Mga Aral Sa Buhay Mula Sa Mga Kuwentong Pabula Ni Aesop - Buklat - Kuwentong Pilipino

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

11/18/21, 11:41 AM Mga Aral Sa Buhay Mula Sa Mga Kuwentong Pabula ni Aesop - Buklat: Kuwentong Pilipino

Home About      

 Home Maikling Kuwento  Pabula Tula Sanaysay Bugtong K-12 

Home 
Aesop's Fables in Filipino. Fables in Tagalog

Buod ng Kuwento

Kuwentong May Aral

Pabula
 SOCIAL WIDGET
Mga Aral Sa Buhay Mula Sa Mga Kuwentong Pabula ni Aesop

Mga Aral Sa Buhay Mula Sa Mga Kuwentong Pabula ni    

Aesop 1.7k
Likes
1.2k
Followers
152
Followers
325
Subscribes


Jim Lloyd

3 years ago

Aesop's Fables in Filipino. Fables in Tagalog,
Buod ng Kuwento,
Kuwentong May
SEARCH THIS BLOG
Aral,
Pabula
Search

FACEBOOK
1. Ang Kuneho At Ang Pagong: Huwag Sumuko!

MAGBASA PA!
Buod: Ang kuneho ay nagyayabang tungkol sa kanyang bilis sa harap ng iba pang mga hayop at
hinamon ang sinuman sa kanila sa isang paligsahan. Tinanggap ng isang pagong ang kanyang Mga Alamat (78)

hamon. Sa una ay iniisip ng kuneho na ito ay isang biro, ngunit seryoso ang pagong. Sinimulan Maikling Kuwento (24)

ang paligsahan at sa simula ay buong bilis na tumakbo ang kuneho. Napansin niyang sobrang layo Kuwentong May Aral (17)
na ng pagong at pinagtawanan niya ito. Nagpasya siyang umidlip muna sapagkat sa wari niya ay Pabula (15)
walang pag-asang makahabol ang pagong. Ang pagong, kahit mabagal ay patuloy na naglakad. Kuwentong Pambata (10)
Nang magising ang kuneho ay malapit na sa dulo ng karera ang pagong at hindi na niya ka pang (9)
Kuwentong Bayan
habulin kahit anong bilis niya.

Sanaysay (9)

Video Stories In Tagalog (9)

Inspirational Short Stories (7)

Tagalog Fairy Tales (4)

Kuwento Ng Pag-Ibig (2)

Bugtong (1)

Fairy Tales (1)

Katutubong Kuwento (1)

Malungkot Na Kuwento (1)

Mga Epiko (1)

Mitolohiya (1)
Ang Aral ng Kuweto: Matatag kahit mabagal ang nanalo sa anumang paligsahan. Minsan sa buhay, Talahulugan (1)
maaaring mukhang nangunguna ang iba sa iyo ngunit hindi mo alam kung anong balakid ang
Tugma (1)
maaaring magpahinto sa kanila. Mahalaga ay huwag sumuko at patuloy na lumaban. Isang araw ay
Tula (1)
makakarating ka rin sa gusto mong puntahan.

2. Si Langgam At Si Tipaklong: Maging Handa Sa Tag-ulan!

Buod ng Kuwento: Sa panahon ng tag-init ay ginugugol ng tipaklong ang kanyang oras sa


paglalaro at pagpapakasaya habang ang langgam ay abala sa pag-iimpok ng pagkain. Hindi niya
maintindihan kung bakit kailangang magtrabaho ng husto ng langgam. Dumating ang tag-ulan at
nangangatog sa lamig at gutom ang tipaklong habang ang langgam ay komportable at may sapat
na pagkain. Doon naintindihan ng tipaklong kung bakit kailangang magtrabaho ng husto ng
langgam sa panahon ng tag-init.

https://buklat.blogspot.com/2018/07/mga-aral-sa-buhay-mula-sa-mga-kuwentong.html 1/5
11/18/21, 11:41 AM Mga Aral Sa Buhay Mula Sa Mga Kuwentong Pabula ni Aesop - Buklat: Kuwentong Pilipino

Ang Aral ng Kuwento: May oras para sa trabaho at may oras para sa paglalaro! Dahil lamang sa hindi
mo naisip na mahalaga ang isang bagay sa ngayon ay hindi nangangahulugan na hindi mo ito dapat
paghandaan. Okay lang na magsaya, ngunit siguraduhing tapos na ang iyong trabaho! Magsikap
upang maging handa sa hinaharap.

3. Ang Aso At Ang Anino: Maging Masaya Sa Kung Anong Meron Ka!

Buod ng Kwento: Isang aso ang naglalakad habang kagat-kagat sa bibig ang isang pirasong karne.
Tumawid siya sa isang tulay at tumingin sa tubig sa ilalim ng tulay. Nakita niya ang kanyang
repleksiyon sa tubig at inakalang ibang aso ito na mayroon ding dalang karne sa bibig. Tumahol
siya dahil nais niyang makuha ang karne ng asong nakita. Ngunit sa kanyang pagtahol ay nahuhog
sa tubig ang karne sa kanyang bibig at hindi na niya ito muli pang nakuha.

Ang Aral ng Kuwento: Ang pagiging sakim ay isang kahangalan. Hindi masamang maghangad ng mga
bagay na wala ka ngunit matutong maging masaya sa kung anong meron ka ngayon. Matutong
pahalagahan ang mga bagay na nasa iyo upang hindi magsisi kapag ito ay nawala.

4. Ang Uwak at Ang Banga: Kung Gusto Maraming Paraan!

Available now online


Try dissolving C-Lium Fibre husk in half a glass of water
Open
before drinking up.
C-Lium Fibre

Buod ng Kwento: Isang nauuhaw na uwak ang nakahanap ng banga na may lamang tubig. Ngunit
hindi abot ng kanyang tuka ang tubig sa loob ng banga kaya hindi niya mainom ang tubig.
Nagkaroon siya ng ideya at kumuha ng maliliit na bato. Inilagay niya ng mga bato sa banga at sa
wakas ay unti-unting tumaas ang tubig hanggang abot na ng kaniyang tuka ang tubig.

Ang Aral ng Kuwento: Kung sa simula ay hundi ka nagtagumpay, huwag sumuko! Ang pagtitiyaga ang
susi sa paglutas ng anumang suliranin. Kung hindi nalutas ng unang solusyon ang isang problema ay
humanap at mag-isip ng iba pang solusyon. Patuloy kang sumubok hanggang sa makuha mo ang
tamang sagot at solusyon. Mainam ito kaysa sa wala kang gawin na anuman upang malutas ang
problema. 

5. Ang Kampanilya at Ang Pusa: Madaling Sabihin, Mahirap Gawin!

https://buklat.blogspot.com/2018/07/mga-aral-sa-buhay-mula-sa-mga-kuwentong.html 2/5
11/18/21, 11:41 AM Mga Aral Sa Buhay Mula Sa Mga Kuwentong Pabula ni Aesop - Buklat: Kuwentong Pilipino
Ang Buod ng Kwento: Isang pamilya ng daga ang nabubuhay sa takot dahil sa isang pusa. Isang
araw ay nagtulungan sila upang talakayin ang mga posibleng paraan upang matalo ang pusa.
Matapos ang maraming talakayan, isang batang daga ang nagmungkahi ng isang ideya.
Nagmungkahi siyang maglagay ng isang kampanilya sa leeg ng pusa upang dinig nila ito kung ito
ay papalapit. Pumalakpak at sumang-ayon ang lahat sa ideya maliban sa isang matandang daga.
Tanong niya, "Sino ang maglalagay ng kampanilya sa leeg ng pusa?"

Ang Aral ng Kuwento: Madaling imungkahi ang mga solusyong imposibleng maipatupad. Ang
pagkakaroon ng maraming mga ideya ay mabuti para sa paglutas ng problema, ngunit ang
pagkakaroon ng mga ideya na gumagana at madaling ipatupad ay mas mahusay. 

6. Ang Dalawang Alimango: Lead By Example!

Ang Buod ng Kwento: Dalawang alimango, isang ina at isang bata ang naglalakad sa kabila ng
buhangin. Ang inang alimango ay nagagalit sa kanyang anak dahil sa maling paglalakad nito. Sabi
ng ina ay lumakad ito ng mas maganda. Ipinaliwanag ng batang alimango na hindi niya alam kung
paano at hiniling sa ina na ipakita sa kanya ang tamang paraaan ng paglalakad. Sinubukang
ipakita ng ina subalit bigo ito dahil pareho lamang sila ng lakad ng kaniyang anak.

POPULAR RECENT COMMENTS

Ang Alamat ng Anay

Ang Alamat ng Pinya

Si Lupeng Alitaptap, Si
Basyong Gamo-Gamo, at
Ang Kwentong Kandila

Ang Kalabaw At Ang Kabayo

Ang Aral ng Kuwento: Bago ka humiling ng mga di-makatwirang utos ay siguraduhing kaya mo itong
Si Langgam At Tipaklong
gawin sa sarili mo. Manguna, mamuno at magturo sa pamamagitan ng pagiging halimbawa. 
(Pabula)

Ang Unggoy At Paru-Paro


7. Ang Langaw at Ang Kalabaw: Huwag Labis na Tayain Ang Iyong Kahalagahan! (Maikling Kuwento)

Ang Buod ng Kwento: Isang langaw ang nakatuntong sa sungay ng kalabaw. Pagkaraan ng ilang
sandali ay lumipad ito at nagpaalam sa kalabaw. Sinabi nito kung ok lang na umalis na siya. Ang Alamat ng Lansones
Tumugon ang kalabaw na hindi alam na tumuntong pala ang langaw sa kaniyang sungay, "Hindi
ko alam na narito ka pala kaya't hindi rin kita makakaligtaan kapag umalis ka na."

Sino Ako? (Sanaysay)

K-12 TOOLS

K-12 Templates
Learning Modules
Periodical Test
Summative Test

BLOG ARCHIVE

July (4)

https://buklat.blogspot.com/2018/07/mga-aral-sa-buhay-mula-sa-mga-kuwentong.html 3/5
11/18/21, 11:41 AM Mga Aral Sa Buhay Mula Sa Mga Kuwentong Pabula ni Aesop - Buklat: Kuwentong Pilipino
Ang Aral ng Kuwento: Maraming tao ang mataas ang tingin sa sarili at iniisip na sila ay mas
mahalaga kaysa sa tunay nilang halaga. Siyempre, hindi ito nangangahulugan na ikaw ay hindi
gaanong mahalaga. Ngunit kung minsan ang mga bagay na maaari mong sabihin ay nagbibigay ng
impresyon sa iyong kahangalan. Samakatuwid importanteng magbigay ng halaga sa sarili ngunit
huwag asahan ang lahat na mapansin ang iyong presensya!

8. Ang Usa at Ang Mangangaso: Huwag Maliitin Ang Sarili!

Ang Kwento: Nakita ng isang usa ang sariling repleksiyon sa ilog habang umiinom. Namangha siya
sa magaganda niyang sungay ngunit napansin din niyang malalaki at hindi magandang tingnan
ang kanyang mga binti. Mayamaya'y isang mangangaso ang nagtangkang pumana sa kanya.
Nakatakbo ang usa sa kakahuyan at napagtantong dapat siyang magpasalamat sa kaniyang binti
dahil nakaligtas siya. Sa kanyang pagtakbo, nahuli ng mga sanga ng isang puno ang kanyang
sungay. Naabutan siya ng mangangaso at napatay.

Ang Aral ng Kuwento: Madalas nating hinahamak ang pinakamahalaga sa atin. Halimbawa ay palagi
kong kinasusuklaman ang aking pagiging tahimik. Hindi ko gustong magsalita sa publiko o sumama sa
mga kaibigan. Nang maglaon, napagtanto ko na ang pagiging tahimik ay nangangahulugang kapag
nagsasalita ka, mas maraming tao ang nakikinig sa iyong mga ideya. Sa tunay na buhay, maraming
gustong makipagkaibigan sa mga taong tahimik dahil sa mas malapít na relasyon na maaari mong
mabuo sa kanila. Ang inyong kahinaan ay puwede mong maging lakas, at ang iniisip mong lakas ay
pwede mong maging kahinaan. 

9. Ang Leon, Ang Asno, at Ang Soro: Matuto Sa Kabiguan ng Iba!

Ang Buod ng Kwento: Sabay-sabay na nangaso ang isang leon, isang asno at isang soro. Lahat sila
ay nakapag-ipon ng maraming pagkain at nagpasya kung paano hahatiin ang pagkain. Inutusan
ng leon ang asno na hatiin ang pagkain kaya't hinati niya ito ng pantay sa kanilang tatlo.
Ikinagalit ito ng leon at pinatay niya ang asno. Pagkatapos ay tinanong ng leon ang soro na hatiin
ang pagkain. Ang soro ay hindi nag-aksaya ng oras. Binigyan niya ng malaking bahagi ang leon at
nagtira ng maliit para sa kanya. Nasiyahan ang leon at nagtanong kung paano siya natutong
maghati ng mainam. Ang tugon ng soro, natutunan ko mula sa asno.

Ang Aralin: Ang pagkabigo sa buhay ay natural at hanggat may natututunan kang aral mula sa mga
kabiguan ay hindi ito dapat ikahiya. Ngunit mas mainam kung matuto ka sa kamalian ng iba. Pag-
isipan mo ito at tangkaing huwag gawin sa hinaharap.

10. Ang Hilagang Hangin at Ang Araw: Hikayatin Ang Iba sa Pamamagitan ng Kabaitan!

Ang Buod ng Kwento: Nagtalo ang Hangin at Ang Araw isang umaga kung sino ang mas malakas. 
Nakakita sila ng isang manlalakbay na naglalakad sa daan at nakaisip ng paraan upang tapusin
ang argumento. Kung sino ang makakatanggal sa dyaket na suot ng manlalakbay ang siyang
hihiranging mas malakas. Umihip ng malakas ang Hangin upang matanggal ang dyaket ngunit

https://buklat.blogspot.com/2018/07/mga-aral-sa-buhay-mula-sa-mga-kuwentong.html 4/5
11/18/21, 11:41 AM Mga Aral Sa Buhay Mula Sa Mga Kuwentong Pabula ni Aesop - Buklat: Kuwentong Pilipino
nakaramdam ng lamig ang manlalakbay at hinigpitan ang kapit sa dyaket. Sumunod na sumubok
ang Araw. Nagningning siya ng mahina dahilan upang makaramdam ng init ang manlalakbay at
tanggalin ang dyaket na suot nito.

Ang Aralin: Ang panghihikayat ay mas mahusay kaysa sa Puwersa. Ang magiliw na paraang ginawa
ng Araw ay mas mainam sa malamig na pagbabanta at lakas na ginawa ng hangin. Kaya kung may
kailangan ka sa isang tao, maging mabait ka at mapagkumbaba. Maaring makakuha ka ng masuhay
na tugon kaysa kung pasigaw mo itong iniutos. 

Share This:  Facebook


 Twitter
 Google+
 Pinterest
 Linkedin

Pabula

Previous Next
School Leadership of Principals (Principal's Test) Ang Uwak At Ang Banga (Pabula)

Post Comment BLOGGER

1 Comment:
Anonymous
said...
Nice story
3 years ago

Post a Comment

POPULAR POSTS RANDOM POSTS MOST RECENT

Ang Alamat ng Anay randomposts recentposts

Ang Alamat ng Pinya

Si Lupeng Alitaptap, Si
Basyong Gamo-Gamo, at Ang
Kwentong Kandila

Ang Kalabaw At Ang Kabayo

Created By SoraTemplates | Distributed By MyBloggerThemes      

https://buklat.blogspot.com/2018/07/mga-aral-sa-buhay-mula-sa-mga-kuwentong.html 5/5

You might also like