pamayanang agricultural na malapit sa kabundukang elsburz at zagrosng turkiya.
- noong 4000 b.k ng
lumikas sila sa kapatagan ng ilog tigris at euphrates. Lokasyon Nabibilang ito sa tinatawag na Fertile Crescent. Matatagpuan sa Mesopotamia, ang kasalukuyang Iraq. Ang salitang “Mesopotamia” ay hango sa salitang Greek na “meso” at “potamos” na ang ibig sabihin ay “pagitan” at “ilog”. Katagiang Pisikal
Lambak sa pagitan ng ilog
Tigris at Euphrates, na kung saan ang mga ilog nito ang nagsisilbing hangganan ng kanilang nasasakupan. May bundok sa Hilagang bahagi, tubig sa Silangan at Kanluran, at disyerto sa Timog. Pamayanang Naitatag
Mga bayan ng Kish, Ur, Larak,
Nippur at Lagash ang pangunahing pamayanan ng kabihasnang Sumer.
Ang Mesopotamia ang kinilala
bilang “cradle of civilization” dahil dito umusbong ang sibilisadong lupain ng mga tao. Uri Ng Pamumuhay Ang pamumuhay ay nakasentro sa agrikultura at kalakalan. Sila ay sumasamba sa maraming diyos at diyosa. Ang mga bayan ay may kani- kanilang pamumuno na hindi nakakaisa kaya madalas ang digmaan sa pagitan ng mga bayan. Sistema Ng Pagsulat Ang paraan ng kanilang pagsulat ay tinatawag na “Cuneiform” na isinusulat sa clay tablet gamit ang pinatulis na tangkay ng damo.
Ang salitang cuneiform ay galing
sa Latin na salitang cuneus na ibig sabihin ay “sinsel” at porma na ibig sabihin ay “hugis” Ambag At Kontribusyon
Ang mga Sumerian ang
sinasabing pinaka-unang gumamit ng gulong sa pagdadala ng mga kalakal nila sa ibang lugar. Paggamit ng “potter’s wheel” sa paggawa ng banga. Paggamit ng araro sa pagtatanim. Paggamit ng arko o “arch” sa kanilang istruktura upang mapanatili ang tibay nito. Ang sistema ng patubig o “irrigation” para sa kanilang pananim, AND I HOPE THAT YOU WILL HAVE A WONDERFUL DAY ☺