Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG SULIRANIN AT SALIGAN NITO

I. Panimula

Ang pagdadalumat ay tumutukoy sa pagteteorya at pagbuo ng mga konsepto o kaisipan na


mailalapat sa pagsusuri ng mga bagay bagay sa lipunan. Ayon kay Dr. Rhoderick Nuncio, tinatawag na
dalumat-salita ang paggamit ng wika sa mataas na antas ng pagteorya batay sa masusi, masinop, kritikal
at analitikal ng mga salitang kumakatawan ng mga ideya at kaalamang naging konsepto sa malalimang
pag-uuri’t pagvaryasyon ng mga pagbabanghay ng salita na nagluwal ng sanga-sangang kahulugan.

Sa mga nagadaang siglo ng pagbabago sa panitikang Filipino, nagbunga ang walang katapusang
pagdadalumat ng mga unang nag-aral at nanaliksik upang makabuo ng mga bagong kapakinabangan sa
larangan ng pagsusuri ng akda. Ang bunga ng pagsusuri ay ang pantay na paghuhusga sa akda na kung
saan ang mambabasa ay nakalilikom ng higit na kaalaman tungkol sa likhang sining.

Sa kasalukuyang panahon inaasahan na maipagpapatuloy ng mga kabataan ang nasimulan ng mga


nauna at makilahok sa mga gawaing pampanitikan na kung saan inaasahan na mapapansin ang mga hindi
kapansin-pansin at punahin upang makamit ang patuloy na pagbabago pagdating sa pagpapaunlad ng
wika, kultura at literatura. Inilahad ni Rushdie (2008) na ang mga mag-aaral na may taglay na maraming
karanasan ay inaasahang magkaroon ng higit na pag-unawa at pagkalugod sa daigdig ng imahinasyon na
nilikha ng mga akdang pampanitikan.Sa pagtuturo ng mga kabataan, madaling tukuyin ang interes at
atensyon kung sisimulan ng isang pangganyak na pagkukuwento at mabisang kagamitan sa pagtalakay ng
aralin o ginagamit ito na lunsaran sa araling pangwika.

Ang pagiging malikhain ay likas sa mga manunulat na binigyan ng sapat na talento,


nalilimitahan lang ang karikitan ng isang akda sa kung gaano kalawak ang kakayahan ng manunulat na
bumuo ng mga imahe sa kaniyang isip. Sa mga pagsusuri madalas nababalewala ang ilang detalye o
maaring kaluluwa ng isang akda pagkat iba ang dulog at hinahanap ng kanilang mapanuring mata, hindi
nakikita ang mga natatagong mga mensahe sa mga bagay sapagkat itinago ito sa papamagitan ng mga
mapaglarong mga salita (simbolismo). Gumagamit ang mga manunulat ng dulog Estitika upang mabigyan
ng bagong panlasa ang kanilang akda, sa paraang ito ay mas maakit ang mga mambabasa at nagkakaroon
interaksyon sapagkat nagkakaroon ng pagtuklas at obserbasyon hindi lang sa mga tauhan kundi maging sa
mga salitang ginamit na maaring naging dahilan ng pagganda ng isang akda.

Layunin ng Pag-aaral

Naisasawalang bahala ang ilang manunuri ang iba pang sangkap at pundasyon ng ilang akda dahil
sa paggamit ng palasak o pulit-ulit na dulog maging teoryang nakasanayang gamiting ng lahat. Sa mga
pag-aaral kakikitaan na madalas na umiitkot sa mismong nilalaman at tema o ang pagsagot sa tanong na
“Tungkol saan ang akdang iyong sinuri”,kalian nangyari ang mga senaryo sa kuwento, at hindi kadalasan
napapansin ang pagkakabuo at nawawalan ng pagsaalang-alang sa mga detalyeng nagpapakirikit sa
kuwento tulad ng mga salitang ginamit, kagandahan sa pamagat, mga simbolismong ginamit, tayutay o sa
medaling salita ay hindi napapansin ang estetikong sangkap ng isang akda.
Sa paraan ng patuloy na pagtuturo ng iba’t ibang klase ng pagdulog sa literatura ay
mataas ang posibilidad na magkaroon ng kasanayan ang mga mag-aaral maging ang mga mambabasa na
nagnanais mapaunlad ang kanilang talent sa mga gawaing pampanitikan maaring magandang simulain
para sa kanila ang pagsusuri dahil sa paraang ito ay napapalawig ang kanilang mga dating kaalaman
tungkol sa panitikan. Ang mga pagsusuri ay hindi maliit na bagay sapagkat ito’y nakaapekto sa
pagpapaunlad ng kalagayan ng wika sa ating bansa.

Ang konteksto o nilalaman ng isang akda maging ang kaluluwa nito tulad ng mga salitang
ginamit, mga natatagong kahulugan mapatauhan, pangyayaring naganap dati o sa mapakasakalukuyan na
nagpapakita ng epekto sa panghinaharap na pangyayari ngunit nabanggit na sa iba’t ibang senaryo ay
parehong mahalaga sapagkat sa ganitong paraan ay maaring magkaroon ng pag-unlad sa gawaing mga
panliteratura ang sino mang nagtatangkang pasukin ang mundo ng panitikan, kahit ikaw ay mag-aaral,
mambabasa, o isang indibidwal na hindi sinasadyang magbasa dahil lang sa bagot ngunit nabuhay ang
iyong dugo dahil sa impluwensiya ng isang magandang akda.

Sa kabilang banda, nilalayon ng pag-aaral na ito na malaman at masuri ang mga piniling maikling
kuwento na nagpapakita ng realidad ng buhay (pagpasok ng Teoryang Realismo) at upang masuri rin ang
hindi-lang-anyo ng mga ito gamit ang Aesthetic- Historical na pagdulog upang makabuo ng modelong
pagsusuri.

You might also like