Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

FILIPINO

PERFORMANCE TASK
I. Buod
MAIKLING BUOD NG ROMEO AT JULIET
Habang nagaganap ang kasiyahan sa bulwagan at habang si Juliet ay nakikipagsayaw ay
nakita siya ni Romeo mula sa hanay ng mga kababaihan. Nabihag ng angking kagandahan ni
Juliet ang puso ni Romeo.
Si Romeo naman ay hindi napigilan ang sarili at nilapitan si Juliet at hinagkan ang kamay
nito at mula noon ay palihim na nagpupunta na si Romeo sa tahanan ng mga Capulet para makita
ang sinisintang dalaga na nabighani at napaibig na rin si Juliet sa taglay na katangian ng binata.
Nagpasya ang magkasintahan na magpakasal sa kabila ng pagkakaalit ng kani-kanilang pamilya.
Ipinagkasundo ng mga magulang si Juliet na magpakasal at makaangasawa ng ibang lalaki
dahil sa ganitong kadahilanan naisipan ni Juliet na magkunwaring patay para makatakas sa
kanyang pamilya subalit ito ay hindi nakarating sa kaalaman ni Romeo na dahil sa labis na
kalungkutan sa inaakalang kamatayan ng kanyang minamahal ay kinausap niya ang isang
butikaryo para sa isang lason na kikitil din sa kanyang buhay. Kaya naman sa muling pagmulat
ng mata ni Juliet at nakita ang walang buhay na si Romeo ay kinuha ang isang balaraw at tinarak
sa kanyang dibdib at tuluyan na ring binawian ng buhay.

II. KAISIPAN NG AKDANG BINASA


Imulat ang mga taong walang ganap na pag-intindi sa mga bagay. Tulad ng kwento
nina Romeo at Juliet, ang kamatayan nila ang naging bunga ng hidwaang walang
tigil sa pagitan ng dalawang pamilya. Nais niya ring ipabatid sa mga kabataan na
hindi laging puno ng saya at kulay ang pagmamahalan, mayroon ding kasamang
lungkot at pighati sa pag-iibigan.

III. PUNA NG NILALAMAN NG BINASANG AKDA


Ang kwento ay pumapaksa sa matinding pagiibigan nina Romeo at Juliet.
Nakadama sila ng matinding pag-ibig sa isa't isa sa kabila ng pamilya nilang may
alitan at ipinaglaban nila ang kanilang pagiibigan hanggang sa kamatayan.

IV. MENSAHE
FILIPINO

Likas sa damdamin ng tao ang pagiging mapagmahal. Tayo ay may malayang


kakayahang umibig ayon sa hatol ng ating pandama. Ngunit sa kabila ng kakayahang
ito, nararapat ding lapatan ang aksiyon ng responsibilidad. Isang mensaheng iniwan
ng nobelang "Romeo and Juliet," ang pag-iibigang humantong sa trahedya.

"Huwag agad magdesisyon dahil sa mga impormasyong natatanggap ng isipan mula


sa ating mga mata, mas mabuti nang makasiguro at malaman ang katotohanan bago pa
ito humantong at may pagsisihan."

V. TEORYANG PAMPANITIKAN
ROMANTISISMO- Dahil sa likod ng kaguluhan o alitan ng kanilang pamilya ay
mas nangibabaw ang pagmamahalan nina Romeo at Juliet. Kaya naman ay
maraming napukaw dito.

You might also like