Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 34

Kabanata I

ANG SULIRANIN

Panimula

Ang pagsulat ay isa sa makrong kasanayang dapat malinang sa isang mag-

aaral. Ito ay kasanayang pangwika na lubhang makabuluhang matutunan dahil gaya ng

kasanayan sa pagsasalita, naging daluyan ito ng pagpapahayag ng ating damdamin at

iniisip. Bagama’t ito ay isang gawaing hindi madali, nangangailangan ito ng ibayong

kaalamang pangkaisipan kung saan ginagamit ang pag-iisip sa pagpapaunlad ng ideya

at kung paano ilalahad ang hanay ng mga kaisipan sa paraang higit na mauunawaan

(Espina, Ramos, Plasencia at Velasco, 2014).

Nabanggit sa aklat na Komunikasyon sa Akademikong Filipino, ang pagsulat ay

ang pagsasatitik ng mga sagisag ng kaisapan na naililimbag sa pamamagitan ng mga

sagisag ng lenggwahe, mga ideyang isinasalin sa papel o sa anumang maaaring

pagkulungan ng mga karunungan gamit ang mga pinagsama-samang mga salita,

simbulo at ilustrasyon na may layuning maihayag ang mga kaisipan at saloobin

(Gonzalvo, 2016). Bago pa man magsulat ang isang indibidwal, karaniwan na itong

nag-iisip, nag-aanalisa at nagsusuri ng mga datos na napakinggan o nabasa. Sa

ganitong paraan, nakabubuo o nakalilikha ang tao ng isang makabuluhang akda.

Ang komposisyon ay itinuturing na pinakapayak na paraan ng pagsulat ng mga

natatanging karanasan, pagbibigay interpretasyon sa mga pangyayari sa kapaligiran, at

puna sa nabasang akda o panonood ng pagtatanghal (Dayag, 2012). Ang pagsulat ng

komposisyon ay isang paraan ng pagpapahayag ng isip at damdamin ng tao. Ito ay


isang malayang pagsulat na kung saan ang manunulat ay patuloy na sumusulat

hanggang makabuo ng paksa o ideya. Sa ganitong paraan naibabahagi nito ang

karunungan at kaisipan sa mga mambabasa. Hangarin din nitong magbigay ng

impormasyon o opinyon na naaayon sa paksang ginamit. Ito rin ay isang gawaing

komunikatibo at interaktibo na kahit sa anumang istilo o pamamaraang ipahayag ay

may kaugnay na layunin na nais ipaabot sa lipunan. Dito nagmumula, ibinabatay at

inilalaan ang mga kaalaman, paniniwala o karanasang ihahayag sa pagsulat.

Ang pagsulat ay nakatutulong sa paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral sa

lohikal na pag-iisip at paglutas ng mga suliranin. Isa sa mga epektibong pagpapahayag

na dapat malinang sa kasanayan ng mag-aaral sa pagsulat ay nakatuon sa kanyang

sariling pananaw, opinyon at ideya tungkol sa isang paksa. Ang kasanayang ito ang

huhubog ng tiwala sa kanyang sarili at kakayahan sa pakikipagtalastasan. Kaya isang

hamon sa bawat guro at mag-aaral ang pagsulat sa panahon ngayon kung kaya’t

nakararanas nang matinding alalahanin kung paano nga ba sisimulan ang pagsusulat.

Samakatuwid ito ay bunga ng ating mga karanasan at kaalaman na binibigyan

ng interpretasyon sa pamamagitan ng pagsulat. Ang kawalan ng karanasan at

kaalaman sa isang paksa ay isang balakid sa epektibong pagpapahayag at pagbuo ng

komposisyon. Ito rin ay isang komprehensibong kakayahang nauukol sa wastong gamit

ng mga salita, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan at retorika. Marapat lamang na ang

isang mag-aaral ay maihanda at magabayan sa pagkakamit ng mga kasanayang

nabanggit upang maging magaan at mabisa ang pagsusulat.

Higit ang dami ng bilang ng mga mag-aaral na nagpapakita ng pagkayamot,

kawalan ng motibasyon sa pagsulat at kung minsan ay hirap na hirap pa sa pagbuo ng

2
mga ideya. Bunga ito ng maling konsepto at mahinang estratehiya sa pagtuturo ng

pagsulat at kadalasan naaapektuhan ng mga kahinaang ito ang kasanayan ng mga

mag-aaral sa pagsulat (Badayos, 1999). Binigyang-diin din ng ilang manunulat sa aklat

na ang pagsulat bilang isang proseso na hindi natatapos sa isang upuan kundi nahahati

sa iba’t ibang yugto. Itinuturing itong isa sa pinakakomplikadong kasanayang dapat

matutuhan ng mga mag-aaral sapagkat habang nagsusulat, natututuhan din nila kung

paano mag-eksperimento gamit ang wika.

Sa ganitong kalikasan ng pagsulat, kailangang maranasan ng mga mag-aaral

ang sumusunod na mga yugto bago sumulat; paggawa ng borador; pagrerebisa; pag-

eedit at paglilimbag. Ang mga gurong gumagamit ng ganitong pamamaraan ay

nakapagbibigay sa mga mag-aaral ng dalawang mahahalagang suporta sa pagbuo ng

isang sulatin na mayroong sapat na oras sa pagsusulat at pagbibigay ng puna. Ang

mga mag-aaral ay kailangang turuan ng guro na higit sa kayang ibigay na karunungan

at kaalaman nito. Malaking responsibilidad ang nakaatang sa balikat ng guro sa Filipino.

Mula sa guro, natututo ang mga mag-aaral ng iba’t ibang kaalaman at kasanayan.

Sa pag-aaral at pagkatutuo ng wika, ang mag-aaral ay hindi lamang mahusay na

tagapagsalita kundi maging matalino at may malawak na kaisipan sa pagpapahayag na

may wastong paggamit ng wika na tumutugon sa layunin at tungkulin ng komunikasyon.

Ngunit hindi lahat ng mga-aaral ay nakakamit ang ganitong pangkomunikatibong gamit

ng wika. Ang ilan ay nagkakaroon ng kamalian sa pagsulat na siyang nagiging hadlang

upang makabuo ng wasto, malinaw at maayos na sulatin o komposisyon.

Mahalaga na mabigyan ng angkop na kasangkapan at espasyong makatutulong

sa mas mabilis at epektibong paglinang ng kasanayan sa pagsulat ang mag-aaral. Ang

3
Pinagtitibay ng Kurikulum ng Edukasyong Sekondarya K to 12 (K to 12 Secondary

Education Curriculum) ang Kapaki-pakinabang na Literasi para sa Lahat (Functional

Literacy For All) na ibinatay sa mithiin ng Edukasyon para sa Lahat 2015 (Education for

All 2015) ay naglalayon na sa pagtuturo ng Filipino dapat na malinang ang (1)

kakayahang komunikatibo, at (2) kahusayan sa pag-unawa at pagpapahalagang literari

ng mga mag-aaral kung saan lilinangin dito ang limang makrong kasanayan - pakikinig,

pagbasa, panonood, pagsasalita at pagsulat.

Ang gawaing pagsulat ay mahalagang daan upang mapagsama-sama at

mapatibay ang mga kasanayang natamo sa iba pang makrong kasanayan nakatutulong

upang mapanatili sa isipan at magamit ang natutunang kakayahan sa gramatika at

lingwistika.

Paglalahad ng Suliranin

Sa bahaging ito, ilalahad ng mananaliksik ang mga suliraning bibigyang tugon sa

pag-aaral na ito.

1. Anong mekanismo ng pagsulat ng komposisyon sa Filipino nagpapakita ng

kasanayan ang mga mag-aaral batay sa diagnostikong pagsusulit sa aspeto ng:

1.1. wastong gamit ng mga bantas

1.2. kapitalisasyon

1.3. pagbabaybay

1.4. wastong gamit ng mga salita at

1.5. pagkakasunud-sunod ng mga ideya?

4
2. Anong worktext ang maaaring mabuo batay sa resulta ng pag-aaral?

3. Ano ang antas ng akseptabiliti at validiti ng worktext bilang pantulong na kagamitan

sa pagtuturo batay sa:

3.1 Guro sa Filipino at;

3.2 Koordineytor sa Filipino?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Naniniwala ang mananaliksik na mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga mag-

aaral upang magsilbing gabay sa pang-araw-araw na gawain at tungkulin bilang isang

estudyante at maipabatid ang isang paraan sa pagtuturo ng kaalaman at kaangkupan

sa sarili at sa pagpapahalagang gawain. Gayundin, ang makapagbibigay sigla sa mga

mag-aaral na madagdagan ang kanilang kaalaman at interes upang lalong maging

mabisa at masanay sa iba’t ibang larangan.

Ang pananaliksik na ito ay mahalaga at may malaking ambag para sa mga

sumusunod: makatutulong ang pag-aaral na ito upang magkaroon ng batayan ang mga

guro sa mga kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng komposisyon; makikilala rito

kung paano ang pagsulat ng komposisyon at kung anu-anong pamamaraan ang dapat

gamitin upang maitama ang kamalian ng mga mag-aaral sa pagsulat ng komposisyon;

na ang mga mag-aaral ay ang tuwirang benepisyaryo sa edukasyon, mga estudyanteng

nais pang pagbutihin ang kanilang pag-aaral; makagaganyak sa mga guro upang

lalong pag-ibayuhin ang pagtuturo ng asignaturang Filipino, lalo na sa pagsulat ng

komposisyon sa Filipino; matutuklasan din ng isang guro kung aling antas ng wika ang

dapat bigyan ng pansin at diin sa pagtuturo; matutulungan ang mga mag-aaral na

5
maiwasto ang mga kamalian at lalong mapaunlad ang kanilang kakayahan sa pagsulat

ng isang komposisyon upang magkaroon ng epektibong pagpapahayag sa wikang

Filipino; makatutulong sa mga guro lalo na sa pagtuturo at sa kanilang stratehiya at

magsisilbing gabay upang mapabuti ang kakayahan sa pagtuturo at magiging batayan

ang pag-aaral na ito sa iba pang mga mananaliksik na ibig gumawa ng katulad o

kaugnay na pag-aaral.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa kasanayan sa pagsulat ng komposisyon

sa Filipino. Layunin ng mga mananaliksik na maipahahayag sa mga mambabasa ang

kahalagahan at kahulugan ng pagsulat at komposisyon na naakatutulong hindi lamang

sa pakikipagtalastasan, pakikipag-ugnayan at maging sa pagbabahagi ng ating

nalalaman. Nais din ng mga mananaliksik na mapalawak pa ang imahinasyon sa

pagtuklas kung saan ang mag-aaral ay magiging bihasa sa pagbuo ng komposisyon sa

Filipino. Ginawa ito upang malaman ang kasanayan ng mga mag-aaral sa

ikalabindalawang baitang ng akademik strand sa Polomolok National High School,

panuruang taon 2019-2020.

Katuturan ng mga Termino

Upang mapabilis at mapadali ang pang-unawa sa pag-aaral na ito, ang mga

salitang gagamitin ay binigyang- katuturan:

Kasanayan. Tungkol sa pagkabihasa ng sinumang tao sa anumang gawain.

6
Pagsulat. Isang gawaing nag-uugat mula sa pagtatamo ng kasanayan at kung

paano ginagamit ang wika hanggang sa ang kasanayang ito ay aktwal na

magamit sa paraang pagsulat na isinasaalang-alang ang mga

pamanyatan sa mabisang pagpapahayag ng naiisip at nadarama.

Komposisyon. Ang itinuturing na pinakapayak na paraan ng pagsulat ng mga

natatanging karanasan, pagbibigay interpretasyon sa mga pangyayari.

Mag-aaral. Ito ay tumutukoy sa sinumang tao na nakaenrol at umaatend ng mga

klase sa paaralan.(http//education.yahoo.com/reference). Sa pag-aaral na

ito, ito ay tinutukoy ang mga mag-aaral na nasa Ikalabindalawang Baitang

– Akademik Strand ng Polomolok National High School panuruang taon

2019-2020.

Mekaniks ng pagsulat. Tumutukoy ito sa tamang baybay ng mga salita, tamang

gamit ng bantas at tamang paggamit ng malaking titik at palugit.

Validiti. Tumutukoy sa makatotohanag ideya at mga palagay ng isang may-

akda.

Worktext sa Filipino. Ang siyang bubuuin ng mananaliksik bilang batayng

kagamitan sa Filipino sa ikalabindalaawang baitang sa Polomolok

National High School.

7
Kabanata II

REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Inilahad sa bahaging ito ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral na

makatutulong ng malaki sa pananaliksik na ito.

Sanligan ng Pag-aaral

Bahagi na sa mga responsibilidad ng isang tagapagturo ang matuto ang at

maiangkop sa mga pag-unlad ng edukasyon, makalikom ng bagong kaalaman at iba

pang may kaugnayan sa disiplina para sa ikabubuti sa gawaing pagtuturo at pagkatuto.

Gaano man kaepisyente ang kurikulum, nangangailangan pa rin ito ng pagpapabuti at

pagpapayaman upang ito’y lubusang pakinabangan.

Sa ganoong proseso, may mga seminar-worksyap ang ibinibigay at ibinabahagi

ng Kagawaran ng Edukasyon sa pagtupad ng programa na nagbibigay ng katuparan sa

K to 12 Basic Education Curriculum kung saan nakasentro rito ang ika-21 na siglong

mga mag-aaral. Kinakailangang tulungan ng guro ang mga mag-aaral na matapos ang

kanilang mga gawain. Ang maingat na pagpaplano ng mga guro ay tiyak na ang mga

mag-aaral ay makagawa ng kanilang mga gawain na may malakawakang layunin at

kapaki-pakinabang kaysa sa tradisyunal na pamamaraan. Ayon kay Roger sa aklat ni

Asnan (2014), napakahalagang ang resulta ay makabuluhan, makahulugan at

8
natutunan ayon sa karanasan. Magagawa ito sa tulong ng pagtuklas ng makabagong

pamamaraan na sentro ang mga mag-aaral. Ang layunin ng pagkatuto ng mga mag-

aaral ay batay sa istruktura na maitaguyod ang kooperatib, kompetitib at isahang

pagsisikap. Sa kaibahan sa sitwasyong kooperatib, ang sitwasyong kompetitib ay ang

mga mag-aaral ay naglalaban sa isa’t isa upang makamit ang mga layunin na para

lamang sa isa o iilan na makinabang.

Ang pagsulat ay isang eksplorasyon – pagtuklas sa kahulugan, pagtuklas sa

porma at ang manunulat ay nagtatrabaho ng pabalik-balik, nagtutuon sa isa sa mga

batayang kasanayan sa bawat panahon nang kanyang matuklasan kung ano ang

kanyang isusulat at kung paano niya iyon maipapahayag ng episyente. Ito rin ay isang

set ng nakikitang simbolong ginagamit upang kumatawan sa mga yunit ng wika

sa isang sistematikong pamamaraan, na may layuning maitala ang mga mensahe na

maaaring makuha o mabigyang kahulugan ng sinuman na may alam sa wikang ginamit

at mga pamantayang sinusunod sa pag-eenkoda (Alcaraz, 2005).

Ang pagsulat ay nakatutulong sa paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral sa

lohikal na pag-iisip at paglutas ng mga suliranin. Ayon kay Dr. Lydia R. Lalunio sa aklat

na Komunikasyon sa Akademikong Filipino, ang pagsulat ay isang prosesong sosyal o

panlipunan, ang bunga ng interaksyong proseso ng mga mag-aaral at produkto sa

sosyo-kultural na kontexto na nakaaapekto o pagkatuto. (Espina, Ramos, Plasencia at

Velasco, 2014). Ang kakayahang makapagpahayag nang malinaw sa pamamagitan ng

panulat ay maituturing na isa sa pinakamahalagang kasanayang matatamo ng tao

(Gonzales, 2016). Ang unang proseso ng pagsulat sa Filipino at maging sa iba pang

wika ay nagsisimula sa pagbuo ng may kabuluhang pangungusap. Hango na rin ang

9
mga opinyon o ideyang naisusulat ng mga mag-aaral sa mga lathalaing pinababasa sa

kanila tulad ng talumpati, kuwento, tula, nobela at sanaysay o komposisyon at iba pang

anyo ng literatura.

Mahalaga ang pagsulat dahil naipahahayag ng bawat isa ang kanyang

damdamin sa alinmang konteksto tulad sa mga pagsusulit na pasanaysay, pagbibigay

ng ulat, pagtatala ng resulta ng mga eksperimentasyon at paglikha ng mga papel

pananaliksik dahil ito ay bahagi ng pananagumpay. Sa daigdig ng edukasyon,

kailangang sumulat ng liham na aplikasyon, paggawa ng balangkas pangkaunlaran,

gumawa ng anunsyo, umapila sa paglilikom ng pondo, sumagot sa pakiusap ng mga

kliyente at marami pang iba. Kaugnay nito ang mga tao sa iba’t ibang lugar at sa iba’t

ibang panahon ay nagkakalapit, nagkakaunawaan at nagkakaisa. Ang aspeto ng ating

kultura ay napananatiling buhay sa pamamagitan nito. Sa pamamagitan ng mga nasulat

na tala ay natututuhan natin ang kasaysayan ng ating lahi; ang mga paniniwala at

matatayog na kaisipan ng ating mga ninuno; at ang mga pagbabago at pagsulong ng

ating bansa.

Kaugnay na Literatura

Isang kompleks na kasanayan ang pagsulat ayon kay Badayos (2001) sapagkat

kailangan ng isang manunulat ng sapat na kaalaman sa mga salik na mahalaga sa

pagbuo ng sulatin gaya ng sumusunod: tapik / paksa, layunin, interaksyon at isang

kamalayan ng awdyens, wika, kombensyon, mga kasanayan sa pag-iisip, kasanayan sa

pagbubuo, may sariling sistema ng sagpapahalaga, mekaniks at ang proseso ng

pagsulat.

10
Dagdag pa niya ang kalagayan o kultura sa ating paaralan ay maaaring

makalikha ng mga di makatwirang pagpipilit ng mga metodo sa mabisang pagsusulat.

Ilan sa mga ito ang pagtatakda ng bilang ng pormal at di pormal na sulatin para sa

isang takdang panahon na di man isinasaalang-alang ang abilidad ng isang klase o

pangkat. Nariyan pa ang estratehiyang “write – to-a-title-approach” at iba pang gawi na

totoo namang pinaglumaan na ng panahon. Nagpahayag siya ng mga walong (8)

batayang simulain sa pagsulat na hindi dapat kaligtaan ng mga guro: 1. Iba-ibahin ang

haba ng sulatin, 2. Suriin at ipaalam ang kombensyon ng mga uri ng tekstong isinulat,

3. Iugnay ang pagsulat sa iba pang hati ng mga kasanayang makro sa pagtuturo ng

wika, 4. Iplano ang mga aralin nang may wastong pagkakasunod-sunod, 5. Tiyaking

may interaksyong pangmag-aaral sa proseso ng pagsulat, 6. Talakayin ang layunin sa

pagsulat at ang awdyens napaglalarawan nito, 7. Ituro ang mga teknik ng pag-eedit ng

sulatin at 8. Iba-ibahin ang pokus ng pagmamarka.

Sinabi pa niya sa kanyang pagwawakas ang mga mungkahing paraan upang

mabago at mapaunlad ang mga kaganapan sa mga pagtuturo. Nagbigay siya ng mga

mungkahi para mahawan ng bagong landas at direksyon ang pagtuturo ng pagsulat:

1. Bigyan ng masusing pagtaya ang kasalukuyang dulog sa pagtuturo ng pagsulat

batay sa mga simulain sa pagtuturo ng wika. 2. Isaalang-alang ang mga batayang

elemento sa pagtuturo at pagkatuto sa pagsulat maging ito man ay una o ikalawang

wika gaya ng manunulat, mambabasa, ang uri ng teksto, ang konteksto at ang

interaksyon ng mga ito sa isa’t isa. 3. Magkaroon ng pagsusuri sa pangangailangan ng

mga mag-aaral sa pagsulat upang maging batayan ng kurikulum sa pagsulat sa bawat

antas ng pag-aaral. 4. Bumuo ng isang silabus sa pagsulat na may komplimentasyon

11
ang Ingles at Filipino upang maiwasan ang duplikasyon ng mga gawain (gaya ng kung

naituro na sa Filipino ang pagbabalangkas hindi na dapat ito ituro sa Ingles). 5.

Idokumento ang anumang karanasan sa pagtuturo na sa sariling palagay ay naging

epektibo sa pagkatuto. Maaring nasa loob ng silid-aralan ang mga epektibo at

mabisang pamamaraan at teknik sa pagkatuto.

Ang pagsulat ayon kay Tumangan at iba pa (2001) ay isang paraan ng

pagpapahayag ng pag-iisip, kaalaman at damdamin ng tao sa pamamagitan ng mga

sagisag ng mga tunog ng salita. Ito rin ay tumutukoy sa kakayahan ng tao sa paraang

palimbag upang maipahayag ang kanyang iniisip at nadarama. Isang paraan ng

pagtataya ng pagkatuto ang pagsulat para sa mga mag-aaral. Ang pagsulat nila ng

isang komposisyon bilang paghahanda sa pagbuo ng mahabang salaysay, pagsulat ng

ulat upang matutuhan ang pagbibigay ng mahahalagang impormasyon isinasama sa

ulat at ang pagsulat ng pamanahong papel na nagbibigay sa kanila ng karagdagang

kaalaman sa samut-saring paksa na ipinapaloob sa pananaliksik. Nagiging batayang

ebalwasyon ng pagkatuto ng mag-aaral ang pagbuo ng sulatin kapag siya ay

nagsasaliksik at nagbabasa ng mga sangguniang aklat para sa isang kapaki-

pakinabang na pamanahong papel.

Ayon naman kay Hedge (2002) ang pagsulat ay hindi lamang isang simpleng

paraan ng pagsasalin ng wika sa pasulat na simbolo ito ay isang proseso ng pag-iisip.

Ito ay nangangailangan ng intelektwal na pagsisikap na dapat na mapanatili sa isang

takdang panahon. Sapagkat ang kabisaan sa wika ay hindi sapat upang mapadali ang

pagsulat bagkus dapat ang pangkognitibong kasanayan. Binigyang pansin ni White

(2004) ang ating utak ay hindi lamang nakatuon sa mga salitang nakalista at nakalinya.

12
Dumadaan sa proseso ng pagpili na nagaganap sa ating isip sa hanay ng mga salitang

makikita sa talumpati at napapanahong papel. Ang ganitong kalagayan ay ang pagdaan

ng manunulat sa mataas na yugto ng pag-iisip. Tulad ng kompyuter na naghahanap ng

pinakaangkop ideya at paksa sinusulat. Kapag ang manunulat ay nawawalan ng

aktibong pakikibahagi ay magdudulot ng kabiguan dahil ang nais na ideyang palutangin

ay hindi matatamo. Samakatuwid, kailangan ng manunulat na matamo ang yugto ng

kamalayan.

Ayon kina Diaz at Marin (2013) ang pag-iisip ay kasama ng set ng mga

kasanayang pampag-iisip na lumikha, magmanipula at makipagtalastasan sa iba ng

personal na simbolo ng isip samakatuwid ang pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng

utak. Sa kanilang inilathalang blog, may iilang argumentong inilahad rito. Una, ang

kalidad ng pagsulat ay hindi matatamo kung walang kalidad ng pag-iisip. Ang pag-iisip

na mabuti ay maaaring hindi sapat na kondisyon para makasulat nang maganda subalit

tiyak na lilitaw pa rin ang kinakailangang kondisyon. Ikalawa, ang pagsulat ay isang

instrumento para mag-isip ang isang tao tungkol sa kanyang paksa. Ikatlo, kasama sa

pagsulat ang apat na kognitibong operasyon na gumaganap ng tungkulin sa lahat ng

gawaing pampag-iisip. Bilang pangwakas, ang tatak ng pag-iisip ay ang pagsisikap o

pagpupunyagi na mag-isip.

Bilang karagdagan sa isinagawang pag-aaral, ang pag-iisip bilang set ng mga

proseso, ang mga tao ay bumubuo, gumagamit at nagbabago ng panloob na

simbolikong modelo ni Gilhooly. Ang pag-aaral ng pagsulat ay may bentahe kaysa sa

pag-aaral ng paglutas ng mga problema, pagbuo ng pagpapasya at gawain sa

13
pangangatwiran. Isang bentahe nito ay ang mayamang produkto na ginagawa ng mga

manunulat.

Ayon pa rin kina Diaz at Marin (2013) ang modelong kognitibo na ginawa nina

Bereiter at Scardamalia ay nagbigay ng dalawang panukala sa pagbuo ng pagsulat.

Ang isang modelo ay nakatuon sa baguhang manunulat na isinusulat lamang ang

nalalaman gaya ng simpleng pagsasalaysay at ang ikalawang modelo ay nakatuon sa

mga bihasang manunulat na ang layunin ay mailipat ang nalalaman gaya ng

ekspositoring pagsulat. Nagkaroon din ng problema rito kung paano maipakikita ang

proseso ng pagsulat at kung kailan nagsisimulang magsulat ang manunulat.

Batay sa pag-aaral, ang pagsulat ay nakagawa ng malaking pagbabago sa

paghubog ng damdamin ng isang mag-aaral. Ito ang ginamit niyang midyum upang

ipahayag niya ang anumang paniniwala, mithiin, layunin sa buhay, pangarap, agam-

agam, damdamin at mga hinaing. Sa tulong ng pagsusulat ay nakilala ng mag-aaral ang

kanyang sariling kalakasan, kahinaan, lalim ng pagkaunawa, tayog at lawak ng kaisipan

at ang naabot ng kanyang malamayan.

Ayon kina Hugney, et. al, sa aklat ni Santiago (2014) nakatulong ang pagsulat sa

paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral sa lohikal na pag-iisip at paglutas ng

suliranin, napapaunlad nito ang iba pang kasanayang pangwika gaya ng pagbabasa,

pagtatala, pagtukoy ng mahahalagang detalye, pakikipagtalakayan, pagsusuri at

pagpapakahulugan sa mga impormasyong nakalap bago ang ganap na pagsulat. Sa

aklat na “Teaching Second Language Composition” (Principles and Techniques)

gumamit sina Hughey, et. al ng isang pamamaraan upang masuri ang kahinaan at

kalakasan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng komposisyon sa kanilang paniniwala na:

14
Important aspect of becoming an independent lifelong writer is developing the ability to

evaluate one’s own writing progress and to use feedback from the evaluation as a guide

for further growth and improvement.

Ang pagbuo nila ng isang rubrics sa pagtataya ng sulatin na tinawag na

Composition Profile ay nakatuon sa limang aspekto. Nakapokus ang bawat isa sa

mahalagang bahagi ng pagsulat, ito ay batay sa bigat sa kahalagahan ng

komunikasyon sa paraang pasulat at ito ay; CONTENT tumutukoy sa pagkakaroon ng

sinasabi o nilalaman ng sinulat, ORGANIZATION tumutukoy sa pag-aayos ng kaisipan,

VOCABULARY, LANGUAGE USE and MECHANICS tumutukoy naman sa

panlinggwistika at mekanikal na paniniwala para sa epektibong paglalahad ng talakay.

Ang pangkalahatang bigat ng bawat aspekto ay nahahati sa apat na mastery level-

Excellent to Very Good, Good to Average, Fair to Poor at Very Poor. May tiyak na

katangiang naglalarawan na siyang magiging gabay sa pagtataya ang mga ito. Dahil sa

pawang mga keyword lamang na siyang nagpapakilala na malalaking konsepto ukol sa

komposisyon, nakasaad sa kanilang aklat ang mga detalye ng bawat isang mastery

level upang higit na maging malinaw ang pagtataya.

Ang kahusayan ng isang sulatin ay matutukoy sa matagumpay na

pagpapahayag nito ng mensahe sa mambabasa. Samanatalang kabaligtaran nito ay

magulo ang mensahe na nais ipahayag sa sulatin dahil sa kakulangan ng kasanayan.

Ang unang dalawang mastery level ay nagpapakita na matagumpay ang naging

komunikasyon, may pagkakaiba nga lamang sa digri, at ang dalawang huling mastery

level ay pagkakaroon ng pagka-antala ng komunikasyon.

15
Sa pag-aaral naman ni Halliday noong 1980 binatikos niya rito ang mga

estratehiya o pamamaraan sa proseso ng pagsulat dahil nakaligtaan sa mga prosesong

ito ang aspektong panlipunan. Ang komunidad ng diskurso ay nabuo mula sa pananaw

na ang pagsulat ay isang gawaing panlipunan. Ang hinuha ng mambabasa at ang genre

na pundamental dito at ang pag-unawa ay nakatuon sa pagsulat sa mataas na antas,

humiling na ang mga mag-aaral ay kailangang magsulat ng katanggap-tanggap sa

komunidad na pang-akademiko (Dayag, 2012).

Ang layunin ng pagsulat ay maaaring mahati sa dalawang bahagi ang personal o

ekspresib at panlipunan o sosyal. May pagkakataon namang magkakasama ang

layuning personal at panlipunan, katulad sa halimbawa ng pagsulat ng sanaysay o

talumpati na nagmula sa sariling pananaw ngunit nagkakaroon ng kaugnayan sa

lipunan sapagkat kailangan itong bigkasin o basahin sa harapan ng mga mamamayan

upang magbigay ng impormasyon at kabatiran. Ang isang manunulat ay nagbabahagi

ng sariling pananaw at kaalaman sa pamamagitan ng kanyang mga panulat.

Kadalasan, ito ay nagiging kapaki-pakinabang sa lipunan at ang pagbabahagi ng mga

kaalamann ay magdudulot ng kaunlaran at ibayong pagbabagong sosyal.

Ayon kay Mabilin (2009), maging anumang uri ng tekstong gagawin ng isang

manunulat ay magtataglay ng mapanghikayat na paksa at upang mapaniwala at

mapasang-ayon ang kanyang mambabasa. Isa ito sa napakahalagang layunin sa

pagsulat na dapat isaalang-alang ng mga manunulat dahil mawawalang kabuluhan ang

kanilang ginawa kung hindi ito magkakaroon ng positibong reaksyon o pagtanggap

mula sa mga babasa nito. Kaya sa lahat ng uri ng pagpapahayag, maging pasulat man

o pasalita, kinakailangang may taglay itong layuning mapanghikayat.

16
Sa ating lipunan ang bawat isa ay may kanya-kanya o personal na kakayahang

ginagamit sa pakikipag-unawaan sa araw-araw maging ito man ay sa paraang pormal o

impormal. Maaring gawin natin ito sa pamamagitan ng tradisyunal na pagsulat, o sa

pamamagitan ng modernong pamamaraan sa tulong ng teknolohiya.

Sa panahon ngayon, sikat na sikat na ang mga computer machines bilang

pangunahing kasangkapan sa pagbaybay at pagsulat. Kung hindi ka pa marunong

gumamit ng mga ito ay hindi ka in o napag-iiwanan ka na ng panahon. Kaugnay nito,

bibihira ang nagsusulat sapagkat karamihan ay nalilibang sa paggamit ng makabagong

teknolohiya. Bukod sa napapadali ang komunikasyon ay mas nakamumura at

nasisiyahan ang sinuman sa paggamit nito.

Dulot ng makabagong panahon, ang mga computer machines ang naging

instrumento sa pagsulat at pagbaybay sa larangan ng akademya, sining at agham,

anumang paraan o layunin sa pagsulat o pagbaybay, maituturing itong isang multi-

dimensyonal na proseso.

KAUGNAY NA PAG-AARAL

Ayon kay Batin (2000) sa kanyang di nailathalang disertasyong “Developing

Academic Writing Proficiency and Learner Autonomy through the Process Approach”

binanggit niya na may isang pag-aaral sa mga mag-aaral sa elementarya ng National

Capital Region na nakapokus sa pagtaya ng pagiging epektibo ng process approach.

Ito ay naging konsetong hulwaran para sa pagsulat ng komposisyon na binubuo ng

tatlong salik: 1. Ang mag-aaral bilang ang manunulat, 2. Ang Guro bilang taga

facilitator at 3. Mga materyales na gagamitin. Ang kinahinantnan ng pag-aaral na ito ay

17
magiging epektibo ang process approach sa edukasyon ng Pilipinas kung mabibigyan

ang bawat guro at mag-aaral ng sapat na materyal at angkop na tekstong susulatin.

Pinagtitibay ng pag-aaral na ito ang pagiging epektibo at kahalagahan ng

process

approach sa paggamit guro sa pagtuturo sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Subalit

nararapat na gumamit o makalikha ang guro ng material na gagamitin sa pagdaan sa

proseso ng pagsulat – panimulang pagsulat, pagpapaunlad ng sinusulat, at huling

pagsulat.

Batay sa pag-aaral na ginawa ni Ignacio (2008) “Teaching Writing to Fourth Year

High School Students” na naipamalas ng ebalwasyon sa kasanayan ng mga mag-aaral

na ang process approach ay nakatulong upang malinang ang kanilang kasanayan sa

pagsulat. Nagkaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral na masuri ang sariling sulatin

sa pagtatama rito at marebisa ang kanilang kaisipan gamit ang mga gabay ng guro at

kamag-aaral sa mga pulomg-panayam, maging mas mahusay ang binunga ng mga

huling sipi ng kanilang sinulat.

Pinatutunayan ang kabisaan ng paggamit ng process approach sa pagsulat

gamit ang kwalitatibong pag-aaral ni Concepcion (2006). Lumabas sa pag-aaral na

naging maganda ang naging kalidad ng mga sulatin ng mga mag-aaral na ginamitan ng

process approach. Naging malaking tulong ito sa paglinang ng pagkaunawa ng mga

mag-aaral. Higit pang tataas ito kung isinasaalang-alang ang interes, kakayahan at istilo

ng mga mag-aaral. Sa pag-aaral ni Ignacio at Concepcion ay pinatutunayang ang

process approach ay mabisang pagdulog upang makamit ang inaasahang kasanayan

sa pagsulat ng mga mag-aaral sa lahat ng antas maging kahinaan at kalakasan ng

18
bawat mag-aaral sa pagsulat. Ito ay mabisang gabay sa mga mag-aaral sa pagsulat at

pagtuturo ng mga guro.

May kaugnayan sa pag-aaral na ginawa ng mga mag-aaral na kumukuha ng

Filipino sa kolehiyo (2012) tungkol sa pagbaybay at sa Ortograpiya ng Alpabetong

Filipino, natuklasan nila na ang ispeling, pagpapantig, panghihiram ang karaniwang

suliranin para makabuo ng isang komposisyon maliban din sa pagapapahayag ng kani-

kanilang ideya sa isang maayos at mabisang komposisyon. Narito ang konklusyong

nabuo sa kaganapan ng kanilang pag-aaral:

1. May kaalaman na ang mga respondente sa ilang bagay tungkol sa 2009 Gabay

sa Ortograpiyang Filipino pagdating sa pagpapantig; ngunit hindi nila gaanong

alam ang partikular na katumbas na salita sa Filipino ng mga hiram na salita.

Pagdating naman sa ispeling, ang ilan sa kanila ay ginagamit pa rin ang mga

tuntunin sa 2001 Revisyon sa ispeling.

2. Sa naibigay na datos ng mga respondente ukol sa mga suliraning kanilang

kinakaharap kaugnay ng 2009 Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino,

lumalabas na sila ay nangangailangan ng palagiang pagsasanay lalo na sa

ispeling ng ilang salitang hiram, mga salitang katumbas o salin sa Wikang

Filipino maging sa ilang tuntunin sa pagpapantig bagamat mataas ang antas ng

kanilang kaalaman dito.

3. Ang pagbabasa ng mga aklat at iba pang nakalimbag na babasahin ay isang

malaking tulong sa pagpapatibay ng kanilang kaalaman patungkol sa

panghihiram at ng mga tuntunin nito. Sa bawat tekstong binabasa natin ay

kinakailangan laging may kaakibat sa pag-unawa nito, sapagkat walang silbi ang

19
pagbabasa ng anumang nakalimbag na teksto o babasahin kung wala namang

pag-unawa rito. Ang pagsasanay sa pagsulat ng mga angkop na salita sa

ispeling, pagpapantig at panghihiram ay isang mabisang solusyon upang higit na

makamit ng mga mag-aaral ang nararapat na kaalaman na mga kaugnayan sa

Ortograpiya ng Wikang Filipino.

Sa pag-aaral na ginawa ni Cabaylo (2015) tungkol sa karaniwang kamalian sa

pagsulat ng sanaysay, narito ang kanyang inilahad na konklusyon; lahat ng sangkap ng

pagsulat ay may karaniwang kamalian ang mag-aaral; ngunit higit na may mga

pagkakamali sa aspekto ng mekaniks na sumasaklaw sa pagbabaybay, pagbabantas,

paggamit ng malaking titik at paggamit ng palugit; mahina ang mga mag-aaral sa

mekaniks ng pagsulat na sumasaklaw sa pagbabaybay, pagbabantas, paggamit ng

malaking titik at paggamit ng palugit; kakayahan ng mag-aaral na baybayin ang mga

salita sa Filipino lalo na sa salitang hira, at ang remedyasyon ay nagbigay gabay sa

pagpapaunlad ng pag-aaral at pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang nilalaman ay

nakapokus sa pagbibigay solusyon sa mga natuklasang kahinaan ng mga mag-aaral.

Sa pag-aaral naman ni Opong (2015), batay sa kanyang mga natuklasan, ang

worktekst ay may mataas na aksepatabiliti at validity sang-ayon sa nilalaman (content),

pagkagamitin (usability), kaangkupan (relevance), kahusayang teknikal (technical

quality) at kahusayang instuksyunal (instructional quality). Sa naging resulta, nagiging

masaya, aktibo at maganyak ang mga mag-aaral na maipataas ang kanilang akademik

na katuparan sa kadahilanang ang aktibiti at estratehiya sa proseso ng pagkatuto ay

naaayon sa kanilang kalakasan at katalinuhan. Dagdag pa ang pagkakaroon ng fact

sheets at workbook.

20
Kahalintulad rin sa pag-aaral ni Juario (2016), ang epektibong pagkatuto ay

makakamtan ng mga mag-aaral kung sila ay inilantad sa iba’t ibang oportunidad sa

pagkatuto tungo sa paggawa ng isang kaaya-aya at makabuluhang awtput. Binigyang

diin ni Ogues (2013), dapat ang isang guro ay mag-iisip at gagawa ng epektibong

estratehiya upang magampanan nang maayos ang aspektong pang-akademiko.

Napagtanto ng mananaliksik na ang paggamit ng “fact sheets” at “workbook” sa

pamamaraang lektuyr at diskusyon ay may malaki at positibong bunga sa pagtaas ng

akademik na katuparan ng isang mag-aaral.

Konseptuwal na Balangkas

Isa sa limang makrong kasanayan na nililinang sa asignaturang Filipino

ang pagsulat. Ito ay nakatuon sa pagpapahayag ng pananw, saloobin o damdamin ng

bawat magaaral na nagpapakita ng higit na kabatiran ng bawat mag-aaral sa paksang

nililinang. Maaaring mapadali ang paglinang sa kasanayan sa pagsulat sa

pamamagitan ng paggamit ng dulog na angkop sa pagtuturo ng kasanayang ito na

tutugon sa pangangailangan, interes at estilo ng bawat mag-aaral. Mula sa mga

suliraning umiral noong unang termino at pagtalakay sa mga pamamaraang dapat

mabatid sa pagsulat ng sanaysay sa ikalawang termino ay nabatid ang angkop na

pamamaraan para upang tugunin ang suliranin ng mga mag-aaral sa pagsulat ng

sulatin.

Ang makikita sa ibaba ay ang konseptuwal na balangkas ng isinagawang pag-

aaral (Research and Development). Sa pag-aaral na isinagwa ni Flores (2005) ay

ginamit ding batayan sa pagdebelop ng isang modyul. Sa pagbuo nito, magbibigay

muna ng Diagnostic test na susubok sa kanilang kaalaman sa pagsulat ng komposisyon

21
sa Filipino. Matapos na maiwasto, sinuri ito at ginawan ng resulta. Batay sa resultang

nakuha, gumawa ang mananaliksik ng worktext na makatutulong pa sa kasanayan sa

pagsulat.

Input Proseso Awtput


Kasanayan sa
Pagsulat ng
Komposisyon sa
Filipino ng mga Pagbibigay ng
Mag-aaral sa Diagnostic Test Worktext sa
Ikalabindalawang sa mga Mag- Filipino
Baitang ng
Akademik Strand: aaral
Batayan sa Pagbuo
ng Worktext

Pigura 1

Kabanata III

DISENYO NG PAG-AARAL AT PAMAMARAAN

Sa kabanatang ito, tatalakayin ng mananaliksik ang mga sumusunod na

metodolohiyang magiging gabay sa gagawing pag-aaral. Ang bahaging ito ay nahahati

sa disenyo ng pag-aaral, lugar ng pag-aaral, respondente, pangkalahatang

pamamaraan at istatistikal na instrumenting gagamitin sa pag-aaral.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay gagamamit ng Research and Development Design.

Inilalarawan nito ang kasanayan ng mag-aaral sa pagsulat ng komposisyon sa Filipino

gamit mean. Sasagutin ng mga mag-aaral ang inihandang Diagnostic test pagkatapos

22
gagawa ang mananaliksik ng worktext base sa resulta ng pag-aaral. Ang gagawing

worktext ay may kinalaman sa wastong gamit ng mga bantas, kapitalisasyon,

pagbabaybay, wastong gamit ng mga salita at pagkakasunud-sunod ng mga ideya.

Gagamitin ito sa lalo pang ikatatatag ng proseso ng pagkatuto at pagtuturo.

Ipavalidate ito sa Master Teacher at Koordineytor sa Filipino upang masigurong

magiging kapaki-pakibang ang nasabing worktext.

Respondente

Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga mag – aaral ng

ikalabindalawang baitang ng Polomolok National High School na binubuo ng mga mag-

aaral mula sa akademik strand na STEM, HUMSS, ABM at GAS sa panuruang taon sa

2019 - 2020.

Instrumento

Ang gagamiting instrumento ay ang diagnostikong pagsusulit na naglalaman sa

aspeto ng wastong gamit ng mga bantas, kapitalisasyon, pagbabaybay, wastong gamit

ng mga salita at pagkakasunud-sunod ng mga ideya.

Pamamaraan

Sa gagawing pag-aaral, ang mga sumusunod na hakbang ang gagawin ng

mananaliksik. Una, hihingi ng pahintulot ang mananaliksik upang maisagawa ang pag-

aaral. Gagawa ng sariling diagnostikong talatanungan ang mananaliksik at ipavalidate

sa Master Teacher at koordineytor. Matapos ang proseso ng balidasyon, ipasasagot ito

23
sa grupo ng mag-aaral para masiguro ang reliability nito at sasagutin naman sa

respondente ng pag-aaral.

Tritment ng mga Datos

Sa pagtukoy ng antas ng akseptabiliti at validity ng nabuong worktext sa Filipino

gagamitin ng mananaliksik ang mean.

Disenyo ng Pag-aaral

Kasanayan sa Pagsulat ng Komposisyon sa Filipino ng mga


Mag-aaral sa Ikalabindalawang Baitang ng Akademik Strand:
Batayan sa Pagbuo ng Worktext

Kasanayan sa Lugar ng Pag-aaral


Pagsulat ng
Komposisyon Polomolok National
 wastong gamit ng High School
mga bantas
 kapitalisasyon
pagbabaybay
 wastong gamit ng Respondente
mga salita
 pagkakasunud-sunod Grade 12
ng mga ideya

Respondente

Grade 12
24

Instrumento
Pigura 2

TALASANGGUNIAN

MGA AKLAT

Alcaraz, C. (2005). Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik Filipino 2. Quezon

City. Loriman Publishing Company, Inc.

Badayos, Paquito B. (2006). Worktext sa Komposisyon: Paglikha at Pagsulat III Quezon

City: Vibal Publishing House.

Badayos, Paquito B. (2001). Retorika: Susi sa Masining na Pagpapahayag. Makati City.

Grandwater Publications.

Dayag, Alma M. (2012). PLUMA IV. Wika at Panitikan. Quezon City: Phoenix

Publishing House Inc.

De Castro, Imelda et al. (2010) Kritikal na Pagbasa at Akademikong Pagsulat Tungo sa

Pananaliksik. UST Publishing House, España, Manila.

25
Espina, Leticia et al. (2014) Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Mindshapers Co.

Inc. Intramuros, Manila.

Gonzalvo, Romeo P. (2016). Komunikasyon sa Pananaliksik sa Wika at Kulturang

Pilipino, Batayang Aklat sa SHS. Mindshapers Company, Inc. Intramuros,

Manila.

Hedge, T. (2002). Writing. New York: Oxford University Press.

Ignacio, Maria Theresa C. (2008). Teaching Writing to Fourth Year High School

Students through the Process Approach.

Santiago, Alfonso O. (2014) Filipino sa Bagong Henerasyon. Makati City: Studio

Corporation

Tumangan, Alcomtizer. (2001). Sining ng Pakikipagtalastasan. Makati: Gradweyter

Publishing.

TESIS

Batin, E. (2000). Developing Academic Writing Proficiency and Laerners Autonomy

Through the Process Approach. Unpublished Dissertation.University of the

Philippines.Quezon City.

Cabaylo, Virgilina L. (2015). Mga Karaniwang Kamalian sa Pagsulat ng Sanaysay ng

mga mag-aaral sa Hayskul: Isag Pagsusuri at Remedyasyon. Graduate School –

Holy Trinity College of General Santos City – General Santos City

Flores, Tobias A. (2005) Modyul sa Mabisang pagtuturo ng Noli Me Tangere. Graduate

School. Notre Dame of Dadiangas University – General Santos City

26
Juario, John G. “Cooperative Learning Approaches and Student’s Achievement in

Mathematics”. Sultan Kudarat State University, Graduate School – Tacurong

City, 2015.

Opong, Andy Boy. (2015). Kabisaan ng Worktekst sa Manobo bilang Pantayang

Kagamitan sa Filipino sa Unang Baitang. Graduate School – Holy Trinity College

of General Santos City – General Santos City

Internet

Malubag, A. (2013, October 5). Gabay sa Ortograpiya ng wikang Filipino 2009 galing

sa https://prezi.com/alv-cewxfxni/

Gabay sa Pagtuturo ng Filipino III. Basic Education Curriculum Secondary Education

Curriculum 2010

27
APENDIKS A
Liham Pahintulot para sa Punungguro

POLOMOLOK NATIONAL HIGHSCHOOL


Brgy. Cannery Site, Polomolok, South Cotabato

Marso 22, 2019

ALICIA CABUGUAS - VILLANUEVA


Punungguro
Polomolok National Highschool
Brgy.Cannery Site, Polomolok, South Cotabato

Ginang:

Ako po si Bb. Merben P. Almio, na kumukuha ng Maste of Arts in Education


major in Filipino sa Holy Trinity College of General Santos City, Lungsod ng Heneral
Santos at kasalukuyang nagsasagawa ng pag-aaral at pananaliksik na pinamagatang
“Kasanayan sa Pagsulat ng Komposisyon sa Filipino ng mga Mag-aaral sa
Ikalabindalawang Baitang ng Akademik Strand: Batayan sa Pagbuo ng Worktext”.

28
Kaugnay nito, humuhingi po ako ng pahintulot na maisagawa ang pagsulat ng
iba-ibang komposisyon gaya ng paglikha, personal at transakyunal. Isa rin poi tong
kahingian sa kompetensi sa Grade 12 sa asignaturang Pagsulat sa Filipino sa Piling
Larangan.

Ang inyo pong positibong pagtugon sa liham pahintulot na ito ay magbibigay


daan sa ikatatagumpay ng aking mithiin.

Lubos na gumagalang,

MERBEN P. ALMIO
Mananaliksik

Binigyang pansin ni:

MARIA GIOVANNA ABECIA, Ph.D. (Sgd)


Dean, Graduate School

APENDIKS B
Liham Pahintulot para sa Baliditor

POLOMOLOK NATIONAL HIGHSCHOOL


Brgy. Cannery Site, Polomolok, South Cotabato

Marso 22, 2019

CECILIA B. RINGOR
Master Teacher I
Polomolok National Highschool
Brgy.Cannery Site, Polomolok, South Cotabato

Ginang:

Ako po si Bb. Merben P. Almio, na kumukuha ng Maste of Arts in Education


major in Filipino sa Holy Trinity College of General Santos City, Lungsod ng Heneral
Santos at kasalukuyang nagsasagawa ng pag-aaral at pananaliksik na pinamagatang
“Kasanayan sa Pagsulat ng Komposisyon sa Filipino ng mga Mag-aaral sa
Ikalabindalawang Baitang ng Akademik Strand: Batayan sa Pagbuo ng Worktext”.

29
Kaugnay nito, humihingi po ako ng pahintulot na kung maaari isa kayo sa
napiling baliditor sa isinagawang diagnostikong talatungan para sa bubuuing worktext.

Ang inyo pong positibong pagtugon sa liham pahintulot na ito ay magbibigay


daan sa ikatatagumpay ng aking mithiin.

Lubos na gumagalang,

MERBEN P. ALMIO
Mananaliksik

Pinagtibay at Pinahihintulutan ni:

ALICIA CABUGAS-VILLANUEVA (Sgd)


Punungguro – Polomolok NHS

APENDIKS C
Liham Pahintulot para sa Baliditor

POLOMOLOK NATIONAL HIGHSCHOOL


Brgy. Cannery Site, Polomolok, South Cotabato

Marso 22, 2019

MARIA AMIHAN M. CORONADO, MAT


Koordineytor sa Filipino – Senior High School
Polomolok National Highschool
Brgy.Cannery Site, Polomolok, South Cotabato

Ginang:

Ako po si Bb. Merben P. Almio, na kumukuha ng Maste of Arts in Education


major in Filipino sa Holy Trinity College of General Santos City, Lungsod ng Heneral
Santos at kasalukuyang nagsasagawa ng pag-aaral at pananaliksik na pinamagatang
“Kasanayan sa Pagsulat ng Komposisyon sa Filipino ng mga Mag-aaral sa
Ikalabindalawang Baitang ng Akademik Strand: Batayan sa Pagbuo ng Worktext”.

30
Kaugnay nito, humihingi po ako ng pahintulot na kung maaari isa kayo sa
napiling baliditor sa isinagawang diagnostikong talatungan para sa bubuuing worktext.

Ang inyo pong positibong pagtugon sa liham pahintulot na ito ay magbibigay


daan sa ikatatagumpay ng aking mithiin.

Lubos na gumagalang,

MERBEN P. ALMIO
Mananaliksik

Pinagtibay at Pinahihintulutan ni:

ALICIA CABUGAS-VILLANUEVA (Sgd)


Punungguro – Polomolok NHS

APENDIKS D
Diagnostikong Pagsusulit

POLOMOLOK NATIONAL HIGHSCHOOL


Brgy. Cannery Site, Polomolok, South Cotabato

Pangalan:__________________________ Kasarian: _________________


Baitang at Pangkat:___________________ Edad:_________________

Kwestyuner
A. Paggamit ng Wastong Bantas
Isulat sa patlang ang mga lipon ng salita na may wastong bantas upang mabuo ang
pangungusap.

1. Sinabi ni Pangulong Duterte na Ako ang bahala sa ating kapulisan tatanggap sila ng
malaking sahod ngayong buwan
2. Karaniwan sa ating mga Pilipino ay tawaging huwaran
3. Aba narito na an gating punungguro
4. Kailan binaril si Ninoy Aquino sa Manila International Airport
5. Ipinanganak si Bb Lena Flores noong ika 7 ng Agosto 1990

31
B. Kapitalisasyon
Isulat sa patlang ang mga lipon ng salita na ang angkop na kapitalisayon ng mga titik.

1. pangulong rodrigo roa duterte


2. makati city, philipplines
3. holy trinity college of general santos city
4. marso 2019
5. polomolok, south cotabato

C. Pagbabaybay
Baybayin ang mga salitang nakasaad na hiram na salita sa ibaba.
1. conference
2. vocabulario
3. calcium
4. priority
5. xylophone

D. Wastong gamit
Piliin ang wastong salita sa loob ng panaklong upang mabuo ang diwa ng
pangungusap.
1. Umuuwi siya sa probinsiya (kapag, kung) araw ng Sabado.
2. Sa malapit sa (pinto, pintuan) mo ilagay ang paso ng rosas.
3. (Subukin, Subukan) mo kung gaano kabilis siyang magmakinilya.
4. Bukas (walisan,walisin)mo ang hardin dahil may panauhing darating.
5. Huwag mong (pahiran,pahirin) ang dumi sa iyong pisngi.

E. Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari.


Lagyan ng bilang 1-5 ang patlang ayon sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari.

____Nakakita siya ng puno ng ubos na hitik ng hinog na bunga.


____Lumundag ang lobo at lumundag ng lmundag ngunit wala siya nakuha.
____Sa isang kagubatan ay inabot ng gutom ang lobo.
____Sinabi na lamang ng lobo sa sarili na maasim naman ang bunga ng ubas.
____Nasabi ng lobo sa sarili na masuwerte siya sa nakitang puno ng ubas.

32
Datos ng Mananaliksik

PERSONAL NA IMPORMASYON
Pangalan: Merben P. Almio
Kapanganakan: May 15, 1982
Lugar ng Kapanganakan: Polomolok, South Cotabato
Tirahan: 2437 Amethyst Street
Kaunlaran Subdivision
Polomolok, South Cotabato

EDUKASYON
Gradwado: HOLY TRINITY COLLEGE OF GENERAL SANTOS CITY
(18 units earned)
Fizcal Daproza Avenue, General Sanos City
Kolehiyo: MINDANAO STATE UNIVERSITY – GSC
Tambler, General Santos City
Sekondarya: SAN LORENZO RUIZ ACADEMY OF POLOMOLOK
Valencia Site, Polomolok, South Cotabato
Elementarya: MT. MATUTUM CHRISTIAN SCHOOL
Cannery Road, Polomolok, South Cotabato

KARANASAN SA PAGTUTURO
33
 POLOMOLOK NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. Cannery Site, Polomolok, South Cotabato
(2016 – Present)
 NOTRE DAME – SIENA COLLEGE OF POLOMOLOK
Brgy. Poblacion, Polomolok, South Cotabato
(2009 – 2016)

ELIGIBILITY
 Licensure Examination for Teaachers (2008)

KARANGALANG NATAMO
 First Place – Municipal Wide Research Congress
Poster Presentation (Action Research)
“Multiple Intelligence at Akademikong Pagganap sa Asignaturang
Komunikasyon sa Pananaliksik at Kulturang Pilipino ng mga Mag-
aaral sa Automotive ng Polomolok National High School”

34

You might also like