ULO 4-5 Weeks

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

FIL 314 (2650): Pagtuturo at Pagtataya sa Kasanayang

Pangwika

Takdang Aralin

Ipinasa ni:
Kristine Nicolle E. Dana

Ipinasa kay:
Bb. Maria Edna P. Porras
Nobyembre 10, 2021
1. Ang mga simulain sa pagtuturo at pagkatuto ng wika ay ang mga sumusunod:
 Simulaing Nakapokus sa mga Mag-aaral
Sa simulaing ito, itinuturing ang bawat mag-aaral na may taglay na sariling
pangangailangan at interes.
 Simulaing Nagsasangkot sa Mag-aaral
Isinasaad sa simulaing ito na dapat bigyan ang bawat mag-aaral ng maraming
pagkakataon upang makilahok sa iba’t-ibang uri ng gawaing komunikatibo.
 Simulaing Nakatuon sa Target na Wika
Binibigyang halaga ng simulaing ito na kailangang bigyan ng guro ang mga mag-
aaral ng mga input na komunikatibo na abot ng kanilang pang-unawa at
makabuluhan para sa sarili nilang pangangailangan at interes
 Simulaing Nakapokus sa Ilang Anyo ng Wika
Upang mahusay na malinang ang kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral sa
loob ng maikling panahon, kailangan ng guro ang mga mag-aaral sa ilang anyo at
gamit ng wika, mga kasanayan at estratehiya na makatutulong upang magamit ang
wika sa isang kalagayan na limitado ang panahon.
 Simulaing Sosyo-kultural
Tungkuling ng guro na ipadama sa mag-aaral na kailangan ang pagpapahalaga sa
mga karanasang pang-kultura na dala nila sa pag-aaral ng wika at mapagyaman ito
sa kultura ng mga taong gumagamit ng target na wika.
 Simulain ng Kamalayan
Kailangan ng isang mag-aaral ng wika ang pagiging sensitibo sa wika at kultura ng
ibang tao. Ang pagsasaalang-alang sa kultura ay nagiging daan upang madama ang
lakas ng wika upang mapaglapit ang diwa at isipan ng iba’t-ibang taong gumagamit
ng target na wika.
 Simulain ng Pagtataya
Ang kamalayan hinggil sa sariling pag-unlad ng wika ay maaaring maging
pampasigla para sa ibayo pang pagkatuto. Kaya’t mahalaga na palagiang may
pidbak ang mag-aaral hinggil sa kanilang pagsulong sa pagkatuto at kailangan itong
maging realistiko.
 Simulain ng Pananagutan
Mahalaga sa anumang larangan ng pag-aaral ang pagkakaroon ng sariling
pananagutan anuman ang maging bunga nito at malinang ang pagkatuto sa sariling
sikap.

2. Ang teknik, dulog at pamamaraan ay mga terminong halos magkakaugnay


pagdating sa usaping pagtuturo at pagkatuto. Subalit ang tatlong ito ay may naiibang
kahulugan o natatanging depenisyon. Una, ang teknik— ito ay tawag sa paraan ng
organisasyon ng interaksyong pangklase. Tumutukoy ito sa alinmang mga
kagamitang pagsasanay o gawain sa loob ng klasrum, upang maisakatuparan ang
mga layunin ng isang aralin. Ikalawa, ang dulog—ito’y isang set ng
pagpapahalagang hinggil sa kalikasan ng wika, pagkatuto at pagtuturo. At ang ikatlo
naman, ang pamamaraan--ito ay isang panlahat na pagpaplano para sa isang
sistematikong paglalahad ng wika at batay sa isang dulog.

3. Napakahalaga na malinang sa bawat mag-aaral ang mga makrong kasanayan sa


pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat at panonood sapagkat ang mga ito ang
maghahatid sa atin tungo sa matagumpay at mabisang pakikipag-komunikasyon.
Halimbawa na lamang sa pakikinig, kinakailangan nating maging isang mabisang
tagapagpakinig nang sa gayon ay maging maganda ang daloy ng komunikasyon
natin sa ating kapwa. Sa pamamagitan rin ng pagsasalita, nagkakaroon ng
pagkakataon ang tao na makipagpalitang-kuro, makapagsalaysay ng mga
karanasan, makapagbigay ng reaksyon at iba pa.
Mahalaga naman ang pagbasa sa buhay ng bawat tao sapagkat ito ang nagsisilbing
pangunahing kasangkapan sa pagtuklas ng karunungan, kung baga ito ang gintong
susi na magbubukas ng pinto sa daigdig ng karunungan at kasiyahan. Sa
pagsusulat, tayo ay may kalayaang ipahayag ang ating mga damdamin sa ano mang
paksa. Puwede tayong gumawa ng ating sariling mga mundo, tauhan, at mga aral na
maaaring pag-aralan ng ibang tao. Ang panonood, gayon pa man ay isang esensyal
na kasanayan na kinakailangan na mahasa ninuman dahil ito ay nagpapalawak ng
ating isipan hinggil sa mga napapanahong isyung panlipunan lalo na kung ikaw ay
mahilig sumubaybay sa balita at bukod pa rito nalilinang din ang ating kakayahan sa
pag-unawa ng mga ideya at mensahe na nais ipaabot ng ating napanood.

You might also like