Research

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

KABANATA I: SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

INTODUKSYON

Sa sukat na daang kwarenta mula timog- kanluran ng kamaynilaan ay mararating ang


masaganang lalawigan ng Oriental Mindoro. Ito ay pangpinto sa pinakamalalaking pulo sa
Pilipinas, kaya naman, hindi maitatanggi na isa rin ito sa mga pinag- aangkatan ng mga sari-
saring prutas, gulay, at iba pang mga materyales. Ang mayamang agrikulturang ito ang
nagsisilbing pundasyon ng yumayabong nilang industriya. Bukod doon ay hindi rin ito
magpapahuli sa mga naglalakihang establisyimento, negosyo, at maunlad na ekonomiya na
syang bumubuo sa munting paraiso ng dakong timog- silangang Asya. Ngunit maliban sa
kabisera nito ay may maipagmamalaki rin ang mga lugar na bumubuo sa buong kapuluan. Isa na
dito ang munting bayan ng Bansud. Bagama’t maliit lang ang bayang ito ay kapansin- pansin pa
rin ang masaganang pamumuhay ng mga tao rito sa pamamagitan ng mga maliliit na negosyong
pinagkukunan nila ng mga pang araw araw na gastusin. Tila wala nang babasag pa sa tahimik at
simpleng pamumuhay sa bayang ito, yun ang akala ng lahat.

Taong 2020, ika-30 ng Enero nang makumpirma ang pagkalat ng Covid- 19, isang
nakakahawang sakit na sanhi ng SARS-CoV-2, sa Pilipinas. Nagsimula sa bansang Tsina ang
nasabing sakit at agad na kumalat sa mga karatig bansa nito. Maraming tao ang naapektuhan,
maging ang kanilang mga pamumuhay na agad ding naging sanhi nang matinding pagkabigo ng
ibang mga negosyo, may kinalaman man sa agrikultura, industriya, at ekonomiya o wala.
Katulad din ng ibang mga lugar sa buong mundo, and munting bayan ng Bansud ay naapektuhan
nang malaking krisis na dala ng pandemya.

Nang maipatupad ang malawakang kwarantenas sa buong bayan ay nagkaroon ito ng


malaking epekto sa mga negosyante dahil sa mga posibilidad ng pagkalugi o mas malala pa ay
pagsasara. Bagama’t ang mga malalaking establisyimento lamang ang nagkaroon ng kapansin-
pansin na pagkalugmok ay hindi rin natin maiaalis na maging ang mga maliliit na tindahan ay
naapektuhan din ng pandemyang ito. Kung bibilangin ay hindi sapat ang ating dalawang kamay
upang maisa- isa ang mga taong nagmamay- ari ng maliliit na tindahang ito. Mula sa pang- araw-
araw na gastusin hanggang sa pang- suporta sa buong pamilya, ang mga munting tindahan na ito
ang naging takbuhan nila upang mapunan ang lahat ng iyon. Ngunit sa hindi inaasahang
pagdating nang malupit na pandemya ay hindi naging handa ang mga katulad nilang simpleng
negosyante para harapin ito. Kaya’t ang mga mananaliksik ng pag- aaral na ito, dala ng kanilang
kagustuhan na maisatinig ang mga hinaing nang di gaanong pansin na mga tindero/tindera ay
pinagbuti ang pagkuha ng mga datos upang masuportahan ang kanilang pag-aaral hinggil sa
problemang ito.

At ang mga naturang mananaliksik na ito ay mga mag aaral sa ika unang antas ng
kolehiyo sa ilalim ng kursong Sekondaryang Edukasyon sa larangan ng Matematika mula sa
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Bansud Branch na nagkaroon ng pagninilay nilay na
maibalangakas sa isang pananaliksik ang kalagayan ng mga tinging pamilihan o sari-sari store
ngayong panahon ng pandemya.
RASYONAL AT KALIGIRAN NG PAG- AARAL

Sa Barangay Poblacion Bansud, Oriental Mindoro, parte na ng pamumuhay ang mga


munting tindahan kung saan ay makabibili ka ng mga sari-saring pangmeryenda o ‘di kaya ay
takbuhan sa pagbili ng mga kulang na sangkap sa mga putaheng iyong ihahanda, at mga agarang
pangangailangan sa bahay. Sa bawat pagtawag ng “Pabili po!”, makakabili ka na agad dahil
siguradong ang hanap mo ay naroroon.

Pero sa hindi inaasahang panahon, dumating ang pandemyang nagpabago sa mga pang-
araw-araw nating gawain at tila ba nagpahinto sa buong mundo. At sa krisis na ito, kabilang sa
mga naapektuhan ang mga maliliit na tindahan.

Kasabay ng pagdedeklara ng community quarantine sa Barangay Poblacion Bansud,


Oriental Mindoro noong Marso, karamihan sa mga tindahan ay nakaranas ng mga pagbabago sa
kanilang negosyo at nasubok ang kanilang kakayahan sa pagpapatakbo ng kanilang tindahan.
Dahil nahinto ng bahagya ang daloy ng transportasyon kasabay ng pagkakaroon ng limitadong
supply ng mga produkto, naging isang pagsubok sa mga sari-sari store owners ang pamimili ng
kanilang imbentaryo. Dumagdag pa rito ang mahabang pila na kanilang nararanasan tuwing
namimili, pati na rin ang panganib na magkaroon ng sakit sa paglabas ng kanilang bahay.

Maliban sa limitadong kilos, ang pagbaba ng benta at kita ang pinakamabigat na


pagsubok na kanilang nararanasan simula ng nagkaroon ng pandemya. Ang madalang na
paglabas ng mga mamimili bilang pagsunod sa community quarantine at pagbabago sa pamimili
ng mga konsyumer ay nagdulot ng matumal na kita at kakulangan sa puhunan para sa tindahan.
Kaya naman, may mga sari-sari store owners na piniling magsara muna. Ngunit para sa ilang
negosyante, tuloy pa rin ang pagtitindahan sa panahaon na katulad nito.

Dahil kasama sa kanilang trabaho ang pakikisalamuha sa ibang tao, doble na rin ang pag-
iingat ng mga may ari ng sari sari stores para hindi magkasakit. Ang ilan ay naglagay ng harang
o plastic cover sa harapan ng kanilang tindahan katulad na rin ng pinatupad na ordinansa ng
gobyerno bilang proteksyon sa kanila at sa kanilang mga mamimili.

Sa kabila ng pagpapatuloy ng community quarantine, nagsimula ring magbukas ang iba’t


ibang mga oportunidad para sa mga sari-sari store owners. May ilan sa kanila na nagdagdag ng
mga paninda gaya ng mga gulay, prutas, at meat products na nakatulong para sa dagdag kita at
para hindi na lumayo pa ang mga mamimili para makabili ng mga ito. May ilan din na
nagsimulang mag-alok ng mga mobile services gaya ng loading, bills payment, at iba pa. Tunay
nga na sa harap ng krisis, mas lumalabas ang pagiging madiskarte at matatag ng mga Pilipino, ng
mga negosyante. Sa kabila ng pagsubok, tayo ay nakakahanap ng paraan para makabangon mula
rito.

Kaya’t tatalakayin sa pag-aaral na ito ang iba pang mga epekto ng pandemya sa mga
piling tindahan ito man ay masama o mabuti upang mapatunayan ang katatagan nating mga
Pilipino.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong maipabatid sa lahat ang naging kalagayan ng mga
sari-sari store sa Poblacion Bansud, Oriental Mindoro ngayong panahon ng pandemya at ito rin
ay naglalayong masagot ang mga sumusunod na katanungan:

 Ano ang demograpikong propayl ng mga respondents base sa kanilang edad at kasarian?
 Ano ang kalagayan ng mga sari- sari store sa Brngy. Poblacion, Bansud Oriental Mindoro
sa gitna ng pandemya base sa mga epektong dulot nito?
 Paano nakatutulong ang pagkakaroon ng maliit na tindahan bilang pangkabuhayan bago
at sa pagdating ng pandemya?
 Ano-anong mga aksyon ang kanilang ginawa upang mapanatili ang pagtakbo ng kanilang
tindahan?

LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAG- AARAL

Ang Pananalisik na ito ay nag-lalayong malaman ang kahalagahan ng Industriya


ng Poblacion, Bansud Oriental Mindoro sa Panahon ng Pandemya. Maraming mga negosyo ang
nagsara dahil sa dulot ng Pandemya malaki man o maliit na negosyo ay naapektuhan ng
pandemya maraming negosyo ang nag-sara dahil sa pagkalugi pero mas naapektuhan nito ang
maliliit na negosyo tulad ng maliliit na tindahan. Sa poblacion karamihan sa mga negosyo ay ang
pagtayo ng sari-sari store dahil mabilis matayo at kahit kunting puhunan lang ay
makakapagpatayo na agad. Naglalayon din ang pananaliksik na ito na malaman kung gaano
nakaapekto ang Pandemya sa mga maliliit na tindahan lalo na sa Poblacion Bansud ta gaano ito
nakaapekto sa industriya ng bansud.

Ang kahalagahan ng pag-aaral nito ay malalaman natin kung nao ng ba ang saloobin ng
mga malili na negosyante sa poblacion bansud sa pagdating ng pandemya at paano sila gumawa
ng paraaan para ,masolusyunan ang nasabing problema. Nais din naming mag-aaral na malaman
ang kalagayang ng indutriya para naman malaman namin ang buhay sa panahon ng pandemya.
Mahalaga ang pag-aaral na ito dahil ito ang napapanahong isyu na talaga naming naka-apekto sa
industriya ng Pilipinas at sa buong mundo.

TEORITIKAL NA GABAY AT KONSEPTUWAL NA BALANGKAS


KABANATA II: REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT
PAG-AARAL

MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Ipinakita ni Arivas, R. et al. (2014) na ang impormal na sector ng industriya na hindi


nakarehistro sa pamahalaan, hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinita sa operasyon ng negosyo
at hindi nakpaloob sa legal at pormal na balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa negosyo.
Ilan sa mga kabilang sa impormal na sektor ay ang mga walang sapat na edukasyon at
kasanayan.

Sa pamamagitan ng impormal na sektor, nabibigyang pagkakataon ang maraming


Pilipino na maghanap-buhay at dahil ditto nagpupunta ang mga manggagawa na walang trabaho
dahil sa pagsara ng kompanyang pinapasukan. Ayon pa kay Arivas, ang impormal na sektor
bilang tugon a hindi mabuting epekto ng globalisasyon. Sinasalo ng impormal na sektor ang
biktima ng globalisasyon ang ilan sa pansamantalang mga nawalan ng trabaho ay ang pagpasok
sa negosyo ng buy and sell, pagiging trabahador sa konstruksyon, kahalili o karelyebo sa
pamamasada ng sasakyan, pagtitinda at iba pa.

Nauugnay ito sa pananaliksik tungkol sa industriyal na kalagayan ng mga sari- sari store
dahil karamihan sa mga ito ay hindi nakarehistro. Bagaman ang ibang uri ng tindahan ay
nakarehistro. Mapapansin pa rin natin na ang mga sari-sari store sa mga liblib na pook ay
pinipiling hindi na magparehistro. Sapagkat dagdag isipin
KABANATA III: METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN

DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

You might also like