Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 27

Edukasyon sa Pagpapakatao 10

Aralin 4: PAANO MAPANANATILI


ANG PAGGALANG SA DIGNIDAD
NG TAO? (SLMs 8-9)
Oktubre 18-22, 2021
Panalangin
Attendance Check
Mga Inaasahang
Kilos

✓ Listen - Makinig
✓ Write - Magsulat, bumuo
✓ Ask - Magtanong
✓ Collaborate – Makiisa, magbahagi, makibuo
✓ Discern – Mangilatis
✓ Recognize - Kilalanin
✓ Start – Magsimula
Layunin

1. Nakapagpapaliwanag ng kahulugan ng dignidad ng tao


(EsP10MP-If-4.1)
2. Nakapagsusuri kung bakit ang kahirapan ay paglabag sa
dignidad ng mga mahihirap at indigenous groups
(EsP10MP-If-4.2)
Layunin

3. Napatutunayan na nakabatay ang dignidad ng tao sa


kanyang pagkabukod-tangi (hindi siya nauulit sa
kasaysayan) at sa pagkakawangis niya sa Diyos (may
isip at kalooban) (EsP10MP-Ig-4.3)
Recap ng Aralin 3
TAO
Panlabas Panloob Malayang
Sitwasyon Na Na ISIP + Kilos-
KONSENSIYA
Pandama Pandama Loob
Kaalaman at
Impormasyon ✓ Paningin ✓ Kamalayan sa
✓ Memorya
✓ Pang-amoy ✓ Imahinasyon Sarili
✓ Pandinig ✓ Instinct ✓ Kakayahang mag-
✓ Pandama ✓ Kamalayan abstraksiyon
✓ Panlasa
• Alamin at naisin ang mabuti. Mapanagutang
• Ang pagkilatis sa partikular na
kabutihan sa isang sitwasyon. PASYA at
• Paghatol para sa mabuting pasiya
at kilos.
KILOS

HAYOP Emosyon • Pagsusuri ng Sarili/ Pagninilay.

Kilos
Recap ng Aralin 3

1. Ang kalayaan ay katangian ng kilos-loob na itakda ng tao


ang kaniyang kilos tungo sa maaari niyang hantungan at
itakda ang paraan upang makamit ito.
2. Bagama’t may kalayaan ang taong piliin at gawin ang
isang kilos, hindi sakop ng kalayaang ito ang piliin ang
kahihinatnan ng kilos na pinili niyang gawin.
Recap ng HSMGW #3

3. Ang kalayaan ay may kasunod na responsibilidad/


pananagutan.
4. Ang malayang kilos ay kilos na “mananagot ako.” Ito ay kilos
na nagmula sa akin.
5. Bilang tao, ako ay responsable sa aking mga kilos, subalit
hindi ito nangangahulugang ako ay isang responsableng tao.
Ang responsibilidad sa sukdulang kahulugan nito ay hindi
lamang pananagutan kundi ito ay kakayahan o abilidad na
magbigay paliwanag (give account).
Recap ng HSMGW #3

6. Kailangang maging malaya ang tao mula sa mga


pansariling hadlang upang maging malaya siya para sa
pagtugon sa pangangailangan ng kaniyang kapwa - ang
magmahal at maglingkod.
7. Ang kalayaang likas sa tao ay nauugnay sa
PAGPAPAHALAGA na ninanais niyang taglayin bilang tao
(malayang pagpili o horizontal freedom at ang
fundamental option o vertical freedom).
Paghahalaw
Balik-Aral

PANUTO: Gamit ang web map, bigyan ng kahulugan ang


salitang “dignidad” sa pamamagitan ng pagguhit ng mga
larawan, pagsulat ng mga salita o liriko ng awit na
maaaring iugnay dito.
Balik-Aral
Gawain

PANUTO: Suriing mabuti ang sumusunod na sitwasyon


sa unang kolum. Lagyan ng tsek (/) sa ikalawang kolum
kung ang mga tao sa bawat sitwasyon ay nagpapakita ng
paggalang sa dignidad ng sarili at kapwa at ekis (x) kung
hindi. Lakipan ang iyong sagot ng maikling paliwanag.
Sitwasyon Nagpakita ng Paggalang Paliwanag
sa Dignidad ng Sarili at
Gawain Kapwa?
Nagmula si Julius sa isang
mayamang pamilya.
Gayunpaman, inaatasan pa
rin siya ng kaniyang
magulang na tumulong sa
gawaing-bahay kahit sila ay
may mga kasambahay. Sa
kaniyang libreng oras,
tumutulong siya sa paglilinis
ng kuwarto, pagluluto at
pag-aalaga ng kanilang aso.
Sa oras ng pagkain,
inaanyayahan niyang
sumabay sa kaniya ang mga
Sitwasyon Nagpakita ng Paggalang Paliwanag
sa Dignidad ng Sarili at
Gawain Kapwa?
Habang namamasyal sa
parke si Mark, isang lalaking
may kapansanan ang hindi
inaasahang natumba.
Nahulog ang kaniyang mga
dalang gamit. Agad na
lumapit si Mark upang
tulungang makatayo ang
lalaki. Pinulot at nilinis din
niya ang mga nalaglag na
gamit. Inalalayan niya ito sa
pinakamalapit na upuan at
binilihan pa ng maiinom na
tubig.
Sitwasyon Nagpakita ng Paggalang Paliwanag
sa Dignidad ng Sarili at
Gawain Kapwa?
Tunay na nangyari ang
sitwasyong ito sa isang sikat na
network ng telebisyon. Isang
tanyag at iginagalang na field
news reporter si Alvin. Sa isang
dokumentaryo, naatasan siyang
magpanggap bilang pulubi o
taong grasa. Sinubukan nila ang
kakayahan ng mga tao na
tumulong at magmalasakit sa
kapwa. Nang magpalit-anyo si
Alvin, ang mga dating pagbati at
papuri sa kaniya bilang
kagalang-galang na news
reporter ay napalitan ng pag-
iwas at walang galang na
Pagsusuri

1. Ano ang iyong mga natuklasan sa natapos na


gawain? Ipaliwanag.
2. Sa iyong palagay, bakit nagkakaroon ng paggalang
at kawalang-paggalang sa dignidad ng tao?
3. Paano natin maipakikita ang paggalang sa dignidad
ng sarili at kapwa?
Paghahalaw

DIGNIDAD

• pantay-pantay kahit may pagkakaiba


• mula sa salitang Latin na “dignitas”, mula sa “dignus”,
na ang ibig sabihin ay “karapat-dapat”.
• May dignidad ang lahat ng tao, anuman ang kanilang
gulang, anyo, antas ng kalinangan at kakayahan.
• May dignidad ang tao dahil sa kaniyang pagkatao.
Paghahalaw

Ayon kay Santo Tomas de Aquino at Immanuel Kant:

• Nilikha ang tao na kawangis ng Diyos at pinagkalooban


ng isip at kilos-loob.
• Naiiba ang tao sa lahat ng nilalang dahil mas
nakaaangat siya sa ibang nilikha (may kakayahang mag-
isip at pagiging malaya).
Paghahalaw

• Dahil sa dignidad ng tao, hindi siya dapat itinuturing na


kasangkapan lamang.
• “Kumilos ka nang palagian at magkaalinsabay mong
tratuhin ang sariling pagkatao at ang pagkatao ng
iyong kapwa hindi lamang bilang isang kasangkapan
kundi bilang isang telos din.”
Paghahalaw

Ayon kay Max Scheler:


• Mahalagang isaalang-alang ang pagiging bukod-tangi ng
tao (pagka-persona) na binubuo ng mga katangiang
nagpapabukod-tangi sa kaniya sa kapwa niya tao – ang
kaniyang pagka-ako na kumikilos sa iba’t ibang pagkilos.
Sa lahat ng kilos ng tao, pinakapangunahin ang
pagmamahal.
• Ang pagkabukod-tangi ang halaga ng tao sa kaniyang
pagkatao. Wala siyang katulad sa buong kasaysayan at
hindi na mauulit pa.
Paghahalaw

Dahil sa dignidad, lahat ay nabibigyan ng halaga at may


karapatang mabuhay at umunlad nang hindi makasasakit sa ibang
tao. Kaugnay nito, kailangan nating makipagkapwa at
pangibabawin ang paggalang at pakikipagkapatiran. Nakikita ang
pagiging komunidad ng mga tao sa lipunang kinabibilangan sa
pamamagitan ng paggawa ng kung ano ang makabubuti, hindi
lamang para sarili kundi para sa lahat.

TANONG: Bakit ang kahirapan ay paglabag sa dignidad ng mga


mahihirap at indigenous groups?
Paghahalaw

Mga paraan upang maipakita ang pangangalaga sa


dignidad ng sarili at kapwa:

1. Pahalagahan ang tao bilang tao.


2. Igalang ang dignidad ng kapwa habang ikaw ay
nabubuhay.
Paglalapat

PANUTO: Ipaliwanag sa pamamagitan ng 2-3


pangungusap kung paano naipakita ni Joey Velasco at
Tony Meloto ang paggalang sa dignidad ng sarili at ng
kapwa.
Kasunduan

1. Basahin ang sumusunod:


a. SLM 6-9/ panoorin ang VL 6-9.
b. Modyul 4 sa DepEd LM.
2. Maghanda para sa maikling pagsusulit.
Sanggunian

Kawanihan ng Paglinang ng Kurikulum, Kagawaran ng


Edukasyon, Mga Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao sa
Baitang 10. Lungsod ng Pasig: Awtor, 2015.

Kawanihan ng Paglinang ng Kurikulum, Kagawaran ng


Edukasyon, Mga Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao sa
Baitang 7. Lungsod ng Pasig: Awtor, 2012.

You might also like