Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Christian Javier

10D

Kahulugan ng Tunay na Kalayaan (Diyalogo)

“Tatlong magkakaibigan. Ang isa ay nagboluntir bilang presidente sa isang


organisasyon sa paaralan. Nalaman ito ng mga kaibigan niya at nag-usap sila
kinabukasan pagkatapos ng gawain niya bilang presidente ng organisasyong iyon.”

“Kung maaasahan ka ng mga tao at kaya mong ibigay nang maayos at magawa
ang mga gawain bilang president ay mabuti. Ang isang lider dapat ay gustong
mapabuti at mapaganda ang pinsaukang obligasyon.”

“Tama, ngunit masaya ba ang mga nagiging lider sa gawain nila? Hindi ba at
napakabigat na responsibilidad ang pagiging lider dahil nakasalalay sa aksiyon at
utos mo ang magiging epekto nito sa organisasyon.”

“Pero kung naging lider ka ay magiging sikat ka at maraming makakakilala sa iyo


at isa pa mabibigyan ka ng respeto at titingalain ka ng iba, hindi ba’t tama iyon?”

“Hindi dahil kung iyan lamang ang nasa isip ng isang lider ay hindi magtatagal ay
papalpak at magkakaroon ng maraming problema ang organisasyong iyon.”

“Dapat hindi personal na hangad ang inuuna dapat ay ang kagustuhang


maglingkod dahil ikaw ay may kakayahan. Iyan ang dahilan kung bakit maraming
lugar ang nagkakagulo dahil sa pagiging makasarili.”

“Siguro ay magbibitiw na lang ako sa pagiging lider doon, bagamat ay kaya ko ay


taliwas naman ang hangad ko sa hangad ng iba.”

“Hindi kasi tama na ang ibang kasapi roon ay ibinibigay ang buong makakaya nila
para sa ikabubuti ng grupo ngunit ang lider ay hindi buo ang loob at ang hangad
lang ay ang kasikatan.”

“Kung sabagay, salamat at dahil sa inyo mas nahubog pa ang prinsipyo ko.”

ANG TUNAY NA KALAYAAN AY ANG KAKAYAHANG PANAGUTAN ANG RESULTA


NG DESISYON.

You might also like