Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

FATIMA COLLEGE OF CAMIGUIN

Mambajao, Camiguin

LESSON PLAN
Araling Panlipunan – Mga Lalawigan sa Ating Rehiyon
Grade III
October 25, 2021

Topic: ANG MGA SIMBOLO SA MAPA

I. Layunin:
1. Naiisa-isa ang mga simbolo na ginagamit sa mapa;
2. Nabibigyang kahulugan ang mga simbolo na ginagamit sa mapa; at
3. Nakabuo ng sariling mapa batay sa kanilang lugar gamit ang iba’t-ibang simbolo.

II. Panimula:
ACTIVITY 1:
Magpalaro ng scavenger hunt gamit ang isang simpleng mapa. Sa larong ito, maghanda
ng 3-4 mapa ng silid aralan. Maglagay ng kendi sa iba’t-ibang sulok ng silid at markahan ito sa
mapang ginawa. Iba-ibahin ang mga marka sa mga mapa sa bawat pangkat upang hindi
magkagulo ang klase. Siguraduhin pareho ang bilang ng marka sa bawat mapa. Ang pangkat na
may pinakamaraming kending nakuha ang siyang panalo.

ANALYSIS:
1. Paano ninyo natagpuan ang mga kendi?
2. Ano ang tiningnan ninyo sa papel na binigay ko sa inyo?
3. Paano ito nakatulong sa paghahanap ninyo ng kendi?
4. Anong mga bagay ang inyong tinandaan?
5. Ano ang tawag dito? (Palitawin ang sagot na MAPA)
6. Ano-ano ang makikita sa mapa? (Palitawin ang sagot na MGA SIMBOLO)
ABSTRACTION:
Ang Mapa
Ang Iba’t-Ibang Simbolo sa Mapa
Ang Gamit ng mga Simbolo sa Mapa

ACTIVITY 2:
Isulat sa kaukulang kahon sa tabi ng simbolo ang kahulugan nito batay sa talakayan.
Gawin ito sa sagutang papel.
SIMBOLO KAHULUGAN

(DEEPEN)
Essential Questions:
1. Batay sa talahanayan sa gawain, paano ninyo nabuo ang kahulugan ng bawat simbolo?
2. Kung wala sa mga naipakitang simbolo ang gagamiting pananda sa isang lugar, maaari ba
kayong lumikha ng ibang simbolo? Bakit?
3. Sa inyong palagay, paano makatutulong ang mga simbolo sa pagbabasa ng mapa?

APPLICATION:
Anu-ano ang gagawin mo sa mga sumusunod na sitwasyon:
 May foreigner na nagtatanong kung saan matagpuan ang White Island.

AGREEMENT:
Ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang simpleng mapa sa kanilang lugar gamit ang mga
iba’t-ibang simbolo.

FATIMA COLLEGE OF CAMIGUIN


Mambajao, Camiguin
LESSON PLAN
Araling Panlipunan – Ang Aking Bansa
Grade IV
November 1, 2021

Topic: MGA PANGUNAHING ANYONG LUPA AT ANYONG TUBIG SA BANSA

I. Layunin:
1. Napaghahambing ang iba’t-ibang pangunahing anyong-lupa at anyong tubig sa bansa;
2. Nailalarawan ang anyong lupa at anyong tubig; at
3. Kumuha ng litrato gamit ang inyong mga smartphones ng isang anyong lupa at
anyong
tubig sa inyong lugar at ilarawan ang mga ito.

II. Panimula:
ACTIVITY 1:
Magbigay ng aktibidad na "4 pics 2 words". Simple lamang ang gagawin, kailangan ng
mga mag-aaral na hulaan kung ano ang salita sa pamamagitan ng pagtingin sa 4 na mga larawan
na may 2 karaniwang salita na pinapakita.

ANALYSIS:
1. Ano ang inyong napansin sa mga larawan?
2. Nakapunta o nakakita na ba kayo nito?

3. Base sa ginawa nating activity, ano sa tingin ninyo ang tatalakayin natin sa araw na
ito?

4. Ano-ano nga ba ang mga pangunahing anyong lupa at anyong tubig?

ABSTRACTION:
Mga Pangunahing Anyong Lupa
Mga Pangunahing Anyong Tubig

ACTIVITY 2:
Kopyahin ang mga tsart sa notbuk. Punan ng mga hinihinging impormasyon.
Mga Pangunahing Anyong Lupa sa Bansa
Anyong Tubig Paglalarawan Halimbawa
Bundok
Lambak
Talampas
Bulkan

Mga Pangunahing Anyong Tubig sa Bansa


Anyong Tubig Paglalarawan Halimbawa
Karagatan
Golpo
Look
Dagat

(DEEPEN)
Essential Questions:
1. Batay sa inyong gawain, paano ninyo inilarawan ang mga iba’t-ibang anyong lupa at anyong
tubig?
2. Ang mga halimbawa ba na inyong binigay ay konektado o magkaugnay sa inyong binigay na
paglalarawan?
3. Sa inyong palagay, bakit kaya makahalaga nating pag-aralan ang mga iba’t-ibang anyong lupa
at anyong tubig?

APPLICATION:
Hanapin sa Hanay B ang lugar na matatagpuan sa tinutukoy na halimbawa ng anyong
lupa at anyong tubig sa Hanay A. Isulat ang letra ng sagot sa sagutang papel.

AGREEMENT:
Gamit ang inyong mga smartphones, kukuha kayo ng simpleng litrato ng isang anyong
lupa at anyong tubig na makikita sa inyong lugar at ilarawan ang mga ito.

You might also like