Professional Documents
Culture Documents
IM 4 Chapter 4
IM 4 Chapter 4
IM 4 Chapter 4
I. PAMAGAT NG KABANATA
Karapatang Pantao
V. NILALAMAN
1. Uri ng Karapatan
a). Natural Rights- ito ang mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng Estado
b). Constitutional Rights- ito ang mga karapatang ipinagkaloob at pinangangalagaan ng Estado
c). Statutory Rights- ito ang mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaaring alisin sa
panibagong batas
Indibidwal o Personal na Karapatan- ito ay ang mga karapatan nap ag-aari ng mga indibidwal na tao
para sap ag-unlad ng sariling pagkatao at kapakanan. Ang mga karapatang ito ay ang sibil at
pulitikal na karapatan, ang panlipunan, pangkabuhayan ay kultural na karapatan.
Panggruppo o Kolektibong Karapatan- ito ang mga karapatan ng tao na bumuo ng pamayanan
upang isulong ang panlipunan. Pangkabuhayan at pangkultural nap ag-unlad sa pamamagitan ng
paggamit ng kanilang likas na kayamanan at pagsusulong ng malusog na kapaligiran.
Ang karapatang pantao ng mga Pilipino ay maliwanag na nakasulat sa Saligang Batas ng 1987.
Sa dukomentong ito, ang mga karapatang pantao ay nasa Bill of Rights (Art. III); Pagboto (Art. V);
Deklarasyon ng mg Prinsipyo at Patakaran ng mga Estado (Art. II); Katarungang Panlipunan at
Karapatang Pantao (Art. XIII); Pambansang Ekonomiya at Patrimonya (Art. Xii); Edukasyon, Agham at
Teknolohiya, Sining, Kultura at Isports (Art. XIV).
Pisikal na Paglabag sa Karapatang Pantao – pisikal na paglabag ang turing kapag ang nasaktan ay
ang pisikal na pangangatawan ng tao. Ang pambubugbog, pagkitil ng buhay, pagputol sa anumang
bahagi ng katawan ay ilan sa mga halimbawa ng pisikal na paglabag. Maging ang sekswal na
pananakit tulad ng panghahalay at pagsasamantala ay isang pisikal na paglabag sa karapatang
pantao.
Nang Makita ni Marcos sa kanilang lumang orasan na ang mahabang hintuturo ay malapit nang
sumapit sa ika-12 samantalang nakapako na sa ika-8 ang maikling daliri, hindi niya malaman kung
saan siya magtutungo. Isiniksik niya ang kanyang ulo kahi’t saan. Saka ang dalawa niyang hintuturo ay
ipinapasak sa butas ng kanyang tainga.
Ayaw niyang marinig ang animas. Ayaw niyang mapakinggan ang malungkot na palo ng bakal
sa malaking kampanang tanso sa kampanaryo ng simbahan sa kanilang bayan. Gayon man, kahit
saan siya magsiksik, kahit saan siya magtago, kahit na anong gawin niyang pagpapasak sa kanyang
tainga ay lalong nanunuot sa kanyang pandinig ang malingkot na tinig ng batingaw.
“Tapos na ba?” Tapos… ang sunod-sunod namang itinutugon ng kanyang ina na paniwalang-
paniwala hindi nga niya niririnig ang malungkot na animas.
“Ngunit, Marcos…” ang baling uli ng matandang babae sa anak. “Bakit ayaw mong marinig ang
oras na ukol sa kaluluwa? Iya’y nagpapagunita sa mga tao na dapat mag-ukol ng dalangin sa
ikaluluwalhati ng mga kaluluwang nasa kabilang buhay. Una-una’y ang iyong ama, ikalawa’y ang
kapatid mong panganay, ikatlo’y ang kapatid mong bunso, saka… saka si Anita.” Ang huling pangalan
ay binigkas na marahan at madalang ng matandang babae.
Si Marcos ay hindi kumibo. Samantalang pinapangaralan siya ng kanyang ina, ang mga mata
niyang galing sa pagkakapikit kaya’t nanlabo pa’t walang ilaw ay dahan-dahang sinisiputan ng ningas,
saka manlilisik at mag-aapoy.
Hindi rin siya sumasagot. Hindi rin siya nagsasalita. Subali’t sa kanyang sarili, sa kanyang
dibdib, sa kanyang kaluluwa ay may pangungusap, may nagsasalita.
“Dahil din sa kanila, lalung-lalo na kay Anita, ayaw kong marinig ang malungkot na tunog ng
batingaw,” ang sinasabi ni Marcos sa sarili. Kinagat niya ang kanyang labi hanggang sa dumugo upang
huwag ipahalata sa ina ang pagkuyom ng kanyang damdamin.
Akala ng ina’y nahuhulaan niya kung ano ang nasa loob ni Marcos. Sa wari ng matanda ay
nababasa niya sa mga mata ng anak ang lihim ng puso nito. Naiisip niyang kaya nalulungkot si Marcos
ay sapagka’t hindi pa natatagalang namatay si Anita. Ang magandang anak ni Don Teong, mayamang
may-ari ng lupang binubuwisan. Nalalaman ng ina ni Marcos na lahat ng pagsisikap nito sa bukid, lahat
ng pag-iimpok na ginagawa upang maging isang ulirang anakpawis ay ukol kay Anita. At siya’y
namatay! Naramdaman din ng ina ni Marcos kung gaano kakirot ngang maging malungkutin ang
kanyang anak. Ito ay kanyang ibig libangin. Ito ay nais niyang aliwin. Kung maaari sana’y mabunutan
niya ng tinik na subyang sa dibdib ang kanyang anak.
“Lumakad ka na Marcos, sa kubo nina Bastian. Tila may belasyon sila, o, baka kailangan ang
mabuting mang-aawit at manunugtog ng gitara,” ang sabi ng ina. “Walang pagsalang masasayahan ka
roon.”
“Si Inang naman,” ang naibulalas na lamang ni Marcos. Iyan lamang ang kanyang nasasabi
nang malakas. Sa kanyang sarili’y naidugtong niya na hindi masusukat ng kanyang ina kung gaano
ang pait para sa kanya ang pagkamatay ni Anita, palibhasa’y lingid sa kaalaman ng matanda ang tunay
na nangyari sa pagkamatay nito.
Kung nalalaman lamang ni Inang ang lahat, ang nasasabi niya uli sa kanyang sarili
samantalang minamasdan niya ang isang ulilang bituin sa may tapat ng libingan ng kanilang bayan, na
ipinapalagay niyang kaluluwa ni Anita, “disi’y hindi ako itataboy sa kasayahan.”
Pinag-uusapan pa lamang ng mag-ina nang umagang yaon ang malaki nilang kapalaran
sapagka’t mabuti ang lagay ng tanim nilang palay nang isang utusan sa bahay-pamahalaan ang
dumating taglay ang utos ng hukumang sila’y pinaaalis sa kanilang lupang kinatatayuan. Sinasamsam
ni Don Teong na ama ni Anita ang lahat ng lupa nilang sinasaka.
“Inang, matalim ba ang itak ko?” ang unang naitanong ng anak sa kanyang ina matapos
matunghayan ang utos ng hukuman.
“Anak ko!” ang palahaw na panangis ng matandang babae, sabay lapit sa leeg ng anak. “Bakit
ka mag-iisip nang gayon, tayo na lamang dalawa ang nabubuhay sa daigdig?”
Ang sabi’y talaging sa kanunu-nunuan ng kanyang ama ang naturang lupa. Walang sino mang
sumisingil sa kanila ng buwis at walang sinumang nakikialam sa anumang maging bunga ng kanilang
mga tanim, maging mais o tubo, o kaya’y maging anuman sa mga gulay na tanim nila sa bakuran.
Subali’t nang bata pa ang kanyang ama ay may nagsukat ng lupa sa sinasabing kanila.
Palibhasa’y wala silang maibabayad sa mananggol, ang pamahalaan ay nagkulang ng malasakit sa
kanilang karalitaan upang tangkilikin ang kanilang katwiran at karapatan. Sa wakas ay napilit silang
mamuwisan nang di nila makuhang umalis doon.
Noong bata pa si Marcos, ang bayad nila’y isang salapi lamang isang taon sa bawat ektarya ng
lupang kanilang sinasaka. Subalit nagtatagal, unti-unti na silang nababaon sa pagkakautang sa may
lupa dahil sa mga kasunduang ipinapasok sa pana-panahon, gaya ng takipan at talinduwa.
Kaya namatay ang ama ni Marcos ay dahil sa malaking sama ng loob kay Don Teong. Ang
kapatid niya’y namatay din sa paglilingkod sa bahay nito, at higit sa lahat, nalaman niyang kaya
namatay si Anita ay sapagka’t natutop ng ama nakipagtagpo minsan sa kanya sa loob ng halamanan,
isang gabing maliwanag ang buwan.
Si Anita ay lihim na naging kasintahan ni Marcos, mahigit nang isang taon noon. Sapul nang
dumating si Anita sa kanilang bayan buhat sa pag-aaral sa isang kolehiyo ng mga madre sa Maynila, si
Marcos ay nagsimpan na ng malaking pag-ibig sa kanya. Alam ni Marcos ang kanyang kalagayan na
halos ay lumaki sa ibabaw ng kalabaw at sa pagtikin sa kanilang damo sa ilog.
Lalo na nang magsimpan siya ng pag-ibig kay Anita, wala siyang inaalagata sa kanyang buhay
kundi balang araw ay maging karapat-dapat sa mga kamay ng anak ni Don Teong na may-ari ng lupa
nilang sanasaka. Isa pa’y bukod sa naniniwala siya sa kasabihan, “Ang lahat ng tao, kahit hindi
magkakulay ay sadyang magkapantay,” tinatanggap din niyang palasak ng kawikaang “Ang katapat ng
langit ay pusalian.” Dahil diyan kaya kahit bahagya ay hindi siya nag-atubili ng pagsisimpan ng pag-ibig
kay Anita.
At naibig naman siya ng anak ni Don Teong. Bakit hindi siya maiibig? Minsan si Anita ay
namangka sa kanilang ilog, gumiwang ang bangka at nahulog sa tubig. Si Marcos noon ay nasa lamo
at lihim niyang sinusundan ang bakas sa tubig ni Anita. Nang makita niya ang malaking sakuna ay
NVSU-FR-ICD-05-00 (081220) Page 4 of 11
Republic of the Philippines
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong, Nueva Vizcaya
INSTRUCTIONAL MODULE
IM No.: 03-GEPAN1-1st SEM-2020-2021
“Marcos, matagal na naman kitang iniibig,” ang pagtatapat ni Anita sa binata, makaraan ang
ilang buwan buhat nang siya’y mailigtas.
Tatlumpong araw ang taning sa mag-ina upang lisanin ang lupang gayong ang sabi ay ari ng
kanilang ninuno at binubuwisan na nila at sinasamsam pa ngayon. At saka silang mag-ina ay
itinataboy. Sino ang hindi magdadalang-poot sa gayong kabuktutan.
Dahil sa kanyang ina, natutung magtiim si Marcos ng kanyang mga bagang. Kinagat niya ang
kanyang labi upang huwag mabulalas ang kanyang galit. Kinuyom niya ang kanyang mga kamay
hanggang matimo sa palad niya ang kanyang mga kuko.
Isang takipsilim nang marinig niya sa kampanaryo ng kanilang simbahan ang malungkot na
agunyas. Una muna ang malaking kampana saka sumunod ang maliit. Bang! Teng! Bang! Teng! Babae
ang nalagutang hininga. Maliit naman ang kanilang bayan upang malihim pa kung sino ang binawian
ng buhay. Wala siyang nalalaman na may sakit kundi si Anita. Dahil sa pagkatutop sa kanila isang
gabi, ang dalaga ay sinaktang mabuti ng ayon sa nagbalita kay Marcos ay mata lamang ang walang
latay.
Ang huling dagok na ito sa kanya ni Don Teong ay isinaman na lamang niya sa talaan ng
pagmamalupit sa kanya ng mayamang may-ari ng lupa nilang binubuwisan, pag-agaw ng lupa sa
kanila. At saka noo’y pagtatangka pa sa kanyang buhay. Pinakahuli nga ang pagkamatay nang tuluyan
ni Anita na ayaon sa balita niya’y nalagutan ng hiningang siya ang tinatawag. Saka nitong huli ay
pagpapaalis sa kanilang lupang kinagisnan at pinagyaman sa tulo ng kanilang pawis na mag-anak.
Ngunit si Marcos, isang manggagawang hubog sa pilihan ng bagong panahon, lumaki ang
puso sa mga pagtitiis. Naging maluwag nga ang kanyang dibdib sa pagtanggap ng pang-aapi ng may-
ari ng lupa. Hanggang noong bago mamatay si Anita, akala niya’y maaari pa siyang makalunok ng
bagong pag-upasala ng itinuturing niyang panginoon. Datapwat nang tanggapin niya ang utos ng
hukuman na pinaaalis sila roon, talagang nagdilim ang kanyang isip. Noon pa’y naisip na niyang
gawing batas ang kanyang kamay, yamang hindi na niya matatamo ang katarungan sa hukuman ng
mga tao.
“Huminahon ka anak ko,” ang sabi ng kanyang ina. “Hindi natutulog ang Bathala sa mga maliliit.
Magtiis tayo.”
Hindi niya itinuloy ang paghahanap sa itak na matalas. Pagkakain niya ng agahan, nilibang niya
ang kanyang ina saka lumabas sa bukid. Gaya rin ng dati’y sinasakyan niya ang kanyang kalabaw na
lalong mahal niya sa lahat ng limang alaga niya. Lumabas siya sa bukid at hinampas niya ng tanaw
ang karagatan ng namumulang ginto. Pagdaramdam at panghihinayang ang ngumatngat sa kanyang
puso. Gaanong pagod ang kanyang pinuhunan upang ang palay niya’y magbunga ng mabuti? Saka
ngayo’y pakikinabangan at matutungo lamang sa ibang kamay.
Nagpapalatak si Marcos sa ibabaw ng kanyang kalabaw. Ibig mang pagdiliman ang isip kung
nagugunita nag utos ng hukuman, ang alaala naman ng kanyang ina’y walang inwan sa bahagharing
sumusugpo sa nababalang unos. Dadalawa na lamang sila sa daigdig at ayaw niyang pabayaan ang
kanyang ina; ipinangako niyang hahandugan ng kaligayahan ang nalalabing buhay nito, bago
malagutan ng hininga ang kanyang ama.
Dahil nga sa kanyang ina, kaya naisip niya ang kabutihan kung sila’y magsasarili: “Tutungo sa
hilaga at kukuha ng homestad. Kakasundo ng mga bagong magsasaka; paris ni Don Teong,
kailangang magkaroon din ako ng gayak paris niya.”
NVSU-FR-ICD-05-00 (081220) Page 5 of 11
Republic of the Philippines
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong, Nueva Vizcaya
INSTRUCTIONAL MODULE
IM No.: 03-GEPAN1-1st SEM-2020-2021
Kabalintunaan man ang sinabi ng anak ay hindi na nag-usisa ang ina palibhasa’y nababatid
niyang sa dibdib ng binata ay may halimaw na natutulog na hindi dapat gambalain upang huwag
magising. Wala siyang nalalaman kundi tuwing takipsilim, kung nakaligpit na ang mga tao sa nayon
ang buong kagayakan ay isinusuot ng kanyang anak saka lumalabas sa bukid. May dalawang linggong
gayon nang gayon ang ginagawa, hanggang isang araw ay tawagan siya ng pansin ng matanda.
“Marcos,” sabi ng matanda. “Dalawang linggo na lamang ang natitira sa ating taning ay hindi mo
ginagawa ang pakikipagtuos kay Don Teong… kung may magiging sukli man lamang tayo sa ating ani
ngayon?”
“Huwag ka pong mabahala, Inang,” sabi ni Marcos. “Nalaglag po ang dahon sa kanyang
kapanahunan.”
Talinghaga na naman ang sinabi ni Marcos.Gayon man may nagunita siyang isang bagay na
ibig niyang malaman sa anak.
“Bakit hindi iniuwi ang kalabaw sa bakuran?” Tinutukoy niya ang kalabaw na mahal na mahal
sa lahat ni Marcos.
Nagunita niya ang sinabi ni Rizal. “Walang mang-aalipin kung walang magpapaalipin.”
Napailing siya sa harap ng gayong masaklap na katotohanan. Patung-patong na ginagawang
pamamaslang sa kanya ni Don Teong – takalang dapat kalusin. Nagunita rin ni Marcos ang marami
pang I bang kasama,katulad din niya, na sa kamay ng mayamang si Don Teong ay walang iniwan sa
mga leeg ng manok na unti-unting sinasakal hanggang makitil ang hininga sa hangad na mahamig na
lahat ang kayamanang gayong minana sa kanilang mga ninuno ay iba ngayon ang may-ari at
nagbubuwis pa.
“Kailangang maputol ang kalupitang ito!” Ang tila pagsumpa sa harap ng katalahagang
ginawa ni Marcos.
“Bakit ka bumili ng pulinas, gora, suwiter, at latigo anak ko?” ang tanong ng matanda kay
Marcos, isang araw na dumating siyang pagod na pagod sa naturang dala-dalahan.
Ang totoo, ang naturang kalabaw ni Marcos ay nakapugal sa hangganan ng lupang sarili ni
Don Teong. Kung takipsilim ay isinusuot na lahat ni Marcos ang pulinas, gora, at ang suwiter, saka dala
ang latigong katulad ng pamalo ni Don Teong. Pagdating niya sa pook na kinapupugalan ay saka
aasbaran ng palo ang kalabaw hanggang sa ito’y umuungol na ang alingawngaw ay abot hanggang sa
kalagitnaan ng bayan. Kung dumating siya’y dinaratnan ang kaniyang ina matuwid ang pagkakaluhod
sa harap ng isang maitim na Santo Kristo sa kanilang silid na naiilawan ng isang malaking kandila.
“Salamat, anak ko, at dumating ka,” ang sasabihin na lamang ng matanda.”Akala ko’y
napahamak ka na.”
Si Don Teong ay may ugaling maglibot tuwing hapon sa paligid-ligid ng kanyang lupa. Ang
ipinanganganib ng ina ni Marcos ay baka makasalubong ito at ang kanilang panginoon, ay hindi
makapagpigil ang isa’t isa. Nalalaman din ng matandang babae na laging may dalang rebolber sa
baywang ang mayamang asendero buhat nang magkaroon ng alitan dahil sa lupa, kaya lagi niyang
inaalaala ang pag-alis-alis ni Marcos.
Subalit isang hapon, samantalang payapang inhahanda ng mag-ina ang kanilang pag-alis,
walang inwan sa putok ng bulkan ang balitang kumalat sa bayan na si Don Teong ay namatay sa
pagkasuwag sa kalabaw. Sinabi ng mga nakakita na pagkakita pa lamang ng kalabaw kay Don Teong
ay tila may sinumpang galit sapagka’t bigla na lamang sinibad ang matanda at nasapol ang kalamnan
ng sikmura ng matulis na sungay ng hayop. Pagkasikwat sa katawan ng asendero ay tumilapon pa sa
itaas at paglagapak ay sinalo naman ng kabilang sungay.
Ang katawan ni Don Teong ay halos lasug-lasog nang iuwi sa bayan, wasak ang suwiter sa
katawan at saka pulinas. Kumilos agad ang may kapangyarihan upang gumawa ng kailangang
pagsisiyasat subalit ang lahat ng matuwid ay nawalan ng halaga sa hindi kumukilos na ayos ng
kalabaw na animo'y wala sa loob ang ginawa niyang napakalaking pagkakasala.
Nang malamang kay Marcos ang kalabaw, bawat isa’y nakatinginan. Hindi nila malaman kung
papaanong ang poot ni Marcos kay Don Toeng ay napunta sa alaga niyang hayop.
Si Marcos ay nakatingin din sa orasan ng gabing yaon. Tatlong minuto nalamang ang kulang sa
ika-8 ng gabi. Hindi siya gumalaw, hindi siya nababahala.
Tumugtog ang animas. Hindi gaya ng dati ayaw niyang marinig ito. Sa halip na idalangin, ang
kaluluwa ng mga namatay, ang naisip niya’y ang matapang niyang kalabaw.
6. 1959 ni Kislap Alitaptap mula sa “Duguang Lupa” ng KM64 Poetry Collective (Tula)
Si Julian, ang asawa ni Amanda, ay kakampi ng anak nilang lalaki sa mga gawain nitong
kumakalaban sa pamahalaan habang kasabayan namang tumatanging unawain ang kagustuhan ni
Amanda na makahanap ng hanapbuhay. Isang sundalong pandagat sa Estados Unidos ang
pangalawang anak na lalaki ni Amanda. Ang ikatlo naman niyang anak nalalaki ay nagsusulat naman
ng mga ipinagbabawal na mga sulating pampolitika na nagsisiwalat ng mga katiwalian. Ang ikaapat ay
naging biktima ng isang tiwaling kagawaran ng pulisya, habang isa pa lamang paslit na busnong lalaki
ang ikalima.
isang mag-anak na nasa isang partikular na panahon sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang nakahihikayat
na katangian ng nobela ay nakasalalay sa pag-unlad ng mga tauhan nito na kumakatawan sa bagong
henerasyon ng mga Pilipino. Ito ay isang kwento hinggil sa isang ina at sa kaniyang mag-anak, at sa
lipunang nakapaligid sa kanila. Isa itong salaysayin kung paano ang damdamin ng isang ina ay
napupunit sa pagitan ng panitik ng batas ang kaniyang mga katungkulan bilang ina.
Ito ay isang nobelang Pilipino na isinatitik ni Lualhati Bautista at isina pelikula noong 2002 na
pinangasiwaan ni Chito Rono na kinabituwinan ng mga artistang sina Vilma Santos, Christopher de
Leon, Piolo Pascual, Marvin Agustin, Kris Aquino, Ana Capri, Dimples Romana, Jhong Hilario, Carlos
Aggasi, Danilo Barrios, Carlo Munoz, Tirso Cruz III, Orestes Ojeda, John Wayne Sace, Marianne de la
Riva, Manjo del Mundo, at Cacai Bautista.
Tumanggap ang Dekada ’70 ng 11 gantimpala at 12 banggit ng pagkahalal. Ito ang opisyal
na lahok ng Pilipinas sa ika-76 na taunang Academy Awards para sa kategoryang pelikulang nasa
ibang wika.
1. Gawaing Pasalita
1.1 Sa pelikulang “Dekada ‘70”, piliin ang pinakapaborito mong linya, hindi lalagpas sa limang
pangungusap, at iakto ito, BIDYUHAN ang gagawing pag akto at ipadala sag mail ng inyong guro.
(violitabbawas@gmail.com)
Pamantayan sa Pagmarka
Kategorya Napakahusay (50- Mahusay (44-24) Katamtaman (23- Kailangan pang
45) 10) Pagbutihin (9-1)
Pagdala sa linya Angkop ang Angkop ang Hindi gaanong Hindi angkop ang
ekspresyong ekspresyong angkop ang ekspresyong
ipinapakita, ipinapakita, ekspresyong ipinapakita, hindi
nakaaagaw ng nakuha ang ipinapakita hindi nakuha ang
atensyon sa atensyon ng nakuha ang atensyon ng
tagapakinig at tagapakinig ngunit atensyon ng tagapakinig at
angkop ang galaw hindi lahat, tagapakinig at hindi angkop ang
sa napiling linya. angkop ang ilang hindi angkop ang galaw sa napiling
galaw sa napiling galaw sa napiling linya.
linya. linya.
2. Gawaing Pasulat
2.1 Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Bakit responsibilidad ng bawat isa na magkaroon ng sapat na kaalaman sa karapatang
pantao?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2. Ano ang gagawin mo kung sakaling nalabag ang iyong mga karapatan bilang isang tao?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
NVSU-FR-ICD-05-00 (081220) Page 8 of 11
Republic of the Philippines
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong, Nueva Vizcaya
INSTRUCTIONAL MODULE
IM No.: 03-GEPAN1-1st SEM-2020-2021
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
3. Bilang isang kabataan, paano mo matutulungan ang mga taong natatapakan ang kanilang mga
karapatan?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
4. Ano sa palagay mo ang dapat pang gawin ng gobyerno upang mapabuti ang pagpapatupad ng
mga batas hinggil sa karapatang pantao?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
5. Sa maikling kuwento ni Deogracias Rosario na “Walang Panginoon”, sino ang mga maituturing
na Marcos sa kasalukuyang panahon?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
6. Ano ang masasabi mo sa kasalukuyang pagpapatupad ng batas hinggil sa karapatang pantao
sa ating bansa? May pagbabago bas a pagpapatupad nito sa ating panahon sa kasalukuyan?
Patunayan
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2.2 Basahing mabuti ang isinasaad ng bawat bilang sa ibaba upang mapunan ng wastong sagot ang
mga kahon. 1. Pagtukoy- maglahad ng tatlong karapatang pantao.
2. Pagsukat- ilahad kung makakamit nga ba o hindi ng mga Pilipino.
3. Pagsusuri- suriin kung saan o para kanino nga ba ang karapatang ito.
4. Pagpapahusay- ano sa palagay mo ang dapat pa nating gawin upang mapagbuti ang karapatang ito.
5. Pagkontrol- sa inyong palagay paano pinananatili o pinapangasiwaan ng pamahalaan ang
karapatang ito?
1. Pagtukoy 2. Pagsukat 3. Pagsusuri 4. Pagpapahusay 5. Pagkontrol
VIII. EBALWASYON
Panuto: Basahing mabuti ang sitwasyon sa ibaba, sagutin ito nang mahusay at hindi maligoy.
Sitwasyon: Ikaw ay kilalang abogado sa inyong bayan dahil sa iyong kahusayan sa pagpapanalo ng
kaso, naatasan kang ipagtanggol sa korte ang isang senador na napagbintangang nanggahasa at pumatay sa
isang dalagang anak ng isang magsasaka. Malaking pera ang nakahandang ibayad saiyo ng senador
maipanalo mo lamang ang kaso. Alam mong totoong siya ang gumahasa at pumatay sa dalaga. Ano ang
gagawin mo?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
IX. SANGGUNIAN
A Book/Printed Resources
Ang, J.G., et al. (2016) Literatura (21st Century Philippine & World Literatures). (Pahina 1-70). Mindshapers
Co., Inc., Rm. 108, Intramuros Corporate Plaza Bldg., Recoletos St., Manila
Ramos, B.F., et al. (2019) Panitikan ng Pilipinas. (Pahina 1-161). St. Andrew Publishing House, 369
Culianin, Plaridel, Bulacan
Saguinsin, I. DC.et. al, (2018) Ugnayan: Panitikan at Lipunan. (Pahina 1-341). St. Andrew Publishing House,
369 Culianin, Plaridel, Bulacan
Villafuerte, P.V., et al. (2000) Panunuring Pampanitikan (Teorya at Pagsasanay). (Pahina 2-48). Mutya
Publishing House, #12 P. Gomez St. Maysan, Valenzuela City
B e-Resources
Bautista, L. (2017, June 6). Grade 10 Aralin 3 ang Isyu ng Kahirapan. Retrieved November 12, 2019 from
https://www.slideshare.net/kheesa/grade-10-aralin-3-ang-isyu-ng-kahirapan
Binibini, C. (2017, November 5). Module 3 hamong pangkasarian. Retrieved November 3, 2019 from
https://www.slideshare.net/BinibiniCmg/module-3-hamong-pangkasarian
Pagsusulat sa Filipino ang Magpapasigla sa Panitikan ng Bansa. (2016, December 10). Retrieved August 15,
2019 from https://varsitarian.net/filipino/20161210/pagsusulat-sa-filipino-ang-magpapasigla-sa-panitikan-ng-
bansa-lumbera/
Mabait, M. (2014, July 9). Teoryang Pampanitikan. November 28, 2019 from
https://www.slideshare.net/GinoongGood/teoryang-pampanitikan-36790003
Maun, J. (2013, December 3). Ang Manggagawang Pilipino. Retrieved November 15, 2019 from
https://www.slideshare.net/joselitomaun03/ang-manggagawang-pilipino
Mga Akdang Pampanitikan. (2014, March 21). Date Retrieved August 15, 2019, from website
https://www.slideshare.net/timbangangelo/akda/
Mga Tips sa Pagsulat ng Sanaysay. (n.d.) Date
Panitikan ng Iba’t Ibang Lalawigan sa Pilipinas. (n.d.) Retrieved August 15, 2019 from
http://malacanang.gov.ph/75475-panitikan-ng-ibat-ibang-lalawigan/
Balangkas sa Paggawa ng Suring Papel. (2016, March 3). Retrieved August 15, 2019, from
http://gaytajemima.blogspot.com/2016/03/b-alangkas-sa-paggawa-ng-suring-tungkol.html/
Suring-basa ng Maikling Kuwento. (2017, March). Retrieved August 15, 2019 from
http://libosada11.blogspot.com/2017/03/ suring-basa-ng-maikling-kuwento-ang_28.html/