Filipino 1 Mytho

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Mytho

Si Kronos at Rhea ang hari at reyna ng mga titans. Nang magkaroon sila ng mga anak ay
nabahala si Kronos sa potensyal ng mga anak nila kaya ay nilulon niya ang mga ito buti at
naitago ni Rhea ang bunsong si Zeus sa Isla ng Krete. Lumipas ang panahon at nagbalik si Zeus
upang iligtas ang kaniyang mga kapatid, nagtagumpay siya at natalo rin nila ang kanilang ama at
ibang mga titan. Napunta kay Zeus ang kalangitan, kay Poseidon ang karagatan at kay Hades
ang kabilang buhay o impyerno. Nanirahan sa bundok Olimpus ang ibang diyos at humiwalay si
Hades sa kanila.Sa Tartaros ikinulong si Kronos at ang iba pang titan, kulungan rin ito ng mga
masasamang kaluluwa at nasa ibaba pa ng impyernong pinamumunuan ni Hades ang Tartaros.

Lumipas ang maraming taon at dumami pa ang mga diyos at diyosa ng Olimpus.
Kasalukuyan. Nagdiriwang ang Bundok Olimpus sapagkat buntis si Hera na asawa ni Zeus sa
kanilang ikatlong supling. Marami ang dumalo at nakisaya at kasama na rito ang mga kapatid
niya. Nakipagkamustahan ang mga ito kay Hera at pinaalalahanan na hindi dapat nagtataksil si
Zeus kay Hera, na mariing itinanggi ni Zeus at sinabing hindi siya nagtataksil. Nang umalis na ang
mga naunang kapatid niya ay dumating si Poseidon na pabago-bago ang timpla ng emosyon,
minsan galit, minsan masaya at minsan malungkot. Lumapit ito sa kanila ni Hera at kinumusta
sila matapos nito ay inakbayan niya si Zeus at bumulong dito,”Halika Zeus at magsaya tayo roon
maraming naggagandahang babae roon,” tukso niya sa kapatid. Alanganing lumingon siya kay
Hera na may mukhang nagpapaalam na sumama, tumalim ang tingin niya kay Zeus bago siya
tumango. Wala si Hades pero ipinaabot niya ang pagbati sa isang tauhan nito. Naputol ang
kasiyahan nang dumating si Athena na laging seryoso at hindi masyadong dumadalo sa mga
pagdiriwang, tumigil rin sa pakikipaglalandian sina Zeus at Poseidon na nakainom kasama ang
ilang babae. Inihayag ni Athena na nakatakas ang isang titan mula sa Tartaros na walang iba
kundi si Kronos, ama ni Zeus at diyos ng oras na sinira ang bawat bayan ng mga taong nakikita
niya pati na rin ang buhay nila. Ang masayang pagdiriwang ay napalitan ng tensyon at
pangamba, sumeryoso si Zeus at pinatawag ang ibang diyos ng digmaan at ibang marunong sa
labanan upang magpulong ng isasagawang plano laban sa amang si Kronos.

Nang handa na ang mga pinatawag sa isang silid ay sinimulan na nila ang pagpupulong.
Mas makapangyariha si Kronos kaysa sa kanila, nasorpresa lang nila ang ama kaya’t nagawa ng
magkakapatid na talunin siya, pinag-usapan nila kung sapat ang puwersa at sinabing kailangan
nila si Hades para matalo pagkat kung makapangyarihan si Kronos ay makapangyarihan din ang
anak niya. Itinanong ni Ares kung paano nakatakas si Kronos kung ang Tartaros ay kulungan na
mataas ang seguridad, maraming patibong at naroon ang Labyrinth. Naisip ni Zeus na baka
traydor si Hades at pinakawalan niya ang ama pero wala siyang maisip na dahilan kung bakit
niya gagawin ito, sinabi ni Athena na kailangan nilang umakto at iayon sa plano na traydor nga
si Hades dahil kung hindi ay sila ang matalo sa labang ito. Nagpatuloy pa ang pagpupulong at
paggawa ng plano at kalaunan ay natapos na ito pinauwi na ang iba at nang makapaghanda
para sa laban. Si Hades ay kasalukuyang kumakain kasama ang asawa niyang si Persephone
nang dumating sa impyerno ang kapatid niyang si Demeter na nanghingi ng tulong upang
talunin at pabagsakin ang amang nakatakas sa Tartaros. Nabigla si Hades dahil sa nalaman pero
nawala rin agad at sinabing tutulong siya sa pakikipaglaban dahil dito ay gumaan ang loob ni
Demeter sapagkat hindi niya kayang gawin ang ganitong bagay na magdadala ng kapahamakan
sa mga tao. Kahit na siya ang diyos ng kamatayan ay ayaw niyang kumukuha siya ng mga buhay
at kahit ganito ang titulo niya ay mabait siya sa loob-loob.

Ang plano ni Athena ay makipaglaban ang mga diyos kasama si Hades sa ideyang posibleng isa
siyang traydor, poprotektahan ng mga hindi kayang lumaban na mga diyos at diyosa ang
mga taong madadamay sa laban, si Apollo ang gagamot sa mga malubha ang natamong
sugat,kung matatalo nila si Kronos at maikukulong muli ay kakalabanin nila si Hades
hanggang magkaroon siya ng malubhang sugat at doon nila kwekwestyunin si Hades.
Kung hindi man siya ay pagagalingin siya si Apollo at babalik sa dati ang lahat. Handa na
ang mga diyos at diyosa sa labanan, inihayag ni Hermes na protektado na ng ibang mga
diyos ang ibang mga baying di pa nawawasak, dumating na sa wakas si Demeter kasama
si Hades na tinapunan ng mga suspekyosong mga tingin. Inihayag din ni Athena ang
lokasyon ni Kronos at palapit na siya sa Bundok Olimpus kaya’t nagmadali na sila doon
upang labanan ang ama nila. nang makarating sila doon ay nakita nila ang pagkawasak
ng mga bayan at pagkamatay ng mga tao, nakita nila ang higanteng titan na si Kronos.
Umapaw na ang galit ng magkakapatid bukod kina Hades at Demeter, umatake na si
Poseidon at Zeus kasama si Ares at Athena habang naghihintay ng tamang pagkakataon
sina Hades, Demeter, Hestia at iba pang kasama diyos. Nakokontrol ni Kronos ang oras
sa paligid langng katawan niya kaya’t hindi siya masyadong nagagalusan kahit na
tinatamaan siya ng mga espada, sibat at palaso. Nagsimula mamroblema at mainip si
Poseidon na kahit anong atke nila ay hindi ito tumatama sa kanya, mas lalo siyang
nagalit at pinalindol niya ang kinatatayuan ni Kronos upang mawalan siya ng balanse at
dito niya itinapon ang trident niya. Napuruhan siya ni Poseidon kasama ni Zeus nang
tinamaan niya si Kronos ng kidlat niya sa balikat pagkataposniyang mawalan ng balanse,
ito ang hudyat upang umatake na ang iba si Hades ay nagpaulan ng apoy, si Demeter ay
ginamit ang mga ugat ng puno upang itali siya sa lupa, si Hestia ay sinusoportahan ang
mga diyos gamit ng mga lunas na ginawa niya at si Zeus ay nagpaulan ng kidlat dito. Sa
pagtutulungan nila ay humina na si Kronos at nang Makita ito ni Hades ay ibinuka niya
ang lupa at sa ilalim nito ang napakadilim na Tartaros. Nahulog dito si Kronos at
naikulong na siya dito habang buhay, samantala, pagtapos isara ni Hades ang lupa ay
tinamaan siya ng kidlat at hindi siya makagalaw. Kwinestyon siya ni Poseidon at Zeus
kung siya ang nagpakawala kay Kronos at itinanggi niya ito , hindi naniwala sa kanya ang
mga diyos at paparusahan na sana siya ng kamatayan ng biglang humarang si Demeter
at sinabing ikonsulta ito sa Spirito ng Katotohanan na si Aletheia. Sumang-ayon si Hestia
at Athena kaya pumayag na rin ang iba pang diyos, tinawag nila si Aletheia at dumating
agad siya, tinanong niya muli ang tanong kanina at parehas na sagot ang isinambit ni
Hades, si Aletheia ay may kakayahang makita ang puso at isipan upang mahanap ang
katotohana. Sinabi ni aletheia na hindi siya ang gumawa at ang katotohanan ay kinuha
ni Kronos lahat ng kapangyarihan ng mga titans sa Tartaros upang masira ang mga pader
at makaalis sa kulungan nito.
Dahil sa pahayag ni Aletheia ay naniwala na ang mga diyos at diyosa, humingi ng tawad si
Poseidon at Zeus kasama ang iba pang diyos kay Hades na gad niya ring pinatawad. Sa
pagkapanalo nila ay itinuloy ang pagdiriwang ng pagbubuntis ni Hera na hindi nakasama
sa labanan at naging payapa na ang mundo dahil sa pagkakais ng mga diyos laban sa
ama niang gusting was akin ang mga ginawa ng mga anak niya at pati mismong mga
anak niya ay gusto niyang wasakin.

Theme: Unity

Aral: ang magkakapatid dapat ay nagmamahalan at hindi naglalaban laban at dapat nagtitiwala
sa isa’t isa upang magtagumpay sa lahat ng laban ng magkakasama.

You might also like