Research Paper - Bsed 3201 Fil. - Group 2 - Herminigildo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 36

1

Kabanata I

Ang Suliranin at Kaligiran ng Pag-aaral

PANIMULA

Upang mapaunlad ang mamamayan sa tulong ng

edukasyon, kinakailangang mahusay na maihanda ang

kalipunan ng kurso at gawaing pampagkatuto. Ito ngayon ang

tinatawag na kurikulum.

Ayon kina Ragan at Shepherd (1977), ay isang

daluyang magpapadali kung saan ang paaralan ay may

reponsibilidad sa paghahatid, pagsasalin at pagsasaayos ng

mga karanasang pampagkatuto.

Ayon naman kay Solano (2009), ang guro ay may

sapat na kahandaan sa pagtuturo subalit kulang pa sila sa

kaalaman sa Filipino. Dagdag pa niya, upang mabawasan ang

mga suliranin sa pag tuturo ng Filipino kung saan ito ay isa

sa pinakamahirap na asignatura, dapat madagdagan ang

kanilang seminar o workshop uoang magkaroon sila ng mga


2

panibagong kaalaman sa pagtuturo at paggamit ng mga istilo

na angkop sa kakayahan at interes ng mga mag-aaral.

Isa sa matinding kalaban ng mga guro sa pagtututro ng

Filipino ay ang tinakdang oras na gugugulin dito. Ito ay sa

kadahilanan ang panahong nakalaan para sa pagtuturo ay

natataon sa mga komplikado at nakakainip na oras sa pag

tatalakay ng mga aralin. Hindi sapat ang oras para sa mga

leksyong inihanda ng guro.

Dagdag pa ni Baselote (2013), ang problemang

kinakaharap ay ang kakulangan ng Guro sa kurikulum sa

Filipino dahil sa problema sa kakulangan sa oras ng mga

guro para turuan ang mag-aaral maliban sa teaching load,

may dagdag na administrative work may mga kabataan na

ayaw mag teacher dahil nakikita nilang “Kayod-kabayo” ang

mga guro abunado pa sa mga gamit pampaaralan at hindi

kataasan ang sahod. Kaya’t ang ilan ay naisipan magtinda

bilang sideline.

Ang Kurikulum ng edukasyon sa Antas Tersyarya

Alinsunod sa Republic Act No. 7722 O Higher Education Act


3

of 1994, ang komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon

(CHED) ay naatasang ipatupad ang sumusunod na

katungkulan: Itaguyod ang mahusay o de kalidad na

edukasyon. Gumawa ng hakbang upang masiguro na ang

gayong edukasyon ay matamo o para sa lahat (accessible to

all); mapaunlad ang responsable at epektibong pamamahala.

patingkarin ang karapatan ng mga guro sa pagsulong na

propesyunal at mayaman ang kasaysayan at kulturang

minana.

Pinatunayan ng Batas Republica Blg. 10533 Sek. 5

Pagbubuo ng Kurikulum. Nagdesenyo ang DepEd ng

kurikulum sa pinabuting batayang edukasyon sa

pakikipagtulungan sa Komisyon (CHED) upang magbuo ng

magkaugnay na mga kurikulum sa tersiyaryong edukasyon

para sa kasanayang pandaigdig ng mga Pilipinong

nagsisipagtapos. Upang matiyak ang kahandaan sa kolehiyo at

upang maiwasan ang remedyal o pag-uulit ng mga klase sa

edukasyon, makikipag-ugnayan ang DepEd sa CHED at sa


4

Pangasiwaan sa Edukasyong Teknikal at Pagpapaunlad ng

Kasanayan (TESDA).

Upang makamit ang isang mabisang kurikulum sa

pinabuting batayang edukasyon, magsasagawa ng mga

konsultasyon ang DepEd sa iba pang mga ahensya ng

pambansang pamahalaan at iba pang mga stakeholder.

Bagaman hindi limitado sa Kagawaran ng Paggawa at Empleo

(DOLE), komisyon sa Regulasyong Pampropesyonal (PRC),

mga samahan ng mga paaralang organisasyon ng mga mag-

aaral, mga pambansang organisasyon ng mga guro, mga

samahan pangkalakalan sa mga bagay na makaaapekto sa

mga naturang sangkot na stakeholder.

Ang pag-aaral na ito ay may tunguhin malaman ang

mga hamon na kinakaharap ng mga estudyante at guro sa

pagtuturo at pagkatuto patungkol sa kurikulum.

Kaya’t naging pangunahiing layunin ng mga

mananaliksik na pag-aralan ang mga Hamon na Kinakaharap

ng BSED FILIPINO Kurikulum sa Bestlink College of the

Philippines.
5

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang mga

Hamon na Kinakaharap ng BSED Filipino kurikulum sa

Bestlink College of the Philippines sa panuruang taong 2021-

2022.

Nilalayon nitong masagot ang mga sumusunod na

katanungan:

1. Anu-ano ang mga nilalaman ng BSED Filipino

Kurikulum sa BCP ayon:

1.1 Kaayusan

1.2 Implementasyon

1.3 Hanay ng kaguruan

2. Anu-ano ang mga Hamon na Kinakaharap ng BSED

Filipino kurikulum sa Bestlink College of the Philippines.

3. Paano nakakaapekto sa pagkatuto ng mag-aaral ang

ayos ng kurikulum sa Filipino sa BCP.

4. Paano nakatutulong ang resulta ng pag-aaral na ito sa

pagpapaunlad ng BSED FILIPINO kurikulum sa BCP?


6

ASSAMPSYON

1. Ang nilalaman ng BSED FILIPINO kurikulum sa BCP ay

ayon sa kaayusan, implementasyon at hanay ng kaguruan.

2. May mga hamon na kinakaharap ang BSED Filipino

kurikulum sa BCP.

3. Nakaaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral ang ayos ng

kurikulum sa Filipino sa BCP.

4. Nakatutulong ang resulta ng pag-aaral na ito sa

pagpapaunlad ng kurikulum sa BCP.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at

makakatulong sa mgasumusunod:
7

Sa mga mag-aaral makatutulong ang pananaliksik na

ito upang lalong mapalawakang kanilang mga kaalaman kung

paano maging isang mahusay na mag-aaral.Nagsisilbing gabay

ito upang malinang ang kanilang kaisipan at kakayanan sa

kanilangpag-aaral. Inaasahan na ang pag-aaral na ito ay

makakatulong ng malaki para saepektibong pamamaraan ng

pag-aaral at masanay sa wastong pamamaraan sa pag-aaral.

Sa mga guro magkakaroon sila ng kaalaman sa mga

dapat gawin ng kanilangestudyante nang sa gayon ay

magabayan at matulungan ang mga mag-aaral satamang

pamamaraan ng kanilang pag-aaral. Magiging isang malaking

karangalan attagumpay sa isang guro na naging matagumpay

ang kanilang mga estudyante sa hinaharap.

Sa mga magulang ang mga magulang bilang unang

guro ng kanilang mga anak, aymakakapag-isip-isip ng mga

bagay na maipapayo at maitutulong sa kanilang anak,kasabay

ng paggabay tungo sa maayos at magandang pamamaraan

ng kanilang pag-aaral.
8

Sa mga administrasyon makakatulong ang pananaliksik

na ito upang magkaroonsila ng kaalaman kung ano ang maari

nilang ibahagi sa mag-aaral tungo sa wastongpag-aaral at

mahikayat ang mga estudyante na mag aral ng Mabuti.

Sa mga curriculum planners maaring makatulong ang

pag aaral na ito sa gagawing pagsasagawa sa mga bagong

pinagsanib na aralin sa ibat ibang aspeto ng asignatura sa

hinaharap.

Sa mga sususnod pang mananaliksik Ito ay maaring

makapagbigay ng karagdagang kaalaman sa Pag aaral ng

wika at mapukaw ang kanilang pansin at Malaki ang kanilang

maiambag sa gagawin pang pag aaral.

SAKLAW AT DELIMITASYON

Saklaw ng pag-aaral na ito ang pagtukoy sa mga

Hamon na Kinakaharap ng BSED sa Makabagong Filipino

Kurikulum. Kasama ang mga suliranin na kakaharapin ng mga


9

estudyante sa pag-aaral nito. Ang pag-aaral na ito ay

sumasaklaw lamang sa limampung (50) mag aaral ng BSED

sa College of Teacher Education ng Bestlink College of the

Philippines. Ang kabuuang mag-aaral na nabanggit ay ang

mga respondente sa pag aaral na ito sa pampanuruang taon

2021-2022. Ang pananaliksik na ito ay nakakatiyak na

magiging kompidensyal at pribado Ang larawan at panlahat na

saloobin ng mga respondente.

KATUTURAN NG MGA SALITA

DepEd – Ang department of Education (DepEd) ay

bumubuo, nagpapatupad at nag sasaayos ng mga plano,

programa at proyekto sa mga larangan ng pormal at hindi

pornal na pangunahing edukasyon. Upang mabigyan ng sapat

na kaalaman ang mga mag-aaral.

Guro – Sila ang unang makikinabang ng pag-aaral na

aming gagawin upang mabigyan sila ng karagdagan kaalaman


10

sa hamon na kinakaharap ng bawat estudyante sa bagong

kurikulum ng BSED Filipino medyor.

Hamon – Isa sa mga dahilan ng pananaliksik na

gagawin ay ang pag-alam ng mga hamon na kakaharapin ng

mga hamon na kakaharapin ng aming sasaliksikin.

Kayod-kabayo – Ginamit ito bilang repreaentasyon ng

mga guro kung gaano kahirap ang kanilang trabaho.

Kurikulum – Ginamit ito bilang isang instumento sa

paggawa ng banghay aralin, mga pagpapahalaga, mga

pagsusulit at kung anu-ano pang itinuturo ng guro na may

kinalaman sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Mag-aaral – Ang mag-aaral ay ginamit upang mabigyan

ng kasagutan ang mga hamon ng mag-aaral na kanilang

kinakaharap sa pag-aaral ng kurikulum na ito.

Pagkatuto – Mga kaalaman nais naming ibahagi sa

aming gagawin pananaliksik upang bigyan ng malawakang

pagkatuto at pag-iisip ang makakabasa ng aming pananaliksik.


11

Pananaliksik – Ito ang proseso ng pangangalap sa mga

totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman. Ito rin

ang malikhain at sistematikong gawaing ginagawa para

mapataas ang kaalaman.

Kabanata II

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Para sa higit na pagkaunawa sa pananaliksik na may

paksang Mga Hamon na Kinakaharap sa BSED FILIPINO

KURIKULUM SA BESTLINK COLLEGE OF THE

PHILIPPINES: ISANG PAGSUSURI TUNGO SA PAG-

UNLAD , minarapat ng mga mananaliksik na mangalap

ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral sa loob

at labas ng bansa.

KAUGNAY NA LITERATURA

Ang mga kaugnay na literatura ay inilalahad sa

pananaliksik na ito. Ito ay hango sa mga aklat, dyornal at iba

pang lathalaing may kaugnayan sa paksa.


12

Lokal

Ayon kay France Castro (2013), pangkalahatang kalihim ng

ACT, “Ang CHED at si (Pangulong) Noynoy mismo ang

nangangamoy malansang isda sa kanilang ginawang opsyon

na lamang na ituro ang Wikang Filipino at opsyon para

gawing midyum sa pagtuturo. Dadag pa ni Castro, sa

pagpapatupad pa lamang ng K to 12 noong 2011, ipinakikita

na ng gobyerno ang pagiging kolonyal nito sa pagpapatupad

ng programang ito kahit na hindi handa ang gobyerno.

Kabahagi ang CHED Memo No. 20 ang K to 12 na

naglilingkod lamang sa pangangailangan ng malalaking

negosyante at dayuhan.

Sinabi ni Ridon (2014), na isa ring abogado, na dapat

pag-aralan ng Kongreso ang posibleng epekto ng direktiba ng

CHEd sa mga estudyante at guro.

Ayon din kay Ruby Ann Bernado (2014), guro ng

Filipino sa Sta. Lucia High School, matapos ang ilang taong

implementasyon ng K to 12, hindi pa rin kumpleto ang

kanilang mga modules sa pagtuturo nito. Nananatiling kulang


13

ang mga guro at iba pang rekisitos para sa programang ito.

Tinatayang nasa mahigit kumulang 100,000 na mga propesor

sa kolehiyo sa buong bansa ang pinapangambahang

mawawalan ng trabaho pagdating ng 2016 sa kabuuang

implementasyon ng K to 12. “Imbes na magsayang ng oras

at pondo sa pagpapalit ng kurikulum sa edukasyon para

lamang matugunan ang pangangailangan ng mga malalaking

negosyo ng dayuhan, dapat gawing prayoridad ng gobyerno

ang pagpapaunlad ng kalidad at abot-kayang edukasyon na

may kakayahang lumikha ng pambansang industriya at

ekonomiyang nakakatindig sa sarili.” (Velasco, 2015).

Ayon naman kay Wilmor Pacay III (2014), isang guro

sa kolehiyo sa pribadong pamantasan, may diskriminasyon na

noon pa man sa Wikang Filipino at Wikang Ingles, ngayon

tahasan nang tinanggal ang Wikang Filipino. “Karapatan ng

mga mamamayan na matutunan ang Wikang Filipino at

obligasyon ng gobyerno na ituro ito sa mga mamamayan.

Pero ginawa itong krimen ng CHED sa inilabas nitong memo,”

sabi pa ni Pacay.
14

Ayon kay San Juan (2014), isa sa mga hakbang na

isinagawa ng Filipino Department ang paghahain ng position

paper sa CHED na naglalaman ng mga hinaing ng mga

propesor ng DLSU patungkol sa pagpapanatili ng asignaturang

Filipino sa kolehiyo.

Ang pahayag ni Dr. Elena R. Mirano (2014) “Dapat

lahat ng pumapasok sa kolehiyo ay mayroong isang kabuuan

ng kaalaman hindi lang isang makitid na larangan. Kung

kaya’t kami sa mga ibang sining at iba ring larangan at

siyensiya sa Unibersidad ay nakikiisa dito sa isyung ito.”

Sa perspektiba naman ni Flores (2014) tungkol sa

bagong kurikulum at sa K to 12, hindi pa handa ang Pilipinas

para sa K to 12 at sinabing “Ang balangkas talaga ng

trahedya sa akademya ay iyong K to 12 kasi ilang libo ang

kulang na guro, mga upuan at kwarto, at ilang milyong

teksbuk ang kulang? Sampung milyon hanggang 15 milyong

teksbuk pero tinapatan na naman ng dagdag na tatlong taon.

Hindi mo pa nasusukat o naaresto iyong problema ng dating

sitwasyon sa basic education.”


15

Sinuportahan ni San Juan ang pahayag ni Guillermo

at binigyang-diin na maging sa Estados Unidos kung saan

kinopya ng CHED ang balangkas ng K to 12, “Ang hindi nila

sinasabi, yung K to 12 ng Amerika, pagdating ng college, sa

GEC ay required pa rin iyong national language at iyon ay

ang Ingles. Sa ibang kaso ay 6 units, sa ibang sitwasyon ay

3 units at sa iba naman ay 9 units pa ang required na

English subjects sa Estados Unidos.

BANYAGA

Ayon kay Richard (2001), Ang pangunahing pokus ng

pagbuo ng kurikulum ay sa pagpapasya kung aling mga

kaalaman, kasanayan at halagang ituturo, kung paano maabot

ang inilaan na mga kinalabasan, at ang mga proseso ng pag-

aaral at pagtuturo. Ang isang mabisang kurikulum sa wika ay

hindi nauugnay sa purong kilos ng pagtuturo; kasama rin dito

ang mga pamamaraan ng pagpaplano, pagdidisenyo at

pagpapatupad. Itinayo sa pangunahing mga prinsipyo ng pag-

unlad, pagsasagawa at pagsusuri, ang pagbuo ng kurikulum


16

ay may anim na pangunahing mga hakbang: Kailangan ng

pagsusuri, setting ng layunin, disenyo ng syllabus,

pamamaraan, at pagsusuri.

Ang Tagapagturo ng Wikang Filipino na si Antonio

Galang Jr., mula sa Unibersidad ng Pilipinas, ang

namamahala sa programa sa wika.

Ang kurso sa wikang Filipino ay magsisilbing isang

pangunahing sangkap ng Programang Pag-aaral ng Pilipinas

na inilunsad noong Hulyo 2019.

Habang hindi ito naging isang maayos na taon para sa

parehong mga guro at manunulat ng Filipino, na may pasya

sa Korte Suprema. Ang mga asignaturang Filipino at Panitikan

na maibubukod bilang pangunahing paksa sa kolehiyo,

masaya silang narinig ang mabuting balitang ito. Kahanga-

hangang gagawin ng isang unibersidad sa Germany na ituro

ang wikang Filipino. Sa isang banda, nakikilala ito sa lawak

ng migrasyon ng manggagawang Pilipino sa skilled at white


17

collar job na ambag ng Filipino sa globalisadong lakas na

paggawa, ”Filipino poet Richard Gappi told Manila Bulletin.

(Kapansin-pansin ang hakbang ng unibersidad na

magturo ng wikang Filipino. Kinikilala nito ang mga ambag ng

mga manggagawang Pilipino sa pandaigdigang puwersa ng

paggawa.) Inaasahan ni Gappi na ito ay maging isang

paggising para sa Commission on Higher Education (CHED)

na nagpasyang gawing elective subject sa kolehiyo ang

Filipino.

Si Nicolas Gaba, isang guro ng Filipino, ay nagbigay

ng parehong damdamin.

“Bilang guro, nakatutuwa na kahit papaano ay nakikilala

ang pilipino bilang disiplina sa maraming halimbawa ng mundo

na kontradiksyon sa nangyayari sa Pilipinas sa kasalukuyan

na ang Pilipino ay inaalis sa mas mataas na institusyon ng

edukasyon. Sa pag-aaral ng Filipino sa ibang bansa, magsilbi


18

sana ito na ipasok sa pamahalaan na balikan muli ang

isyung ito ng Filipino, ”lamented Gaba.

(Bilang guro ng Filipino mismo, masaya ako na ang

Pilipino ay kinikilala at iginagalang sa buong mundo, isang

kontradiksyon sa Pilipinas, kung saan tinanggal nila ang

Filipino bilang pangunahing paksa. Inaasahan kong marinig

tayo ng gobyerno at CHED.)

Samantala, si Jomar Adaya, isang miyembro ng guro

para sa Center for Creative Writing sa Polytechnic University

of the Philippines ay nalungkot sa katotohanan na habang

ang paksang Filipino ay ipinagdiriwang sa labas ng bansa,

may pagtatangka na alisin ang mga asignaturang Filipino at

kurso sa Pilipinas.

“Matagal naman nang may mga programang Pilipino sa

ibang bansa bukod sa Alemanya, na karaniwang nakaugat sa

diasporang Pilipino. Tulad ng Hawaii na isa sa mga naunang

programang Filipino na nasa labas ng Pinas. Positibo ito dahil


19

lumawak ang diskurso ng Filipino patungo sa pandaigdigang

antas,”

(May mga bansa sa ibang bansa na nag-aalok ng mga

programang Filipino, bukod sa Alemanya. Maraming nakaugat

sa diaspora ng Filipino. Halimbawa, ang Hawaii ay isa sa

mga unang nag-alok ng programang Filipino sa labas ng

Pilipinas. Positive ito dahil lumalawak ang aming diskurso sa

isang pandaigdigang antas.)

Ang asignaturang Filipino ay itinuturo sa mga bansa

tulad ng Malaysia, Brunei, China, Japan, Taiwan, Canada,

France, United Kingdom, Australia, at United States.

KAUGNAY NA PAG-AARAL

Ang mga pag-aaral na lokal ay isinasaalang-alang sa

pananaliksik. Ito ay hango sa mga di nalathalang tesis at

disertasyon. Ang kanilang mga natuklasan at buod ay hinalaw


20

at naging batayan ng mga pagpapahalagang may

pagkakatulad at pagkakaiba sa kasalukuyang pag-aaral.

Lokal

Filipino ang opisyal na wika ng Pilipino ayon sa 1987

konstitusyon, artikulo XIV, seksyon 6-9. Dito sa Pilipinas,

marami tayong diyalektong ginagamit gaya na lamang ng

Hiligaynon, Waray, Bisaya at iba pa. Kaya marahil ginawang

asignatura ang Filipino sa paaralan mula elementarya ay

upang matuto tayong gumamit ng ating wika. Kaya natin

pinag-aaralan ang Filipino ay para maging bihasa tayo sa

paggamit nito. Higit sa lahat, kaya natin pinag-aaralan ang

Filipino dahil ito ang opisyal na wika ng bansa at magagamit

mo ito kung pupunta ka sa ibang bahagi ng bansa na di mo

alam ang kanilang diyalekto. Dahil sa Filipino ay

nagkakaintindihan tayo, kaya bakit tatanggalin ito sa kolehiyo?

Dahil ba mula elementarya ay pinag-aaralan na natin ito? At

hindi na kailangang pag-aralan sa kolehiyo dahil eksperto na

kami sa paggamit? Nagkakamali kayo, hindi pa kami eksperto,

marahil ay marunong kaming gumamit ng wikang ito pero


21

hindi pa sapat ang aming kaalaman. Marami nga sa atin,

kahit nasa kolehiyo na,, eh nahihirapan pang magbaybay ng

mga salita sa Filipino at nahihirapan ding bumuo ng mga

pangungusap. - Kathy Rose O. Vilbar BSA – 2 (2014)

Ang Filipino ay isang asignatura na kung saan ay

natuto tayong magbasa, magsulat at magsalita gamit ang

wikang tagalog. Ang Filipino ay napakahalagang asignatura

sapagkat ito ang humuhubog sa ating pagka Pilipino. Dahil

rito tayo ay bihasa at pamilyar sa ating kultura. Ito ay ating

wika. Kung kaya’t maraming sa mamamayang Pilipino na

tanggalin sa kurikulum ng kolehiyo ang Filipino. Minsan, hindi

natin maikakaila na meron paring mga Pilipino na kinakahiya

ang sariling atin at mas binibigyang halaga ang wika ng iba.

Kung tuluyang tatanggalin ang Filipino mas lalong mawawalan

ng importansya ang ating sariling wika. Kahit tinuturo pa nga

ang Filipino sa kolehiyo marami paring mga estudyante na

hindi bihasa sa asignaturang Filipino.Kung may maidudulot

ang asignaturang Filipino na hindi kaaya-aya mas marami pa

rin itong maidudulot na maganda. Naniniwala ako na dapat


22

ipagpatuloy ang pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo.Dagdag rito,

bakit hahayaan na mas maging bihasa tayo sa wika nga iba?

Pinapatunayan lamang natin na mababaw tayong mga Pilipino.

Kakalimutan ang sariling atin at mas tinatangkilik ang wika ng

iba. Oo, alam kong kilala tayong mga Pilipino sa gaya-gaya

ngunit hindi ito rason upang hayaang mawala ng tuluyan ang

kabuluhan at kahalagahan ng ating sariling wika.Ipaglaban

natin ang sariling atin. Iyan ang tunay na Pilipino! Hindi

pasusupil kanino man. Dahil tayong mga Pilipino ay may

paninindigan at handang ipaglaban ang sariling atin. Mula sa

ating mga ninuno hanggang sa kasalukuyan at makabagong

panahon, ipaglaban, pagyamanin at huwag nating hayaan na

ang asignaturang Filipino ay tanggalin sa kurikulum ng

kolehiyo. “Tatag ng wika, Lakas ng mamamayang Pilipino.”-

Roxanne J. Templa BSA2 (2014)

Ayon naman kay Mendoza (2008), nirebisa ng sistema

ng edukasyon sa Filipinas ang (tersyaryang) kurikulum sa

Wikang Filipino upang ang pagkatuto ng estudyante ay lalo’t

higit pang makatugon sa mga pangangailangan ng isang


23

lokal/global na mamamayan.Sinusuri ng papel na ito kung

hanggang saan ang kurikulum sa Filipino ay nagagawang

makatugon sa mga pangangailangan ng bawat estudyante

kaugnay ng pagkatuto at paggamit sa Filipino bilang isang

pambansang wikang nagpapasigla sa literasi, pag-unlad, at

pambansang pagkakaisa at identidad.Ang rebisyon sa

kurikulum ay isang positibong hakbang upang ang ating

pambansang wikang Filipino ay makasabay sa mga

nasyonal/global na isyu, konsern, at hamon. Mga susing

termino: BEC Kurikulum, Wikang Filipino, Makabayan, Higher

Education marami nang nailimbag na pag-aaral tungkol sa

pagtuturo at pagkatuto sa iba’t ibang larangan mga pag-aaral

na siyang nagbigay-sigla sa risertser na ito na tukuyin ang

mga kahinaan at kalakasan ng isang kurikulum, at kung ano

ang mga pangangailangan upang higit na maging angkop sa

kaalaman, kasanayan at kaugalian ng isang estudyante,

lalong-lalo na sa panahon ng globalisasyon. Ang kurikulum ay

ang kabuuang nilalaman ng pag-aaral ng aralin mga

karanasan at mga kagamitang sadyang pinili, binuo, at

isinakatuparan para sa adhikain ng isang institusyon. Dahil


24

dito,dapat nating paunlarin ang kurikulum gaya ng ginagawa

ng ibang bansa para maging globally competitive ang bawat

estudyante; kung hindi man, kahit papaano ay may sapat na

kakayahan at kasanayan siya namagiging kapital niya sa

pagsulong sa landas na tatahakin. Ang kurikulum ang

pinakapuso ng sistema ng edukasyon kung kaya dapat itong

pag-ukulan ng oras at pansin. Kailangang siguruhing

nakasasapat ito sa mga pangangailangan ng mga estudyante,

at kung ito ay tumutugon sa kalagayang pangkalikasan,

panlipunan, pang-ekonomiya, panteknolohiya at pandaigdig.

Layunin ng papel na ito na ilahad ang kahalagahan ng

kurikulum na Filipino, na nasuri ng mga susing tao sa

sistema,at ang tugon nito sa pangangailangan ng

estudyanteng Filipino.

Ayon kina Capiz et. al (2020) Ang pag-aaral ay isang

pagsusuri ng itinakdang kurikulum ng Kagawaran ng

Edukasyon para sa Filipino sa ikasampung baitang. Gamit ang

pamantayan ng apat na pangunahing kasanayan (4C’s)-kritikal

na pag-iisip, komunikasyon, kolaborasyon at pagkamalikhain-


25

sinuri ang manipestasyon ng mga ito sa mga kasanayang

pampagkatuto sa ilalim ng iba’t ibang domeyn ng kurikulum.

Sa pagmamapa ng kurikulum, inilapat ang mga pamantayan

ng apat na pangunahing kasanayan sa nakasaad na gawaing

pampagkatuto upang malaman ang manipestasyon nito. Sa

pamamagitan ng pagsusuri, na tunghayan ang manipestasyon

ng apat na pangunahing kasanayan sa mga gawaing

pampagkatuto sa ilalim ng iba’t ibang domeyn ng kurikulum.

Lumabas din sa pag-aaral na ang kritikal na pag-iisip ang

kasanayang nangibabaw samantalang ang kolaborasyon ang

hindi gaanong nakitaan ng manipestasyon. Mula dito ay nag

mungkahi ang mga mananaliksik ng mga gawaing nakalilinang

ng kasanayang nabanggit para sa bawat markahan.

Banyaga

Ayon kay Tangonan (2017), ang Special Filipino

Curriculum (SFC) ay nakatuon sa teknolohiya ay naglalayon

na paunlarin ang isang programa para sa mga mag-aaral na

nagsasalita ng banyagang wika ng Filipino. Ang layunin nito


26

ay makita ang kanilang mga pangangailangan; isulat ang mga

kakayahang mabuo at suriin ang bisa ng kurikulum ng (SFC)

sa mga mag-aaral. Ang mga guro at mag-aaral ng (SFC) sa

Saint Pedro Poveda College kung saan ay ginamit sa

Focused Group Discussion (FGD) upang makilala ang mga

paksang nabuo sa kurikulum habang ang tatlong dalubhasa

sa larangan ng kurikulum at wika ay sinusuri ang nilikha na

kurso. Ang mga resulta ng pagsusuri ay isiniwalat na ang

mga banyagang mag-aaral na nag-aaral ng wikang Filipino ay

nagbibigay ng higit na kahalagahan sa pagbabahagi ng

kanilang mga ideya at pag-unawa sa mga tao sa kanilang

paligid, kung kaya't ginagawang praktikal sila sa pagpili ng

mga aral at gawain na dapat gawin. Sa kabilang banda, ang

ikalawang guro ng wika ay nakatuon sa pagtuturo ng mga

pagpapahalagang Pilipino at kultura na nakapaloob sa

kanilang mga aralin. Sa mga resulta, ang pagbubuhos ng

teknolohiya ay nagawa sa mga diskarte sa pagtuturo ng

wikang Filipino upang makabuo ng mga makabuluhang

aktibidad para sa mga mag-aaral na magsasaka hindi lamang

ng kanilang kaalaman at mga kasanayan tungkol sa mga


27

paksang kailangan nilang matutunan ngunit pati na rin ang

pinagbabatayan ng mga pagpapahalagang kultural sa paggamit

ng wika. Inirerekomenda pa ng pag-aaral na magkakaroon ng

isang tracer na pag-aaral para sa mga mag-aaral na

sumailalim sa programa upang malaman ang epekto ng

kanilang natutunan sa larangan na pinili nila pagkatapos ng

High School. Ang mabisang komunikasyon ay humantong sa

magkakaibang mga ideya na maaaring makatulong sa

pagsulong ng pamayanan, ngunit sa pagkakataong ang wika

ay nagiging hadlang para sa isang indibidwal na makipag-

ugnay sa mga tao sa paligid niya; nahaharap siya sa isang

problema hindi lamang sa pag-unawa at pagpapahayag ng

kanyang mga ideya kundi pati na rin sa pagtaguyod ng

kanyang sarili sa bagong kapaligiran kung nasaan siya. Ang

parehong konteksto ay ang nararanasan ng karamihan sa

mga dayuhang mag-aaral, lalo na kapag pumupunta sila sa

mga bansa na nagsasalita ng ibang wika. Dito kailangan ang

maayos na balangkas at mahusay na nakaplanong kurikulum

ng pangalawang wika.
28

Pagpapalayo (Alienation)

Sa pagdaan ng mga taon, dumarami ang mga

dayuhang mag-aaral sa Pilipinas na tumataas sa layuning

pang-edukasyon. Lumikha ito ng mga problema tulad ng

pagsasaayos na dapat nilang harapin upang mapabilang sa

lipunan. Dahil sa araw na nagsimula silang manirahan sa

isang tiyak na bansa, makaka-engkwentro sila ng mga bagong

halaga, paniniwala, at kultura at ito na ngayon ang ugat ng

pagpapasikat. Ang mga estudyanteng dayuhan ay nakayanan

hindi lamang sa sistemang pang-edukasyon ng isang bansa

kundi pati na rin ang bagong lipunan. Ito ay naging isang

highlight at humantong sa iba't ibang mga pag-aaral tungkol

sa mahirap na sitwasyon na kakaharapin nila tulad ng

pakikipag-ugnay at pag-aayos. Ang abstakt na ideya ng

alinasyon ay nagbibigay ng isang posibilidad na mag-alok ng

isang kamakailang binuo diskarte sa ang mga problemang

kinakaharap ng mga estudyanteng dayuhan. Ang alienated

person ay ang isa na nagkakaroon isang mahirap na oras sa


29

pagkaya sa isang bagong kapaligiran. Karaniwan nilang

nadarama na hindi sila kabilang sa a

ilang mga pamayanan o bilog kaya't pinaghiwalay nila ang

kanilang sarili. Iba't iba ang ihatid nito depende sa tao. Ang

ilan ay maaaring hindi maapektuhan, hindi magpakita ng

anumang pagmamahal, at ang ilan ay maaaring maging

marahas.

Dagdag pa nila Coleman et al. (1996), naniniwala sila

na ang hindi magandang pag-aaral ay nauugnay sa mataas

na pagkakahiwalay. Ang mas maraming pag-iisip ng isang tao

tungkol sa kung paano sila nakahiwalay sa isang tiyak na

bansa, malamang na kakulangan sila ng pagtuon lalo na sa

paaralan.
30

KAHALAGAHAN NG MGA KAUGNAY NA

LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang mga pag-aaral at mga literaturang nalipon ay

lubos na makatutugon sa mga mananaliksik tungo sa

maayos na paggawa ng mga talatanungan at

pagkalap ng mga impormasyon upang makabuo ng

isang gabay sa wastong pagbibigay ng sapat na

kaalaman tungo sa bagong filipino kurikulum.

PARADIGMA NG PAG-AARAL

Ang mga nilalaman ng BSED Filipino kurikulum sa BCP


Mga Hamon na kinakaharap ng BSED Filipino Kurikulum
sa BCP.
Mga nakakaapekto sa pagkatuto ng mag-aaral ang ayos
Input ng kurikulum sa Filipino sa BCP.

Sagutang papel (Survey Questionnaire)


Interbyu (Interview)

Process
Inaasahan ng mga mananaliksik na sa pag-aaral na ito
ay matukoy ang mga hamong kinakaharap ng mga
BSED Filipino kurikulum at makakalap ng sapat na mga
impormasyon upang maisagawa ng maayos ang
pananaliksik na ito.
Output
31

Ipinapakita sa paradigmo ang input, proseso at awtput

na nalikha ng mga mananaliksik upang mabigyang-

linaw ang pananaliksik.

Sa Input nakapaloob ang mga tanong na

nais mabigyang kasagutan ng mga mananaliksik.

Sa Proseso, gagamit ang mga mananaliksik

ng talatanungan at pakikipanayam upang matugunan at

matuklasan ang mga solusyon na naaayon sa input.

Sa Awtput makikita o malalaman ng mga

mananaliksik ang magiging resulta ng isinagawang

proseso.

KAHALAGAHAN NG MGA KAUGNAY NA

LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang mga pag-aaral at mga literaturang nalipon ay

lubos na makatutugon sa mga mananaliksik tungo sa


32

maayos na paggawa ng mga talatanungan at

pagkalap ng mga impormasyon upang makabuo ng

isang gabay sa wastong pagbibigay ng sapat na

kaalaman tungo sa bagong filipino kurikulum.

Konseptwal na Balangkas

Implementasyon
CHED

KURIKULUM

Guro
Mag-aaral
33

Ang konseptuwal na balangkas ay nakatuon sa kurikulum na

ipinaimplementa ng CHED patungo sa mga guro na kung

saan ipiniprisinta sa mga mag-aaral na kinukuhaan ng

kakulangan sa kurikulum ang CHED at ang mag-aaral ay

nasa ilalim nito. Sa ikatatamo ng mithiing ito kailangan ng

mga kagamitang pampagtuturo ng mga guro biglang suporta

sa kurikulum na nagmula sa CHED. Na dahilanan ng

pagkatuto ng mga Mag-aaral lalo na ng BSED FILIPINO

patungkol sa kurikulum.
34

Kabanata III

Metolohiya ng Pananaliksik

Ang metodolohiya ay ginagamit ng mga mananaliksik

upang mapatunayan ang mga suliraninng kanilang pag-aaral o

para malaman ang kasagutan sa kanilang suliranin. Ang

halimbawanito ay ang survey, questionnaire, obserbasyon, pag-

eeksperimento, panayam, at iba pa. Ito ayginagamit upang

makapangalap ng mga datos o impormasyon na may kaugnay

sapananaliksik.Dahil sa tamang pagpili ng metodolohiya na

gagamitin, makakatulong ito upang mahanap niyoang sagot sa

inyong suliranin. Dahil rin dito mas magiging eksakto ang

sagot na nais namingmalaman. Ang tamang pagpili ng

metodolohiya sa pananaliksik ay makakatulong sa pag-aaralsa


35

pag-interpreta ng mga datos na nakalap upang makabuo ng

angkop na rekomendasyon.

Metodolohiya sa Pananaliksik

Ang napili ng aming grupo para sa aming metodolohiya ay:

1. Questionnaire

Ang questionnaire ay isang isang instrumento sa pananaliksik

nabinubuo ng kalipunan ng mga katanungan para sa layuning

makakalap ng impormasyonmula sa mga taga-tugon. Ang mga

mananaliksik ay gagawa ng mga tanong ukol sa suliranin ng

aming grupo at ito’y papasagutan sa piling mga , estudyante,

at mga guro sa Paarapang BESTLINK College of the

Philippines. Ito ay binubuo ng limang tanong para sa mga

piling estudyante at guro.

2. Panayam (interview)

Ang panayam ay pagkuha ng impormasyon o detalye sa

pamamagitan ng pagtatanong. Isa rin itong instrumento na

maaaring gamitin sa pananaliksik upang makuha ang sagot na


36

nais mahanap ukol sa suliraning napili. Ang mga mananaliksik

ay magtatanong sa mga napiling , estudyante, at guro sa

Bestlink College of the Philippines (sila rin ang napili na

sumagot ng questionnaire). Ito ay kanilang gagawin upang

mas makakuha ng kongkretong sagot o opinyon ukol sa

suliranin na nais na masagot.

You might also like