Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

MGA ANYONG TUBIG SA ASYA

 Anyong Tubig: Ayon sa ensiklopedya ang anyong tubig ay kahit anumang makahulugang
pag-ipon ng tubig, kadalasang tinatakpan ang ibabaw ng isang planeta katulad ng Daigdig.
Kadalasang dumadaloy ang mga tubig upang tahakin ang ibat-ibang lugar kung saan mayroong
lakas o pwersang paghatak na likha ng kadagsinan o grabitasyon patungo sa mas mababang
lugar. Sa kadahilanang may likot o kagalawan ang tubig, ito ay lumilikha ng mga bago o ibat-iba
pang mga anyo.

Ang mga anyong tubig rin ay:


o Nagsisilbing likas na depensa
o Nagsisilbing rutang pang kalakalan at paggagalugad
o Pinag kukunan ng yamang dagat at yamang mineral
o Ilog-nagsilbing lundayan ng mga unang kabihasnan at pinagkukuhanan ng
Pangkabuhayan
o Naghuhubog sa uring pamumuhay ng mga taong nakatira

 Iba’t ibang uri ng anyong tubig :


 Mga halimbawa ng mga sikat na anyong tubig sa Asya
1. Karagatan
-Ito ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong tubig na sumasakop ng malaking bahagi ng
mundo. Nahahati ito ng mga ilang bahagi na may ibat-ibang laki na ayon sa lawak ng kanilang
nasasakupang lupain.
Ilan sa mga tanyag o sikat na karagatan sa Asya ay:
 Karagatang Pasipiko ( Silangang Asya) - Nagmula sa salitang Latin na Mare Pacificum, na ang
ibig sabihin ay payapang laot. Pinakamalaking karagatan sa daigdig. Naglalaman ang
Karagatang Pasipiko ng 25,000 mga pulo (mahigit ito sa kabuuang bilang ng buong
pinagsamang mga karagatan sa mundo).
 Karagatang Artiko (Hilaga)- Matatagpuan ang karamihan ng karagatan sa rehiyon ng Hilagang
Polo, ito ay ang pinakamaliit at ang pinakamababaw sa mga limang karagatan ng mundo.
Natatakpan ng dagat yelo ang karamihan sa karagatan, sa panahon ng malalamig na mga
buwan o sa buong taon.
 Katimugang Karagatan-Binubuo ng pinakatimog na mga tubig ng Karagatan ng Mundo ito rin
ay kilala din bilang Dakilang Katimugang Karagatan, ang Karagatang Antartiko at ang Timog
Polar na Karagatan. Itinalaga ito bilang ang paghahati ng mga karagatan na pumapalibot sa
Antartika. May mga ilang siyentipiko na tinuturing ang Tagpong Antartiko, bilang isang sona ng
karagatan na pabago-bago sa panahon.
 Karagatang Indiyano ( Timog) - Ang Karagatang Indiyano ay ang pangatlong pinakamalaki sa
mga pagkakahati ng karagatan sa mundo, na sinasakop ang mga 20% ng tubig sa ibabaw ng
Daigdig. Napapaligiran ito ng Asya (kabilang ang subkontinenteng Indiyano, na kung saan
pinangalan ito); Aprika sa kanluran; Indotsina, ang mga Pulo ng Sunda, at Awstralya sa silangan;
at ang Katimugang Karagatan (o Antartika sa tradisyon) sa timog.

2. Dagat
Ang dagat ay malawak na anyong-tubig na mas maliit lamang ang sukat sa karagatan. Maalat ang
tubig ng dagat sapagkat nakadugtong ito sa karagatan.May hangganan itong mga lupain o nakapaloob
sa isang lupain.
 Dagat Celebes-.Ang Dagat Celebes o Dagat Sulawesi sa kanluran ng Dagat Pasipiko ay ginigilid
sa hilaga ng Kapuluang Sulu, Dagat Sulu at Mindanao ng Pilipinas, sa silangan ng mga ulo ng
Sangihe, sa timog ng Sulawesi, at sa kanluran ng Kalimantan sa Indonesia . Itong dagat na ito ay
kahawig ng isang malaking lunas, at kasing lalim ng 6,200 m. Ang kabuuang lawak nito ay
110,000 m sq. (280,000 km sq).
 Ang Dagat Bering (o Dagat Imarpik) -ay isang bahagi ng tubig sa hilaga ng, at hinihiwalay mula
sa, hilagang Karagatang Pasipiko sa pamamagitan ng Tangway ng Alaska at Mga Pulo ng
Aleutian. Sinasakop ang mahigit na dalawang milyong kilometro kuadrado (775,000 milya
kuadrado),
 Dagat Dilaw (Yellow Sea)- Nakalagak ito sa pagitan ng pangunahing lupain ng Tsina at ng
tangway ng Korea. Nagmula ang pangalan nito sa mga maliliit na mga piraso ng buhangin mula
sa mga bagyo ng buhangin ng Ilang ng Gobi na nagsasanhi ng pagiging kulay dilaw ng ibabaw ng
tubig habang papalubog ang araw.
 Dagat Bohol-Matatagpuan sa pagitan ng Bisayas at ng Mindanao sa Pilipinas. Nasa timog ito ng
Bohol at Leyte at hilaga ng Mindanao.

3. Ilog-
- ay isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat. Nagmula
ito sa maliit na sapa o itaas ng bundok o burol.
 Indus- Ang ilog ng Indus ay nag-uugat sa Tibet at Tsina. Ito ay dumadaloy papasok sa India,
Pakistan at Bangladesh.
 Ganges- Nagmumula sa paaanan ng Himalayas at bumabagtas patungo sa timog Silangan
Bahagi ng India.
 Yangtze-Pinakamahabang ilog sa Asya, at ang ikatlong pinakamahaba sa buong mundo. Ito rin
ang isa sa mga malalaking ilog batay sa bolyum ng inilalabas sa buong mundo. Tinatanggal ng
Yangtze ang isat-lima na lawak ng lupain ng Tsina at ang gilid ng ilog ay tinitirhan ng isat-tatlong
katao ng Tsina.
 Huang Ho-Ang ikalawang pinakamahabang ilog sa Tsina (sumunod sa Yangtze) Ikaanim sa
pinakamahaba sa buong mundo. Dumadaloy ito sa siyam na lalawigan ng Tsina at nagtatapos
sa Dagat Bohai. Ito ay tinatawag na Yellow River bunga ng loess na nakikita rito. Pana-panahon
itong dahilan ng pagbaha sa Tsina kaya tinawag itong Pighati ng Tsina
 Yenisei-Pinakamalaking sistema ng ilog na dumadaloy papunta sa Karagatang Artiko. Ito ang
panlimang pinakamahabang ilog sa mundo
ADDITIONAL INFO/ TRIVIA- ( PILIPINAS ) -Mayroong 132 pangunahing ilog sa bansa. Ang
pinakamahabang ilog ay Ilog Cagayan at ang pinakamalaki ay ang Rio Grande de Mindanao. Ang
Ilog Pasig ang maituturing na pinakamakasaysayan sapagkat ito ang ginamit na daanan ng mga
negosyante mula sa mga katabing bansa sa Asya upang magdala ng mga kargamento sa loob at
labas ng Maynila.

4. Look
Ang look ay anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at iba pang sasakyang-pandagat. Ito
ay kabaliktaran ng Golpo, maalat din ang tubig nito sapangkat nakadugtong ito sa dagat o sa
karagatan.

 Look ng Bengala-Pinakamalaking look sa buong mundo, ay bumubuo sa hilaga-silangang


bahagi ng Karagatang Indiyano.
 Look ng Maynila- Isa sa mga pinakamahusay na likas na daungan sa mundo na nagsisilbing
puerto ng Maynila, sa Pilipinas. Nasa 19 km ang lawak ng pasukan nito at nasa haba na 48 km.

5. Lawa- ay isang anyong tubig na pinapalibutan ng lupain. Karamihan sa mga lawa sa


daigdig ay tubig tabang, at halos lahat ay matatagpuan sa Hilagang Hemispero.
HILAGA:
 Lawa ng Baikal (Rusya) - Rehiyon ng Siberia, sa pagitan ng Irkutsk Oblast sa hilagang-kanluran
at Republika ng Buryat sa timog-silangan. Ito ang ikapitong pinakamalaking lawa sa mundo
ayon sa sukat ng kalatagan nito.
 Mga Lawa ng Koslay (Kazakhstan) - Ay isa sa mga pinakamagandang lugar sa Kazakhstan. Ito ay
tinawag na “blue necklace of Norther Tien Shan” dahil sa kulay ng tubig nito.Sa wika ng Kazakh
ang ibig sabihin ng ”koslay” ay “lake in the valley.

SILANGAN:
 Lawa ng Mashu (Japan)- Ito ay isang lawang nabuo sa caldera ng bulkan. Matatagpuan ang
lawa sa Akan National Park sa isla ng Hokkaido, Japan. Ang tubig ng Lake Mashu ay kinikilala
bilang pinakamalinaw sa buong mundo.
 Lawa ng Qinghai (China)- Ito ay ang pinakamalaking lawa sa China na matatagpuan sa gitna ng
Hainan at Haibei Autonomous Prefectures sa hilagang-silangang bahagi ng Qinghai.

MGA LAWA SA PILIPINAS :


 Lawa ng Taal- Iisang lawang tubig tabang sa lalawigan ng Batangas sa pulo ng Luzon, Pilipinas.
to ang pangatlong pinakamalaking lawa sa Pilipinas (ang pinakamalaki ay ang Lawa ng Laguna).
Ang aktibong Bulkang Taal na may kinalaman sa sulpurikong nilalaman ng lawa, ay nasa isang
pulo sa kalagitnaan ng lawa na tinatawag na Pulong Bulkan.
 Lawa ng Laguna- Pinakamalaking lawa sa Pilipinas at pangalawa sa pinakamalaking panloob na
sariwang-tubig na lawa sa Timog-silangang Asya, pumapangalawa lamang sa Lawa ng Toba ng
Sumatra, Indonesia. Parang titik ‘W' ang lawa, kasama ang dalawang tangway na lumalabas na
pasulong na pahaba mula sa hilagang pampang
ADDITIONAL INFO/ TRIVIA- ( PILIPINAS )
 Caspian- Pinakamahabang lawa sa buong daigdig
 Baikal- Pinakamalalim sa daigdig
 Dead sea- Pinakamaliit na lawa

6. Talon- Matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa.


 Talon ng Maria Cristina-Ito ay matatagpuan sa Ilog Agus sa pulo ng Mindanao. Tinatawag itong
"kambal na talon" sapagkat ang daloy nito ay hinihiwalay ng malaking bato mula sa tuktok nito.
Ito ay ang pangunahing pinagkukunan ng elektrisidad na pangkalahatang gamit naman ng mga
industriya sa lungsod.
 Talon ng Pagsanjan- Matatagpuan ito sa lalawigan ng Laguna. Mararating ang talon sa
pamamagitan ng paglalakbay sa ilog sa pamamagitan ng pagsakay ng bangka magmula sa
munisipalidad ng Pagsanjan. Ang paglalakbay na nakasakay sa bangka ay isa nang pang-akit na
pangturista magmula pa noong Panahong Kolonyal ng Kastila na ang pinakamatandang
pagsasalaysay ay noong 1894.

7. KIPOT-Makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong tubig tulad ng


dagat o karagatan.

 Kipot ng Makassar -ay isang kipot sa pagitan ng mga isla ng Borneo at Sulawesi sa Indonesia.
Dinudugtong nito sa hilaga ang Dagat Celebes, habang sa timog ay Dagat ng Java. Sa hilagang-
silangan, binubuo nito ang Look ng Sangkulirang, timog ng Tangway ng Mangkalihat. Ang kipot
ay isang mahalagang ruta sa kalakal sa rehiyong Timog-silangang Asya.
 Kipot ng San Juanico- Pinaghihiwalay nito ang mga pulo ng Samar at Leyte, at ang nag-uugnay
sa Look ng Carigara (Dagat Samar) sa Look ng San Pedro sa Golpo ng Leyte. Mayroon itong
tinatayang haba na 38 kilometres (24 mi), at sa pinakamakitid na bahagi nito, ay mayroon
lamang itong lawak na 2 kilometers (1.2 mi).
 Kipot ng Singgapura -ay isang kipot na matatagpuan sa silangan ng Kipot ng Malaka at ang
Dagat ng Timog Tsina sa kanluran. Ang haba ng kagipitan ay 114 km at isang lapad ng 16 km.
Ang Singgapura ay matatagpuan sa hilaga, habang ang Kapuluan ng Riau sa timog.

8. Gulpo-Isang malaking look na mistulang kamay na bahagi ng dagat o karagatan .


 Golpo ng Tonkin-Natatanging malanday o mababaw ang golpo, na mas mababa sa 60 mga
metro ang lalim. Pangunahing mga daungan dito ang Haiphong, Biyetnam at ang Beihai, Tsina.
Maraming maliliit na mga pulo ang nakalagak sa loob ng golpo, na ang karamihan ay nakatuon
sa hilaga-kanlurang golpo
9. Batis - Ang batis ay isang anyong tubig na may patuloy na agos sa pinanggagalingan nito. Mayroon
itong tubig sa ibabaw na dumadaloy sa ilalim nito at sa mga pampang ng isang kanal. Karaniwan nang
malinis at malamig ang tubig sa batis na madalas matatagpuan sa gitna ng mga kakahuyan sa gubat.
10 Sapa- Anyong tubig na dumadaloy, ito ay mas maliit , makipot mababaw kaysa sa ilog. Ito rin ay
mabato at mabilis ang agos ng dati.

You might also like