sya ng ganun.

Wala kang karapatan para sigawan si Trish.

Nagulat na lang ako nung tuluyan na akong nahila ni Terrence at bumaba kami ng
stage. Huminto sya saglit at tinapunan ng tingin ang mga nasa stage. Hawak hawak
nya yung kamay ko.

Pinagpatuloy nya yung paglakad. Syempre kasama nya ako.  Hindi ko lubos maisip kung
bakit ganun ang reaksyon nya kanina. Mas nagalit pa sya kesa sa akin.
Hanggang nakarating kami sa rooftop. Nakailang buntong hininga sya. Tiningnan ko
yung kamay nya nanakahawak pa din sa kamay ko.

Terrence's Pov

Hindi ko alam kung bakit ako nagalit kanina. Naiinis ako kung bakit hilig nilang
pagtawanan si freak. Is it her fault if she can't walk like a fashion model? The
hell, they are literally narrow headed.

I made a quick gleam on freak. She's looking at my hands that is entwined with
hers.

Binatawan ko kaagad yung kamay nya. I stepped forward to look the things from here.
Green trees, buildings, students on the benches, chirping of birds, the scarlet
skies. The sun is about to set.

I took a deep breath. I faced her. I saw her looking at me, confused maybe?
"I don't want to see someone's laughing or teasing at you. Ako lang freak...ako
lang.."

———

Ano? Pumapalo na ang manok na si Terrence #TeamTerrence! Sabog fireworks! 

So #TeamLiam o #TeamTerrence? Hahahaha! :D 

Add Terrence on Fb: terrenceandrewsy@gmail.com

Trish: princesstrishlua@gmail.com

A.N - Mahilig ako mag Author's Note. Baket ba? -__- Nga pala, puro test ako ngayong
week. So baka matagalan ang UD. Di bale, pag hindi ako busy. Ipapublish ko na yung
kasunod nito some other day. Tapos ko naman po yun. Okay ba? HAHAHA! 

GUSTO KONG MAKITA KANG MAGCOMMENT! MAPASILENT, LOUD, DEMANDING, SHOWY READER KA! 

VOTE MO 'TO! HAHAHAHAHA 150 VOTES? Pwede ba?! XD

-sweetadmirer-

=================
Chapter 23 - Deal

Chapter 23 -- Deal

Trish Lua's Point of View

"What does he mean?" I asked myself. I can't sleep. That jerk is literally banging
my head. Is he serious about that? I can't recover.

His face looking serious at me.

Staring at me.

Emotions on his eyes while saying that freakin' line.

"Waaaahhhhhh..." I shouted. Sumigaw ako ng bongga sa unan ko. Nakakainis ang ugali
ni halimaw, minsan galit na galit sa akin. Tapos kanina was an extraordinary? Sya
ba talaga yun? Parang hindi kapanipaniwala talaga. Sya ba talaga ang nagsabi nun sa
akin?

I took a deep sigh. Nakakabaliw ka Monster. Ayaw mo ko patulugin.

As he said those line. My heart is furiously pounding. Shocked is written all over
my face.

"Ayaw kong pinagtatawanan ka nila. Ako lang freak.." he put his hand inside his
pocket. Naupo sya sa bench. Ako naman naiwang nakatayo, hindi pa rin mag sisink in
sa utak ko ang mga sinasabi nya.

"Tatayo ka lang ba jan?" sabi nya. Napa-"hah" naman ako. Hindi ko talaga sya
maintindihan. Kanina napakarude sa akin, ngayon ganito na sya. "A-anong sumapi
sayo?" tanong ko nung nakaupo na ako sa tabi nya. He is clasping his hands.

Medyo malamig na din kasi kasi pagabi na. Palubog na din ang araw. Upang maiwasan
naman ang awkwardness ng atmosphere. Susungitan ko na lang sya, "Tell me! Sinong
santo ang sumapi sayo monster?" tanong ko sa kanya.

Tumayo naman sya at ginulo ang buhok ko, "Kalimutan mo na yung sinabi ko kanina.
Nagbibiro lang ako. Umuwi ka na." he put again his hands on his pocket.

I was right, he is just kidding. Tama!

"Hindi mo ko ihahatid?" tanong ko sa kanya. Gabi na at mahirap mag-abang ng


sasakyan, Hindi naman din ako susunduin ni Tristan kasi nga nagpaalam na din sya sa
akin kanina. Si Liam naman baka umuwi na yun.
"A-ano? Ayaw ko!" sabi nya. Bumaba sya ng hagdan hanggang nakarating kami sa ground
floor ng building. "Fine. Damot mo naman!" sabi ko sa kanya. The time I started to
walk away from him, he grabbed my hands again.

"What?" I hissed. Kung may makakasabay lang talaga ako, hindi naman ako makikisakay
sa kanya eh. "Why are you walking away from me? I could give you a ride." he said.

Hinila nya ako papunta sa kotse nya. As usual, he is not a gentleman. Binuksan ko
ang pinto at umupo na sa tabi nya.

We kept silent for the whole travel, he didn't bother to tease me nor to throw
questions. He was just driving, until we arrived infront of our village.

"Hey you monster! Pasalamat ka at sumakay ako sa kotse mo. Ganda ko eh! Bye~ Ciao!"
at lumabas na ako ng kotse nya. He just smiled and said,

"Goodnight.."

Wah! Anong nakain ni Monster? Ang lakas maka-baliw ngayon. Eh nako, bahala sya. Sa
bagay, sabi ni Carl dapat hindi daw kami mag-away within three days. Ah tama!

He did that para hindi kami mag-away. Wala ng iba pa. Makatulog na nga para mas
maganda ako bukas.

———

School

Pagkapasok ko pa lang may natanggap na ako kaagad na text from monster.

"Don't attend our class. Someone will pick you up there. We'll practice."

May susundo daw sa akin? At sino naman yun? Ako mag-aabsent? No way! Di kopa nga
natatry mag-absent eh. Tama! Bakit naman ako susunod sa kanya? Baliw pala yung
halimaw na yun.

My phone vibrates again,

"Wag kang magkakamaling tumakas. You're dead.."


Psychic ba 'to? Naiisip ko pa lang na hindi sumipot tapos nagtext sya ng ganyan.
S'ya na!

Hindi na ako nagreply sa text nya. Nawalan na ako ng gana. Asan na ba kasi si
Tristan? Walangya yun hindi na naman ako hinintay kanina. Nauna na naman syang
pumasok. Yung feeling na binilisan mo ng maligo. Hindi na nga ako nakapagsabon  ng
maayos tapos ganun pa.

Wala pang five minutes nung last text ni monster ay may tatlong nakasuit and tie na
lalaki with tinted shades ang papalapit sa kinaroroonan ko.

"Ms. Lua.. Pinapasundo po kayo ni Sir Terrence.." sabi nya. Dahil nga wala akong
mood makipagtarayan ngayon. Lumakad na kami at pumasok sa mamahaling kotse na 'to.
Pinagbuksan pa nga ako ng pinto. Buti pa yung nga 'to, may manners hindi kagaya ni
monster. Err!

"Where we going?" tanong ko sa kanila.

"Sa mansion po nila." sabi ni kuyang mohawk ang buhok. Napa-ahh na lang ako.

Nakatingin lang ako sa bintana ng may maalala ako.

Si Teptep
Omo! So ibig sabihin nasa mansion yun?

As he said kapatid nya si monster. So makikita ko ulit si Stefan? I'm so great


talaga. Naisip ko pa yun talaga. Almost twenty minutes din kaming papunta sa
mansion nila. Err!

May pipindot lang sa remote yung driver at bumukas ang napakalaking gate nila. Mga
five times yung laki nito sa gate namin. As in malaki sya, gold pa yung kulay. Ano
ba naman yan. Maisasanla ba yan?

Hanggang nakarating kami sa harap ng mansion. This is so big. I mean huge!

"This way po Ms Lua.." in-assist ako kaagad ni ateng nakahapit na palda at medyo
revealing ang blouse na suot. Bakit ganito ang mga kasambahay dito? May costume
talaga?

Sinundan ko naman si Ateng Palda. Puro gold at red ang nakikita ko. Gold chair. Red
couch. Gold furnitures. Yung grand stait ay gold. Yung curtain ay gold at red. This
is so makaextravagant. Pompous na kung pompous.

Eh? Di nyo alam yung meaning ng pompous? Magbasa kasi kayo ng dictionary! Puro kayo
wattpad eh!

Hanggang makarating kami sa isang living room na ubod ng laki. As in malaki.


Spacious.

"So you're here.." lumingon sa akin yung lalaking nakatalikod. He's wearing a faded
pants. White V-neck shirt with matching cacky na leather jacket, palladium na brown
boots at isang relong mamahalin na kulay gold.

"Ay hindi! Wala ako dito! Hologram ko lang 'to." pambabara ko. Inisnob nya lang ako
at nagsalita ulit. "Someone will teach you to walk." he added.

"Sino na naman? Si Ate kylie?" tanong ko.

"No." matipid na sagot nya.

"Eh sino nga? Daming arte!"

"Me."

"What?! Anong ikaw?! Baliw ka ba?" tanong ko sa kanya. Nakakataas ng dugo 'to. Baka
atakihin ako sa puso sa gulat. Nagpapatawa ba 'to? Sya daw ang magtuturo. Emeghed,
naalala ko na naman tuloy yung nahulog ako at sinalo nya ako. Eh?
"Are you deaf? As I said I will be your tutor today. So shut your mouth. Let's
start with the basic." sabi nya at binato sa akin yung isang box.

"A-aray! Pwede namang iaabot na lang!" sinamaan ko sya ng tingin. eh kung tumama
'to sa mukha ko. Edi ako ang kawawa?

"Shut your mouth. Wear that!" he yelled. "Walangya ka talaga. Like a boss ka huh?!"
pasigaw ko din na sagot sa kanya.

"Remember? I'm superior than you coz I'm your boss." he emphasized every word.

"Nye nye! Whatever!" nagmake face lang ako.

Nakakainis talaga sya! Oo na ako na yung slave, sya na ang boss. Bwiset! Binuksan
ko yung box at nakita ko yung isang pair ng black stiletto shoes.

"Wag kang umangal. That is only five inches." he said.

"Eh... monster.. ang taas.." sabi ko. Nalulungkot na din ako. Kasi naman yung last
na suot ko ng heels, Sumemplang ako. May phobia na ako. Hehe joke.

"Arte. Bilisan mo." he demanded. "Fine." I said. Sinuot ko na nga yung shoes.
"Wow! Saktong sakto ah? Ikaw huh! Alam na alam mo ang shoe size ko! Crush mo ko
noh?! Woo si monster crush ako... amin amin din pag may time." pagbibiro ko sa
kanya. Nagpoker face lang sya.

"Dream on." he said. At dumekwatro ng upo.

"Put that book on your head. Then walk." sabi nya.

"Seriously? Ikaw talaga ang magtetrain sa akin?" tanong ko. Sinamaan nya ako ng
tingin, "Do you think that I'm not serious with this freak, just follow me. Ayaw ko
sa nakakahiyang kapartner." sabi nya.

Literal na napadrop jaw ako. "Ikaw na. Mahal na kamahalan." nag bow pa ako sa
kanya.

Terrence's POV

She's acting weird. I will train her because I wanted to. I don't want to have a
partner who will make me embarass. Look at her. Putting that thick thesaurus on her
head.

"Stand straight." I commanded. She playfully rolled her eyeballs. "I know!" she
said confidently. As far as I know, she can't walk like a model. She is walking
like a psycho  penguin in the Antartic.
"Look at your posture. It is really horrible. Don't make a mess!" I yelled. She
make face and yelled at me too, "Fine! Mahal na kamahalan. Arte arte! Maglalakad
lang naman eh! Daming chuchu ek ek.." then she walk.

"Hey freak. Maintain your posture." I said. She stand straight and started to walk
with grace.

"Ughh! Freak!" I hissed.

"Ano na naman ba yun Mahal na kamahalan?" she asked with irritation.

"Try to smile! Wag kang magsuplada jan!" utos ko.

"Ganito?" tanong nya tapos nagsmile sya ng pagkalaki laki.

(^_______^)v

"No. That is over acting! " I commented.

o(—_—)o - my look
"Edi ganito?"

(^__^)

"Hindi. Masyadong fake. Make it natural."

"Kainis naman. So ganito ba?"

(—3—)

"Moron. I said smile not pout!"

"Ewan ko sayo! Lahat ng ginagawa ko mali! Putspa naman oh! Paano ba?!" sigaw nya.

"Ganito oh."

:D

"Ahhh eh paano kung ganito?"


>:D

"Pwede na. Basta dapat hindi fake. Gets?" tanong ko. Tumango tango naman sya.

"Uy monster... pwede magpahinga? Dalawang oras na tayong nagpapractice eh.."


reklamo nya. "Ok." I answered.

"Weehh! Huyyy.. monster..." she is lounging on the couch. "What?" I asked.

"Wala bang makakain dito?" tanong nya. Playfully smirked is formed on my lips.

"Wala"

"Ano ba yan! Ang laki ng bahay nyo tapos walang pagkain!" reklamo nya na naman.
Nagcros arms pa sya at tinaasan ako ng kilay.

"Reklamador ka rin nuh? Patay gut—"

"Hep hep! Wag mong itutuloy yang sasabihin mong halimaw ka! Sasamain ka talaga sa
akin!" pagbabanta nya sabay hawak sa vase na nasa glass table.
"H-hoy! Put that down! That is expensive!" pagbabala ko sa kanya. Puro antique ang
vases dito sa bahay. Karamihan puro galing ibang bansa. Ibinaba nya naman yung
vase.

Nagdala naman si manang ng pagkain. Cookies tsaka juice.

"Seriousy.. mabubusog ba ako jan?" nanlaki pa ang mata nya sa mga cookies na
nakalagay sa plato.

"Eh? Baket?" tanong ko.

"Tinitipid mo ba talaga ako? Hindi ako matitinga sa cookies na yan. Kakaloka naman!
Wooh!" pinaypay nya pa ang kamay nya.

"What do you want?" I asked. Nakakairita na ang kaartehan nya, daming reklamo sa
buhay!

"Rice? Hehehehe!" nagpeace sign pa sya. Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya. "Joke
lang! Baka ikahirap nyo pa yung demand ko!" at nilantakan nya na yung cookies.
Vagabond. Tss

"Ey. Off topic muna. Only child ka lang ba?" she asked. I sip my pineapple juice.

"No."

Trish Lua's Point of View

"No" he answered. Sowsmaryosep! So totoo nga na kapatid sya ni Teptep? Napatakip


ako sa sobrang gulat. "Why you're askin'?" he said.

"W-wala akala ko kasi mag-isa ka lang. Asan kapatid mo? Bakit di ko nakikita? Tsaka
sino? Anong name? Ilang taon?" sunod sunod na tanong ko.

"Konti ng tanong mo noh?" note the sarcasm. "At kailan ka pa nangelam sa buhay ko?"

"Bakit di mo na lang kasi sagutin. Gusto pang makipagtalo eh!"

"I have my five years old brother. Wala sya ngayon dito. Nasa school pa.."

Ayy sayang naman, bulong ko.

"Anong sayang?" tanong nya. Ay narinig nya -.-

"Yung cookies kako! Pag hindi naubos sayang! Tsk tsk"


He nodded. Mukhang hindi naman sya nakahalata.

"Freak.. anong talent mo? Ako kasi marami akong talent. Baka maging dehado tayo.
pag nagkataon." e said. Sinaman ko sya ng tingin. Lapastanga yung hinayupak na 'to.

"Dami mo ding sinabi noh? Dapat sinabi mo na lang na .. freak mukang matatalo tayo
dahil sayo.. tss! Marunong akong kumanta! Duet na lang tayo sa contest!" I
demanded.

"WEH?" di nya makapaniwalang reaction. "M-marunong kang kumanta?" tanong nya.

"Oo nga. Kulet mo noh? Makakatikim ka ng flying tsinelas Sy!" banta ko sa kanya.

"Fine. Let sing together!"

"Deal!" I said.

=================

Chapter 24 - SPG

Chapter 24 - SPG 
Nagising ako na pagod na pagod. Paano ba naman kung anu ano ang pinaractice namin
ni Monster. Kesyo dapat daw magpractice mag smile, kumaway, magpose at project. At
ayun nga, sya yung mentor ko.

Nakailang round kami ng practice at inabot kami ng 6. Ipinahatid nya ako sa bahay.
Hindi sya yung naghatid kasi pupuntahan nya daw yung daddy nya.

Ako eto, kagigising lang.

Hay nako, panibagong araw na naman. Palapit ng palapit ang contest. Bukas na pala
yung pageant na yun. Kinakabahan ako na medyo excited. Ewan ko ba, parang halo halo
ang feelings na nararamdaman ko. Hindi ko masasabi na ang saya saya ko, kasi naman
syempre kakabahan ka pa rin kahit papaano. Kahit naman super taas ng confidence
level ko. Tao din ako at nakakaramdaman ng nginig sa katawan.

Speakin of Terrence, gulat kayo? Terrence yung tawag ko. Nakakabwisit sya nung
gabi. Nagalit na naman sa akin eh hindi ko namam alam kung bakit. Basta after ng
phone call nya sa akin around 9pm. Nag-berserk na naman sya. As in galit.

Ganito ang nangyari.

"Hoy panget! Bakit ngayon ka lang?!" tanong ng magaling kong kapatid pagkapasok ko
kwarto ko.

Nakita ko naman sya na prenteng nakadapa sa kama KO. Walang hiya talaga yung tukmol
na 'to. May kwarto naman sya pero tingnan mo ang ginagawa nya ngayon dito. Nakadapa
at nakatutok sa laptop nya at nanonood ng videos. Porn videos to be exact. Joke
lang!
"Hey why you're here! Umalis ka nga sa bed ko, baka hindi na ako makatulog nyan
kasi sa duming naiwan ng katawan mo sa kama ko?!" pagpababanta ko sa kanya.
Nginisian nya lang ako at ibinaling ulit ang tingin sa laptop nya.

"Hoy kanina pa kita hinihintay... ang tagal mo.." sabi nya. Asan na ang sagot na
gusto kong marinig?Wala! Wala syang kwentang kausap.

"Eh ano ngayon? Sa pagkakatanda ko hanggang 8 ang curfew ko, 7pm pa lang. Look
there.." sabay turo ko ng wall clock. Tumingin naman sya dun.

"Umorder ka daw sabi ni Papa.." sabi nya. Umupo na sya sa kama ko. Ako din ay
umupo. At magkaharap kami ngayon.

"Eh bakit ako? Ikaw aang lalaki! Kaya ikaw ang umorder! Gentleman ka talaga noh?!"
protesta ko. Hinawakan nya ang dalawang balikat ko.

"I'm not gentleman and I admit it.. so Trish.. We are starving already so mag-order
ka na.." sabi nya. Tinaasko na ang magaganda kong kilay.

"Wala kang karapatan para utusan ako. Ok ikaw ang panganay dahil pinanganak ka ni
Mama na mas matanda sa akin ng trenta segundos. Wow Tristan! Nakakahiya naman sa
mala-ginto mong buhok" sabay flip ko ng magaganda kong buhok.

"So hindi ka talaga oorder?!" tinaasan nya pa ako ng boses. Wow lang!
"So matatakot na ba ako? Oo hindi ako oorder! Ikaw ang umorder!" patutsada ko sa
kanya. Tinaasan nya ako ng kilay, bakit ang astig nya kapag ginagawa nya yun?

"I guess... daanin na lang natin 'to sa........"

"Wrestling!" sagot naming dalawa.

Agad kaming nagready na para sa mainit na labanan. Sabi nga sa isang sikat na
wrestling program sa tv. 'Don't do this at home'. Pero wala talaga eh. Pag bored
kami ni Tristan ginagawa namin ang magsakitan. Ano gulat na naman kayo sa kaastigan
ko? Sorry, mas mahaba pa ang buhok ko kay Rapunzel.

"Walang suntukan ng malakas, unang mag give-up ay syang oorder.." sabi nya.

"Oo na! Ulit ulit! Game na!" pinag-rub ko pa ang dalawa kong palad at pinapainit ko
ito gamit ang friction.

"Whatever. Ikaw din ang matatalo." sabi nya sa akin.


Sinamaan ko sya tingin, "You wish! Lulumpuhin kitang tukmol ka!"

"Nako, mangarap ka ng gising.." sabi nya.

"So ano?! Forever na lang tayo mag-uusap? Game na!" sabi ko.

This time sinugod ko na sya at sumampa sa likod nya at pinalupot ko ang braso ko sa
leeg nya. "Wala ka ng kawala..." sabi ko pa.

Mas nagpabigat ako para mapatumba sya. Hindi nga ako nagkamali nakadapa sya ngayon
sa kama habang ako ay nasa taas nya at itinataas ang paa nya para mapasurrender
sya.

"Mangarap ka ng gising.." sabi nya. Gamit ang buong lakas nya. Nagkapalit kami ng
pwesto. Ako ngayon ay nakadapa habang sya ay nasa likod ko at itinataas ang dalawa
kong braso para mapasurrender ako.

Gamit ang flexibility skills ko. Binatukan ko sya ng paa ko. Habang nakadapa ako.
You know, may pagka-goma ang katawan ko. Sa lakas ng sipa ko sa kanya. Natamaan sya
sa mukha na naging dahilan upang mapahiga sya.

"Buwahahaha! I told you! You will los—"

*ring ring ring*

Tumunog bigla ang phone ko na nasa side table. Hingal na hingal kaming dalawa ni
Tristan. Pinilit kong tumayo at malakas na itinapon si Tristan sa sahig.

Habol habol ko pa din ang hininga ko. Shet naman sino ba yungtumatawag na 'to.

Kaya kahit medyo hingal pa ako. Ay gumapang ako sa papalapit sa table.

"H-hello.... Hah... hah....B-baket?.." tanong ko habang hinahabol ang hininga ko.

[U-uhm... why you're panting??] sagot nya sa tanong ko.

"M-monster.... hah.... a-ano.... nag-aano... nag——— Ahhh.. ohhh a-aray.. Oh my


gosh...ohh.. Ano ba! Sandali lang.." sigaw ko.
Si Tristan naman ay dinamba ako sa likod ko habang binibikwal ang leeg ko,

"Make it faster! Nabibitin ako..." sabi nya naman. 

"He-hello monster! Hoy halimaw! Hi hello! May tao pa ba jan? Putcha! Binabaan ako."

Ayun nga ang kwento ko. Hindi ko alam kung bakit ibinaba nya na kaagad.

Ang labo nya talaga kausap. 

I need to rest, beauty rest. :P 

Z.Z

=================

Chapter 25 - Clarification

Dedicated kay: Mikkayyyy ang aking kaibigan! :) 

Chapter 25 — Clarification


This is the most awaiting day!

Masyadong pormal naman, masyadong seryoso ang panimula ko. Haha! Whatever! Retake
na lang!

*Hingang malalim*

Ang ganda ganda ko naman! Parang dyosa!

Hihihihi :">

Angal ka pa? Sungalngalin kita jan eh!

Maaga akong binulabog ng magaling kong bestfriend. Bakit naman kasi nagkaroon ako
ng baliw na bestfriend. Umagang umaga pa lang ay nambwisit na sya. Alas-otso pa
lang ng umaga ay kumakatok na ang magaling kong kakambal.

"Hey wake up! Sleepyhead!" kasunod non ang malalakas na katok. Yung tipong
mabibigla ka at mapapatalon ka pa sa kama mo sa gulat. Tinanggal ko ang kumot ko na
nakataklob sa akin. "ANO BA! SISIRAIN MO BA ANG PINTO NG KWARTO KO?!!" inis na
sigaw ko.

Umupo na ako at tumayo at naglakad papuntang banyo. Makapaghilamos na nga lang at


makapagtooth brush. Narinig ko pa na nagsalita si Tristan, "Pasok ako ah.."
nagpaalam pa sa akin. Wow!
Nung matapos ko ng magpaganda. No! I mean! Maganda na pala talaga ako. Hihihi :">

Bumalik na ako sa kama ko at nakita ko si Tristan na nakapameywang at masama akong


tinitingnan.

"Your blonde bestfriend is here. Maglinis ka ng kwarto mo.." he said seriously.

I frowned on what he had said.

"Bakit ako maglilinis? Dito na ba ang sala? Bakit hindi ako nainform?!" pambabata
ko sa kanya.

"Wag mo ko simulan Princess Trish Lua.." pananakot nya sa akin. "Whatever Prince
Tristan Lua.. I'm not scared. Pakisabi sa bwisita ko bababa na ako. Duh!"

Inis na lumayas sya sa kwarto ko. Badtrip na naman yun sa akin.

Speaking of my snob brother, sya ang nanalo sa wrestling namin. Paano ba naman
kasi, ikumpara mo naman ng toned na katawan nya sa kaseksihan ko? Talong talo na
ko. Hindi pa ako pinagbigyan o binigyan man lang ng kaunting chance manalo. Well,
ano pa nga ba ang dapat asahan kay Tristan. His ungentle for Pete's sake.

Third Person

10AM

Kasalukuyang kagigising pa lang ni Terrence. Pumunta kaagad ito sa banyo upang


maligo. Yun ang una nyang ginagawa tuwing umaga. Alam nyo naman kasi yung famous
hearthtrob na 'to ay masyadong body conscious. Kaya ayun ang ginagawa nya.

Syempre bago sya maligo, nag-eexercise muna sya.

Nung natapos na ng peymus na 'to ang mga ginagawa nya. Nakarinig sya doorbell.
Tiningnan nya kung sino ang nasa labas at nakita nito ang isang nakangisi,
nakaporma, suot suot ang isang leather combat boots, naka-camoflauge na short,
isang sleeves white shirt na pinatungan ng isang black vest. He's wearing his
latest edition of rayban.

"Ey kid, what you are doing here?" tanong nito matapos pagbuksan ng pinto si
Teptep.

"I'm visiting my brother.. Uhmm Andwu can you get me some cereals? I am famished.."
sabi ng kapatid nito na umupo sa isang black couch. Itinaas pa nito ang paa at
isinalalay sa table na nasa harap ng couch.
Napa-crossed arms naman si Terrence sa mala-bagyong litanya ng kapatid nya. "And
why would I do that? Get it by yourself kid.. I thought your big already? Tss pity
on you.." iiling iling na sabi nito sabay bukas ng flatscreen tv nya.

"Coz you're my OLDER brother Andwu. Can you just do it without saying anything? Is
that how you treated your visitor.. Not so manly Andwu.."

Inis na tiningnan ni Terrence yung kapatid na prenteng nakaupo sa couch.

"Umaano ka ba dito? Dun ka na nga sa bahay.. Don't disturb me here kid.." inis na
sabi nito. Tumingin naman sa kanya si Teptep at nag crossed arms ito, "And why
would I do that? That house is so boring.. Uhmm for you to know.. you said that I
am allowed to stay here every weekend. So today is Saturday. So it means it is a
part of weekend. Tss... Andwu... you need a calendar here.."

Mas lalo namang kumulo ang ulo ang dugo ni Terrece. Kahit kaliligo nya lang, unti
unti na syang napipikon dito.

"Uhmmm.. your pissed off already.. Ha ha ha.. So I guess it's my time to leave.."
sabi ni Teptep sabay tayo sa couch. Ibinaba nya pa ang shades nya. "See you later
Andwu.. I'm gonna watch that freakin contest... Haha! Babuuu!" then he stormed
out. 

At biglang nakahinga ng maluwag si Terrence sa pagdating ng isang bagyo. Pero


napaisip din sya sa sinabi ng kapatid nya. See you later? At paano nya naman
nalaman yung tungkol dun.
Binalewala na ni Terrence ang sinabi ng kapatid at pumunta na sa mga kaibigan.

Steph's POV

Grr! Why she is so tagal? I'm getting bored na here. Nag-iinit na ng bongga ang
butt ko sa chair na 'to kaya naman ako ay nag stand na. Nakita ko naman kaagad ang
bagyong paparating. May isang hurricane ang padaan at pababa na ng hagda. Sino pa
ba?

"Err! Why so tagal?" tanong ko kaagad sa kanya nung nakababa na sya. Kala nya naman
tinatarayan ko sya. Tingnan mo rin 'tong masungit kong bestfriend. Tinaasan ako ng
kilay. Yung mas mataas pa sa Mount Apo.

"Err why so conyo?" she asked me back. This time I pout. "Kakainis ka! Gayahin mo
kung gusto mo." sagot ko naman sa kanya.

Nagfrown naman sya sa sinabi ko at ngumisi, "Why would I do that? Conyohin mo mukha
mo. Eww!"

Lumakas naman sya at papunta at ng kusina kaso pinigilan ko sya.


"Ano ba Steph! Di pa ko nag-aalmusal.." sabi nya. Umangal naman ako sa kanya,
"Nagmamadali tayo..  mamaya ka na kumain kasi hinihintay nila tayo sa labas. It is
so nakakahiya..." paliwanang ko.

Dumoble naman ang kunot nya sa noo "Sinong nila?" she asked.

Nag-spark naman ang mata ko. Grabe! Kinikilig talaga ako ngayon. Kyaa!

"Kyaaaa~! Emeghed Trishy... you will not expect this hihihi! Yung Elite 5 nasa
labas... Emeghed! We're so lucky..." sabi ko pa sa kanya. Para naman syang di
interesado. Sa bagay, ano pa nga ba aasahan ko dito sa babaeng 'to.

"And so?" tingnan mo ang sagot nya. Napakahard nya sa akin. Baliw talaga.

"Big opportunity 'to sa akin Trishy...  parang awa mo na..." lumuhod pa ako sa
harapan nya sabay kapit sa hita nya, "Please Trishy... huhuhu..pagbigyan mo na
ako... huhubels..."

Bigla namang dumating yung malditong kapatid ni Trish at tinawanan ako.

"Hahahaha! Hahahaha! Hahahaha! Pfft..." he said.

Tumayo ako at hinarap sya. "Why you're laughing?" inis na tanong ko sa kapatid
nyang mas hard sa kanya, si Tristan.

"You look pathetic..." nag-kibit balikat pa yung hinayupak na 'to. Sa sobrang inis
ko hinarap ko sya

"Papansin ka! I hate you! Attention seeker must go to hell! Go to hell moron!"
sigaw ko sa kanya. With matching flip pa ng blonde kong buhok.

"Look who is getting attention here? Me who was laughing or you... that
pathetically begging? Think of that...tsk.. tsk!" naiiling na sabi nya. Si Trish
naman ay pumagitna na sa amin. Isang isa na lang talaga at papatulan ko na talaga
'to.

"Oops. stop na.. Tara na Steph..." hinila nya ako sa braso ko. Tumingin sya sa
kapatid nyang sobrang yabang, "Ikaw Tristan..magtutuos tayo mamaya.." pagbabanta
nya sa kapatid nyang puro hangin sa katawan.

Nakarating kami kaagad sa labas ng bahay at nakita namin yung mga..."Oh my God sis!
Ang ha-hot talaga nila.." sabi ko sa kanya habang pinisil ko yung braso nya.

"Umayos ka nga! Ako na sasampal sayo maya maya!" sabi nya. Sa sobrang takot ko sa
kanya. Pinili ko na lang na tumahimik. Kasi yung salita ng maldita kong bestfriend
ay tutuparin nya. Baka magkaraoon ako ng mga finger prints nya sa mukha ko. No way!

"Hi Master Trishy! Miss na miss na miss na miss kita! Aww ang ganda mo talaga!"
bati ni Carl Pogi. Why so pogi Carl? Ang ganda na ng buhok nya, naging brown na 'to
from pink. Mas dagdag pogi points.
Tinanguan na lang sya ni Trish sabay sakay sa convertible car ni Kurt. Wala
talagang kilig hormones sa katawan yung bestfriend ko na 'to. Bakit hindi nya i-
grab yung opportunity na 'to. Like hello! Artista yung mga kasama namin.

Pumasok na din ako sa loob. Katabi ko si Carl at katabi ni Trish si Russel Liam.
Ang pogi talaga ni Russ!

"Where we going?" she asked. Sumagot naman si Russel sa kanya, "Preparation for
your pageant Princess.." kyaaa!

"Kyaaa~! Kinikilig ako Russell!" sabi ko. Sinamaan ako ng tingin ni Trish. "Ang
KJ!" banggit ko.

Habang busy si Dominique sa pagdadrive. Si Carl naman ay busy sa kakadaldal. Oh my


God! He's so gwapo at ang bango pa.

"Master Trishy. . Basta mamaya ikaw lang ang susuportahan ko!" sabi ni Carl. Grabe
talaga! Yung mga hot boys na 'to ay todo support sa bestfriend ko. "OMG! Ikaw na
ang supportivE Carl!" sabi ko.

"Whatever Carl" sabi ni Trish. Grabehan ang hardness level ng babae na 'to. "Hard
mo talaga bestfriend!" sita ko sa kanya. Tahimik ang buong byahe. Hanggang
nakarating kami sa company namin.

"Papaayusan ka namin." sabi ni Russ sa kanya. Bakit ganun pag si Russ ang
nagsasalita ay hindi nya binabara. Kapag kami ang hard nya. "Ahh so mukha bang
hindi ako maayos?" tanong nya habang gumagana na naman ang satellite ng
pagkamaldita nya.
"It's not the way you think Princess.. para mas lalo kang gumanda.." sabi ni
Russel! Jusko! Ako ata ang mas kinikilig sa mga banat na ganyan. "Inistorbo nyo ang
tulog ko para paayusan ako? Ang aga pa eh... mas excited pa kayo sa akin ehh.."
protesta nya.

"Alam mo Trishy ang arte mo..eh kung sumunod ka na lang? Ingay mo eh!" pagtataray
ko sa kanya. Naningkit naman ang mata nya sa mga sinabi ko, "Try ko lang gayahin
yung style mo. Hehe peace!" at ayun nga. Pumasok na kami sa isang salon dito sa
company.

Kami lang yung tao since private na 'to.

Ang saya saya sa feeling yung mga taong crush at hinahangaan mo ay nasa harap mo
lang at abot kamay mo lang.

Magpapadecure kami ngayon ni Trish. Ako ang may idea nito. Ipapakulot na din ng
konti yung buhok nyang mahaba. I'm so excited for the pageant later.

"Nako Master Trishy.. for sure ikaw ang mananalo dun!" pagchicheer sa kanya ni
Poging Carl. Oh em! Bakit ba gusto nila yung ugali ng babae na 'to? Try ko kayang
magpakasungit noh? Haha!

"Supportive mo naman Carl! Ahihihihi!" sabi ko. Since sa pagkakaalam ko walang


balak sumagot yung isang 'to.

"Trish! Susuport ka namin mamaya! Pati yung puso ko susuportahan ka.." omg! omg!
sabi ni Kurt. Makalaglag panty ang kindat nya kay Trish.
Eto namang magaling kong bestfriend ay walang pakundangan na sumungkit ang mata at
nagsalita ng,

"Kung puso mo lang ....wag na lang...ipakain mo na lang sa aso.. Mas gugustuhin ko


pa ang puso ng saging kesa sa puso mo. At least yung sa saging may sustansya.. di
kagaya ng puso mo!" sabay cross arms at ibinaling ang tingin sa mga kuko nya.

Napa-woah naman ang Elite5 kasama yung mga beauty experts dito. Hindi naman
nagpatinag si Amazing Kurt.

He smirked and even said, "Try mo din yung saging ko! Mas masarap! Mas mataba! Mas
mahab—"

BLAM!

Inabot sya ng mga batok ng kaibigan nya. Ahihi! Jusko, mas mataba at mas yummy daw!
Ano kayang lasa ng saging ni Kurt. Kakaintriga naman!

"Thank you boys! Patahimikin nyo yung balasubas na kaibigan nyo na yan. Baka samain
yan sa aken.." pagbabanta nya. Grabe naman, baka kung anong magawa ni Trishy kay
Kurt. Pero kung ako yun, kikiligin ako. Makalaglag panty eh.

Terrence's POV

Pupunta pa ba ako o hindi? Parang ayaw ko ng pumunta sa place na sinasabi sa akin


nila Carl.

First of all, laziness to drive. Let's also add the congested road.

Secondly, hindi ko pa atang kayang makipag-asaran sa freak na yun.

Oh I just remember how she moaned yesterday. Fvck.

Oo alam kong may boyfriend sya, pero what the hell. Did they....?

Nabibitin ako..

What the hell. Did they fucking do so miracles. For Pete's sake, hindi ako
nakatulog dahil sa tawag na yun.
I was blaming myself for calling her. Err, I was just curious. I can still recall
how she regained her breath. Holy mother of cows!

I was not prepared to hear that voice. Ughh, let me rephrase. I was not prepared
how she and her boyfriend do it. That "oh" and "ahhh". So gross!

Am I going to confront her? How about not attending that pageant? Uhh, no. That is
not a good idea. How about asking her what she and her boyfriend did yesterday
night? Uhh, am.I intruding the privacy? I think, yes? But no? What is happening to
me. This is so not me. Kailan pa ako naging matanong sa buhay ng iba, this is the
first time. 

Yeah right, I'll ask her. That's better. I'll ask her without becoming so obvious.
I started the engine and began to drive. 

Trish's Lua POV

Nakatayo ako at tinatanaw ko ang mga naglalakihang building mula dito sa 47th
floor. OO nandito yung private na salon nila Steph. Alam nyo naman yung baliw na
kaibigan ko na yun. Kung ano ang gustong gawin ay ipipilit nya. Natapos na din
kaming magpa-pedicure at manicure and I like it. 

Nagulat na lang ako ng nandito na si Liam sa tabi ko. Alam nyo yun nakakagulat?
Bigla bigla na lang sumusulpot. "Problema?" tanong ko kaagad sa kanya. As usual,
hindi sya natinag sa sinabi ko. Ngumiti pa nga sya eh. "Ang labo mo." sabi ko sa
kanya. Hindi man lang kasi sinagot ang tanong ko sa kanya. For my sake, hindi ko
pinangarap na yung ngiti nya ang matatanggap kong sagot. 
"Gutom ka na? Let's eat downstair?" he offered. Tatanggi pa ba ako jan? Blessings
yan! "Sige" sabi ko. Inakbayan nya pa ako. -__- Hindi na ako umangal kasi baka
hindi pa ako ilibre ni Liam. 

Hanggang makarating kami ng elevator  na kaming dalawa lang. Sila Carl kasi naiwan
dun, may pinag-uusapan. Ewan ko ba dun. Hindi ko din nakita si monster kanina,
hindi ako curious. Nagtataka lang ako kung bakit wala sya. Ano kayang mangyayari
mamaya sa pageant? Anong mangyayari sa performance naming dalawa? Sana maging
maganda.. sana..

Napakatahimik at napakabait ng kasama ko ngayon, si Liam. Sa sobrang tahimik, hindi


ko na napigilan yung dila ko at nagsalita na din ako. I mean nagtanong ako sa
kanya, "Bakit ang bait mo? Hindi ka ba nagsasawa sa pagiging mabait?" tanong ko sa
kanya. Ngumiti na naman sya. Sinasadya nya ba talaga na ipakita sa akin ang set ng
perfect teeth nya?

"Kindness doesn't cost anything. Wala namang nakakasawa kung magiging mabait ka."
he said. Napapalakpak ang brain cells ko. Sa sobrang tahimik ulit ng atmosphere, I
asked him again, "Try mo din maging badboy paminsan minsan." suggestion ko sa
kanya. 

Nilagay nya naman yung kamay nya sa ulo ko at ginulo ang buhok ko, "Sige try ko
minsan. Pero turuan mo ko.." he said. Kung hindi lang medyo totoo yung sinabi nya
nasikmuraan ko na siguro 'to. "Medyo badgirl lang naman ako." depensa ko sa sarili
ko. Bakit? Mabait naman ako. Hehehe! 

"Edi magpapakamedyo badboy din ako." sabi nya. 

"Alam mo we are really opposite noh? Medyo badgirl ako ikaw naman good boy
talaga.." I said. Ngumiti naman sya at nagsalita ng mahina pero nadinig ko pa din.
"Opposite do really attracts" 

Nag-iwas tingin tuloy ako. Parang ang awkward talaga ng atmosphere. Pinili ko na
lang tumahimik at hintayin ang pagbukas ng elevator. Baka kasi pag nagtanong pa ako
baka kung saan pa mapunta ang usapan. Mahirap na. Di pa ready ang kagandahan ko.

Nu'ng bumukas na yung door ng elevator. Naghanap na kami ng pwedeng kainan.


Nakakita naman kaagad si Liam. Kaya hinawakan nya yung kamay ko at hinila papunta
dun. 

"Oh pre.." sabi ni Liam. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Monster na masama
talaga ang aura na pumapalibot sa kanya. Ano pa bang bago? Ganyan naman talaga lagi
yan. Laging pinagsakluban ng langit at lupa. Salubong ang mga kilay nya at
nakatingin sya mga kamay. Agad ko namang binitawan ang kamay ni Liam kaso kinuha
nya ulit 'to. Hala!

"Kakain kami. Sama ka?" tanong ni Liam sa kanya. Tumango naman si halimaw. Alam mo
yun, hindi man lang sya tumanggi. Anyare?

Mukang mababadtrip na naman ako. Nevertheless, kailangan kumalma at kakain lang


naman. Gutom ako, yun ang nasa isip ko ngayon. At dahil sa gutom na 'to,
magpapakabusog lang ako ng bongga. 

Nakaorder na si Liam ng pagkain at nakaserve na 'to sa lamesa namin. Katabi ko si


Liam habang si Terrence ay nasa harap namin. Nakapangalumbaba pa 'to at bored na
tinitingnan ang mga pagkain. 

"Nakapagprepare na ba kayo para mamaya?" tanong ni Liam. Ako na ang sumagot, "O-oo
naman." sabay subo ko ng carbonara. "Edi maganda. Wag kayong mag-aaway mamaya.
Please lang." sabi ni Liam.
Nakita kong hindi ginagalaw ni monster yung pagkain nya. Nakatingin lang sya sa
akin habang sumusubo ako. "Hoy ikaw! Dudukutin ko yang mata mo. Why staring?" I
asked. Hindi naman ako nagtaas ng boses. Yung sakto lang para marinig nya. 

"Nawalan ako ng gana dahil sa mukha mo." sabi nya. At dahil dun, nag-init ang mukha
ko sa galit. Ang kapal kapal nya talaga. Ang sarap biktihin ng noodles. 

"Eh ano ka pa? Mas nakakasuka yung mukha mo." protesta ko. Tinaasan nya lang ako ng
kilay sabay ginalaw yung pagkain nya. 

"Sabi ko.. wag kayong mag-aaway. At eto na nga.. nagsimula na naman kayo..balita ko
nagpractice kayo kahapon. Tama ba?" sabi ni Liam.

Tumango naman ako kaagad. Nakakawalang gana talaga kapag kaharap mo yung mayabang
na nilalang na 'to. Puno ng kayabangan sa katawan. 

"Uhmm nga pala.. tinatawagan kita kagabi Princess. Kaso busy yung phone mo, sino
kausap mo kagabi?" pagtatanong nya. 

T-teka.. Sino nga ba ang kausap ko? Wait..

Yun si Terrence ang kausap ko. Binabaan nya pa nga ako ng phone eh. Ay wait there's
more! Dapat pala magalit ako sa tukmol na 'to, wala pang taong nangbababa ng phone
call sa akin. Sya pa lang. Badtrip talaga sya. 
"Him.." sabay turo ko kay Monster na nakatingin lang sa akin. At naghihintay ng
pwede ko pang sabihin. "Badtrip nga yan eh..Tumawag para sa wala. Binabaan nya pa
ako. Bastos kausap yan Liam.." pagsusumbong ko. 

Para naman syang nagalit sa sinabi ko. Ano naman yung nasabi kong mali? Tama naman
diba? Bastos naman talaga yung tawag dun. 

"Me? Ako pa ang rude ngayon? Sino ba yung hingal na hingal jan kagabi habang kausap
ko. You know what, ikaw yung bastos eh." paliwanag nya. Alam nyo yung feeling na
gusto mong manapak sa mukha ngayon kasi naman ako pa ang dinidiin nya.

"Hindi ako ang nagbaba ng phone call. Ikaw! Kaya ikaw ang bastos! Ikaw pa ang may
ganang sabihan ako ng ganyan. Wow lang!" sarkastiko kong sabi. 

"Kalma lang Princess.. T-teka.. Bakit ba usapang bastos yung usapan nyo? Ano bang
nangyari kagabi.. Out of place naman ako.." sabi ni Liam. 

"Kasi yan! Tumawag..tapos ayun binabaan ako. Bwisit! Natalo tuloy ako sa wrestling
namin ng kapatid ko..nakakaasar!" 

Bigla namang umaliwalas yung mukha ni Monster. "Bro, alis na ko. Nakakawalang gana
eh." sabi nya sabay tumayo sa kinauupuan nya at iniwanan kami. Bastos talaga..

"Oy Princess..basta kapag kinakabahan ka.. andun lang ako.." sabi ni Liam.
Nakatingin sya ng seryoso sa akin. Anong meron sa mga tao ngayon at hilig titigan
ako? Nakapaganda ko ba? 
"I'm always here for you no matter what happen."

=================

Chapter 26 - Big Day

Dedicated sa matalik kong kaibigan: mspuchoopuchoo

Pasensya, natagalan. Wala akong idea sa contest na 'to, buti pa quiz bee. :) 

Chapter 26 - Big Day

Halu halong kaba ang naramdaman ko. Sabayan mo pa ng napakaraming tao na nanonood
sa labas. Nasa backstage kami ngayon. Kasama ko yung make-up artist ko. Hay grabe,
nararamdaman ko na ngayon kung ano ang nararamdaman ng isang beauty pageant
contestant. Nakakakaba na nakakaihi na nakakalambot ng tuhod. Nakahiwalay ang
dressing room ng babae sa lalake. Kaya hindi ko din alam kung ano ang sasapitin
namin ni Monster. Speaking of him, kanina ko lang sya nakita nung nagkasama sama
kami ng Elite 5. Tapos ayun, nagbago ang mood nung sinabi ko na nag-wrestling lang
kami. Anyare sa kanya? 

Naka-bihis kami ngayon para sa casual wear. Unang part kasi yung ng pageant.
Nakakakaba naman. Kakatapos lang din ng Production number. Natatandaan nyo ba yung
pinractice namin? Yun yung ginawa namin. Ganito lang naman ang nangyari. 
Written in Third Person

Nanunuot ang kaba sa mga tuhod ni Trish nung nakaline up na yung mga babaeng
contestant. Nasa harap nya si Kiti. Natodo postura. Si Jaz ang unang rarampa.
Bagamat nasa backstage pa sila at lahat sila ay nakapila na suot suot ang casual
wear nila. 

Unang nagpasiklab si Jaz na sinalubong na palakpakan at hiyawan. Suot suot nito ang
isang Wardobe Debate Dress na binagayan ng isang red wedge shoes. Nagpose sya sa
gitna ang nagsimula ng magpakilala ng sarili. 

"Jaz Min Trias, 18 years old. Representing Bachelor of Science in Electronics and
Communication Engineering...." nagsigawan at mga estudyanteng sumosoporta sa kanya.
Tumingin sya at nilibot ang tingin sa buong Auditorium "at naniniwala sa
kasabihang...

'Hindi lahat ng kabayo ay nasa kwadro, ang iba ay nandyan lang sa likod ng
entablado, kasunod ko! Thank you!" at nag-iwan sya ng masigabong palakpakan at
hiyawan. 

Hindi naman napigilan ni Trish na tumaas ang kanyang kilay. Duh! Is she reffering
to herself? sa isip isip nya. Panget ng kasabihan. Buwahaha!  Natapos na si Trish
sa panglalait sa kasabihan at introduction ni Jaz. Sumunod naman dito si Helo na
suot suot ang isang Kitty Crew Dress. Gawa sya sa black fabric at expose ang kanya
likod. 

"Like hello. Ew! Backless pa.. ew... lamigin ka sana! Hahaha!" sabi ni Trish sa
sarili. Para syang timang nanlalait. Hindi sya hard, nagsasabi lang sya ng totoo. 
Lumakad si Helo ng abot hanggang noo ang ngiti. 

"Yuck!!" sigaw ng mga manonood nung ngumiti ito. May naiwan pa kasing dahon ng
lettuce sa ngipin nya at hindi nya yun napansin.  Si Helo naman ay nagpanic at
tumalikod muna at tinanggal ang lettuce na nakaipit sa gitna ng ngipin nya.

"Ay kakaloka! Buti hindi yung brocolli ang naipit..gosh.. like o m g talaga"  sabi
nya matapos tanggalin ang tinga nya. 

Hindi naman napigilan ng mga nanoood na tumawa ng tumawa sa tinga ni Helo. Si Steph
any mangiyak ngiyak kakatawa. "Hahahahaha! Shet buti nga sayo hahaha!". Ganun din
ang reaction ni Liam, Kurt, Dominique at ni Carl. 

Biglang nag super sayan si Helo. Hindi sya nagpadig sa kahihiyang natamo. Lumakad
ito sa harap ng Microphone, huminga ng malalim at sinabing...

"Ako po si Helo Moshi Moshi... naniniwala sa kasabihang...Kung maghihintay ka nang


lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo. Dapat lumandi ka din. Thank you!
Candidate number two..representing BS Industrial Engineering!!" 

At nabalot na naman ng hiyawan at sigawan ang buong Auditorium. Nagsimula ng


rumampa si Kiti suot suot ang isang Highlight it Up dress. Expose ang kanyang mga
braso. 

*BLAM!* *TUGSHSSS*

"Ohhhhhh...." nagulat ang mga tao nung sumalpok ang nguso ni Kiti sa sahig dahilan
upang. Dumugo ang nguso nito. Natapilok kasi ito dahil sa napakataas na heels na
suot nito na out of balance sya at sumalpok ang nguso nito sa matigas na semento. 

Nagdatingan naman ang mga medic upang itayo at gamutin si Kiti na naputukan ng
nguso. 

"Oh my God! Gosh si Kiti.. nakakaloka..." sambit ni Jaz at Helo. Mas malala pa ang
nangyari sa kaibigan nila. "Gosh! Her lips and nose...That is so....gosh! Agaw
eksena si Kiti" sabi ni Iana Sharm. 

Si Trish naman ay medyo natawa na medo naaawa sa sinapit ni Kiti. Nakakatawa in  a


way na todo sway pa ng balakang si Kiti habang rumarampa. Yan tuloy, sa semento ang
inabot nya. 

Dahil sa pagkadapa. I mean pagkasubsob ni Kiti sa sahig. Naging lima na lang ang
contestant na babae. Hindi na sya makakasali dahil sa aksidenteng nangyari sa
kanya.

Bigla namang kumabog ang puso ni Trish. Nung tawagin na ang number nya.

"Let's welcome contestant #4!" malakas na sabi ng emcee sa microphone. Nag-umpisa


ng maghiyawan ang mga tao sa loob ng auditorium.

"Go Master Trishy!" sigaw ni Carl. Halos lahat ata ng nakapalibot sa kanya at
tiningnan sya. Kaya naman siniko sya ni Dominique. Masyado kasing nadala ng bugso
ng damdamin si Carl.

"Omz! Bestfriend Trishy! Go lang!!! Ikaw ang pinakamaganda!" sigaw ni Steph na ubod
ng lakas. Dumagundong ang boses nya sa buong Auditorium. Todo tili sya.

Napangiti naman si Terrence sa suportang tinatanggap ng kapartner. He must admit,


na ang ganda nito ngayon.

Humingang malalim si Trish bago lumabas sa kurtinang nakatabing. Si Terrence naman


ay tinapik ang balikat nito at sinabing, "Wag mo ko ipahiya freak."

Inirapan lang sya ni Trish. Pero sa loob loob ni Trish ay natutuwa sya dito dahil
nakuha pa syang asarin nito. Dahilan upang mawala gaano ang kaba nya. Nakakawala
pala ang pang-iinis ni Terrence sabi nya sa sarili nya.

Sa kabilang banda, yung nasa likod ni Trish na si Iana Sharm ay nakapako lang ang
tingin sa dalaga. At palihim na iniirapan at sinasaksak sya nito sa utak. "Humanda
ka Btch" bulong nya sa sarili nya.

Nagsimula ng lumakad ang paa ni Trish. Suot suot nito ang eleganteng purple dress.
Nahapit na hapit. Above the knee ito. At nakastraight pa ang buhok nya dito na
nagpalutang ng kagandahan nya. Nakaexpose sa kaya ang mga balikat na ubod ng kinis.
Ang legs nya na sobrang puti. Flawless sabi nga nila.

(See her outfit. The purple one —> )

Halos napanganga anang kalalakihan sa kagandahan ni Trish. Si Trish naman ay hindi


nagpadaig sa kaba nya. Isinaisip nya yung mga inituro sa kanya ni Terrence.

"Waahh! Ang ganda mo girl!" sigaw ni Letlet. Isa sya sa mga nasa kaunaunahan ng row
ng upuan. Tiningnan naman sya ni Trish sabay ngiti. Halos lahat ng nakakita kay
Trish ay napahanga sa ganda nito.

Si Tristan naman ay kasalukuyang nasa gitna ng first row ng upuan. Nakita sya ni
Trish and he mouthed, "Panget mo talaga!" sabi ni Tristan dito.

Sa loob loob ni Trish gusto nyang sabunutan yung kapatid. Ang daming nagsasabing
maganda sya pero nuknukan ng laitero yung kapatid nya na 'to. Imbis na irapan,
nginitian nya lang 'to.

Ang Elite5 naman ay hindi magkamayaw ang hiyawan. Lalong lalo na si Carl.na
napakahyper.

Si Kurt naman ay halos maglaway sa kagandahan ng dalaga. Mas lalo itong gumanda.
"Go Trish!" isang malakas na sigaw nya. Dahilan upang marinig ito ng dalaga.
Sinuklian lang sya nito ng ngiti.

Si Liam naman ay nag-thumbs up lang sa dalaga. Kagaya ng iba, nginitian lang sya
nito. Naglakad ang dalaga papunta sa microphone upang magpakilala.

Buong confidence nyang sinabi ang kanyang introduction.

"Hello everyone! From the Deparment of Civil Engineering.." tumingin sya sa kabuuan
ng auditorium. Halos makabasag ng salamin ang sigaw ng mga estudyanteng belong sa
course nya. "I'm Princess Trish Lua.. seventeen years old.. Naniniwala po ako sa
kasabihang..
"Sila na ang maganda. Sila na talaga!" sabi ni Trish. Kaya naman tumahimik yung
crowd.

*kroo kroo*

"Ako naman ang nag-iisang dyosa. Thank you!" 

"Woooooohhhhh!" sigawan ng mga tao. Hindi rin alam ni Trish ang sasabihin, inutusan
kasi sila ng organizer na mag-iwan ng isang nakakatawang kasabihan. Si Terrence
naman ang susunod.

Ang angas nitong maglakad. Kung anong lakas ng sigawan kay Trish. Mas malakas at
malabagyo ang sigawan kay Terrence.

"Oh My God! Super Hot!" sigaw ng isang babae. Halos lahat ng babae ay nagtitilian.
Isang artista lang naman ang kasalikuyang rumarampa sa stage. Si Trish naman ay
hindi na nagulat, may kapartner syang famous.

Pumunta na sya sa dressing room upang magpalit na ng damit. Susunod na kaagad dito
ang Question and Answer Portion. Ganun talaga ang contest nila. Pagkatapos ng iba't
ibang production number ay Q&A kaagad. Pagkatapos ng tanong ay yung Talent Portion
na. Parang naging added points lang yung Talent.

Si Terrence ay naglakad na papuntang gitna na stage. Halos magputukan ang mga


obaryo ng kababaihan. Napakagwapo kasi nito sa suot na faded white pants, polo
shirt na ang upper part ay kulay tangerine at sa lower part nito ay kulay puti na
pinagitnaan ng isang horizantal aztec design. Binagayan pa ito ng relo at belt na
black and white ang kulay. Isang casual wear na simple pero kapag suot ng isang
Terrence Andrew Sy ay makalaglag hininga ito. Breathtaking scene ika nga.

I LOVE YOU TERRENCE!

TERRENCE FOR THE WIN!

KYAAA NALAGLAG NA ATA ANG PANTY KO!

PULUTIN MO! HART HART TERRENCE!

Sigawan ng mga fangirls ni Terrence. Nakasuporta din dito ang buong fansclub ni
Terrence sa pangunguna ni Ultimate Fangirl na si Sofhia Jen at ni Ryla Rafael.

"Go Idol!" sigaw nilang dalawa. Nakataas din ang mga naglalakihang banner nito.
Halos mapuno ng sigawan yung buong auditorium nung nakalapit na si Terrence sa
mike. Lahat ata ay nag-aabang sa sasabihan nya. Puro "Go Terrence" at "We love you
Terrence" ang naririnig sa buong Auditorium. Kahit na malaki yung Auditorium na 'to
ay nasasakop ng nga sigaw at hiyaw ang kabuuan nito.

Si Terrence naman ay hindi sineryoso ang contest na 'to. Confident naman sya. Sa
dami ba namang nasalihan nya at bihasa na sya. Sanay din syang makihalubilo sa mga
tao. Kaya hindi na nabago yung mga maiinit na pagtanggap na nakukuha nya ngayon.

He stepped forward. Para makapagsalita na sya.


"Hi.." panimula ni Terrence. Sa sobrang wild ng crowd nagkaingayan na naman. Hi pa
lang ang sinasabi nito pero ang lakas ng dating.

"Edi ako na pogi.." dugtong nito. Mas lalong lumakas ang sigawan. Lahat ay
kinikilig sa mga pamatay na banat ng nag-iisang Terrence Sy. 

"I LOVE YOU TERRENCE!!!" sigaw ng isang fans.

"SAME TO YOU!" sabi naman ni Terrence. Kaya naman todo kilig yung sinabihan ni
Terrence.

"I'm Terrence Andrew Sy, ang lalaking nagpapalaglag sa mga panty, lalamunan, ngala-
ngala at bagang ng kababaihan..at naniniwala sa kasabihang.." at nag pose sya ng
makalaglag panga. "Roses are red, Violets are blue God made me handsome sorry na
lang you... thank you" 

Naging wild talaga yung crowd as in. May mga hinihimatay pa nga sa kindat ni
Terrence. May malaking screen din kasi kung saan nakafocus yung mukha ng mga
contestant.

"Heh yabang.." sa isip isip ni Trish. Kasalukuyan kasing kinukulot ang laylayan ng
mga buhok nitong mahahaba at maitim. Dinig hanggang backstage yung sigawan.

Si Terrence naman ay pumunta na din sa backstage upang magpalit at mag-ayos para sa


talent nila ni Trish. Kasama nito si Rome sa backstage na naka-alalay lang dito.
"Ayos ba?" tanong nito kay Rome na busy sa pakikipag-usap sa phone. May kausap kasi
'to at parang hindi sya naririnig nito.

"Hoy! Dudurugin ko yung telepono mo!" sigaw ni Terrence dito. Para namang nagulat
si Rome sa sigaw nito, "Ah ehh.. Nanjan ka na pala.." sagot naman nito. Halos
taasan sya ng kilay ni Terrence.

"For your opinion. Bilisan mo and where did you put my next outfit?" tanong nya
dito. "Sino ba yang kausap mo?" tanong nya pa dito.

Napakamot naman si Rome sa mga batok nito at parang ayaw sabihin kung sino yung
kausap nya. "Sino na? Tell me!" sinigawan na naman sya ni Terrence kaya sa sobrang
gulat nito ay lumabas sa bibig nito ang pangalan na nakadagdag inis sa binata.

"Si Stefan." banggit nya. Napasuklay naman sa buhok si Terrence.

'Tinotoo nya nga ang sinabi nya. Patay kang unano ka pagkatapos nito' sabi nya sa
sarili nya.

"Find him! Ano na naman bang trip ng batang yun?" tanong nya kay Rome. Nag-shrug
lang 'to.

"Papanoodin ka nya daw eh. Nasa front row sya at the middle. At pinapasabi nya
na..." tumingin si Rome kay Terrence. Si Terrence naman ay nagbigay ng what-look
"Pinapasabi nya na.. ang lame ng intro mo..Disappointed daw sya.."

Tila gumuhit sa mukha ni Terrence ang pagkairita. Ano na naman bang balak ng
kapatid nya na 'to. Nag-ayos na si Terrence para sa next part ng contest.

Ang Q&A!

Sa kabilang banda, habang busy ang mga natapos ng contestant sa kanilang mga intro.
Kasalukuyan namang nagpasiklab ng karisma si Iana Sharm na suot suot ang hapit na
dress. Na nagpalitaw ng kanyang hubog. Ang fansclub nito ay nakasuporta din. Sya
lang naman kasi ay nanalo sa isang prestigious program sa TV, ang  Top Model
Philippines v2.0.

Confident syang naglakad. Halos humahagod ang mga bewang nito. Talaga namang sanay
na sanay ito. Ako ang mananalo. Sabi nya sa sarili nya. Hindi sya magpapatalo
kanino man. Kahit na sa mga kaibigan nya at pati kay Trish.

GO IANA! WE HEART YOU!

sigaw ng isang avid fan ni Iana. Hawak hawak pa nito ang isang malaking tarpaulin
na nakaimprenta ang mukha nya doon. Kumindat lan sya dito.

Ang mga kalalakihan naman ay nakatulala lang at sinusundan ng tingin ang dalaga.
Expose na expose kasi ang mga makikinis nitong legs na alaga ng isang dermatologist
na nagngangalang. Doctora Victorina Below.
Pumunta sya sa harapan upang magpakilala, "I'm Iana Sharm Dizon.." at nagsigawan at
nagpalakpakan ang mga audience.

"Noong nagpaulan si Lord ng kagandahan...nasalo ko lahat! Thank you!" at nagflying


kiss pa ito sabay pose. Nag-hiyawan naman ang mga manonood.

------

Si Steph naman ay napairap na lang kay Iana. Naiinis sya dito. At talaga namang
nakakainis 'to. Gusto nya sanang batuhin ng mineral water kaso pinigilan sya ng
batang lalaki na nasa tabi nya.

"Don't do that. I know she's ugly but don't do that. Tsk!" asik nito. Nagcross arm
yung batang lalaki at sumandal sa upuan nito. May katabi ito at kung hindi sya
nagkakamali si Rome ito.

"I wan't more." sabi nito. Sinubuan naman sya ni Rome ng french fries na hawak
nito. "Kuya Rome.. pineapple juice.." utos na naman nito. Kinuha naman ni Rome yung
lata ng pineapple juice. Nilagyan nya ito ng straw at pinainom si Stefan/Teptep.

Halos hindi makapaniwala si Steph sa nakikita nya. Isang batang lalaki na like a
boss kung kumilos. Ang astig din nitong pomorma, nakablue-gray itong pants. Suot
nito ang isang blue polo at pinatungan ng isang sweater na gray. Nakaputi itong
high-cut na sapatos. Talaga namang umaangat ang kapogian ng bata na 'to.

Napalingon si Carl na katabi ni Steph. Napalingon 'to sa dalaga na nakapako ang


tingin sa katabi nitong bata. "Hoy sino yang tinitingnan mo?" tanong nya dito.
Tinuro naman ni Steoh yung batang bossy. Napatakip na lang si Steph ng tenga nung
sumigaw si Carl at tinawag ang bata, "Baby Stefaaaannnnn!!!!" sabi nya dito.

Nakuha nya naman ang atensyon nung bata. Sinamaan nya kang ito ng tingin, "Err ugly
duck! Don't call me like that. I'm not baby!" depensa ni Teptep sa kanya.

"Hindi ako duck at hindi ako ugly!" protesta naman ni Carl. Napatingin naman yung
Elite5 sa bata. Nagliwanag ang mga mata nila.

"But you look like duck! Kwak kwak!! Bleh!" pang-iinis ng bata dito.

"Stefaaaaannn! Ngayon lang tayo ulit nagkita baby!" sabi naman ni Kurt. Sinamaan
lang sya nito ng tingin, "Monkey! I missed your ugly face!" sabi naman nito. Halos
magsalubong ang kilaty nito sa sinabi ng bata.

"Dominik! Wasaaaappp..Ehh broken hearted as always?" tanong ng bata sa kanya.


Sinamaan nya lang ito ng tingin, "I'm just kidding Haha!" sabay tawa nito. Sinita
naman sya ni Rome, baliw kasi yung bata na 'to, mala-spy ito kumilos at nalaman nya
din ang buhay buhay ng mga kaibigan ng Kuya Andrew nya.

"Kuya Russeeeeeeeel!" bati ni Teptep dito. "What's up?" tanong nito.

"I'm good, what are you doing here?"

Si Steph naman ay kinukulit si Carl kung sino ba yung batang kausap nila. Kung
bakit parang close sila dito. Wala syag idea dito. Kaya naman napatingin sya nung
nag-uusap si Russel at yung bata na nagngangalang Stefan.

"Uhmmmm.." nilagay pa nito anghintuturo sa pisngi.. "I'm  watching Andwu.." sagor


nito.

"Silly! You should call him Kuya Terrence or Kuya Adrew. Don't be a douche like
him. Hahaha!" pabirong sabi ni Russel. Tila nalawinagan naman si Steph sa narinig.

"Huy Poging Carl! You mean.... sya yung nakakabatang kapatid ni Terrence?" tanong
nito. Tumango naman si Carl as an answer. "Kyaaaahhh~! Ang pogi shem shems!!!!"

"Ey miss! Don't be too noisy! You're annoying tsk tsk!"

"Let's welcome our candidates. Wearing their prestigious gowns and suit." sabi ng
emcee. Lumabas naman ang mga contestant. Hindi mapakali si Trish kasi yung heels
nya ngayon ay parang may Mali. Parang may something na hindi nya maipaliwanag. Ang
questiin and answer portion ay ginagawa sa pamamagitan ng pagsagot. Syempre naman.
This time, magkapartner ang lalapit sa emcee.

"Freak..kumapit ka nga!" bulong ni Terrence dito.

"Ayoko Monster!" sabi naman nito. Kumunot naman ang noo ng binata at kinuha nito
ang kamay ni Trish ay nilagay sa braso nito.
"Wag kang maarte. Anong akala mo gugustuhin kong nakapalupot ang madumi mong kamay
sa akin? Dream on frea— awts!" sabi naman ni Terrence kaso kinurot sya nito sa
tagiliran nya. "Di ka mabiro. Halatang tensyonado ka. Panget ka na nga. Papanget ka
pa lalo.."

Gusto lang ni Terrence na pagaanin ang loob ni Trish dahil halata namang
kinakabahan ito. Alam nya na kapag inasar nya 'to ay mapapagaan nito ang loob ng
dalaga. Hindi nga sya nagkamali, dahil parang naboost ang self confidence nito sa
pang-aasar ni Terrence.

"Watchout monster.." bulong nito.

Tinawag na nga si Jaz upang sumagot sa katanungan. Graceful itong naglakad papunta
sa center kung saan naghihintay ang isang emcee's. Isang lalaki at isang babae.
Nung nakarating na sya sa center ay tila kinabahan ito bigla.

"Good evening candidate number one!" bati sa kanya ng babaeng emcee. "Good
evening!" pagsagot nya dito. 

"So guys, the Q & A will goes like this. Our lovely candidates will pick their
corresponding number on the fish bowl. So kindly pick candidate #1.." sabi ng
lalaking emcee. Bumunot naman kaagad si Jaz ng number nya. "So thank you..you pick
Ms. Shampoo Sugpu.." 

Biglang tumapat ang spotlight kay Ms. Shampoo, ang title holder ng Ms.
Pangkalawakan. "Hi Candidate #1. Do you feel any pressire right now?" tanong nito.
Si Jaz naman ay parang umurong ang dila.. 
"I-im fine. And beautiful as always" sagot nya. "Okay..my question is.." 

Biglang tumahimik yung crowd at naghihintay sa question na ibibigay, "Do you


believe that man came from ape?" tanong nito. Isang kakaibang tanong na kailangan
ng isang matinding kasagutan. 

"Y-yes... I believe so.." sagot nya dito. Tila naghihintay yunga audience tsaka
yung mga judges, "Yes I believe so, Just take a look at candidate number two..
Thank you!" nag-wave pa ito ng kamay at nilisan ang stage. 

SHET! PANALO NA YAN! 

IKAW NA JAZ!! 

HAHAHAHA GRABENG SAGOT YAN! PANALO NA YAN! HAHAHA

Ang ugong ng mga sigawan, nabaliw na ata ang crowd dahil sa makahulugang sagot ni
Jaz. Tinawag naman ang kapartner nito. "Kindly pick a number.." bumunot naman ito
at inabot sa emcee. "You chose.. the lovely Ms Marian Rivermaya.."

"Hindi ko na papatagalin yung tanong ko. My question is, How can we uplift our
economy today even if we are facing economic crisis?" seryosong tanong ng magandang
dilag. Napakamot naman si kuyang sasagot.

"That's a very good question..." sabi nito. "Keep it up! Hindi ko po alam na
quizbee pala 'to. He-he!" sabay kamot sa ulo habang papuntang backstage. Halos
nangalaglag ang panga ng manonood pati na rin ang emcee at mga judge. 

Sumunod ng tinawag si Helo with her long gown syempre. Inagaw nya yung microphone
sa emcee at nag-uumpaw na confidence ang pinakawalan, "Thanks to my lovely fans out
there! Hihi! I'm so thankful hihi! Todo na 'to!" sabi nya. 

"Kindly pi--" hindi nya na pinatapos yung emcee. Bumunot kaagad sya. Hindi nya na
din inabot sa emcee yung nabunot nyang papel. Sya na din ang nagabasa dito, "I
picked Anne Kutis!!!" sigaw nya sa microphone.  

Tumapat yung spotlight kay Anne Kutis. "Before my main question, So you live not
far from here? Did you walk or did you ride?" tanong nya sa dalaga.

"Of course, did you ride!" sabi nya dito. 

HAHAHAHAHA PUTCHA! BOBO ALERT!

HAHAHAHAHAHA TANGA NAMAN! 

HAHAHAHAHAHAHAHAHA!

"Why are you laughing at me? Is there funny ba? Gosh! People why you criticism me?
Like Gah!" nag-flip pa sya ng hair. Hindi sya aware sa sinagot nya. Kaya mas
umugong ang tawanan. 
"Ok. You seem so tensed candidate number two, my question is.. What can you say
about the violence in our country?" tanong ni Ms Anne. 

Hindi naman tumagal ang pag-iisip ni Helo sa katanungan. "Naman.. Ate Anne! Gitara
nga di ako marunong.. violence pa kaya? Thank you!" 

HOOOO GRABE NA ITO! BAKIT GANYAN ANG MGA KASALI! HAHAHAHAHA

TARAY NI HELO! HELLO SA KATANGAHAN MO HAHAHA!!!

HAHAHAHAHAHAHAHA!! GO HELLO! NAKAKABOBO AMPUTS! 

Halos umugong ang tawanan, imbis na pageant ang nangyari. Naging comedy show ata
ang nangyari.  Si Trish at Terrence na ang susunod. "Monster.. there's something
wrong in my shoes.." sabi ni Trish. "Ano na namang kaartehan yan?" tanong ni
Terrence sa kanya. "W-wala!" sagot naman nito. 

Lumakad na yung dalawa kaso si Trish ay may nararamdaman na kakaiba sa heels na


suot nya. Parang may kakaiba. 

Iana Sharm's POV


Hindi ko alam kung matutuwa ako sa naririnig kong sagot ng mga gaga na 'to. Yung
mga kaibigan kong kaechosan ang kabobohan. Haha! Pumapabor talaga sa akin ang
contest na 'to. Ako ang mananalo dito. Itaga mo yan sa Statue of Liberty.  

Turn na ni Trish, ang prinsesang ubod ng landi. 

Anong akala mo? Mahahadlangan mo ako sa mga plano ko? Wala kang magagawa sa gagawin
ko sa'yo. Sisiguraduhin kong mapapahiya ka. Ayun lang naman ang rason ko kung
bakit, pinacustomize ko yung shoes na suot mo. Hindi mo maalis yan kahit anong
gawin mo..unless.. bumait ako at pindutin ang button dito sa remote na hawak ko.

Pero malabo atang mangyari yun...dahil hindi ako maaawa sa sasapitin mo. Ano ako
hindi brainy? For your informartion, kung matalino ka? Mas matalino ako sa'yo.
Pasalamat nga sya at medyo mabait pa ako sa plano ko, ang una ko ngang plano ay
ipa-rape sya before ng pageant. Kaso medyo nakonsensya namana ko, kaya yung ipahiya
na lang sa maraming tao ang gagawin ko sa kanya. 

Lahat na lang inagaw mo sa akin. Lahat lahat na lang. Pati si Terrence, kapartner
mo. Malandi ka talagang babae ka. Kaya ngayon magdusa ka. Pinindot ko na yung
remote control. As expected. Tumaas-baba yung takong nya. And ooops... She fell on
the floor.. 

Kawawa ni hindi man lang sya tinulungan ni Terrence. Puro tawanan ang naririnig ko.
Ganyan nga! Maldita ka pala ah.. Pwes! Mas maldita ako sa'yo. 

Trish's POV
"ANONG GIMIK NAMAN YAN CANDIDATE #4? HAHAHAHA! TARAY! MS CONGENIALITY AH?" sigaw ng
kababaihan sa crowd. Tumalikod ako para hubarin ang heels na suot ko, pero..

Ayaw..

AYAW nyang mahubad. Ano bang nangyayari ngayon? Parang may nag-sabotahe sa akin.
Napahiya na ko lahat. Nahulog na ako sahig. Pero yung kapartner ko na 'to ay
nakatingin lang sa akin. "Don't move. I'll carry you.." he said. Aangal sana ako
kaso naramdaman ko na lang na buhat buhat nya ko. 

"Monster.. ayaw mahubad ng sapatos ko. May nagsabotahe sa akin.." bulong ko sa


kanya. Umugong bigla yung ginawang pagbuhat sa akin ni monster. 

Ehh.."Uy! Ibaba mo na nga ako! Pusa naman oh! Nakakahiya!" sabi ko sa kanya.
Tinaasan nya lang ako ng kilay, "Don't move." he said. Wala nga palang
pinapakinggan yung lalaki na 'to. "Your my slave. So shut your mouth!" 

Fine, ayaw nya ako pakinggan. Ano pa ba ang magagawa ko. Sasagot ako ng Q&A habang
buhat buhat nya ako. Putspa naman! 

Third Person

Inis na inis si Iana Sharm. Palpak! 


Palpak ang plano nya. Namumula na sya sa galit dahil buhat buhat ni Terrence si
Trish. Halos mabingi sya sa sigawan ng audience. Ang iba ay kinikilig at ang iba
ang naiinis. Halo halong emosyon. 

Buhat ni Terrence si Trish. 

Unang tinanong si Terrence, "If you were given a special power. What would it be
and why?" agad na tanong dito. Tila gumuhit sa utak nya ang pangyayaring gusto
nyang kalimutan..

"Power that can allow yourself to go back in the past. Because, that's the only way
to correct all of your mistake." 

ANG GALING MO TERRENCE!!!

KYAAA~! TERRENCE IS LOVE!!

PANALO NA YAN!  HART HART <3 <3 

Matapos ang hiyawan at sigawan, nag-iba ang mood ni Terrence. May bumabagabag sa
isip nya ngayon.

"Good evening candidate #4. You look two good.." sabi ng emcee sa kanilang dalawa.
Ngumiti lang ng tipid yung dalawa. Si Terrence namana ng bumunot ng question para
kay Trish. 
"You picked Miss Quencess Aruta.." sabi ng emcee. Bigla namang tangis ang bagang ni
Terrence. Naikunot nya na sa kamao yung mga kamay nya. Yung pangalan na yun, yung
pangalang gusto nya ng kalimutan. "For you to know, Miss Quencess Aruta is one of
the best model in the world." sabi ng emcee. 

"Oy wag mo ko ihuhulog.." bulong ni Trish dito.  Tila, nabalik sa katinuan si


Terrence nung marinig nya ang tawag ni Trish. Hindi nya na lang pinansin yung
magtatanong dito. Naiinis sya. 

"Wow. Just wow! Candidate #4 your so lucky. Terrence is such a gentleman.." tila
nang-iinis na sabi nito. Si Trish naman ay yumuko. Feeling nya kasi ang awkward
talaga. Si Terrence naman ay tila sasabog na bulkan. Ang ex nya lang naman ang
magtatanong at naiinis sya sa tono nito ngayon. 

"Hmmm.. my question is.. Can you forgive someone who did bad to you or to your
family?" tanong nito. 

Trish's POV

"Hmmm.. my question is.. Can you forgive someone who did bad to you or to your
family?" she asked. Hindi ko alam kung para ba sa akin talaga yung tanong na 'to.
Talaga bang nagkataon lang yung tanong nya sa akin? 

Pinilit kong intindihin ang katanungan nya, maraming pumapasok na sagot sa isip ko.
Pero mas gusto kong sundin kung ano ang sinasabi ng puso ko. 
"Forgiveness is about setting yourself free and you can do that by releasing the
past so it no longer has control over your thoughts or the way you feel. Pero hindi
eh, kahit anong gawin kong paglimot sa nakaraan. It h-haunts me..." hindi ko
namalayan na umiiyak na pala ako. I'd remember something..

"Laging bumabalik sa alaala. J-just like when my mother died, hindi ko alam kung
mapapatawad ko yung taong may kagagawan nun. Forgiveness may not be easy all the
time, forgiveness is for people who deserved it..." 

=================

Chapter 27 - Duet

Chapter 27 - Duet

Napatingin sa dalaga si Terrence. Bakas sa mukha nito ang pagtataka. Paano nga
naman nagkakilala ang dalawa na 'to. Hindi naman palalabas ang kapatid nya kapag
nasa mansion. Kahit may hinala na s'ya na si Trish at si Tristan ang nakakuha kay
Stefan nung mga panahong nawala ito sa mall ay hindi pa rin s'ya makagawa ng
kongklusyon.

Hindi na ulit sya binagabag ng mga nasa isip nya kanina. Pinilit nyang kalimutan
ang mga salita na pilit na bumabaon sa isip at puso nya. Pinilit nyang naging
masaya.
Babawi s'ya sa dalaga.

Hindi sya aalis ngayon. Kanina kasi noong nakita nya si Quencess ay gusto nya itong
komprontahin at lisanin ang lugar na 'Yon. Pero naisip nya na kapag ginawa nya yun
ay pwedeng mapahiya si Trish. Kaya pinili nyang mag-stay at ipagpatuloy ang takbo
ng contest.

"Andwu.. I'm gonna watch you. Errr.. so this is my future girlfriend..Be nice to
her!" tuloy tuloy na sabi nito.

Awtomatikong napa-drop-jaw na lang s'ya. Ibig sabihin? S'ya din ang binibidang
babae nito na nakapulot sa kanya sa mall.

Hindi maka-imik si Trish. Hindi nya din kasi alam ang sasabihin. Alam nya na
kapatid ni Stefan si Terrece. Pero si Terrence ay walang kaalam-alam. Ang alam lang
ni Terrence ay boyfriend ni Trish si Tristan, na imposible namang mangyari.

"Why did you know them?" he asked his younger brother. Trish got stiffened on his
question, she don't know what to do and what to answer. Beside her is Tristan, who
is staring blankly on Stefan and Terrence.
"I told you Andwu.. when we crossed our paths. I'm going to introduce her to you.."
he cooly said.

"Munchkin.. later.. galingan mo!" paalam ni Tristan dito at marahan pang tinanguan
at kumindat 'to sa dalaga.

Gulong gulo ang isip ni Terrence. Masyadong naguguluhan sya sa pangyayari. Ngayon
pa na may dumagdag pa sa isip nya na mas nakakagulo.

"Teptep!" tawag ni Trish dito. Lumingon naman yung bata at tumingin kay Trish sabay
ngumiti, "Why babe?" he asked. Hindi alam ni Terrence ang gagawin sa kapatid gusto
nitong pingutin uto sa tenga.

"I missed you! How are you na ba?" she asked. Namiss lang talaga ni Trish ang
kapilyuhan at kaastigan ng bata na 'to. "I'm fine..by the way babe, I don't know
that you and Andwu knows each other.. What a small world.."

"So totoo nga? Kapatid mo nga si monster? Di halata! Mas cute ka eh!" sabi naman ni
Trish sabay tingin kay Terrence.
"I told you..I'm handsome than hi—"

"Tanga tangahan freak? Oo kapatid nya ko! Anong problema mo? Tsaka ano bang
sinasabi mo jan na mas gwapo sa akin yung kutong lupa na yan. Sus! WALA. KANG.
TASTE!" sabi nito sa dalaga.

"At ikaw namang bata ka! Umuwi ka na sa bahay at matulog ka ng lumaki ka naman! Wag
kang nanggugulo dito! Shoo!" pagtataboy nya sa kapatid nito.

"I don't want Andwu. Get a life. It's my life..Uhmm babe..Andwu is getting mad at
me already so.." he said. "Laters babe.." sabi nya dito.

BABE? Gusto nyang itapon papuntang Jupiter yung bata na 'to. Ang bata bata pa kung
ano ano ng nalalaman. Sarap ipakain sa Pterodactyl.

"Psh.. Bakit mo pinaalis?" tanong ni Trish sa kanya.

"Pake mo?" bored na tanong nya.

"Yung future boyfriend ko pinaalis mo..Psh!" sabi ni Trish. Tetestingin nya lang
kung anong magiging reaksyon ni Terrence. Tinaasan lang sya ng kilay nito,
"Two timer ka na nga. Pedophile ka pa." he stormed out at pumunta ng kabilang
dressing room. Naiwang nakatayo si Trish, inis nyang sinuklay ang buhok nya.

Princess Trish Lua's Point of View

"Two timer ka na nga. Pedophile ka pa."  spell jaw-drop? Aba ang hudas barabas
hestas na yun ay nakuha pang sabihan na two-timer daw ako. Grabe, daig nya pa ang
menopause na babae. Babae kaya sya? Char!

Two-timer? Duh! Ano tingin nya sa akin ganun. Hindi nga ako makapagboyfriend eh.
Hindi kasi ako makapamili sa libo-libong kong suitors. Spell, maganda? Trish!

Pedophile? Let me define what is pedhophile/pedohilia. Para sa mga shunga shunga


jan na hindi alam ang meaning. Naawa ako sa inyo kaya ibibigay ko yung meaning. 

"Pedophilia or paedophilia is a psychiatric disorder in which an adult or older


adolescent experiences a primary or exclusive sexual attraction to prepubescent
children, generally age 11 years or younger, though specific diagnostic criteria
for the disorder extends the cut-off point for prepubescence to age 13"

Hindi pa sira ang maganda kong utak para pumatol sa bata. Child Abuse lang ang peg?
Ilang taon na si Teptep, five years old? Sa tingin nyo, ganon ako? No way! Ang
ganda ko namang abuser! 

Oo, napakagwapong bata si Teptep. I admit that. Kasi ang mga high class/first class
ay hindi takot mag compliment. Hindi insecure. Ano na naman bang nakain ng
balasubas na halimaw na yun. 

Pedophile kaagad? Hindi pa pwedeng trip lang? Whatever. *rolls eye*

Nag-ayos na ako, nakapagpalit na ako ng damit. Tiningnan ko ang sarili ko sa isang


full length mirror. Viola! Isang dyosa ang nakita ko. Hindi ako mayabang, wag kang
insecure! Maganda talaga ako. Mabait pa. Hakhak!

Anyway, nag-text yung aroganteng antipatikong mayabang na halimaw na 'to. 

"Go to my place, NOW!" he texted. Taray diba? Lakas ng sapak sa utak. Makapag-utos
wagas! Nakuu.. Kung wala lang talagang kontrata na yun. Bakit ko kasi pinirmahan pa
yun eh. Tange tange kasi minsan. Hindi man lang binasa yung kontrata. Pinairal na
naman ang katangahan. At least, once lang.  Okay, sundin ang kamahalan!

Tumingin ako ulit sa reflection ko sa salamin, "Ganda ko talaga!". Wala talagang


magbabago. Mas gumanda talaga ako. Hakhak!

Sa aking paglalakad ako ay agad na napahinto. Paano ba naman kasi, may isang
malaking higad ang nakakakalat sa hallway. Sino pa ba? Yung mahaderang si Iana
Sharm. (Aya-na Sharm ganyan ang bigkas jan! Hindi Lana! )
Hindi ako nag-baba ng tingin. Bagkus, nakipagtitigan ako sa kanya. Anong akala nya
madadaan nya ako sa pacross-arms at pagtaas ng kilay nya. With matching death
glare. 

"So teh? Ano tatayo ka na lang forever? Ayaw magparaan?!" tanong ko sa kanya. At
ayun ang hudyat upang mapataas ang kilay ng todo. 

"So, the btch is here. Anyway, kamusta ang kalandian?!" protesta nya. Automatic na
napataas ang kilay ko sa sinabi nya. Ako, malandi? Wow naman. Hiyang hiya naman ako
sa kanya!

"Wow teh! Mas nababagay at mas maganda ata kung ako ang magtatanong sa'yo nyan?
Kamusta ang kalandian?!" pagbabalik ko sa kanya ng tanong. Inis na tinikom nya ang
mga palad nya. 

"Nahiya naman ako sa'yo! Kamusta ang makating contestant?!" sabi nya. Ano pang
problema nito at nagsisimula na naman. Ako pa ang pinagtripan nya, anong akala nya.
Magpapaapi ako sa kanya? K. S'ya na ang queen bee daw sa school. 

"Wag mo ko tanungin! Itanong mo yan sa sarili mo. Kamusta ang makating contestant
na si Dizon?" sabi ko sa kanya. This is so great. Napipikon na s'ya. "Wow naman! At
ikaw pa ang unang nainis. Next time kasi humanap ka ng kamatch mo. Hindi tayo
match...maganda ako...at ikaw...malay ko.." 

"How dare you!!" sigaw nya sa akin. Oops! Galit yung mahaderang insecure sa
kagandahan ko. 

Inis na sinugod nya ako at akmang sasampalin ako. Kaso sorry na lang s'ya at may
pagkaninja ako. Nahawakan ko ang kamay nya. 
"Next time.. kung sasampalin mo ko. Make it sure na lalanding itong palad mo sa
mukha ko..I'll teach you how..like this.." 

*PAK*

Akmang magsasalita na naman sya nung takpan ko ang bibig nya. " 'Wag kang umaray!
Ako dapat ang umaray! Ang tigas ng mukha mo.. My palm hurts my dear.." sweet kong
sabi sa kanya. "Ciao!" pagpapaalam ko sa kanya. 

Iana Sharm's Point of View

"Ciao!" she said. Hawak hawak ko pa ang maganda kong pisngi na sinampal nya. Ang
kapal ng mukha nya na dampian ng maduming kamay nya ang maganda kong mukha. 

"Kung sasampal ka. Siguraduhin mong aaray ako!" sigaw ko sa kanya habang papalayo
sya sa akin. Anong akala nya, hindi ako gaganti. I mean, ganun ganon na lang.
Walang revenge na magaganap. 

Lumingon sya sa akin at nakita ko na naman kung paano naglaro sa mukha nya ang
ngiting demonyo. I really hate her. Gusto nyang agawin ang lahat ng sa akin.
Popularity, career at lahat lahat. 
"Next time my dear.. I'll make it sure na masasaktan ka.."  she even flipped her
hair. Namumuro ka na talaga sa akin Lua! 

Anong akala nya, I'm stupid? Hindi ko ugaling magpa-api at magpasampal. Hindi ko
naman s'ya aawayin ng walang dahilan. Watchout Btch! I think my second plan goes
really well. 

Thanks to her slap!

Hindi ko man maiuwi ang korona. I'm so sure na ako pa din ang mananalo bandang
huli. Fine, nasa akin pa rin ang huling halakhak. 

 Flashforward 

Nastage na si Trish at si Terrence. As always naman, puro palakpakan at hiyawan na


naman ang madlang people. Isang artista at isang magandang babae na naman ang nasa
stage.  

Si Terrence ay nasa harap ng isang grand piano.. Nasa right part ng stage si
Terrence. Si Trish naman ay nasa kabilang part, hawak hawak ang isang gitara habang
nakaupo sa isang high stool na upuan. 
Madilim ang buong stage. Tanging ilaw lang na nanggagaling sa ilaw ng mga cellphone
na mula sa audience ang makikita. Hindi makita ng audience kung anong ginagawa ni
Terrence at Trish. Suprise effect kasi ang gagawin nila. Tumahimik ang crowd. 

Nagsalita ang emcee, "Let's welcome. Trish and Terrence as they sing for us.."
masiglang sabi ng babaeng emcee.

GO TERRENCE! HART YOU!

GO BESTFRIEND TRISHY! WOOOO!!! 

MASTER TRISHY!!! 

TERRENCE KYAAA!!!! GALINGAN MO!!

Maugong na sigawang ang pumaimbabaw sa buong Auditorium. Hindi mukhang auditorium,


malaki kasi talaga ito. Tumahimik na yung crowd..

Nang mag-umpisang pumindot si Terrence ng keys sa piano nya. Sumabay dito ang
malamig nyang boses. Napakaganda nitong pakinggan.. 

Playing: Stereo Hearts

(Multimedia on the side. Paki-play. Imagine nyo yung rap part ay boses ni Trish.
Tapos another video yung panoorin nyo.. yung kay Tanner Patrick na cover! Ganda
nun. Mala Terrence hahaha! ) 
 

Si Terrence ang kumanta sa Verse One ng kanta habang naggigitara. Sa kanya lang
nakafocus yung spotlight. Kaya si Trish ay hindi pa nakikita ng crowd.. 

My heart's a stereoIt beats for you, so listen closeHear my thoughts in every no-o-
o-teMake me your radioAnd turn me up when you feel lowThis melody was meant for
youJust sing along to my stereo

Nang matapos nyang kantahin ang verse one. Sumunod na dito ang rap part ng kanta.
At doon biglang tumutok ang pangalawang spotlight. Kung saan nasilayan na si Trish.
Halos lahat ng manood ay nakatingin lang at manghang mangha sa nakikita nila.
Tumutugtog pa din ang piano na minamaneobra ni Terrence.. Nagsimula syang kumanta
habang naggigitara. 

Gym Class Heroes baby! If I was just another dusty record on the shelfWould you
blow me off and play me like everybody else?If I asked you to scratch my back,
could you manage that?Like yea [scratched], check it Travie, I can handle
thatFurthermore, I apologize for any skipping tracksIt's just the last girl that
played me left a couple cracksI used to used to used to, now I'm over that'Cause
holding grudges over love is ancient artifacts

Halos manghang mangha ang mga nanood sa ganda ng boses ni Trish. Eto kasi ang
talent nya na hindi nya pinapakita sa marami. Si Steph naman ay todo cheer sa
kaibigan, dati nya pa kasi itong kinukulit na kumanta pero ayaw nito. Si Tristan
naman ay hindi na iba sa ipinamalas na na boses ng kakambal nya, alam nya kasi na
kumakanta talaga ito. 

If I could only find a note to make you understandI'd sing it softly in your ear
and grab you by the handJust keep it stuck inside your head, like your favorite
tuneAnd know my heart's a stereo that only plays for you.

Lahat ay nakatulala sa dalawa. Si Trish na nag-rarap at si Terrence na kasalukuyang


nagpa-piano. Si Carl ay nagninining ang mga mata. Katabi nito si Liam na talagang
naktitig lang sa dalaga. Napakasaya nya. Pero mas masaya sana kung sya ang
kapartner nito, sabi ng isip nya. 

Si Terrence naman ang kumanta sa chorus.. 

My heart's a stereoIt beats for you, so listen closeHear my thoughts in every no-o-
o-teMake me your radioAnd turn me up when you feel lowThis melody was meant for
youJust sing along to my stereo

Oh oh oh oh, oh oh oh oh to my stereoOh oh oh oh to sing along to my stereo

Halos lahat ng fangirls nya ay naglalaway sa maganda nyang boses. Talagang lahat ay
kinikilig. Sumalyap si Terrence kay Trish na naggitara naman, nagtama ang kanilang
mga mata. Isang ngiti lang ang sinukli nila sa isa't isa. Sa isip ni Terrence ay
parang pinaparating nya na, "May talent ka din pala noh?". 

Si Terrence naman ang kumanta sa pangalawang rap part ng kanta. 

I only pray you'll never leave me behind (never leave me)Because good music can be
so hard to find (so hard to find)I take your hand and hold it closer to mineThought
love was dead, but now you're changing my mind

Iniiba iba pa nito ang tono na nakapagpadagdag sa performance nila. Nagtama ulit
ang kanilang mga mata..sabay silang kumanta sa huling part ng kanta.. 

My heart's a stereoIt beats for you, so listen closeHear my thoughts in every no-o-
o-teMake me your radioTurn me up when you feel lowThis melody was meant for youJust
sing along to my stereo

Oh oh oh oh, oh oh oh oh to my stereoOh oh oh oh (Gym Class Heroes baby! ) to sing


along to my stereo..

Biglang nagliwanag ang stage. Isang amazing performace ang ipinakita ng dalawa.
Standing ovation ang natanggap nila. 

OH MY GOD! ANG POGI MO TALAGA TERRENCE! YOUR VOICE IS SO AMAZING!!!

TRISH! ANG GANDA PALA NG BOSES MO!!!

PANALO NA YAN!!! 

Sigaw ng mga taga-hanga ng dalawa. Hindi magkaumayaw yung mga compliments na


natatanggap ng dalawa. Pumunta si Terrence at Trish sa gitna ng stage at naghawak
kamay sila. At sabay na nag-bow. 

Trish's POV

Hindi ko akalain na matutuwa sila sa performance namin ni monster. Ene be nemen


kese...nekekeheye eh... 

Ayaw ko talagang kumanta.. Mas gusto ko pang tinatago yung golden voice ko.
Hihi :"> 
Parang naging concert ang dating ng performance namin. In-enjoy ko na lang talaga
ang kanta. Hindi ako nagpadaig sa kaba ko. Hangga't alam mo na may ibubuga ka, go
lang ng go. Sabay kamig nag-bow ni Terrence. 

Agad kong inalis ang kamay nyang nakakakapit sa akin. Ew! That hands! 

"Arte! Choosy ka pa.. ang pogi ko kaya!" sabi nya pa. Kapal talaga ng mukha ng
halimaw na 'to. Wala ng tatalo sa kayabangan nya, "Whatever!" sabi ko na lang sabay
irap sa kanya. Nagsimula na akong maglakad papunta sa dressing room ko ng marinig
ko ang pagtawag nya..

"You did well.." he said.

Shoot! Shoot sa tenga ko. Para namang pumapalakpak ang mga internal organs ko. Alam
nyo yun. Hehehe. Ang galing ko talaga..

Sinuot ko ang last na outfit ko. Announcement na ng winners. -_-

"The winner is none other than.. Princess Trish Lua and Terrence Andrew Sy!" sigaw
ng emcee. Halos hindi ako makapaniwala sa narinig ko. 

Me? As in me? OMG! Ako ang nanalo.. 


Napayakap ako bigla kay Terrence sa sobrang saya. As in masaya! 

Ganito pala talaga ang feeling ng mga beauty queen. Teary-eyed. Ganda ko talaga!
Lumapit na din ang mga kaibigan ko na isa-isang bumati sa akin. 

"Bestfriend! I'm so proud of yah! Grabe! Haba ng hair! Pa-try ng crown mo later
hihihi!" sabi nya habang kinikilig na ewan. Inirapan ko lang sya..Umiiral na naman
ang kahibangan nya. Wala na talagang pag-asa ang mundong ibabaw.

Isang humahangos na brown hair ang yumakap sa akin.."Master Trishy! Congrats!" sabi
nya. Pilit kong inalis ang mga braso nyang nakayakap sa akin. "Oy yung baho mo
didikit sa ganda ko! Hahaha!" sabay tumawa ako. Biro lang naman.

Sumugod na din si Kurt, akmang yayakap sya ng harangin ko ang mukha nya gamit ang
palad ko. "Ooops.. allergic sa pervert!" sabi ko. Tumawa lang sya sa akin at
nagsabing, "Congrats!" 

Lumapit din si Dominique upang magsabi ng, "Grats!". Tinaasan ko sya ng kilay,
"Ikaw na talaga Dominique! But anyway, salamat!" grabeng lalaki yun. Ang tipid
talaga magsalita. Nakakaloka. 

At yung lalaking, abot langit ang ngiti. "Princess.." tawag nya sa akin. Agad akong
lumingon kung sino yun.. hanggang makalapit s'ya sa akin.. "Congrats!" he said.
Then he enveloped me with a hug.
"Hoy! Makatsansing ka sa kapatid ko! Sasabakan ko yang mukha mo!" galit na sabi ni
Tristan. Inalayo nya pa si Liam. Napakamot na lang sya ng ulo. 

--

Bigla namang napalingon si Terrence.."kapatid ko..". Biglang nag sink-in sa utak


nya na yung lalaking kinaiinisan nya ay kapatid pala ni Trish. Ang akala pa naman
nito ay boyfriend ito ng dalaga. 

Isang humahangos na bata ang lumapit kay Trish. Si Stefan..

"Girlfrieeeend! Congrats! I love youuu!!!" he said. Then he steal a kiss from


Trish. "Hoy bubwit! Dun ka nga! Makakiss ka ah!" awat ni Terrence dito. 

Dinilaan lang sya nito, "Whatever Andwu.." 

"Thank you baby boy!" sabi ni Trish kay Stefan. 

"Tss..pedophile" bulong ni Terrence.. 


---

Monday 

Lumilipad pa din ang isip ni Trish nung pumasok ito. Halos isang araw na din ang
lumipas. At ngayon ay muli syang papasok sa Guzman University. 

Excited syang pumasok! 

Wala sila Terrence ngayon sa school. Dahil busy na naman 'to dahil Monday na naman.
Walang Elite5. Walang mang-iinis sa kanya at mangbubwisit. 

Sumabay sya kay Tristan. Medyo na-late silang dalawa. Dahil nalate din ng gising si
Tristan. 

Halos fifteen minutes silang nagbyahe. Nakarating kaagad silang dalawa. Tuluy tuloy
na ipinasok ni Tristan ang kanyang sasakyan. 

"Fvck! What the hell they are doing?" inis na sabi ni Tristan. Nakita nya kasi na
maraming kumpol ng tao ang nakaharang. Nakatingin ito sa isang bulletin board at
nasa taas ng board ang isang plasma tv.

"Malay ko!" sagot naman ni Trish. 


Inis na bumaba si Tristan sa kotse nya at nakisiksik sa kumpol ng tao.

Bigla syang nanginig at napatulala sa nakita. 

Isang video ang nagpeplay sa video..

Si Iana Sharm Dizon na sinampal ni Trish. 

=================

Chapter 28 - Anger
Chapter 28 - Anger

I am not in good mood today. Lack of sleep maybe? I think so, medyo tinanghali ng
gising so here we go, late. Medyo masama pa din ang pakiramdam ko. Ewan ko ba,
parang lalagnatin ako na ewan. 

Tristan go outside. Ano na naman bang commotion ang nasa harap namin. Nandito lang
ako sa shotgun seat ng kotse nya. Bumaba si Tristan, maybe he get irritated or
frustrated. I can't really tell what's running in his mind. He's unpredictable. You
can't never tell if he's serious or joking. I know him a lot. Of course I do, he is
my twin.

I decided to pull the door of the car when Tristan appears infront. I tried to open
the door but he is pushing it back. Geez, what's with him today?

Ibinaba ko yung bintana para makausap ko s'ya, "What Tristan? Can you step back?
I'm going to see what's with those people." I scowled. I even pointed out those
girls and guys who are watching something on a huge plasma tv.

But what the hell, "Listen to me. Don't go outside! Don't ever try to open that
fvcking door Trish.." he said. I raised my brows to him, "What If I don't want to?
Can you step back a littlet bit. I'm going to see what's the commotion all about."
I said.

He sighed, "Trish.. just for now. Wag kang makulit. Wag kang bababa. Uuwi na tayo."
I am shocked. Ano na naman bang sumapi sa kapatid ko na 'to? "Kakapasok pa lang
natin Tristan. No way, never akong nag-absent. You know that.." I said. I am
telling the truth. Ano ba kasing meron dun?

"Sa ayaw at sa gusto mo. I'm going outside. So bahala ka kung sumalpok sayo yung
pinto ng kotse mo. I warned you Tristan.. excuse.." I pushed the car's door. Pero
humarang na naman sya.

"My bad!!!" I hissed in frustration.

Suddenly, all eyes are on me. And I don't know what is with those glares, death
glares to be exact. Hindi ko alam kung bakit ganyan sila makatingin and they
started to have a chit-chat. Murmurs everywhere. My God! What's with them?

To my shock, there's a angry lady who walks towards me and beat me.

She grabbed my hair, "What the hell!" I frowned. Pinipilit kong tanggalin yung
kamay nyang nakasabunot sa buhok ko.

"Ang sama mong btch ka! Hindi ko alam na ganyan talaga ang ugali mo!! Talagang
kakalbuhin kita!!" she said as she pulls my hair really bad. On my peripheral
vision, about five to ten girls encircled me and starts to slapped my face and
pulled my hair.

"Ang landi landi mo!!!" someone shouted. Nag-umpisa ng umagis yung mga luha ko. Ano
bang pinagsasabi nila? Wala akong ideya. Pinagtutulungan nila ako at hindi ko
kayang ipagtanggol ang sarili ko.
"Ouch. Let me go!" I said. Pag ako talaga nakabangon sa pagkakahiga ko. Ako ang
sasabunot sa kanila. Kung hindi lang talaga nila ako pinagtutulungan, malamang ay
nakipag-away na din ako. Kaso I don't know to fight. Hindi ako nakikipag-away ng
ganyan, yung pang-kanto. 

"Mas malala pa ang sasapatin mong haliparot ka!! Ang kapal ng mukha mo para
sampalin si Iana para lang manalo kang Miss CEA. How pathetic!!" she said.  

"What? Wala akong ginagawa sa kanya!" depensa ko sa sarili ko. Pinihit nila ang ulo
ko papunta sa isang plasma tv. Wala akong natatandaan na nang-argabyado ako ng
kapwa ko. Kung meron man, maybe sila ang nauna at hindi ako. Hindi ako gumaganti ng
walang dahilan. At hindi ako mananakit ng walang dahilan. Hindi naman ako mababaw
na tao para gumawa ng masama kung walang reason.

There, I glanced on the plasma tv. That's me and I slapped Iana there. The hell, so
ako pa ngayon ang mali. Ang lumabas na masama? Grabe, sirang sira na ko.

Sa isang iglap, nakita ko si Tristan na isa isang hinahawi ang kumpol ng galit na
kababaihan sa akin. He angrily removed all of them. 

Thank you Tristan and he was there to saved me. 

And all of a sudden, all went black. 


--

As I open my eyes, All I see is my minnie mouse stuffs. Nakita ko rin si Tristan at
Papa na nandito sa kwarto ko, "Finally! You're awake!" Tristan said and he went
near me. "How are you my Princess?" my father asked me. 

Tumayo ako at isinandal ang ulo ko sa headboard ng kama ko. "I-im fine Pa..
Tristan, what happened?" I asked him. 

"Ang kulit mo kasi! Sabi ko sa'yo na 'wag kang bababa! Tapos bumaba ka pa! Naiinis
ako sa'yo kasi pinag-alala mo ko!" panenermon nya sa akin. Hindi ko malimutan yung
mga nangyari kanina, galit na galit sila. I'm thankful kasi kung wala yung snob at
masungit ko na kapatid, malamang, mas malala pa ang kinahantungan ko. 

"I'm sorry..and thank you.." I murmured. Para naman syang nabuhusan ng malamig na
tubig sa sinabi ko. Nanlalaki pa ang mga mata nya nung tiningnan ako, "W-what did
you say?" he asked. I raised my left eyebrow, "Wala ng ulitan. Tsk!" 

"Nagtataray ka na naman! Look at yourself, you have lot of bruises.." he said.


Tinuro nya pa yung sugat ko na nakababad sa ointment. "Pasalamat ka at nadoon
ako...paano na lang kung wala ako. Mapagtatanggol mo ba ang sarili mo?" he
worriedly asked. 

"Okay. I know I was wrong. Tama na ang panenermon please. What happened after I
collapsed?" I asked him. Wala akong maalala after that incident. All went black. 

"Dinampot ng mga guards yung mga babaeng pinagtulung-tulungan ka. Nakarating na din
'to sa guidance office. Pag maayos ka na, haharapin natin sila. Pinag-alala mo
talaga ako Trish..." umupo sya sa paanan ng bed ko. 
"And then? Ano pa? Nako. Kapag gumaling na ko, ako talaga ang mananakit sa kanila.
Pasalamat sila at masama ang pakiramdam ko. Kundi nako baka mapa--" 

"Princess!!!" saway ni Papa sa akin. Sabi ko na nga ba eh, masyadong mabait kasi si
Papa. Ayaw nya ng mga revenge na yan. "Sorry Papa.. Hindi ko lang talaga expected
na.. ganun ang mangyayari. It's not my fault.." 

"What about that video?" Tristan asked. I raised my right brow to him, parang
pinapalabas nya na ako pa ang may kasalanan nito. 

"It's her fault! Hindi naman yun yung buong video! S'ya ang nauna and I was just
defending myself. She tried to slap me that's why I slapped her back. Kaya hindi ko
alam kung bakit ganun yung video." I fireaway. 

"I think..alam ko na.. she's trying to bring you down..malalagot talaga sa akin
yung babaeng yun." pagbabanta nya. Mabuti na lang talaga at nandito si Tristan at
si Papa na handang tumulong at sumoporta sa akin. 

"I hope that everything will set on their proper place." I murmured. Hindi ko
hahayaang, masira ang reputasyon at image ko sa university. 

"Sa ngayon, magpahinga ka muna." sabi sa akin ni Papa. Tumango na lang ako, "Wait.
What time is it na po?" I asked. 

"6:10 in the evening." napa-ahh na lang ako. Ang tagal ko na din palang natutulog,
gosh! Umalis na sila Papa at Tristan sa kwarto ko. Naiwan akong mag-isa. Iniisip ko
kung paano ko malilinis ang pangalan ko. Kung paano ako makakapag-sweet revenge. 
Sa sobrang bored ko, lumabas ako ng naka-yello shirt. Yung sakto lang, hindi aabot
ng singit. Tsaka pink top. Feel ko lang maglakad lakad sa labas. Magpahangin at
magpawala ng mga problema. 

Ganito ba talaga, kapag may naaachieve ka. May mga tao na hinahatak ka naman
pababa. Nanalo nga ako at naging title holder bilang Ms. Cea kaso napasok na naman
ako sa panibagong gulo. Ang unfair talaga ng buhay noh? 

Madilim na ang kalangitan, dinala ako ng mga paa ko sa labas ng bahay namin.
Natanaw ko yung lalaking nagpabilis ng tibok ng puso ko. "Liam!" tawag ko sa kanya.
Busy sya sa paglalaro ng basketball. He's wearing a blue boxer short tsaka
sleeveless gray shirt. 

"Princess!" he shouted back. Nagliparan na ata lahat ng dahon sa pagtawag nya ng


pangalan ko. Tumatakbo syang palapit sa akin. Habang ako naman ay mahinahong
naglalakad papunta sa kanya. 

Nagsalubong yung kilay nya nung napadako ang tingin nya sa bruise ko sa bandang
labi ko, "What happened? Anong nangyari?" he asked worriedly. Tinampal ko naman ang
kamay nya na nakahawak sa mukha ko, "Trip lang! Haha Wala yan n-noh! Just a simple
bruise!" depensa ko. 

Hinawakan nya ang kamay ko at dinala ako isang malapit na bench. Inupo nya ako doon
habang sya naman ay nagdidribble ng bola sabay shoot sa ring, "Pasaway ka na naman.
Ano ba kasing nangyari jan? Ayaw kong nagagalusan yung maganda mong mukha." sabi
nya pa. Bakit nag-init bigla ang mukha ko sa sinabi nya. 

"W-wala lang 'to. May mga insecure lang kasi kanina sa school at binugbog ako.
Kawawa ako noh?" sabi ko pa. Tumabi sya sa akin,
"ANO?! ANONG GUSTO MONG GAWIN KO SA KANILA?!" itinaas nya pa yung boses nya. 

"Sira! Okay na ko. Ako na bahala. Pumasok ako sa gulong 'to kaya dapat ako din ang
hahanap ng solusyon. Ayaw kong dumepende sa inyo. Hihingi na lang ako ng tulong
kung hindi ko na kaya. Okay?" bumabait talaga ako kapag kaharap ko yung lalaking
'to. 

"Basta andito lang ako Princess..tingnan mo yung nangyari sa labi mo..Alam mo ba


kung bakit ginawa ng D'yos yung lips ko?" sabi nya. Naglalaro sa mga mata nya yung
saya at pagka-light ng mood nya. Why so perfect? 

"Pangit kasi kapag walang lips. Sagwa tingnan! Hahaha!" tawa ko pa. Hindi ko alam
kung paano kami napunta sa ganitong mga tanong.  "Fine. Bakit nga ba?" tanong ko.
Bigla naman syang ngumiti ng malawak na malawak. Isa lang ang masasabi ko, isa
syang baliw. 

"Ginawa 'to kasi.." hawak hawak nya yung labi nya. "Para sa ganito.." 

*TSUP!*

Bago pa ako makapag-react ay nahalikan nya na ako..

"AHHHHHHHHHHHHHHHHH!!" sigaw ko. Nakakainis bakit hindi ko sya napigilan, "A-aray


Princess. Testing lang eh!" hawak hawak nya yung mga kamay ko. Kasi kung hindi nya
hahawakan ay bubugbugin ko sya talaga. 

"Hahahaha" tawa nya pa. Nakakainis. "Sa cheek lang naman yun ah!" sabi nya pa
habang tumatawa. "Eh kahit na! Kiss stealer ka!" 

"Fine. Bawi ka na lang oh..." inginuso nya pa yung nguso nya. Redundant lang?
"Yuck! Kabahan ka nga sa sinasabi mo! Hindi ka man lang nagpaalam! Kainis 'toh!"
sigaw ko. 

"Mas maganda yung unexpected Princess..

..kagaya na lang ng nararamdaman ko para sa'yo. Hindi ko alam na unti-unti na kong


nahuhulog sa'yo..." sabi nya. Pero yung mga huling linyang binitawan nya ay halos
pabulong kaya hindi ko narinig. "Gumagabi na., Hatid na kita sa inyo.." inilahad
nya pa yung kamay nya para alalayan akong tumayo. 

Nasa harap na kami ng gate ng bahay, tumingkayad ako para halikan s'ya sa pisngi
nya. 

*TSUP!" 

"Thank you kiss yan! Bye bye!" sigaw ko habang mabilis na pumasok sa loob ng bahay.
Wahh! Ano bang ginawa ko. Bakit ko sya hinalikan? Nahihibang na talaga ako! Pwede
naman yun diba? Thank you kiss. Pinagaan nya yung loob ko eh. 

Iniwan ko s'yang tulala don habang hawak hawak yung parteng hinalikan ko. Ano bang
nangyayari sa akin? Badgirl pa din ba ako? 
=================

Chapter 29 - Mess

Read before you Vote

Chapter 29 - Mess

Pumasok ako kaagad sa loob ng bahay. I mean sa loob ng malaking bahay. Hindi ko
alam kung anong pwedeng itawag sa bahay namin. Basta bahay. Ano na naman ba kasing
naisip ko at hinalikan ko si Liam sa pisngi nya? 

Wala naman sigurong masama sa ginawa ko diba? It was just a kiss. A thank you kiss
to be exactly. Napakabait nya sa akin. Marami na din syang nagawa sa akin. He makes
me happy. Kagaya na lang ngayon na he was there para pagaanin ang loob ko. 

I don't know what is happening to me. Ako rin ay nagtataka sa nararamdaman ko. Oy
freak, bigla na lang sumagi sa isipan ko yung boses ni Monster. Ay shet! Bakit ba
lagi nila akong ginugulo. Bigla naman akong natakot sa magiging reaksyon ni
Monster. Hindi naman ako ganito. Maybe, wala akong paki sa nararamdaman ng iba pero
iba na talaga ngayon.

Wala naman s'yang pakialam kung manghalik ako. Sino ba s'ya para sumali sa buhay
ko. He was just my master. I'm just his slave. He called me freak and I call him
Monster. What's with that diba? We're so harsh against each other. Imposible,
madevelop kami sa isa't isa. 
Pero habang iniisip ko na pwede kayang madevelop kami ni Liam. Hmm, wala naman
imposible right? Pero yung puso ko, ay ewan ko ba. May side ng utak ko na boses ni
Monster ang naririnig ko. Nababaliw na ba ako? Nahahawa na ata ako sa kabaliwan ng
bestfriend ko. 

Hindi ko pa nararanasan ang ma-inlove. No boyfriend since birth, at hindi ko


idedeny yung fact na yun. Ano pa bang rason para ipangalandakan ko sa iba na nagka-
boyfriend ako, wala naman talaga. So why bother? Isa pa, sa haba ng hair ko. Hindi
ako makapamili sa mga suitors ko. Ehem. Ganda ko talaga noh? Hirap talagang maging
maganda. 

Nag-ring ang phone ko. Kinuha ko kaagad sa coffee table. Itinuon ko ang tingin ko
sa name ng tumatawag..

"Steph Daldal"  so ngayon pa s'ya tumawag ngayon na, nabugbog na ko't lahat. Nasaan
s'ya nung mga panahong kailangan ko s'ya. Ngayon pa na okay na ko, dun lang sya
magpaparamdam. Tss! Nakakatampo. 

In-accept ko kaagad ang call. Wala namang dahilan para i-decline. Nakakamiss din
yung madaldal na bestfriend ko na 'to. Baka mabaliw ako ng tuluyan kapag
ipinagpatuloy ko pang kausapin ang sarili ko. 
[Trishy!!! Bakit ang tagal mong sagutin?!] tinaasan nya pa ko ng boses. Akala mo
kung sinong concerned citizen. Kung magkaharap kami ngayon malamang nabatukan ko na
'to. Sakit sa eardrums eh. 

"Kasi matagal. So why calling?" pag-iiba ko ng topic. Baka hindi ako makapg-pigil
at ipalamon ko sa kanya yung kamao ko. Joke haha!

[Aish sungit! Oh ano. Kamusta ka na? Balita ko nabugbog ka hahahaha. Omg! Hindi ko
nakita...sayang..]

"Wow! Salamat sa concern ah! Grabe, na-amaze ako sa pangangamusta mo. Nakarinig ka
na ba ng battered bestfriend??? Try natin minsan!" I rolled my eyes. Lord, bakit
nyo po ako binigyan ng ganyang kaibigan. Hindi ko alam kung concern ba yan o ano.
Tinawanan pa ako. Grabe diba? Nakakainis na nakakagigil. 

['To naman di mabiro. So anyway, kamusta ka?] tanong nya. This time na-iba na ang
tono ng pananalita nya. Mas may finest at modesty. Huminga ako ng malalim at saka
nagsalita.

"I'm fine. Medyo nahaggard lang yung mukha ko. Alam mo ba. . .nakakainis sila!!!
Nako! Babawi ako at papaulanan ko sila ng ganda ko!" nanggigigil na sabi ko. 
[Wow! Taas pa din ng self-confidence. Hihi! I like that! Basta bukas, If ever na
makakapasok ka na. I'll support you. Walanghiyang Dora na yan, nakakagigil.
Malamang sya na naman ang master mind dito. Nako, isang isa na lang talaga at
ipapatapon ko yan sa Jupiter!] saad nya. 

"Alam mo kasi ganyan talaga ang mga insecure." pag-dadadagdag ko pa sa sinabi nya. 

[Anyway, tumawag ako sa'yo dahil kanina. May tumawag sa akin. Hihihi! Hulaan mo
kung sino yung caller ko? Kyaaaa~! Omg!] sabi nya pa. Malamang nag-hihysterical
s'ya ngayon habang sinasabi nya yan.  

"Spill it. Ayaw ko ng nanghuhula. Bilis na at ibaba ko na 'to kapag nainis ako sa
kalandian mo Stephen." nag-bigay ako ng isang warning voice sa kanya. May sira na
talaga si Steph, sarap batukan at pektusan sa kidney. 

[Hard naman! Wait! Wala ka ba talagang guess? Bilis na Trishy.. make hula na!] sabi
nya pa. Hindi talaga ako titigilan nito. Kaya naman nanghula na lang ako. Sakyan
ang trip, maging mabait sa mga special child. 
"Hmm.. yung janitor sa Guzman University ba? Wow! That's so interesting my dear
bestfriend! Hurray!" sarcastic na sabi ko sa kanya. Malamang nag-salubong na naman
ang dalawang kilay nya. 

[Eh~! I hate you! Hindi yun! Hula ka pa! Bilis..Two-try pa!] Ano bang kasalanan ko
sa kanya. Unti unti na kong naaalibadbaran sa mga ka-echosan nya. 

"Hmm..Siguro yung tumawag sa'yo yung nagtitinda ng balot sa kanto? Grabe! Ipakilala
mo naman ako!" note the sarcasm.

[Eh~! Next time kapag nakita ko si Mang Pedro ipapakilala talaga kita. Pero hindi
s'ya yung tumawag kanina. Engk! Wrong answer! I'll give you clue! Super Hot! Super
makalaglag panty!] paghyhysterical nya. Hindi ko na maatim na makipag-usap sa baliw
na 'to. 

"ANO BA STEPH! SABIHIN MO NA NGA LANG! LAHAT NA LANG NG SINASABI KO MALI! SINO BA?!
AT WALA AKONG PAKIALAM KUNG SINO MAN YANG TUMAWAG SA'YO. IKAKAYAMAN KO BA YAN?
MAPAPA-UNLAD BA NYAN ANG PILIPIN---" 

[CHILL LANG! SI TERRENCE SY ANG TUMAWAG! OHMYGOD BESTFRIEND! ALAM NYA NUMBER
KO!!!] 

 
"ANO?! SI MONSTER?!" sigaw ko. Nakakagulat ano ang nakain nun at bakit tumawag yun
sa kanya. 

[OO NGA! ULIT ULIT TEH? HAHAHA EMEGHED! ANG HOT NG BOSES NYA SA PHONE! NAKAKALOKA
AH!] 

"Why he called you?" I asked her. Wala lang trip ko lang magtanong.

[Oy ha! Curious much?!]

"NO WAY!" I hissed! 

[Taray! Defensive si Ate. Anyway, he called me kasi he is asking if you're okay. At


kung pwede bang pumunta jan..And I said, pwede naman diba?] 

"WHAT?! Hindi naman sya nagpunta dito. Wala akong nakitang anino nya. Baka niloloko
ka lang nun.." ano na naman bang nakain nun at kinakamusta pa ako. Talagang sa
bestfriend ko pa sya nagtanong ah. Bakit hindi nya na lang ako kinausap para dun. 
[Eh? But he said, he'll go there. So kita tayo bukas, I'll hang na! Bye bye!]
paalam nya. 

Sumandal ako sa headboard ng kama ko. 

He went here? Pero bakit hindi ko s'ya nakita? Niloloko nya ba ako? 

Imposible, wala naman pakialam sa akin yun Duh! 

Third Person 

Pinahahurot ni Terrence ang dala nyang kotse. Pumunta s'ya sa village nila Trish,
mangangamusta sana s'ya. Nabalitaan nya kasi ang nangyaring gulo kaninang umaga,
hindi nya alam kung bakit parang na-curious s'ya sa dalaga. 

Mabilis nyang narating yung village. Natanaw nya si Liam na nakatayo sa harap ng
bahay ng dalaga. Mukhang masaya ang dalawa. Nanatili lang s'ya na nakamasid sa
dalawa sa hindi kalayuan. Para s'yang nanigas sa nakita nya. 
Si Trish na hinalikan ang kanyang kaibigan. 

Mukhang hindi naman pinilit ni Liam ang dalaga. Dahil sa pagkakakita nya, ito pa
ang tumingkayad para maabot yung pisngi ng binata. Inis nyang nahampas ang manibela
ng kotse nya. 

Imbis na lapitan ang dalawa ay nanatili s'ya sa ganoong posisyon. Biglang nawala
ang lahat ng enerhiya nya sa nakita nya. Mukhang okay naman si Trish, sa isip nya.
Kaya hindi nya na ito pinuntahan at umalis na lang. 

 Nakarating s'ya sa harap ng condo unit nya. Kaso may isang tao ang hindi nya nais
makita. Sinabi nito ang voice command dahilan upang bumukas ang unit nya. Hindi nya
tinapunan ng tingin ang babaeng nakatayo sa gilid ng pinto. 

"Let's talk.." sabi ni Quencess. Nag-angat ng tingin si Terrence sa dalaga. "No


need. I'm not interested.." sagot naman ni Terrence dito. Pumasok ng tuluyan ang
binata sa loob ng unit nya..

"Fvck! Umaano ka ba dito?!" inis na tanong ni Terrence. Bigla bigla na lang kasing
sumunod ito sa kanya papasok sa loob. Nakaupo pa ito sa black couch nya.

"I want you back.." sagot naman ng dalaga dito. Bigla namang nag-clench ng kamao
si Terrence sa narinig. "Ano na naman bang kalokohan 'to? Tapos na tayo. Matagal na
tayong tapos." madiin na pahayadg nito. 

"We're not yet over Andrew.. H-hindi pa ako nakikipag-break sa'yo." saad nito.
Sunud-sunod na buntong hininga ang pinakawalan ng binata. 
"We're over since you used me. Kaya pwede ba, lumayas ka ngayon dito at naiinis ako
sa pagmumukha mo." tumayo si Quencess sa pagkakaupo nito. Tumayo ito sa harapan ni
Terrence, mga isang dipa ang layo nila sa isa't isa. 

"We're not over. Hindi pa tayo tapos. Ikaw lang ang may gusto nyan. H-hindi ako
makakapayag. I wan't you back.. Sa akin ka lang.." gumuhit ang galit sa mukha ni
Terrence sa mga narinig nya. Tila ba hindi sya makapaniwala sa mga naririnig nya
ngayon sa babaeng kaharap at kausap nya ngayon. 

"You know what..Matagal na tayong tapos. Hindi ako kumakain ng sinuka ko na. Kaya
pwede ba, umalis ka na ngayon hangga't nakakapagtimpi pa ako sa'yo.." 

"Wala pa tayong formal break-up..H-hindi ako makakapayag sa gusto mo.." hinaing ng


dalaga na halos nanginigilid na ang luha sa mga masasakit na salita na nanggaling
lalaking lubos na minahal sya. 

"Formal break up?? Fine! We're talking to each other and I consider it as a formal
break-up. So I guess, break na tayo.." 

Biglang lumapit si Quencess sa harap ni Terrence. Hinawakan nito ang dalawang


pisngi ng binata. Hinalikan nya ito. Peero unang kumalas si Terrence at inis na
itinulak ang dalaga. 
"FVCK! LEAVE THIS ROOM NOW!" inis na sabi ng binata. "UMALIS KA NA QUENCESS...BAKA
KUNG ANO PANG MAGAWA KO SA'YO.." banta ni Terrence. Tila, natakot naman ang dalaga
sa galit na nakikita nya sa mukha ng binata at sa tono ng pananalita nito. 

"I'll leave tonight... But I can't assure you that we're really over. I'll make you
mine again by hook or by crook."

=================

Chapter 30 - Savior

Chapter 30 - Savior

Liam's Point of View

I didn't expect that she will kiss me. It was just a plain smack kiss on my cheeks
but I already felt that my cheek is furiously burning. Hindi ako kinikilig! It was
so gay! Marami na ako naging leading lady pero wala lang. They are just a scripted.
I can't think clearly. My mind was so full of her face, her laughter, the way she
twinkled her eyes infront of me and the way she talks to me. 

I woke up due to the sunlight that hit my face. Another day to start with. It's
Tuesday and we can't make it to school today. Eto yung mahirap sa pagiging artista,
sa pagiging popular. Everything is on our manager's hand, nasa kamay ni Tito Mike.
We can't go to school today 'coz we're busy filming our next film. Nah, so
redundant. 
I glanced at the small clock placed on the mini table beside my bed. 8:00 AM 

I stretched out and head myself to the bathroom. This is a another great day! Mas
na-eexcite ako ngayon, I feel recharged because of that...kiss.. Ugh, Princess is
literally occupying my mind. I can't hid my smile. What's happening to me? 

I know she's a girl that invoke herself to be bad, but she's good. She's like a
Princess. Parang napossess lang ng konti sa kasungitan. The day I first met her
sends good vibes to me right now. I don't know what's happening to me. There's
something on her na iba sa ibang babae. 

We got the fame. All of our fangirls are there. They knew us. But Princess is
different. Wala s'yang pakialam sa amin. And that's worst! Hindi ko alam kung
maniniwala ako  na hindi nya kilala ang Elite5. Pero hindi nya nga talaga kilala.
May babae pa palang hindi kami kilala sa aming kagwapuhan at kasikatan. Tanging
s'ya lang talaga. 

She is different with the other girls. Hindi kagaya ng babae na laging nagpapacute
at nagpapakabait whenever we are infron of them. She stays as she is. Wala s'yang
halong kaplastikan sa katawan pero puro kasungitan. Habang tumatagal mas lalo ko
s'yang nagugustuhan. And I won't deny the fact that I really like her. 

Minutes passed and I'm done with my morning rituals. I grabbed my phone and
composed a message to my Princess, "Good morning! I can't see you today..goodluck!
Hope to see you later Princess.." I pressed the send button. 

I'm being lunatic. Nababaliw na ata ako kapag nakikita ko yung mukha nya na laging
nakataas ang kilay. Yung laging salubong ang mga eyebrows nya. Habang nakapout. Oh
how cute she was.

But this is wrong, we agreed that We. I mean Elite5 CAN'T have girlfriend or
relationship. This is really hard, parang pinapatay mo na din yung sarili mo gamit
ang sarili mong kamay. I know na ganito talaga ang kahahantungan, there's
consequences on every actions. At yung kapalit ng pagiging artista namin, ay hindi
pagkakaroon ng girlfriend while we're on our peek of our career. Yup, hindi masama
mag-girlfriend kahit sikat ka, pero maalala mo pa lang yung mukha ng mga nadismaya
mong fans dahil sa pag-gigirlfriend mo parang magbabackout ka na. But there's
solution.  

And think of it, you can have a girlfriend. You can be madly deeply inlove but your
fans. Magtatampo sa'yo at worst ay kamuhian ka nila. That's a big trouble sa
magiging girlfriend namin pati na rin sa career. That's absurd in a way na kung
mahal talaga kami nila bilang idol nila ay matatanggap nila ang pagpasok namin sa
isang relationship. Pero iba talaga ang fans ng Elite5. Iba iba kasi, may
understanding at may mga warfreaks. I'm just stating the fact. 

Nag-drive na ako papunta sa next location ng shoot namin. I need to go there at


hindi uso sa akin ang salitang late.

Trish's Point of View

"Tristan..." tawag ko sa kanya. Nilingon n'ya naman ako kaso nga lang, nakataas ang
kilay nya at sinamaan pa ako ng tingin, "What?" he asked me. Parang kinakabahan ako
na ewan. Nakakainis naman kasi feeling ko hindi ko kakayanin ang araw na 'to.

What if... dahil sa nangyari kahapon ay mawalan ako ng scholarship. Edi mas lalaki
na naman ang problema. Isama mo pa ang mga warfreak kong schoolmates na sumugod sa
akin kahapon. Isama na rin natin ang mga fangirls ng Elite5. 

"W-wag na kaya tayo pumasok?" nag-aalangang tanong ko sa kanya. Mas lalo namang
naningkit ang mata nya sa sinabi ko. "No. We'll go to school today. Wag kang mag-
alala. Everything will be alright.." he said.

"Ano ba munchkin! Asan na yung kakambal ko na mataray yung walang modo?!"

"What? Mataray lang ako! Pero yung walang modo...excuse me?! Badgirl with class
'to. Di ako jejemon Tristan.." pabalang na sagot ko sa kanya. Para na din nya akong
kinumpara sa mga low class brats diba? First class 'to.

"Good. C'mon! Lets go!"

Nakarating kami kaagad ng Guzman University. Pagkapasok pa lang ng kotse ni Tristan


hinarang na kami kaagad ng guard. Binuksan ni Tristan yung side window ng kotse,
"What?" maikling tanong nya sa guard na nakatayo malapit sa kotse namin. "Kailangan
na pong i-renew yung sticker ng kotse nyo Sir."

Inis na napasabunot si Tristan sa buhok nya, "Munchkin! Mauna ka na. ." sabi nya.
Nakunot ang noo ko. Puro salita lang pala s'ya. "Ala ka talagang kwenta Tristan.
Isa kang malaking drawing!!!" at bumaba na ako sa kotse nya.

Naglakad akong mabilis papunta sa third floor. Tandaan maglakad ng may poise. Huwag
kakalimutan yan. At talaga nga namang, maraming sumusunod sa na mata sa akin habang
ako'y humahakbang. Iisipin ko na lang na sobrang ganda ko kahit na may bruise ako
sa lips ko. Nabawasan na naman ang kagandahan ko, slight lang naman. Nagpapasalamat
din ako at naranasan kong maging panget kahit slight lang.

Agad akong sinalubong ni Tiara na angat na angat ang mukha nya sa kapal ng make-up
nya. Do you mean, haharang na naman s'ya sa dadaraanan ko?
"Bagay na bagay sa mukha mo yung bruise mo! Perfect!" pang-iinis nya. Anong akala
nya sa akin, papatulan s'ya. Imbis na harapin s'ya nilampasan ko lang s'ya. "Kapag
kinakausap kita. . . humarap ka!" at talagang hinawakan n'ya pa ang braso ko. 

"Ano na naman bang problema mo? Kulang ka ba talaga sa atensyon? Wala bang
kumakausap sa'yo sa bahay nyo. Bakit hindi mo kaya i-video ang sarili mo at i-
upload mo sa youtube ng may makapansin man lang sa pagpapaepal mo sa akin. . . Sa
bagay, may papansin kaya sa'yo?" walang ganang sabi ko sa kanya. 

"Sumosobra ka na talaga. . Dapat mas malala pa jan ang nakuha mo. . Alam mo
Trish. . nakakaawa ka.. ha ha ha!" halakhak n'ya pa. Bored ko lang s'yang
tiningnan. 

"Mas pathetic ka dear. . hindi ka na nga maganda. .  . " umikot pa ako sa kanya " .
. .kulang ka pa sa pansin. Sa tingin mo sino ang mas nakakaawa sa atin? Ako o
ikaw?" naglakad ako papunta sa upuan ko. 

Dumating na din ang instructor namin at usual, nag-check ng attendance. Kaso bigla
na lang tinawag ni Madam ang pangalan ko. "Ms. Lua kindly proceed to the dean's
office.." she said. Wala akong ganang tumayo sa kinauupuan ko. Nakita ko pa si
Tiara na nakangisi sa akin at parang sinasabi ng demonyo nyang ngiti na you'll-pay-
for-this-look. 

Bakit nga ba ako matatakot kung hindi naman ako ang nag-umpisa ng gulo. Bakit ako
matatakot kung alam ko sa sarili ko na nasa tama ako. Hindi na ako bata para hindi
malaman kung ano ang tama sa mali. Hindi ako pinalaki ng magulang ko para maging
insensitive. 

Tinungo ko ang pinto papuntang langit. Joke! Nakukuha ko pa talagang magbiro sa


lagay ko na ;to, bukod sa magkakaroon ako ng pambihirang record sa Guidance Office.
Posibleng mawala ang pinaka-iingatan kong scholarship at yung worst, ay yung
pinagpipiyestahan ako ng tsismis sa buong kampus. 
Pagkapasok nga namin ni Tristan ay nakita ko ang mukha ko at mukha ni monster sa
harap ng gate. As in malaking banner, they congratulate us for winning the pageant.
Ang sosyal lang ng school. Pero napansin ko kaya pala na-traffic kami ay dahil
madaming nagpapicture sa harap ng gate, ano na naman bang meron sa mukha ni
Monster. Gwapo ba yun? O---Hindi! 

Pumasok na ako sa office ni Dean. Inilibot ko ang tingin at sumakit kaagad ang mata
ko kapag nakakakita ako ng panget. Kagaya na lang ng mga boksingera kong schoolmate
na walang magawa kundi mang-away. Nandito sila! Nandito ang gumalos sa maganda kong
mukha, yung isa mukang calamates, yung isa amoy fishball, yung libagin. Ay ewan!
Kala ko alien sila na mababaho. Masama ang tingin sa akin ng reyna-reynahan nila,
ito yung unang babaeng humila sa buhok ko, itago natin s'ya sa pangalan
'Calamares'. Kulot na kulot kasi ang buhok nya. 

Anyway, umupo ako sa tabi ng magali kong kapatid na prenteng nakaupo sa isang two-
seater-couch. Nakadekwatro pa s'ya at talagang nakatapat sa malaking
airconditioner. "What are you doing here?" bulong ko sa kanya. Nag-shrug lang s'ya
at inisnob ako. Walang modong kakambal. 

"So alam naman natin ang nangyaring incident kahapon. Which is Ms Lua had been
injured physically. . . pina-iimbistigahan na rin ang video na kung saan ay
sinasaktan ni Ms Lua si Ms Dizon.." nag-palit palit ang tingin ni Dean Albarda sa
aming dalawa. 

Si Iana ay nakaupo kaharap ko at nakataas pa ang kilay nya. "I'll make this a
straightforward for the both of you para matapos na 'to. . Trish. .totoo bang ikaw
ang nauna?" 

"No Maam! Si Iana po ang nauna. You should ask her and not me. I was just defending
myself.." paliwanag ko pero iiling iling si dean. "Alam mo Trish . . don't lie!
Huwag kang gumawa ng kwento!" sagot naman ng sinungaling na babae na 'to. 
"Mukhang hindi natin ito maayos kung nagsisihan kayong dalawa. Anyway, Ms. Lua may
pruweba ka ba na si Ms Dizon ang nauna?" tanong sa akin ni Dean. Nag-isip naman ako
at wala akong maisip kung meron ba. Dahil sa pagkakaalam ko, walang tao sa hallway
nung nangyari ang insidente na yun. 

"Wala po." napayuko at napadismaya. Talagang mahihirapan akong linisin ang pangalan
ko. "See Dean Albrada . . I told you that she's been cruel! She hurt me! Dapat may
punishment sa mga ganyang estudyante!" 

"TAMA! Wala 'syang karapatan na manatili sa G.U!" pagsabat ni Calamares.

"Right! Correct! Tama! Check! Paalisin na yung warfreak na yan!" sabi pa ng mga
kasama nya. Wow naman nahiya ako sa pagkawarfreak ko. Sa sobrang hiya ko nawala ang
bruises ko sa mukha. 

"Right Ms. Dizon. . and for this Ms. Lua . . suspension of two weeks and pag-
uusapan pa kung tatanggalin ang university scholarsh---" 

Biglang bumukas yung pinto at nakita ko si Monster na palakad. Wait! Si monster nga
ba yun? 

Ahhhh!!! Si Terrence!!! 

Omg! Si Terrence Sy ay nandito! 

 
Shet! Hindi man lang ako nakapag-ayos. Pusa naman oh!

Sabi ng mga babaeng warfreak na 'to. Humanda kayo sa akin sa oras na maging malinis
ang pangalan ko. 

Hindi ako nagkakamali sa nakikita ko. Bigla kasing lumakas ang hangin. So s'ya
talaga yung pumasok. "Kala ko ba iimbistigahan? Bakit napakadali nyong mag
desisyon? Anong klaseng university 'to? I have proofs to defend that freak.."

Napalingon si Iana sa gawi ni Terrence, "And for you . . Ana, you're real---" 

"It's Iana Mr. Sy." pahiya si monster, bigla pang nag-spark ang mga mata ni Dean.
As if gwapo yung halimaw na 'to. Todo ngiti pa s'ya at parang pinamumukha sa akin
na I-can-handle-this-look. 

"Whatever that liar's name! As I were saying. . I have proofs.. psst come in.."
tawag nya sa bandang pintuan at iniluwa nito si Rome? 

Rome? Bakit nandito s'ya? 

"He's Rome Silerio, a close friend of mine. Pero hindi pa s'ya ang magpapatunay.."
bigla naman akong napa-poker face. Tinawag nya pa si Rome tapos hindi naman pala
ito. 

"Haha! God! Pinagloloko ata tayo ni Terrence eh!" sabat naman ni Iana. "Shut up!"
bwelta sa kanya ni monster. As if naman hindi s'ya patulan ni Terrence, eh
ungentleman yung ungas na yan.

"So kung hindi s'ya Mr. Sy? Eh sino?" tumingin si Dean kay monster. 

"S'ya ang magpapatunay . ." 

Pumasok yung isang super duper hot, cute, at super duper na gwapo na bata. "None
othe than me, Stefan Sy." as in lumaki ang mata ko. 

"S'ya as in yung bata na yan?" tanong ni Dean. Nag-nod lang si Terrence. "Ano na
naman bang pakulo 'to Terrence? Pati ba naman bata ay tinututuran n'yong
magsinungaling?" singit ni Iana na namumula na sa galit. Guilty kasi. 

"Proceed. So where's your evidence?" asked Dean. 

May kinuha si baby boy sa bulsa nya, isang tumataginting na iPhone. "I have video
here." he played it infront of our shocked dean. Sino ba namang hindi magugulat sa
batang 'to. 

"I caught that witch. . she's giving my girl a threat. And she's the one who
initiates the slap. As I were saying, she's the bad one and not my girl. How come
that this beautiful girl will slap somebody? Did you think that she is capable of
doing that?"  hindi na nakaimik si Iana sa mga narinig nya. Gulity si Bitch. 

"Yup she i--- Aw!" sagot naman ni Tristan. Kinurot ko s'ya sa tagiliran,
walang'yang kakambal ko na 'to ay ididiin pa ako. 
"I see.. so paano natin mareresolba 'to?" tanong ni Dean. 

"Based on the student manual..Two-three weeks suspension kapag ganyang kaso. Pero
it states that kapag may pinagkasunduan yung dalawang panig. . mapapababa yung
hatol.." sabi naman ni Tristan. Wow as in wow! Binasa nya pala ang student manual.
Talagang handa. 

"Dean. . my father will scold me because of this and even my career is madadamay..
How can we resolve this issue?" sabi ni Iana. Maluha luha pa yung pesteng babae na
'to na ubod ng sinungaling na ang sarap sungalngalin sa mukha. Ang mga kampon n'ya
kasama na doon si Calamares ay tumahimik. 

Si monster ay napasmirk , he is grinning.. 

"Mag-sorry ka kay freak sa harap ng maraming tao habang. . . . nakaluhod. ."

-------------------------------------------------

I miss you guys! Sorry kung ang tagal ng Ud. Nag-birthday ako sana maintindihan
nyo! Hahahahahaha! May bago akong one-shot! Title nya "My Tragic Lovestory!"
basahin n'yo po! 

ON-GOING NA PO YUNG BAGO KONG STORY/ LOVE STORY NINA PIA TOS AT OWI SHI ---> "I'M
NOT HIS GIRL" http://www.wattpad.com/story/12696626-i%27m-not-his-girl or simply,
click the external link! Thank you
Vote po at comment! 

=================

Chapter 31 - Good Side

Salamat po sa 300k Reads! I love you! Hahaha!

Chapter 31 - Good Side

Hindi ko inaasahan ang mga nangyari ngayon. Seriously ang mga taong iniexpect ko na
hindi ako tutulungan ay ngayon ay nandito. Kagaya na kang ni monster na akala mo
isang attorney na ipinagtanggol ako kanina ng bongga. Pinagtanggol nga ba ang tawag
dun o nagpapataas ng pride at parang sinasabi na mas magaling at mas matalino s'ya
sa akin.

"Tuesday ngayon. Ba't andito ka?" tanong ko sa kanya. Sumalubong lang ang kilay
n'ya. Kaming dalawa lang ang magkasama ngayon sa secret hideout nila sa Guzman
University. Si Rome, Tristan at baby boy ay nasa caf. Actually, para naging
shooting yung nangyari kanina. Pagkalabas namin ng office, kinuyog si Terrrence,
Rome, Tristan at si baby boy, edi sila na ang sikat. Nakakaloka, ano bang nakita
nila sa mga kumag na yun?

"Bakit ka ba andito?" tanong ko ulit sa kanya.

"Simpleng thank you lang hindi mo masabi. ." paawa na sabi nya ng nakatingin sa mga
mata ko. Bigla naman akong nakonsensya.

"Simpleng tanong. . hindi mo masagot." pagsagot ko sa kanya. "Halika ka nga


dito. ." itinuro nya yung vacant space sa tabi ng couch na inuupuan n'ya.

Hindi ko alam kung bakit ako napasunod sa utos ni halimaw. Kusang lumakad ang mga
paa ko at dinala ako sa tabi n'ya.

Magkatabi na kami ngayon. Hinarap n'ya ako habang kaming dalawa ay magkatabi.
Hinawi n'ya ang nga hibla ng buhok ko na nakaharang sa mukha ko. Bumilis ang tibok
ng puso ko. Inilapit n'ya ang kanyang mukha, ramdam ko ang paghinga nya ng malalim
habang nakatitig at nahi-hypnotize sa mga titig n'ya.

Hinawakan n'ya ang mga pisngi ko. Palapit ng palapit ang mukha n'ya sa akin. Mga
isang pulgada na lang ang layo namin sa isa't isa. Nagulat kami at napaigtad sa
kinauupuan namin ng biglang bumukas ang pinto at nakamasid sa amin ang tatlong
pares ng mata.

"GIRLFRIEND!!!!!! Hey Andwu! What are you doing?!" sigaw ni baby boy. Umayos ako
kaagad ng pagkakaupo ko.

"Trish! What's going on?!" said Tristan.

"Bestfriend! Omg! Anong ginagawa n'yo ni Terrence my loves?!!!" said Steph.

"Ahh.. ano.." paliwanag ko. Ano nga ba ang dapat kong sabihin.

"I was just checking her freaking bruises. What a jerk! Tss!" then he stormed out.
"I got to go. ." paalam n'ya sa amin.

"Bye bye my girl! See you! I love you!" sabi ni baby boy sabay lapit sa akin.
Hahalikan n'ya ako. . he was about to kiss me when Tristan stop him. "Hoy bata ka!
Sumama ka na sa kuya mo!" saway n'ya dito.

"Your so unfair. I was the one who saved her and not you. . So future girlfriend. .
. give me a kiss here." tinuro n'ya ang kanyang pisngi ". . . I'm waiting!"

"Like a boss!" hinalikan ko na s'ya para tumigil na s'ya, "Shoo! Alis na! Sumama ka
na kay Kuya Andrew mo!" pagtataboy ko sa kanya.

Iiling-iling na sumunod si baby boy sa utos ko. Shock pa din ako about sa kanina.
Yung ganung kalapit yung mukha n'ya sa mukha ko.

Err. . he was about to kiss me. . didn't he?

Terrence's PoV

What the hell am I doing? Ughhh! I can't memorize my lines. I'm currently reading
my script and I can't even memorize it. Suddenly, Russel sit beside me giving me a
bar of chocolate.

"Take this. . mukhang nahihirapan kang magsaulo.." said Russel. "What's the
matter?" he asked. He's my bestfriend and how can I tell him that a freak is
invading my mind. Nah, never.

"Don't mind me. May gumugulo lang sa isip ko." pagsagot ko sa kanya. His brows
furrowed, "Sino ba yan? Babae? Si Princess ba?" straightforward na tanong n'ya.

I don't wan't to answer that question. I know that he likes that freak and I can't
tell him that she's the one who is bugging my mind.

"Don't mind me. And what the hell are you talking about Russ. Bakit nasali sa
usapan si freak? Pakialam ko sa kan'ya?"

"Sila maloloko mo. . pero ako hindi."

Nah, I'd rather choose to stay like this. I know someday, that she gonna hate me
forever.. Just give me enough time to spill the truth. But for now, I'll remain
silent.

Trish's POV

"Ano ba best? Kya~! Anong ginagawa n'yo ni Terrence kanina? Wah! Omygod!" kanina pa
s'ya ganyan at nag-uumpisa na akong mainis sa paulit ulit n'yang tanong.

"Ano ba Stephanie! Wala nga kaming ginawa! We just talked.. okay?" pagpapaliwanag
ko sa kanya sa pang-sampung beses.

"Liars go to hell Trisy!" inirapan pa ako ng blonde na 'to. "Stubborn go to hell


Steph. Wag ka ngang makulit!" sita ko sa kanya. Wala naman talagang nangyari. So
why bother?

"Alam mo bagay kayo ni Terrence!!!!" hinampas ko yung kamay n'ya na nakahawak sa


braso ko.

"Oh yeah? Beauty and the Beast ang labas namin nun! Ha ha ha!" pagmamaldita ko.
Nag-frown sya, "Hard as ever!"

"I know and I am." pagsagot ko. "Kapag ikaw narinig ng mga fangirls nun! Bugbog ka
na naman!" pananakot n'ya sa akin.

"Sorry naman ah! Huwag ka kasing maingay! Psh! Daldal mo kasi!"

"Ako pa talaga noh? Ha ha! Samahan mo naman ako mamaya oh after ng class mo!" nag-
puppy eyes pa s'ya sa akin.

"Bawal ata magaganda dun? Ikaw na lang. . "


"Eh? Hard as ever talaga! Ang sama talaga ng ugali mo!!" inis na sabi n'ya sa akin.
Tinaasan ko lang s'ya ng kilay.

"Kasing sama ng ugali ko ang mukha mo bestfriend! Ha ha ha!" sinabayan ko pa 'to ng


tawa.

"Ahhhhhhh! Ewan ko sa'yo! Basta mamaya! Bye bye!" pagpapaalam n'ya.

I know I'm hard. Wala naman atang bago dun. Tsaka alam ko naman na sanay na sanay
na si Steph sa pambabara ko sa kanya. I don't intended to hurt her feelings. .  I'm
trying to pissed her off and I succeeded.

Naguguluhan pa din ako kay monster. Bakit n'ya ako tinulungan? Acting lang ba yun?
I don't know.

Instead of thinking of that awkward situation, I'd go with my crazy bestfriend


later.

Flashforward

"Tristan! Why so tagal?" I asked him. His inside the comfort room. It is 8:00
o'clock in the morning. "Ughh! This is so frustrating! Aren't you done?!" I hissed.
Ang tagal n'ya sa cr. Kanina pa ako nakabihis at naka-uniform. Maaga n'ya akong
ginising dahil daw pupuntahan namin si Mama.

Lumapit ako sa pinto ng cr at idinikit ang ulo ko. "The heck ang baho!!!" inilayo
ko kaagad ang mukha ko sa pinto ng cr.

*prrtttt... prrrtt....*

"Ohmygod! What's that sound?" I asked. Grabe! Natatawa na talaga ako ngayon, I
can't even imagine that he's on the CR and making that extraordinary scene. Tristan
The first class snob guy? Haha!

"Why so tagal?!" tanong ko na naman. Kanina pa s'ya pabalik balik sa banyo. Bumukas
ang pinto at nakita ko s'ya.

"Can't you see the obvious? You keep on asking why.. why.. it's too annoying!
Nakakairita!" nilagpasan n'ya pa ako at pumunta ng kotse n'ya. Pumasok s'ya sa loob
kaya sumunod na din ako.

"Sungit ah! Ikaw na nga hinintay eh!" depensa ko. "Ikaw kasi! Tanong ka ng tanong!"
sagot n'ya. Talagang ako ang sinisisi n'ya.
After 15 minutes, narating na din namin yung puntod ni Mama. Nilagay lang namin ni
Tristan yun flowers na pinitas ko kanina sa garden. Naka-indian sit pa ako at
ganoon rin si Tristan.

"Ma.  . sorry! Haha! Grabe, tag-tipid kami ngayon. Pumitas lang tuloy kami sa
garden. ." sabi ko. Natawa din tuloy si Tristan sa tabi ko. "Ma. . ano? Kamusta jan
sa heaven? Wala bang mall jan? Wala bang party jan? Ha ha! Joke lang po. I'm okay
Ma. . maganda pa din. Sa sobrang ganda ko po. . nanalo po ako bilang Miss CEA.
Hehe!"

"Ma. . pasaway na yung anak n'yo na yan. Lagi akong sinasagot. . ayaw gumalang sa
mas nakakatanda sa kan'ya." sabi ni Tristan. "What?!" I asked.

"Tingnan mo Ma. . tinataasan pa ako ng kilay oh. . tama po ba yan? Tss"

"Ikaw Tristan ah! Ang OA mo! Ikaw kaya ang nauuna! Ang daya mo!" protesta ko.
Nakakainis naman kasi, ako pa talaga ang pinagmukha n'yang masama.

"Mama. . habang tumatagal mas lalong nakakaasar yung mukha ni Trish. Nakakasuka
lalo. ." sabi n'ya habang nakatingin sa mga naka-engrave na pangalan ni Mama.

"Mama. . yung mukha ni Tristan mas lalong nahahawig sa mukha ng aso. ." sinmaan
n'ya ako ng tingin dahil sa sinabi ko.

"Nga pala Ma. . yung company natin. . tintulungan na tayo ni Tito Duke. He said
that kaya naman daw pong mag-progress. Kailangan lang daw po mabawi yung
pagtitiwala ng mga stock-holders ng kompanya. Yung mga major investors. They all
left Papa after you have passed away Ma.. Pero don't worry. Nandito naman kami ni
Trish. Kaya naman 'yon!"

"Right! Ha ha! Grabe Ma . . malelate na po kami. Bye! See you some other time. Next
time po. .  bibili na kami ng flowers!"

Nakarating na kami agad ng school. Expected na ang mga fangirls ng Elite5 na


nakaabang sa main gate at hinihintay ang pagdating nila. Ganyan naman talaga sila
kapag Wednesday. Alam kasi nila ang schedule nito at saulo pa. Madaling nakapagpark
si Tristan. Nagpaalam na din s'ya sa akin kasi daw ay may tatapusin daw silang
short film. Kaya ayun, kumaripas s'ya ng takbo.

Nakita ko si Calamares, remember the one who slapped me? Yung leader ng mga
warfreaks. Nakaupo s'ya sa bench pero noong nagtama ang mga mata namin ay agad
s'yang nag-iwas ng tingin. See? Kala ko ay irarapan n'ya ako.

Biglang may nagsalita at umalingawngaw sa buong school. Marami kasing speaker ang
nakakalat para mabilis makapagpakalat ng mga announcements ng schools. Gan'yan sa
G.U. Sosyal!
"Tinatawagan ang lahat para pumunta sa Field. ASAP!"

Biglang umingay ang paligid, maraming nagbubulung-bulungan. Isa na din ako sa mga
nagtataka kung bakit may ganyang announcement. Ano namang gagawin namin dun? Ang
init init kaya tapos nasa open field ka? Sinong normal na tao ang gugustuhing
mabilad sa ilalim ng haring araw? Wala!

Nagsalita ulit, "May we request that all students of Guzman University. Please
proceed to the field now."

Wala na akong nagawa kung hindi pumunta sa field. Do I have a choice? Wala naman.
Pumunta na lang ako sa field habang may kinakanta sa isip ko.

"Omz! Ang Elite5!!!" sigaw ni ate at kumaripas ng takbo. Hay nako, eto na naman ang
mga psycho fans nila.

"Nandoon daw sa field sila Fafa Kurt!" nag-spark ang mga mata n'ya at makikita mo
talaga na excited s'ya. "Oo nga sis! Andun si Dominique for sure!" sagot naman ng
kasama n'ya.

Si Kurt na may pagka-pervert. Tsaka si Dominique na silent type.

"Grabe! Ang gagwapo talaga nila as in!" kumaripas si ate ng takbo. Nakakaloka ang
mga tao ngayon, mga buang!

"Sis dala mo yung slr mo? Papicture tayo! Balita ko nandun sila Terrence tsaka yung
idol nating si Iana!" I rolled my eyes. Ew! Idol daw si monster tsaka yung babaeng
yun? Ew talaga! Yuck as in yuck!

"Bestfriend Trishy!!!" may biglang sumigaw at napalingon ako sa malakas na boses na


yun. Sino ba pa kung hindi ang baliw kong bestfriend, tumatakbo s'ya papalapit sa
akin habang ako naman ay namewang. "Umayos ka nga Steph!" sermon ko sa kanya.

"Ayy baket? Cute naman ang pagtakbo ko ah!" alam n'yo yun guys. Pabida ang takbo
n'ya. Kakainis na nakakaasar. "Cute ba yun? Nakakaasar kaya! Hindi bagay sa'yo.
Anong feeling mo damo ang tinatakbuhan mo? Semento yan best! Matigas yan!"

"Eh ano ngayon kung matigas?" tanong n'ya naman at hindi n'ya talaga na-gets ang
ipinapahiwatig ko. "You know.. may pagka-shunga ka pa naman. Tara na nga!" aya ko
sa kanya habang nakabusangot ang mukha.

"Huy Steph!" sundot ko tagiliran n'ya. Bwisit na 'to, inirapan lang ako at
sumimangot pang tuluyan, "Huy Stephanie! Nako huh? Anong akala mo bagay sa'yo yung
pagdadrama? Ew! Panget ka na nga mas lalo ka pang pumapanget! Ha ha ha!" natawa
tuloy ako sa sinabi ko.
"Ganyanan eh. ." bulong nya. "Hahahahahahahaha!" tawa ko pa.

"Tandaan mo yan Trish. Ewan ko sa'yo. Huwag mo na ako kakausapin!" sabi nya at
inirapan ako.

"Fine. Hindi naman ako mawawalan ng magandang bestfriend ikaw din hahaha!" natawa
ako ulit. Mas lalo s'yang naasar at binilisan ang lakad. Hinablot ko kaagad s'ya sa
braso, "Joke lang! Ikaw yung pinakamaganda kong bestfriend!!!"

Napalingon naman s'ya sa akin, "Talaga?" nag-nod ako. "Talagang talaga?" tanong nya
ulit. Tumango naman ako, "As in pinakamaganda talaga? Hihihi' bungisngis n'ya pa.
Nag-nod ako ulit.

"Yey! Omygod! Haha haha! Ang ganda ko talaga!" nagtatalon pa s'ya. "Muka kang
shunga jan. Lika na!" aya ko sa kanya.

Nakarating kami kaagad sa field. "Wow!" sabi ni Steph. Ako din ay namangha sa
nakikita ko, andaming tao. Punung-puno ng mga tao sa paligid, grabe naman ito. Ano
'to concert?

"Oh shiz! The warfreak is here!" sabi ni ate sa akin habang iniscan ako mula ulo
hanggang paa. "Tapos mo na ako tingnan? Ngayon lang nakakita ng mukhang tao? Oh so
sorry. .  dyosa I mean!" nag-flip ako ng hair at nilayas si Ate ng tulala dun. Ang
lakas magtaray, wala naman pa lang binatbat.

"Hoy!" tawag n'ya sa akin. Tumingin din yung mga kasamahan n'ya sa akin. "Hindi hoy
ang pangalan ko." pagtatama ko sa kanya.

"Aba't matapang nga pero ang landi. Pati idol namin nilalandi mo? Yuck!" sabi ng
babae. Si Steph naman ay hinawakan ko sa kamay kasi baka maya maya ay sumugod ito.

"Sinong idol?" tanong ko. Cool lang ako makipag-usap. I bet isa s'ya sa mga
nagkakandarapang fans ng Elite5. "Sus! Painosente ka pa Miss! Malamang yung Elite5.
Stop flirting with them!" sabi nya na ikinataas ng kilay ko. Flirting is not my
forté.

"Did you know what flirting means? Paki-inform naman ako kasi hindi ko alam ang
ibig sabihin nun. Oh I bet you know that!" ini-scan ko s'ya mula ulo hanggang paa,
"Turuan mo naman ako.. Ha ha!" nag-fake laugh pa ako.

"Ew pathetic fantard!" galit na sabi n'ya. "Social Climber!" dagdag pa ng kasama
n'ya.

"Woah! Ako fan ng Elite5? No thanks! Pakisabi nga sa idol n'yo na tigil tigilan
ako. Pati ako dinadamay n'yo sa kahibangan nyo. Hayaan mo next time . . isasama
kita para maging VIP ka naman!" nilayan ko s'ya. Hindi ko na papatulan ang mga
pinagsasabi n'ya.
Dahil una pa lang, walang katotohanan ang pinagsasabi nila. Aanhin ko naman ang
kasikatan nila, ikakaganda at ikakatalino ko ba yun? Ikakayaman ko ba? Hindi ko
hinangad maging friends ang mga kumag na yun. Pero I realize that hindi naman sila
mahirap pakisamahan. They had different personality naman. Kailangan mo lang talaga
na kilalanin sila. It's been three months na since nung magkakilala kami.
Nakakainis sila kasi nadamay ang tahimik kong buhay. What if? Hindi ko sila
nakilala, ano na kaya ang magiging story ng buhay ko.

"Hindi mo man lang ako pinagsalita . . *pout* Kaasar ka Trishy!" daing ni Steph.
Ngitian ko naman s'ya, "Ayaw kitang madamay Steph. ." sabi ko naman kaya napangiti
s'ya. Inirapan ko na lang s'ya. Minsan lang ako maging sweet.

"Trish Lua . ." may babaeng nagsasalita sa mic. Nakita ko kaagad yung isang babae
na nasa stage, "I'm sorry.." dagdag n'ya.

Really? Tinotoo nya talaga? "I'm so sorry. . kung naasan ka man. Please do accept
my apology. Students of Guzman University. . ako po ang unang nanakit. Ang kumalat
na video ay totoo. Pero ako po ang nauna kaya gumanti lang si Trish. I'm so
sorry. . " hindi ko alam ang reaction. Nakalapit na pala ako malapit sa stage, "I'm
so sorry.." this time ay unti unti s'yang lumuhod. Pero napigilan ko s'ya. She was
about to kneel down and for her sake, I stop her.

"Iana, don't do this. . okay na! Wag ka nang lumuhod! Huwag mo na ipahiya ang
sarili mo!" sabi ko sa kanya. Kami lang sa stage ang nakakarinig ng pinag-uusapan
namin. Sumingit naman si monster sa usapan namin, "Ano bang ginagawa mo freak?!
Hindi ba ito ang gusto mo? Let her pay!!" inis na sabi ni monster.

Napataas naman ang kilay ko sa kanya, "Hindi lahat nadadaan sa ganito. Nag-sorry na
s'ya and that's enough!".

"Fine fine!" sabi n'ya.

"Hi girls!" sabi naman ni Carl kaya natuon ang atensyon sa kanya. May maitutulong
din pala ang kumag na 'to. "Gusto nyo bang kantahan ko kayo? Haha!"

"Yes naman Fafa Carl!" sagot ng audience.

"Kyaaahhh! Haharanahan ako ni Carl!" sigaw ng babae. Aish!

"Apology accepted!" sabi ko na lang. Ayaw ko naman din kasi mamahiya ng tao, hindi
nya na kailangang lumuhod sa maraming tao para mapatunayan na sincere talaga s'ya.
Nasa backstage na kami, tanging si monster, Liam, Iana at ako lang ang nandito.

"B-bakit mo ginagawa 'to?" tanong ni Iana.


"Hindi naman kasi ako kasing sama mo.." simpeng sagot ko sa kanya.

=================

Chapter 32 - Uyy!

Chapter 32 - Uyyy!

"I got to go. Hindi ko kailangan mag-hingi ng thank you sa'yo. I'd rather be like
this, hindi ko kasalanan kung pinatigil mo ako sa sasabihin at gagawin ko." saad ni
Iana.

Napatingin lang ako sa kan'ya. Maging si monster at Liam ay napatingin lang sa


babaeng yun habang papalayo. I can't believe this.

"Ganun ba talaga yun?" tanong ni Liam. Napatango na lang ako, "I see. . diba pre.."
tumingi s'ya kay monster na kasalukuyang nanahimik, ". . diba s'ya yung kapartner
mo sa shoot natin dati?"

This time napatingin ako kay monster, "I don't know. Masyado akong pogi.."

"Anong konek? Pakiexplain.."

"Labyu!" dagdag ni Liam. Napa-angat tuloy ang kilay ko at napatingin sa kan'ya.


"Tse!" sigaw ko at tuluyan na akong nag-walk out. Kakaasar! Baka mag-blush ako ng
tuluyan sa kagagawan n'ya.

Kinabukasan. . 

Pumasok ako sa school ng wala gaanong inaalala. Walang mga psycho fans ang
mangugulo sa akin. Nakakamiss din pala ang ganitong feeling. Yung naglalakad ka sa
hallway ng walang inaalala, yung natural lang na estudyante. Yung sadyang maganda
ka lang kaya sila napapalingon. 

"Congrats Trish!" bati sa akin ng babaeng nakasalubong ko. Nginitian ko lang s'ya,
baka naman kasi sabihan n'ya na masyado akong nagmamataas. Napaisip din ako, ngayon
lang nila ako kino-congrats after all what happened. Nanalo ako sa pageant kaso
kinabukasan muntik na masira ang image ko. Samu't sari pang pagbati ang natatanggap
ko hanggang makarating ako ng room. 

"Hi! Trish!" bati sa akin ni Letlet. "Problema?" tanong ko kaagad. Mas lumapad
naman ang ngiti n'ya sa tanong ko. Minsan kasi baliw at sadyang baliw lang talaga
yung babaeng 'to. May sayad na ata. 

"Problema agad? Hindi ba pwede? I'm so happy for you lang? Haha!" tumawa pa s'ya.
Pumunta s'ya sa harapan ko at makikipagkwentuhan pa ata 'to. 

"Anong meron?" tanong ko sa kanya. "Hindi mo ba alam? Ikaw ang main topic ng mga
tsismis sa G.U ngayon! Emeghed!" nagpaypay pa s'ya gamit ang kamay n'ya. 
"Anong ako? Paanong ako at bakit ako?" sunod sunod na tanong ko. Tinaasan n'ya ako
ng kilay, "Syempre! Kakakilig kaya ang ginawa ng Elite5 sa'yo kahapon! Hihihi!
Tapos yung babaitang Iana na yun! Nako! May paiyak iyak pang nalalaman . .pero good
to know, lumabas na din ang katotohanan.." 

Napatango na lang ako, yun lang naman pala. Akala ko kung ano na, "Wait! Meron pa!"
sabi n'ya. "Ano na naman?!" tanong ko.  

"Congrats! Hi hi! Bye bye!" nagpaalam na s'ya. Yun na yun? 

Dumating na din ang mga feeling hari sa block namin. Nag-hysterical na ang mga
kaklase kong babae. Sino pa ba ang expected na dadating? Elite5.

Sinalubong kaagad sila ng mga tilian, malakas talaga ang radar ko kapag padating na
sila. Ikaw ba naman makakita ng mga nahihimatay sa daan. Ng mga babaeng wagas kung
makatili, mga flash ng camera. Ay ewan! Ewan ko ba kung bakit ganoon sila kagustong
makita ang Elite5. Hindi nga ako nagagwapuhan sa kanila. Chos!

"Master Trishy!" tawag sa akin ni Carlito. Yayakap sana s'ya sa akin kaso hinablot
ni monster yung back part ng sweater n'ya. "Oh terrence? Why?" tanong n'ya dito. 

"Why your face. Layas!" akala mo kung sinong hari. Tumabi s'ya kaagad sa akin.
"Tabi tayo Master!" sabat naman ni Carl. Sinamaan lang s'ya ng tingin ni Terrence.
"Tatahimik ka o isusubo ko sa'yo yung kamao ko?" 

"Pre, hindi lahat ng sinusubo masarap . . yung iba galit!" banat naman ni Kurt.
Nanlaki ang mga mata naming lahat at napatingin sa kan'ya, "Joke lang! Hahaha!"
tawa n'ya. Seriously? Anong ibig sabihin n'ya doon? 
"Kj! Ikaw ba si Trish?! Hindi naman ah!" protesta ni Carl. "Slave ko s'ya so shut
up!" sagot ni Terrence. "Hoy kayong dalawa! Kung hindi kayo mananahimik. Lumayas
kayo sa tabi ko!" dagdag ko. 

"Umagang umaga ang sungit mo. . smile naman jan!" singit ni Liam. Wah! Si Liam pala
ay nandito! Ngayon ko lang s'ya napansin kasi naman nauna pa akong mabwisit! "K."
tipid na sagot ko at ngitian s'ya.

"Good! Much better!" sabi nya at umupo na sa left side ko. 

Naging smooth ang discussion. As usual, inutusan na naman ako magsulat ni monster
ng notes n'ya. Hindi na naman ako nakakinig ng maayos sa prof, kainis naman kasi.
Kanina n'ya pa ako kinukulit. Ay hindi pala! Kanina nya pa ako binubwisit!

Excited na ako sa sinabi ni Prof, kaso hindi ko din ata mai-eenjoy yun kasi naman
kasama na naman ang Elite5? What the heck. 

Nung uwian na, dumiretso ako kaagad sa tinext na place ni Cloud. Namiss ko din
gawin yung bagay na 'to. Kung paano ko talunin ang mga mayayabang na lalaki na 'to.
Nakita ko kaagad s'ya na nakasandal sa pinto ng kotse n'ya. 

"What's up Trish?" tanong nya kaagad sa akin. "As usual, maganda pa din." sagot ko
sa kanya. Lumapit si Cloud sa akin at akmang guguluhin ang buhok ko. 

"I miss that . . sungit pa din!" puna n'ya sa akin. "Balita?" tanong ko. 
"Puro weak ang kalaban. Wala akong makalaban na magaling. Kaya nga nakakamiss kang
kalaban eh." ngumiti pa s'ya sa akin. Isa s'yang flirt. Asa!

"Oh ganun ba? Nakakamiss ka ding talunin eh!" pang-iinis ko. He smirked, "Mayabang
as always . ." 

"May ipagmamayabang Cloud. Masanay ka na.. Oh bakit mo nga pala ako pinapunta dito?
Malaki ba ang pusta?" tanong ko kaagad sa kanya. Lumawak ang ngiti n'ya sa akin. 

"Oo naman. Baka naman nasundan ka ng kakambal mong si Tristan? Sure ka bang walang
nakasunod sa'yo?" tanong n'ya. Si Tristan kasi ang nakahuli sa akin nung last na
race ko, pinagbawalan n'ya ako at sinumbong kay Papa. Wala eh, concerned daw s'ya
sa akin. Baka daw mapahamak ako sa ginagawa ko. Pero sadyang makulit at matigas ag
ulo ko kaya nandito ako ngayon. 

"Wala naman siguro. Ikaw lang ba ang kalaban?" tanong ko sa kanya. Tumango naman
s'ya, "Kung gusto mo isali natin si Air. ." suggestion n'ya. Ah si Air, isa s'ya sa
magagaling na racer. Kumbaga ang mga malalakas lang dito ay si Cloud, Air at ako.
Kaso babae daw ako, kaya bawal daw. Kailan pa ba pinagbawal yun? Porke't babae
mahina kaagad? No way! 

"Sure! Matatalo naman din  kayo eh! Ano pusta mo?" tanong ko sa kanya. Ngumisi
naman s'ya. 

"Yung Porsche 911 Carrera, latest model. Ano call?" tanong n'ya. Napasmile ako
grabe, ang mahal nun at ang astig nun. "Eh ikaw anong pusta mo? Balita ko gipit
kayo sa pera ngayon? So anong ipupusta mo?" tanong n'ya. 
"I don't know. Ano ba gusto mo?" tanong ko sa kanya. I can play game better than
you. 

"Be my girlfriend." sabi n'ya ng diretso. 

"Fvck! What the hell you are doing?!!" may biglang sumigaw at nakita ko si monster
na nagbabaga ang tingin sa aming dalawa, "Hoy freak! Anong ginagawa mo?!" sigaw
n'ya sa akin. 

"Oh si Terrence Sy ka diba?" tanong ni Cloud sa kanya. 

"Oo,  baket papa-autograph ka? Bukas na lang.." sagot ni monster sa kanya. Hinigit
n'ya ang mga braso ko at sapilitan na isinakay sa kotse n'ya. 

"ANO BANG PROBLEMA MO?!" sigaw ko sa kanya. Nakakafrustrate naman eh, bakit kaya
sumusulpot s'ya ng bigla bigla. "NAPAKA-EPAL MO!" sigaw ko sa kanya. Nagpatuloy
lang s'ya sa pagdrive. 

"P-PWEDE BA! HANGGANG NAKAKAPAGTIMPI AKO SA'YO. MANAHIMIK KA MUNA FREAK.." sunod
sunod na malalim na hininga ang pinakawalan n'ya. 

"IHINTO MO NGA 'TO!!!" tuloy tuloy pa din s'ya sa pagdrive. Sa sobrang inis ko
nasuntok ko s'ya sa braso at nasigawan, "ANO BA MONSTER?! IHINTO MO!!!!"

"FVCK! TRISH! ANO BANG PUMASOK SA KOKOTE MO AT GINAWA MO YUN?! TANGINA NAMAN! WAG
KA NAMANG SELFISH! MAY MGA TAONG NAGMAMAHAL AT NAG-AALALA SAYO!!" 
Natahimik ako at nagulat na din sa pagsigaw n'ya. Ganun na ba talaga ako kasama?
Hindi ko na 'sya kinibo buong b'yahe. Lutang pa din ang isip ko. Nag-flashback sa
memorya ko ang sinabi ni Prof kanina. 

"We're going to an isolated island in the south. Of course, lahat ay sasama." 

May mga taong nagmamahal at nag-aalala sa'yo... 

May mga taong nagmamahal at nag-aalala sa'yo...

May mga taong nagmamahal at nag-aalala sa'yo... 

Hindi ko na s'ya muling inimik hanggang makarating kami sa gate ng subdivision.


Nakakainis ka monster. Inis kong isinara ang pinto ng kotse n'ya. Naiiyak ata ako
sa sinabi at pagsigaw n'ya. Pero bakit?

"Freak.." nagulat ako ng magsalita s'ya. Hindi ko na s'ya nilingon, "Huwag mong
masamain ang sinabi ko. Kasi a-ano.. nag-aa -- wala! Shit!" inis n'yang pinaharurot
ang kotse n'ya. Ang labo n'ya talaga. . 

=================

Chapter 33 - Wtf
Chapter 33 - Wtf!

Terrence's PoV

"What's up Trish?" tanong ng isang singkit na lalaki. "As usual, maganda pa din."
naman sa kanya ni freak. Kahit kailangan talaga ay napakayabang ng babae na 'to.
Anong akala n'ya sa sarili n'ya, s'ya ang pinakamaganda. Yuck!

Kung nagtataka kayo kung bakit ko nakikita 'to ngayon, nahagip kasi s'ya ng mata ko
noong nagdadrive ako punta sa next location ng shoot namin. Kaso eto nga, sumakit
ang mata ko noong nahagip ng mata ko si freak at may kausap na lalaki. Hindi ako
nagseselos, yuck. Wala ata sa bokublaryo ko yung salitang yun. Nanitili lang ako sa
likod ng mga halaman, sakto lang para marinig ko silang dalawa. 

"I miss that . . sungit pa din!" sabi naman ng singkit na hilaw na lalaki na yun.
Nakuha pa talagang hindi mag-sungit ni freak sa kanya. Kinamusta n'ya pa 'to. 

"Puro weak ang kalaban. Wala akong makalaban na magaling. Kaya nga nakakamiss kang
kalaban eh." ngumiti pa si singkit sa kanya. Anong laban? Naguguluhan ako sa pinag-
uusapan nilang dalawa. Ano bang pinagsasabi nito? Gusto ko mang umalis ngayon pero,
parang ayaw gumalaw ng paa ko. 

"Oh ganun ba? Nakakamiss ka ding talunin eh!" sagot naman ni freak. Kung ano man
ang tinutukoy nilang laban for sure ay hindi maganda yun. 

"May ipagmamayabang Cloud. Masanay ka na.. Oh bakit mo nga pala ako pinapunta dito?
Malaki ba ang pusta?" tanong sa kany ni freak. Naglalaro sa panget n'yang mukha ang
mga demonyong ngiti. Anong pusta? Bakit may pustahan na magaganap? Cloud pa la ang
pangalan ng singkit na yun. Ang pangit! 
"Oo naman. Baka naman nasundan ka ng kakambal mong si Tristan? Sure ka bang walang
nakasunod sa'yo?" tanong ni singkit kay freak. Bakit naman nasama yung kapatid
n'yang pinaglihi sa sama ng loob. Bakit bawal s'yang sundan? Maraming naglalaro na
tanong sa isip ko. 

"Wala naman siguro. Ikaw lang ba ang kalaban?" tanong ni freak kay singkit, tumango
lang yung pangit na 'to. "Kung gusto mo isali natin si Air. ." sinong Air? Bakit
ang weird ng mga pangalan nila? Siguro isa din yun sa mga pangit na kasamahan nila.
Hahaha!

"Sure! Matatalo naman din  kayo eh! Ano pusta mo?" mayabang na pahayag ni freak kay
singkit. Mukhang drag racing ata yung pinag-uusapa nila. Drag racing lang pala e--
ANO? Drag Racing? Alam ba nila na pinagbabawal yung ganoong klase ng laro? Pasaway
ka talagang freak ka! Humanda ka sa akin!

"Yung Porsche 911 Carrera, latest model. Ano call?" sagot ni singkit sa kanya. "Eh
ikaw anong pusta mo? Balita ko gipit kayo sa pera ngayon? So anong ipupusta mo?"
pahayag ni singkit kay freak. Medyo mayabang din pala ang isang 'to. Akala mo kung
sinong mayaman at kung sinong gwapo. Yuck!

"I don't know. Ano ba gusto mo?" tanong ni freak sa kanya.. 

"Be my girlfriend." sabi ni singkit. Sus! Girlfriend lang pala e-- WHAT?!
Girlfriend?! 

Sa sobrang gulat ko, hindi ko namalayan na nakalabas na pala ako sa pinagtataguan


ko at pumunta na sa lugar kung saan nag-uusap ang mga panget na nilalang, "Fvck!
What the hell you are doing?!! Hoy freak! Anong ginagawa mo?!" sigaw ko sa kanya. 

"Oh si Terrence Sy ka diba?" tanong sa'kin ni singkit. Pwes! Kilala nya pala ako,
natural sikat ako eh. 
"Oo,  baket papa-autograph ka? Bukas na lang.." balewala kong sagot sa kanya. Anong
akala mo sa akin? Mukang nainis s'ya sa pahayag ko. Hinigit ko si freak at isinakay
ko sa kotse. Bahala na s'ya kung masaktan s'ya. Wala akong pakialam!

"ANO BANG PROBLEMA MO?!" sigaw nya sa loob ng kotse. Inistart ko ang kotse at
tinapakan ang gas. Wala akong balak na sagutin ang katanungan n'ya, pasaway talaga
s'ya.  "NAPAKA-EPAL MO!" sigaw n'ya pa. Wala akong naririnig. 

"P-PWEDE BA! HANGGANG NAKAKAPAGTIMPI AKO SA'YO. MANAHIMIK KA MUNA FREAK.." sunod
sunod na malalim na hininga ang pinakawalan ko. Baka kasi kung anong magawa ko sa
kanya. Kaya naman napahigpit ang kapit ko sa manibela. 

"IHINTO MO NGA 'TO!!!" sigaw na naman n'ya. Ngunit, nagpatuloy lang ako sa
pagdadrive. Hindi ba s'ya pwedeng tumahimik, nakakabdtrip ang bunganga n'ya, "ANO
BA MONSTER?! IHINTO MO!!!!" sinuntok nya ako sa braso ko. Hindi naman ganoong
kalakas. Inis na hinarap ko s'ya sabay apak sa brake ng kotse ko. Buti na lang at
nakaseatbelt kami. 

"FVCK! TRISH! ANO BANG PUMASOK SA KOKOTE MO AT GINAWA MO YUN?! TANGINA NAMAN! WAG
KA NAMANG SELFISH! MAY MGA TAONG NAGMAMAHAL AT NAG-AALALA SAYO!!" 

Huli na ng marealize ko ang mga sinabi ko. Ako ba talaga yun? Natahimik s'ya buong
b'yahe dahilsa pagsigaw ko. Mas mabuti pa nga na tahimik s'ya at hindi
nagsasalita. 

Nakarating kami kaagad sa harap ng village nila. Inis n'yang isinara ang pinto.
"Freak.." tawag ko sa kanya. Ngunit hindi nya ako nilingo, "Huwag mong masamain ang
sinabi ko. Kasi a-ano.. nag-aa -- wala! Shit!" darn! Bakit kung ano ano ang
lumalabas sa bibig ko. 
Kailangan ko lang talagang protektahan s'ya. Sa paraang 'to, makakabawi ako sa laki
ng kasalanan na nagawa sa kanya. 

Carl's PoV

Nasabi nga sa amin ni Prof na magkakaroon ng parang outing somewhere in the south
pero nangangamba ako sa isang dahilan, baka hindi pumayag si Tito Mike.

Kasama ko ngayon sila Russel, Kurt, at Dominique. Hindi ko alam kung nasaan si
Terrence, bahala na s'ya. Papunta kami ngayon sa mansion nila Terrence. Nandoon
kasi yung Papa nya. Balak naming kausapin si Tito, itatanong namin kung okay lang
ba na sumama kami sa outing.

Maggagabi na din noong makarating kami nakita namin kaagad si Tita Andrea, mom ni
Terrence.

"Tita!" tawag naming lahat. Agad kaming sinalubong ni Tita at nakipagbeso beso
kaming apat.

"Napadalaw kayo mga boys?" cool na sabi ni Tita Andrea. Mabait yung mom ni
Terrence, bagets na bagets at para na namin s'yang second mom.

"We're going to talk to Tito Mike." casual na sabi ko. Umi-english na pala ako.
Haha! Nag-iimprove. Napatango na lang si Tita, "I'm going to call him. Wait here..
dito na rin kayo mag-dinner.." paalam ni Tita sa amin at umakyat na sa second floor
ng mansion nila.
"Sa tingin mo papayagan kaya tayo?" tanong ko kay Kurt. Nag-shrug lang s'ya.
"Tiwala lang!" tipid na sagot n'ya. Kahit kailan talaga, napaka-positive thinker ng
mokong na 'to.

"Sabi mo yan ah!" sabi ko at sinuntok ko ang braso n'ya. "Makasuntok ka Carlito ah?
Feeling close" depensa ni Kurt.

"Sa tingin ko .  . baka hindi tayo payagan.." singit ni Dominique. "Hoy ikaw
Dominique! Minsan ka na nga lang magsalita ang pessimistic mo pa!" galit na sabi I
Kurt sa kanya.

"I'm just telling the truth. Ayaw kong mag expect. Hectic ang schedule natin mga
bro!" sabi n'ya na naman. Napatango na lang ako, tama nga naman s'ya. Baka nga
hindi kami payagan.

"Kuya Russel!!!" may isang batang bubwit ang tumatakbo papalapit sa amin. Sino pa
ba? Si Stefan.

"Stefan!" sabay nag fist to fist silang dalawa. Edi sila na close!

"Tayo namang dalawa.." singit ni Kurt at itinaas ang kamay para makipag-high-five.
Tiningnan lang ni Stefan ang kamay nito, "We're not close.."

"Hahahahahahahahahahaha!" tawa naming tatlo. "Pahiya!" tawa pa din ako ng tawa. Ang
epic lang talaga ng mukha ni Kurt eh.
"Ikaw na bata ka ah! Ikaw pa talaga ang namahiya sa akin ah! Nako ahhh.. kapag ako
napikon... banta ni Kurt sa kanya. Tinaasan lang s'ya ni Stefan ng kamao, hahahaha!
Nakakatawa lang. 

"What are you doing here?" tanong ng bata sa amin. Sumagot naman sa kanya si
Russel, ang pinakaclose sa kanya. "We're going to talk to your dad." casual na
sagot nito. Napatango naman ang bata sa kanya. Buti na lang at hindi na nagtanong
ng sunod sunod. Ganyan yung kapatid ni Terrence eh, masyadong matanong. Lahat
uungkatin.  

"Alright. Where's Andwu?" tanong ni bubwit sa amin. Napatingin naman kami kay Tita
na nasa likod na pala ni Stefan. Patay kang bata ka! 

"Stefan! Call him KUYA Andrew!" sermon ni Tita sa kanya. "Eh? But you don't call
him kuya.." paliwanag naman nito. Mahahigh blood ata si Tita sa kanya. 

"Because I'm older than him. Call him Kuya. Don't be so stubborn. Go get back to
your room. May pag-uusapan lang kami ng mga kuya mo.." sabay inituro kami ni Tita.
Inis na sumunod naman si Stefan. "Napakakulit talaga ng bata na yun. Hindi man lang
natatakot sa amin.." hinaing ni Tita.

"Oo nga po Tita Andrea.. masyadong matalas po.." pagsang-ayon ko. "I don't know to
my son kung bakit ganoon s'ya." sabi naman ni Tita. Nakita na namin si Tito Mike.
Nakatingin lang s'ya sa amin. 

"Bakit kayo nandito?" straight forward na tanong nya. Itinulak ko si Kurt, bahala
na s'ya na magpaliwanag. "Ah ano po kasi.. ano..uhmm.." sabi ni Kurt. Seriously?
Ayun lang ang kaya nyang sabihin. Si Russel naman ay hindi din makapagsalita. 
Sinenyasan ko si Russel na s'ya na ang magpaliwanag kaso ayaw n'ya din kumilos,
"Ano kasi T-tito.. ano po.." seriously? S'ya din ay hindi makapagsalita ng maayos? 

Nakakatakot kasi ang aura ni Tito ngayon eh, parang mangangain ng buhay. Parang bad
mood ata, mas maganda ata kung hindi na kami sasama. Mukhang hindi naman ata kami
papayagan eh. Huwag na lang ata kami sumama? Pero hindi eh! Kasama for sure si
Master sa outing! Kaya dapat sumama kami! 

"Pinagloloko n'yo ba ko?" tanong ni Tito sa amin. Sabay sabay kaming umiling. "So
ano nga?" tanong nya ulit. Kahit kailan talaga si Tito Mike, napakaserious. 

"We're required to go on an outing slash field trip. Can we go with our classmate?"
tanong kaagad ni Dominique. Battle of the serious 'to. Nakatingin lang sa kanya si
Tito Mike, kami naman ay shock pa din kasi si Dominique ang magpapaalam. 

"No. You can't go." bigla na lang na-drain ang energy namin. Bumagsak bigla ang
balikat ko sa narinig ko. Hays. Sabi na eh. 

Bumukas yung pinto at nakita naman si Stefan. "Dad? What's going on?" tanong nya
kay Daddy nya. Hindi ba natatakot yung bata na 'to sa daddy nya? "You don't belong
here. You can't understand.." sagot ni Tito. 

Kumunot naman ang noo ni Stefan, "I can understand. What do you think of me?
Idiot?" nanlaki ang mata namin ng marinig namin yun sa isang five years old na
bata. "Stefan!" sita ni Tita sa kanya. 

"Mom. . I can't understand why adults like you can't allow me to enter a
conversation like that. Despite the fact that I can understand the situation?" 
"Because your to innocent for that. . " 

"Ugh! I can't get it Mom.." sabi ni Stefan. "I don't allow them to join to their
school outing." sabi ni Tito. Napalingon sa kanya si Stefan na nakasalubong ang
kilay "But why dad? Why you didn't allow them?"

"Because they will have their recording and so on.." paliwanag ni Tito sa kanya.
Napatango na lang kami, tama nga naman. Marami pa kaming maiiwan na trabaho. Ang
hirap talaga mag-artista.  "Can you just allow them? Look at their face dad.. it so
gross and epic.." inituro pa kami ng bata na 'to. 

"Hahahahahahahaha!" tawa pa ni bubwit, "Look dad! Allow them to join . . or else?"


sabi ni Stefan sabay ngumiti ng nakakaloko. 

"Or else? Do you think I will bite that bait?" tanong ng daddy nya. "Of course you
will!" sagot ni Stefan. 

"And what is that?" tanong ni Tito. Nakamasid lang kami sa son and father talk na
'to. Maging si Tita ay nakatingin lang sa mag-ama n'ya. Hindi ko alam kung matutuwa
ako kasi tinitulungan kami ng isang bata. Kaming mga poging binata ay hindi
naconvince si Tito, tapos yung anak nyang fiver years old? Aw!

"I won't go to school if you wouldn't allow them. I won't eat. I'll burn this
house." 

"WHAT?" tanong namin sa kanya. Tumango tango lang s'ya.


"I'm serious dad. You know, I'm don't like to kid.." Para namang natauhan si Tito
Mike sa pananakot ng anak nya. Grabeng bata 'to. "So I guess, dad agreed. Good
luck!" paaalam n'ya sa amin. At dahil doon, pinayagan kami ni Tito Mike. May
maitutulong din pala ang bubwit ni kapatid ni Terrence.  

=================

Chapter 34 - Bar

Chapter 34 — Bar

Kurt's PoV

Tagal ko ng hindi nakakapambabae. Nakakamiss din pala yung feeling na 'yun. Wahaha!

Oh yes!!! Kasama na kami sa outing! For sure marami na namang chickababes dun!
Panalo! Maraming magbibikini! Maraming legs! Maraming boo—

. . . boots! Tama si boots! Yung kaibigan ni dora? Diba nga isolated place yun?
Hahaha! Mga pag-iisip n'yo.

Kasama ko na naman si Dominique. Wala eh, s'ya lang ang game dito. Bar/Clubbing.

Nagtataka kayo kung anong klaseng bar. The usual bar, people getting wild, lovers
making out, loud music. This is not a typical bar, it's exclusively for rich and
famous person. Kaya okay lang kahit magpunta kami dito. Nandito naman din ang mga
katrabaho namin sa showbiz. Most of them are here.
Naka-tambay lang kami ni Dominique sa harap ng counter. Naka-upo kaming pareho sa
isang high stool chair.

"Two shots of tequilla!" utos ko sa bartender. Sinunod n'ya naman kaagad. Inabot
n'ya sa akin. Inabot ko ang isang shot glass kay Dominique.

Inistraight n'ya kaagad. Hindi nya man lang ginamit ang lemon o asin. "Tsk.. hinay
hinay lang bro." sita ko sa kan'ya. Inis lang s'yang tiningnan ako.

"Hi Kurt!" may bumati sa akin na isang chikababes. Tinap ko naman ang lap ko,
binibigyan ko s'ya ng signal para umupo. Ginawa n'ya naman kaagad. "Hi babe." bati
ko sa kanya.

"Miss me babe?" tanong n'ya. Sabay halik sa leeg ko, "Of course Ana." lumakbay
naman ang kamay ko papunta sa hita n'ya.

"Babe.. I'm not Ana. I'm Angielyn.." naku patay. Sino ba kasi yung babaeng nasa
kandungan ko. "Oh I'm sorry babe. You look sexy.." nag-blow ako ng hangin sa batok
n'ya na ikinaliti n'ya.

"Hihihi! Ano ba babe! Naman ehhh! Nakikiliti ako hahaha!" tawa n'ya pa. Wala
talagang makakatagal sa charm ko. Patuloy pa din sa paglakbay ang kamay ko sa mga
parte ng katawan n'ya.

"Hihihihihihi stop it b-babe. hahahahaha!" patuloy pa din ako sa paghimas ng braso


n'ya. "Do you want the next level?" nag-wink pa s'ya sa akin. Magsasalita na lang
ako ng biglang, may sumampal sa babaeng nakakandong sa akin.

"How dare you b-tch! How dare you to sit on the lap of my husband?!" nakita ko ang
nagbabagang tingin n'ya sa akin.

"H-husband? Miss, nagpapatawa ka ba? Kung oo, tatawa na ko. Hahahahahahahaha!"


tumawa pa si Annielyn? Ana? Annabel?

"Stop it babe. Isa lang yan sa mga psycho fans ko." pahayag ko. Inis na tiningnan
ako ng babaeng nasa harap ko.

"Ah ganon?!!" sabi n'ya pa. Pinapatay n'ya na ako saisip n'ya panigurado.

"How pathetic girl ah! Ang kapal din pala ng mukha mo mag-assume. At talagang kay
Kurt Silva pa noh?! In your dreams! Bawasan ang kakakape!" kinuha ni Annabel ba? o
Ana yung tequilla ko at sinaboy sa babae.

"Damn you Kurt!" Pumagitna sa amin si Dominique, hinila n'ya si Eunice, yup. Kilala
ko s'ya at talagang kilala ko s'ya. Napahinga naman ako ng maluwag, gara ng babaeng
yun. Napakadaldal. Gusto pang sirain ang pangalan ko at mag-eskandalo pa.

Sinamaan ako ng tingin ni Dominique at ni Eunice habang papaalis. Sige lang, iwanan
n'yo ko at least mag-eenjoy ako.

"Ayos ka lang ba babe?" tanong ko sa babaeng kaharap ko. Marami na din kasing
nakatingon at nakaagaw talaga ng atensyon yung ginawa ni Eunice .
"Oo naman babe. Wait lang babe. Got to go.." pagpapaalam ko sa kan'ya.

"Ang aga naman babe.." malungkot na sabi n'ya. Mabilis ko s'yang kiniss sa pisngi
at kumaripas ng takbo.

Kailangan ko pang masundan yung babaeng eskandalosa na yun.

Nakita ko kaagad na pinasakay ni Dominique si Eunice sa sasakyan ko. Namataan naman


nila ako. Mabilis na pumasok yung dalawa sa back seat. Ako pa talaga ang gagawin
nilang driver?

"Hoy Dominique! Ikaw mag drive!" utos ko sa kanya.. "Mag-uusap pa kami nito."
tinuro ko si Eunice na kasalukuyang nakayuko. Hindi n'ya ako madadaan sa paganyan-
ganyan n'ya.

Sinunod naman ako ni Dominique. Agad s'yang pumunta sa driver's seat.

Pagkapasok ko pa lang ng kotse ay nag-iwas na ng tingin si Eunice sa akin.


Ipinaling n'ya ang kanyang ulo sa tabi ng bintana.

"Look at what you did! Wala ka talagang pinipiling lugar para mag-eskandalo!!"
singhal ko sa kanya. Tumingin naman kaagad s'ya sa akin.
"So ako pa ngayon ang mali huh?! Ikaw ang umayos at hindi ako!" sigaw n'ya din.
Inis na naiyukom ko ang palad ko.

"Sinisisi mo ba ako?!" tanong ko sa kanya.

"OO IKAW NAMAN TALAGA ANG MAY KASALANAN KURT! ANG LANDI LANDI MO!" nagpantig ang
tenga ko sa narinig ko.

Kinuha ko ang braso n'ya. "A-aray naman K-kurt! Nasasaktan ako.." daing n'ya pa.

"Oy pre. ." tiningnan ni Dominique ang mahigpit kong pagkakahawak sa braso Eunice.
Binitawan ko tuloy.

Nakarating kami kaagad sa harap ng bahay ko. Tama kayo, bahay. May sarili na akong
bahay.

Tinulak ko si Eunice papalabas ng kotse. "Pre ikaw muna bahala sa sasakyan ko.
Balik mo na lang bukas.." tinanguan lang ako ni Dominique.

Hinintay kong makaalis si Dominique. Hinintay kong mawala s'ya sa paningin ko.

Tiningnan ko si Kurty sa tabi ko. Pero f-uck walan na s'ya.


Naglakad ako ng mabilis papasok sa loob ng bahay. Nakita ko s'ya na paakyat ng
hagdan. At talagang nagmamadali pa s'ya talaga sa paglakad.

Nahablot ko s'ya sa damit n'ya.

"Balak mo ba akong ilaglag Kurt?! Let me go!" tinatapik n'ya pa ang kamay ko na
nakahawak sa laylayan ng damit n'ya.

"Hindi pa tayo tapos mag-usap." madiin kong sabi.

"Ano na naman ba Kurt?! Ako na naman ba ang mali?!" inis na tanong n'ya

"OO IKAW! MASYADO KA KASING PAKELAMERA! DAMN EUNICE! WHAT THE HELL IS WRONG WITH
YOU?!" sigaw ko sa kanya.

"ME?!" tinuro n'ya pa ang sarili n'ya.

"AKO PA TALAGA ANG SINISISI MO NOH?! ANG KAPAL MO GRABE. IKAW NGA ANG
NAKIKIPAGLANDIAN JAN! SH*T KURT! ANG SAYA SAYA TALAGANG MAKITA NA ANG ASAWA KO AY
NAKIKIPAGLANDIAN! MAHIYA KA NAMAN!"

"ASAWA HUH?! SA PAPEL LANG TAYO KASAL EUNICE!! KAYA HUWAG KANG UMAKTONG PARANG
TOTOO JAN!"
"Sige, 'yan pala ang gusto mo. Pagbibigyan kita. Kaya ikaw.  . huwag mo na din ako
papakelaman sa buhay ko. Tandaan mo yan. ."

The next thing I see, umakyat na s'ya papunta sa kwarto n'ya. Inis na napasabunot
ako sa buhok ko. Hindi ko talaga kayang tagalan ang ugali n'ya. 

=================

Chapter 35 - Huli Ka!

Ptngna, lalaki yung author! May magcoment pa jan na 'miss', babanatan ko. Magaling
lang ako gumawa ng PoV ng babae. Immune na, sa tagal ko ba naman sa watty. Kaka-1yr
ko lang. Hahaha!

Chapter 35 — Huli Ka! 

"Pa! Alis na ko!" paalam ko kay Papa. Naka-impake na lahat ng damit ko. Sapat na
damit lang ang dinala ko. Baka kasi masabihan ako na masyado akong prepared.

Konting sunblock, shampoo, conditioner, face powder at kung anu ano pa. S'yempre
may anti-mosquito, may alcohol at hand sanitizer din. Baka kasi maraming
nakakadiring bagay dun. Kailangan maging ma-ingat.

Today is our outing with the wholesection. Ang saya diba? Kaso may mga panira na
naman, nandoon na naman yung Elite5, yung maaarte kong kaklase, especially si
Tiara. Bahala sila, basta ako mag-eenjoy.
"Pinaalis kitang buo. Bumalik ka sana ng buo Princess Trish.." sabi ni Papa.

"Si Papa naman.." kasi naman ginagawa ako baby. Malaki na kaya ako. Maganda pa.

"Basta huwag kang maglilikot doon. Huwag ka din mang-aaway. Huwag ka gaanong
magpapa-araw. Huwag kang magpapawis. Huwag kang magnababad. Huwag kang magpakagat
sa lamok. Huwag kang mag-vandal. Huwag kang lumangoy sa malalim. Huwag kang mag—"

"Papa naman! Ang dami namang bawal. ." napa-pout na tuloy ako. Lahat na lang ata ng
pwedeng bawal ay nasabi n'ya na.

"Gusto ko lang na-safe ka. Sige, p'wede ka kumain ng marami. Pwede kang maligo sa
dagat. P'wede kang tumakbo. P'wede kang magtampisaw. P'wede kang mag-shorts. P'wede
kang mag—"

"Papa!" napasapo na lang ako sa noo Ko. Kanina puro bawal ngayon puro pwede. "Pa. .
I'll be alright. Don't worry. Mag-iingat po ako. Malelate na po ko." yumakap na ako
kay Papa.

Naramdaman kong hinahaplos n'ya ang ang maganda kong buhok, "Ok. Take care my
princess." sabi ni Papa.

"Drama naman! Tsk!" may pa-epal na dumating. Sino pa ba? Si Tristan.

"Epal mo Tristan!" inirapan ko s'ya. Minsan na nga lang kami maglambingan ni Papa
kung anu ano pa ang sinasabi. Masyadong kill joy.

"Sige. Ituloy n'yo na basta..." tumingin kaming dalawa ni Papa sa kanya. "... basta
kasama ako!"

Yun nga, nag group hug kami. Epal kasi, yun lang naman pala ang gusto. Dapat sinabi
n'ya na lang.

"So paalam na!" sabi ko kay Papa. Kinuha ko na yung isang suitcase ko. Pero nagulat
ako ng kuhanin ni Tristan ang suitcase ko, "Ako na." sabi n'ya ng bukal sa puso.

"Taray! Naglelevel ang mahal kong kapatid. Anong nakaen? Ihahatid mo ko?" tanong ko
sa kanya.

"Hindi ba obvious. Tsk!" balik na naman s'ya sa pagiging badmood n'ya. Hay ewan ko
ba sa mga tao ngayon, menoposal stage ata. Tsk!

———

Kurt's PoV

Maaga akong nagising. Madaling araw na noong nakapag-impake ako ng damit. Hindi rin
ako nakatulog ng maayos. Paano ka ba naman makakatulog ng maayos kung may naalala
ako.
Handa na din akong pumunta sa airport. Wala naman akong kasabay pumunta, doon na
lang daw kami magkikita kita. Wala na din akong balak sunduin sila.

Kung nagtataka kayo sa nangyari kagabi, I'm married already.

Pero nanatili itong malaking sikreto. It was just arranged married. Hindi naman
kami dito kinasal, sa America kami kinasal. Hindi alam yun ng mga fans ko, tanging
family ko at family ni Eunice ang nakakaalam. Si Tito Mike, yung manager namin.
Alam din n'ya, kaya nga safe ako sa rule n'ya sa grupo namin na bawal mag-
girlfriend. Bakit nga naman daw ako mag-gigirlfriend kung may asawa na ko. Alam din
ni Dominique ang status ko, si Terrence at si Russel. Pwera lang kay Carl, madaldal
ang kumag na yun.

Siguro atat din talaga ang mga magulang ko. Pagkatuntong ko pa lang ng 18 years
old, ay minadali na nila yung pagpapakasal ko. Para daw magmerge yung company namin
at ng pamilya ni Eunice. Wala naman akong magawa, sasabihan na naman ako ng ama ko
na wala akong kwentang anak. Kaya nga ginawa ko na ding magpakasal ng may
mapatunayan ako.

Kaya nga ngayon nasa puder ko si Eunice. Hay ewan, hindi ko naman s'ya mahal eh.
Bakit ba lagi n'ya akong pinapakialaman. Kagaya na lang ng pagpunta ko sa bar
kagabi, nanampal na lang s'ya basta basta.

Bakit kasi nakasal ako sa isang eskandalosang babae? Mas wild pa s'ya kay Trish eh.
Mas may sapak. Gan'yan na talaga yung lifestyle n'ya. Mahilig s'ya gumimick at mag-
shopping. Bahala na s'ya sa buhay n'ya.

Akala ko noong una magiging madali lang 'to, kasi nga hindi namin mahal yung isa't
isa. Pero darn! Masahol pa s'ya sa girlfriend.
Hindi ko naman s'ya masisisi kung ganoon ang reaksyon n'ya. Nakikita n'ya kasi ako
na may kahalikan, kayakapan na babae. Pero anong pakialam n'ya dun? Hindi ko naman
s'ya talagang mahal, sa papel lang kami kasal.

Sinilip ko s'ya sa kwarto n'ya. Magkahiwalay kami ng kwarto. Katapat ng kwarto ko


yung kwarto n'ya.

Unti-unti kong binuksan ang pinto ng kwarto n'ya.

Nakita ko s'yang mahimbing na natutulog. Ngayon ko lang ulit napagmasdan ang mukha
n'ya. Matangos ang ilong, mahabang pilikmata, at yung lips nya...parang nang-aakit.

Asawa ko naman s'ya diba? Baka naman p'wedeng mag-goodbye kiss?

Unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa mukha n'ya. Sana lagi na lang s'yang tulog
para naman nakakayanan ko yung ugali n'ya. Malapit na talaga.

Mga 2 inches na lang ang layo ng biglang dumilat s'ya.

"W-what are y-you doing?" nauutal n'yang tanong. Badtrip naman! Konting konti na
lang talaga eh! Malapit na! Sh*t!

Inis akong napakamot sa batok ko. Muntik na yun! Muntik n'ya na akong mahuli!

"Magpapaalam lang sana ako. Mawawala ako ng three days." umupo s'ya sa kama n'ya.
Nakunot pa ang noo n'ya sa sinabi ko, may mali ba? Wala naman ah!

"So?!'' mataray na tanong nya. Nakuha n'ya pa akong taaasan ng kilay.

"So. . ano . . nagpapaalam ako sa'yo.." pagdadahilan ko. Mas lalong nagsalubong ang
kilay n'ya.

"So what? At baket ka nagpapaalam sa akin?" nag-crossed arms pa s'ya. Darn!


Nakakainis talaga kapag nagising na s'ya. Mas mabuting tulog na lang s'ya eh!
Badtrip naman!

"Coz your my wife. I want you to know that!" medyo napataas na din ang boses ko.
Hindi ba s'ya magpapaalam sa akin? Tss.

"Oh really? Don't act as if your are a concern husband. Sabi mo kagabi, wala ng
pakialamanan? So go.. I don't need you here Mr. Silva." matigas na sabi n'ya.
Pinilit kong kalmahin ang sarili ko. Talagang sinabi at pinaalala n'ya pa sa akin
yun.

S'ya pa ngayon ang nagmamatigas. Bahala na s'ya sa buhay n'ya. Tsk

"If that's what you want. Fine!" inis kong tinahak ang pinto. S'ya pa talaga ang
may ganang magalit sa akin. Tss! I'll not beg for you. Never!

"No Mr. Silva! That's what you want. Binibigay ko lang ang kagustuhan mo." pahabol
n'ya. Nilingon ko s'ya sa huling pagkakataon.
You want that, fine. Wala ng pakelamanan. Mas pabor sa akin yun.

Trish's PoV

Paglabas namin kaagad ng bahay. May isang lalaking nakaharang sa gate. Bumaba kami
ni Tristan sa kotse. Mukhang nag-iinit na naman ang ulo naming dalawa. Huwag sana
akong mabadtrip. Please lang Lord. .

Pagkabukas ng gate, nakita ko si Liam. "Hi good morning sa'nyo!" said him.
Bahagyang nawala ang pagkakunot sa noo ko, pambihirang lalaking sikat na 'to. "What
are you doing here?" tanong ko sa kanya.

Tinuro n'ya yung isang maleta n'ya, "P'wede pasabay?" he asked. My brother sends
him a death glare, "NO" said Tristan.

"If I can't join with you. I can accompany Princess." my mouth is slightly ajar. I
can't believe that these two hot guys are talking as if they really know each
other. "What are you implying about?" asked Tristan. I'm still waiting for Liam's
answer.

"Ayaw mo ko isabay. Para hindi ka naman maabala, isasabay ko na si Princess. Ayos


ba yun?" mabilis pa sa kidlat ng sumagot si Tristan.

"Never. Aish! Fine come with us!" naiiritang sagot ni Tristan. Ashus! Mapapayag din
pala, nakuha pang sungitan si Liam. What's with my brother? He's so kind today.
That's pretty awesome huh?
Liam put his suitcase on the car compartment, he was about to enter the back seat
when Tristan approached him, "You stinky face, what the hell you are doing?"

"I'm sitting beside Princess." said confidently. I saw how Tristan's brow furrowed.

"Ginawa n'yo pa kong driver. The hell. Ibabangga ko 'to.." said Tristan. I look for
Liam's face, he is shocked. Hahahaha! He sat beside Tristan's seat. Oh c'mon. Hindi
din pala tatagal sa mabait kong kapatid. Please note the sarcasm guys.

Our travel went well. Despite the fact that Liam and I can't talk to each other.
Kasi naiirita si Tristan sa pagkukwentuhan naming dalawa.

"Ang ingay n'yo. Can you stop it?!" speaking of the gorgeous devil. I rolled my
eyes on him, "Fine."

Hindi na ako magsalita after ng kasungitan ni Tristan. Nakakainis na s'ya. Kanina


pa s'ya ganyan. Nakarating na din kami sa airport. Dito na rin daw kami
maghihintayan.

Liam is wearing his tinted ray ban. His sweater, and a cap. Geez I forgot that he
is one of the super hot artist here in the Philippines.

"You look stupid.." puna ni Tristan sa kanya. "Why are wearing that?" asked
Tristan.
"Sort of disguise. He-he!" kahit kailan talaga mabait si Liam. Kung si monster 'to
baka nagsigawan na sila ni Tristan sa loob ng kotse. Or ang mas worst, magbatuhan
ng kung ano ano.

"Just a bit reminder. ." Tristan looked at Liam, "Huwag kang magdidikit sa kapatid
ko. Kapag may nangyaring masama jan. Huwag kang magpapakita sa akin.."

"Aye aye boss!" sumaludo pa s'ya. "Hindi ko hahayaang mapahamak si Princes—"

"Ang korny mo pre. Tss!" pumasok na si Tristan sa kotse n'ya. Tinanguan n'ya lang
kaming dalawa, pinanood namin s'ya habang papalayo.

Sa hindi kalayuan, nakita ko ang mga press. Omg! Maypress na nakaabang ngayon sa
entrada ng aiport. "Mukhang maraming press Princess.. Itago mo 'ko." bulong n'ya sa
akin.

"Anong itago? Sa tingin mo kakasya ka sa maleta ko? Tsk!" inirolyo ko ang mga
magaganda kong mata. Ewan ko ba kung bakit ganoon na lang ang takot ni Liam,
pinasok n'ya ang mundong 'yan.

"Pinasok mo yung showbiz world, magdusa ka." nag-umpisa na akong maglakad habang
s'ya naman ay kakamot kamot ng ulo.

"Princess! Wait lang!" sigaw n'ya. Malapit na kami sa mga press, kaya naman ang
sigaw n'yang 'yon ay narinig nila.
Nakita ko si Liam na parang namutla sa mga paparating na press, lihim akong
napatawa. Gusto sana ni Liam na tumakbo kaso na-corner na s'ya. Pati ang mga fans
n'ya ay nandoon na din at nakapaikot sa kan'ya. Hindi ko na s'ya hinintay,
magtatagal lang ako at mangangawit ang paa ko kakatayo kung hihintayin ko s'yang
matapos kakasagot ng mga walang kwentang katanungan ng press. Hay, 'yan ang
napapala ng pagiging sikat. Kaya ako, stick na lang ako sa pagiging maganda. At
least yung problema ko lang kung paano ako papanget.

Nakita ko kaagad si Tiara na talagang nakatingin sa akin, nag-head to toe pa s'ya


sa kagandahan ko. Noong papalapit na ako sa kanya ay nagsalita na s'ya, "The b*tch
is here. Tsk tsk!" lihim akong napatawa. Nakakaawa ang attitude n'ya, walang
breeding.

"Ow really? Sa bagay, nauna ka nga pala sa akin.." umupo ako sa bench. Isang
malakas na halakhak ang pinakawalan ko sa isip ko. Ano ka ngayon Tiara? Ako pa ang
tinarayan mo? Psh!

"Kamusta naman ang paglalandi mo kay Russel? Taray mo b*tch lahat na lang nilalandi
mo. Si Terrence, Kurt, Carl at Dominique. Wow! Napapahanga mo ako!" pumalakpak pa
s'ya sabay irap.

"Walang nagtatanong Tiara." walang ganang sagot ko. Hindi na dapat pinapansin ang
mga ganyang klase ng tao, mga walang breeding. Nakita ko na ibinaling n'ya ang
tingin n'ya sa akin.

"Alam mo, masama talaga ang ugali mo noh?" sabi n'ya out of her mind.
Nakipagtitigan ako sa kan'ya.

"Yup, you're right! My attitude is like your face, ugly. Wait there's more.  . "
"Sa akin, ang ugali ko lang ang pangit. . eh sa'yo." ako naman ang nag-head to toe
sa kanya, "Sa'yo LAHAT!" kasunod noon ang sunod sunod kong tawa.

"You're really a b*tch. Let see later. .  baka ilunod kita!" pananakot n'ya sa
akin. 

"Sige push mo." wala na namang gana kong sagot. Bakit ba hanggang dito ang daming
umeepal. Maraming papansin. 

"So maganda ka na n'yan?" pagtatanong n'ya. Ako bilang honest person sinagot ko
s'ya gamit ang nag-uumapaw kong self-confidence, "I'm born beautiful and you. . .
you were just born!" sa sobrang inis n'ya. Hindi n'ya na nakuhang makapagsalita, sa
loob loob ko. Panalo na naman ako. Huwag naman kasi kakalabanin ako, at first,
mapapahiya ka lang. Secondly, nakakababa ng self-confidence, Third, pangit ka na
nga mas papangit ka pa sa mga sasabihin ko.

Trish Maldita Lines. Hay nako, saan ko ba napupulot 'yan. Munting paalaala lang,
ginagawa lang 'yan kapag may magandang dahilan. Biglang pumasok tuloy si Steph sa
bright brain ko.

  Namiss ko tuloy si bestfriend ko, hindi s'ya makakasama kasi exclusive for
section lang namin 'to. Wala din yung mga kontrabida sa school, tanging si Tiara
lang yung insecure sa block namin. Meron mang insecure na iba sa kaklase ko kaso
hindi naman sila bulgaran kagaya ni Tiara. Pero mas bet ko ang ugali ni Tiara at
least, totoo diba? 

Namataan ko na din sila Carl, Dominique, Kurt at Liam. Magkakasama na silang apat,
well, mukhang apat silang na-corner ng press. Mas tumindi ang security sa airport.
Hanggang makapasok na kaming lahat sa loob, maghihintay na lang ng signal para
makapasok na kami sa eroplano.
"Hooo! Grabe! Ang hirap talagang maging pogi!" sabi ni Carl. Talagang nakadikit pa
sila sa akin, damang dama ko tuloy ang pawis na pawis na presence nila, ikaw ba
namang nakahoody. Hindi ka pagpawisan? Pero mabango naman. Hindi amoy digmaan.

"Carlito! Hirap maging mayabang noh?" panenermon ko sa kanya. Nag-smile lang s'ya
sa akin, letche. Bakit ba gumagwapo sa paningin ko yung panget na 'to, "Hehehehe!
Master naman eh!" sabi n'ya. Hindi ako takot magcompliment kung totoo naman,
mahirap magcompliment sa mga gaya nilang sikat, lumalaki ang ego.

"Grabeng press yun! Lalo yung babae! Lakas mang-harass! Hinihipuan ako!" sabi ni
Kurt. Seriously, puro ka-anuhan ang lumalabas sa bibig n'ya, "Gustong gusto mo
naman!" singit ko. Bigla naman silang nagtawanan.

"Hahahahahaha!" malutong na tawa ni Carl at Liam. Si Dominique, tatawa na kaso


parang pinipigilan n'ya.

"Nakuha mo master!" sabi pa ni Carl. I know right, magaling kaya ako.

"Bakit wala pa si Terrence?" pag-iiba ng topic ni Liam. Yung mga kaklase kong babae
halatang inggit na naman sa akin, mga insecure. Nakakausap ko kasi ng balbalan yung
mga famous na 'to. Yung mga ibang tao sa airport, nakatingin din sa lugar namin.
Ganito ba talaga kasikat ang mga 'to?

"Ay ewan. Baka na-traff—"

"Ayun! Si Terrence yun diba?" turo ni Kurt sa may entrance.


"Omg! Hahahahahahahahahahahaha!" halkahak ko.

"Hahahahahahaha!" tawa din ng Elite5.

Kaso yung mga kaklase kong babae ay parang amaze na amaze pa sa itsura nito.

"Omg! Ang gwapo n'ya lalo!"

"Sh*t ang hot!"

"Nakakainis! Sino kaya ang may gawa n'yan kay Fafa Terrence?"

Isang salubong na kilay ang papalapit sa amin, ang epic ng itsura n'ya. Nakalapit
na s'yang tuluyan sa amin.

"Pfft!" pagpipigil ko ng tawa. Ang hard lang ng gumawa ng ganyan sa kanya. Psycho
fans siguro?

"What happened bro?" asked Liam.

"Pinagkaguluhan ako." sabi n'ya sabay punas ng tissue sa mga kissmarks sa mukha
n'ya. Ang polo n'ya ay bukas hahaha! Halos gutay gutay na nga eh, grabe namang mga
fans yun.
"Kala ko narape ka." sabi ni Kurt.

"Parang ganun na nga. Tss!" umupo s'ya sa isang bench at kumuha ng damit sa maleta
n'ya. "Anong tinatawa tawa mo jan?" tiningnan n'ya ako ng masama.

"Panget mo kasi hahahahaha!" inisnob n'ya lang ako. Patuloy s'ya sa paghahanap ng
damit, finally, nakuha n'ya ang isang gray v-neck shirt, parang fitted nga sa
katawan n'ya eh.

Do you mean na magpapalit s'ya ng damit right infront of many people? Oh no!

"H-hoy! A-anong gagawin mo?!" nagpapanic na tanong ko. Tinapunan n'ya naman ako ng
tingin.

"Magpapalit. Stupid ka ba?" pero hindi tama 'to eh. Kailangan ko s'yang pigilan,
maraming makakakita sa katawan n'ya. Maraming tao, hindi ba s'ya nahihiya?

"Uso mahiya monster. Daming tao ohh!" tinuro ko pa ang mga taong nakapako ang
tingin sa lugar namin.

Ngumiti lang s'ya, yung ngiting nang-aasar.


"Huwag mong sabihin na naaapektuhan ka sa katawan ko? Umamin ka ng freak. . crush
mo ko noh?"

=================

Chapter 36 - Island

Hi! Tapos na ang Finals Exam ko! Salamat sa paghihintay sa UD ko. Haha! Happy 600k!
Mahaba 'tong Chapter na 'to! 

Chapter 36 - Island

"Huwag mong sabihin na naaapektuhan ka sa katawan ko? Umamin ka nga freak. . crush
mo ko noh?"

Itinaas ko ang magaganda kong kilay, bastusan ganun ganon?

"Wow naman! I've never been affected on you. That face? Ow! Gross." I snapped. Ano
bang nalamon ng halimaw na 'to. Super typhoon? Puno ng kahanginan ang buo n'yang
katawan. Alam n'yo yun? Kaya n'yang magpataob ng isang 20 floors na building sa
sobrang lakas ng kayabangan n'ya. Dinaig n'ya pa si Tristan.

"Asus! Nagdedeny pa. . lust over my body freak.." sabi n'ya pa habang pumunta ata
ng comfort room. Nako, kung wala lang talagang mga tao na nakatingin sa amin.
Kanina ko pa s'ya sinabunutan.

Pasalamat s'ya at napakarami n'yang fans na nakatingin  sa amin, I mean maraming
masamang nakatingin sa akin. Sino ba naman ako? Isang hamak na magandang nilalang
lang.
Anyway, after mga ten minutes. Dumating na din yung pa-vip naming professor.
Nakakahigh blood s'ya infairness. Talagang pinaghintay n'ya ang magandang 'to? 

Yung Elite5 naman ayun pinagkakaguluhan, nasaan na ba ang security guards dito?
Huwag na sana silang isama sa trip namin na 'to. Haha! Mas bright idea 'yon. 

"Let's go." sabi ni prof. Muntik na akong mapamura sa sinabi n'ya. Two words pre!
Pinaghintay n'ya kami sa two words na yan? Agad kong hinawakan ang handle ng maleta
ko, mamaya ko na lang isusuot ang shades ko. Mahirap na, baka sabihin masyado naman
akong excited at may pashades shades pa akong nalalaman. I'm excited pero hindi ko
na lang ipapahalata.

"Tabi tayo sa plane Master!" biglang singit ni Carl. Para 'tong kabute, akala ko
kung ano na. Hindi ko na s'ya tiningnan at tuloy tuloy na naglakad. S'ya naman ay
nakasunod sa akin. Manigas ka!

"MASTER!" sigaw n'ya ulit. Porke't sikat ganon na kalakas makasigaw, grabe talaga
yung lalaki na 'to. Binagalan ko tuloy yung lakad ko, kawawa naman. Pinagtitinginan
na kami dito sa loob ng airport. Itinakip ko tuloy yung hood ko at naglagay ng
shades. Lakas pa maka-Master na tawag, hindi na nahiya. Baka akalain ng mga tao na
inaalila ko s'ya, baka mangyari na naman ang pagkuyog sa akin ng mga psycho fans. I
don't want that to happen again.

"P'wede tabi tayo sa plane?" tanong n'ya. "Hindi ako tumatabi sa panget." pambabara
ko sa kanya. 

"Pwede nga tayo magtabi! Hindi naman ako panget! Thank you Master!" sabi n'ya
habang kitang kita yung mga dimples n'ya. Ang gwapo talaga nito! Kala ko magegets
ni Carl yung ibig sabihin ko but I was wrong. Mayabang din s'ya. 
Naglakad na kami papunta sa plane. Umupo na ako malapit sa bintana para hindi naman
ako mabagot, may makita akong mga ulap ulap. Chos! Yung kagandahan ko abot tanaw
mula sa itaas. 

Tumabi na din sa akin si Carl, napatingin naman ako kay Liam. Ang sama ng tingin
n'ya kay Carl, tapos si Terrence naman ay papasok pa lang ng plane. Nasa bandang
gitna kami ng eroplano. 

"Tss." yan ang sinabi ni monster noong nakita n'ya kami ni Carl. Tapos si Carl
naman ay ngiting-ngiti. Ganun na ba kabigdeal ang pagtabi sa akin? Lalong humahaba
ang buhok ko..

Si Liam naman ay umupo sa kabilang side ng plane. Actually magkatapat lang ang
upuan namin, nginitian n'ya ako. Ako naman ay umirap. Ewan ko ba, parang naiilang
ako na ewan kapag nagtatama yung mata naming dalawa. Nahahawa na ako sa kabaliwan
ng katabi ko at ng bestfriend ko. 

"Ohhmyyyyyyy..." sabi ni Carl at sumiksik sa akin. Hinawakan n'ya pa ang kamay ko.
Peste! Pilit kong tinatanggal ang kamay n'ya sa kamay ko. "Ano ba Carl! Babanatan
kita!" banta ko sa kanya. Pero mas humigpit ang pagkakahawak n'ya. 

"Isa!" banta ko. Nagsisimula na ding umandar ang gulong ng eroplano. Naririnig na
din ang engine nito. "Dalawa!" banta ko ulit. Unti-unting lumipad ang eroplano
tapos si Carl, "What the! Are you possessed?!" I asked him.

His eyes are both closed. Literally, his hands are trembling. Nanginginig din ang
tuhod n'ya at parang namumutla. "Ohmy Carl! What happened?" I asked. Nakita naman
ni Liam yung nangyayari, agad s'yang pumunta sa lugar namin. 

"He has fear of heights." 


BOOM!

Para namang naawa ako sa kalagayan ng lalaki na 'to. Hinawakan ko na lang tuloy ang
kamay n'ya kahit labag sa loob ko. Maganda na nga ako, mabait pa. Hihi

"Are you alright? Try mo muna kayang matulog? Oh eto. Isuot mo at takpan mo ang
mata mong panget ka." inabot ko sa kanya yung pangblindfold. Kinuha naman ni Carl.
Inabutan naman s'ya ng tubig ni Liam.

Naging smooth naman na ang b'yahe namin. Kalmado na yung abnormal sa tabi ko.
Tinanggal ko na din yung pagkakahawak ko sa kamay n'ya. Halos mamawis na ang kamay
ko.."Ew Carlito!" sa maarteng tono. Hindi ko na inamoy, mukhang malinis naman.

Bumaba na kami sa airport sa Puerto Princesa, Palawan. So sa Palawan pala ang


destinaston namin.

"Bestfriend!" sigaw ng nasa likod ko. Ako ba ang tinatawag nun. Hindi na ako
lumingon at hinatak muli ang maleta ko. Sinusundan kasi namin yung prof namin.
Nauuna kasi s'ya.

"Bestfriend... Trish!" napalingon na ako this time, si Carl pala. "Freak!" tawag
naman ni Monster. "Princess!" sabi ni Liam.

"Problema n'yo?" pagtataray ko. Makatawag sa akin, ganon na lang? Halos pagtinginan
na naman kami ng tao dito sa loob.
"Ako na magdala ng suitcasemo." sabay sabay na sabi nilang tatlo. Napataas naman
ang kilay ko sa sinabi nila. Sinasabi ba nila na mahina ako? Pwes! Nagkakamali
sila. Mga ungas na 'to.

"Hindi ako disable." inumpisahan ko ng maglakad. Wala na naman kasi akong mapapala
kung ieentertain ko ang kabaliwan nila.

Si Kurt naman ay namataan din ng mata ko, nakikipaglandian doon sa isa namin
kaklase. Si Dominique naman ay tahimik lang na naka-earphone at parang may katext.
Salubong pa ang kilay n'ya.

Nakarating kami sa harap ng isang coaster. Yung Elite5 naman ay mga VIP, may
sampaguita pang nakasabit sa leeg nila. Talagang may VIP Treatment dito, lahat ata
ng crew ay nandoon upang salubungin sila at magpapicture. Grabe naman. Sikat talaga
yung mga ungas na baliw na 'to.

"May dala ba kayong shampoo?" tanong ni Prof.

"Yes sir!" sagot naman naming lahat. Si Tiara naman ay may kinuha sa bag n'ya.
Tinaasan ko nga ng kilay, shampoo lang naman ang itinaas n'ya. Pabida, porke't
mamahalin ang shampoo na dala? Edi s'ya na! Ipalunok ko sa kanya 'yan eh.

"Did you bring toothpaste, sanitizer, toothbrush, o kung ano pa mang related sa
hygiene?" tanong ni Prof.

"Yes sir!" sagotnaming lahat.


"How about clothes? Undies? Sweater? Jacket? Sando? Shorts? Bikini's?" tanong n'ya
ulit.

Sumagot naman kami ng pagkalakas lakas na "YES SIR!!" anong akala sa amin ni Prof?
Walang pambili ng damit? Hindi n'ya ba nalalaman na puro rich kids ang kaklase ko.
May artista pa kaming kasama, so malamang kumpleto ang dala nila.

"Good..dahil..." pabitin na sabi ni Sir. Iniikot n'ya ang mata n'ya sa aming lahat.

"Good dahil wala kayong dadalin sa mga gamit n'yo.."

Napadropjaw ako sa sinabi n'ya, "Hahahahahaha!" tawa ko.

"Hahahaha! Anong kalokohan 'yan Sir? You are kidding right?" tanong ni Tiara sa
kanya. Since s'ya yung class beadle, kaya s'ya dapat ang magtanong.

"Yung maleta n'yo. Pakilagay sa loob ng coaster.." may awtoridad yung tono ng
pananalita n'ya. So seryoso nga si Sir.

"Iwanan n'yo yung cellphones, gadgets, o kung ano pa man. Yung suot n'yo lang
ngayon ang dadalhin n'yo. NO MORE ELSE! Ang lalabag ay ibabagsak ko. Okay ba 'yon?"
napatango na lang kaming lahat.

Halos napakapasok na ang lahat sa loob ng sasakyan, nakaprente akong katabi ni


Liam. Yup, si Liam. Ewan ko ba kung paano kami nagkatabi nito.
"Oh bakit kayo nakaupo jan?" tanong ni prof. "Why not?" tanong ng mga kaklase kong
babae.

"Doon tayo sasakay.." itinuro ni Sir yung mga nakahalerang jeep. OmyGod!

"WHAT? NO WAY SIR!" sabi naman ni Tiara.

"What the.." mahinang bulong ni Liam.

"Seryoso?! D'yan sasakay?!" sabi naman ni Monster. Kay monster na boses yun for
sure.

Geezus! I can't believe this, ang mga kaklase kong mayayaman at sikat ay
pasasakayin mo sa isang public transpo like jeep? Halos matawa ako sa mga reaksyon
nilang lahat. Speaking of nakakatawang reaksyon, wala ng tatalo sa pagmumukha ni
Tiara.

"Alright Sir! Let's go!" napapalakpak pa ako sa tuwa. Ewan ko ba pero hindi naman
ako maarte kagaya nila.

"Lets go!" sabi ni Liam sabay tayo sa kinauupuan n'ya. Dahil doon nag-umpisa ng
magtayuan ang mga kaklase namin. Kailangan talagang may nag-sisimula.
"Tss.." yan na naman ang narinig ko kay Monster. Papansin!

"Master! Sigurado ka ba na sasakay ka jan? Hindi ba delikado ka jan?" tanong ni


Carl sa akin.

"Oo nga Trish. Nasisiraan ka na ba? Bakit sa bubong ka sasakay?" tanong naman ni
Kurt. Hays, ano bang masama dito? Parang nasa taas ka lang naman ng jeep at may
kapitan naman dito. So parang safe naman. Ganito kaya ang napapanood ko kapag
nanonood ako ng mga documentaries sa tv.

"Alam n'yo kung ayaw n'yo. P'wede naman kayo jan sa loob. Mind your business!"
inirapan ko na sila. Mygash, matutusta ata ako dito. Ang init pala haha! Pero okay
lang, gusto ko naman ng ibang kulay.

"Usog!" inirapan ko na lang si Monster na kasalukuyang paakyat sa bubong ng jeep.


Parang gusto ko na talagang bumaba dito dahil sa pagtabi n'ya sa akin.

"Oh 'yan! Isaksak mo sarili mo jan! Psh!"

"Shizz! Terrence bakit ka nand'yaan? Delikado jan!" sabi ng fangirl n'ya. Mas lalo
pang umugong ang mga bulungan.

"Oo nga! Sweetheart Terrence! It so dangerous there!"


"Like omg! Bakit jan ka sasakay?! You can sakay here naman inside! It so mainit
kaya there!" napairap na lang ako at isuot ang beach hat ko. Nagshades na din ako
para iwas silaw sa araw.

"I'm okay. Don't worry!" isang ngiti ang binigay n'ya sa nga die hard fan na
kaklase namin.

"Like omg! Nginitian n'ya ako. I'm so kinikilig to the highest level. Like omg! He
smiled at me." hinampas pa n'ya yung katabi n'ya.

"Like gaga ka girl! Ako kaya ang nginitian n'ya. You so assumera sis! I hate you
talaga!" hinampas n'ya din at naghampasan silang dalawa.

After 5 minutes, yung Elite5 ay nasa bubong na lahat. Kasama ako, kasama din si
Tiara at si Sir.

Hindi ko na lang papansinin si Tiara kahit kanina pa s'ya putak ng putak. Kagaya na
lang ngayon na, "Gosh! Ang init naman here.."

"Dito tayo sasakay." tinuro ni Sir yung nga bangka. "Pupunta tayo sa isang isolated
place."
Sabi nga ni sir. Ayun sumakay na kami sa bangka. "This is it! Adventure talaga ito!
Rak na rak!" sabi ko sa isip ko. I love this kind of feeling, probinsiyang
probinsiya ang dating. Naalala ko tuloy yung pagpunta namin nila Trista, Mama at
Papa sa hometown ni Mama. Parang ganito lang, simple. Fresh air ba? Haha!

Ayaw ko na magsenti. Kailangan kong mag-enjoy ngayon. Walang mangyayaring maganda


kung magpapakalungkot ako. Move on din pag may time. Gawaing pang-magaganda lang. 

After 30 minutes, nakarating na kami sa isang isla. Inilibot ko ang tingin ko,
parang walang katao-tao. Bakit ganito dito? Parang creepy naman. Pero infairness,
ang ganda ng mga puno. Yung tubig color blue. Kasing ganda ko yung island na 'to.
Medyo pagabi na din. Alam n'yo yun parang color orange na yung langit. 

Habang naaamaze ang lahat sa buong isla. Nagsalita na naman si prof, "So you'll
stay here for one and half day. Nandito tayo para maboost ang socialization n'yo
towards other. Kung paano mag-seek ng tulong sa iba, kung paano mamuhay ng simple,
I'll provide rice." 

"I wan't steak!" sagot naman ng isa kong kaklaseng lalake. 

Tinaasan naman s'ya ng kilay ni prof, "One thing more. Kayo ang hahanap ng uulamin
n'yo. Tsaka tubig. Gamitin ang mga bagay sa paligid para mabuhay kayo. Tandaan,
rice lang ang ibibigay ko. So now, gumawa na kayo ng shelter at kumuha na kayo ng
uulamin n'yo." 

"Bawat isa sa inyo may kapares. Pair ang team naten. I'll start mentioning name.."

Sana si Carl o si Liam ang kapartner ko sa isip isip ko. Mas okay na yun kesa kay
Monster. Ano ba talagang trip ni Prof sa amin. Mala-survivor ang peg namin ngayon. 
"Bawat pair ay bibigyan ng isang blanket. Para naman maging komportable ang pagstay
n'yo dito." dagdag pa ni Sir. Kung sino man ang magiging kapartner ko, ibubully ko.
Hahahaha!

"Tiara and Russel Liam.."

Napasapo na lang ako sa noo ko. Why o why? Bakit napunta pa si Liam kay Tiara? Wah!
Kawawa naman si Liam baka kung anong gawin sa kanya ng panget na yun. Nakita ko si
Liam na nakatingin din sa akin na parang nagmamakaawa. 

"Dominique and Kurt.." 

Wah! Bakit ganon? Pareho silang lalake? Sa bagay, mas marami ang lalake sa room
namin kaya ganun.

"Carl and Letlet.."

Nakakaasara naman! Bakit si Carl pa? Kung gustong gusto ko namang maka-team yung
panget na yun. Doon pa mapupunta sa iba. Actually okay naman na maging kaibigan si
Carlito eh, mabait naman s'ya. Kung tutuusin pwede na maging bestfriend kami kung
hindi lang ako mag-iinarte.

"Malas naman.." bulong ni Carl sa akin sabay pat na balikat ko. Hay, umalis na din
yung mga tinawag na pair. Mangunguha na ata sila ng kakainin at gagamitin nila. 
Tulungan mo ko Lord, parang ayaw ko ng mangyayari na 'to. Parang may nadarama akong
kamalasan ngayong oras na 'to. Wah! Wag naman sana. 

"Terrence and Trish.."

"WHAT?! NO WAY SIR! KAYA KO PONG MAGSOLO! KAYA KO PONG MAGING INDEPENDENT!"
protesta ko. Talagang ipaglalaban ko ang karapatan ko. Gusto ko pang mabuhay sa
loob ng isa't kalahating araw. Hindi ako magpapakamatay kasama yung halimaw na
'yan. 

"No buts. Kayo ang pair. Okay. Eto na yung comforter.." inabot n'ya kay Monster
yung blanket. Umalis na din si Sir at naiwan kaming dalawa dito. Wala na din ang
mga kaklase namin, nag-alisan na din. 

"Psh! Malas! Ughhh! I'm doomed!" naiiritang sabi ko. Si Monster naman ay tatawa
tawa pa. "Anong tinatawa tawa mo d'yan?!" 

"Ikaw.." simpleng sagot n'ya. Sabay pasok ng kamay n'ya sa bulsa ng floral beach
short n'ya. 

"Anong ako?!" nagagalit na sabi ko. 

"Panget mo kasi freak.." natatawang sabi n'ya.

"ANO?! Nagsalita ang gwapo!" inirapan ko s'ya at nagsimula na akong maglakad


papunta sa mapupunong lugar. Maghahanap na lang ako ng pagkain KO.

"Thank you freak. Alam kong gwapo ako.." sabi n'ya. Bwisit na buhay na 'to.
"Huwag mo nga ako susundan! Nakakabwisit yang mukha mo!" galit na sabi ko sa kanya.
Nakakainis kanina pa s'ya nakasunod at hindi ako makakita ng p'wedeng kainin. Ano
bang klaseng isla 'to? Walang pagkain, wala man lang puno ng mangga o ano pa man.
Puro matataas na buko. 

"Team kayo tayo." sabi n'ya. Sabay tawa na naman. Pigilan n'yo! Dahil isang isa na
lang at ihahampas ko sa kanya ang malaking bato na nakikita ko. Leche!

"Hoy freak!" sigaw n'ya. Mukhang napapalayo na kami sa camp namin. Hay ewan, kesa
naman magutom ako noh?! Ang tamad pa naman ng ka-team ko. "Doon na lang tayo mag-
hanap ng pagkain!" sabi n'ya. Tinuro n'ya pa yung dating dinaanan namin.

"Bahala ka! Dito ako! Shoo!" pagtataboy ko sa kanya. "Huwag mo kong pakialamanan!
Kung tumulong ka kaya noh? Bwiset!" inirapan ko s'ya. 

Shet! Bakit wala bang pwedeng mapagkunan ng pagkain dito? Nakakainis. Sa sobrang
frustration ko. Napauo ako sa isang malaking bato sa loob ng mala-gubat na lugar na
'to.

"Alis na ko ah." pagpapaalam n'ya. Dala dala nya yung blanket namin. 

"Shoo! Huwag kang babalik!" kailangan talaga nagpapaalam sa akin? Edi umalis s'ya!
Care ko ba?! Kaya ko namang mabuhay ng wala s'ya. Isa pa, for sure wala naman
s'yang alam sa mga camping na 'to. Maarteng halimaw! Tsk..

Tuluyan na ngang nawala sa paningin ko yung halimaw na 'yon. Madilim na ang paligid
at samu't saring huni ng ibon ang naririnig ko. Nakakatakot grabe!
"Wahhh!" sigaw ko noong nakakita ako ng isang malaking caterpillar. "Yuck!" grabe
lang. Tapos pagtingin ko sa itaas, nakakita ako ng uwak. Isang crow na itim na
itim. 

Sa sobrang takot ko, tumakbo ako. Ang lakas ng kabog sa dibdib ko. 

Nakalabas ako sa gubat na 'yon. Dumampi sa balat ko yung malamig na hangin. Nasa
tabing dagat na naman pala ako. Umupo ako sa buhanginan, "Kruuuu..." nagugutom na
din ako. 

Niyakap ko na lang yung dalawang tuhod ko. Ang lamig pala.. Bakit kasi hindi ko
kinuha yung blanket na yun.

Mukhang naliligaw pa ata ako. Nakakainis. Gutom ka na nga, nahiwalay ka pa sa mga


kasamahan mo. 

Kumuha ako ng bato, "Bwiset kang Monster ka! Bakit mo ako iniwanan?! Nakakainis ka!
Ugh!!" sabay initsa ko yung bato sa dagat. Nakakainis, para naman akong kawawa
dito. Wala akong kasama. 

Nasaan na kaya sila Liam? Sila Carl? Yung mga pabida kong kaklase? Hinahanap kaya
nila ako.

"Isusumbong kita kay Sir! Bwiset kang Monster ka!" initsa ko ulit yung bato sa
dagat. Gutom na gutom ako. Isabay mo pa ang pagkainis ko.

"Team daw! Nakakainis kang halimaw ka! Nagjojoke lang naman ako kanina! Sukat
iniwanan mo pa ako. Kawawa naman ang magandang nilalang na 'to!" hinagis ko ulit
yung bato.

Kumuha ako ulit ng isa pang bato, ihahagis ko na lang 'to.

"Hinayaan mo kong mag-isang halimaw ka! Bwiset ka! Bwiset ka talaga! Nagbibiro lang
naman ako kanina..." napayakap na lang ako sa dalawang tuhod ko.

"Hahahahaha.." nakarinig ako ng mahihinang tawa. Lumingon ako sa likod at nakita ko


yung tukmol  na 'to na sa likuran ko at nagpipigil ng tawa. Bwiset talaga!

"Freak..paano ba 'yan? Mukhang naligaw tayong dalawa? Ano ulit yung sabi mo?
Nagbibiro ka lang? Hahahaha! Wala kang choice, tayo talaga ang magkakasama ngayon..
Spend the night with me.."

=================

Chapter 37 - Grabe

Chapter 37 - Grabe sa Kilig


Sa sobrang pagkainis ko sa kanya dahil sa kayabangan nya at sabayan mo pa ng
malalakas na hangin na nagmumula sa dagat ay naibato ko sa kanya ang batong hawak
ko.

Tinamaan s'ya sa ulo n'ya.

"A-a-aray.." sambit n'ya habang hawak hawak yung ulo n'ya. Nagpagewang gewang s'ya
habang hawak hawak yung ulo n'ya. "Ahhhhhhhh..." sigaw n'ya na parang nasasaktan.

Nagulat na lang ako ng bigla s'yang bumagsak sa buhanginan. "Sh*t!" tumakbo ako
papunta sa kanya. Nawalan ata s'ya ng malay? Malakas ba talaga ang pagkakabato ko
sa kanya.

"Hala! What happened Monster! Huwag ka ngang magbiro ng ganyan! Babanatan kita..."
pagbabanta ko. Pero sa loob loob ko natatakot na ako sa nangyayari. May galos kasi
yung noo n'ya dahil sa pagkakabato ko. MyGod!

"Huuuy!" sinundot ko pa ang tagiliran n'ya gamit ang daliri ko pero wala pa din
s'yang reaksyon. Hala!

"Uyyy! Wahh! Uy? Monster naman ehh!" patuloy ko s'yang niyuyugyog pero wala pa din.
Ano bang nangyayari? Nag-uumpisa na akong magpanic. Bakit ko pa kasi s'ya binato.
Hala!

"Hahahahahahahahaha!" bigla s'yang tumayo at nagtatawa, what the hell! "Galing ko


umacting noh? Hahahahahaha!" tawa n'ya pa.
Inis ko s'yang nasuntok sa sikmura. "Bwiset ka! Gago!" iniwanan ko s'yang nagtatawa
doon. Nakakainis, lakas mang-good time.

"Freak! Saglit lang.." sigaw n'ya. Bahala ka jan sa buhay mo. Nakakagigil sa galit.
Ako pa biniro n'ya ng ganun. "Oy!" sabi n'ya na naman. Tumatakbo kasi ako, s'ya
naman ay naglalakad ng mabilis. Nako, kailangan ko talagang mahanap yung mga
kaklase ko kahit na madilim at tanging liwanag lang ng buwan ang nakikita.

"Saglit lang!" s'ya naman ngayon ang tumatakbo. Konting distansya na lang ang
natitira sa pagitan naming dalawa. Huminto ako sa pagtakbo ko.

"Uwaaaaahhhh! Nooooooo!" sigaw ko. Sasalpok s'ya sa akin. "Ahhhhhhhhhh!" patuloy na


pagsigaw ko.

*BLAG!*

Naramdaman ko ang sakit ng katawan ko. Pero hindi naman masakit na masakit kasi ay
buhangin naman ang binagsakan ko.

W-wait..

Bakit parang hindi ako makahinga?

Bakit hindi ako makagalaw?


Napakapikit pa din ako dahil sa iniinda kong sakit. MyGod..

Bakit parang isang matigas na bagay yung nasa harapan ko...

Idinilat ko ng dahan dahan ang mga mata ko.

"Wah! Kadiri ka!" sabay tulak ko sa kanya.

Inis kong pinahid yung mga labi ko gamit ang palad ko..

"Sh*t!" mura n'ya. Nabigla din ako sa pangyayari. Wala na bang mas-aawkward sa
sitwasyon ngayon?

"Ahhhhhhhh! Bwiset ka monster!" pinaghahampas ko s'ya sa braso n'ya. Sinasalag n'ya


naman ang mga suntok ko. "Kadiri ka! Kadiri ka!" wala ng mas nakakadiri pa dito.

"Hoy wag ka ngang OA!" sigaw n'ya naman. Ako pa ngayon ang OA?

"Kinuha mo yung first kiss ko! Manyak ka!" sigaw ko at mas lalakasan ko pa yung
suntok ko. Hinablot n'ya naman yung dalawa kong kamay. Napapagod na din ako sa
pinaggagawa ko sa kanya. Napaupo na lang tuloy ako sa sobrang pagkadismaya. Umupo
naman s'ya sa tabi ko.
Isang awkward na atmosphere ang meron kami ngayon. Walang nagsasalita. Iniisip ko
pa din yung kiss na yun. No!

Hanggang nagsalita s'ya na hindi ko inaasahan, "F-first k-kiss?" tanong n'ya ng


nauutal. Tumango naman ako. Bwiset na 'to, ngumiti pa s'ya. Lakas mang-inis. Anong
akala n'ya hindi ko s'ya nakikita sa peripheral vision ko?

"Huwag ka ngang ngumiti jan. Naiinis ako sa'yo! Manyak ka!" tinulak ko s'ya.

Bigla namang nagbago yung mood n'ya. "Hoy freak! Gusto mo ng kumain?" tanong n'ya.

"Kung galing lang sa'yo. Huwag nalang, kaya kong kumain ng walang tulong mo!" inis
na sabi ko. Nagsimula na din akong pumunta sa tabing dagat, maghahanap na lang ako
ng seashells at isda o kung ano mang p'wedeng kainin. Basta edible, go lang.

Lumipas ang 30 minutes pero wala pa din akong nakikita. "Anong klaseng dagat ka?!"
nababaliw na siguro ako. Biglang umeeksena yung kiss na yun sa isip ko. Sa sobrang
frustration ko, binato ko yung patpat na dala ko.

"Kruuuu..." nagpaparamdam na naman ang mga alaga ko sa t'yan. "Bwiset kayo! Ang
dedemanding n'yo! Nawawala ang kagandahan ko dahil sa paghahanap ng pagkain na
'yan. Magtiis muna kayo!"

Nag-lakad na ako pabalik sa buhanginan. Sa estimate ko mga 1 oras na akong


naghahanap ng makakakain. Asar lang!
Nakita ko naman si Monster na busy sa.."What the.. Marunong ka n'yan?" tanong ko sa
kanya.

Tumango naman s'ya.

Nagpapaliyab lang naman s'ya ng apoy gamit ang dalawang kawayan. Hindi pa rin
nagsisink-in sa utak ko yung nakikita ko, hindi kapanipaniwala.

"Yun!" sabi n'ya noong nakagawa na s'ya ng apoy. Napa-wow na lang ako sa utak ko.

Maya maya ay may inilabas s'ya mula sa likod n'ya. Dalawang malaking isda na
nakatusok sa stick.

Nag-iwas ako ng tingin ng nakita n'ya akong amaze na amaze sa ginawa n'ya.

"Sarap naman.." sabi n'ya habang inaamoy yung niluluto n'yang isda. Inilabas ko sa
bulsa ko yung mga seashells na napulot ko sa tabing dagat. Eto na lang ba ang
kakainin ko? Nakakabusog ba 'to? Parang hindi naman ako matitinga dito.

Nakapangalumbaba lang ako habang nakatingin sa bonfire. "Monster.." tawag ko sa


kan'ya. Lumingon naman s'ya sa akin, "Oh?" tanong n'ya.

"Akin na nga yung blanket! Matutulog na lang ako.." sabi ko. Nag-angat naman s'ya
ng tingin sa akin, "There.." tinuro n'ya naman at kinuha ko naman.
Inilatag ko yun at humiga na ako. Makatulog na nga lang, letcheng buhay na 'to.
Naligaw ka na nga. Gutom ka pa. Ipinikit ko na yung mata ko.

"Pssst.." si Monster yung panigurado. "Tulog ka na ba?" tanong n'ya.

"Kain tayo oh.." pang-aalok n'ya. Pero hindi pa rin ako naimik. As if naman
bibigyan n'ya ako. Baka nga lasunin n'ya pa ako. O inggitin lang.

"Hoy alam kong gising ka pa. Late ng natutulog yung mga freak. Isa!" pagbabanta
n'ya. As if naman matatakot ako sa kanya.

"Hindi mo alam kung anong p'wedeng gawin ko sa'yo. Dalawa!" pagpapatuloy n'ya. Mas
lalo ko pang ipinikit ang mata ko.

"Pagbilang ko ng tatlo. Hahalikan kita uli—"

"Oo na! Oo na!" sabay tayo ko.

"Good girl. Hahaha! Bakit takot kang mahalikan? Uyy... crush mo talaga ako noh?
hahaha!" tawa n'ya pa.

"Kapal mo! Kakasuka ka. Oh asan na yung kakainin ko?" pagmamataray ko sa kanya.
"Tsaka nga pala! Huwag mo na ngang ipaalala yung nakakadiring pangyayari kanina.
Assumero ka masyado!" inabot n'ya sa akin yung isang stick na may isda.
Sa sobrang gutom ko, tinanggal ko yung balat sabay kagat.

"Aww!" napahawak ako bigla sa labi ko. Ang init grabe! Nalapnos ata yung labi ko.
"Tsk! Mag-iingat ka nga!" inagaw n'ya sa akin yung stick ng isda at hinipan n'ya.

Inabot n'ya naman sa akin yung buko na may butas. Pinanood ko lang habang hinihipan
n'ya yung isda. "Oh. Kumain ka na.." inabot n'ya na sa akin.

Mga limang minutong katahimikan. "Ang bait mo ngayon. Anong sumapi sa'yo?" tanong
ko.

"Tss.." yan lang ang sagot n'ya. Sabay inom sa buko na pinag-inuman ko.

"Hoy! Kadiri ka! Bakit dito ka umiinom?! Yucky ka!" sabay agaw ko sa buko.

"Isa lang nakuha ko e. Wow freak, nahiya naman ako sa'yo. Ikaw nga pala yung
nanguha ng kinakain natin.." sarkatiskong sabi n'ya sabay irap.

"Edi share na! Arte nito!" sabi ko na lang.

"Ikaw yung maarte. Nakikiinom lang eh.. Indirect naman yun. Hindi kagaya ng kiss
kanina direct na dire— Aw!" kinurot ko s'ya sa tagiliran n'ya. Kailangan laging
ipinipaalala.

"Maghuhugas na ako. Makatulog na.." sabi ko sabay tayo at punta sa dagat. Lintek na
prof, wala man lang sanitizer. Feeling ko ang dugyot ko na pero maganda pa din.

Sumunod na din sa akin si Monster. Tapos bumalik na kami sa camp kuno namin.

Inilabas ko sa bulsa ng pants ko yung dahon. Kumuha ako ng isang tangkay ay


kinaskas ko sa ngipin ko. Takang taka naman yung itsura ni Monster.

"Ew. Ano 'yan?" tanong n'ya habang nakafrown.

"Magbabasa kasi ng libro o manonood ng educational videos. Alternative po 'to pag


walang toothpaste." pinagpatuloy ko yung paglilinis sa ngipin ko. Napanood ko 'to
at nabasa sa libro. Nakalimutan ko lang talaga ang tawag.

"Hoy bigyan mo nga ako n'yan!!" protesta n'ya. Sabay inagaw n'ya yung dahon.
"Sigurado ka bang effective 'to? Kapag nasira yung magagandang ngipin ko dito.
Idedemanda kita." sabi n'ya.

Napataas naman ang kilay ko sa sinabi n'ya, "Kung ayaw mo huwag mo. Magtiis ka sa
malansang hininga mo!"

Natapos na kaming dalawa. Inilatag n'ya yung blanket at humiga doon na nakabuka pa
yung dalawang malalaki n'yang braso.
"Hoy bakit ayaw mo pa tumabi?" tanong n'ya noong napansin n'ya na wala ako sa tabi
n'ya. Lumayo kasi ako ng bahagya. Nasa bornfire ang ako na ginawa n'ya kanina.

"Ayoko nga. Manyak ka kaya tapos patatabihin mo 'ko? Ew no!"

"P'wede ba. Can you just shut up? Huwag ka munang mang-away. I-set aside mo muna
yung galit mo sa akin kahit ngayon lang.. nakakairita yung boses mo." seryosong
sabi n'ya.

"Kakahiya naman sa ganda ng boses mo. Ahh... nakakaantok.." sabi ko sabay hikab ko.
Nakakapagod pala talaga yung araw na 'to.

"Humiga ka na oh. Doon na lang ako.." tumayo s'ya sa hinihigaan n'ya at s'ya naman
ngayon ang nakaupo sa tabi ng bornfire.

"San ka matutulog?" dumapa ako sa blanket at nakapangalumbaba na nakaharap sa


kanya.

"Nakakahiya naman kasi sa'yo mahal na prinsesa. Sige okay lang. Tulog ka na.." sabi
n'ya sabay dukdok sa dalawa nyang tuhod. Ako din ay pumikit na. Matutulog na lang
ako.

Pero sa di ko maipaliwanag. Hindi makatulog ang magandang kaluluwa ko. Sinilip ko


si monster.
Ang payapa n'yang matulog. Nakapikit yung mata n'ya at hirap na hirap. Nasa
buhanginan lang naman s'ya. Hindi ko maipaliwanag kung bakit lumapit ako sa kanya
at gising s'ya.

"Monster..." tawag ko sa kanya.

"Mmmm.." mukhang natulog nga 'to for real sa buhangin.

"Anong mmmm ka jan.. Doon ka na oh.." niyuyugyog ko pa din s'ya. Dumilat naman s'ya

"Matulog ka na.." sabi n'ya habang antok na antok talaga yung boses.

"Bwiset ka! Tabi na tayo dun oh!" turo ko pa sa hinigaan ko. Tumingin naman s'ya sa
akin sabay ngumiti.

"Ikaw hah? Don't tell me gusto mo talaga ako makatabi. Hahaha! Crush mo talaga ako
noh? Amin amin din freak pag may time..." nag-wiggle pa yung eyebrows n'ya.

Sa sobrabg lakas ng kayabangan ng lalaking 'to. Kinurot ko s'ya sa taigiliran n'ya,


"Aw! Sadista mo naman. Ayaw ko ng ganyang asawa. Hahaha!" tawa n'ya pa.

"Asawa?! Ha ha! Asa kang panget ka!" tumayo s'ya at nagpagpag ng mga buhangin na
nakadikit sa katawan at damit n'ya. Umakbay s'ya sa akin na s'yang kinagulat ko.
"Tara na misis.. Tulog na tayo.." sabi n'ya sabay hinila ako papunta sa hihigaan.

"Gago! Impakto ka talaga! Kilabutan ka nga!"

=================

Chapter 38 - His Warning

Chapter 38 - His Warning

"So monster. Bawal ka lumampas sa line na 'to. Tandaan mo yan. Itong part na 'to
hanggang sa guhit, teritoryo ko 'yan. Tapos 'yan, sa'yo yan. Huwag kang
magkakamaling humiga sa teritoryo ko kasi alam mo na. Gugulpihin kita.." pagbabanta
ko sa kanya. Kanina pa kami nagtatalo kung saan kami pupwesto at napagdesisyunan
namin na ganito ang magiging sistema namin.

"Asa ka namang gagalawin kita. Wala naman akong mahahawakan sa'yo. Tss!" pabulong
na sabi n'ya. Pero narinig ko pa din. Kaya nabigyan ko s'ya ng malakas na hampas sa
braso n'ya, "Aray naman! Sadista mo talaga! Oo na! Asa ka namang tatabi ako sa'yo
eh ang baho mo. Tsk!" 

"Huwow! Nahiya naman ako sa amoy mo! Grabe ka! Amoy lotion pa din ang balat ko!"
inamoy ko pa yung braso ko. Nakita ko namang ngumisi si Monster, "Hoy freak, wag
kang magkakamaling halikan ako kapag matutulog ako. Kundi nako.."

"ANG KAPAL NG MUKHA MO! GRABE! Ako hahalikan ka? Ikaw nga nanghahali--" tinakpan ko
ang bibig ko. Narealize ko ang sasabihin ko. Wahhh! Bakit ba umeentrada na naman
ang pesteng accident kiss na 'yun. Kadiri! Kadiri! Wah! 
"Hahahahahahaha! Hindi ka maka-move on?" tawa s'ya ng tawa. Peste naman kasing
bibig 'to. "Move on move on din pag may time.." 

"Heh! Wag mo kong kausapin! Matutulog na ko!" inirapan ko s'ya at pumikit na. 

"Matutulog ka na? Ayaw mong magstar gazing? Ang ganda ng langit oh. Ang daming
bituin.." sabi nya. Idinilat ko ang mata ko at nakita ko s'yang nakatingala sa
madilim na kalangitan. Seryoso lang s'ya as in. 

"P'wede ba huwag muna tayo mag-away? No hates muna oh?" sabi n'ya. 

"Ikaw kaya nang-aaway!" protesta ko ulit. Bwisit na 'to. Ako pa daw ang nang-aaway.
Eh s'ya yung malakas mang-asar. Ha ha ha! Patawa s'ya masyado. "Kakasabi ko lang
diba? Naguumpisa ka na naman.." sabi n'ya ng seryoso. 

"Oo na. Kwentuhan mo na lang ako.." pagsagot ko sa kanya at itinikom ko na ang


bibig ko. Baka magalit na naman yung isang bipolar sa tabi ko. Psh! 

Russel Liam's POV

"Ano ba? Kanina pa wala si Princess? Where is she?"  I asked Carl. 

"Hindi ko alam. Kasama ni Terrence diba? Hala! Baka naglunuran na ang dalawang
'yon!" exagg na pagkakasabi ng OA na 'to. "Baka binaon na ni Terrence si Master sa
ilalim ng lupa! Wahhh!!" 
"ANO BA CARL? WILL YOU SHUT UP?!" sita ko sa kanya. Madilim na at nag-aalala ako sa
kanilang dalawa. Lalong lalo na kay Princess. I mean, anong oras pa ngayon? 7PM?
8PM? I can't tell what the exact time 'coz I don't have watch here. 

Hindi na ako mapakali that's why I call for our Prof's attention. Bahala na.
"Terrence and Princess isn't yet here. Hindi pa sila nakakabalik." I said
dIrectly. 

"Really? Asan ba sila?" he asked. Napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil sa


frustration. Ano bang klaseng prof 'to? Hindi man lang nag-head count? Tss. Tapos
ngayon ganyan ang itatanong n'ya? What's with this old man? 

"Kanina pa po sila wala. Baka may nangyari sa kanilang masama." I snapped. Tumango
tango naman s'ya as if na iniisip n'ya yung na isip ko. 

Pinatawag n'ya yung buong klase. At gaya nga ng sinabi n'ya. We all searched for
them. We were like searching them for 30 minutes. Still, wala pa ding bakas nila.
Napasabunot na ako sa buhok ko. Kakainis. Damn! Saan na naman ba nagsusuot yung
dalawang yun. 

"I think wala namang nangyaring masama sa kanila. Knowing that Trish is fierce. I
mean, she's strong. Si Terrence sanay naman yun. May kaartehan lang talaga.." sabi
ni Kurt. 

"Anong pinalabas mo? Hahayaan natin silang magkasama at mawala?" seryosong tanong
ko sa kanya. 
"Eh ikaw? Anong pinapalabas mo at galit na galit ka jan?" pagtatanong n'ya.

"Shit. Kurt, bakit ganyan ka ba makaasta? Eh ano ngayon kung hanapin ko sila?
Hinahanap ko sila dahil mahalaga sila. Isang bestfriend ko at isang close na
kaibigan ko ang nawawala sa dis oras ng gabi. Sa tingin mo, matatahimik ako?!" 

"Chill lang pre. Nag-uusap lang tayo." awat sa amin ni Dominique. "Pagsabihan mo
kasi 'yan." I pointed out that Kurt. Kakainis.

"Alam mo. Kumalma ka. Sa tingin mo ba papabayaan ng kaibigan NATIN si Trish? Anong
tingin mo kay Terrence ipapahamak yung babaeng 'yun? Kahit naman laging magkaaway
yung dalawa. Sa tingin ko hindi naman ipapahamak ni Terrence si Trish." sabi ni
Kurt. 

"Oo nga bro! Sa tingin ko din!" pagsang-ayon ni Carl. Dahil jan binatukan ko s'ya,
"Siraulo ka! Sabi mo kanina nagsasakitan yung dalawa! Tapos ngayong makiki-agree
ka!" 

"Sorry naman! Malay mo naman diba? Alam mo naman yung dalawang 'yun? Huwag ka na
nga mapraning! Hindi naman pababayaan ni Terrence yun!" pinisil pisil n'ya pa ang
pisngi ko.

"Bakla ka ba?!" tanong ko sa kanya.

"Agad agad? Sa gwapo kong 'to. Sus nako, baka nga ikaw ang bakla jan! Tanggalin ka
na sa grupo, sabay pa naman tayong nagbibihis. Sus! Russel! Amin amin din... hindi
ka namin itatakwil!" 
"Ilayo n'yo sa akin yan Domonique. Ibabaon ko 'yan sa ilalim ng dagat.."

"Bukas na lang natin sila hanapin..pagsikat ng araw. Ok?" 

Nag-agree na lang ako sa suggestion nila. Parang wala naman din kasing patutunguhan
yung usapan namin. Psh!

Trish's POV

Nakahiga kaming dalawa ngayon. Wala ng nagsasalita sa amin. Ewan ko ba. Mas mabuti
na siguro yung ganito yung alon lang ng dagat yung maririnig mo. Mas okay na yung
ganito yung walang away.

Masarap naman pala sa feeling kahit paano. 

Tumingin ako sa kalangitan, puno ng stars. Kasing ganda ko talaga ang mga stars,
masarap tingnan. Maganda titigan. Parang ako lang, reyna ng kagandahan. Char!

Pwera biro, nagtataka ako ngayon. Bakit ang bait ng halimaw na 'to? 

"Your unpredictable monster. I doubt your kindness to me. Is this for real?" I
asked and fake a laugh. 
"Trish..mabait naman talaga ako. Mas nakikita mo lang yung side ko na lagi kang
iniinis. Ewan ko ba. Naninibago ka ba?" tumawa s'ya. 

"Oo naman! Lagi kaya tayong nag-aaway tapos ganito na? I'm asking myself many
times, what the hell happened?" feeling ko ngayon na safe ako sa kanya. 

Na-kahit matulog ako kasama s'ya. Parang okay lang. Parang walang masamang
mangyayari sa akin. Na parang kahit inis na inis ako sa kanya, wala s'yang gagawing
masama sa akin. Parang wala, normal lang na magkatabi kami ngayon. 

Tumagilid s'ya at tinitigan ako.

"Stop staring. Alam kong maganda ako. Pero nakakaoffend ang pagtitig mo!" inirapan
ko s'ya. Dinig na dinig ko ang pagtawa n'ya. Hindi naman yung tawang as in na
malakas, yung hagikgik lang. 

"Bakit ka naooffend?" tanong n'ya. "Dahil ba naiinlove ka na sa aken?" tanong n'ya.


Kinabahan ako bigla, parang may nagwawala sa loob ng t'yan ko.

"Ha-ha-ha! Too conceited Mister Sy? Hangin pa more! Woooh!" 

"I'm not conceited..I'm stating the obvious.."


"Anong stating the obvious?! Ha-ha! Kadiri 'to. Kung anu ano pinag-iisip mo!" 

"Just telling the truth. But I have a warning to you.." sabi n'ya ng seryoso.

"Ano na naman 'yan? Mga kaechosan mo sa buhay. Hay nako, dami mong alam na halimaw
ka!"

"Don't fall inlove with me..please.." and then he lay down and close his eyes. I
was left dumbfounded. Like what the hell he said? Falling inlove with him? 

=================

Chapter 39 - LAME TO!

Chapter 39 - BITIN HAHAHAHAHAHAHAHAHA! 

Terrence's POV

I'm still holding her hands. She's asleep, really a damn angel. I can't compliment
her as I want it. You know, this girl beside me is extraordinary. Nakakatawa kasi
ang lakas n'yang magalit sa akin. She's like a timebomb, yung tipong sasabog na
lang bigla. 

I don't know. Since my last girlfriend, I never felt like this. It was so magical.
Ang korny ko na shit. Ewan ko ba, nakakahawa yung kabaliwan ng freak na 'to. Hindi
naman maganda, slight lang. Hindi naman sexy. Walang wala sa mga model at katrabaho
namin sa showbiz na maganda. She's plain, intelligent at talagang mainit ang dugo
sa akin. 
"Don't fall in love with me..please" as much as I hate to say this line. Pero wala
eh, ganun talaga. Minsan kasi kailangan mong magparaya para sa kaibigan mo.
Nevertheless, makakahanap naman ako ng ibang babae jan. 

I'm inlove with her? I don't think so. Malayo s'ya sa standard at ideals ko for
girls. Kumbaga, s'ya nasa starting line pa lang pero yung iba malapit na sa finish
line. Ganun 'yun eh. 

You're inlove, Terrence. My heart said, pero kailangan talaga minsan na tanggapin
na lang na hindi s'ya para sa'yo. Anong magugustuhan ko ba sa kanya? Sadista s'ya.
Walang awa sa lalake. Did you see how she rolls her eyes? How she manage to speak
to a 'Terrence Sy' like that?

Never in my life that I was being trashtalked by a girl. Sa buong buhay ko, wala
pang nakakagawa nun kung hindi si freak. Baliw s'ya. Yun ang tamang deskripsyon sa
kan'ya. 

"Bakit ang bait mo sa akin?" I remembered those lines coming from her. Bakit nga
ba? 

Dahil siguro 'yon ang dapat mangyari. Dahil naisip ko na dapat mag-cease fire muna
kami kahit papaano. Nakakasawa na din kasi makipagtalo sa kanya. Lalo na sa tulad
n'ya. Isang sadista at parang senador sa pakikipagdebate. Gara noh? Kakaibang
klase. 

"Freak!" niyugyog ko 'yung balikat n'ya. Pero wala pa ding response, "Hey
sleepyhead, wake up.." tinapik ko pa yung pisngi n'ya. But I only got a those
sweet, "mmm..." I don't know but I smile.
I looked at her for a minute. Before I decided na gigising ko na talaga 'to. Isang
malakas na yugyog ang ginawa ko sa kanya. "ANO BA?! WHAT THE HELL?! MONSTER?!"
nagulat pa s'ya. 

"Tanghali na oh.." tinuro ko pa yung langit pero mas lalong pumangit yung
pagmumukha n'ya. "Anong tanghali? Kita mo ba? Ang dilim dilim eh! Madaling araw pa!
Bobo nito! Psh!" alam ko naman na ganyan ang magiging reaskyon n'ya. Medyo sanay na
din ako sa kamalditahan n'ya. 

"Tumayo ka na jan. Lakas mong mang-yakap. Sakit ng braso ko..." nag-inat pa ako
para makita n'ya. "Anong yakap? Kapal ng mukha nito!" sabi n'ya pa. 

"Tulog mantika. Tss! Pagkatapos mo matulog sa biceps ko. Sasabihan mo ko ng ganyan.


Napaka-ungrateful mo. Tsk!" medyo namula naman s'ya sa sinabi ko. "Kung maka-yakap
ka pa sa akin sus. Sabi mo pa nga "Mickey mouuuseeee... wahhh! Why so huggable?!" I
mimicked her voice. 

"T-totoo?" tanong n'ya na hindi makapaniwala. "Oo nga, gusto mo idemonstrate ko


pa?" pagsagot ko sa kanya. 

"Tss. Ako pa nga pinagnasahan mo freak. May nalalaman ka pang teritoryo. Mukha
mo..mga technique mo bulok!" isang nang-aasar na ngiti ang kumawala sa mga labi ko.
"Oy! Nagbablush! Nakatsansing ka sa isang Terrence Sy ah?" sinundot ko pa yung
tagiliran n'ya.

"Heh! Wala akong naririnig! Hindi totoo yan! Shut up!" sabi n'ya. 

"Kailan ka ba magiging mabait sa akin? Ang bait bait ko na sa'yo oh..." tiningnan
ko s'ya. "Pag naubos na ang tubig sa dagat! Psh!" sabay irap n'ya na naman. Kailan
ba ako makakatanggap ng smile sa kanya? Hindi s'ya ngumingiti sa akin. Lagi na lang
irap, pero pag si Russel yung kaharap n'ya, todo ngiti. Tss

"MASTERRRRRRRRRRR!" isang sigaw ang nanggaling sa bandang kanan namin. Paglingon


namin yung buong Elite5 ay papunta na sa kinatatayuan namin. "OHHHHMYYYY!
MASTERRRRRR! KANINA KA PA NAMIN HINAHANAP!" 

"CARL!" sigaw naman ni freak. Yung mga panget talaga ang lakas makapag-intindihan
sa isa't isa. Tsk! 

Nasira wattpad ko. Putek! Pagtyagaan n'yo muna 'to. Kasi next update mahaba po
talaga. Pagbabalik na nila sa school at continuation ng trip na 'to.
Sooooooooooryyyyyyyyyy Poooooooooo! 

READ: "LIVING WITH MR. ICE"

=================

Chapter 40 - Sexy

Chapter 40 - Sexy

Niyakap ako bigla ni Liam. "Thanks God! You're safe!" binuhat n'ya pa ako at
itinaas sa ere. "My God! Ibaba mo na ko!" nakakahiya grabe. Nakatingin yung mga
kagrupo n'ya sa akin. Nakita ko naman si Monster na papalayo na sa pwesto namin.
Nakalagay lang yung dalawang kamay n'ta sa bulsa ng shorts n'ya.
"Master! Hindi ka naman sinaktan ni boss Terrence?" tanong ni Carl sa akin.
Walanghiyang Carlito na 'to. Nakuha pang akbayan ako. Dahil good mood ako
pinabayaan ko na lang. Kung tutuusin masayang maging kaibigan si Carl. S'ya na
siguro ang gagawin kong bestfriend na lalake. S'yempre walang tatalo sa girl
bestfriend ko na si Steph. Nakakamiss yung bruhang 'yun.

"OA mo Carlito! Mukha ba akong pagpapadehado sa halimaw na 'yon?" kasabay pala ni


Monster si Dominique. Edi sila na nang-iiwan. Badtrip talaga 'tong si Monster.
Kanina ang bait bait tapos ngayon ewan ko. Ang hirap n'yang initindihin. "Malay mo
naman Master. Nako kahit anak s'ya ni manager kapag inaway ka n'yan. Nako,
masasampolan ko s'ya.." pagmamayabang n'ya.

"Talaga?" tanong ko. "Talagang talaga! Hehe!" sagot n'ya habang nagpapacute. Leche!
Mukhang babae yung panget na 'to.

"Oist! Monsteeeer!" pagsigaw ko. Lumingon naman s'ya, nakataas pa ang kilay. "Hindi
daw takot sayo si Carl sabi n'ya haha!" paglingon ko naman kay Carl. Napalunok
s'ya.

"Ah ganon? Sige mamaya usap tayo Carl. Papatanggal na kita!" naglakad ulit s'ya.
Bipolar talaga, akala ko naman makakapanood na naman ako ng away. Bad! 

"Master naman ehhhh! Bakit mo sinabi? Tss! Kakainis ka naman. Hayst!" pagbubuntong
hininga ni Carlito. Tinaasan ko lang s'ya ng kilay ko, "Diba sabi mo hindi ka
takot?! Sus!" 

Mabilis kaming nakarating sa base camp namin. Actually, mag stay pa kami dito ng
isang gabi pa. Medyo kumukulo na din ang t'yan ko, grabe. Tanging isda lang ang
kinain namin kahapon, no rice. So what will you expect? Na hindi ako magugutom?
Diet lang ang peg? Hindi uso sa akin ang diet. Hindi naman ako tabain. Psh!
Madalas kong katabi si Liam. Ewan ko ba dito, lagi na lang nakadikit sa akin. Si
Monster naman ay ayun nasa malayo at kausap si Dominique. Tanging si Carl at Liam
lang ang kumakausap sa akin. Kung paminsan minsan ay sumisingit si Letlet. 

"Nakabalik na pala ang feeling prinsesa...sana nalunod na lang! hahaha" may dumaan
na impaktan sa harap namin. Nag-flip pa s'ya ng hair, sino pa ba? Si Tiara. 

"Taray! Feeling maganda na naman!" pagpaparinig ko din. Wala na akong pakialam kung
sino man ang makakarinig. For sure, hindi naman ako mag matatalo. Diba nga? Si
Trish Lua 'to? Psh!

Nakita ko si Tiara na humarap sa direksyon namin nila Liam. "So feeling mo


ikakaganda mo 'yan?" mataray na tanong n'ya. 

"Paki-erase ang feeling. Dahil maganda talaga ako." I smirked. Iniscan n'ya ako
mula ulo hanggang paa, "Wala kang malalait sa akin. Maganda kasi ako! Haha!" nag-
fake laugh pa ako para mas lalo s'yang mainis. 

"Oh? Bakit hindi ko ramdam na maganda ka?" tanong n'ya. "Kasi manhid ka? Insecure
ba? Mga ganon? Hahaha!" balewala kong sagot. Umusok na s'ya sa galit at
pinagtitinginan na kaming dalawa. Mapaggawa kasi ng eksena, sa sobrang frustration
n'ya, ginulo n'ya ang buhok n'ya at nagwala. "Ugh! Nakakainis ka talagang panget
ka!" sigaw n'ya sabay punta sa dagat.

"Don't fight with her" said Liam. Napatingin naman ako sa kanya, "I'm not fighting.
Masama ba 'yon?" tanong ko sa kanya. Bakit ba napaseryoso nito. 

"I just said don't. Wala namang masama kung mananahimik ka na lang. You're really
one of a kind." he said. 

"Naman. Maganda kaya ako. Sige, next time magiging mabait na ko." sabi ko sa kanya.
"I love every bit of you. Hindi ka magiging si Trish, kung hindi ka ganyan." omg!
Kikiligin na ba ako? Pesteng Liam na 'yan. 
"Korny mo! Gutom ka pa ba? Sa'yo na 'tong pagkain ko!" pag-iiba ko ng mood. "Sira
ka talaga. Kain ka pa." ginulo n'ya pa ang buhok ko. Leche talaga!

After namin kumain. Syempre pahinga muna, sinabi sa amin ng prof namin na free muna
kaming gawin yung mga gusto namin. Kaya namang naisipan muna naming magswimming.
Nakita ko si Monster na pinagkakaguluhan. Grabe -___- 

Hindi nya na ako kinausap since kanina. Ewan ko ba sa kanya, ano na naman kayang
problema nun. Yung mga babae kong kaklase kulang na lang i-rape si Monter ng harap
harapan eh. Nakakaloka, ikaw ba naman makkakita ng isang super duper hot na yummy
body. Tanging yung beach short nya lang ang suot n'ya. Topless ang halimaw. Oops!
My gahd! Did I say yummy? Kadiri! Ano bang pinag-iisip ko! Nakakadiri ka Trish! 

"Swimming tayo Master?" tanong ni Carl. S'ya lagi yung kausap ko since kanina.
"Ikaw na lang. I don't want to swim." pasimple kong sabi. Pero ayaw ko lang talaga
sumabay sa kanila, nagtitilian kasi yung mga gaga kong kaklase. Nakakainis! Bwisit!
Ano bang meron kay Terrence at Kurt na topless?! Parang 'yun lang eh! Charr! 

"Hindi ka pa naliligo. Tara na!" yaya n'ya sa akin sabay hatak sa kamay ko. "W-
wait! Ano ba Carl?! Maliligo ako eh wala nga akong damit! Duh! Ano ako itutulad mo
jan sa mga kaklase natin?!" itinuro ko yung mga babae kong kaklase na ang lalakas
magbikini, puro naman libag. Haha

"Edi gumaya ka na. Siguro naman naka-ganyan ka din diba?"  tanong ng siraulong 'to.
"Oh ano ngayon? Anong gusto mong gawin ko?!" tanong ko sa panget na 'to. 

"Edi ganito..." hinubad n'ya yung shirt n'ya at yung jeans na suot n'ya, prepared
ang loko. May black trunks na suot. "Tapos na Master! Swimming na tayo!" sabi
n'ya. 
"Tara swimming tayo Princess. Mainit na din oh.." singit ni Liam na kakadating
lang. May pinuntahan kasi s'ya kanina tapos iniwanan kaming dalawa ni Carl. Nakita
ko naman na naghuhubad na din s'ya. -_______-

Ang daming feeling macho dito. Wooh! Yung mga babae kong kaklase napunta ang tingin
sa dalawang lalakeng katabi ko. Yung mga ribs nila kitang kita ko, joke haha! Mga
patay gutom sa abs yung mga kaklase kong babae! Kakainis sarap tapyasin ng mga
mata!

"Go ahead. I'm okay.. I'll stay here." sabi ko sa kanilang dalawa. Tatango-tango
naman si Carl na nag-iisip ng sasabihin o pambobola para mapapayag ako maligo.
Mukha n'ya! Kala n'ya mapapayag n'ya ako? No way, si Terrence naman nahuli kong
titingin tingin. Psh!

"Bahala ka nga Master! Sunod ka na lang kapag nagbago isip mo." sabi n'ya at
iniwanan ako. Si Liam na lang ang katabi ko ngayon. Nakaupo s'ya sa tabi ko. 

"HAHAHA! EW! HINDI KA FLAWLESS NOH?!" tanong ni Tiara sa akin. Inilantad n'ya
talaga ang mga p'wedeng ilantad sa katawan n'ya. Nakasuot s'ya ng red bikini. As in
two-piece. Nag-angat naman ako ng tingin sa mayabang at malditang babae na 'to.

"Ako? Hindi flawless? Pinagsasabi mo Tiara?" sabihan ba naman ako ng ganyan.


Nakakagalit at nakakainit lang ng ulo. 

"Why? Totoo naman ah? Kaya nga balot na balot ka eh! Hahaha! Kawawa ka namang babae
ka. Cheap na nga, puro pa peklat! Ew!" maarteng sabi n'ya. Isang isa na lang
talaga! At makakapatay ako ng tao, lulunurin ko ng buhay! Nag-inarte pa s'ya sa
paglalakad n'ya. Todo kembot pa, kadiri. 
Actually, maganda naman ang katawan ni Tiara. Hindi naman ako takot magcompliment.
Sad'yang hindi lang talaga bagay sa kanya ang kino-compliment. Nagkakaroon ng
hydrocephalus. 

"Tinatawag ako nila Dominique. I'll go. Kung sakaling magbago ang isip mo, puntahan
mo na lang kami. Okay?" sabi ni Liam. Tumango na lang ako. Halos lahat ng kaklase
ko andun sa dagat. Si Tiara ayun pinagkakaluguhan ng mga lalake kong kaklase. 

Sa sobrang inggit ko, hinubad ko na yung top ko at pants ko. Bahala na. carry ko na
'to. Inilugay ko ang buhok ko. Konting gulo lang at pwede na. I'm wearing a black
two piece. Mas naging maputi tuloy akong tingnan. Bahala na nga. Go na lang ako sa
pagswimming. Kakainggit! My gahd. Kung hindi lang ako pinaglalait ni Tiara malamang
hindi ako maggaganito. Lecheng babae na 'yan. 

Buti pala, dala dala ko ang beach hat at shades ko. So go na ako sa dagat. Isang
hakbang ko pa lang mula sa kinatatayuan ko. Nalipat ang tingin sa akin ng mga
kaklase kong lalake. Pati mga babae kong kaklase na busy sa panonood sa mga artista
na 'to ay napatingin din sa akin. Ganyan na ba ako kadyosa? 

Naglakad ako hanggang makalapit na ako sa tubig. Tinanggal ko ang beach hat ko at
shades at inilapag sa buhangin. Unti unti ako lumapit sa tubig at naramdaman ko na
ang malamig na tubig. Parang slow motion ang peg ng paligid ngayon. Napapatulala
sila at parang naghihintay ng susunod na gagawin ko. 

"M-m-master?" nauutal na sabi ni Carl sa akin habang nakatingin sa akin. "What?


Lets swim." sabi ko sa kanya. Pero tinakpan n'ya yung harapan ng short n'ya at
pumunta sa mas malalim na part ng dagat. -_______-

"Sexy! Witwit!" sabi ni Kurt. Inirapan ko lang s'ya. Kahit kailang talaga ay
napakamanyak ng panget na 'to. Napatingin naman ako sa gawin ni Dominique and as
usual, deadma lang s'ya. Nakita ko din sa peripheral vision ko si Tiara na masamang
nakatingin sa akin. 
Lumapit sa akin si Liam at binasa ako ng tubig, "AHHHHHHHHHHHH!!" sigaw ko at
binasa ko din s'ya. Sumali pa sa amin si Carl. "Bwiset kayo!" hanggang nagbasain na
kaming lahat. Oo, kasama yung buong blockmates namin.

Si Terrence naman ay lumapit sa akin at bumulong, "Hindi ko alam kung anong nasa
isip mo at nagganyan ka. Tss! Magbihis ka nga." 

=================

Chapter 41 - Quest

Chapter 41 — Quest

After naming maligo sa dagat. Pumunta na kami sa pampang. Natural saan pa ba


pupunta? Wala man lang tap water o cold water na pambanlaw. Nakakaloka, amoy dagat
na ang balat ko. Kinuha ko na lang yung mga damit ko. But sad to say may walang
hiyang nagtago ng damit ko, one thing more, nakita ko si Tiara na parang demonyo
ang ngiti. Lumapit ako sa kanya at buong tapang na nagsalita, "Where's my clothes?
Ilabas mo nga!" matapang na tanong ko sa kanya.

Tinaasan n'ya naman ako ng kilay. "Anong clothes ka jan? I didn't stole your
clothes. Kapal mo naman. Wow lang talaga! Ako pa pinagbintangan mo noh? Aanhin ko
naman yung damit mo? Pamunas ng paa ko?!" nagtawanan bigla yung mga alipores
n'yang, ang mga kampon ng dagat.

Sa sobrang inis ko, lumayo na lang ako sa kanila. So bikini ang peg ko ngayon?
Walang top at short man lang? Kasi naman Trish eh, tatanga tanga kasi. Minsan
talaga pumapalpak ang pagiging matalino ko, kagaya na lang ngayon. Nilalamig na
ako. Letche!
Lumapit sa akin si Monster at binato yung damit n'ya, tinaasan ko naman s'ya ng
kilay. "What are these for?" tanong ko sa kanya. Seryoso na naman s'yang nakatingin
sa akin, "Isuot mo." tapos lumayo na naman s'ya.

Pinanood ko lang na lumakad s'ya palayo. Tanaw na tanaw ko ang maskulado n'yang
pangangatawan. I mean those broad shoulders, and toned back muscles. Nako, kung
hindi lang talaga kami nag-aaway, kung hindi s'ya mayabang, arogante, nakakainis ay
posible kayang maging kami? Ay yuck! Ano ba pinag-iisip ko? Nakakadiri na naman ang
mga deep thoughts na 'to.

Tiningnan ko at inamoy pa yung white long sleeves na bigay n'ya, infairness hindi
mabaho at mabango naman. Ito yung suot n'ya kahapon hanggang kanina. Wala na s'yang
doble ngayon, white sando na lang talaga ang suot n'ya. "Thank you monster.  ."
pabulong na sabi ko. Lagi n'ya na lang ako tinutulungan, ilang beses n'ya na ba
akong tinulungan? Marami na at hindi ko mabilang.

Pagkasuot ko pa lang ng binigay n'yang damit, hala! Hanggang gitna ng hita ko ang
haba! Nakakaloka, naging instant dress. -___-

Sila Liam naman ay kanina ko pa hindi nakikita, bigla kasi silang nawala nila Carl.
Nagpupumiglas s'ya na hindi na sasama sa mga kabarkada n'ya kaso hinila hila s'ya.
Sapilitan ang ginawa nila. Hindi ko din alam kung ako ang ginawa nila. Mga lalake
nga naman oh..

Nagpatawag si Sir ng meeting kuno naman. Isa pa 'tong matanda na 'to. Matapos kami
maligaw ay sinabihan lang kami na 'Huwag muna kayo lalayo'. O diba? Caring much
lang? Ang sarap tapyasin ng buhok n'yang 50/50.

Anyway, nabawasan naman ang panlalamig ko dahil sa suot ko. Nakita ko naman sila
Carl na papalapit at parang nakakita ng multo, isa isa silang lumapit sa akin.
"Kaninong damit 'yan Master?" tanong ni Carl. Nagtanong din si Liam, "Kay Terrence
ba 'yan?" tanong n'ya. Napalingon naman si Kurt at Dominique kay Monster na nasa
harapan lang namin at nakikipag-usap sa prof namin.

"Yes it is, there's someone na nagtago ng damit ko and ayun si halimaw, nag-offer
ng damit n'ya." paliwanag ko. Parang hindi sila makapaniwala sa sinabi ko. Ganyan
na ba talaga sila hindi katiwala sa ginawa ni Monster.

"Tss! Kailan pa naging generous si Terrence bro?" tanong ni Kurt kay Dominique.

"Terrence is generous. Hindi n'yo lang nakikita yung good side n'ya. ." sabi ni
Dominique sa amin at naglakad na s'ya papalayo para puntahan si Monster.

"Ang labo pre.  . ang labo talaga. Tss!" sabi ni Kurt. Malay ko ba, mabait si
monster sa akin ngayon. Kung ako nga ay nagtataka pa rin, para s'yang bipolar.
Minsan pms, minsan mabait. Ang hirap i-determine ng ugali n'ya.

Nakatingin na naman ang mga kaklase kong babae noong papalapit na kami sa kanila.
Paano ba naman, tatlong famous ang katabi ko. Ako nga din ay nagtataka kung bakit,
yung mga kinaiinisan ko ay nagiging malapit sa akin.

"So magpartner partner na kayo. May gagawin tayong activity. Isa itong quest.."
sabi ni Sir. "Each team ay maghahanap ng nawawalang mga items na nakainclude sa
mapang ibibigay ko sa inyo. Nasa isla na 'to ang mga clue. Para hindi na ako
mahirapan sa pagsasalita dito. Eto na ang mapa.." inabot n'ya sa amin ang mga
sinaunang mapa. Joke! Kasi sunog effect pa ang mga gilid ng papel.

Pagkaabot pa lang sa akin ni Prof ay hinablot kaagad ni Monster sa kamay ko. "Tsk!
Saksak mo sa baga mo!" sabi ko. Nakakainis, anong akala n'ya sa akin. Hindi
marunong bumasa ng mapa. Ang talino ko kaya. Nakakainis na naman s'ya.
"Lets go. Huwag kang maarte jan." sabi ni Monster. At hinila na ako papunta sa
kagubatan. "Hindi ako maarte, maganda ako." sabi ko para naman mainis s'ya. Ang
sarap kayang inisin nito. Mwahaha!

Nakapasok na kami sa gubat. Yung mga kaklase din namin ay nasa loob na ng mapunong
lugar na 'to. Lahat sila ayay busy at walang gustong mapagtalo. Si Tiara naman ay
malaki na naman ang galit sa akin dahil kasama ko na naman ang super crush n'yang
si Monster. Edi ang ginawa ko ay kumapit ako sa braso ni Monster at dinilaan s'ya.
Kawawang Tiara, manigas ka.

"Hahahahahahahaha! Ohmygahd!" tawa ko pa. Nakakatawa ang reaksyon ni Tiara, kulang


na lang ay patayin n'ya ako sa inggit.

"Tss! Bitaw nga!" inis na sabi ni Monster. Diring diri n'ya pang pinagpag yung
braso n'ya.

"Arte mo talaga!" inis na sabi ko sabay sinuntok ko yung braso n'ya. "Ikaw ang
magpapatalo sa atin. Tss!" sabi n'ya at hinila na naman ako papunta sa mabatong
lugar na 'to.

Tahimik na lang akong nakasunod sa kan'ya. Badtrip na naman yung panget na halimaw
na 'to. "Ako na nga maghahawak n'yan. Hanggang ngayon. . wala pa din tayong
nahahanap. Tsk!" binato n'ya naman sa mukha ko yung mapa.

"Gago ka talaga! Humanda ka sa akin mamaya!" pagbabanta ko at binasa ko na kung


saan matatagpuan ang first clue.
"Ayy! Ayun! Ayun yung first clue! Nasa taas ng puno!" inituro ko yung puno na
napapalibutan ng baging.

"Ako na lang yung kukuha. D'yan ka lang." mahinahong sabi ni Monster at kinuha na
yung first clue. Ang galing n'ya! Ang tangkad n'ya kasi eh! Kaya mabilis n'yang
naabot!

"Yey! So ayun dun na tayo!" inituro ko sa mapa yung susunod na pupuntahan.

Next destination namin ay sa batis. Nakakapgod talaga ang trail na 'to, isama mo pa
ang pangangati ng legs ko dahil sa mga damo at insekto. Diba nga kasi hangang hita
lang yung damit ko tapos nakabikini ka pa. San ka pa?

"Shit freak!" agad agad na lumapit sa akin si Monster para tingnan ang nagdudugo
kong tuhod. "Be careful! Tangina naman freak. Sinugatan mo yung sarili mo!"
pagsesermon n'ya habang hinihipan ang nasugat kong tuhod.

Pinagmamasdan ko lang s'ya habang nakakunot ang noo n'ya at hinihipan ang tuhod
kong nasugat. "Sorry." sambit ko. Wala na ata akong magandang nagagawa ngayon, baka
maging pabigat pa ako at matalo kami sa trail na 'to.

"Tss.." rinig kong sabi n'ya, "Ano masakit pa ba?" tanong n'ya ng seryoso. Tumango
na lang ako, masakit naman talaga at kumikirot. Duh, yung maganda kong tuhod ay
nasugatan na. May kinuha s'ya sa bulsa n'ya, may panyo pala s'yang dala. Itinali
n'ya yun sa tuhod ko.

"Hoy anong gagawin mo?!" tanong ko sa kanya nung umupo s'ya sa harap ko. "Tanga ka
ba talaga? Malamang ipapasan ka! Tsk!" sabi n'ya.
"Kailangan talaga sumisigaw? Oo na po, sasakay na po boss." sabi ko na lang at
ikinawit ko ang dalawa kong braso sa leeg n'ya.

Ramdam na ramdam ko ang mabigat na paghinga n'ya. Isinandal ko pa ang ulo ko sa


balikat n'ya. Sarap yakapin parang si Mickey Mouse na stuffed toy ko sa kwarto ko.

"Hoy wag mo nga ako amuyin! Shit ka freak.. mabaho na ako!" inis na sabi n'ya at
nagpatuloy sa paglalakad.

"Oo nga eh, sumakit tuloy ilong ko." sabi ko naman. Pero yung totoo, mabango pa din
naman.

"Wag mo ko hingahan sa batok! Ilaglag kita!" pagbabanta n'ya. Pero itinuloy ko pa


ang pagdikit ng ilong ko sa batok n'ya.

"Hahahahahahahahahaha!" damn this. Kaya n'ya pala ako pinapatigil dahil may kiliti
yung ungas na 'to. "Shit ka freak! Babanatan kita! Hahahahahaha!" ang sarap
pakinggan ng tawa n'ya.

"Okay ka naman pala kasama.Sana ganyan ka na lang noh? Yung tumatawa.." sabi kosa
kanya. Pinilit nyang lingunin ako.

"Okay naman ako kasama ah?" tanong n'ya.

"Oo? Pwede na siguro?" sagot ko sa kanya.Nag-frown na naman yung kilay n'ya,


"Namumuro ka na sa akin freak. Unang una, ayon sa kontrata na hindi na natin
nasusunod, ako ang amo mo pero ang lumalabas ngayon. Parang wala lang. Tss!" natawa
naman ako sa sinabi n'ya.

"Oo nga noh? Di mo kasi matanggihan ang magandang katulad ko. So hindi mo na ako
inuutusan, isa pa. Parang wala namang kontrata na nangyari. We just act normal. So
thanks!"

"Marunong ka palang mag-thank you?" tapos tumawa na naman s'ya.

"Anong akala mo sa akin? Tsk! Ewan ko talaga sayo. Minsan monster, itahimik mo na
lang yung bibig mo kung wala kang sasabihin na maganda."

Nagpatuloy kaming maglakad. Hawak hawak ko yung mapa.

"Parang wala akong binubuhat. Ang gaan mo.." tapos tumawa pa s'ya. Naglalakad na
s'ya ngayon habang may pasan pasan na sexy na katulad ko.

"O-oist! H-huwag ka kumadikit dikit! May nararamdaman a-ako!" sabi n'ya.

"ANO?!" tanong ko. Hindi ko kasi magets yung sinasabi n'ya.

"W-wala. Manahimik ka lang jan. Tss!" hanggang makarating kami ng batis. Nakita
naman ang clue na nakaipit sa batuhan.
Maingat n'ya akong inupo sa batuhan. "Mukhang talo na tayo Monster. Sorry,
kasalanan mo 'to." sabi ko sa kanya. Tiningnan n'ya ako ng masama kaya nag-peace
sign ako.

"Joke! Oo na kasalanan ko na! Masyado na akong naging pabigat. Sorry, dahil sa akin
natalo tayo." pagpapakumbaba ko. Yumuko na lang ako, nahihiya din naman ako.

Nabigla ako nung inangat n'ya ang mukha ko at tinitigan ako sa dalawang mata ko.

"Don't say that. Makasama ka lang, panalong panalo na ako." hindi ko narinig ang
huling sinabi n'ya. Pagkatapos non ay ngumiti s'ya at inayos ang buhok kong
nakatakip sa mukha ko at sumakay muli ako sa likod n'ya.

=================

Chapter 42 - Serious

Chapter 42 - Serious

Hingal na hingal si Monster noong malapit na kaming makarating sa base camp. "Uy
okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya. Kanina n'ya pa kasi ako pasan pasan.

"O-oo ayos lang." sabi n'ya. Bumaba na ako sa likod n'ya. Takang-taka s'yang
lumingon sa akin. "Saan ka pupunta?" tanong n'ya sa akin.

"I'll get you a water." simpleng sabi ko. Pinilit kong maglakad kahit masakit at
mahapdi pa din ang tuhod ko. Sa paraan man lang na 'to ay maipaabot ko sa kanya na
thankful ako sa kanya. Nagulat na naman ako ng hilahin n'ya ang kamay ko sabay
hatak papalapit sa kanya. Kaya ang resulta ay napayakap ako sa kanya.

"M-monster.." kinakabahang sabi ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ng
lalaki na 'to at niyakap ako.

"Just a minute freak.. pagbigyan mo na ako." sabi n'ya habang hinahaplos ang buhok
ko. Wala na din akong nagawa kung hindi yumakap pabalik sa kanya.

Nagtataka ako sa inaasta ni Monster ngayon parang may kakaiba. Parang sa susunod na
araw ay magbabago. Parang may mangyayaring hindi maganda.

"Freak.. galit ka ba sa aken?" tanong n'ya. Rinig na rinig ko ang malalim na


paghinga n'ya, ang bilis ng tibok ng puso n'ya. 

"H-hindi naman. Minsan lang kapag nayayabangan ako sa'yo.." sabi ko. Talaga naman
kasing nakakagalit yung mala-demonyo nyang pag-ngiti, ang pagiging mayabang n'ya,
ang pagiging ungentleman.

"Naging masaya ka ba kahit papaano ngayon? I mean when we are together?" he asked.
I don't what comes to his mind why he is asking such questions like that. It's
really weird why I'm answering his question seriously. Maybe he is asking serious
too. Hindi ko alam kung bakit ganito kaseryoso ang pag-uusap namin na 'to.

"Narealize ko na hindi ka pala ganung kasama.. na kahit may buntot at sungay ka


pang nakatago jan.. eh may good side ka din." pagsagot ko. Inilagay n'ya yung baba
n'ya sa balikat ko at hinigpitan pa ang pagyakap sa akin.
"Na kahit anong pang-iinis mo sa akin, na kahit anong pangtitrip, pag-bubugbugan
natin ay hindi mo naman ako pinabayaan.."

"Na kahit anong pagmura ko sa'yo, nanjan ka pa rin. Na kahit gaano ka pang kasikat,
alam ko sa sarili ko na hindi ka naman ganoon kahirap pakisamahan. I really enjoy
this moment when we are together.. I don't know pero masaya ka naman kasama.."
pagpapatuloy ko. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para sagutin
yung tanong n'ya. Nakakahiya kasi masyado na atang napasobra ang sinabi ko sa
kanya. Hindi ko din alam.. basta ang alam ko sa sarili ko na totoo at galing sa
puso ang mga sinabi ko sa kanya.

"Alam mo ba freak.. ikaw lang yung nakakaganyan sa akin. Ikaw lang yung nakakamura
sa akin ng harapan. Hindi ko nga alam kung tanga ka lang o walang tv sa
bahay..dahil hindi mo kilala yung gwapong katulad ko.." sabi n'ya tapos mahinang
tumawa.

"Hangin mo grabe." pagkokomento ko sa sinabi n'ya. "Shhh.. don't speak. I'm the
only one who is allowed to speak at this moment." he said. Wala na akong nagawa
kung hindi tumahimik na lang.

Gusto ko kang enjoyin yung moment na 'to

"Naaalala mo ba yung mallshow na pinuntahan mo?" tanong n'ya sa akin. "Yes." mahina
kong sagot.

"Sinumpa ko talaga ang araw na 'yon. Unang una dahil pinahiya mo ako sa libu-libo
kong fans. Alam mo ba na talagang bumakat yung kamay mo sa gwapo kong mukha?"

"Kapal ng mukha mo na 'yan. . ako nga nasaktan eh.." pagsagot ko sa kanya.


"Pwera biro.. sinumpa talaga kita non. Kaya nga pinangako ko sa sarili ko na
hahanapin kita at pagbabayarin sa ginawa mo na 'yon. Kaso iba ang nangyari, yung
araw na 'yon ay hindi ko makalimutan dahil nakakilala ako ng isang freak.."

"Iba ka sa lahat.. hindi ka naman kagandahan.. hindi ka rin sexy.. hindi rin
talented..ano pa ba? Hindi ka rin ma—" hinampas ko s'ya sa likod n'ya.

"I hate you! Lalaiitin mo na lang ba ako?!" inis na tanong ko sa kanya. Nakakainis!
Laitin ba naman ako. Okay na eh, natotouch na ako tapos babanat s'ya ng ganun.

"Patapusin mo naman kasi ako.." bwelta n'ya. Isinubsob n'ya lang yung mukha ko sa
dibdib n'ya. Narinig ko na naman yung pintig ng puso n'ya. "Malayo ka man sa ideal
girl ko. Pero basta ang hirap i-explain freak. Basta balang araw.. malalaman mo
din. Hindi pa rin kasi ako sigurado... kung tao ka nga. Hehe!"

Inis kong hinampas s'ya sa dibdib n'ya. "Siraulo ka talaga! Wala kang kasing sama!"
tumawa naman s'ya sa sinabi ko.

"Sana mapatawad mo ako sa mga nagawa ko. Sa mga mangyayaring sa atin na hindi
maganda."

"Basta freak.. sorry. Sasabihin ko sa'yo ang lahat lahat kapag handa na ako. Kapag
handa mo ng malaman ang lahat. Pag dumating ang araw na 'yon, I hope you'll not get
mad at me. Dahil matagal ko ng pinagsisihan yung nagawa ko."

"Tandaan mo na... ikaw lang yung freak sa buhay ko at ako naman ang magiging
monster ng buhay mo."  sabi n'ya. Napangiti ako sa sinabi n'ya. Tumingala ako para
tingnan ang reaksyon n'ya.

"Umiiyak ka ba?" tanong ko sa kanya.

"N-no. Napuwing lang ako." sagot n'ya. "Alam mo naman maraming buhangin. Kung
umiyak nga ako.. that only proves na magaling akong artista. Haha!" tumawa s'ya at
kinuha n'ya yung kamay ko at inilagay sa balikat n'ya.

"Balik na tayo. Akbay ka lang sa akin. Tanga ka pa naman minsan freak.."

"Heh! Tigilan mo ako monster! Sasapakin talaga kita! Kanina mo pa ako sinasabihan
ng tanga!"

"Sorry na my princess.." sabi n'ya at tumawa. Nagfrown naman ako sa sinabi n'ya.

"Tse! Si Liam lang pwedeng tumawag sa akin n'yan." protesta ko. "Hindi bagay sa'yo
kapag tinatawag mo ako ganyan. sa freak ako sanay. Alam mo ba yun? Sa ganda kong
'to, freak ang tawag mo sa akin. Ha-ha!"

"Oh edi sorry my freak. Okay na po ba?" tanong n'ya. Para pang napilitan 'tong
siraulo na 'to.

"Much better!" pagsang-ayon ko.


Bumalik na kaming dalawa sa base camp. Sinalubong naman kami ng mga ka-grupo n'ya.
Gabi na pala noong nakarating kami. Busy ang iba sa paggagawa ng bonfire. Yung mga
maarte kong kaklase na babae ay nag-aayos ng mga gawa nilang tent. Yung mga boys
naman ay nagluluto. Ano pa bang aasahan mo sa mga rich kid na kaklase ko?

Third Person

Lahat ay abala sa mga nakatokang gawain nila sa camp. Magkakasama ang magkakabigan.
Naka-toka sila sa pag-iihaw ng isda.

"Congrats Russ! Kayo pala nanalo sa trail!" sabi ni Carl kay Russel. Eto kasi ang
unang nakatapos ng trail.

"Haha! Salamat." masayang sabi nito. Ibinaling ni Russel yung tingin n'ya kay
Terrence na abala sa pag-iikot ng stick. "What happened to Princess?" tanong n'ya.

"Nadapa kanina." simpleng sagot nito. Napatango na lang si Russel, talagang nag-
aalala ito noong nakita nito ang benda sa tuhod ni Trish.

Dumating ang prof nila, "Kailangan n'yo daw bumalik sa Manila tonight. Pinababalik
na kayo ni Mr. Sy, urgent daw. So boys, nakahanda na yung speed boat." sabi naman
nito.

Naagaw ang atensyon ng lahat dahil sa balitang natanggap. "Bakit na naman kaya?
Sana hindi naman bad news.." sabi ni Carl sa grupo.
"Oo nga, sana nga hindi bad news." pagsang-ayon ni Kurt sa binata.

Wala na silang nagawa kung hindi sumunod sa balitang natanggap. Nagpaalam na si


Carl kay Trish at sa mga kaklase nito. Nabigla ang lahat sa balitang natanggap. Ang
ginawa tuloy ng prof ay pinaghanda ang lahat at sa hotel na silang lahat matutulog.

Lahat ay masayang nagsipag-ayos at sumakay sa speed boat. Ano pa ba ang aasahan mo


sa mga batang 'to, hindi sana sa buhay isla.

"Tara na Master! Sakay na tayo!" pagyaya ni Carl kay Trish. Nag-agree naman ang
dalaga at tumingin kay Terrence at Liam na nasa isla pa at seryosong nag-uusap.
Gusto n'yang tawagin ang dalawa pero pinili n'ya na lang sundan si Carl.

"Mahal mo ba talaga si Trish?" tanong ni Terrence sa kabigan.

"Oo pre. Mahal na mahal." sagot naman nito.

"Pero alam mo naman ang rules ni dad diba? Walang pwedeng mag-girlfriend habang
nasa grupo."

"I know. Kaya ko naman i-sakripisyo ang career ko. Kung ganoon nga ang mangyayari.
Ikaw ba? In love ka ba kay Princess?" tanong ng kaibigan.

"Ako?" turo n'ya sa sarili n'ya. "Hinde. Huwag ka nga magpatawa Russel!"
"Kilala kita Terrence. Matagal na kitang kaibigan.." sabi ni Russel . "Sigurado ka
ba? Kasi ako.. sigurado akong mahal ko s'ya. Kaya kong magsakripisyo kung
ikaliligaya ko naman ang gagawin kong desisyon diba?" dagdag pa nito.

"Malakas na talaga ang tama mo kay freak.. Suportahan na lang kita sa kanya. But
bro.." sabi ni Terrence sa kaibigan sabay tapik sa balikat nito. "Take care of her,
love her as much as you can 'cause If you don't do that.. I might steal her away
from you.."

=================

Chapter 43 - Overthinking

Chapter 43 - Overthinking

Mag-aalas otso na noong makararing kami sa hotel dito sa Puerto Princesa. Nakatapos
na din kaming kumain. Nasa kanya kanya ng unit ang mga kaklase ko. Luckily, hindi
ang feelingera naming class beadle ang kasama ko sa kwarto. Thank God! Mawawala ang
stress ko sa assumera na si Tiara.

Kanina pa din nakaalis sila Monster. May importanteng aaaikasuhin daw sila sa
Manila. Nagkaroon daw ng urgent call from his dad, lahat ng kagrupo n'ya kasama din
n'ya. The moment he said that, parang ang bigat sa pakiramdam.

I r-really don't know what is happening to me. Basta ang alam ko, malungkot ang
isang side ng utak ko. Nahahawa na ata ako sa kabaliwan ni Monster. Yung moment na
habang yakap yakap n'ya ako at buong puso naming sinasagot yung question ng bawat
isa.
Masaya din pala sa feeling na hindi kayo nag-aaway, na sana ganun na lang kaming
dalawa. Pero mali eh, hindi naman akong sweet na tao. S'ya din naman. Ew! Ano na
naman bang pumapasok sa isip ko at naiisip ko 'yon?

Tinapos ko na ang pagboblow dry ng buhok ko. "Woo!" sarap sa feeling, heaven kung
heaven. Natanggal ko na at nadisinfect lahat ng germs at bacteria sa katawan ko.
Nakapagtoothbrush na ako ng ilang beses, nakakain ng maayos, nakapaligo. Sarap
talaga sa feeling.

Tomorrow morning, aalis na kami dito sa Palawan at balik Manila na naman. Babalik
na kami sa reality. Makikita ko na naman ang mga iba't ibang mukha ng tao: mga
plastik, mga mapapel, mga nakakainis, mga insecure. Hay nako bahala sila sa buhay
nila, hindi ko sila pag-aaksayan ng panahon.

Excited na din ako makita si Tristan at si Papa. Ang clingy ko na, my gahd! Ano
ngayon? Nakakamiss naman talaga yung bwisit ko kapatid tsaka si Papa. Si Steph din
na baliw ay nakakamiss din.

Tinapos ko na ang pagboblow dry ko ng buhok. Nagsuklay na kang ako for the nth
time. Kinuha ko ang remote, nakakamiss din palang manood ng tv. Haha

So ayun nga, in-on ko yung tv. Natapat pa sa balita. I mean yung part ng news
program na puro artista lang yung news. Papatayin ko na sana ang tv ng mahagip ng
mata ko ang headline.

"Ex-girlfriend ni Terrence Sy, balik na naman sa Industriya!"


Ex-girlfriend? Sino? Bakit wala naman ata s'yang nasasabi sa akin tungkol jan. Sa
bagay, hindi naman kami vocal sa isa't isa. Kung may nasabi man s'ya, sigurado
akong nakalimutan ko na 'yon. Diba nga I hate non-sense stories.

Pero iba na talaga ngayon, alam ko sa sarili ko na involve na ako dito.

Ipinakita sa screen yung interview ng isang babae, "Actually, I am planning talaga


para bumalik dito. Natapos ko naman din ang kontrata ko sa Paris as a model. Kaya I
decided to go back here. Actually, matagal na akong nandito. Almost two months na
ata?" sabi ni babae. She looks so familiar to me, nakita ko na s'ya somewhere pero
I can't recall where it is.

"So bakit ngayon ka lang lumabas sa press?" tanong ng reporter. Nag-ayos naman ng
buhok yung babae at maarteng sumagot, "Uhm.. I'm not yet ready. My manager decided
na ngayon ang tamang panahon para sa interview." sagot naman nito.

"I heard na may incoming project ka with Terrence Sy which is your ex-boyfriend. So
totoo ba 'yon?" tanong na naman ng reporter. Mas lalo akong nilakasan ang volume ng
tv. Halos dumapa na nga ako sa kama ko at nakapangalumbaba pa ako.

"Yes that's true. May movie kami na gagawin. Actually, mag start na ata kami ng
taping next week." simpleng sagot nito.

"Hindi pa rin malinaw sa lahat kung bakit kayo nagkahiwalay? Pwede na bang sabihin
sa mga fans n'yo ang dahilan?" tanong na naman ng reporter.

"Uhmm. some sort of misunderstanding lang. But I know na maayos naming dalawa yun."
sabi naman ng babae.
"Last question Miss Quencess Aruta.." sabi ng reporter, buong ngiti namang sumagot
yung babae. So Quencess pala ang name n'ya.

Right! I know her! S'ya yung judge noong pageant. Kaya pala masama ang tingin ni
Monster sa kanya dati. Dahil may past sila. My gahd! Another revelation na naman
'to sa kanya.

"What? I wil sincerely answer your questions." sabi na naman ni Quencess.

"Posible pa ba kayong magkabalikan ni Terrence?" biglang sumikip at dibdib ko.


Nakatutok lang ako sa tv at naghihintay ng isasagot n'ya.

"Yes of course, alam kong maayos pa namin 'to. Alam ko na mahal n'ya pa din ako. At
mahal ko pa naman din s'ya. I'm willing to get him back." agad kong pinatay ang tv.

She's willing to get him back? So ibig sabihin, si Monster ang nakapaghiwalay? Ang
dami daming tumatakbo sa isip ko ngayon. Some part of my mind and my heart was
shocked. Nagsisisi tuloy ako kung bakit ko pa binuksan yung tv. Bakit ako
nasasaktan? Bakit maisip ko pa lang na maggigirlfriend si Monster ay nasasaktan
ako?

This is not me, wala akong pakealam sa buhay nila.

Nag-ring bigla ang phone ko. Agad kong kinuha sa bulsa ng suitcase ko. Binalik na
din ni prof ang mga gamit at gadgets namin. Nanginginig pa ako habang binubuksan
ang zipper. I was expecting a call from him but I was wrong..
"Why?" I asked. Ewan ko ba, nawala na naman ako sa mood ko.

[Kyaa! Namiss kita Trishy! How's you na?] kung hindi ko lang talaga bestfriend 'to
ay malamang binabaan ko na 'to at hindi na pinag-aksayahn ng oras para kausapin.

"Can you tone down yoir voice? I'm okay. Bukas pauwi na kami. Makikita ko na naman
ang kapangitan mo."

[Ehh? Ang hard mo talaga! Oh my gahd! Nakita ko yung Elite5 sa airport kanina! Oh
my!!] fangirl alert!

"Huh? What do you mean?" ang bilis n'ya namang makasagap na pauwi na sila Monster
kanina.

[Eh kasi nga! Pag-open ko ng twitter ko. May nakita akong tweet na uuwi na daw ang
Elite5. So ayun pumunta ako ng Airport agad agad! Oh my gahd! Ang pogi pogi ni
monster mo! Tsaka si Car—awts!] sabi n'ya.

"What's that?" nakarinig kasi ako ng kalabog.

[Leche! Nahulog ako sa kama huhuhu!"] natawa naman ako.


"Arte arte kasi! Kilig pa more! Hahahahaha!" hindi ko na napigilan ang tawa ko.
"Shunga shunga!" dagdag ko pa.

[Heh! Oy nakita mo ba yung news?! Malamang hinde! Bakit pa nga ba kita tinatanong?
Ikaw manonood ng local news especially showbiz world? Haha! Osige, mag kwento na
lang ako..] sabi n'ya. Deep inside natawa na naman ako. Napanood ko kaya. Malamang
may kinalaman kay Monster o sa Elite5 ang ikukwento n'yan. Fangirl yan eh! Ew!

[So ayun nga.. nagbabalik ang ex-girlfriend ni Monster mo! Nakakaloka! Sana hindi
na s'ya nagbalik. Hahaha]

"Bakit mo sinasabi mo sa akin 'yan?" deretsahang tanong ko sa kanya.

[Natural! Hehe! Share ko lang bakit ba? Hurt hurt ka noh?!] sabi n'ya sabay tawa.

Nasasaktan nga ba ako? H-hindi ko alam. Naguguluhan pa din ako.

"B-bakit naman ako masasaktan? Mag-ano ba kami? Wala naman. Spare the drama.
Manahimik ka nga!" inis na sabi ko sa kanya.

[Araaay! Nabasag ang eardrum ko! Ididikit ko na lang mamaya hihi! I was saying,
sinasabi ko lang sa'yo kasi trip ko lang. You know, shipper ako ng TeRish hahaha!
Push ko 'to.. pero you know bestfriend.. kung saan ka masaya. Doon din ako. Swear!
Itaga mo yan sa kagandahan ko! Hihi!] napailing na lang ako sa kabaliwan n'ya. No
doubt bestfriend ko nga 'to.

"May tanong ako Steph.." nahihiya kong sabi. Ewan ko, pumasok na lang bigla sa isip
ko yung itatanong ko.

[Oh ano? Itatanong mo ba kung posible maging kayo ni Fafa Terrence? Hahaha! Oo
naman! Pero si Russel din! Pwede din! Taray haba ng hair! Putulin na 'yan!]

"Ano ba?! Ang dami mong sinabi! Nakakainis ka! Bakit mo ba ako nililink sa mga
panget na 'yan?! Kainis 'to!"

[Joke lang! So ano na tanong mo? Haha! Sorry madaldal na naman ako. Epekto lang ng
kagandahan ko.] sabi n'ya pa at humagikgik.

"What's the reason why Quencess and Terrence broke up?" for sure alam n'ya ang
sagot sa katanungan ko. Tsismosa yan, lahat alam. Isa pa, tungkol sa idol n'ya ang
tanong ko. So I guess she knows the answer.

[Walang may nakakaalam kung bakit sila nag-break. Nagulantang na lang ang mga fans
nila noon in-announce ni Terrence na break na sila. Tanging si Quencess at si
Terrence ang nakaalam. Sorry, I don't know sis. I think, it will be better if you
ask Terrence..]

I'll ask him? But wala naman akong karapatan para magtanong sa kanya. Nakakahiya,
baka sungitan na naman ako at masabihan na ako isang pakialamera. And I don't want
that to happen. I'm just damn curious.

"I see. I'll hang up maaga pa kasi ang flight namin tomorrow. See you then. Good
night!" sabi ko sa kanya. Ibinaba ko na ang phone ko.
Nakatingin lang ako sa liwanag ng lampshade. Nag-ooverthink na naman ako. Naalala
ko na naman yung mga sinabi sa akin ni Terrence, na balang araw may ipagtatapat daw
s'ya sa akin. Isama mo pa ang pagcoconfess sa akin ni Liam kanina bago sila umalis.

"I like you Princess Trish Lua.. I know na masyadong mabilis. Ilang buwan pa lang
noong  nakilala kita. . I know to myself na hindi na kita gusto dahil mahal na
kita, I love you Princess.." and the moment he said that, may nabasag na baso. And
when I looked back, I saw Terrence walking away.

———

         Thank you po sa mga nagcomment, sa mga nag-vote, sa nag-message at sa


nagpopost sa message board ko. Maraming salamat! Gusto ko lang linawin na may mga
facebook po sila Terrence tsaka yung ibang characters. Search n'yo na lang name po
nila.

        Na-draft ko na po yung chapter na 'to kaya mabilis akong nakapag-update.


Haha! Yung next na chapter kasalukuyan ko pang iniisip at pinaplot ng maayos sa
isip ko. It's Holy Week, baka sa Easter Sunday na po ako mag Update. Salamat!
Please do read the story of Dominique. "Living With Mr. Ice" support naman! 

Maraming salamat sa magvovote at comment! Babasahin ko talaga lahat! 

=================

Chapter 44 - Confusions

I heard most of you guys are shock because I can write such an extreme point of
view of  a girl. Well, I agree. It's hard for me to write in this way, I want
myself to be challege as possible as I can. You know, I am ecstatic about it. I am
writer, deal with it.  I am a writer that's why I can handle switching into
different Povs. Hi, I'm sweetadmirer. Nice meeting you girls! Once again, I'm a guy
so stop calling me Miss. It's too fucking annoying. Get it? 

--

Chapter 44 - Confusions

Pasado alas dose na noong nakarating kami ng Manila. Isinuot ko ang shades ko.
Naghihintay sila Papa sa akin sa labas ng airport. Hila hila ko ang black and pink
kong suitcase. Sa hindi kalayuan, nakita ko na kaagad si Papa na kumakaway sa akin.
Kaagad akong sinalubong ng magaling kong kapatid. "Thanks!" sabi ko sa kanya at
inirapan ako. Si Papa naman ay niyakap ako kaagad. "Pa.. mamaya na lang! Clingy
much? Haha!" natawa tuloy s'ya sa sinabi ko. Pumasok na kami sa loob ng sasakyan ni
Papa. Si Papa ang taga-drive, natatamad daw kasing mag-drive ang magaling kong
kapatid

"Oy hah?! Di mo ba ako namiss?" pang-iinis ko kay Tristan. Tiningnan n'ya naman ako
at parang nasusuka, "Ikaw nakakamiss? Sus. Asa ka naman!" sa sobrang inis ko sa
kanya at nilapirot ko ang pisngi n'ya.

"Wahh! Ano ba! Mashaaket!" tawa lang ng tawa si Papa sa pagkukulitan namin. "Ano
hindi mo ba ako namimiss? Sagot Tristan!" tanong ko na naman sa kanya.

"Hi- Oo na mimishh! Mashakeet!" daing n'ya. Binitawan ko naman yung pisngi n'ya.
Tawa lang kami ng tawa si Papa. Si Tristan naman ay chineck yung pisngi n'ya sa
salamin.

"Look at what you did! Kapag ito nagpasa! I swear gagantihan kita!" galit na sabi
sa akin ni Tristan. "Papa oh. Look at Tristan!" pagsusumbong ko kay Papa. Tiningnan
naman s'ya ni Papa. Natawa ako sa isip isip ko. Tumiklop ang mokong na 'to. Isang
tingin lang pala ang katapat n'ya.

Nakarating na kami kaagad sa bahay. Maganda pa din as usual. Napalingon naman ako
sa bahay nila Liam. Nasa bahay kaya s'ya? sa isip isip ko. The moment na nag
confessed s'ya sa akin ay nabaliw na ako. Oh gahd, hindi ko maipaliwanag ang
nararamdaman ko nun. Para bang may kulang pa din, ang swerte at ang ganda ganda ko
naman diba? Imagine, Russel Liam Ong? Isang sikat na artista ay nagsabing mahal
ako? Hindi ko alam kung maniniwala ako. Basta alam ko na masaya ako kapag kasama
sila.

Napahinto ako sa pag-iisip ng bungguin ako ni Tristan, "Ipasok mo 'yang gamit mo.
Tss!" at iniwanan n'ya ako. Grabe, bakit ganyan ang kapatid ko? Napaka! Napaka-
ungentleman! Hindi ko na s'yang nagawang awayin dahil prente s'yang naglakad habang
nakapamulsa, feeling cool. Ugh!

NAGPAALAM na ako kay Papa na aalis muna ako at sasaglit ako kila Steph. Nagpaalam
din ako kay Papa na hihiramin ko muna yung kotse ni Tristan. As usual, ayaw n'yang
pumayag pero ano pa ba ang gagawin ng charm ko kay Papa? Edi bandang huli, ako ang
nagwagi.

Naipark ko na ang kotse. Dali dali akong sinalubong ni Steph na todo naka-sunglass
pa. Nandito kaming dalawa sa garden nila, "Oh my gahd! Oh my gahd! You're back
huhubels!" niyapos n'ya ako. Pinalo ko naman ang kamay n'ya na nakaligkis sa akin.

"Pumasok na muna tayo. Alam mo 'yon? Ang init init!" pagtataray ko sa kanya. At
ganoon na nga ang nangyari, pumasok na kami sa loob ng mansion nila at binaybay ang
daan patungong kwarto n'ya.

Pagkapasok pa lang namin sa kwarto n'ya, nakita ko kaagad ang magpapasira ng araw
ko. "Hihihi! Ang kyot nila nuh? Hihihi! Carl my loves! Bias ko talaga 'yan!" tapos
hinug n'ya yung standee ni Carlito sa tabi ng closet n'ya.

"Buti hindi ka binabangungot? May mga demonyo sa dingding ng kwarto mo?" inis na
sabi ko at umupo sa kama n'ya.

"Anu ka ba bestfriend! Alam mo yung feeling na pagkagising mo pa lang! Wahh!


Tinitingnan nila ako. Silang lima! My gahd! Nakakabaliw kyaa~!" at humiga s'ya sa
kama. Dinamba n'ya ako kaya napahiga na din ako.

"Alam mo yun. Nakakagoodvibes sila! Si Terrence na super duper hot na bet ko para
sa'yo. SI Russel na ang galing sasayaw na bet ko din para sa'yo. Si Kurt na
makalaglag bra at panty ang kagwapuhan. Si Dominique na tahimik pero ang lakas ng
appeal. At kyaaa~! Si Carl ng buhay ko~!" hinampas ko s'ya ng unan sa mukha. Sukat
ba namang sumigaw? Saktong sakto sa tainga ko? Bwiset!

"Nakakagoodvibes ba 'yan? Mga pinag-iisip mo!" panenermon ko sa kanya. Yung


dingding ng kwarto n'ya ay puno ng poster at pictures ng Elite5. Tapos may isa
s'yang standee ni Carl sa gilid. "Baliw ka talaga.."

"Eh naman eh! Alam mo ba! Hinalikan ako ni Carl! Hihihihihi!" halos nanlaki ang
mata ko sa sinabi n'ya.

"ANO?!" hindi ako makapaniwala. "Si Carl hahalikan ka? Mga trip mo noh? I won't
believe you!" sabi ko sa kanya.

"Ehh~! Trishy naman eh! Selos ka ba? Huwag naman ganyan bestfriend! Sa akin lang si
Carl! Walang ahasan! Bad 'yon!Tandaan mo 'yan kung hindi nako..sasabihin ko kay
Terrence na patay na patay ka sa kanya! Hahaha!" tumawa s'ya ng tawa at gumulong sa
kama n'ya.

"Pwede ba? Unang una, hindi ko type si Carl. Like duh, boy bestfriend lang. Wag ng
ipilit, kadiri ka!" sabi ko sa kanya. "W-wait! Iniisahan mo ko eh! Ano nga ulit
sabi mo? Hinalikan ka ni Carl?" pagtatanong ko ulit sa kanya.

"Ako pala humalik sa kanya! Hehehe! Nagfrench kiss kami! Grabe, ang wild n'ya mag
response! Hihihi!" kinikilig na sabi n'ya. Mas lalo namang lumaki ang mata ko sa
sinabi n'ya.

"What the heck? F-french kiss? My gahd! P-paano?" tanong ko sa kanya.


"Oo french kiss! Hihihi~! You know what? Hindi ko pwedeng idemonstrate sayo. Hindi
tayo talo! Kadiri ka Trishy! I've never thought you are a lesbian!" sabi n'ya.
Napataas naman ang kilay ko sa sinabi n'ya.

"Stupid! I mean why he kissesd you? When? Where? Like duh, manahimik ka Steph. Alam
ko kung paano magkiss! Huwag ka!" sabi ko sa kanya habang may hand gestures pa.

"Dito nga sa kwarto ko ginawa yun! Hihihi! Astig noh? Hahaha! Oh my gahd! Grabe
haha! Kiniss ako ni Carl! Kiniss ako ni Carl! Nag-french kiss kami! Ang saya saya
talaga bestfriend!" sabi n'ya habang kinakanta pa ang ibang sinasabi n'ya. Napadako
naman ang tingin ko sa standee ni Carl.

"Hoy gaga ka! Ano yung kiss marks sa standee ni Carl? My gahd.." napatingin ako sa
kanya. "Huwag mong sabihin! Iyan ang naka-french kiss mo?!"

Inirapan naman n'ya ako, "At least parang si Carl my loves noh? Life size kaya 'to.
Next time si Carl my loves na talaga! Swear!" napatawa naman ako sa kanya.

"Hahahahahaha! Kadiri ka Steph! Ano bang kagagahan ang pinaggagawa mo noong wala
ako? Buti hindi mo nirape 'yan?" tinuro ko sa standee.

"Gusto mo i-try ko? Pwede din naman hahaha!" tumawa na s'ya. Baliw talaga..

"Alam mo ba Trishy! Nakita na ako ng Elite5 na nakahubo't hubad! My gahd! Mga


manyak pala 'yon." sabi n'ya.
"Huh? Ano pakiulit nga?" baka mali kasi ako ng narinig. "Ang sabi ko.. Nakita na ng
Elite5 yung katawan ko. As in me, naked. Walang saplot hihihihi!" sabi n'ya.
Nanlisik ang mga mata ko sa sinabi n'ya.

"Stephanie Montecarla!" pagbabanta ko sa kanya.

"Oo na! Joke lang! Eh kase naman kapag nagbibihis ako dito sa room ko, sila ang
nakikita ko. Edi kahit pictures o ano pa man 'yan. Nakita na nila hihihihi! Ang
bright ko diba? W-wait lang Trish..." lumingon s'ya sa akin at tinaasan ako ng
kilay, "Ang sabi mo kanina. Alam mo kung paano mag-kiss? Ang fishy mo dun! Umamin
ka nga! May first kiss ka na ba? Waaah! I hate you! Inunahan mo ko?! Sino 'yon?
Kailangan ko ng explanation!" sabi n'ya at hinawakan pa ako sa dalawang balikat ko.

"Ah eh! Ano ba? Natural nakikita ko sa t-tv!" depensa ko. Waaah! Ayan na naman yung
kiss na 'yan, si Monster ang naiisip ko at yung pesteng halik na 'yon.

"Weh? Hind ako convince sa sagot mo!" tiningnan n'ya pa ako sa dalawang mata ko,
"Umamin ka na Trish! Nagsstammer ka eh! Bilis na!" pagpupumilit n'ya.

"Ano bang aaminin ko? Tigilan mo ko ah? Sasampalin kita jan, makita mo." pero hindi
pa rin s'ya nagpakita ng takot sa akin.

"Edi sampalin mo! Grabe natakot ako hahaha! Ganyanan na pala noh? Nililihiman mo na
ako? Ano na sino nga ang first kiss mo?" tanong n'ya na naman. Umiling pa din ako.

"Trishy naman eh! Kinakahiya mo ba yung first kiss mo? Bilis na!" pagpupumilit n'ya
na naman. Ang kulit kulit kulit talaga ng panget na 'to, "Oh my gahd! Siguro babae
first kiss mo noh? Oh gahd Trish, kadiri ka. Pumatol ka sa babae, lesbian ka pa—"
"Si Monste—!" huli na nung natakpan ko ang bibig ko. "Oh masaya ka na?" tumayo
naman s'ya sa kama at nagtatalon.

"Oh my gahd! Anong feeling sis? I'm so inggit na talaga! Si Terrence Sy? Oh gahd, 
ang bilis ng monster mo. One point for Terrence, still zero for Russel hihihihi!"
mas kinilig pa s'ya sa akin. "Make kwento nga! Mga kalandian mo rin noh? Haha!"

"Kalandian ka jan? Aksidente yun! Manahimik ka nga jan! Ibabato ko yung lampshade
sabay hampas ng kama sa'yo!"

Nagsimula na akong magkwento. As in well-detailed. Hindi naman ako makakaligtas sa


kanya kung bibilisan ko ang pagkukwento ko. Alam mo 'yun, habang nagkukwento ako ay
nagtatanong pa din s'ya.

"Oh gahd! Ang swerte mo! Ughhh! I hate you!" pag-iinarte na naman n'ya.

"Bahala ka nga. Imbis na mandiri ka kung anu ano pa pinagsasabi mo." inirapan ko
s'ya. "Wait, alam mo ba na ambait sa akin ni Monster?" sabi ko sa kanya.

"Oh my gahd! Isa lang ang ibig sabihin n'yan. . ." binigyan ko naman s'ya ng isang
tingin, "Oh ano?" pagtatanong ko.

"Hmm.. isa lang ang ibig sabihin n'yan Trishy.... maganda kasi ako! Hihihi— Aw!"
binato ko nga ng unan. Ang lakas mantrip, "Panget mo Steph! Wala din pala akong
mapapapala sa'yo dito." inis na sabi ko.
"Duh! Kaya nga pinuntahan kita dito para may masabihan naman ako. Sumasakit na din
ang ulo ko. Grabe, si Liam naman sinabi n'ya sa akin na gusto n'ya daw ako na handa
daw syang i-give up yung career n'ya. Tapos yung kiss ni Monster, yung ibang
kinikilos n'ya since nung umuwi na kami. Tss! Aalis na nga ako! Wala ka talagang
kwentang kausa—" tumayo na ako sa kama n'ya pero nahawakan n'ya naman ako.

"Wait! Kukuha ako ng gunting bestfriend!" sabi n'ya. "Haba ng hair mo eh! Dalawang
superstars! Dalawang hot na lalake ang pinag-aagawan ka! My gahd! Oh game na
talaga... ano ba gusto mong malaman?" tanong n'ya sa akin. Nag-ayos din s'ya ng
buhok n'ya.

"So ayun nga Steph. Alam mo naman diba? Crush ko talaga si Liam kahit hindi ko
sinasabi. Alam mo 'yun, ang sweet, gentleman, caring... hmm ano pa ba?" sabi ko sa
kanya, "Tsaka opposite talaga sila ni Monster. Ahh! Bakit ba nasasama si Monster
dito?! Ughh!" lagi na lang s'ya umeepal sa pag-iisip ko.

"Alam mo Trish. Mukhang two-timer ang peg mo. Sino ba talaga? Si Terrence o si
Russel? Ako ang naguguluhan sa'yo. Swear to God na maganda ako.." napatawa ako,
"Kung pinoproblema mo lang kung bakit ganoon yung inaasta ni Terrence sa'yo after
ng island chuchu n'yo. Did you get it? He is jealous!" she hissed.

"What? Anong jelous ka jan? Hindi ako gusto nun noh! Duh, mas lalo naman ako!" I
yelled.

"Alam mo Trish. Baguhan ka pa lang eh, in-denial stage lang 'yan. Oh sige, sabihin
na natin na all one na yung dalawa. One point for Terrence for the kiss tapos one
point din kay Russel for the confession. Fair na siguro noh?" tumango naman ako.

"He's jealous nga kasi. Sino ba talaga? Ang landi ng puso mo friend! Haba pa ng
buhok! Tinalo mo pa ang kagandahan ko.. Tss! Bagal bagal ng manok kong si Terrence
kakainis!" sabi n'ya pa.
"Jealous? Grabe Steph! Yung imagination mo ang lawak.. nasobrahan ka na sa
kabaliwan mo."

"Magandang baliw. Pero Trish, sundin mo yung puso mo. Tanga tanga ka! Kailan pa
tumitibok ang utak? Utak ba naman ba ang gamitin mo edi mahihirapan ka talaga  May
the best man win nga naman." tumaas ang kilay ko sa pagsabi n'ya sa akin ng tanga,
"Huwag mo kong tarayan jan Trish. . Serious ako ngayon, kakainis 'to. Pustahan, in
love sa'yo si Terrence at ikaw namang babae ka, sino ba talaga? Kinikilig ka kay
Liam pero lagi mong sinisingit sa usapan si monster mo. Ang gulo gulo mo.."
naliwanagan naman ako sa sinabi n'ya. Ako lang ba talaga ang nagpapagulo sa buhay
ko? I lead to one question in my mind.

Am I falling in love with the two of them? Of course not, I don't have two hearts.
It is either I'm falling in love with Russel or with Monster? I guess, I'm falling
in love with one of them.

———

So near on the big twist. Hold your breath admirers! 

NO COMMENTS & VOTES = NO UPDATE Follow me here for announcements.

=================

Chapter 45 - TV

Chapter 45 - TV

Balik na naman sa dating routines ang buhay ko. Oh gahd, araw na naman pala ng
Miyerkules ngayon. Ibig sabihin, makikita ko na naman ang mga bwisit sa school.
Apat na araw ko na din silang hindi nakikita, mga busy talaga.
For sure, walang humpay na naman ang mga insecure kapag pumasok na ako sa school.
Alam n'yo, parte na talaga sila ng buhay ko. Kung wala sila, edi sana peaceful ang
life ko diba. Edi sana hindi ako masstress sa mga panget.

Inayos ko na ang uniform na suot ko. Agad kong nakita si Tristan na nakabusangot na
naman ang mukha habang bored na nakatingin sa akin, nasa loob na s'ya ng kotse.
"What's with the face panget kong kapatid?" pag-iiba ko ng mood.

Nakuha ko naman kaagad ang atensyon n'ya, "Ang panget mo." sabi n'ya sa akin.

"Nahiya naman ako sa'yo." pagsagot ko sa kanya. "Dapat lang na mahiya ka."
pinatakbo n'ya na ang kotse. As usual, ako na naman ang mag-isang nagsasalita.

Feeling famous kasi yung kapatid ko, akala mo naman magbabayad s'ya kapag
nagsasalita. Haay nako sanayan lang naman 'yan. Tristan yan, first class snob guy.

Itinigil n'ya ang kotse sa harap ng building ng engineering. Bumaba na din ako.
Hindi man lang nag-bbye sa akin si Tristan. Walang hiyang buhay talaga. Kaagad kong
namataan ang mga losers. Busy silang nagchichismisan sa daraanan ko.

"Excuse me." matipid na sabi ko. Nakuha ko naman ang atensyon nilang tatlo. "Oh
long time no see. Kamusta ka ang babaeng higad?" pagtataray sa akin ni Kiti.

"Kinakamusta mo sarili mo?" anong akala n'ya sa akin papatalo? "Huwag mo kong
itulad sa'yo." dagdag ko pa. Mas lalo namang tumaas ang kilay ni Kiti at ng mga
kasama n'ya. Kung gaano kataas ang kilay n'ya ay mas itinaas ko pa ang sa akin.
"Nagpapatawa ka ba? Okay, tatawa ako. Ha ha ha! Hindi por que nanalo ka sa pageant
ay may karapatan ka na na ganyanin ako. Galing ka lang sa putikan, tandaan mo
'yan!" dinuro pa ako ni Kiti kaya naman ay hinawakan ko ang daliri n'ya.

"Oh really? Kamusta naman ang babaeng putik na sumubsob sa stage? Masakit pa ba ang
mukha mo? But hindi naman ako nag-worry sayo, nag worry ako sa sahig na binagsakan
mo. Ang tigas ng mukha mo na 'yan Kiti." sabi ko. Para na s'yang lalabasan ng usok
sa tenga sa galit.

"Hoy Trish, huwag mong ginaganyan ang friend ko!" pagtatanggol ni Helo sa kanya. At
talagang pumunta pa s'ya sa harap ni Kiti. "Thank you friend.." pagbulong ni Kiti
pero narinig ko pa rin.

"Friend? For sure, nagpaplastikan lang kayo. Haha! Tama ba ako?" napatawa ako sa
mga reaksyon nila. "I knew it, makikipagkaibigan na lang kasi sa mga ahas pa. Oh
masyado ng naaksaya ang oras ko sa inyo, padaanin n'yo ko."

"Huwag kang pakikisiguradong babae ka, una sa lahat. Huwag mo kaming binabangga."
sabi naman ni Jaz. Kanina n'ya pa ako iniirapan. "Nag-excuse kaya ako!" depensa ko.

"Huwag mo kong pilosopohin. Iniwan ako ng boyfriend ko dahil sa'yo. Oh ano pa bang
gusto mo? Napakalandi mo!" akmang sasampalin n'ya ako noong mahawakan ko ang kamay
n'ya.

"Ayaw kong manampal ngayon, hindi pa ready ang kamay kong masaktan. Lubayan n'yo
nga ako. Papanget n'yo." pinili ko na lang umiwas sa gulo na gusto nilang gawin.
Unang una, wala akong mapapala sa kanila. Ikakaganda ko ba 'yon? Iba na talaga ang
mga papansin. Nakakastress talaga. .
SUMALUBONG sa daraanan ko ang kampon ng kadiliman. Joke! Pagkapasok ko na naman ng
room namin ay si Tiara naman ang nakaharap ko. Oh God, kailan ba na walang
mangbabadtrip sa akin? Kailan ba na walang paepal? Kailan ba mawawalan ng papansin
sa mundo?

"Heard the news?" panimula ni Tiara. Hindi ko na s'ya inimik, "Oh it seems that you
didn't know about it.." lumapit s'ya sa inuupuan ko at tumabi pa talaga sa kanang
upuan sa tabi ko.

"Okay dear. . since I'm concerned sa'yo. Pwede mo ng tigilan yung Elite5 especially
si Terrence." sabi n'ya. Nakuha n'ya ang atensyon na hinahanap n'ya. "Ow! I'm so
great! I'd really get your attention now." tumawa pa s'ya na akala mo pagmamay-ari
n'ya ang room na ginagalawan namin.

"Ang pinopoint out ko lang. . well, at first Trish. Huwag assumera na liligawan ka
nun, dahil hindi bagay. Pangalawa, nagbabalik ang step sister ko na si Quencess,
you know her naman siguro. Like duh! My step sis is so famous not like you!"
nagpatuloy lang s'ya sa pagsasalita.

"Hindi ka naman ata interesado sa sasabihin ko eh.. so sad!" sabi n'ya at tumayo na
sa upuan, "Nood ka mamaya ng tv pag-uwi mo, 7pm Trish. Get it? Okay, asahan ko
'yan." at nawala na s'ya sa paningin ko.

Umingay ang buong room, panigurado nandito na naman yung mga ungas. Hay nako, sabi
ko na nga ba eh. Paparating na sila malapit dito sa upuan ko, si Carl ang unang
bumati sa akin, "Master! Namiss kita!" mahinang bulong n'ya sa akin. "Tatabi ako
sa'yo ah?" pag-papaalam n'ya. Tumango na lang ako. Ayaw ko ng makipagbarahan, wala
naman din akong mapapala. Sanay na sanay naman na ako kay Carl, ang tagal din
naming magkaklase. Almost three months na.

"Good morning miss beautiful!" sabi naman ni Kurt sabay kuha ng bulaklak sa likod
ng tenga ko, "Where did you get that?" tanong ko sa kanya. "That's what we called
magic." sabay inilapag n'ya yung rose sa mesa ko.
"Princess, good morning!" bati sa akin ni Liam na kanina ko pang napapansin na
nakangiti. "Good morning." bored na bati ko sa kanya. Si Dominique naman ay
tinanguan lang ako as usual, asahan mo namang magsalita 'yan at batiin ako.
Magpapamisa talaga ako kapag nangyari 'yon. 

Hinanap ng paningin ko si Terrence at ayun! Nandoon pala s'ya sa tabi ni Dominique.


Tumingin s'ya sa gawi ko at nagtama ang mga mata namin kaso bigla s'yang umiwas.
Peste ka talaga monster!

"Master, invite kita sa shooting namin bukas. Okay lang ba?" tanongng isang panget
sa tabi ko. "Ayaw ko. Ano namang gagawin ko dun?" tanong ko sa kanya.

"Yihee! Hindi ka na masungit sa akin, bestfriend na ba tayo?" tanong n'ya na


nakangiti. Peste, ang gwapo ni Carl. Sa totoo lang s'ya pinacute sa Elite5 eh.
Mukhang babae grabe. "Ayaw mo ba?" tanong ko sa kanya.

"So it means na b-bestfriend na kita?" nauutal n'ya tanong. "Uhm yes?" pagsagot ko
sa kanya. Mas lumawak ang ngiti n'ya.

"YES! YES!" sigaw n'ya. "Hoy! Umayos ka nga, yung mga blockmates natin nakatingin
sa'yo." bulong ko sa kanya. Nakuha n'ya lahat ng atensyon ng tao sa buong room as
in lahat kasama Elite5.

"One of my happiest day Master. Sa wakas, may best friend na akong babae."
hinawakan n'ya pa ang kamay ko, "Hoy yung kamay ko! Tsansing ka na naman!"

"Ahehehe! Gwapo naman ako, pagbigyan mo na." sabay kamot n'ya sa batok n'ya. "Basta
Master, tomorrow? Ako ang susundo sa'yo. Shooting namin, papakita ko sa'yo yung
talent ko sa pag-acting." pagpapatuloy n'ya.

"Oo na. So pwede ko ba isama si Steph?" tanong ko sa kanya.

"Do you mean isasama mo yung maingay na yun?" nakakunot pa ang noo n'ya.

"Pareho lang kayong maingay Carl. So ano nga? Pwede ba? Kasi kung hindi pwede hindi
na din ako sasama." pagsasabi ko ng totoo sa kanya. Hindi naman kasi talaga ako
fangirl kagaya ni Steph, mabobored lang talaga ako.

"Oo na isama mo na s'ya. But tell her not to do anything there. Baka mapagalitan
tayo ni direk." sabi n'ya. Nag-nod na lang ako sa kanya. Ang arte arte!

NATAPOS na ang tatlong subject namin at lunch na ngayon. Yung Elite5 ay sa hide-out
nila kakain kasi daw ay pagkakaguluhan sila sa caf. Oh diba? Umaattitude lang ang
peg?

Nakita ko kaagad yung baliw kong bestfriend na nakapangalumbaba at halatang may


problema. Para s'yang maiiyak. "Hoy steph.." bati ko sa kanya sabay upo sa harapan
n'ya. Nakuha ko naman ang atensyon n'ya.

"Anong problema mo?" tanong ko sa kanya. "Ang kapangitan mo ba?" nag-aalangan kong
tanong sa kanya.

"I hate you Trish! Maganda kaya ako. Huhuhu!" umiiyak ang baliw na 'to. Binigyan ko
naman s'ya ng tissue, "Oh bakit ka umiiyak?" tanong ko sa kanya.
"Trishy.. huhuhu! Nazero ako sa exam namin kanina. Uwahhh! Baka bumagsak ako!" sabi
n'ya sabay punas na naman ng tissue. "Sabi kasi sa test write true or false. Eh ang
sinagot ko T or F. Accepted naman yun diba?" tanong n'ya. Hindi ko alam kung
matatawa o maaawa ako sa kanya.

"Seriously? Mali ka talaga! Gaga ka! Sumunod ka sa instruction kasi! Oh may good
news ako para sa'yo." pag-iiba ko ng topic. "What?" malungkot pa rin na sabi n'ya.

"Iniinvite tayo ni Carl na manood sa shoot nila."

"WHAT? OMG! OMG!" hinawakan n'ya pa ang dalawang balikat ko, "OMG! Izz that
trueee?" tanong n'ya ulit. Tumango naman ako.

"Oh my gahd! Magpapaganda talaga ako bukas! Wahh! Ang pogi pogi ni Carl noh? Sarap
talaga i-kis— aw! Trish naman eh! Bakit mo ba ako sinampal?!" galit na tanong n'ya.
Oo, sinampal ko s'ya.

"Ang ingay mo! Di ka na nahiya gaga ka, nasa caf tayo hello! Manyak 'to tsaka si
Carl pinagnanasahan mo. Anong i-kiss? Kadiri 'to. Nanliligaw sa akin si Carl
Steph.." sabi ko sa kanya. Nanlaki naman ang mata n'ya as in.

"Ano?! Seryoso ka ba jan?! Huhuhuhuhu! Ipapakulam kita Trish! Huhuhuhu! Ang daya mo
lahat na lang ata nasa'yo na! Ahas ka! Ahas ka!" hindi n'ya ako magawang masaktan.

"Hahahahahahahahaha! Tanga ka! Nagjojoke lang ako! Hahahahahahaha!" tawa ako ng


tawa! Laughtrip talaga kumausap ng mga shunga noh? Lakas maka-goodvibes.
"Eh naman eh! Huwag kang magjojoke pagdating kay Carl! I swear, irerape ko talaga
si Carl my loves. Di bale ng mabash ako ng mga fangirls n'ya okay lang talaga. At
least, mabubuntis n'ya ko. Hihihihihi- Aray naman!!" binatukan ka nga.

"Ang dirty mo Steph! Umorder ka na nga! Mga pinag-iisip mo!" inis s'yang tumayo at
umorder na.

NATAPOS na kaming kumaing dalawa. Laughtrip na naman ako sa wild imagination ng


kaibigan ko. Grabe, walang pinatawad. Kesyo pumunta daw kami sa bahay ni Carl at
magnanakaw daw s'ya ng boxer o brief nito. Tapos upload n'ya daw sa facebook n'ya
tapos magpapainggit. Itatabi n'ya daw sa pagtulog n'ya. Mas okay pa daw kung bagong
hubad lang yung underwear na kukuhanin. Imagine that? Sira talaga s'ya.

Nag-vibrate naman ang phone ko at pagkakita ko biglang bumilis ang heart rate ko,
"Hideout." sabi n'ya. Kaagad naman akong pumunta sa hideout.

Kaagad ko s'yang nakita sa harap ng bintana. "Go on the table, read that." utos
n'ya ba naman. Nakapamulsa s'ya at hindi man lang ako nililingon.

"A-ano 'toh?" tanong ko habang hawak ang papel. "Can't you read?" inis na tanong
n'ya.

"I know how to read. So tapos na ang 100 days enslavement agreement natin?" eto
kasi yung end ata ng kontrata. Ay ewan, naguguluhan ako.

"Are you stupid? Kailangan ko pa bang ipaliwanag sa'yo. Yes, it's done. You're free
now." sabi n'ya at iniwan akong mag-isa sa kwartong 'yon. May kung anong kirot ang
nararamdaman ko.

I've never been like this. Dapat nga matuwa ako diba? Kasi hindi na ako
mahihirapan? Pero hindi eh, nalulungkot ako ngayon. Ano na naman bang nangyari? Why
his treament to me right now is different?

Akala ko close na kami. Akala ko open na kami sa isa't isa. Akala ko lang pala..

Mabilis natapos ang klase. Wala naman akong naintindihan, bukod sa lumilipad ang
utak ko habang nagdidiscuss. Hindi talaga ako kinakausap ni Monster, magka-group
kaming dalawa. At expected ko na kagaya ng dati, mag-aaway kaming dalawa habang
sinasagutan ang seatwork, na habang ginagawa namin yun ay nag-aasaran kami at
tawanan, isama mo na rin yung sakitan. Alam mo 'yun? Something is different eh. May
nagbago sa kanya, napakaseryoso n'ya kanina. Nag-assign lang ako ng numbers na
sasagutan n'ya tapos ayun na. Hindi n'ya man lang ako kinausap talaga, focus lang
s'ya sa pagsasagot. Kung dati ang hilig n'yang magtanong kung paano 'to, kung paano
'yan. Everything went different, he is treating me cold and I really don't know
why.

Mag-seseven na ng gabi noong nakarating ako sa bahay. Pumunta ako kaagad sa kwarto
ko. Magpapalit na sana ako ng pambahay noong mahagip ng mata ko ang remote ng tv sa
kama ko kasabay nun ang pagbalik sa alaala ko ng sinabi ni Tiara.

Umupo ako sa kama ko at in-on ko yung tv. Matutuwa ba ako sa nakikita ko ngayon?
Parang tumigil ang paghinga ko kasabay nun ang pagpatak ng luha sa mga mata ko.

"Yes! Finally nagkabalikan na kami ni Terrence. Three days ago pa.." masayang sabi
ni Quencess. Kasabay nun ang paglipat ng camera kay Monster.

"That's true. I am again her boyfriend." hinawakan ni Quencess yung braso nito at
niyakap. They were about to kiss noong pinatay ko ang tv. Hindi ko alam kung bakit
ako nalungkot sa balitang narinig at napakinggan ko, this is not so me. Kailan pa
ako natutong mangealam? Never in my entire life. So that is the reason for his cold
treatment?  Hindi n'ya man lang sinabihan ako na may girlfriend na s'ya . ang daya
mo Monster . . you are so unfair.

=================

Chapter 46 - Chase

Chapter 46 - Chase

Assuming ba talaga ako? Kasi naman bakit ko pa binigyan ng kahulugan yung kabaitan
n'ya? Eto ang mahirap eh, walang aasa kung walang paasa.

Kakagising ko lang at parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko. After that news,
nag-ring ang phone ko. Pagkakita ko sa screen, si Steph pala. Hindi ko na sinagot
at pinatay ko na ang phone ko. Malamang, tungkol lang kay Terrence ang ibabalita
n'ya.

Balak kong hindi pumasok ngayon, ewan. Natatamad ako na ewan. Para akong
lalagnatin. Haay, nakarinig ako ng sunud sunod na katok sa pinto ng kwarto ko.

"Bumangon ka na jan!" inis na sabi ni Tristan. Kaagad naman akong bumangon at


binuksan ang pinto, nakakunot na naman ang noo n'ya at pinagmasdan ako.

"Tell me, did you cry?" I am stunned on his question. Hindi ko alam ang sasabihin
ko, "I guess you are. You're my twin and don't deny the fact that you 've cried.
What's your problem?" he asked.
"Nothing. Una ka na Tristan, a-ayaw kong pumasok." sabi ko sa kanya. Minsan lang
talaga ako magpakita na ang hina ko.

"No, you'll go to school today. Hihintayin kitasa baba." sabi n'ya at naglakad
papalayo. "Trish, hindi solusyon ang pagtakbo o pag-iwas. Hindi ganyan ang kapatid
ko. You can do it, I'm always here." he gave me that smile.

He is right, bakit nga ba ako natatakot na harapin s'ya? Tama si Tristan, hindi ako
'to.

Nagbihis na ako at nakapag-breakfast na. Inip na naghihintay sa akin si Tristan sa


kotse. Hindi ko na na-attendan yung first class ko. Inis na inis sa akin si
Tristan. Bakit daw ba kasi ako nagdadrama?

Pagtapak ko pa lang school, maugong na maugong ang balita tungkol sa pagbabalikan


ng dalawa. Lahat sila ay busy, alam mo 'yon. Parang napakabig deal sa kanila 'yon?
Ano bang mapapala nila diba? Napakababaw nila.

Base sa mga narinig ko, maraming nagulat dahil daw may rule daw yung Elite5 na
bawal mag girlfriend habang kasali sila sa grupo, like duh? Bakit naman? Meron na
daw kasing issue dati na may girlfriend daw si Kurt na na-bash ng bongga, kaya
simula noon ay itinatag na yung rule na 'yun.

May nagchichismisan sa hallway, sa hagdan, sa fire exit at kung saan saan pa. Puro
iyon ang bukambibig nila.

"Oh gash! Sorry pooooo!" sabi sa akin ng isang babae. Kung mamalasin ka nga naman
oh, natapon lahat ng books ko sa sahig dahil sa pagbangga n'ya sa akin, "Soooory
po! Huhuhuhuhuhu!" inabot n'ya sa akin yung mga libro ko. Hindi ko ugali ang
mangealam at magtanong sa buhay ng iba pero nakuha ng babae na 'to ang atensyon ko.

"Why you're crying?" I asked her. She gave me a look. As in magang maga ang mata
n'ya sa pag-iyak, "Nagkabalikan na si Terrence Sy at si Quencess. Huhuhuhuhuhu!
Wala na talaga akong pag-asa. Ang saket saket!" kinalabog n'ya pa ang dibdib n'ya.

"Alam mo simple lang ang solusyon jan." sabi ko sa kanya. Nagtanong naman s'ya ng
'Ano?' kaya buong puso ko s'yang sinagot.

"Sa'yo na 'yang libro ko. Ipukpok mosa ulo mo ng matauhan ka." iniwan ko sa kamay
n'ya ang tatlong libro ko. Tulala s'ya, duh. Move on, hindi makaget-over?

Kahit naiinis pa din ako sa news na yun, mas pinili ko na lang na huwag ng
pansinin. It is his choice, masyado lang talaga akong na-attach at nahulog sa
kanya.

Pagdating ko sa room lahat sila ay nakatingin sa akin, oh well. Ano pa nga ba ang
aasahan ko, first time kong hindi nakaattend ng first class ko. "Alam kong maganda
ako pero nakakabastos ang titig n'yo." inirapan ko silang lahat at umupo na ako sa
upuan ko..

Dumikit kaagad sa akin si Carl, for sure. Tungkol 'yan sa invitation n'ya sa akin
about sa shooting. "Master, bakit ngayon ka lang pumasok? I was really worried."
sabi n'ya. Kinurot ko naman s'ya sa braso n'ya. "Kailangan ko talagang ipaliwanag
sa'yo?" umiling naman s'ya sa tanong ko.

Bubwelta pa s'ya sa pagsasalita noong pigilan ko s'ya, "Oo pupunta kami mamaya.
Shut up muna please lang Carl.. huwag mo muna ako kausapin ngayon." seryoso kong
sabi sa kanya. Tumahimik naman s'ya.
Kakausapin ko na din si Liam mamaya, bahala na. Nakapag-isip isip na din ako sa
confession n'ya sa akin. Alam ko na talaga ang isasagot, alam kong deserve na
deserve n'ya ang sagot ko.

Kung ayaw akong pansinin ni Terrence, edi huwag n'ya. Hindi ko naman ikamamatay
'yon. Anong akala n'ya? Manigas s'ya.

Half day lang kami ngayon. Nagpaalam na si Carl sa akin at si Liam. May rehearsal
daw sila ngayon kaya mauuna na sila. Mamayang gabi daw ang shooting, kaya mamaya pa
ako mag-aayos.

Hinahanap ko si Tristan sa parking lot, sa kanya na lang ako sasabay. Kaso


nakalimutan ko pala na whole day ang klase n'ya. No choice, magtataxi na lang ako.

Kaagad akong pumunta sa labas ng school upang mag-abang. Sa kasamaang palad, mga 10
minutes na akong nag-aabang ngunit wala pa ding magsakay sa akin. Pinagpapawisan na
din ako. Ugh! Si Steph naman ay whole day din, nakakaasar.

Nagulat ako ng may pumaradang black na kotse sa harap ko, unti unting bumaba ang
bintana nito, "Pretty girl!" tinawag n'ya ako. Nakashade s'ya at naka-leather
jacket.

"Air?" bigla namang bumukas ang isa pinto at lumabas si, "Cloud?" oh gahd, na miss
ko ang mga tropa ko na 'to.

"Staring is rude pretty girl. Hop in!" pagyaya sa akin ni Air. Sanay na ako sa
dalawang 'to kaya naman ay pumasok na ako sa kotseng dala nila. "What's up pretty?"
tanong sa akin ng makulit na si Air.

"Don't call me pretty. Alam kong maganda ako at hindi na dapat inuulit ulit 'yon."
sabi ko sa kanya. Natawa naman ang dalawa, "Same as ever pretty girl." sabi ni Air.
Seriously, in born na talaga akong maldita.

"Race tayo?" yaya sa akin ni Cloud. Bigla naman akong na-excite. "Sure! Pero wala
dapat na makaalam nito. Lagot ako kay Papa at kay Tristan!" pagsagot ko sa kanila.

"As always pretty girl." nakangiting sabi ni Air.

Nakarating na kami kaagad sa place na paborito naming puntahan, masyadong malawak


ang space na 'to. Namiss kong makipag-race dito. "I don't have car." sabi ko sa
kanilang dalawa. Nagkibit balikat naman si Cloud, "Use mine. Race kayo ni Air."
initsa sa akin ni Cloud ang susi ng kotse n'ya.

"So like the old times pretty girl? What's your bet?" nakangising tanong n'ya.
"Anything you want." sabi ko naman sa kanya. Mas lalong lumawak ang ngiti n'ya.

"One night stand pretty girl?" tanong sa akin ni Air. Halos magulantang ako noong
sabihin ni Air ang gusto n'ya.

"Oh. Hindi mo naman ako matatalo Air puro ka lang hangin. Deal, one night stand.
How about pagnanalo ako? Kotse n'yong dalawa?" nakangising tanong ko sa kanilang
dalawa. Napakamot naman ng batok si Cloud. Bad girl na kung bad girl, wala na akomg
pakialam dahil badtrip talaga ako. Haay, I need to relax. At alam kong isa aa
magpapakalma sa akin ay drag racing.
"Don't worry Cloud. We'll ain't lose on this race. Trust me. Deal with your deal
pretty girl.."

May isang paepal na racing car ang dumadating, "I'll join if you don't mind." cool
nitong sabi. Hindi ko s'ya makita dahil si Cloud lang at Air ang nakikipag-usap.
Wala na din akong panahon para kilalanin s'ya. Basta ang alam ko ngayon, nangangati
ang kamay ko para magdrive at talunin sila.

So tatlo nga kaming magrrace. Hinawakan ko ng mabuti ang manibela. 5 laps ang ikot
namin. Naka-ready na din ang mga paa ko sa pag-apak ng gas. Hawak hawak ni Cloud
ang isang panyo.

3...

2...

1...

Kasabay ng pagbaba ng panyo ang pagharurot ko. Ako ang nauuna sa race halos dikit
dikit lang kaming tatlo. Sumusunod sa akin ang asul na kotse ni air at kasunod
naman nun ang white na kotse nung isa. Hula ko, isa din 'yun sa nakakalaban namin
dati.

I was about to drift noong ginitgit ako ni Air sa gilid, "Shit!" I hissed. Hindi
p'wedeng matalo ako, uuwi akong panalo.

Binilisan ko ang pagdidrift, nakagitna ako sa dalawang kotse ng kalaban ko. "Oh
gahd!" nagpapanic na ako at isang lap na lang at halos tatlo kaming nag-aagawan sa
pwesto.

Sa sobrang tagal ko ng hindi nakakapagrace ay naungusan ako ni Air. Oh my gahd,


this can't be.

Itinodo ko na ang takbo ko. Bahala na, I need to win. Kailangan kong manalo, hindi
ako papayag sa gusto ni Air. Kadiri!

"Prrttt!" halos sabay noong pumito si Cloud. Oh gahd! Napasapo ako sa noo ko! Talo
ako for sure, pero halos magkasabay lang yung kotse ni Air at nung isa.

"I guess I won. Paano ba 'yan pretty girl? You're mine later." kinindatan n'ya ako.
Pasugod na ako para suntukin si Air sa mukha! Ugh! Sumasakit ang ulo ko grabe.

"Pre, talo ka. Assuming ka. Nauna s'ya sa'yo." hindi pa rin bumababa si mystery guy
sa kotse n'ya.

"Shit! What? I lose? Oh c'mon! Don't be so unfair. I know I won!" pagpupumilit ni


Air. "Okay, He won. Anong bang pusta? Oh anong igagrant namin sa kanya?" tanong ni
Air.

"You'll leave her... forever. Don't ever pester her life with this damn race." he
said with authority. "You'll go with me." nakababa na pala si mystery guy at hinila
ako papasok ng kotse n'ya.

=================
Chapter 47 - Hanky

Chapter 47- Hanky

Umupo s'ya sa driver's seat habang ako ay nasa likod. Hindi ko makita ang mukha
n'ya dahil may black mask s'ya. "Who are you?" I asked. Nosy na kung nosy pero
nacucurious talaga ako sa kanya.

Hindi n'ya man lang sinagot ang tanong ko, sasabunutan ko na 'to. Malapit na
talaga! Tanging mabibigat lang na paghinga ang pinapakawalan n'ya. Hindi man lang
s'ya naimik buong b'yahe.

"You are my prize." nagsalita out of nowhere yung kasama ko. "What?! Anong prize ka
jan!" kasabay n'on ang pagtakip ko sa hinaharap ko. Napatawa naman s'ya ng mahina
at talagang nagpipigil.

"Psycho.." sa isip isip ko. "Wag kang gagawa ng masama against me! Marunong ako mag
judo!" galit na sabi ko sa kanya. Nag-shrug lang s'ya.

"Saan ba talaga tayo pupunta?" pagtatanong ko sa kanya. Hindi n'ya na naman sinagot
ang tanong ko.

Huminto kami sa harap ng isang napakalaking hotel, "Oh gahd! P-paano mong alam
'to?" tanong ko sa kanya. Ito yung hotel namin dati, hindi na kami ang may-ari
nito. How come na dito n'ya ako dinala? Sino ba 'tong kasama ko?

"That hotel will be yours soon. Just wait for it." he said tapos tinapakan n'ya na
naman ang gas kaya umandar na naman kami. "Sino ka ba talaga?" nakakailang ulit na
ako ng tanong sa kanya.
"Ugh! Nakakainis na! Who are you ba?" nag-shrug na naman s'ya. "Oh shrug ka na lang
ng shrug? Oh gahd!" napasapo na lang ako sa noo ko. Sino ba kasi yung kasama ko.
Nakakabobo!

Pagtingin ko sa bintana ay nandito na kami sa harap ng village, "W-what the hell!


Are you my stalker?" I asked. Bago ako bumaba ay nagsalita din s'ya, "Lets say that
I am your knight, your black night."

Naiwan akong tulala habang pinagmamasdan ko ang magara n'yang kotse na papaalis.
Ano daw? Knight? Black knight? Napasabunot ako sa buhok ko sa sobrang frustration!
Oh gahd, kung sino ka man. Salamat kahit papaano. Bwisit! Sino ba kasi talaga 'yun?

MAG-6:30 na ng gabi noong nakaayos na ako. Medyo nalimutan ko na din yung


pinagsasabi ni black knight, I was thinking about the possibilities kung sino 'yung
lalaking 'yun? And ughh! I don't have any idea.

"Para kang sira jan. Ano ba?!" she nagged at me. "Mind your business nga Steph!"
inis na sabi ko sa kanya.

"Sino ba kasi 'yang iniisip mo? Si Terrence ba? Hurt hurt ka ba?!" mas lalo akong
nabadtrip sa tanong n'ya. "Ahehehe! Joke lang! Sabi ko nga huwag na ipaaalala. Ang
tagal naman ni Carl my loves! hihihi!" napairap na lang ako sa kanya.

Seriously, ganun na ba s'ya kaobssess kay Carl? Nakakatawa na nakakatakot si Steph


ngayon, patagal ng patagal ay palala s'ya ng palala. Look, dati mild pa lang s'ya
ngayon she is getting insane. Tsk!
Kanina pa'yan nasa bahay. Well, she is too excited. As if na s'ya naman ang pakay
ni Carl. She didn't know na pinilit ko lang yung choosy na lalaki na 'yun para
isama s'ya. I'm not that cruel kaya hindi ko na sinabi sa kanya.

"Oh my gahd! Maganda na ba ako Trishy?!" umikot pa s'ya para makita ko ang kabuuan
n'ya.

"Lets accept the fact na wala na talagang magbabago sa kapangitan mo. Tara na at
hinihintay na tayo ni Carl sa labas." nagsimula na akong lumakad. Bahala ka jan
Steph.

Kanina pa s'ya bulong ng bulong sa likod ko. For sure nainis na naman s'ya sa akin,
"I will not believe you. Maganda ako. Right! Maganda ako.." pauulit ulit n'yang
sinasabi at talaga namang nagmauna s'ya sa akin sa pagsalubong kay Carl.

Akmang yayakap sa kanya si Carl ng lumihis ang daan nito at ako ang niyakap.
Natatawa ako sa isip ko, "Ang ganda mo Master.." sabi n'ya. Inilayo ko ang katawan
ko. "Si Steph nga batiin mo." mahina kong bulong sa kanya. Mukhang aangal pa si
Carl pero sinunod n'ya naman ang sinabi ko.

"Hi Stephanie!" bati nito sa kanya. Yung baliw ko naman best friend ay unti unting
lumiliwanag ang mukha, ang galing n'yang mag change ng mood ah. "Hi Carl hihihi!"
tumawa pa s'ya ng pigil. Grabe, ang landi landi mo Steph.

Akmang sasakay na ako sa harapan ng kotse noong hinarang ako ni Steph sabay kindat.
Ah God! "Hehehe!" nag-peace sign pa s'ya sabay pasok katabi ni Carl.

Pagkapasok ko pa lang ng kotse ay tumingin kaagad sa akin si Carl na sinasabing


'bakit jan ka umupo?' Itinaas ko lang ang kamay ko at sinabi kong 'okay' lang.
Duh, simpleng kaligayahan ni Steph, ipagkakait ko pa ba? Buong ngiti si Steph buong
byahe, lagi n'yang kinukulit si Carl. Alam mo 'yun. Napakadaldal n'ya talaga.

Natawa ako sa pagtatanong n'ya kay Carl, "Uhmm Carl! Punta naman kami ni Trish sa
condo mo minsan. Haha!" tumingin sa akin si Steph sabay kindat. I mouthed, "Baliw".
Mukhang may balak talaga s'yang simulan maging totoo ang wild imagination n'ya.

Sumagot naman si Carl, "Some other time. Medyo magulo sa unit ko. Hehe!" sabi ni
Carl sabay napakamot sa batok.

Buong sigla namang sumagot si Steph, "Edi linisin! Mag-volunteer ako.." sabay tawa
n'ya na naman. Pinabayaan ko lang silang mag-usap na dalawa.

"Nakakahiya naman. Ipapalinis ko na lang. Magpaparoom service ako. Haha!" sabi


naman ni Carl. Tumingin sa kanya si Steph na nakakunot ang noo, "Do you mean? May
iba ng nakapasok sa unit mo?" tanong nito.

"Oo. Yung mga naglilinis lang." sabi n'ya naman. "Tsk tsk Carl mahirap 'yan. Paano
na lang kung may mawalang gamit? Alam mo 'yun. Sikat ka at baka pag-interesan nila
yung mga ano mo dun. Hay nako Carl, dapat talaga madaan kami ni Trish dun. Ako
maglilinis, grabe talaga." bumuntong hininga pa s'ya.

"Ano ba trabaho mo? Maid ka ba?" tanong ni Carl sa kanya. Kulang na lang ay
humagalpak ako ng tawa sa tanong ni Carl. Si Steph? Maid?

"Hahahahahahaha!" tawa ko. Grabe, hindi maipinta ang mukha ng baliw kong kaibigan.
"Wait. Kasi diba she is asking if she can clean my unit? That's why I thought she
is a maid." sagot naman ni Carl.

"She's not a maid. Tigapagmana 'yan Carl, grabe ka. You know Montecarla's group of
company?" I asked him. He nodded naman, "Anak s'ya ng CEO nun. Hahahaha! Maka-maid
ka naman. Hahahaha! Mukha ba s'yang maid?" tanong ko kay Carl. Sumagot naman at
sumingit sa usapan si Steph.

"Mukha akong future wife n'ya. Hahahahaha! Joke lang!" tumawa na din s'ya. Iiling-
iling lang si Carl habang nagdadrive, siguro ay maweweirduhan na s'ya sa kaibigan
ko. Wala ng tatalo sa kabaliwan ni Steph, grabe. Ang lakas n'yang dumamoves.

"We're here."sabi n'ya at inilibot ko ang mata ko. Maraming spot light, maraming
crew at cameras. "Oh my gahd, ang daming artista!" sabi naman ni Steph. Seriously,
hindi ko sila kilala.

Lumapit sa akin si Liam na naka-tuxedo like Carl, "Hi Princess. Lets go!" hinila
n'ya ako papunta sa tent. Kasunod namin si Steph at Carl.

"Juice? Water?" tanong sa akin ni Liam. Umiling na lang ako sa kanya. "I'm okay,
don't worry." inayos ko ang pagkakaupo ko sa isang monoblock chair. "I'll leave you
here. I'll be right back.Tawag lang kami nila Carl." sabi n'ya. Um-oo na lang ako
sa kanya. Katabi ko ngayon si Steph.

"Grabe noh? Ang busy pala talaga pag nag-artista." sabi ni Steph. "Kinda." sagot
ko. Nakita ko sa isang tent na inaayusan sila Carl. I mean, as an artist natural na
ayusan sila. Yung bibihisan, yung maglalagay ng kung anu anong make-up, yung hair
style at kung anu ano pa.

"You're looking for someone eh? Oh Trish, anjan lang s'ya for sure.." uminom s'ya
sa tubig na nasa bottle. Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi n'ya, "Oh God Trish,
kanina pa umiikot ang mata mo at ini-scan mo ang buong place. Si Terrence ba?"
hindi ako nakaimik sa sinabi n'ya.

I was looking for him since when we got here. Hindi ko na lang pinansin si Trish,
masyado pre-occupied ang utak ko ngayon.

"Oh best friend, uwi nalang tayo gusto mo? Mas worried ako sa'yo. Ano? Lets go?"
pagyaya n'ya sa akin. Tiningnan ko naman s'ya, "I said I'm okay. Mukhang nag-eenjoy
ka naman. So lets stay here." I gave her my smile. Nakuha n'ya naman, tumango tango
na lang s'ya at muling tumingin ssa mga busy na crew.

"Okay! Ready guys! Magstart na tayo in a couple of minutes!" sabi ng isang crew na
may lapel. Yung ibang staff ay pumunta na sa gilid at may dalawang tao na kumuha ng
atensyon ko.

I know na s'ya yun, likod palang kilalang kilala ko na s'ya. And that girl, na
kaholding hands n'ya, It was Quencess.

"Lights, camera, action!" sigaw ng direktor. Gumalaw ang mga cameramen, lahat ng
lente ng camera ay nakatutok sa dalawa.

"If you're mine you are mine. I don't like sharing." he cupped her face. I was
stunned, I can't moved. Sana ako na lang s'ya sa isip ko.

"I'm already yours. I love you babe, I always have and always do." then Terrence
moved a little closer and sealed the distance between them.
It is indeed passionate, the kiss lasted for two minutes. And damn, I am really
hurt. I don't know what to do, kusa na lang ako tumakbo papalayo.

I was hearing Steph's voice habang hinahabol n'ya ako, "Please Steph. I want to be
alone. Please.." I pleaded.

As I was walking away.. his words struck on my mind, "Please don't fall in love
with me." that day I swear na hindi ako maiinlove sa katulad n'ya.

Damn, I fall in love with him. Until, I found a playground. I sat on the swing. I
was swinging myself alone there. Only the moon gives light, what a sad atmosphere.

Until someone approached me, "Here. Take this." he handed his hanky. I lift my head
just to see who's this guy. "Liam.." I hugged him so tight. He caressed my back and
my hair.

"I can't promise the things will be perfect... But I'll swear I'll never leave
you.."

———

Liam o Terrence? Wah ang gulo! I'm damn confused too. Tangina! Give me a damn 250
votes and I'll update 48. 

No votes and comments = NO UD!

=================

Chapter 49 - Risk

Chapter 48 - Risk
I was hugging him too tight, gusto ko lang umiyak. "Princess.. stop crying.." he is
caressing my back. Wala pa ding humpay ang pagtulo ng luha ko, ganito pala ang
pakiramdam. Masakit, ang sakit sakit.

"Princess.. I know all the reason behind your tears. Ako ang nasasaktan para sa'yo.
Sana kasi ako na lang.." he whispered. "I'm sorry Liam. You deserve someone who is
better than me." he pushed me a little, giving a little distance between us.

"Please.. sana ako na lang.." he pleased. Napakasama ko, may mahal ako pero hindi
s'ya. Pero yung lalaking nasa harap ko ngayon, he loves me more than I do.

"I'll be damn unfair to you.. P-pareho lang tayo masasaktan." I'm crying in front
of him. "Look.. ngayon pa lang nasasaktan na ako. Kaya I don't care kung masasaktan
ako sa susunod pang araw. But don't push me away Princess." sana iba na lang Liam.
Nasasaktan ako para sa'yo..

"Kahit ipagtulakan mo pa ako. Desisyon ko 'to.. " he was teary-eyed. Bakit ba


naging kumplikado ang buhay ko?
"Look even if you had million reasons to push me away or million reasons to leave
you.. I would still look for one to stay.." and that moment. I hugged him, "Give me
chance.." he pleased.

I nodded. I am being too selfish If I willn't grant his chance."Thank you. I can't
swear that I'll be here for the rest of your life.. but I swear to love you for the
rest of mine." he hugged and kissed me on my forehead. Thank you Liam, I'll give
you a chance.

———

I know it was so very short update. But content counts naman diba? Continuation
lang naman 'to. Quota muna ako ng reads ah? Grabe kayo, inaraw araw ko yung update
ko. Hahaha pahinga na muna mga parekoy. 

No comments and votes = No update!

Who's your bet now? Still Terrence or Liam? SUNUGIN SUNUGIN ANG ELITE 5! HA HA HA!

--Add their facebook account--

Terrence Andrew Sy

Princess Trish Lua

Carl Gonzales 
Russel Liam Ong

Steph Montecarla

Kurt Silva

Dominique Ignacio

Stefan Sy

Prince Tristan Lua

Jaz Trias

---------

Busy week ngayon, pag sinipag ako. Update ko po kaagad yung 49. For now on, parami
muna tayo ng reads. Okay? Going 2 Million na. Post kayo sa message board ko or pm
me here. Thank you. AYAW KO SA DEMANDING NA READERS! PLEASE LANG AYAW KONG MAKABASA
NG COMMENT NA "BITIN". MATUTONG MAGHINTAY! PINO-PROCESS PA NG UTAK KO YUNG SUSUNOD
AT SUSUNOD. HUMIHIRAP NA YUNG SITWASYON. ABANGAN ANG SUSUNOD...HAHAHA. TORTURE
NA! :) 

=================

Chapter 49 - Stranger

Oh sorry, typo on the previous title. I mean yung 48 naging 49. Napansin n'yo? Pero
ito talaga yung 49. Haha! Di ko napansin. Oh shit forgive me..lmao! Hay grabe,
akalain mo 'yun mag 50 chapters na pala 'to? Ang haba ng habulan ng mga characters.
Writers block ituuu! Haha!

Anyways, just to inform you. I already made the Chapter 49 but sad to say, it is
lost. And I don't know that damn reason. So I get lazy to create a new one. Keep
adding the characters, sending book trailer, cover etc. But here it is, enjoy this
one!
Chapter 49 - Stranger

One week had passed since that damn day happened. I mean, hindi na ako katulad
noong nakaraang linggo na talagang nag-ooverthink.

One week na din akong hatid sundo ni Liam. I mean look at it, since that damn night
happened. He always attentive on me and putting lot of efforts. Even Monday and
Tuesday hinahatid n'ya talaga ako sa G.U. I'm not regretting that I gave him a
chance. Sino ba namang hindi maattract sa pinapakita n'ya? Every girl deserves a
man who is capable of making his girl smiles everyday. And he is, he definitely is.
Maybe I'm not falling for him right now, but there is a 'soon' right? I don't want
to rush things first, I'm just going with the flow. If it is meant to be happen, it
will.

I was busy folding my blankets, natapos na din akong maligo at mag-ayos. A new day
to thank for. Well, I already changed my damn number. Hindi naman sa bitter pero
wala eh, I need to forget him. Mas mabuti na yung walang communication with each
other. Hindi rin naman ako ang lumayo, he left me hanging. I thought he was.. in
love or he likes me. But he didn't! I only assumed and damn it! Oh gahd, I was
drowned with my deep thoughts again.

I get my phone to check who is this bastard who keeps on raping my inbox, I'm not
suprised, it was Carl. "Good morning Master. Have you eaten your breakfast?
Paunahan sa school oh? Hahaha! Keep on smiling. :)" napailing lang ako sa text
message n'ya. Napaka-childish talaga nito bagay na bagay talaga sila ni Steph.
Parehong weirdo..

After that day, mas naging clingy si Carl. I mean hindi nila ako pinatawad na
guluhin ni Liam. Lagi akong nasa gitna nila sa upuan, I mean pag nasa kanan ng
upuan ko si Liam, si Carl ang sa kabila. He always tells joke on me, kahit korny o
wala talagang sense yung joke n'ya. Duh, every girl likes guy with sense of humour.
And drop that subject that I might like Carl, that will never happened. I want him
for my bestfriend.
Speaking of Steph, after that night. Hindi na rin ako tinigilan guluhin n'yan. Alam
mo yun, hindi makukumpleto ang araw ko kung hindi nila ako ginugulo. Trip lang ata
nila akong guluhin o sirain ang araw ko.

Anong akala nila sa akin na I am planning for a suicide 'cause I'm broken hearted? 
No way, why would I do that? That is the lamest thing that third rate will do.

Masyado ng napahaba ang kwento ko, mukhang naghihintay na naman si Liam sa harap ng
bahay namin.  Yes you heard it right.

As I said earlier, he always fetch me. Pabor na pabor kay Tristan panget, busy yung
kapatid ko na 'yun. Malay ko sa pinaggagawa n'ya. Baka may pinagkakaabalahan or
something. I don't know..

Naglakad na ako papalabas. Nakita ko kaagad ang ngiti ng panget na 'to, "Morning.."
sabi n'ya. Kinusot n'ya pa ang mata n'ya, "Morning." I greeted him back. Bubuksan
ko na ang pinto noong hawakan n'ya ang kamay ko at s'ya ang nagbukas. Tss!

Pagkapasok ko sa kotse n'ya, nakunot lang ang noo ko. "Why frowning?" he asked.
Talagang may gana pa s'yang magtanong. "Eh kasi naman. I'm not paralyzed para
pagbuksan mo pa ako. Err!" I snapped.

He moved closer on me. Hinawakan n'ya ang forehead ko. Tiningnan ko lang s'ya sa
gagawin n'ya o nais n'yang gawin...hanggang inistretch n'ya ang creases sa forehead
ko. "Stop frowning..will you?" I can see his lop-sided smile. My gahd, napatango na
lang ako sa kanya. Hanggang kiniss n'ya ang forehead ko, "Lets go." sabi n'ya.
Inistart n'ya na yun engine.
"Kainis 'toh! Tsansing ka na naman! Aga aga!" hinampas ko s'yang ng mahina sa hita
n'ya. "Early tsansing.." sabi n'ya.

"Baliw!" pahayag ko. Mas lalo s'yang natawa. Duh, kung alam n'yo lang kung gaano
kabaliw din yung kasama ko na 'to. "Baliw sa'yo.." tumingin s'ya sa akin. Hindi ko
maiwasan na mag-iwas ng tingin. "Ih namumula.. kinikilig!" panunudyo n'ya.

Galit na hinarap ko s'ya sabay dila, "Asa ka Liam!" mas natawa na naman s'ya. Alam
mo 'yung feeling na ang comfortable kapag kasama mo s'ya. I mean, diba dati
comfortable na talaga ako sa kanya. Pero ngayon, mas comfortable ako sa kanya. I
feel safe when I am with him. I'm still holding on his words na hindi n'ya ako
iiwanan.. that he will never leave me. 

"Penny for your thoughts?" he asked me. Napalingon ako sa kanya, "We are in the
Philippines. We don't have penny here." I said.

"Peso for your thoughts na lang." sabi n'ya. Mahina ko s'yang hinampas sa braso
n'ya. "Sira ka!" sambit ko. Alam mo 'yun, minsan lang s'ya mag joke at natatawa
talaga ako. "Hindi bagay sa'yo mag joke.." tawa pa rin ako ng tawa. Mababaw lang
naman ako. His simple actions makes me laugh.

Nakarating na kami ng ligtas sa school. Gahd, akalain mo 'yun na buo kaming


nakarating. Paano ba naman tawa kami ng tawa buong byahe, buti nga at hindi kami
nabangga.

Liam went outside the car. Balak n'ya na naman akong pagbuksan. I scanned the
surrounding, puro fangirls ang naghihintay. Nasanay na din ako sa presence nila. I
mean, ikaw ba naman hatid sundo ng isang sikat na artista. People get curious and
started talking about you, and stalking you. Like err, big deal talaga sa kanila
yung mga babaeng close ng bias at idol nila.
Bago pa ako maunahan ni Liam na pagbuksan ako. Pinagbuksan ko na ang sarili ko,
everyone gasped. S'yempre, ako na naman ang nakita nila.

Maraming tsismis na naman ang makakalabas na kesyo we're friends lang daw at
masyadong friendly si Liam kaya ganon. May tsismis daw na cousin ko daw si Liam.
Grabe lang..lahat ata ng reason na hindi makakasakit sa damdamin nila ay naisip na
nila. May nagsasabi din na we're dating daw.

Syempre, imposible daw para kay Liam na makipag-date. Kasi daw may rule daw yung
Elite5 na bawal mag girlfriend. Pero unfair naman sa kanya diba? I mean yung isang
kamember nila may girlfriend.

Kung totoo kang fan syempre at first masakit sa part mo na in-relationship na si


crush or idol. Kaya nga fan eh, sobrang attach ka na sa kanila to the point na you
are telling yourself that you're in love with them. I think, ganyan ang
nararamdaman ng karamihan sa fangirls whenever na may nalilink sa bias nila.

"Bagay talaga sila noh?" someone said on the sea of girls. Siniko naman ako ni Liam
at nginitian. Inirapan ko lang s'ya.

"Tss! Hindi naman eh! Akin lang si Liam!" someone said. Edi sa'yo na.. hindi ko
naman inaangkin si Liam. Like duh, kung alam n'yo lang yung katotohanan na
niliigawan ako ni Liam. Pero sa akin na lang 'yon, hirap talaga maging maganda.

Nakarating naman kami ng safe sa engineering building. Grabe lang talaga ang mga
fans ni Liam. Totally insane. Puro papicture at paautograph. Ganyan ba talaga ang
magiging papel ko sa buhay n'ya? Ang maging dakilang tagapaghintay whenever na may
fans na nag-aapproach sa kanya? Puro kami may stop over.

"Galit ka? Sorry.. dapat pala iniwasan ko na lang sila." sabi n'ya habang nasa
elevator kaming dalawa. Mahina ko naman s'yang hinampas, "Tange. Okay lang! I
understand naman eh. Yun lang naman.." sabi ko sa kanya.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagkaganito. I mean..I'm not
fond of saying sweet words. I mean most of the time harsh ako magsalita.. Pero with
him, I am transforming into a good one and I hate this feeling.

Nakakahawa ang kabaitan ni Liam to the point na yung mga bad actions mo ay nababago
n'ya. Kaya nga ayaw ko dumikit ng dumikit sa kanya, nakakahawa s'ya talaga at hindi
ko 'to gusto.

I mean syempre kapag gusto at mahal ka ng isang lalaki bilang ikaw.. hindi ka n'ya
pipilitin magbago. At ayun nga ang problema ko, hindi n'ya ako pinipilit magbago...
it happens accidentally. Kusa na lang..

"You're over thinking again." he said at bumukas na yung door ng elevator. "Sorry,
pre-occupied lang ang utak ko." naglakad na kami papunta sa class room namin.

Hinakawan ni Liam ang kamay ko pero binitawan ko. "Issue again yan. Makakasama na
naman 'to sa career mo." paalaala ko sa kanya. Tumango lang s'ya at sabay na lang
kami naglakad.

Minsan talaga hindi nag-iisip si Liam sa actions n'ya. Hindi ba s'ya nag-aalala
kung maiissue s'ya? I mean.. pag pepyestahan s'ya ng mga reporters. There is a
higher risk na maissue kaming dalawa. Kung dito pa nga lang sa G.U.Ang laki na ng
risk na kasabay n'ya ako lagi sa pagpapasok.

Nakita ko na naman si Carl na nakaprenteng nakaupo at nakapangalumbaba pa s'ya at


bored na bored, "Ba't ang tagal n'yo?" inaantok na sabi n'ya.
"Nagtagal sa mga fans sa labas. They get on our way while we're going here." sabi
naman ni Liam.

"Master..good morning. Paano ba 'yan? Ako ang nauna?" sabi n'ya. Tumikhim s'ya sa
pag-upo. Ako naman ay umupo na sa tabi n'ya. "Oh ano ngayon?" mataray na sagot ko
sa kanya.

"Galet agad? Sabihin mo ng gwapo ako." yan kasi ang pustahan naming dalawa. Ang
magsabihan ng gwapo at maganda sa umaga. Kung sinong mauuna, s'ya ang magsasabi
n'yan. "Tsk!" irap ko sa kanya. Kakainis kasi si Liam, sana panalo ako.

"Gwapo ka Carl." umacting ako na masuka suka. "Hahahahahaha! Master naman ih. Alam
ko kaya.." tawa s'ya ng tawa habang hawak hawak n'ya ang phone n'ya at vinivideo
ang sarili. I mean kaming dalawa.

Bumukas yung pinto at pumasok s'ya. Mukha s'yang haggard na ewan. It's him.

Wala na din akong balita sa kanya.. hindi na kami nag-uusap. Hindi rin n'ya naman
ako pinapansin.. as in parang stranger lang kami sa isa't isa.

Bahagya naman akong siniko ni Carl, "Oh huwag mong sabihin na mag-eemote ka na
naman?" nang-aasar na tanong n'ya. "Andito naman kami ni Russel." sabay turo n'ya
kay Liam sa tabi ko.

Napansin ko na bahagyang nawala ang ngiti sa mukha ni Liam, "Yup, we're here naman.
Don't mind him.." sabi n'ya. Ngumiti naman ako sa kanilang dalawa, "Ang emotero
n'yo. Kayo ang nag-eemote eh!" protesta ko.
Napansin ko din na hindi naman naging malayo sa isa't isa yung grupo nila. Close pa
naman din sila sa tingin ko. Hindi naman din dense si Carl sa naging action ko nung
shooting nila, he never asked me kung bakit ako nag-walk out.. It just happened na
alam n'ya siguro kahit hindi n'ya itanong.

The prof came and he was telling us that we will have a seatwork. "I want you to go
to your respective partner.." he commanded and that moment everything stopped.

Lumingon naman sa akim si Liam, "Oh do you want me to talk with him?" he pointed
out our professor. Umiling na lang ako, why would I be scared? Hindi naman ako
takot na harapin s'ya o kausapin s'ya. It just that s'ya ang may problema and not
me..

"Master..we will ask our professor if you can change your partner." suggestion din
ni Carl. Napailing na lang ako sa dalawa, these two guys do over think.

"No. I said I'm fine.." sabi ko sa kanilang dalawa. While these two boys are busy
forming question marks at the top of their head.  

He walks infront and start talking with our professor. I'm still figuring out what
the hell he is doing infront. Until our prof announced, "Mr. Sy wants a new
partner. Is that okay with you Ms. Lua?" my jaw slightly dropped. How could he?
He's really impossible.

———

Puro kayo team terrence, alam n'yo yun? I was reading your comments and I was
like, "Oh, too many Terrence' fans." Okay, lets the battle begin. Pipilitin ko kayo
mag-ship at maging #TeamLiam. Hahaha! Kidd! Syempre, it depends naman sa inyo. Bias
n'yo yan eh. Haha! Add them on facebook, just search their name. I already changed
Teptep's name. "Stefan Niccolo Sy." share lang. I'm done constructing the prologue
and first Chapter. Ang hard n'ya dun!

Keep on posting message on my message board. Thank you!


Do I have male readers here? Paramdam kayo o message n'yo ko dito sa wattpad or
comment na lang. I'm searching for an OP. Hehehe! Yung willing lang naman.

Share your thoughts about this chapter. No votes and comments = NO update

=================

Chapter 50 - Secret

So, here is Chapter 50. Enjoy this one. Keep sending book trailers, covers, fanarts
and etc. Add the characters on fb. Thank you!

Chapter 50 - Secret

Umuwi na kami sa bahay. Wala namang nangyari sa school, just a normal day for me.
Seatwork, quizzes, exams, recitations and etc. Despite the fact na si Carl ang
naging kapartner ko since absent ang kapartner n'ya. Most of the time, magkukwento
lang s'ya at ako ang nagsasagot ng seatwork namin. Psh! Walang kwentang kapartner.

"Isabay ko na pauwi yung kapatid ko." sabi ni Tristan. Bigla bigla na lang s'yang
sumusulpot. -___- 

"A'right. See you Princess tomorrow." nagbeso sa akin si Liam. "Alis na ko


Tristan." pagpapaalam n'yan. Sinamaan lang s'ya ng tingin ni Tristan.

Noong nakaalis na si Liam doon lang nagsalita ulit si Tristan, "What was that for?
Nanliligaw ba sa'yo yun?" he asked. Sumakay na kaming dalawa sa kotse n'ya.

"What? Answer my question!" isinaksak n'ya ang susi at inistart na ang kotse. "Yup,
he's courting me." simpe kong sagot. Wala naman akong reason para i-deny 'yun.
"Bakit hindi mo sa akin sinabi na nanliligaw pala 'yun? Huh?" naiinis n'yang sabi.

"Ay kailangan ipaalam sa'yo? Ganon?" tanong ko sa kanya. Tinaasan n'ya naman ako ng
kilay, "Of course. Kapatid mo ko. We're twins.. kaya dapat malaman ko yung
nangyayari sa'yo." depensa n'ya.

Hinayaan ko na lang s'ya magtatalak hanggang makarating kami ng bahay. Hindi ko na


nga pinapansin ang mga sinasabi n'ya. Like duh! Possessive na ang dating sa akin.
"Clingy.." panunukso ko sa kanya.

"Protective lang." simple n'yang sagot. Kunwari naniniwala na ako sa kanya. Kaya
naman pumasok na kami sa bahay. Matutulog na lang ako.. masyado akong napagod
ngayong araw.

Nagising na ako ay umaga na pala. Grabe, ang sarap talaga matulog. Nag-stretching
muna ako bago ako pumunta ng banyo.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at ginawa anang iba't ibang ritwal ko.
Hinalungkat ko ang phone ko na tumutunog, "Good morning beautiful!" isang text
message galing kay Liam. Sino ba namang hindi magogood vibes kapag tinext ka ng
ganyan. Sasabihan ka ng maganda tuwing umaga. Syempre lahat naman ng babae ay
matutuwa diba?

Marami pa akong text messages na binasa, kay Carl, kay Steph at kung kani-kanino
pa. Bahala sila. Minsan kasi nakakatamad magreply to the point na nakakatamad
talaga. Gets n'yo? Hindi ko rin gets eh.
Anyways, back to our routine. Pagkalabas ko ng bahay. Nakita ko kaagad si Liam sa
kotse n'ya. "Masteeeeeer!" napasapo na lang ako sa noo ko noong makita ko si Carl
na nakadungaw sa bintana ng kotse ni Liam.

"Anong ginagawa mo dito?" nakapamewang na tanong ko sa kanya.

"Malamang sasabay ako sa inyo. Hehehe!" nagpeace sign pa s'ya. Tiningnan ko naman
si Liam, "Makulit eh. Nakitulog sa bahay.." sabi n'ya.

"Okay ba Master? Hahaha!" tanong sa akin ni Carl. Katabi s'ya ni Liam sa unahan at
ako mag-isa sa likod. Hindi ko lang ini-expect na ganyan ka-clingy si Carl sa amin.
"Ang gwapo ko grabe hahaha!" tumingin s'ya sa salamin sabay ayos ng buhok n'ya.
Actually kanina pa s'ya nag-aayos ng buhok n'ya.

"Liparin ka sana.." inis na sabi ko sa kanya. Nasasanay na din ako sa slight na


kayabangan ni Carl. Alam mo 'yun.. conceited masyado. "Oy narinig ko yun
Masteeeer..." singit ni Carl.

Napalingon naman ako sa side mirror. Nagkataon na nakatingin din pala si Liam dun.
Nginitian n'ya ako syempre ako naman ay umirap lang. Sanay naman siguro si Liam sa
akin. Hindi naman ako showy na tao.

Nakarating na kami sa school. Nothing changed. Marami pa ding fans nila ang
naghihintay sa labas. Mukhang malelate na naman kami nito. Nandito pa si Carl. God,
marami ding fans ang isang 'to. Pansin ko kasi si Carl yung tipo ng lalaki na
friendly. Yung lahat kinakausap n'ya. Masayang kabonding at hindi ka talaga
maiilang sa kanya. S'ya kasi yung gumagawa ng first move para magkausap kayo. He's
not introvert.

Nagpaalam ako sa kanilang dalawa na hihintayin ko na lang sila sa harap ng


elevator. Bahala na sila dun. Ayaw kong maging istatwa kakahintay sa kanila. Umupo
muna ako sa bench malapit sa elevator. Makikita naman siguro nila ako dito. Syempre
magsstandout ang kagandahan ko.

Pagkaupo ko pa lang may masamang hangin na paparating, "Morning Trish.." sabi ni


Iana. Inirapan ko lang s'ya at hindi pinansin. Ano na naman bang pakulo n'ya
ngayon? Anong akala n'ya makakalimutan ko yung mga pinaggagawa n'ya sa akin. Yes, I
can forgive but to forget all of those things? Shame on her.

"Wala man lang good morning too? Oh grabe naman Trish. Ganun na ba ako kasama sa
tingin mo?" umupo pa s'ya sa tabi ko. Feeling close ang demonyo.

"Yes. Demonyo ka eh.." natawa s'ya sa sinabi ko. "Anyways, gusto ko lang talaga na
magkaayos tayo. Nagsisisi na ako sa mga ginawa ko sa'yo. Nakakapagod na di kasi
makipagtarayan sa'yo. Pwede naman nna maging friend tayo diba?" sagot n'ya.

"Ano bang kailangan mo?" tanong ko sa kanya. May dinukot s'ya sa bag at binigay ang
isang calling card. "What's this? I know this is a calling card. So what's your
purpose of giving this to me?" deretsa ko sabi.

"I hate to compliment you. But maganda ka naman. Pwede na ring pagt'yagaa---"
natigil s'ya sa pagsasalita noong nakita n'yang nag-angat ako ng kilay.

"Joke lang hehe! So I was saying you are pretty. I'll invite you to be a model.
That was in abroad. So call me if gusto mo.. I'm willing to work with you. A'right.
Byebye!" narinig ko na lang na tumutunog na ang killer heels n'ya papalayo.
Napatingin naman ako sa card na binigay n'ya.

Ako magiging model? Parang hindi ko ata kaya? Heels pa lang nasusuotin ay sablay na
ako. Isama mo pa si Iana. Baka ipahamak lang ako ng malditang 'yun. Wala s'yang
kasing sama. Hindi ako magtitiwala sa kanya. Isinuksok ko na lang sa bag ko yung
catd na binigay n'ya.

Dumating na yung dalawang VIP na mga panget. Tatawa tawa pa silang dalawa. "Sorry
kung natagalan." sabi ni Liam sa akin. I gave him my smile, okay lang naman at
hindi naman ako nabore.

Pagkapasok namin sa room, nakita ko si Terrencena mukhang balisa, parang hindi s'ya
nakakatulog, mukha s'yan zombie. Sa bagay, halimaw nga pala s'ya. Inisnob ko na
lang at umupo sa upuan ko.

"Okay ka lang dude?" tanong ni Liam kay Terrence. Walang sinabing words si
Terrence. Dumukdok lang 'to sa armchair n'ya.

"Puyat ka pre? Di ka ba nakakatulog?" tanong sa kanya ni Kurt na kumakaen ng donut.


Ang kalat n'ya kumain. Puno ng white powder ang gilid ng bibig n'ya. "Medyo."
inaantok na sagot n'ya.

Hindi ko na pinansin yung iba n'yang sinabi. Itinuon ko na lang ang atensyon ko
para makinig sa discussion. Si Liam tahimik lang sa tabi ko at hindi ko mabasa yung
nasa mukha n'ya. Si Carl naman ay palihim na naglalaro sa iphone n'ya. Napailing na
lang ako..

Natapos ang klase namin ngayong araw. Grabeng routine 'to. Minsan dumadating ako sa
point na nakakasawa na mag-aral but you keep on telling yourself na kailangan mong
makatapos. Na kailangan mong i-fulfill yung pangarap ko at pangarap ng parents ko
para sa akin. Siguro yung talaga ang naging motivation ko para magsipag sa pag-
aaral.

"Tara hatid na kita." pagyaya sa akin ni Liam. Pero nakapangako naako kay Tristan
na s'ya ang kasabay ko kapag uuwi na. "Sorry.. from now on. Si Tristan na
maghahatid sa akin pauwi. Tsaka, masyado na akong nakakaabala sa schedule mo." sabi
ko sa kanya.

Pilit na ngumiti si Liam, "Ah ganun ba? Sige.. Paano ba 'yan? I'll go ahead."
pagpapaalam n'ya. Tumango na lang ako sa kanya.

Pumunta na ako sa parking lot. Namataan ko sa isang sulok si Terrence at


si..Quencess? Anong ginagawa n'ya dito? Hindi naman s'ya dito nag-aaral sa
pagkakaalam ko.

Dahan dahan akong naglakad malapit sa kanila. Nagtago ako sa likod ng isang kotse.
Halos rinig na rinig ko ang galit na galit na boses ng girlfriend n'ya.

"What the hell Andrew?! S'ya ba? S'ya ba ang dahilan?!" nanggigil na tanong n'ya
kay Terrence. Bigla akong kinabahan sa pinag-uusapan nila. Ramdam na ramdam ko ang
galit ni Quencess. Dinuro duro n'ya pa si Terrence sa dibdib nito.

"What?! Bakit hindi ka magsalita? Hah?!" tinabig naman ni Terrence yung kamay nito.

"Lets stop this.." mahinahong sagot ni Terrence. Mas lalo namang nainis si Quencess
sa sagot nito. Inis na napasabunot s'ya sa buhok n'ya.

"Damn you! Anong akala mo? Mamahalin ka n'ya pagkatapos ng ginawa mo?! Ako lang ang
bagay sa'yo. Tandaan mo 'yan!" pinagduduro n'ya pa yung forehead ni Terrence.

Sobrang kaba ang nararamdaman ko. Ano bang pinag-uusapan nilang dalawa? Bigla
namang na-stunned sa kinatatayuan si Terrence. Para s'yang maluluha..Hindi s'ya
nakasagot sa sinabi ng girlfriend n'ya.
"I know she can't forgive me. . I-I know that. You don't need to repeat that over
and over again. I need to tell the truth to her. But I'm damn tired of this shit
Cess. Lets stop this.." hinawakan n'ya yung dalawang balikat ni Quencess.

"No! No! No! Hindi pwede! Oh God! S'ya ba?! Anong akala mo? Mapapatawad ka n'ya?
Aamin ka ngayon sa kanya? Sa tingin mo ba ganun kadali 'yun? No Andrew!" tinabig
n'ya yung kamay ni Terrence na nakalagay sa balikat n'ya.

"But I'm damn tired Cess. Lets stop this shit.. H-hindi ikaw ang mahal ko.." mahina
na sabi n'ya. Bigla namang sinampal ni Quencess si Terrence.

"You are so stupid! Anong akala mo?! Bibitawan kita kaagad?! No! Huwag mong gawing
tanga ang sarili mo Andrew! Ikaw ang dahilan kung bakit namatay yung mom n'ya.. ni
Trish!" kasabay nun ang paglabas ko sa pinagtataguan ko. Nagulat silang dalawa.
Naghalo halo ang emosyon ko at sinampal ko s'ya...

For all of the people, but ikaw pa?! I am damn crying in pain. My tears keep on
falling on the ground, it is endless.. I really can't suppress it. Damn life.. B-
bakit ngayon ko lang nalaman 'to?

———

See Multimedia on the side (Terrence photo) 

No comments & vote = NO UD </3

Read: Living With Mr. Ice 

Follow me for updates. What can you say about this Chapter? I want to see your
feedbacks. Keep posting on my message board. Silent readers, comment naman kayo,
'til the next update guys. More heartbreaks. Naiyak kayo? Ako medyo felt bad for
the both parties, really bad as in. </3 Uhm guys, there are lot of twist in this
story as in...
=================

Chapter 51 - Heartbreak

Hi admirers! Natagal yung Chapter na 'to. Mahirap isulat 'to. Masyadong mabigat not
like the usual update. Enjoy reading! 

Read before you vote!

Chapter 51 - Heartbreak

"Tell me! T-totoo ba ang lahat ng 'yon?" tanong ni Trish. Nakatingin s'ya kay
Terrence, hindi ito nakasagot. Makikita mo kung gaano nagpipigil ng luha yung
binata.

Hinawakan ni Terrence ang mga kamay nito, sari saring emosyon ang bumabalot kay
Trish, "Bitawan mo ko! Ano sumagot ka? Totoo ba?!" pahayag niyo. Malapit ng
bumagsak ang mga luhang pilit na pinipigil ni Terrence. "Ano totoo ba?!" tanong
ulit nito. Nagpalit-palit ng tingin si Trish sa dalawa.

"Totoo 'yon.." mahinang sabi ni Terrence at tuluyan ng bumagsak ang mga luha nito.
Kasabay non ang muling pagsampal ni Trish sa kanya, "O-okay lang.. S-sige sampalin
mo pa ako kung 'yan lang din ang makakapagpagaan ng l-loob mo.. O-okay lang.."
nanginginig ang mga tuhod nito. Halos basag na din ang boses nito dahil sa pag-
iyak.

Nakaramdam si Quencess ng 'guilt'. "Iwanan ko muna kayo..You need to talk ata?"


painosente nitong sabi at umalis sa eksena. Gusto sanang hablutin ni Trish ang
buhok nito ngunit mabilis itong nakaaalis. Silang dalawa na lang ang naiwan.

(Please play the multimedia at the side or listen at "I'll Never Go by David
Archuleta)

Trish' PoV

"P-paano nangyari 'yon? B-bakit hindi mo kaagad sa akin sinabi?!" naghahalo ang
emosyon na nararamdaman ko, galit. Galit ang nararamdaman ko.

"Ano?! Hindi ka ba magsasalita jan?!" inis na sigaw ko sa kanya. Gusto ko s'yang


pagsasaktan. Kita ko pa din ang bakat ng kamay ko sa dalawang pisngi n'ya.

"I'm so sorry.." lumuhod s'ya sa harap ko. Umiiyak s'ya. "Sorry freak kung hindi ko
kaagad sinabi sa'yo..n-natatakot ako." hinawakan n'ya ang mga kamay ko, tuloy tuloy
pa rin ang pag-agos ng luha n'ya. Tinabig ko ang mga kamay n'ya.

"Y-yun lang?! Damn! Magpapasalamat ba ako dahil nagsorry ka?! Hanggang kailan mo pa
balak patagalin 'to?! Hanggang kailan mo pa balak itago 'to?" inis na inis ako sa
sagot n'ya. "Sorry lang?! Ayun na 'yon? Terrence, buhay ng mom ko ang pinag-uusapan
dito. Siguro may karapatan naman ako na malaman diba?" tanong ko sa kanya. Tumayo
s'ya sa pagkakaluhod n'ya. "Natatakot ka? Bakit ka natatakot?! Wala akong ideya na
ikaw ang dahilan sa pagkamatay ng mom ko." unti unti akong nanghihina.

"Natatakot ako na malaman mo. Dahil takot ako na mawala ka sa akin.." tiningnan
n'ya ako sa mga mata ko, "Mahal kita freak.." huminto ang mundo ko sa sinabi n'ya.
"Ano na naman bang kasinungalingan 'yan?! Sa tingin mo ba mawawala ang galit ko
sa'yo kapag sinabi mo 'yan?! Hah?!" never na akong maniniwala sa kanya. Pinaniwala
n'ya ako sa lahat, ginamit n'ya lang ako.

"I don't care if you'll believe or not but at least sinabi ko na.." inis akong
napasabunot sa buhok ko. Gulong gulo ako!

"Isa na naman bang act ang mga pinapakita mo sa akin? Lahat ba 'yon ay parte lang
ng plano mo para mapatawad kita?! Kung sa tingin mong mapapatawad kita? Ang sagot
ko, hindi! Hindi ko kailangan ng tao na puro kasinungalingan.." nanlalambot ang
tuhod ko. Bigla na lang tumulo ang mga luha sa mata ko.

Ang hirap ng sitwasyon ko ngayon, ang lalaking mahal ko ay ang dahilan ng


pagkamatay ng mom ko. H-hindi ko alam kung kaya ko s'yang mapatawad.

"Lahat ng sinabi ko sa'yo, totoo. Ang duwag ko lang dahil takot akong malaman mo
ang totoo..dahil alam kong kapag nangyari 'yon... hindi mo ako mapapatawad." basag
na ang boses n'ya.

"Yun ba ang tingin mo? Do you think na hindi ako capable na patawarin ka? Eh kung
sana inamin mo 'to ng mas maaga. H-hindi sana ganito... may tendency pa na
maintindihan ko... na patawarin ka.." pinahid ko ang luha ko.

"Terrence, alam mo ba na mahal din kita? Kaso iba na ngayon, hindi ko kailangan ng
lalaki na hindi kayang magsabi ng totoo. Wala ng tayo, wala ng pag-asa para maging
tayo.."

"Kaya ba na pinagtutulukan mo ako kay Liam? Anong akala mo sa akin, manhid? No!
Akala mo hindi ko alam ang ginagawa mo sa akin? Alam mo ba kung gaano ako
nasasaktan sa pag-iwas mo? Kung gaano ako nasasaktan dahil sa bawat pag-iwas mo
nadudurog ako?" hindi ko na na kaya at bumagsak na ang mga luhang tuloy tuloy na
umaagos sa pinsgi ko.

"I'm sorry freak..Shh...tahan na.." pinahid n'ya gamit ng thumb n'ya ang luha ko.
Niyakap n'ya ako pero tinulak ko s'ya.

"Sa tingin mo ba ikaw lang ang nahihirapan?! Mas nahihirapan ako.." kitang kita ko
ang lungkot sa mata n'ya. "Ginawa ko lang naman 'to dahil kapag mas lalo akong
napapalapit sa'yo mas lalo akong nasasaktan na bitawan ka..Tangina, freak.. kung
alam mo lang. Ilang taon na akong binabagabag ng konsensya ko.. na sa tuwing
maiisip ko na mangyayari ang pagkakataon na malaman mo ang lahat...unti unti akong
nawawalan ng buhay.. ng pag-asa para ipagpatuloy ang nararamdaman ko sa'yo."

"H-hindi ako perpektong lalaki freak. Masisi mo ba ako na hayaan ka na lang mapunta
sa iba? H-hindi ko gustong mangyari 'yun. Shit! Hindi ako tanga.. Ako ang dahilan
ng pagkamatay ng mom mo.. Sa tingin mo ano ang gagawin ko? H-hindi mo alam kung
gaano kagulo ang pag-iisip ko."

"Gusto kong lumaban..gusto kong ipaglaban ka. Pero sa tuwing maiisip ko na ako ang
dahilan..nahihirapan ako. Shit, sa tuwing makikita ko kayo ni Liam na magkasama..
na tumatawa ka habang kasama mo s'ya..sa tingin mo natutuwa ako? Nasasaktan ako
freak..." tinuro n'ya yung dibdib n'ya.

"Tao lang din ako.. Oo alam kong nasasaktan ka pero hindi mo rin naisiip kung
nasasaktan din ako? Diba?"

"Sa bagay, isa lang naman akong sagabal sa buhay mo diba? Na ako yung tipo ng
lalaki na hindi kayang magsabi ng sweet words, na hindi kayang tiisin ang isang
araw na hindi ka iinisin. Freak.. I get jealous because I'm afraid that someone is
going to make you happier than I do.."
"Duwag lang ako sa pagsasabi ng totoo..pero hindi totoo ang sinasabi mo na
nakipagkaibigan ako sa'yo dahil parte ka ng plano ko! Wala akong plano freak! Sa
tingin mo magkakaroon pa ako ng lakas ng loob para gamitin ka? Na makipag-close
sa'yo ang mabilis na paraan para mapatawad mo ako? No freak.. h-hindi ako ganung
tao."

Halo-halo ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman dahil
sa mga sinabi n'ya. Pero hindi simpleng tanong ang pinag-uusapan. Buhay ng mom ko..
ang pinag-uusapan.

"Hindi pa ako handa na patawarin ka. H-hindi ko kaya..Nagsisi ako na


pinagkatiwalaan kita.. Sorry, but this is the last time na kakausapin kita.."

"Pinaniwala mo ako sa mga kasinungalingan mo. Sinira mo ang tiwala ko. Ang selfish
mo.. hindi mo ako binigyan ng karapatan na malaman ko. Ngayon ko pa talaga nalaman?
Nakakatawa noh? Kung hindi ko pa narinig.. wala kang balak sabihin.." paalis na ako
noong hawakan n'ya ang braso ko.

"Freak.. sana balang araw mapatawad mo ako.. Handa akong maghinta—" nagulat na lang
ako noong natumba s'ya sa sahig.

Pagkatingin ko pinagsusuntok ni Tristan si Terrence. Hinila ko yung damit ni


Tristan, "Ano ba Tristan?! Tama na!" awat ko sa kanya. Pero tanging mga suntok lang
ang naririnig kong tunog at ang galit n'ya.

"Tristan ano ba! Tama na! Tama na!" pag-aawat ko. Tumayo s'ya, nasa ibabaw s'ya ni
Terrence kanina habang sinusuntok n'ya. Nasulayapan ko kung paano lumabas yung dugo
sa bibig n'ya.
"Tangina Trish! Ipagtatanggol mo pa?! Tangina, tanga ka ba?! Hah?! Huwag na huwag
mo akong pipigilan! Papatayin ko talaga 'tong hayop na 'to!" pinagtatadyakan at
pinagpatuloy ang pagsuntok. Ni hindi man lang lumalaban pabalik si Terrence.

"Tama na please! Tristan! Ano ba?!" napagod na din siguro s'ya sa pagsuntok.
Tumigil s'ya at malalim ang mga paghinga n'ya. "Tangina kang hayop ka! Huwag kang
makakalapit sa kapatid ko!" bigla namang dumating si Carl at Kurt.

Pumunta agad sila sa side ni Terrence, "Bro! Ayos ka lang ba?!" patuloy si Carl sa
pagtapik sa pisngi ni Terrence. "Damn Kurt! Tawagan mo nga sila!" ngayon ko lang
nakita si Carl na ganun ang pag-aalala. Tumingin s'ya sa akin at ibinalik muli ang
tingin sa kaibigan.

Hinila ako ni Tristan papasok sa kotse n'ya. Lumingon pa ako patalikod sa kanya,
ito na talaga ang huling pagkikita at pag-uusap natin. Hindi talaga pwedeng maging
tayo.

--

(See multimedia at the side -- Terrence </3) 

Kung may time po kayo, read my other story Living With Mr. Ice Thank you! 

Leave your reactions below. Free to speak! Wag atat! Yung mga katanungan n'yo sa
isip n'yo, masasagot ko din 'yan lahat. Mag-uultimate flashback tayo

=================

Chapter 52 - Agony

I really can't tell what day akong nag-uupdate. It depends kung sinisipag ako
magsulat. Basta so stop messaging me kung kailan ang update kasi I really can't
tell you. Good story takes time diba?  Advance Happy 2

Million! 

Italicized means flasback mga babes. Wag malito. Sige po, enjoy sa pagbabasa.
[Please play the multimedia at the side before reading this chapter. Forevermore by
David Archuleta. Thank you para mas ramdam! ]

Chapter 52 - Agony

Terrence

Idinilat ko ang mata ko, "Ahh.." masakit ang katawan ko. Hindi mahalaga yung sakit
na nararamdaman ko ngayon. Mas mahalaga na malaman ko kung nasaan s'ya?

"Bro, ayos ka na ba?" tanong sa akin ni Carl. Nakahiga ako sa isang hospital bed,
"Bakit n'yo ko dinala dito? Asan si freak?!" gusto kong makalayo at hanapin s'ya.
Alam kong galit s'ya sa nagawa ko at napakasakit sa parte ko na ang babaeng mahal
ko ay nagdesisyon na layuan na ako.

"Bro, magpahinga ka muna. Magkakaayos din kayo.." sagot n'ya. Nakita ko kaagad yung
nga kaibigan ko na lumalapit sa pwesto ko.

"Dude, kami na kakausap sa kanya. Okay? Magpahinga ka muna. Tingnan mo ang dami
mong galos. Ikaw na pinakapangit sa grupo, hindi na si Carl." sinamaan naman ni
Carl ng tingin si Kurt.

"H-hinde eh.. galit s'ya. Galit s'ya sa akin. Hindi ako makakapagpahinga habang
alam ko na galit s'ya.." naiisip ko na naman ang nangyari kanina.
Kung paano s'ya umiyak sa harap ko. Gusto ko s'yang yakapin pero lumalayo s'ya.
Shit! Ang hirap! Hindi ko kakayanin na lumayo s'ya kaso habang iniisip ko 'yon,
alam ko sa sarili ko na ako ang dahilan ng bawat paglayo n'ya. Kinamumuhian n'ya na
ako... wala na ba talagang pag-asa?

"Bakit ka ba andito?" tanong n'ya. Inayos ko ang pagkakaupo ko sa couch. Nakataas


pa ang kilay n'ya. Tss, bakit ba napakasungit nito sa akin?

"Simpleng thank you lang hindi mo pa masabi." bumuntong hininga ako. Mas lalo
namang kumunot ang noo n'ya sa sinabi ko.

"Simpleng tanong hindi mo masagot!" pagdedepensa n'ya. S'ya yung babaeng ayaw
magpatalo laging may naiisip na isasagot sa kausap n'ya.

"Halika ka nga dito.." tinapik ko yung tabi ko. Lumapit naman s'ya at tinabihan
ako. Damn, bakit ba ang ganda n'ya.

I was about to kiss her when my little brother and his brother messed up our
moment.

"Baliw ka na ba?" nabalik ako sa huwisyo ko noong iwinagayway ni Carl yung kamay
n'ya sa harap ng mukha ko. Tinabig ko naman 'to.
"Iwan n'yo muna nga ako. Please lang!" wala namang maitutulong sa akin.

"Alam mo bro. Sometimes you have to step back to move forward.." sabi naman ni
Dominique.

"Shit ka Dominique! Anong pinagsasabi mo?! Nahahawa ka na jan sa baliw nating


leader!" sita naman ni Carl sa kanya.

"Naiinis na si Terrence oh! Alis muna tayo!" narinig kong sabi ni Kurt.

"Sige bro alis muna kami. Deal with the fact that life doesn't always go our way."
unti unti silang nag-alisan sa paningin ko.

Noong nakaalis na sila doon ko na naramdaman na talagang nag-iisa na ako. Na lahat


ng memories ay bumabalik sa alaala ko. Na lahat ng meron kami dati ay unti unting
mawawala ngayon. Na kahit anong habol ko pa.. kahit anong gawin ko pa.. na kahit
anong effort ko pa.. kung nagdesisyon s'ya at sinabi na lalayo na s'ya .. lalayo
s'ya.

I was about to tell her that I was to one responsible for her mother's death. Kaso
naging duwag ako nasabihin sa kanya 'yon. Naging duwag ako dahil maisip ko pa lang
na lalayuan n'ya ako ay hindi ko kakayanin. Pero ngayon na alam n'ya, shit ang
sakit. Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko.

Kulang pa ang sampal na tinanggap ko kesa sa sakit na nararamdaman n'ya ngayon. I


lied on her for a long time.
Unang araw pa lang ng pagkikita namin sa mallshow, alam na alam ko na s'ya 'yun. Na
s'ya yung batang umiiyak kasama yung Papa n'ya. Biglang bumalik sa alaala ko ang
nangyari almost 8 years ago.

"Mama! Mama!" sigaw ng isang batang babae. Kaagad s'yang lumapit sa babaeng duguan.
Guilt ang nararamdaman ko noong nakita ko s'ya. "Mama!" tanging yung mga hikbi at
iyak n'ya lang ang naririnig ko.

Eight years ago. Pagkatapos kong marinig ang malakas na banggaan ng kotse.
Nanginginig ako sa takot.. dahil alam ko na ako ang dahilan ng lahat.

I am 10 years old. Buhay na buhay pa sa isipan ko kung paano ako tumakbo sa harap
ng kotse n'ya. Kung paano ako nagmamadali na makatakas kay dad. Na sa bawat hakbang
ko ay may takot akong nararamdaman. Hanggang sa mapunta ako sa harap ng mabilis na
kotse...

Akala ko katapusan ko na. Napapikit na lang ako noong malapit na s'yang mabangga sa
akin. Alam ko sa sarili ko na mamatay na ako.. na ito na ang katapusan ko.. pero
hindi eh!

Lumihis s'ya ng daan at iniwasan ako. Yun ang naging dahilan upang bumangga ang
kotseng sinasakyan n'ya. Iniligtas n'ya ako at ako ang dahilan ng pagkamatay n'ya..
ng babaeng mahal na mahal ng babaeng mahal ko ngayon.

Hindi ko namalayan sa sarili ko na tumutulo na naman ang luha ko. Sabi ko sa sarili
ko pagkatapos ng insidenteng 'yun. Poprotektahan ko ang batang babaeng na umiiyak.
Dahil ako ang may kasalanan... niligtas ako ng mom n'ya kahit kapalit nito ang
buhay n'ya.
Tangina, ang selfish ko. Ang selfish kong tao.. simula noon. Habang lumalaki ako..
mas nasusubaybayan ko ang paglaki ng anak n'ya. Kung paano ito pumasok sa school..
kung paano ito magpaiyak ng mga kalaro n'ya..

Kaya nung mallshow na 'yun, alam ko s'ya yung babaeng nakita ko eight years ago.
Alam kong matagal na.. maraming taon na ang nakalipas.. pero sariwa pa din sa
alaala ko ang nakaraan. It haunts me every time I sleep. Puro iyak n'ya ang
naririnig ko..

Ipinikit ko ang mata ko. Masakit isipin na kinamumuhian n'ya na ako. Gusto ko
s'yang layuan noong una.. pero naisip ko na mas gusto ko s'yang kilalanin at
kaibiganin. Wala sa intensyon ko na kaibiganin s'ya para mas madali n'ya akong
mapatawad. Gusto ko lang talaga s'ya makilala..

"Bwiset kang monster ka! Bakit mo ako iniwanan? Nakakainis ka! Ugh!" bumalik na
naman sa alaala ko yung pangyayari na naligaw kami sa isla. Tawang tawa ako nun
habang pinagmamasdan s'yang naiitsa ng bato sa dagat habang nakasimangot.

"Isusumbong kita kay sir! Bwiset kang monster ka!!" sigaw na naman n'ya. Mas lalo
akong natawa pero tinakpan ko ang bibig ko. Hindi ko naman talaga s'ya iiwan na
mag-isa. Kasi nga kahit ayaw n'ya akong makasama.. pinangako ko sa sarili ko na
nariyan ako palagi sa tabi n'ya.

"Hiniyaan mo akong mag-isang halimaw ka! Bwisit ka! Bwisit ka! Nagbibiro lang naman
ako kanina!" at doon na ako lumabas sa pinagtataguan ko. Doon na ako nagtatawa para
mainis s'ya.

Napailing na lang ako sa mga naiisip ko. Mahirap man mag-sink in sa utak ko ang
nangyari kanina. Hindi n'ya na ako mapapatawad. Kaya kong maghintay.. Pero shit
yung kanina. Noong nakita ko s'yang umiiyak, para akong winawasak. Mas gugustuhin
ko pang saktan n'ya na lang ako..

"Uwaaaaaaaaah! Noooooooo!" sigaw n'ya. Nagulat na lang ako noong dumampi yung labi
ko sa mga labi n'ya.

"Wah! Kadiri ka!" pinagpag n'ya yung lips n'ya. Hindi ko maexplain yung reaction
n'ya, it was priceless..

Kung tutuusin, ang swerte ko dahil ako ang first kiss n'ya. Napakabigdeal sa aming
mga lalaki na kami ang first kiss ng babae.. alam mo 'yun.. of all the guys.. ikaw
ang una n'ya. All I can say that this is the best day in my life.

Pero habang mas tumatagal yung pagtatago ko ng totoo sa kanya. Mas napapalapit
naman ako... mas nahuhulog ako. Alam kong mali 'to... mali dahil akong dahilan ng
pagiging miserabe n'ya.. ng pamilya n'ya.

Nakita ko kung paano ma-depress ang papa n'ya. Kung paano bumagsak ang kompanya
nila. Ako ang dahilan ng lahat..  kung hindi ako naging mapusok.. hindi mawawala
ang mom n'ya... hindi s'ya lalayo at unti unting mawawala sa akin. Ako din ang may
kasalanan ng lahat.. wala dapat na sisihin kung hindi ako..

Mas lalong naglakbay ang diwa ko noong nakita ko ang wallpaper ng phone ko,
kinuhanan ko 'to noong magkasama kaming dalawa. Nakakatawa isipin na .. nasira ang
lahat ng pinagsamahan namin.. ng dahil sa akin.

"Matulog ka na.." sabi ko sa kanya. Ipinikit ko ang mata ko. Masyado s'yang
maarte.. ayaw n'ya daw ako katabi dahil daw baka may gawin akong masama sa kanya.
Never naman akong gagawa kung makakasama sa kanya.

Nagulat na lang ako noong may yumuyugyog sa katawan ko, "Bwiset ka! Tabi na tayo
dun oh!" nag-iwas s'ya ng tingin noong tiningnan ko s'ya. Napangiti ako ng palihim
pero hindi ko pinakita sa kanya. Masaya ako dahil kahit hindi n'ya sabihin alam
kong nakokosensya s'ya.. na concern s'ya kahit hindi n'ya sabihin.

Nagbiro ako para naman mabawasan yung kadramahan namin, "Ikaw ha? Don't tell me
gusto mo lang talaga ako makatabi noh? Hahaha! Crush mo ba ako? Amin amin din pag
may time.." nakita ko naman kung paano na naman s'ya mag-transform. Kinurot n'ya
ako ng madiin sa tagiliran ko.

"Aw sadista mo naman! Ayaw ko ng ganyang asawa! Hahahaha!"

Masasabi ko isa 'yon sa mga memorable na experience sa buhay ko. Masabi ko man na
lalayuan n'ya ako at least may nangyari namang maganda sa amin kahit paano. Noong
gabing din na 'yon.

Sinabi ko sa kanya na huwag s'yang mainlove sa katulad ko. Pero taliwas ang
nangyari ngayon, in love s'ya akin. Sinabi n'ya kanina habang umiiyak s'ya. Umamin
din s'ya sa akin mahal n'ya ako pero in the end.. nabura ang ngiti ko. Galit s'ya
sa akin.. at walang kapatawaran ang nagawa ko.

Madalas lang talaga ako mag-over think. Naging habit ko na nga ata.
Niyakap ko s'ya ng mahigpit. Nabigla s'ya sa ginawa ko. Ako din ay nagulat sa
kinikilos ko, "M-monster.." kinakabahang sabi n'ya.

"Just a minute freak.. pagbigyan mo na ako.."  kasi after mong malaman ay hindi ko
na magagawa ang bagay na 'to.

Tumagal kami ng sampung minuto sa ganoong posisyon. Idinikit ko s'ya sa chest ko.
Gusto ko sanang sabihin na 'ganyan ang tibok ng puso ko kapag kasama kita' kaso
masyadong cheesy at hindi bagay sa amin ang magsabihan ng ganun.

"Basta freak.. sorry. Sasabihin ko sa'yo ang lahat kapag handa na ako.. Kapag handa
mo ng malaman ang lahat. Kapag dumating ang araw na 'yon. I hope you'll not get mad
at me. Dahil matagal ko ng pinagsisihan ang nagawa ko.." ayun ang huling linyang
binatawan ko sa kanya.

Balak ko naman talagang sabihin sa kanya ang lahat. Kaso talagang mapaglaro ang
tadhana. Handa na akong sabihin sa kanya ang lahat lahat. Kaso nalaman n'ya sa
hindi tamang panahon. Masisisi mo ba ako kung naghahanap ako ng tamang time para
ipaliwanag sa kanya ang lahat?

Yung nangyari kanina. . isa 'yon sa kinatatakutan ko. Nangyari na ang lahat..
nagsisisi na ako sa ginawa ko. Hindi ba sapat 'yun? Sa bagay, hindi n'ya rin
napapansin ang lahat ng effort na binibigay ko. Hindi n'ya alam 'yun. Pero sana
mapatawad n'ya ako..

Hindi ako nagmamadali.. kasi no matter what pain you have been through, tears will
dry, broken hearts will heal and somewhere a person who truly loves and care for
you is willing to wait for you. Alam kong mapapatawad n'ya ako. Hindi man ngayon
pero sana sa right time. Handa akong maghintay..kahit gaano pa katagal 'yan. As
long as hindi pa ako pagod sa kahahabol sa kanya.. as long as may pwesto pa ako sa
puso n'ya. . Space lang talaga ang kailangan naming dalawa.

Nawala ako sa pag-iisip ko noong nakita kong bumukas ang pinto. Nakita ko kaagad
yung kapatid ko na may dalang cake. Yung mga kaibigan ko at si mom. Lahat sila ay
nakita kong nakangiti kahit pilit.

"Happy birthday Kuya Andwu.." doon na naman bumagsak ang luha ko. Shit, nakalimutan
ko pala na birthday ko ngayon. Pambihira, napakagandang regalo ang natanggap ko.

———

No votes and comments = NO UD Take a look on my other story, "Living with Mr. Ice"

Keep sending book trailers, covers. Keep posting on my message board. Follow me for
updates. 

What can you say about this Chapter? What can you say about Terrence? Ang sakit
grabe. 

SINO MAY TWITTER? FOLLOW N'YO KO @sweetadmirerWP 

=================

Announcements

Announcement
Admirers, uhmm hi! I'm just going to inform about this story.

LAST TWO CHAPTERS then EPILOGUE. 

Mas maganda kung i-follow n'yo na ako sa wattpad kasi balak kong i-restricted yung
epilogue na gagawin ko. Meaning to say, only my followers can read that. Token n'yo
na lang sa akin 'yun. Do it now. Haha!

I need to end this 'cause I do have plans for this. Kung dito sa book one puro
happy thoughts, more on bangayan. Sa book 2. Yes may book 2 po. Pero hindi ko pa
alam yung title. Pero I do have intense plot na para dun. Naka-fixed na sa utak ko
kung sino yung end game ko. As well as dito sa book one. Alam ko na kung paano ko
tatapusin 'to. Sa book two naman, alam ko na kung paano ko sisimulan 'yun. Haha!

Lets pray and hope for the better. Kailangan ko lang talaga na i-end yung Mr.
Famous Meets Ms. Badgirl. Masyado na pong mahaba tsaka kapag itinuloy ko pa yung
flow ng scenes hindi kakayanin ng 100 parts. Basta, gagawin ko yung makakaya ko
para mas gumanda yung Book 2.

After ko na lang matapos yung MFMMB ko ipopost yung title ng book two. Thank you!
Keep supporting! Follow n'yo na lang ako para sa updates. O pwede n'yo naman akong
i-tweet sa seperate account ko @SWEETADMIRERWP. Pag may question, ask nyo ko jan.
Yun lang! Salamat!

The next two chapters will be post soon. Last two na 'yun tapos epilogue na
talaga. 

While I'm creating those 2 chapters and the epilogue. You can look and read my
stories. "Living with Mr. Ice".  Thank you! 
Who will be the end game? Is it sad or a happy ending? Find out! :) 

=================

Chapter 52.5 - Dumbfounded

I cut Chapter 52 into two parts. May kasunod pa 'to! So bali 'yun. Makikita n'yo
naman kung "Last Chapter" na. Kasi ganun yung title. 

Chapter 52.5 - Dumbfounded

Trish

Umuwi kami ni Tristan sa bahay ng hindi nagpapansinan. Hindi na rin s'ya nagtanong
kung anong nangyari sa aming dalawa ni Terrence.

"Prince and Princess.." tawag sa amin ni Papa pagkadating namin sa bahay.


Nagkatinginan na lang kaming dalawang magkapatid. Napaka-awkward ng atmosphere
naming dalawang magkapatid. Kulang na lang ay hindi na kami magpansinan sa harap ni
Papa.

Napansin naman ata ni Papa ang tensyon na namamagitan sa aming dalawa, inakbayan
n'ya kaming dalawa.

"May problema ba kayo? Baka makatulong si Papa.." pag-aamo n'ya sa amin. Nanatili
lang kaming nakatahimik. Ni hindi ko masabi kay Papa kung ano ang dahilan kung
bakit kami hindi nag-iimikan ni Tristan.

"Hindi n'yo na pinapansin si Papa. Nakakatampo na ang kambal ko.." pag-uulit n'ya.
Nakarating kaming tatlo sa sala. Umupo kami ng magkakatabi sa couch.

"Pa/Pa" nagkasabay kami ng tawag ni Tristan sa kanya. Tiningnan n'ya naman kaming
pareho. "Ano 'yun? Tell me. Makikinig si Papa.." sabi n'ya. Nagkatinginan na naman
kami ni Tristan.

Nawala na din ang bakas ng luha sa mukha ko. Natuyo ng lahat. Hindi ko lubos
maisipna humantong kami sa ganong tagpo. .

Magulo. Magulo ang isip ko kanina. Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon
ko. Kung tama ba ang sinabi ko sa kanya. Tao lang din naman ako. Nasasaktan lang
din. Masisi mo ba ako kung ganon ang naging reaksyon ko? Kung ikaw ang nasa
kalagayan ko.. ganun din diba ang gagawin mo?

Nagulat. Nabigla talaga ako sa nalaman ko. All of those years, s'ya pala ang ang
dahilan kung bakit nawala si Mama. Kung bakit naging miserable ang buhay naming
tatlo.

Sabi ko sa sarili ko na once na malaman ko kung ano o sino man ang dahilan n
pagkamatay n'ya. Ay hindi ko mapapatawad. At ngayon na nalaman ko, do I need to
forgive him? I know that he's too young. Ahead s'ya sa akin ng 1 year in terms of
age. And I really don't know what happen. He even didn't tell what happened 8 years
ago..

Nawala kami sa pag-uusap namin noong nag-ring ang phone ni Papa. Nakamasid lang
kaming dalawa kay Papa na kasalukuyang kinakapa ang phone n'ya sa loob ng bulsa
n'ya.

"Who's this?" tanong ni Papa. Nakatuon lang ang pakikinig namin ni Tristan kay Papa
na hindi ko maexplain ang itsura. Para s'yang masaya na nagulat.

"Black knight?" tanong n'ya. Bigla akong kinutuban sa narinig ko. Napatayo ako sa
kinauupuan ko. Nagulat si Tristan sa ginawa ko. Nabigla kami ni Papa noong in-
announce ni Papa sa amin ang balita.

Kinabukasan, napagdesisyunan ko na tumungo sa school. Handa pa din naman ako


pumasok sa school sa kabila ng mga nangyari. Sa kabila ng lahat, hindi ko dapat
sinasayang sa mga walang kwentang tao ang oras ko.

Masaya akong naglakad papunta sa building ng engineering. Nakakatawa isipin na


malapit ng matapos ang school years. Ilang years na lang at makakapagtapos na din
ako. I mean hindi naman ako magloloko sa pag-aaral. Nangako ako kay Papa at kay
Mama na gagalingan ko every time and so far, it's good.

When I was walking bigla na naman akong kinabahan. Alam mo 'yun? There's a guilt
deep inside.

Kapag naalala ko kung paano s'ya umiyak, kung paano s'ya magmakaawa sa akin, he
even also kneeled down in front of me. Maniniwala na ba ako sa kanya? For heaven'
sake, pinaniwala n'ya ako sa kasinungalingan n'ya. I think, once nasira yung trust,
hindi na mababalik yun ng perpekto. I mean, may lamat na.

I sat down on my chair. They seem so quiet. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid,
walang nagkakagulo. Not like the usual day na kapag nandito sila ay hyper. I mean,
where are they?

I checked my phone kung anong araw ngayon, "Friday." So meaning to say, nandito
dapat sila. Nagtaka ako bigla at the same time nalungkot.
Halo halo na naman ang nagraramdaman ko ngayon: guilt, galit, nervousness, o
happiness kasi nalaman ko na at last kung ano ang dahilan ng pagkamatay ni mama.

Lumabas muna ako ng classroom namin. Baka mamaya ay nanjan na ulit sila.You know,
the boys are always busy. Pumunta muna ako sa powder room. I'll check my eyes.
Magdamag din kasi akong hindi nakatulog dahil laging nagpaflashback sa utak ko yung
nangyari kahapon.

Look? Sino ba namang makakaget-over sa nangyari kahapon? Should I say na dapat ba


akong maawa sa kanya? Na dapat ko ba s'yang patawin ng ganun ganun na lang? Na
mabubuhay ba n'ya ang mom ko sa pagsosorry n'ya? It was all done. I know kahit ano
pang pagngangawa ko, hindi na mababalik ang buhay n'ya. And I know that!

Pero sana kung hindi nangyari 'yun diba? Look.. anong magandang bagay ang
mangyayari sa buhay ko. Anong dapat na meron dapat ako ngayon ako na wala ako.

Pagkabukas ko pa lang nung pinto nakita ko si Iana na nag-aayos ng buhok n'ya.


Nakita n'ya naman ako. Kinuha ko yung conceiler ko para takpan ang eyebags ko.
Mahirap na....halatang halata na wala akong tulog at galing ako sa pag-iyak.

"Napag-isipan mo na ba?" tanong n'ya sa akin. Nakita kong kinuha n'ya yung lipgloss
n'ya at nagpatuloy sa pag-aayos. Ako naman ay matipid na sumagot sa kanya.

"No need Iana..don't ask about that. Hindi rin naman ako interesado." nakita ko
s'yang napahinto sa pag-aayos n'ya.

"Okay. But umaasa pa rin ako..See you Trish. May klase pa rin naman ako." sabi n'ya
sa akin. Lumabas na s'ya ng powder room at ako naiwan mag-isa.

Pagkalabas ko kaagad ng powder room. Ewan ko kung bakit ako naalarma sa mga
nakikita ko. Ang daming tao sa labas.

I mean paglabas mo kasi ng powder room. Lalabas ka na sa main building na kung saan
merong malaking tv dun at isang clock tower. So I was wondering kung ano ang
nangyayari sa labas.

Nakipagsiksikan ako sa mga nakapila and I was left dumbfounded..

"Terrence Sy committed suicide."

 --

Votes and comments please. Did you read my bio? 

Update: Tomorrow evening! 


=================

Chapter 52.5 - Revelation

Chapter 52.5 - Revelation

Trish

Nagmadali akong bumalik ng room. Gulat na gulat pa din ako sa nakita ko. Was that
even true?! Sira na ba talaga ang ulo n'ya para gawin ang ganung bagay?!

Akala ko madadatnan ko sila dito.Pero ni isa kanila ay hindi pumasok. Shit! I feel
jitters! My mind was pre-occupied by his presence. Why he would do such things? Why
he committed suicide? Gago ba talaga s'ya?

And if he committed suicide, what is the reason? Don't say na dahil sa nangyari sa
amin kaya gusto n'yang magpakamatay?! Is he insane?!

Pumunta ako kaagad sa labas ng school since wala naman akong kotse. What hospital?!
God! H-hindi ko alam kung saan ako pupunta. As I saw, yun lang ang nakita kong
headlines. Nothing else kasi masyado na naman akong nadala sa emosyon.

When I was walking along the hallway.. everybody was busy blabbering about what
happened to Terrence. Geez! Oo nga pala, he's definitely famous. Kung ako nga ay
nag-alala bigla kahit hindi naman dapat. Ano pa kaya ang fans n'ya?

Nakalabas ako ng school. Mag-aabang na lang ako ng taxi. I tried to call Carl,
first time kong gagawin 'to.

"H-hello?" halos manginig ang boses ko. Damn! Bakit ba ako kinakabahan? I hate this
feeling!

[Oh Master? Bakit ka napatawag?] narinig ko pa ang mga boses ng ibang kaibigan
n'ya. Siguro magkakasama sila.

"I know what happened to Terrence. Can you tell me where and what hospital is he?"
I asked.

Then he gave the address. I must go and try to reconcile things with him. When I
was waiting on this waiting shed. Suddenly, someone grabbed my arms.

And there I saw, the guy in black face mask.


"Black knight?" I asked him. Natulala ako sa kanya, pinagmamasdan ko lang s'ya.
Bakit parang may nag-iba? I felt something different with this guy and the guy who
saved me on our drag race.

He grabbed my arms and pinapasok ako sa Montero n'yang car. I was hitting him on
his arms, "Relax. I won't do anything to you. Trust me.." he said. His voice was so
familiar to me. Bakit ngayon ko lang ba napansin na may kaboses s'ya? Maybe nung
time na kasama ko s'ya, my mind was pre-occupied. Ugh! Sino ba kasi yung kasama
ko?!

"Who are you ba?" I hissed. Nakafocus lang s'ya pagdadrive. Bakit ba ako sumama sa
kanya? Why I do have this feeling na kilala ko s'ya at bakit n'ya ba ako kilalang
kilala. His voice changed now. The last time I talked to him, that's so deep and
manly. But now, something went different. I really can't tell what it is, but it's
different. Geez! Sumasakit ang ulo ko.

Suddenly I remember something when my dad and this black knight talk on a phone
call.

"What? Are you serious?" my dad said. Kita kita mo sa mata n'ya ang pagkagulat.
Busy lang kami ni Tristan sa pagtingin sa kanya.

"Do you mean? Yung pinakamalaking share sa company ay nakapangalan sa akin? Is that
even true?" my dad said. "Oh God! How can I thank you? Is this legit?" he added.
Then the call ended.

Nagtaka kami ni Tristan kung ano ba talaga ang pinag-uusapan nila. But one thing is
for sure, I know na may kinalaman 'to sa business and such.

"What's that Pa?" I asked. Ako lang talaga ang mapagtanong in terms of this. My
brother was indeed quiet. Ni hindi n'ya nga ako pinapansin. "And what about that?
Who's that? Black Knight? Is that even a name?" I asked.

"No. That his code name. Ayun na lang daw itawag ko sa kanya." napatango ako sinabi
n'ya. Yung caller ni Papa and the black knight I've encountered were the same? I
guess so. Diba nga sabi ni mysterious guy sa akin. He will do something about our
company? Eto na ba ang sinasabi n'ya?

"He bought the shares. Sa atin na nakapangalan yung company. Meaning tayo na ang
magmamay-ari nun."

Nabigla na naman ako sa naalala ko. Napatingin ako sa lalaking kasama ko ngayon.

"Show me your face black knight.." I said. Hindi na ako nandito para
makipaglokohan. Nandito ako para alamin kung sino ba talaga s'ya?
"Who are you and why are you helping us?" I asked.

And that moment, I pulled down his mask.

"Liam?"

———

Next Chapter will be the first part of the last chapter. *drum rolls* Do you trust
me? Do you believe in happy endings? Pilitin n'yo ko!

Everything happens for a reason. Give your trust on me girls! Haha!

Read Dominique's story: Living with Mr. Ice

Doon lang madaldal si Dominique. Napossessed ng katangahan ng kaloveteam. Masyadong


taong bundok yung kapartner. Hindi alam ang tawag sa mansion. Palasyo ang tawag
n'ya. Yung ref ay malaking silver na kahon. Hahaha Basahin n'yo. Pampagoodvibes
lang haha. Salamat!

=================

First Part of the Last Chapter

After this will be the last chapter..

First Part of the Last Chapter

Trish

Nagulat ako sa nakita ko. I didn't expect that he is Liam. Napatakip ako sa bibig
ko. This is very unexpected.
"Liam?" that's the only word I can manage to say. Shocked pa din ako sa nalaman ko.

"T-this is me.." he said. Why he stammered? I felt like.. he is uneasy with his
words. Nag-drive na lang s'ya and before I knew it nasa tapat na kami ng isang
private hospital.

Hawak hawak ni Liam ang kamay ko. He hold my hand as if I was a fragile thing.
"So.. its you. Ikaw din ba ang tumawag sa Papa ko?" I asked. Nasa tapat na kami ng
elevator. Tumingin naman s'ya sa akin at iniwas din ang tingin.

"Yes.." he said calmly. Unlike kanina, kalmado na s'ya ngayon. I don't know what is
running in his mind or what's bugging him. The only I know is that I should thank
him for helping me.. for helping my family.

Pagkarating namin sa harap ng room namin. I heard different noises as in maririnig


mo ang boses nilang lahat. I was very sure na si Steph ay nasa loob. I mean boses
n'ya ang nangunguna sa kaingayan. Sinusundan ni Carl na pangalawa sa maingay. Tapos
si Kurt. Maybe nandun din si Dominique.

"What happened to him?" I asked Liam. He just shrugged his shoulder.


Napagdesisyunan kong buksan ang pinto.

***

Terrence

"What the hell did you do? Pinalabas n'yo akong nag-suicide? Ano ako timang?!"
nanggigil ba sabi ko sa mga kaibigan ko.
Tawanan pa din sila ng tawanan, ako naman ay naiinis sa ginagawa nila. Nakahiga pa
din ako dito sa hospital bed, masyadong napuruhan ako sa suntok ng kapatid ni
freak. Ni hindi man lang ako lumaban. Bakit nga ba ako hindi lumaban?!

Nagbibiro lang ako, alam ko na deserve ko naman yung bawat suntok na 'yun.

"Ano na namang nangyari sa'yo bro?" tanong sa akin ni Carl. Napansin n'ya na naman
ang pagbabago ko ng mood. Piniit ko na lang ngumiti kahit pilit. Ayaw kong maging
miserable ako sa paningin nila..

"Sino may pakana nun?" tanong ko sa kanilang apat. Nagtataka din ako kung bakit
nandito yung blonde na best friend kuno ni freak.

"Kurt!" sabay sabay nilang turo. Nakita n'ya ang pagsama ng tingin ko kaya bago pa
ako makapagsalita ay nagsalita s'ya, "Oy Terrence! Hindi ako si Carl!" tinuro n'ya
si Carl.

"Hoy Kurt! Hindi naman si Carl!" nagulat kami noong sumingit sa usapan namin si
blonde. "Oh kitams?! S'ya na yung nagsabi. So ikaw nga Kurt?! Eh kung ikaw kaya
yung minurder ko dito?!" pananakot ko kanya sabay hawak sa kutsilyo na pinambalat
ng mansanas kanina.

"W-walang ganyanan bro! Bawal magbiro ng ganyan!" natatakot sabi n'ya. Paatras s'ya
ng paatras sa kinatatayuan n'ya. Hanggang nagtawanan na yung mga loko. Kahit
papaano naiibsan ang lungkot ko ngayon, kahit sa pagkakataon na 'to.. nararamdaman
ko na hindi ako nag-iisa.. na hindi nila ako iiwanan.

"Salamat mga bro ah.." tila nabingi sila sa sinabi ko.


"Weh? Ikaw nagpapasalamat?! Magpamisa na tayo mga dude!" sabi ni Kurt. Nakuha naman
s'ya sa tingin, "Gago! Aanhin mo pa yung pagsasamahan natin ng ilang taon kung
hindi ka namin tutulungan?" sabi n'ya ng seryoso.

"Oo nga bro.. hindi ka naman namin iiwanan. Kahit ano pa 'yan. Basta huwag mo lang
itutuloy yung plano namin na mag-suicide ka..hahahaha!" tawa ng tawa si Carl.
Hinawakan ko naman ang baso sa tabi ko para matahimik s'ya.

"Pero hindi ko pa rin matanggap na nag-back out si Russel sa grupo. He quit." sabi
ko sa kanila. Lahat sila ay nagulat, wala pa kasing nakakaalam sa balitang 'to.

"Ano?!" tanong nila ng sabay sabay. Ako din ay nagulat sa desisyon n'ya.

"Bakit hindi namin alam?! Walang iwanan diba?!" gulat ang naramdaman nilang lahat.
Wala kasi silang alam. Tumahimik naman sila at ipapaliwanag ko kung bakit.

"He decided to quit last week pa. Dad don't want his resignation. Pero anong
magagawa natin kahit naman idemanda ni dad si Russel wala namang magagawa si dad
kasi patapos na yung kontrata natin. Russel said that he would like to gave his
time on something... to someone.."

"Something and someone? At sino 'yun?!" tanong naman ni Carl.

"Trish." lahat kami ay napalingon kay Dominique na bihira lang magsalita. "Don't
stare at me as if you don't see the obvious." sabi n'ya at nilagay ang kamay sa
bulsa.
Lahat sila ay natahimik.. even me. I can't manage to talk. He's right..of all the
people, si Russel pa ang nakalaban ko. Hindi naman as in na kalaban na literal but
something related to Trish.

I remember the last time we had talked.

"I'm not densed Terrence. Alam kong mahal mo si Trish.." aangal pa sana ako noong
dugtungan n'ya ang sinabi n'ya.

"I don't want to be unfair to you. Pero sana may the best man win na lang. Don't
hesitate na magparaya dahil lang sa akin. I know we've been friends for a long time
bro. But sana, gawin mo din yung best mo. Mas matatanggap ko pa ang pagkatalo ko
diba?"

Paano pa ako lalaban kung alam ko na sa huli na ako pa din ang talo.. She said na
hindi n'ya na ako mapapatawad but I'm still hoping for an ample amount of chance na
mapapatawad n'ya din ako someday. Na someday magiging maayos din ang lahat.

"Pustahan dadating si Master?! Hahaha! Tinawagan n'ya ako kanina and matatawa kayo
sa reaksyon n'ya... dude!" tawag sa akin ni Carl, "Nag-aalala pa din sa'y——"

Bumukas ang pinto at nagulat kaming lahat kay freak.

"So pinapunta n'yo ako dito para makita kung paano s'yang tuwang tuwa dahil
pinagpupustahan n'yo 'ko?!" seryosong sabi n'ya. Kaming lahat ay nabigla.. lahat
sila ay tumikom ang dila. Natakot silang lahat dahil sa nanginginig na boses ni
freak..mukha na naman s'yang maiiyak.

"At ikaw Steph! Isa ka din ba sa nagplano tungkol sa lecheng set-up na 'to?!" galit
s'ya at nararamdaman ko 'yon.

"Let me explain Trish—" sinubukan na lumapit ni blonde sa kaibigan n'ya. Pero


lumayo si freak kanya.

"Pwede ba Steph! Anong ipapaliwanag mo?! You are laughing with them! Rinig na rinig
ko 'yun!"

"Huwag mo silang idamay sa galit mo." sabi ko. Nakuha ko naman ang atensyon n'ya.
Lahat sila ay nakatingin sa akin, "They don't have the intention para pagtripan ka.
So please..don't get mad at them." pinilit kong umupo ng maayos sa kama.

"Hindi ako galit sa kanila. I was saying na galit ako dahil pinag-alala mo 'ko. Na
galit ako dahil hindi ako pumasok para puntahan at i-check kung okay ka. Galit ako
dahil hindi ko ini-expect na ganito ang madaratnan ko. At ang huli, galit ako dahil
nagsisisi ako kung bakit pa ako pumunta dito.." and right there bumagsak yung luha
n'ya. Gusto ko s'yang lapitan but I wasn't able to stand. Tumalikod s'ya sa amin,
tahimik lang ang mga kasama namin sa kwarto.

"Trish.. look..I'm sorry. It's not our intention na pagtripan ka. They do this for
us to talk." hirap na hirap ako sa sitwasyon ko ngayon. Anytime nararamdaman ko na
mas sumasakit pa yung nararamdaman ko. Nakita ko na naman s'yang umiiyak ng dahil
sa akin. Ng dahil na naman sa kagagawan ko.

Wala ba akong karapatan para sumaya?


"I was concerned on you then pagpunta ko makikita ko na gan'yan kayo..at nakuha
n'yo pa talagang pagpustahan ako. Ang galing grabe.." nakita kong itinaas n'ya ang
mga kamay n'ya. Pinahid n'ya yung luha n'ya gamit ang likod ng kamay n'ya.

"Ganito na ba ako kasama kaya lahat na lang ng bagay na makakasakit sa akin ay


ginagawa n'yo? W-wala akong kasalanan sa inyo.."

Hinawakan ni Russel yung braso n'ya, "Aalis na ko. So please get off your hands on
me."

Lahat na lang ng sakit nararamdaman ko ngayon. Mas dumoble sa pagkakataon na 'to.


Lahat ginawa ng mga kaibigan ko para magkita at magkausap kaming dalawa kaso ganito
ang nangyari.

Mas dumoble ang sakit na nararamdaman ko noong nagsalita s'ya.

"I hate lies that's why I hate you Terrence. Anyways, good riddance." tumalikod
s'ya at umalis na sa kwarto na 'to.

Akala ko magkakaayos kami ngayon. I only assume that is why I'm really hurt right
now.

Never assume so you'll not get disappointed..freak, magkakaayos pa ba tayo?

Itutuloy...

Last Chapter na yung next! Follow me here kasi naka-restrict  po ang epilogue.
Nagawa ko na prologue ng book 2! After epilogue ko na lang i-aanounce.Ulet ulet
lang. May mga tange tange kasi jan. Hahahaha!

Next update: Saturday

=================

Last Chapter

Napaaga ang update. Here's the Last Chapter! Next will be the Epilogue. Happy
reading! Read "Living With Mr. Ice pag may time. 

Read before you vote! 

Last Chapter

Trish

One week na ang nakalipas at masakit pa din sa akin ang lahat ng nangyari. Unang
una, hindi kami magpapansinan ni Steph. Pangalawa, yung tinuring ko na mga kaibigan
ay pinagtripan ako. Grabe sila ganun na ba talaga ako kasama?

Nabigla ako noong may kumatok sa pinto ng kwarto ko, "Nakaayos ka na ba?" tanong sa
akin ni Tristan. Tipid na tumango ako sa kanya.

Lumapit s'ya sa akin at umupo sa tabi ko. "I know you're depressed pero sana sa
pag-alis natin bumalik ka na sa dati." he said.

"I'm not depressed Tristan. Tigilan mo 'ko." sabi ko sa kanya. One week din akong
nagkukulong dito sa kwarto ko. Hindi ko lang feel na lumabas at magsaya sa
kalagayan ko ngayon. Lahat sila ay iniwanan ako.

"Ikaw kamo..halatang halata naman. Huwag mo ng ikaila sa akin..Magkapatid tayo.


Kakambal kita kaya pwede ba.. don't act as if you are strong." natamaan ako sa
sinabi n'ya.

Nagtatapang-tapangan lang ako but deep inside gusto ko talagang makausap sila. Para
malinawan na ang mga confusions ko.
"May bisita ka nga pala.." sabi sa akin ni Tristan. Nagulat na lang ako noong may
sumilip sa pinto ng kwarto ko.

"Best friend naman ehhh.." narinig ko na naman ang malakas n'yang bunganga. Yung
kaartehan sa tono ng pananalita n'ya. Yung blonde n'yang buhok.. lahat namiss ko sa
kanya.

Tinapik ni Tristan ang balikat ko, "Mag-usap kayo." sabi n'ya sa akin at lumabas na
ng kwarto. Tanging si Steph at ako na lang ang naiwan.

"Ahhh...ehhh.." pinagdikit pa ni Steph yung dalawa n'yang hintuturo. Marahil ay


kinakabahan s'ya. Pero deep inside natatawa ako sa mukha n'ya para s'yang
kinakabahan na ewan.

"Ahh ano kasi.." patuloy pa din s'ya sa paglalaro ng daliri n'ya. Nag-angat naman
ako ng tingin sa kanya at itinaas ko ang kilay ko. Pinag-cross ko din ang braso ko.

"Ano?! Magsalita ka!" isang sigaw ang pinakawalan ko. Tumakbo naman s'ya sa akin at
niyakap ako.

"Sorry na! Sorry na!" pauulit ulit n'yang sinasabi. "Tumayo ka nga jan. Mukha kang
talaga baliw tsk!" sermon ko sa kanya. Umupo naman s'ya sa kama ko.

"So bati na tayo?" tanong n'ya sa akin. Nag-puppy eyes pa s'ya sa akin pero
inirapan ko lang s'ya.

"Grabe ka Trishy! Kapag ikaw ang nagkakamali pinapatawad kita kaagad tapos ako
ginaganyan mo..huhubels lang!" pagmamakaawa n'ya.

"So sumbatan ganon? Ano pa nga bang magagawa ko kung hindi patawarin ka..above all,
ikaw lang ang nakakatagal sa ugali ko." hin-hug ko na din s'ya pabalik.

"Grabe ka. Natiis mo ko ng one week na hindi man lang tinatawagan o tinetext. Sa
ganda kong 'to natiis mo 'ko?"

"Excuse me. Masyado lang talaga akong maganda para pagaksayahan ka ng oras." sagot
ko naman sa kanya.

"Heh! Kainis 'toh! Tapos ngayon malalaman ko na aalis kayo nila Tito? Ano ako dito
maiiwanan?" nagtatampong sabi n'ya.

"You can go there naman. Pagbakasyon, go there." sagot ko sa kanya. Para naman
s'yang nabunutan ng tinik dahil sa sinabi ko.

"Sige na nga. Sana pagbalik mo kami na ni Carl my loves noh?" nag-spark na naman
ang mata n'ya.

"Sabihin mo baka pagbalik ko. Nabuntis ka na ng standee ni Carl. Bawas bawas din ng
kabaliwan Steph. Habang tumatagal palala ka ng palala.." naalala ko tuloy nung
pumunta ako ng kwarto n'ya.

"Ehh? Grabe ka talaga! Basta mapapasaakin din si Carl my loves hihihi! Alam mo ba
speaking of Carl, yung Elite 5 ay hindi na kumpleto. Hurt hurt hurt ako!" narinig
ko na naman yung pangalan ng grupo nila.

"Oh ano ngayon?" tanong ko sa kanya. Hinampas n'ya naman ako sa braso ko.

"Share ko lang.." inirapan n'ya din ako. "Si Russel hindi na nagrenew ng contact.
Huwag kang magagalit ah? Pero nung time noong narinig mo kami sa hospital nabanggit
ni ano yun. Sabi n'ya.. nag-quit daw si Russel kasi he will give his time daw kay
someone..and you know what? Ikaw yun! Ang haba ng hair!" pumalakpak pa s'ya.

"Pakiulit nga?!" tila nabingi ako sa sinabi n'ya. Huminga muna s'ya ng malalim bago
inexplain ng mabuti sa akin.

"Nag-quit to follow his dreams. Kasama ka na sa mga pangarap n'ya. Grabe girl! Haba
ng hair.. anong shampoo ang gamit mo? Baka mabihag ko na si Carl my loves hihihi.."
tawa n'ya pa.

Hindi naman ako manhid na tao, alam ko yung mga pinapakita sa akin ni Liam. Lahat
'yun ay totoo. Willing s'yang mag-sacrifice. Willing s'yang i-risk ang lahat ng
meron s'ya..lahat ng makakapagpasaya sa kanya ay gagawin n'ya.

"Pero mas nalulungkot ako sa inyo ni ano.." nakuha na naman ng baliw na 'to ang
atensyon ko.

"Tell his name. I don't care.." wala naman talaga sa akin kaso kung sabihin n'ya pa
ng maraming beses yung pangalan n'ya.

"Nakakalungkot lang yung nangyari sa inyo ni Terrence. Hindi naman ako manhid para
hindi ko maramdaman na mas matimbang talaga si Terrence sa puso mo kaso may
dumating na hindrances sa inyong dalawa.." pinakinggan ko lang s'ya.

Ito na siguro yung time para makinig ako sa kanya at sa kanila..inaamin ko naging
sarado yung pag-iisip ko.

"Alam mo 'yun best friend. Nandun na kayo eh..Malapit na ako magpaparty kaso naman
you found out na he's the reason why Tita died..wala na ba talagang pag-asa?"
tanong n'ya sa akin. Hindi ako nakasagot. "If so, can you forgive him na lang bago
ka umalis?" naghalo halo na naman ang emosyon ko ngayon.
Parang nagsisisi ako kung bakit ko pa 'to pinagsalita. Bumabalik na naman yung mga
nangyari noong nakaraan.

"Steph, I can forgive but I can't forget. You asked me if I can forgive him? Yes I
can but not right now. We need space.." I answered.

"Space ba?! I've never thought na gusto mo maging austronau--Aw!" binatukan ko nga.
Kahit kailan talaga napakabaliw n'ya talaga.

Hindi ko s'ya mapapatawad sa ngayon. It takes time to forgive him. Hindi naman
simpleng bagay yung nangyari.. it was between him and my mom.

Tristan interrupted the moment, he entered my room. "We need to go Trish. Nakahanda
na yung sasakyan. Hinihintay na tayo ni Papa.." nag-hand gesture lang ako kay
Tristan.

"Paano ba 'yan baliw kong best friend? Mamimis kita kahit baliw ka.." niyakap ko na
s'ya. Narinig ko naman yung paghikbi n'ya. "Gaga ka talaga.. Anong kaartehan na
naman 'yan? May paiyak iyak ka pang nalalaman.." pero sa totoo lang malapit na
akong mahawa sa kadramahan ni Steph.

"Mag-iingat ka sa Europe..huwag ka ng mang-aaway dun. Huwag ka ng mangbabara dun.


Huwag ka ng manlalait. Basta lahat ng kasamaan mo mamimiss ko talaga.." medyo
natawa naman ako sa kanya.. sa mga pinagsasabi n'ya.

"Don't ever attempt na maghanap ka ng best friend dun kasi wala ka ng mahahanap na
mas gaganda pa sa akin. Tandaan mo 'yan..wala kang mahahanap na mas dyosa pa sa
akin.." patuloy pa din s'ya sa pag-iyak.

"Isa pa..sana maging happy ka na. Alam mo naman na gusto ko lagi kang nakikitang
masaya.. sana move on move on din pag may time. Sana mapatawad mo na s'ya.."
kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya.

"Binasa mo yun damit ko. Kadiri ka talaga!" sumama naman yung tingin n'ya sa akin.

"Galing kong umiyak noh? Mag-aartista na ako at gagawa kami ng bed scene ni Carl my
loves..joke lang! Basta kung sino ang makakapagpasaya sa'yo..go lang ako.
Supportive kaya ako! Hehehe! Hatid na kita sa baba. Baka mag-rumble na naman kami
ng masungit mong kapatid dito.." tumayo na s'ya sa pagkakaupo n'ya.

"Ay wait! May nakalimutan ako. May pinabibigay pala sa'yo si Terrence." may kinuha
s'ya sa loob ng bulsa ng sweater n'ya.

"Keep that..huwag mo sanang itapon noh? Basta TLovers talaga ako.." napatingin ako
sa kanya. "Anong sabi mo?" tanong ko sa kanya.
"TLovers as in Terrence and Trish! Parehong may initial na 'T' so TLovers. Why so
slow? Tss!" binigyan ko s'ya ng death glare.

"Joke lang naman! Hindi mabiro! Diba sabi ko sayo in between ako. Kahit ano pa
'yan. TLovers or LPLovers. Hihihi!"

Tumayo na din ako. Hindi ko na papansinin si Steph. Nakaasar s'ya kung anu ano ang
pinagsasabi. Lahat na lang ay may naiisip n'ya.

Inilagay ko sa suitcase ko yung binigay sa akin ni Steph na bigay daw ni Terrence.


Nakalagay s'ya sa isang maliit na paper bag. For sure maliit lang din naman ang
laman nito.

Pumasok na ako sa kotse at tumungo na kami sa NAIA.

[Play the multimedia at the side] 

***

Terrence

I fully recovered. Wala ng masakit sa katawan ko pero wala ng mas sasakit sa pag-
iisip ko sa kanya.

Nakakatawa..pinag-meet kami ng tadhana dahil sa isang sampal.

Kung hindi n'ya siguro ginawa 'yun. Hindi ako magkakaroon ng interes sa kanya.
Hinding hindi ko malilimutan yung araw na 'yun dahil kung hindi nangyari ang bagay
na 'yon. Wala kami dito. Walang story na magaganap..

Natigil ako sa pag-iisip noong nagring ng nag-ring ang phone ko, tinignan ko kung
sino ang tumatawag.

Blonde

Kaagad ko 'tong sinagot. Sa lahat ng nangyari, mas naging close kami ng ng blonde
n'yang best friend. Alam ko na s'ya lang ang pag-asa ko para magkausap kami.. para
magkaayos kaming dalawa.

Umaasa pa din ako na mapapatawad n'ya ako. Hindi man ngayon pero sana mangyari yung
hinihiling ko..

Laking pagsisisi ko kung bakit ko pa pinatulan yung 'suicide' na plano nila Carl.
Mas lumala pa ang sitwasyon. Namisinterpret n'ya yung pag-uusap ng mga ungas kong
kaibigan.

Kaya mas hiniling ko na lang sa kanya. Na sa akin na lang s'ya magalit kaysa naman
magalit s'ya sa mga kaibigan ko. Lahat kaya kong tanggapin..kaya kong saluhin at
akuin ang lahat para wala ng madamay.

Mas gugustuhin ko pang ibunton n'ya sa akin lahat ng galit n'ya..Tutal ginawa lang
naman nila 'yun para din sa akin..

[Hoy! Hindi mo ba s'ya susundan?!] Rinig na rinig ko yung megaphone n'yang


bunganga. Ang sakit talaga sa tenga ng bibig n'ya.

"What are you talking about?" I asked. Wala talaga akong ideya sa pinagsasabi n'ya.

[Ay grabe! Si Trish aalis! Pupuntang Europe! Galaw galaw din pag may time! Go
Terrence! TLovers forevaaaaa~! Kyaaa] pinatay ko na yung phone ko at nagmadali na
akong pumunta sa airport.

Kahit sa huling pagkakataon ay makita ko s'ya. Pinaharurot ko ang kotse ko. Bahala
na.. basta ang nasa isip ko ay dapat makita o makausap man lang s'ya.

"Damn it! Traffic pa!" sumabay pa talaga yung rush hour. Mag-aalas singko na din
kasi ng hapon at mas lalo pang nadagdagan ang kaba ko noong naipit ako sa pesteng
traffic na 'to. Wala na bang mas lalala pa dito? 

Kung mamalasin ka nga naman oh! 

Wala na ba talaga akong karapatan para sumaya? Hindi ba talaga aayon sa akin ang
tadhana kahit ngayon lang?

Naghanap ako ng ibang ruta. Basta ang nasa isip ko lang ngayon kung paano ako
makakapunta sa Airport ng mas mabilis. Kailan ko talaga s'yang maabutan.

Halos mapamura ako noong may mabangga naman ako.. bigla kasi s'yang tumawid sa
daraanan ko, "Shit naman!" bumaba ako sa kotse ko para i-check kung okay lang yung
babaeng nabangga ko. Lahat na lang ba? Nakakainis naman.

Kung kailan ka nagmamadali doon ka naman napapabagal..

"Are you okay?" tanong ko sa kanya. Tila nanigas naman s'ya noong nakita n'ya ako.
"Te-terrence Sy?!" nag-spark yung mga mata n'ya noong nakita n'ya ako. Tinulungan
ko s'yang makatayo.

"Miss..look.. nagmamadali ako. May masakit ba sa'yo?" tanong ko sa kanya. Umiling


iling naman s'ya. "Papicture na lang!" sabi n'ya.
Ngumiti na lang ako ng pilit. Akala ko magtatagal pa ako at dadalhin pa s'ya sa
hospital. Buti na lang at walang gaanong damage. Binigyan ko din s'ya ng pera para
pangpacheck-up n'ya.

Kung minamalas ka nga naman oh. Lahat na lang ng kamalasan sinapit ko na. Tinapakan
ko yung gas at nagmadali na naman ako mag-drive.

"Makiaayon ka naman sa akin. Please lang.." bulong ko.

Hinihiling ko na hindi ako mahuhuli, na makikita ko pa s'ya, na masasabi ko pa na


mahal na mahal ko s'ya. 

Hindi ako magsasawa na habulin ka. Kahit marami ka pang reason para layuan mo ko ay
hahanap ako ng isang reason para habulin ka..

Alam kong hindi madaling magpatawad. Pero alam ko na dadating ka sa point na


maliliwanagan ka. Na kapag dumating yung point na 'yun..pareho tayong sasaya.

Sana lang talaga..

Isa isang bumalik sa alaala ko yung mga nangyari sa amin. Shit ang korny! Hindi
naman ako ganito dati.

Tinatanong ko yung sarili ko kung bakit sa lahat ng babae, s'ya yung nagustuhan ko.
Pero kung hahanap ako ng reasons kung bakit ko s'ya nagustuhan parang tanga diba?

Kasi kung mahal mo yung isang tao. Walang reason. Paano na lang kung mawala yung
mga reason kung bakit mo s'ya minahal? Kung mahal mo s'ya, mahal mo.

Bumaba ako kaagad sa kotse ko. Hinanap ko yung monitor kung saan makikita mo yung
mga eroplanong nakaalis at kadadating pa lang.

Nahuli na ata ako ng dating. Wala na..nakaalis na s'ya.

Naupo na lang ako sa bench. Bakit hindi mo ko hinintay? Mag-eexplain pa ako sa'yo
diba? Sasabihin ko pa sa'yo na ako si Black Knight.. pero mukhang imposible
na. Napahilamos na lang yung palad ko sa mukha ko.

Hinihiling ko na parang pelikula lang ang mangyayari ngayon. Na hindi pa s'ya


nakakaalis. Na pupuntahan n'ya ako. Na may kakalabit sa likod ko at makikita ko na
nakangiti s'ya..na hindi s'ya umalis. Na nandito s'ya sa tabi ko..

Pero hindi eh.. wala kami sa pelikula na madalas kong ginagawa. Umalis na s'ya at
iniwanan ako na hindi ko man lang naeexplain sa kanya ang lahat..

Bumalik ako sa kotse ko ng walang buhay. Pinagtitinginan ako ng mga taong


nakakasalubong ko. . marahil ilag din sila sa akin ngayon. Baka nararamdaman din
nila ang sakit na nararamdaman ko..

Pambihira lang talaga yung tadhana, simula ngayon. Hindi na ako naniniwala sa
destiny..walang happy ending.. Kung meron man..nasaan? Bakit hindi ko makita at
maramdaman?

Tumungo ako at nag-drive patungo sa taong makakaintindi sa akin. Yung taong


makakaintindi na nararamdaman ko..

Umupo ako sa tabi n'ya. Ramdam na ramdam ko na nag-iisa na ako. Lahat na lang ng
emosyon na tinatago ko kanina ay pwede kong sabihin sa kanya..

"Dapat po kasi hindi n'yo na lang ako iniligtas. Ang sakit..ang sakit po ng
nararamdaman ko.."

"Sa lahat naman ng magsasakripisyo..bakit pa po kayo? Sana po matawad n'yo ko..


sana mapatawad ako ng anak n'yo.."

"Tita, hindi ko naman po sasaktan yung anak n'yo. Pinapangako ko po sa inyo 'yun.
Kaso mukhang malabo ng mangyari 'yun..galit na galit po s'ya akin." doon na
bumagsak yung luha ko.

"Takte namang luha 'to. Bakit ngayon ka pa bumagsak? Dito pa sa harap ng mother-in-
law ko? Pinapahiya n'yo naman ako.." para akong tanga dito na umiiyak habang
tumatawa.

"Wala na po ba akong karapatan para sumaya? Nagsisi na po ako sa ginawa ko..sana po


tulungan n'yo ko. Sige po, alis na po ko Tita. Aasahan ko yung araw na mapapatawad
n'ya ako..na mapapatawad ako ng pamilya n'yo. Mahal ko po ang anak n'yo at hinding
hindi na po magbabago 'yun."

Napatingin ako sa kalangitan. Gabi na pala..nagbigay na naman 'to ng lungkot sa


akin.

If two people are meant to be together, eventually they will find their way back.

Ito na lang ang pinanghahawakan ko ngayon. Kung kami talaga ang magkakatuluyan,
kami talaga. Hindi man mangyari ngayon..malay mo sa darating na araw kami pa rin.

I love you yesterday, I love you still, I always have and I always will. I love you
Princess Trish Lua. I love you my freak..my bad girl.
Until we cross our paths again. Hihintayin kita kahit gaano pa katagal 'yan..

                                                           —THE END—

Thank you for reading this story! Next will be the epilogue! Book 2 will be posted
right after I post the epilogue. Follow me so you can able to read the most awaited
epilogue. Everything happens for a reason. I wan't to see your reactions about the
ending! :)  

=================

Epilogue

Epilogue

May mga bagay na talaga na kahit inaasam mong mangyari ay hindi mangyayari..dahil
ito ay hindi nakatadhana.

Tadhana..

Maraming mga taong naniniwala dito. Na may nakatadhana sa kanila. Na may nakalaan
na tao na makakasama nila hanggang pagtanda nila. Doon sila umaasa..

Paano na lang kung yung tadhana na sinasabi mo ay pinaglaruan ka bigla? Yung sa


isang iglap ay posible ng mawala ang lahat? Magpapatuloy ka pa ba sa pag-asa mo sa
tadhana? Maghihintay ng sinasabi mong destined day na walang ginagawa? Hindi ba
pwedeng, maniwala ka sa tadhana habang may ginagawa ka?

Tatlong araw na rin ang lumipas since noong umalis si Trish. Tatlong araw na rin na
pinipilit ni Terrence na kalimutan ang masasakit na nangyari..na kailangan n'yang
lumaban para sa din sa sarili n'ya.
Napaupo na si Terrence sa isang high stool sa condo n'ya. Kasama n'ya yung mga
kaibigan n'ya na hindi man perpekto ay lagi naman nand'yan para sa kan'ya.

Walang iwanan

Yan ang naging pangako nila sa isa't isa. Pero may isang umalis para hanapin ang
sarili. Para sundan yung kanyang mahal..upang magpatuloy sa pag-aaral sa ibang
bansa..para maging malaya sa mahigpit na regulasyon.

"Mag bar naman tayo dude! Kaysa nganga tayo dito sa condo mo!" sabi ni Kurt,
nakataas ang dalawang paa nito at nakalagay sa isang coffee table. Inilipat nito
ang pinapanood at nakita nila ang mga mukha nila.

"Hahahaha! Ang gwapo ko talaga!" itinuro ni Carl ang sarili. Parang first time n'ya
lang makita ang sarili sa telebisyon.

"Mas gwapo ako sa'yo!" bwelta naman ni Kurt sabay kain ng chips. Isang napakalaking
bag ng chips ang hawak nito. Tinignan naman silang dalawa ni Dominique.

"Dream on. Ako pinakagwapo.." nagmake face naman si Carl at napatingin silang lahat
kay Terrence na umiinom na naman ng paborito nitong inumin, yakult.

"Magpapakalasing ka na naman ba bro?" tanong ni Carl dito. Tinapunan naman ng


tingin ni Terrence ang usiserong kaibigan, "Masama bang magtanong?!" dagdag pa
nito.
"Nakakalasing ba 'to? Tanga ka na naman! Psh!" inirapan na lang tuloy ni Terrence
yung kaibigan. Nagtawanan naman ang mga kaibigan nito.

Kagaya noong nakaraang linggo. Mainit na naman ang ulo nito. Lagi na lang itong
tahimik at laging nalulunod sa mga bagay na paulit ulit na bumabalil sa isip nito.
Kagaya na lang ng pagtatago n'ya sa katauhang si black knight.

Kung sinabi ko kaya na ako si black knight ay mabilis n'ya kaya akong mapapatawad?
isang tanong na naman galing sa isang side ng utak n'ya.

Ang katotohanan sa likod ng pagsabi ni Liam na s'ya si black knight ay s'ya din ang
dahilan. S'ya din ang may kasalanan.

Ang tanga mo kasi! komento ng isang side ng utak n'ya. Ipinaling n'ya ang kanyang
ulo sa kanan pagkatapos ay sa kaliwa.

Noong nakaraang linggo. Nagkita ang dalawa. Tinawagan kasi ni Terrence si Liam na
pumunta sa isang coffee shop. Tanging silang dalawa lang ang magiging tao dun dahil
nireserved ni Terrence ang place. Mahirap na at baka may makalabas sa pag-uusapan
nila.

"Bro, favor?"  bungad kaagad ni Terrence sa kaibigan. Napakunot naman ang noo nito
sa sinabi ng kaibigan. Kararating n'ya pa lang ay ayun agad ang binugad nito.

"What?" hinatak nito ang isang upuan at umupo. Pinaglalaruan naman ni Terrence ang
yelo sa loob ng baso nito.
"Can you act as black knight? That would be my last favor." mas lalong nagsalubong
ang kilay nito.

"Who's black knight? Bagong role?" napabunghalit ng tawa si Terrence sa sinabi ng


kaibigan. Akala kasi nito ay bago na namang role sa isang pelikula o kung ano pa
man. "Tss!"

"Basta. Alam mo naman yung nangyari sa amin ni freak diba?" tumango naman si Liam
dito. Nagpatuloy pa si Terrence sa pagkukwento. Buong detalye kay black knight ay
ikinuwento n'ya mula sa pagdadrag race ni Trish ay nasama din sa kwento.
Pinakiusapan ni Terrence si Liam kung pwede ito magpanggap bilang si black knight.
Galit ang dalaga sa kanya noong mga panahong iyon sa kanya. Isa pa, sumabay pa na
naospital s'ya noong araw na 'yon. 

"No. I won't do that.. sila Carl na lang." sagot naman ni Liam dito. Tinanggihan
n'ya yung sinabi ng kaibigan dahil ayaw n'yang sumabit dito at isa pa ayaw na ayaw
n'yang magsinungaling sa dalaga.

Isa 'yon sa magandang katangian ni Liam, hindi s'ya nagsisinungaling. Hindi


nakasanayan ng binata ang ganung gawain.

Tipid na umiling si Terrence sa sinagot ng kaibigan, "Carl and the rest can't be.
Look Russ. . ikaw na lang." pagkukumbinsi nito.

"Fine. Tss! Kung hindi lang talaga kita kaibigan since then hindi ko gagawin 'to.
Ayaw na ayaw kong nagsisinungaling.." sabi naman ni Liam.

Iyan ang napag-usapan nila noong nakaraang linggo. Kasalanan lahat 'yun ni Terrence
dahil s'ya din ang nag-udyok sa kaibigan na gampanan ang role na dapat ay sa kanya.
Hindi nagsinungaling si Liam kay Trish..Mahal n'ya ng sobra si Trish kaya hindi
n'ya magagawa ang isang bagay na makakapag-trigger ng galit nito. 

"Hoy! Ano na?! Tutunganga tayo dito?!" inis na sabi ni Kurt. Kanina pa ito naiinis
sa mga kabigan. Ang tagal din nilang nakatambay sa loob ng condo ni Terrence. Puro
panonood ng tv at pagkain ang inaatupag nilang lahat. "Mag bar na tayo!" pagyayaya
n'ya ulit sa mga kaibigan.

Tumayo naman si Dominique sa kinauupuan nito, "Go ahead. We will stay here. We
don't need you.." nagtawanan naman ang mga kaibigan nito. Sa lahat ng magkakaibigan
si Dominique ang tahimik pero kapag nagsalita ay may laman. Minsan lang din lumabas
ang kapilyuhan nito. Kaya ang swerte mo kung nagkaroon ka ng chance na sabihan ng
isang sentence. 

Inis na tumayo si Kurt, "Tsk! Ang KJ n'yo. Ano hanggang ngayon sasamahan n'yo si
Terrence dito?! Eh tingnan n'yo nga mukhang maayos na 'yung tao oh!" itinuro nito
si Terrence na nakaprenteng upo sa isang two seater couch. Alam ni Kurt ang
pinagdadaanan ng kaibigan, alam ng buong grupo ang totoong nangyari.

"Umalis ka na nga dito Kurt!" pagtataboy sa kanya ni Carl habang may tinetext sa
cellphone n'ya. Mukhang ungas na nangigniti 'to. Lumapit sa kanya si Kurt at inagaw
ang phone nito. 

"H-hoy! Gago ka! Akin na nga 'yan!" napamura tuloy si Carl dahil sa sobrang inis sa
kaibigan. Si Kurt naman ay nagtatakbo sa loob ng condo ni Terrence para hindi
maagaw ni Carl ang phone nito. 

"HAHAHAHAHA! IKAW HAH?!" pang-iinis ni Kurt dahil nakita n'ya na yung dahilan kung
bakit nangingiti mag-isa si Carl. "May crush ka ba dun?!" naagaw na ni Carl ang
phone nito. Sinamaan n'ya kaagad ng tingin ang kaibigan.
"Paki mo ba?" inis na sabi nito. Sabay pumunta sa ref para kumuha ng tubig. Si Kurt
ay wala pa ding tigil sa pang-iinis. "Pwede ba hindi ko s'ya type..Tss!" itinago
nito ang phone sa bulsa. 

"Hindi type pero wallpaper mo? Hahaha! Ako pa ginagago mo Carl." kinuha ni Carl ang
bote ng mineral water, binuksan n'ya ito at binato kay Kurt. 

"What the hell?! Mahal 'tong damit ko!" inis na sabi nito habang pinapagpag ang
damit na nabasa. Lumingon naman si Terrence sa dalawang nagbabangayan. 

"Alam n'yo ba kung gaano kamahal yung carpet na yan?! Kulang pa ang talent fee
n'yong dalawa!" pumunta si Kurt sa pinto habang hila hila si Carl. 

"Hehehe! Alis na nga kami! Tara na nga bro!" tuluyan na ngang nakaalis ang dalawa. 

Naiwan na naman mag-isa si Terrence. Thankful s'ya sa mga kaibigan.. dahil


nakakalimutan n'ya ng panandalian ang mga problema n'ya. Isang linggo na din ang
nakakalipas at miss na miss n'ya si Trish. Hindi lubos maisip ng binata na sa lahat
ng babae ay Trish pa. 

Nabalitaan na din ni Terrence na umalis na din ng bansa ang kanyang ex na si


Quencess. Ipinagpatuloy na naman nito ang pagmomodelo sa ibang bansa. Naalala na
naman ni Terrence ang dahilan kung bakit nakipag-break s'ya dito. 

Ginamit lang s'ya ni Quencess para sumikat.

Napahigpit ang hawak n'ya sa bote..dahilan upang mayupi ito. 


Ginamit lang s'ya nito dati. Talagang baliw na baliw si Terrence sa dalaga.
Nagkakilala sila sa isang concert, ito yung unang concert ng Elite5. Hangang hanga
si Terrence noong una silang nagkakilala. Ipinakilala ito ng daddy n'ya sa kanya.
Hanggang sa isang araw sinabi ni Quencess na ipagpapatuloy nito ang pangarap sa
ibang bansa. Walang formal break-up. Isang araw nalaman na lang ni Terrence na wala
na si Quencess sa Pilipinas. Kaya naman nag-desisyon s'ya na makipag-break na dito.
The rest was history..

Dumating si Trish sa buhay n'ya. Napangiti na naman s'ya ng mapait noong maalala
n'ya ang mga pinagdaaanan nilang dalawa.

Walang nabuong love story..

War story buti pa. 

Puro bangayan ang nangyayari sa kanilang dalawa. Hindi lumilipas ang isang araw na
hindi sila nag-aasaran. Ganoon ang tipo ni Terrence sa babae. Yung cool lang
kasama, walang arte sa katawan, may pagkapalaban, hindi nagpapa-api.

Hindi naman s'ya naging torpe, naging duwag lang s'ya na sabihin kay Trish ang
dahilan kung bakit ayaw n'yang mainlove sa kan'ya ang dalaga. Ayaw n'yang lumayo
ang loob ng dalaga sa kanya. Pero nangyari ang pinakakatakutan n'ya..lumayo na nga
ito sa kanya.

Umaasa na lang s'ya sa kung mapapatawad s'ya ni Trish. Dahil kung ganoon nga ang
mangyayari may rason pa s'ya para lumaban. 

***
Pagkababa ni Trish sa eroplano ay hila hila nito ang sariling maleta. Sinamaan n'ya
ng tingin ang kapatid noong nakita n'ya ito na mabilis naglakad para hindi s'ya
tulungan. "Madapa ka sana!" bulongg nito. 

Space

Ito sa tingin n'ya ang kailangan nilang dalawa.

Hindi madaling magpatawad. Hindi lang naman kasi isang simpleng pang-aagaw ng candy
ang nangyari, hindi isang simpleng pagtatarayan, hindi rin isang simpleng pagbato
ng bato sa ulo. Namatay ang mama n'ya ng dahil dito. 

Panahon na lang talaga ang magpapatibay sa kanilang dalawa. Kung sila talaga,
sila. 

Namataan n'ya yung lalaking nakangiti habang kumakaway sa kanya, "Liam?" banggit
n'ya dito. Nagulat s'ya kung bakit nandito ang manliligaw sa France. "Umaano ka
dito?" tinaasan ng kilay ni Trish ang binata. 

"I'll study here." simpleng sabi nito. Plano ni Liam na ipagpatuloy ang pag-aaral
dito sa France. At ang isa pa ay gusto n'yang makasama si Trish. Handa ang binata
na i-sacrfice ang career n'ya. Hindi naman kasi s'ya natatakot na maging laos.
Given na kasi na maraming nagmamahal sa kanya. At imposible namang mawala ang mga
libu-libo n'yang fans. Alam naman ni Liam na maiintidihan s'ya ng mga kaibigan, ng
mga nagmamahal sa kanya.

"Ow?" hindi makapaniwala si Trish sa isinagot ni Liam. 

"Learn to forgive Trish.." mahinang sabi ni Liam. Gusto din naman kasi ni Liam na
magkaayos ang dalawa. Best friend n'ya si Terrence at alam n'ya kung gaano
nahihirapan ang kaibigan. 

"I will..but not right now. Soon?" naisip ni Trish na napakabait ng kaharap n'ya
ngayon. Wala s'yang masabi against sa binata. Mabait ito, gentleman, caring. Almost
close to perfect. Marami na ding naitulong yung binata sa kanya at sa kanyang
pamilya sa pag-aakala n'ya. 

"So what will you do here?" tanong ni Liam sa kanya. Ang balak din ni Trish ay mag-
aral din dito. Pero napag-isipan n'ya na ang mga gagawin n'ya sa buhay n'ya. 

"I'll be a model." mataray na sagot nito. Napatango tango na lang si Liam sa sagot
nito. Nagtataka s'ya kung bakit gusto nito maging model. Sa pagkakaalam n'ya kasi
ayaw nitong nakikihalubilo sa maraming  tao. 

"Hintayin nila ang pagbabalik ko." limang salita..three years from now. Magbabalik
s'ya at haharapin ang naiwang problema. 

May mga bagay na hindi lang talaga pwede mangyari ngayon..malay mo bukas? o sa
darating na buwan o taon? 

Mr. Famous do believe in destiny..noon 'yon. Iba na ngayon dahil ang tadhana ay
isang 'choice' ikaw ang gagawa ng kapalaran mo. 

There is no such thing as luck. You determine your own destiny. We are responsible
for what we are, and whatever we wish ourselves to, we have the power to make
ourselves. 
Miracles do happen but very seldom. The so-called ‘long-ago decided destiny’
possesses no evidence. Sila ba ay nakatadhana? We have no verification of truth
that lies with destiny. 

Being a bad girl is her own choice. She doesn't want to be good at all time. Being
famous is his decision. Their destiny lies own their own hands. Your future is
yours and you have to right to control it. This was just a part of unending journey
of the famous and the badgirl. 

---THE END---

Look at the author's note next chapter for the book 2 yun! :) 

=================

Admirers

Hi admirers! 

Read this 'cause this is important. Know how to read author's note. 

Story ended: May 11, 2014 

I don't know when I started writing this story. I think inabot po ako ng 7 months+
sa pagsusulat nito 'cause I am always getting lazy whenever I wrote a chapter. And
it was hard for me to write this story because of pov's. Nag-enjoy naman ako sa
pagsususlat nito, well. Writing is one of my hobbies. 

Thankful ako kasi maraming naka-appreciate ng story na 'to. At first, trip ko lang
talaga na i-post 'to. Tapos dumami yung reads. I was saying this to myself na once
na naka-100 thousand lang ako na reads ay solve na ako. Kaso naging million eh!
Salamat haha! 

Question: Paano mo nagagawang ganung kaganda yung PoV ng isang babae? 

My answer is I am a writer. Syempre when you are writing a point of view. Hindi
naman ako yung nagsasalita, nasasaktan, tumatawa dun. Yung mismong character ko
'yun. Hindi naman ako yung nandun sa scene. Iniisip ko lang na what if ako yung
nandun lol. Kung ako yung nasa sitwasyon n'ya. It doesn't depends on your gender
naman eh as long as you have the passion to write. Makakaya mo kahit mahirap. 

At the end of the day, masasabi mo na kaya mo pala. Na nothing is impossible.


Hahaha

Question: Mahangin din ba ang author kagaya ng mga characters mo?

Hindi ko kinakaya yung tanong na ganito! Hahahahaha! Sa totoong buhay, hindi naman
ako naaapi. Bully din kasi ako sa totoo lang. Pero yung hindi naman nakikipagbasag
ulo. Hindi ako nakikipag-argue, I was just explaining to them that I am right.
Hahaha! 

Question: Gwapo ba ang author?

Too see is to believe. Add n'yo ko! Kaso di n'yo na ako maaadd sa facebook,
peymuth. Haha!

 Gierome de Guzman search n'yo. Hahaha! Eto link ko facebook.com/bajonggie

Salamat sa mga fans ko sa facebook at twitter, talagang napromote ang story ko 'no?
Dati talaga tambay lang ako sa facebook at twitter kaso out of sheer curiosity
napunta ako sa pagsusulat ng buhay ni Trish at Terrence. Thankful ako kasi
nakikilala na ako dahil sa pagsusulat hahaha! Hindi dahil na nagpost ako ng selfie
ko sa facebook at humakot ng likes. Wahaha!  Mas gugustuhin ko pang makilala ako
dahil "writer/engineer" ako kesa sa selfies ko. Bonus na lang yung looks ko, aba
matinde! 

Yung ugali ni Trish nakuha ko lang yun sa mga backstabber/front stabber kong mga
kaibigan. Kapag pinag-uusapan ka nila, talagang kadikit ka nila. Yung ELite5 naman
ay may iba't iang personality, may mayabang, may joker, may tahimik, may malib*g,
may mabait. 

Gawa man sila sa imagination ko pero sila ang dahilan kung bakit kayo napupuyat
kakabasa. Nagalit kasi naghihintay kayo ng update ko. Sumaya kasi hinihiling n'yo
na kayo yung babae sa story. Na may ganung lalaking nag-eexist. Hahaha! Nandito
naman kasi ako! Boom panes!
Question: Book 2 title?

My Greatest Downfall 

Click n'yo na lang yung external link para mapadali ang buhay n'yo. Add n'yo na sa
library n'yo kasi doon ko na ipagpapatuloy yung kamalditahan, kayabangan,
kasweetan, pagtatarayan, kaemohan ng mga characters ko dito. 

Salamat Admirers! 

Gie

=================

Announcement

Iniba ko po yung portrayer ni Liam.

- Sa mga dating readers, nasanay po kayo na si Baek si Liam. Kaso hindi bagay yung
role na Liam eh. Sa totoo lang. Walang hate mga Exo Fans. S'ya yung pinalit ko,
para naman may laban sa abs ni Terrence. Joke hahaha! 

Mas marami kasi silang picture ni Trish. So ayun! Mabuhay yung #TeamLiam /
#LPLovers. Mahalin n'yo na yung bagong itsura ni Liam. Hindi ako papayag na
maargabyado si Russel. Hahaha! Yung mga nabasa kong comment na ang hard, grabe.
HAHAHA

New Liam on the side --->


 -Actually, yan yung hairstyle n'ya sa book 2. Kulay red pareho sila ni Trish! 

Panindigan n'yo yung bias n'yo. Basta ako fair lang ako sa dalawang ungas na 'to;
si Terrence at Liam. Bahala na sila mag-rumble sa book 2. #TLovers or #LPLovers! 

Ako: #STLovers - stefan & trish 

Mag-start na ko isulat yung BOOK 2:

My Greatest Downfall

Sana suportahan n'yo noh? Salamat! 

Here's my group: http://www.facebook.com/groups/sweetadmirerwp/ or external link.


Comment ko na lang din yung link tapos click n'yo na lang. Active ako jan tsaka
yung mahahangin kong characters! 

Author na kamukha ni Mario Maurer (Kapal),

Gie Maurer

=================

Author's note

For some reasons, I changed the title to 

FAMOUS MEETS BADGIRL 

Inalis ko lang yung Mr. At Ms. :) 

Nga pala, I have a question. If ever na mapublish 'yung book na 'to. Bibili kayo?
If ever lang naman! Kasi naman ayaw kong magsalita kaagad! Baka mauntol! Kita n'yo
ba yung title? Haha! On-editing na! Hanggang hindi lumalabas yung hard copy hindi
ako magsasalita! Secret muna! Hahaha! So ayun, my question is bibili ba kayo?  Ipon
ipon na! Hahaha! :0 

Hindi sumagot may kotong! Hahaha! 

=================

ABOUT THE BOOK TWO

ABOUT THE BOOK TWO

Hi admirers, gusto ko lang ipaalam na binago ko po yung book 2. Yung mga mabibilis
magbasa at nasa book 2 na. Diba binabasa n'yo yung The Greatest Downfall? Sad to
say, buburahin at totally na idedelete ko yung buong story na 'yon.

May nanghack kasi sa akin noong nakaraang araw at idinelete yung Prologue na ginawa
ko. Nasayang yung reads at votes. So gumawa na lang po ako ng bagong story para sa
book 2. Ito po yung title

MY GREATEST DOWNFALL

i-follow n'yo nalang po ako para madali n'yo pong makita.Nasa works ko na po 'yun.
Sana po tulungan n'yo po akong maka-gain ng votes, comments at reads. Nasayang po
kasi ang effort ko sa pagsulat ng TGD, almost 7 chapters na 'yon kaso wala tayong
magagawa. Babaguhin ko yung buong plot ng book 2.

Once again, My Greatest Downfall na po ang title ng book 2. Suportahan at tulungan


n'yo po sana ako. 'Yun lang at baka maiyak pa ako. Hehe kidd :)

You might also like