Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Diocesan Schools of Urdaneta

SAINT ANTHONY ABBOT ACADEMY


Villasis, Pangasinan

Unang Markahan

Modyul
sa
Mother Tongue-Based
Multilingual Education
Ika-2 Baitang

Pangalan: ________________________________________________

Seksyon: ________________________________________________

Lagda ng magulang: _______________________________________

1
Diocesan Schools of Urdaneta
SAINT ANTHONY ABBOT ACADEMY
Villasis, Pangasinan

MGA NILALAMAN

Yunit Mga
I Kinagigiliwan Kong Gawin

Aralin 1 …...Pangngalan
Aralin 2 ...…Tiyak at Karaniwang Ngalan ng Tao,
Lugar at ng Pangyayari.
Aralin 3…...Pagbigkas ng Tula
Aralin 4 …...Paglikha ng Sariling Awit
Aralin 5 …...Chant at Rap
Aralin 6 …...Magbugtungan Tayo
Aralin 7 …...Pagtukoy sa Pagkakaiba ng
Katotohanan at Opinyon

2
Yunit I
Aralin 1 … Pangngalan

Ang lahat ng bagay na ating nakikita sa ating paligid ay may pangalan. Sa


aralin na ito, malalaman ninyo kung ano ang pangngalan. Inyo ding matutukoy ang
mga pangngalang ating ginagamit sa pang araw-araw na pamumuhay. Simulan na
natin!

Layunin:
Pagkatapos ng aralin na ito, ang mga mag aaral ay inaasahang:
a. nakakikilala ng pangngalan sa pangungusap;
b. nakasusunod sa mga panuto; at
c. nakabubuo ng pangungusap na may pangngalan.

Pagyamanin mo!

Pagmasdan mo ang iyong paligid. Magbigay ka nga ng limang bagay, tao


o hayop na nakikita mo sa iyong paligid?

___________________________________________________________

___________________________________________________________

Magaling! 3

Ang mga ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari ay


Halimbawa:
1. Si Shawn ay isang mabait na bata.
Ang salitang nasalungguhitan ay ngalan ng tao.
Iba pang halimbawa: Nanay, Ate, Tatay, Kuya, Nars, Guro
2. Ang aking gitara ay nabili kahapon.
Ang salitang nasalungguhitan ay ngalan ng bagay.
Iba pang halimbawa: libro, papel, damit, sapatos
3. Ang alaga kong aso ay kulay puti.
Ang salitang nasalungguhitan ay ngalan ng hayop.
Iba pang halimbawa: pusa, baboy, kalabaw, ahas
4. Kami ay pupunta sa paaralan.
Ang salitang nasalungguhitan ay ngalan ng lugar.
Iba pang halimbawa: mall, simbahan, bayan
5. Bibigyan kita ng regalo sa iyong kaarawan.
Ang salitang nasalungguhitan ay ngalan ng pangyayari.
Iba pang halimbawa: sa araw ng Pasko, fiesta, Bagong Taon
Subukan Natin!
Magbigay ng tig-dalawang halimbawa ng pangngalan. Isulat ang
sagot sa loob ng kahon.
Pangngalan Halimbawa
Tao

Bagay

Hayop

Lugar

Pangyayari

4
Mahusay! Ating tandaan na ang pangngalan ay ngalan ng tao, bagay,
hayop, lugar at pangyayari.

Kaya mo ito!

A. Basahin ang mga pangungusap. Bilugan ang mga pangngalang ginamit


dito.

1. Marami akong kaibigan.


2. Nagpupunta kami sa palaruan tuwing walang pasok.
3. May alagang aso ang aking Kuya Rodel.
4. Maraming tanim na halaman ang aking Nanay.
5. Tuwing Araw ng Kalayaan, nagpupunta kami sa Rizal Park.
B.

C. Bumuo ng pangungusap gamit ang mga pangngalan na nasa kahon.


5
pusa ospital lapis Araw ng Puso bata

1.

2.

3.

4.

5.

Yunit I
6
Aralin 2 … Tiyak at Karaniwang Ngalan ng Tao, Lugar at
Pangyayari

Ang pangngalan ay ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari. Sa


aralin na ito, inyong matutukoy ang tiyak at karaniwang ngalan ng tao, lugar at
pangyayari. Nakapaloob dito ang pangngalang pantangi at pangngalang pambalana
at ang kanilang tamang gamit sa pangungusap. Handa ka na ba? Kung gayon,
simulant na natin!

Layunin:
Pagkatapos ng aralin na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. matutukoy ang pagkakaiba ng pangngalang pantangi at pambalana;
b. nakasusunod sa mga panuto; at
c. nakapagbibigay ng pangungusap gamit ang pangngalang pantangi at
pambalana.

Pagyamanin mo!
Bago natin umpisahan, nais ko munang sagutin ninyo ang mga sumusunod na
katanungan.
1. Ano ang iyong pangalan? __________________________________

2. Saan ka ipinanganak?______________________________________

3. Ano ang hindi mo makakalimutang pangyayari sa buhay mo?


Ang inyong mga sagot ay halimbawa ng pangngalan.

7
Ang inyong mga sagot ay halimbawa ng pangngalan. May dalawang uri
ng pangngalan, ito ay tinatawag na pangngalang pantangi at pangngalang
pambalana.

Pangngalang pambalana ay ginagamit sa pagtukoy ng


karaniwang ngalan ng tao, lugar at pangyayari.
Ito ay sinusulat gamit ang maliit na letra.

Pangngalang pantangi ay ginagamit sa pagtukoy ng tiyak na


ngalan ng tao, lugar at pangyayari.
Ito ay sinusulat gamit ang malaking letra.

Halimbawa sa ngalan ng tao:

Pangngalang Pambalana Pangngalang Pantangi


bata Rina
nanay Nanay Rowena
kapitbahay Aling Marina at Mang Gusting

Halimbawa sa ngalan ng lugar:

Pangngalang Pambalana Pangngalang Pantangi


paaralan Saint Anthony Abbot Academy
mall SM Rosales
barangay Barangay Malico

Halimbawa sa ngalan ng pangyayari:

Pangngalang Pambalana Pangngalang Pantangi


kaarawan August 21, 1998
piyesta Talong Festival
pagdiriwang Araw ng Pasko

8
Subukan Natin!

1. Sa anong letra nagsisimula ang mga pangngalang pambalana?

2. Paano isinusulat ang pangngalang pantangi?

3. Magbigay ka nga ng halimbawa ng pangngalang pambalana at


pangngalang pantangi. Isulat sa loob ng kahon ang sagot.
a. Sa ngalan ng tao.
Pangngalang Pambalana Pangngalang Pantangi

b. Sa ngalan ng lugar.
Pangngalang Pambalana Pangngalang Pantangi

c. Sa ngalan ng pangyayari.
Pangngalang Pambalana Pangngalang Pantangi

Laging tandaan!

Ito ang mga bagay na dapat nating tandaan:


a. Ang pangngalang pambalana ay maaaring
gamitin sa pagtukoy ng di-tiyak na tao, lugar
at pangyayari.
b. Ang pangngalang pambalana ay naisusulat
gamit ang maliit na letra.
c. Ang pangngalang pantangi ay maaaring
gamitin sa pagtukoy sa tiyak na ngalan ng tao,
lugar at pangyayari.
d. Malaking letra ang ginagamit sa pangngalang
pantangi.

9
Kaya mo ito!

A. Basahin ang mga pangungusap. Bilugan ang pangngalang tumutukoy sa


karaniwang pangngalan ng tao.

1. Mabait at matalinong bata si Rina.


2. Agad niyang hinanap ang kaniyang nanay.
3. Inaaya ako ng ating mga kapitbahay na sumama sa paglilinis ng ating paligid.
4. Proyekto ito n gating mga punong-lungsod.
5. Ikuwento mo sa iyong mga kamag-aral at guro ang iyong karanasan.
B. Isulat ang malaking P kung ang pangngalan ay pantangi at maliit na p
kung ito ay pambalana.

1. Ginang Romano
2. punong-guro
3. abogado
4. Atty. Collantes
5. Pangulong Duterte
C. Pagmasdan ninyo ang inyong loob ng bahay. Sumulat ng limang
pangngalang nakikita sa loob ng bahay. Sa tapat nito, isulat kung ito ay
pantangi o pambalana. Pagkatapos, sumulat ng pangungusap gamit ang
mga pangngalan na inyong nakita.

Halimbawa: tuwalya – pambalana

Ang aking tuwalya ay bagong laba.

1.

10
2.

3.

4.

5.

11
D. Basahin ang mga salita nang sabay-sabay. Bilugan ang mga pangngalang
pantanging tumutukoy sa mga sikat na lugar sa ating bansa.

Underground River Boracay dalampasigan


paaralan Rice Terraces Chocolate Hills
Baguio City ilog talampas

E. Magbigay ng mga tiyak na ngalan sa sumusunod na mga ngalan ng lugar


at gamitin din ito sa pangungusap.
Halimbawa : barangay – Barangay Amamperez
Maraming tanim na talong sa Barangay Amamperez.

1.

2.

3.

4.

5.

12
F. Masdan ang mga larawan ng mga pangyayari sa ibaba. Isulat ang
tinutukoy na ngalan ng pangyayari at gamitin ito sa pangungusap.
Isusulat ang pangungusap sa loob ng kahon.
1.

2.

3.

4.

5.

13

You might also like