Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Rendell Nero M.

Morales BSOAOUMN 1-1

1. Ano ang naging epekto ng edukasyong kolonyal sa pag-iisip ng mga Filipino?

Nagdulot ng malaking pagbabago ang edukasyong pinakilala ng mga Espanyol sa mga Pilipino.
Nagbukas ito sa mga isipan ng mga Pilipino sa kahalagahan ng edukasyon para sa kaunlaran ng
buhay ng tao ngunit sa kabilang banda ay may negatibong epekto ito sa mga Pilipino. Bumaba rin
ang tingin ng marami sa sariling kultura at wika dahil tumatak din sa mga kaisipan ng mga Pilipino
na higit na mas maganda ang kultura at wika ng mga banyaga kaysa sa sariling atin. Sa
kadahilanang ito pinilit ng mga Pilipinong mamuhay na parang mga Espanyol at binaba ang
pagtingin sa sariling atin lalo na sa mga pangkaraniwang Pilipino. Naging basehan na rin ng
kagandahan at kakisigan ang kulay ng balat, katawan, kasuotan at itsura. Pinababa rin ang katayuan
ng pagtingin sa kababaihan at binago ang iba’t ibang kultura at tradisyon.

2. Magbigay ng tatlong epekto ng nabanggit na sistemang pang-edukasyon mula sa kasalukuyang


panahon at ipaliwanag.

English Only Policy - Sa kasalukuyang panahon maraming mga eskwelahan ang nagpapatupad
ng tinatawag na “English Only Policy” kung saan ang maaari lamang lumabas sa bibig mo ay mga
ingles na salita at ipinagbabawal ang pagsasalita ng tagalog. Karamihan sa mga nagpapatupad ng
ganitong patakaran ay ilang mga prestihiyosong mga eskwelehan o unibersidad. Maiintindihan
sana kung sa iisang asignatura lamang ito pinapatupad gaya ng Ingles dahil dito umiikot ang
pinagaaralan sa nasabing asignatura. Ngunit ang pangkalahatan at palagi ang pagpapatupad nito
ay tila ba nagaalis sa ating karapatan bilang isang Pilipino. Ito ay pumipigil sa atin na mas
payabungin pa ang ating kaalaman at kakahayahan sa pagsasalita ng ating sariling wika at tila ba
mas pinapahalagahan pa ang wikang dayuhan. Ito rin ay nagiging dahilan ng pagiging “conyo” ng
ilan sa atin dahil nga sa nasanay sila simula ng bata pa sila na magsalitang ingles ay para bang sila
ay hirap magsalita ng tagalog at dahil sa mga patakarang ganito ay lalo pa silang sinasanay sa
pagsasalita ng wikang ingles imbes na sila ay turuan at mas paunlarin pa ang kanilang mga
kakayahan sa pagsambit ng ating sariling wika.
Ang tangkang pagtanggal ng Filipino at Panitikan bilang Mandatory Subjects sa Kolehiyo -
Noong nakaraang taon, naging isang malaking issue ang pagtatangkang pagtanggal ng
Commission on Higher Education o CHED sa Filipino at Panitikan bilang mga core subjects sa
kolehiyo. Ngunit maraming mga grupo ang pumigil dito dahil nga samaaaring mga maging
negatibong epekto nito sa mga mag-aaral sa sa mga susunod pang henerasyon. Isa na rito ang
pinakahuling resulta ng National Achievement Testo NAT kung saan bagsak ang karamihan ng
estudyante sa nasabing asignatura at kung sakaling tatangalin pa ito ano nalang ang kanilang
matututunan at maisasagot. Isipin nalang na ngayong mayroon nga nitong mga asignatura na ito
ay bumabagsak pa ang mga estudyante paano nalang kung ito at tatanggaling pa bilang isang
mandatory subject, mas lalong wala nang naging kaalaman ang mga mag-aaral tungkol dito at
hindi na mapapaunlad ang kanilang kaalaman tungkol sa ating bansa, sa ating wikang Filipino.

Hindi pagtangkilik sa sariling atin - Isa sa mga naging epekto ng nabanggit na sistemang pang-
edukasyon na hanggang ngayon ay tinataglay nating mga Pilipino ay ang ating “Colonial
Mentality” o Isip Kolonyal na nangangahulugang pagtangkilik natin sa kultura at produkto ng
ibang bansa kaysa sa sariling atin. Hinubog at ipinakita sa atin ng pagsakop ng mga Amerikano
dito sa Pilipinas na sila ay mas higit sa atin kung kaya’t tayo ay kanilang naging mga puppet o
anino na patuloy na tumatangkilik sa kanilang mga nagawa dahil nakatatak na sa ating isipan na
basta sila ang gumawa ito ay maganda at mahusay. Kung kaya’t ang nagiging resulta niyo ay ang
pagkalugi ng ilang mga negosyanteng Pilipino dahil sa hindi nating pagsuporta ng mga sariling
atin o mgagawang Pilipino at ang mas pag idolo sa mga gawang dayuhan na nagiging dahilan ng
patuloy na pagbagsak ng ating ekonomiya.

3. Batay sa iyong pagkakaunawa, ano ang nakikitang mong solusyon sa lisyang edukasyon ng mga
Filipino?

Ang mga maling ideya at pagtangkilik sa mga banyaga ay dapat na nating wakasan at kumilos na
hangga’t maaga pa at hangga’t may mga artikulo pa tulad ng artikulong ito na may kakayahang
magmulat sa ating mga isipan sa kung ano nga ba talaga ang naging dulot sa atin ng pananakop ng
mga dayuhan. Ang mga kabataan ang maaring magpatuloy at gumawa ng solusyong ukol sa
lisyong edukasyon ng mga Filipino ngunit dapat ay ngayon palang baguhin na natin ang
edukasyong pinamana sa atin ng mga mananakop at bumuo ng sistema na nagmula mismo sa atin.
Dapat na natin alisin ang isang uri ng edukasyon na mayroong maling ideya ukol sa kung ano nga
baang talagang kailangan ng lipunan. Nararapat lamang na alamin nating kung ano ba talaga ang
kahulugan ng pagiging isang Pilipino at mas payabungin at paunlarin paang kulturang mayroon
tayo at pag-aralan pa ang ating mga wika upang mas umunlad ang ating edukasyon at bansa at
hindi na tayo maging anino pa ng kung sino man.

You might also like