Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

EPEKTO NG ILLEGAL NA PAGPUTOL NG PUNO SA MGA KAGUBATAN

SA PILIPINAS

Rasyonale

Sa kasalukuyang panahon hindi parin nahihinto at natatapos ang


illegal na pagpuputol ng puno sa mga kagubatan sa pilipinas, at dahil dito
naapektuhan parin ang ibang bansa sa pagkasira ng kanilang kagubatan at
nag dudulot na maraming trahedya, nariyan na ang pagguho ng mga lupa at
baha na nagkakaroon ng pagkamatay ng ibang tao. At dahil dito nauubos at
nawawalan na rin ang ating mga hayop sa kagubatan ng tirahan.

Ayon sa Batas Pangkagubatan (PD 705), Ang PD 705 o ang Forestry


Reform Code of the Philippines ang pangunahing batas na nagbabawal sa
iligal na pagtotroso o illegal logging. Nakasaad sa seksyon 68 ang tatlong
paraan ng iligal na pagtotroso. Una, Pagputol, pagkuha, pagkolekta, at pag-
alis ng kahoy o anumang produktong gubat sa lupang pampubliko o pribado
nang walang kaukulang pahintulot; Pangalawa, Pagputol, pagkuha,
pagkolekta, at pag-alis ng kahoy sa lupang alienable at disposable,
pampubliko, at pribado nang walang kaukulang pahintulot; at ang panghuli,
ang pagtataglay ng kahoy at produktong gubat nang walang legal na
dokumento.

Maituturing ang mga puno na “first line of defense” satuwing tayo ay


nakakaranas ng bagyo. Subalit dahil sa mga illegal logging at illegalmining
tayo ay nakakranas matinding hirap sa tuwing tayo ay nakakaranas ng
kalamidad. Dahil sa pagkawala ng puno sa ating mga kagubatan nagdudulot
ito ng baha sa iba’t ibang lugar ng ating bansa. Dahil na din sa tinatawag na
“deforestation” na sanhi ng mga matindi na pagsubok sa tuwing tayo ay
nakararanas ng bagyo.

Layunin

Layunin ng aming grupo na maipakita kung gaano karami ang


nasasakop ng mga puno partikular sa pilipinas, kung ano ang epekto sa
ating bansa (Pilipinas) at kung paano Mapangalagaan ang kalikasan at
mapanatili ang normal na daloy ng hangin kung may maraming kahoy na
nakatayo, makatulong sa pagpapalawak ng kaalaman tungkol sa illegal
logging upang tuluyan na itong mapuksa. Layunin din nito ang maiwasan na
ang dumaraming bilang ng gumagawa ng illegal logging.

Metodolohiya

Ang gagawing pananaliksik ay isang Descriptive-Correlational na pag


aaral. Upang ito'y maisagawa, ang mga residente o mga nag aalaga ng
kagubatan ay bibigyan ng survey-questionnare. Magsasagawa rin ang mga
mananaliksik ng obserbasyon sa kagubatan upang makapangalap ng
impormasyong sasagot sa layuning inihanda.

Inaasahang resulta

Ang resulta ng pag-aral na ito ay magbibigay ng mahalagang datos at


impormasyon sa mga residente o mga nangangalaga sa kagubatan upang
magsagawa ng mga hakbang na makatugon sa problema ng kagubatan
dulot ng pag-ubos at pag putol sa mga puno nito. Makakatulong din ito nang
malaki sa pilipinas upang mapaunlad at maibalik muli ang kagandahan ng
kagubatan. Mahalaga rin ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral upang
mamulat sila sa kahalagahan ng mga kagubatan at matutunan nila ang
magiging resulta sa pag-putol ng mga puno sa kagubatan.

You might also like