Summative FIL 9

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ST.

FAUSTINA SCHOOL OF QUEZON CITY


(Formerly Capitol Institute)

LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9

PANGLAN: ______________________________________________PETSA: ____________________


BAITANG AT SEKSYON: _________________________________MARKA: ___________________

PANUTO: Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang ginamit sa bawat pangungusap.
Isulat sa patlang ang tamang sagot.

__________1. Si Inang ang ilaw ng aming tahanan.


__________2. Ang mga ibon ay masayang nag-aawitan sa ibabaw ng punongkahoy.
__________3. Ang iyong mga mata ay tila tala na nagbibigay ng liwanag sa madilim
kong gabi.
__________4. Siya ang haligi ng bayan na handing magbuwis ng buhay para sa
kapakanan ng kaniyang mga nasasakupan.
__________5. Ang iyong ngiti ay nagpapawi ng lungkot na aking nadarama.
__________6. Balde-baldeng luha ang umagos mula sa kaniyang mga mata nang
mawalay sa kaniyang ama.
__________7. Narinig ng sanlibutan ang iyong daing.
__________8. Hindi ko man lamang namalayan ang napakabilis na takbo ng panahon.
__________9. Tila idinuyan sa alapaap si Pia nang siya ay pinangaralang
pinakamagandang dilag sa lahat ng mga kandidata.
__________10. Nakinig ang buwan sa iyak ng mga lobo.

B. Salungguhitan ang mga pang-abay na ginamit sa pangungusap. Isulat sa patlang


ang uri nito.

__________11. Nagmamadali akong pumunta ng simbahan upang maabutan ko pa


ang misa.
__________12. Nasa ilalim ng mesa ang iyong bag.
__________13. Paluhod siyang nanalangin sa Panginoon na siya’y gabayan sa
kaniyang paglalakabay papunta sa ibang bansa.
__________14. Dali-dali niyang kinain ang kaniyang almusal upang hindi siya mahuli sa
klase.
__________15. Sa Linovo Hotel sila kakain bukas upang ipagdiwang ang kaniyang
kaarawan.
__________16. Tuwing hapon, sinusundo ni Bert ang ina sa paaralang
pinaglilingkurang.
__________17. Humiyaw nang napakalakas ang bata dahil sa pagkawala ng kaniyang
regalo.
__________18. Araw-araw akong pumupunta ng simbahan upang magtirik ng kandila.
__________19. Padabog na umalis si Rose sa kanilang bahay dahil sa hindi niya
maunawaan ang kaniyang kaptid.
__________20. Sa darating na lingo, mamamasyal tayo sa Persiya upang makita natin
ang kagandahan ng bansang ito.

C. Basahin ng Mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

_____21. Ito ang tunggalian ng bida at kontrabida. Ang pangunahing tauhan ay may
suliranin sa kaniyang kapuwa.
A. Tao laban sa sarili C. Tao laban sa kalikasan
B. Tao laban sa tao D. Tao laban sa lipunan.
_____22. Ang bawat kahulugan ay mali tungkol sa tao laban sa sarili, maliban sa;
A. Ito ay pakikipagtunggali ng tauhan sa lipunang kaniyang ginagalawan.
B. Ito ay pakikipagtunggali ng tauhan sa kaniyang pananaw, saloobin at iba pa.
C. Ito ay labanan ng mabuting tao laban sa masasamang tao.
D. Ito ay pakikipagtunggali ng tauhan sa kalikasan
_____23. Ito ang paggamit ng mga bagay na magkakatulad, nagkakahawig o
nakakahambing ng kalikasan, katangian o kahulugan.
A. Damdamin C. Simbolismo
B. Wika D. Imahen
_____24. Isang uri ng tula ng pananangis, lalo sap ag-alala sa isang yuamo.
A. Elehiya C. Diskurso
B. Parabula D. Malayang tula
_____25. Ito ay larawang-diwa na nabubuo sa isipan ng mambabasa na hango sa
baha-bahagi ng tulang binabasa.
A. Kaugalian o persona ng tula C. Wika
B. Imahen D. Banghay

D.Punan ang angkop na pinasidhing anyo ng salita upang mabuo ang diwa ng
pangungusap.
26. ____________ (magaling) siya sa lahat ng mga kalahok sa pagpipinta.
27. Tunay na ____________ (taas) si Robin sa lahat ng mga manlalaro ng basketbol sa
aming nayon.
28. ____________ (saya) niya nang marinig niya na ang kaniyang proyekto ang napili
ng pamahalaan upang gawan ng isang patalastas.
29. Ikaw ang ____________ (mabait) sa buong klase kung kaya hinahangaan ka.
30. Siya na ang ____________ (mabait) na tao na nakilala ko.

E. SANAYSAY (31-40)
Gamitin at ipakita ng maayos ang mga Panandang Diskurso sa gagawing sanaysay.

May bago kayong kaklase mula sa ibang bansa. Nais ng


inyong guro na ibahagi ninyo ang inyong kultura sa
pamamagitan ng pagsulat ng isang sanaysay upang ito’y
mailahad sa inyong bagong kaklase. Layunin ng sanaysay
na mabubuo na makita ang pagpapahalagang kultural ng
bansang Pilipinas na pinapahalagahan ng mga Pilipino.
Dapat makita rin sa sanaysay ang wastong paggamit ng
panandang diskurso.

GOD BLESS

You might also like