Gawaing Pagganap Blg.3 - Paggawa NG Infographics

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

UNIVERSITY OF NEGROS OCCIDENTAL – RECOLETOS

INTEGRATED SCHOOL | GRADES 11 & 12

Filipino sa Piling Larangan SULATF080


Ikalawang Markahan | Unang Siklo
A.Y. 2021-2022

Gawaing Pagganap - Infographics


PANUNTUNAN

1. Ito ay gawaing pangkat.


2. Ang gawaing ito ay isusumite bago o araw ng palugit.
3. Ang mga paksa o aralin sa asignaturang pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan ito ay sadyang
iniangkop sa kakayahan at interes ng mga mag-aaral upang ang pagkatuto ay maging integratibo,
makabuluhan, napapanahon, kawili-wili, nakalilinang ng kritikal mapanuring pag-iisip at
makapaghanda sa mga mag-aaral sa mga pagsubok at reyalidad ng totoong buhay.
4. Ang bawat pangkat ay bubuo ng INFOGRAPHICS na naglalaman ng detalyeng natutunan sa
isang partikular na paksang napili.
5. Pumili ng isang aralin o paksa sa SULATF080 na magsisilbing nilalaman ng inyong isasagawang
infographic.
6. Masusukat ang kakayahan ng mga mag-aaral kung ano ang kanilang natutunan at napag-alaman
gayundin ang kanilang pagkamalikhain sa paglalapat ng mga paksa na napailalim sa napiling
aralin.
7. Sa huling bahagi kailangan ilapat ang inyong repleksyon batay sa paksang inyong napili na
binubuo ng 3-5 pangungusap lamang.
8. Tandaan sa paglikha ng infographic ilapat lamang ang mga pangunahing ideya sa napiling paksa
o aralin.
9. Maaaring gumamit ng anumang medium “app” sa paglikha ng infographic at tandaang patayo
ang porma at sikaping ito ay na convert sa JPEG o PNG.
10. Balangkas para sa file name na gagamitin. (PT_SEKSYON_Apelyido ng mga kasapi)
11. Ipapasa ito ng tagapangulo/lider gamit ang schoology na inihanda ng guro.
12. Basahin ang pamantayan sa ibaba upang may batayan sa mahusay na paglikha nito.

Pamantayan Puntos
Nilalaman
 Nakabubuo ng isang infographics na naglalaman ng mga makabuluhan at makatotohanang
impormasyon na direktang sumasagot sa ibinigay na panuntunan. 20
 Kinakikitaan ng mga karagdagang datos na nagmula sa pananaliksik upang mas pagtibayin ang
nilalaman ng infographics.

Disenyo at Graphics
 Epektibong naipapahayag ang aralin/paksa ng infographics sa tulong ng angkop na paglalapat at
pagpili ng mga element ng disenyo (hugis, kulay, linya) at iba pang mga graphics (hal. icon, 10
imahe, larawan)

Paggamit ng Wika 10
 Ang infographics ay naisusulat sa Wikang Filipino at wasto ang paggamit ng gramatika. Walang
kamalian sa pagababaybay at pagbabantas.
 Angkop ang mga napiling salita at lohikal ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap.

Kabuuang Presentasyon
 Malinis at maayos ang kabuuang presentasyon.
 Orihinal o sariling gawa ang inilikhang infographics. 10
 Naipapakita at naipapaliwanag nang maayos ang ugnayan ng lahat ng konsepto nito.
 May kalinawan at kaangkupan ang paglalarawan at pagpapahayag ng infographics.

Kabuuan 50

You might also like