Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

Senior High School

Pagsulat sa Filipino
sa Piling Larang
(Akademik)
Kuwarter 2 - Modyul 6:
Akademikong Sulatin:
Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Filipino – Ikalabindalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Kuwarter 2 -Modyul 6: Akademikong Sulatin: Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay
Unang Edisyon 2020

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.Gayunman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.”
Ang mga hiniram na materyales ( awit, kuwento, tula, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari
ng mga iyon.
Pinagsikapang matunton upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng mga materyales o
mga kagamitang pampagtuturo na nasa online o sa mga aklat at iba pa . Hindi inangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang pagmamay-ari ng mga ito.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Alain Del B. Pascua

Mga Bumubuo ng Modyul para sa Mag-aaral

Manunulat: Teresa P. Mingo PhD, Aileen P. Matundan


Mga Tagasuri: Anita M. Gomez, PSDS
Maria Dulce Cuerquiz, MT, Sol P. Aceron PhD
Leonor C. Reyes, Aniceta T. Batallones
Mga Tagaguhit at Nag-layout: Mr. Ryan Roa, Ms. Mary Sieras
Mr. Allan Guibone, Mrs. Alma Sheila Alorro
Leonor C. Reyes
Mga Tagapangasiwa
Tagapangulo: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Panrehiyong Direktor

Pangalawang Tagapangulo: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V


Pumapangalawang Panrehiyong Direktor
Cherry Mae L. Limbaco, PhD, CESO V
Tagapamanihala
Rowena H. Paraon, PhD
Pumapangalawang Tagapamanihala
Mala Epra B. Magnaong, Hepe ES, CLMD

Mga Miyembro: Lorebina C. Carrasco, OIC-CID Chief


Sol P. Aceron, Ph.D, EPS-Filipino
Brenda P. Galarpe, SSP- 1
Marisa D. Cayetuna,P-1
Aniceta T. Batallones, MAFIL
Leonor C. Reyes, MAEDFIL
Joel D. Potane, LRMS Manager
Lanie O. Signo, Librarian II
Gemma Pajayon, PDO II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Cagayan de Oro
Office Address: Fr. William F. Masterson Ave Upper Balulang Cagayan de Oro Telephone Nos.:
(08822)855-0048
E-mail Address: cagayandeoro.city@deped.gov.ph
Senior High School

Pagsulat sa Filipino sa
Piling Larang
(Akademik)
Kuwarter 2 - Modyul 6:
Akademikong Sulatin:
Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay
Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa
mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan. Hinihikayat naming ang mga guro
at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag- email ng inyong mga puna at mungkahi
sa Kagawaran ng Edukasyon sa depeddivofcdo@gmail.com
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


FAIR USE AND CONTENT DISCLAIMER: This module is for educational purposes only.
Borrowed materials (i.e. songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright holders.
The publisher and authors do not represent nor claim ownership over them. Sincerest
appreciation to those who have made significant contributions to this module.
Talaan ng Nilalaman

Para saan ang modyul na ito ………………………………………………………….i


Ano ang Inaasahan Mo ………………………………………………………………..i
Paano Mo Matutunan…………………………………………………………………..i
Mga Icon ng Modyul………………………………………………………………….. ii
Ano ang Nalalaman Mo……………………………………………………………….iii

Aralin 1: Akademikong Sulatin: Pagsulat ng Lakbay - Sanaysay

Alamin……………………………………………………………………………1
Subukin: Pagsusunod-sunod sa Titik…………………………………………1
Balikan: Pagpapahayag sa Pagsusuri sa Sarili……………………………...1
Tuklasin: Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay……………………………………..2
Suriin: Pagsagot sa Tanong …………………………………………………...5
Pagyamanin : Pagpapanood ng Lakbay-Sanaysay Video
Pagbabasa Lakbay-Sanaysay Gamit Ang Link ..……………………………6
Isaisip: Pagbabahagi sa Sariling Karanasan…………………………………6
Isagawa:Pagsulat ng Sariling Lakbay_Sanaysay…………………………….6
Tayahin ………………………………... ………………………………………..7
Susi sa Pagwawasto…………………………………………………………….8
Para Saan ang Modyul na Ito

Matutunghayan sa modyul na ito ang nilalaman at ang mga pamamaraan sa


pagsulat ng isang Lakbay – Sanaysay.

Sadyang inihanda ang modyul na ito upang makatuklas ng mga bagong kaalaman
sa pagsulat ng paksa. Ang mga gawain ay maingat na inihanda upang lubos na malinang
ang kakayahan sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, pagsusulat at panonood.
Tutulungan ka ng modyul na ito na matukoy ang kahulugan at kabuluhan ng mga konsepto
sa wastong pagsulat ng Lakbay - Sanaysay.

Sa aralin ding ito, pinag-uusapan ang kahalagahan ng pagbabahagi ng mga


karanasan sa paglalakbay at ipinapakita kung paano binabalangkas ang bawat bahagi
ng modyul upang malinang at maisakatuparan ang mga layuning nabanggit para sa mga
mag-aaral na gagamit nito.

Ano ang Inaasahan Mo


Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay:
1.Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko (CS_FA11/12PB-0m-o-102)
2.Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling
sulatin.(CS_FA11/12PT-0m-o-90)
3.Natitiyak ang mga elemento ng pinanood na programang pampaglalakbay.
(CS_FA11/12PD-0m-o-89)

Paano Mo Matutunan

Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:

• Basahin at unawaing mabuti ang mga konseptong pangkasanayan.


• Sundin ang mga bawat panuto na ibinibigay sa bawat gawain at pagsasanay.
• Sagutin ang lahat ng mga ibinibigay na gawain at pagsasanay.

i
Mga Icon ng Modyul
ALAMIN Inihanay ang mga layunin sa aralin .Mahalagang
maunawaan ng mga mag-aaral kung ano ang
maaasahan nila sa aralin.
SUBUKIN Panimulang pagtataya o gawain upang matukoy ang
lawak ng kaalaman ng mag-aaral ukol sa tatalakaying
paksa.

BALIKAN Binabalikan ang mga dating kaalaman ng mga mag-


aaral tungkol sa paksa ng bawat aralin. Mahalagang
matukoy ito upang matiyak na may napadagdag pang
kaalaman.
TUKLASIN Inilalahad dito ang mismong aralin sa pamamagitan
ng kwento, pagsasanay ,tula, awitin ,sitwasyon at iba
pang paraan .Ginagalugad dito ang mga ideyang
magkikintal ng mahalagang kaisipan.
SURIIN Inilalahad dito ang mga tanong sa sumusubok sa
pagkaunawa ng mag-aaral sa aralin.Maaari rin itong
pagtalakay sa paksa.

PAGYAMANIN Makapagsagawa ang mga mag-aaral ng mga


gawaing magpapatotoo ng kanilang natutuhan.
Magtitipon sila ng kanilang likhang mga sulatin at
gawain batay sa natutunan sa aralin.

ISAISIP Patutunayan ng mga mag-aaral ang karunungan at


kaalamang kanyang natutunan sa pamamagitan ng
pagsusulit ,gawain at pagsasanay.

ISAGAWA Pagtitipon ng mga natamong kaalaman at kasanayan


ng mga mag-aaral sa gawaing replektibo upang
mailalapat sa tunay na buhay.

TAYAHIN Tatayain ang mga mag-aaral ayon sa antas ng


pagkatuto mula sa natamong kasanayan .

KARAGDAGANG Mabibigyan ng karagdagang pagsasanay upang


GAWAIN malinang ang kakayahang pampagkatuto ng mga
mag-aaral .

SUSI SA Mga kasagutan sa anumang pagtataya,pagsasanay at


PAGWAWASTO mga Gawain

ii
Ano ang Nalalaman Mo

Panimulang Pagtataya

Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman sa nilalaman ng modyul na
ito. Sagutin mo ang lahat ng aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sasagutang papel.

1. Ito ay itinuturing na isang mahalagang libangang isinasagawa ng marami na kung


saan pupunta sa isang lugar__________.
a.pagsasadula b.paglalakbay c.pag-aawit d.pagsasayaw

2. Ito ay sang matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa__________.


a.sanaysay b.talumpati c.nobela d.maikling kuwento

3. Ito ay isang uri ng lathalaing ang pangunahing layunin ay maitala ang mga karanasan
sa paglalakbay.
a.sanaysay b.nobela c.lakbay-sanaysay d.paggawa ng iskrip

4. Ang taong susulat ng lakbay-sanaysay ay dapat may mga sumusunod na gamit maliban
sa isa___________.
a. panulat b. dyornal c. kamera d.radyo

5. Ang mga sumusunod ay konsepto ng sanaylakbay maliban sa isa______________.


a.pasalaysay b.sanay c.sanaysay d.lakbay

6. Ang paggawa nito ay maituturing na isang libangan at gayundin naman ay maaaring


pagkakitaan.
a. travelogue b. blog c. travel blog d. tour

7. Isa sa mga dapat taglayin sa pagsulat ng lakbay-sanaysay na kung saan nilalagyan ng


maikling deskripsyon.
a.dyornal b.sanaysay c.larawan d.blog

8. Sa pagsulat ng lakbay-sanaysay ay dapat maging _______ sa paglalatag ng mga


impormasyon.
a.obhetibo b.organisado c.malinaw d.malaman

9. Ang mga kasanayan sa paggamit ng wika sa pagsulat ng sanaysay maliban sa isa___.


a.malinaw b. malaman/Obhetibo c.organisado d.walang bisa

10. Ang mga sumusunod ay mga dahilan sa pagsulat ng lakbay-sanaysay maliban sa isa
_____.
a. itaguyod ang isang lugar b.pansariling kasaysayan
c. maidokumento ang kasaysayan d.kawilihan lamang

iii
Aralin Akademikong Sulatin:
1 Pagsulat ng Lakbay -Sanaysay
Baitang : 12 Markahan: Ikalawa
Panahong Igugugol: Ikalabintatlong Linggo

Alamin

Inaasahang pagkatapos ng aralin na ito ang mga mag-aaral ay:

1.Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko. CS_FA11/12PB-Om-o-102


2.Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling
sulatin. CS_FA11/12PT-Om-o-90
3.Natitiyak ang mga elemento ng pinanood na programang pampaglalakbay.
CS_FA11/12PD-Om-o-89

Subukin
Panuto : Pagsusunod-sunurin ang pinaghalong titik upang makabuo ng salita..
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

ATALTAGAP 1. Isang paraan ng manunulat na maibahagi ang karanasan


at kasiyahan sa paglalakbay.
BYAKLA SAYNASYA 2. Uri ng lathalain na ang pangunahing layunin ay maitala ang mga
naging karanasan sa paglalakbay.
LAGBYAPLKAA 3. Ito ay laging kinapapalooban ng mayamang karanasan at punumpuno
ng masasayang pangyayari ,pagkamangha,o paghanga sa magagandang lugar na unang
napuntahan , mga alaalang magiging bahagi ng buhay ng isang manlalakbay.
BYALAMAKNLA 4.Kaisipan ng paglalakbay na unawain ang pang-araw-araw
na pamumuhay ng isang tao .
EYONIURDS 5. Ang pagtataglay ng sapat na kaalaman at pagkatuto sa
isang paglalakbay.

Balikan
Panuto: Pagpapahayag sa pagsusuri sa sarili. Isulat ito sa sagutang papel at
sundin ang klaster sa ibaba.

Natalakay natin ang Replektibong Sanaysay sa ika-5 modyul at ayon kay Socrates
na isang kilalang pilosopo , ang pangunahing daan upang maging matagumpay sa buhay ay
ang makilala ang sarili ( Know Thyself) . Sa pagkilala ng sarili ay mahalagang makagawian
ang introspeksyon o pagbubulay-bulay tungkol sa sariling buhay . Kung susuriin mo ang iyong
sarili sa kasalukuyan bilang mag-aaral na humaharap sa “New Normal” na sitwasyon bunga
ng COVID 19 Pandemiya , masasabi mo bang nahuhubog nga sa iyo ang kasanayang dapat
taglayin ng isang mag-aaral sa ika-21 siglo ? Magbanggit ng mga paraan kung paanong lalo
pang mahuhubog sa mga kabataang tulad mo ang mga nasabing kasanayan sa gitna ng
pandemiya. Isulat ito sa sagutang papel sa pamaraang klaster.

1
Paraan sa Paghuhubog ng
mga kasanayang Dapat
Taglayin ng Kabataan sa ika-
21 siglo

Tuklasin

Mahilig ka bang maglakbay o mamasyal sa iba’t ibang lugar? Ano-ano sa mga


lugar na napuntahan mo ang iyong labis na naibigan?
Sa kasalukuyan,ang paglalakbay o pagsasagawa ng tour ay itinuturing nang isang
mahalagang libangang isinasagawa ng marami.

Ang Lakbay-Sanaysay ay tinatawag ding travel essay o travelogue. Ito ay isang


uri ng lathalaing ang pangunahing layunin ay maitala ang mga karanasan sa paglalakbay.
Ayon kay Nonon Carandang, ito ay tinawag niyang sanaylakbay kung saan ang
terminolohiyang ito, ayon sa kanya ,ay binubuo ng tatlong konsepto:sanaysay,sanay at
lakbay. Naniniwala siyang ang sanaysay ang pinakaepektibong pormat ng sulatin upang
maitala ang mga naranasan sa paglalakbay.

Mga Dahilan ng Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay


Ayon kay Dr. Lilia Antonio ;et.al sa kanilang aklat na Malikhaing Sanaysay (2013)
may apat na pangunahing dahilan ng pagsusulat ng Lakbay-Sanaysay:
1.Upang itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat. Halimbawa nito ay ang travel
blog
2.Layunin din nitong makalikha ng patnubay para sa mga posibleng manlalakbay.
3.Maaari ring itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay tulad ng espiritwalidad,
pagpapahilom , o kaya ay pagtuklas sa sarili . Kadalasang naisasagawa ito sa pamamagitan
ng paggamit ng upang maitala ang mga bagong bagay na nakita ,narinig , naranasan at iba
pa sa kanyang ginawang paglalakbay.
4.Upang maidokumento ang kasaysayan, kultura at heograpiya ng lugar sa malikhaing
pamamaraan.

Anuman ang dahilan sa paglalakbay, ang Lakbay-Sanaysay ay kadalasang


naglalaman ng mga tala ng karanasan ng awtor o sumulat sa paglalakbay. Ang
pagtatalang ito ay isang paraan ng manunulat na maibahagi ang karanasan at
kasiyahan sa paglalakbay.

2
Mga Dapat Tandaan Sa Pagsulat Ng Lakbay-Sanaysay:

1.Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na isang turista-


Dapat na isaisip ng taong naglalakbay na siya ay tutungo sa isang lugar hindi
bilang isang turista kundi isang manlalakbay. Ang isang turista ay nagpupunta sa isang lugar
upang maglibang, magliwaliw, at makita ang magandang tanawin ,mga gusali , at iba’t ibang
lugar samantalang para sa isang manlalakbay ay pangalawa na lamang ang mga bagay na
ito. Kasabay sa kanyang paglalakbay sa iba’t ibang lugar ay sinisikap niyang maunawaan ang
kultura , kasaysaysan , heograpiya , hanapbuhay ,pagkain , at maging uri ng pang-araw-araw
na pamumuhay ng isang tao .

2.Sumulat sa unang panauhang punto de-bista-


Tumutukoy sa pagkilala at pagpapakilala sa sarili at sa pagmumuni sa mga
naranasan sa proseso ng paglalakbay. Ayon kay Antonio (2013) , ang susi sa mainam na
pagsulat nito ay ang erudisyon o ang pagtataglay ng sapat na kaalaman at pagkatuto sa isang
paglalakbay.

3. Tukuyin ang pokus ng susulating Lakbay-Sanaysay-


Mahalagang matukoy kung ano ang magiging pokus ng susulating Lakbay-
Sanaysay batay sa human interest. Ang pagtukoy sa tiyak na paksa ay makatutulong upang
matiyak ang sakop ng nilalaman ng Lakbay-Sanaysay. Tinatawag din itong delimitasyon sa
pagsulat ng isang akda.

4.Magtala ng mahahalagang detalye at kumuha ng mga larawan para sa


dokumentasyon habang naglalakbay-
Ang mga pangunahing gamit na dapat dala ng taong susulat ng Lakbay- Sanaysay
ay ang panulat, kuwaderno o dyornal at kamera. Mahalaga ito para sa wastong
dokumentasyon ng sanaysay Iwasang maglagay ng napakadetalyadong deskripsyon upang
ito ay kawilihang basahin ng mga mambabasa.

5.Ilahad ang mga realisasyon o mga natutuhan sa ginawang paglalakbay-


Bukod sa paglalahad ng mga karanasan at mga nakita sa paglalakbay , mahalaga
ring maisama sa nilalaman ng sanaysay ang mga bagay na natutuhan habang isinagawa ang
paglalakbay. Ito ay magsisilbing pinakapuso ng sanaysay kung saan dito ibabahagi sa mga
mambabasa ang mga gintong aral na nakuha bunga ng epekto ng ginawang paglalakbay.

6.Gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay-


Mahalagang taglayin ng may-akda ang sapat na kasanayan sa paggamit ng wika.
Sikaping ang susulating sanaysay ay maging malinaw, organisado, lohikal at malaman.
Gumamit ng akmang salita batay sa himig ng lakbay -sanaysay na iyong bubuoin. Maaari ring
gumamit ng mga tayutay , idyoma , o matalinghagang salita upang higit na maging masining
ang pagkakasulat nito. Tiyaking makakukuha ng atensyon ng mambabasa ang iyong
susulating akda. Sa pagsulat ng Lakbay-Sanaysay, maging obhetibo sa paglalatag ng mga
impormasyon. Sikaping mailahad ang katotohanan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga
positibo at negatibong karanasan at maging ng kondisyon ng lugar na pinuntahan.
Ailene,Baisa-Julian et.al Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan(Akademik )Phoenix Publishing 2016

3
Suriin
Basahin ang halimbawa ng Lakbay - Sanaysay at sagutin ang mga
katanungan.
BAGUIO TRIP
Bilang isang kabataan, nais kong pumunta
sa iba’t ibang lugar na may iba’t ibang tanawin.
Lalong- lalo na ang mga lugar na talaga namang
tinatangkilik ng mga turista, mapadayuhan man na
galing ibang bansa o yung mga taong doon na
mismo sa lugar na yon lumaki at nagkaisip. Hindi
ko ginagawa ito upang magbakasyon lamang at
magmuni – muni kundi para malaman ko kung
saan at paano nga ba ganoon ang tawag sa lugar
na iyon. At bakit nga ba ito tinatangkilik at dinadayo
ng mga turista. Masayamg gawin ito pag kasama
mo ang mga mahal mo sa buhay lalong lalo na
ang pamilya. Dahil ang pamilya ay isang pinakamahalaga at magandang regalo sa
atin ng Panginoong Hesukristo, ang pamilya ang siyang masasandalan mo sa oras na
ikaw ay may problema.
Isa sa napuntahan ko kasama ang aking
pamilya ay ang lugar na Baguio. Ang Baguio ay isa
sa mga sikat na lugar dito sa Pilipinas lalong lalo
na sa North Luzon, kilala ito bilang Summer Capital
of the Philippines hindi dahil mainit dito ngunit dahil
napakalamig dito lalong lalo na kapag bumagsak
ang temperatura dito kapag sumasapit na ang
kapaskuhan. Talaga namang dinadayo ito ng
maramimg tao dahil para sa kanila dito masarap
ipagdiwang ang Kapaskuhan kasama ang iyong
mga mahal sa buhay.
Sanggunian: https://http543.wordpress.com/2016/10/17/lakbay-sanaysay-baguio-trip/

Ngunit hindi namin ito pinuntahan noong


panahon ng kapaskuhan bagkus noong unang
araw ng Enero taong 2015. Dahil pagkatapos
naming ipagdiwang ang Bagong Taon ay
nagsimula na kaming gumayak mula Pampanga
hanggang sa makarating kami sa Baguio.
Pumunta kami doon dahil doon nais ng aking
pinsan na ipagdiwang ang kanyang ikapitong
kaarawan. At dahil FIRST TIME naming
magpipinsan na pumunta doon kung kaya’t mas
lalo kaming naexcite na makarating na doon.
Sanggunian: https://http543.wordpress.com/2016/10/17/lakbay-sanaysay-baguio-trip/

4
Isa sa mga pinuntahan namin sa Baguio ay
ang Burnham Park na kung saan dito kamI gumala
ng ilang oras, dito sa lugar na ito ay matatagpuan
ang isang Dancing Fountain at isang parang ilog
na kung saan pwede kang mamangka at maglibot
– libot. Isa rin sa mga napuntahan namin ay
angBotanical Garden, dito sa lugar na ito ay may
mga matatandang Igorot na kung saan pwede ka
sa kanilang magpakuha ng litrato na kasama sila.
Dito mo makikita na hindi nila kinakahiya kung
saan sila nagmula kahit na ganoon ang kanilang
pananamit. At nagpunta rin kami sa Mines View,
ngunit kahit malayo at maraming tao doon
at WORTH IT naman dahil maganda at talaga
namang nakakarelax at mapapahanga ka sa
ganda ng view na iyong nakikita.

Ang huli naming pinuntahan sa Baguio, at ang


huling araw na rin namin doon ay ang Strawberry
Farm. Dito mo matitikman ang masasarap na
strawberry na tinatawag din na Preyas. Sa loob ng
tatlong araw namin sa Baguio ay marami akong
nalaman sa lugar na iyon at dito ko rin nalaman kung
bakit nga ito tinatangkilik ng mga turista.

Sanggunian: https://http543.wordpress.com/2016/10/17/lakbay-sanaysay-baguio-trip/
REALISASYON:

Ang naging realisasyon ko sa aking paglalakbay na ito ay huwag mong


kakalimutan ang mga lugar na talaga namang dapat mong ipagmalaki na sa inyo lang
matatagpuan. Dahil ang mga lugar na ito ang nagpapatunay na masagana ang bansa
niyo sa likas na yaman. Huwag na huwag mong kakalimutan ang iyong pamilya dahil
sila ang magiging kasangga mo sa lahat ng problemang iyong kahaharapin na kahit
na magkaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan at magkasakitan man kayo ng
damdamin ay hinding hindi ka pa rin nila pababayaan at kakalimutan bagkus ay
mamahalin ka pa nila ng lubusan. At higit sa lahat ay magpasalamat tayo sa
Panginoon sa mga Biyayang ating natanggap galing sa kanya. (Kathuson, 2016)

Sanggunian: https://http543.wordpress.com/2016/10/17/lakbay-sanaysay-baguio-trip/

SAGUTIN ANG TANONG: Kopyahin ang mga katanungan at sagutin ito sa


sagutang papel.
1. Bakit sinabing kailangang magkaroon ng kaisipang manlalakbay ang isang
manunulat sa halip na isang turista? Ipaliwanag.

2. Nasunod ba lahat ng manlalakbay ang mga paalala sa pagsulat ng Lakbay –


Sanaysay ? Ipaliwanag ang iyong sagot .

5
Pagyamanin

PAGPAPANOOD NG LAKBAY-SANAYSAY VIDEO AT PAGBABASA NG IBA


PANG HALIMBAWA NG LAKBAY-SANAYSAY GAMIT ANG LINK ..

1.Panoorin ang isang Lakbay-Sanaysay video at itala ang mga sikat na lugar na
pinupuntahan ng mga turista at ang bahagi ng kulturang inilalahad. kung ikaw ang
naglalakbay sa lugar na iyon, ano ang iyong realisasyon? Sagutin ito sa sagutang papel.
https://www.youtube.com/watch?v=9b4oOp3cTE8

2.Basahin ang “ Ang Hiwaga ng El Nido ,Palawan “ Lakbay-Sanaysay ni: AC Santos at


pagsusunod-sunurin ang mga lugar na kanyang pinuntahan sa

https://galalakbaylakad.wordpress.com/category/lakbay-sanaysay/

Isaisip
Nakapagbabahagi ng sariling karanasan
Ang buhay ng tao ay punumpuno ng paglalakbay hindi lamang sa magagandang lugar
kundi maging sa kanyang mga nararanasan sa buhay. Ibahagi ang isang yugto o pangyayari
sa iyong buhay na nakapag-iwan nang malaking aral at marka sa iyong pusong alam mong
makatutulong sa iyo upang lalo kang magpunyagi sa buhay at patuloy na maglakbay sa
mundong ating ginagalawan. Isulat ito sa papel.

Isagawa

Pagsulat ng Sariling Lakbay-Sanaysay

Panuto: Sumulat ng karanasan sa sarili mong paglalakbay sa ating bayan o saanmang


panig ng mundo. Sundin ang mga paraan sa pagsulat nito. Lakipan mo ito ng iyong mga
larawang kuha sa paglalakbay. Lagyan ng pamagat at isulat sa bondpaper o sagutang papel..
Sundin ang rubriks sa pagmamarka sa susunod na pahina.
Pamantayan Puntos
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat Lakbay- 10
Sanaysay.
Nakasusulat ng organisado , malikhain at kahika-hikayat na Lakbay- 10
Sanaysay.
Nakasusulat ng Lakbay-Sanaysay batay sa maingat ,wasto , at angkop na 10
paggamit ng wika .
Makatotohanan ang nabuong Lakbay-Sanaysay. 10
Kabuoang Puntos 40

6
Tayahin
Pangwakas na Pagtataya:
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng katotohanan at kung ito ay
MALI ,ilapat mo ang tamang sagot .
Hal: Lakbay-Sanaysay 1. Ang Pagtatalumpati ay tinatawag ding travel essay o
travelogue. Ito ay isang uri ng lathalaing ang pangunahing layunin ay maitala ang mga
karanasan sa paglalakbay.

1. Tinawag ito ni Carandang na paglalakbay kung saan ang terminolohiyang ito, ayon sa kanya
,ay binubuo ng tatlong konsepto:sanaysay, sanay at lakbay. Naniniwala siyang ang sanaysay ang
pinakaepektibong pormat ng sulatin upang maitala ang mga naranasan sa paglalakbay.

2. .Maaari ring itala ang panlipunang kasaysayan sa paglalakbay tulad ng espiritwalidad,


pagpapahilom , o kaya ay pagtuklas sa sarili . Kadalasang naisasagawa ito sa pamamagitan ng
paggamit ng upang maitala ang mga bagong bagay na nakita ,narinig , naranasan at iba pa sa
kanyang ginawang paglalakbay.

3. Mahalagang taglayin ng may-akda ang sapat na kasanayan sa paggamit ng wika. Sikaping ang
susulating sanaysay ay maging malinaw, organisado, lohikal at malaman.

4. Maging subhetibo sa paglalatag ng mga impormasyon. Sikaping mailahad ang katotohanan sa


pamamagitan ng paglalahad ng mga positibo at negatibong karanasan at maging ng kondisyon
ng lugar na pinuntahan

5. .Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na isang turista, dapat na isaisip ng taong


naglalakbay na siya ay tutungo sa isang lugar hindi bilang isang turista kundi isang manlalakbay.

6. Ang pagtukoy sa tiyak na paksa ay makatutulong upang matiyak ang sakop ng nilalaman ng
Lakbay-Sanaysay. Tinatawag din itong kongklusyon sa pagsulat ng isang akda.

7. Ang Lakbay-Sanaysay ay kadalasang naglalaman ng mga tala ng karanasan ng awtor o sumulat


sa paglalakbay. Ang pagtatalang ito ay isang paraan ng manunulat na maibahagi ang karanasan
at kasiyahan sa paglalakbay.
8. Ang dokumentasyon ay magsisilbing pinakapuso ng sanaysay kung saan dito ibabahagi sa
mga mambabasa ang mga gintong aral na nakuha bunga ng epekto ng ginawang paglalakbay.

9. Kasabay sa paglalakbay sa iba’t ibang lugar ay sinisikap na maunawaan ang kultura ,


kasaysaysan , heograpiya , hanapbuhay ,pagkain , at maging uri ng pang-araw-araw na
pamumuhay ng isang tao .

10.Ang mga pangunahing gamit na dapat dala ng taong susulat ng Lakbay- Sanaysay ay ang
panulat, kuwaderno o dyornal at kamera. Mahalaga ito para sa wastong rekomendasyon ng
sanaysay. Iwasang maglagay ng napakadetalyadong deskripsyon upang ito ay kawilihang basahin
ng mga mambabasa.

7
8
Panimulang Pangwakas na
Pagtataya na Pagtataya
1.B 1.sanaylakbay
2.A 2.pansarili
3.C 3.TAMA
4.D 4.obhetibo
5.A 5.TAMA
6.C 6.delimitasyon
7.C 7.TAMA
8.A 8.realisasyon
9.D 9.TAMA
10.D 10.dokumentasyon
BALIKAN
1.PAGLALAKBAY
2.LAKBAY-SANAYSAY
3.PAGTATALA
4.MANLALAKBAY
5.ERUDISYON
Susi sa Pagwawasto
MGA SANGGUNIAN

Ailene,Baisa-Julian et.al Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling


Larangan(Akademik )Phoenix Publishing 2016

Pamela C.Constantino et.el Filipino sa Piling Larangan (Akademik)Rex


Book Store 2016 Edition

Internet Sites

https://http543.wordpress.com/2016/10/17/lakbay-sanaysay-baguio-trip/

https://www.youtube.com/watch?v=9b4oOp3cTE8

https://galalakbaylakad.wordpress.com/category/lakbay-sanaysay

9
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

DepEd Division of Cagayan de Oro City


Fr. William F. Masterson Ave Upper BalulangCagayan de Oro
Telefax: ((08822)855-0048
E-mail Address: cagayandeoro.city@deped.gov.ph

You might also like