Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

IDEYA - Ang ideya ay anumang kuro-kuro na umiiral sa isip bilang resulta ng pag-unawa sa

kaisipan, kamalayan, o aktibidad. Ang isang pag-iisip o koleksyon ng mga saloobin na bumubuo
sa isip. Karaniwang binuo ang isang ideya na may hangarin, ngunit maaari ding gawing hindi
sinasadya. Ang ideya ay isang plano, mungkahi, o posibleng pagkilos.

Halimbawa, kadalasang nabubuo ang ideya tuwing mayroong pagtatalakayan o pag uusap.

Ang salitang kaisipan ay may maraming kahulugan ayon sa pagkakagamit nito gaya ng mga
sumusunod na kasingkahulugan:

 ideya
 pananaw
 konsepto
 ideolohiya

Ang kaisipan ay tumutukoy sa nais ibahagi ng isang indibidwal o grupo sa maaaring gustong


ipahayag kung ano ang posisyon nila tungkol sa isang paksang pinag-uusapan. Sa simpleng
eksplanasyon, ang kaisipan ay kung ano ang masasabi mo sa isang paksang pinag-uusapan
batay sa iyong pag-iisip sa nasabing paksa.

TALATA – isang lipon o grupo ng mga pangungusap na may ipinapahiwatig o nagpapahiwatig


ng isang kaisipan.

- ang mga pangungusap ay magkaugnay at sumusuporta sa paksang pangungusap o sa paksa


mismo 

- ang paksang pangungusap ay kadalasang nasa unahan o sa hulihan ng talata

Mga Katangian Ng Isang Mahusay Na Talata

 Kaisahan
 Kaugnayan
 Kaanyuan

1. Kaisahan - tumutukoy sa mga pangngusap na nagkakaisang umiikot sa iisang diwa


2. Kaugnayan - ang mga pangungusap ay magkakaugnay o magkakadugtong ang
kaisipan upang magkaroon ng maayos na daloy ng kaisipan mula una hanggang dulo
3. Kaanyuan - ang talata ay maaaring buuin, ayusin, at linangin ayon sa lugar o heorapiya,
ayon sa kahalagahan o kasukdulan

SUGNAY - Ang sugnay o hugnay ay ang kalipunan ng mga salitang


may simuno at panaguri na maaaring may buong diwa (makapag-iisa) o di-buong diwa (di
makapag-iisa). Ito ay tinatawag na clause sa wikang Ingles. Kabilang sa mga uri ng sugnay ang
mga sumusunod:

 punong sugnay
 malayang sugnay
 pantulong na sugnay

PARIRALA (PHRASE) - Ang parirala ay isang salita o lipon ng mga salita na hindi
nagpapahayag ng buong diwa.

Mga Halimbawa ng Parirala

 uminom ng gatas

 ang bata

1
LATHALAIN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang isang lathalain ant ang
mga halimbawa nito.

Ating tandaan na ang Lathain ay ating isinusulat para maipahiwatig at ilahad ang isang balita o
impormasyon. Maaari rin itong gamitin para ipalawak ang mga detalye tungkol sa isang
makakatotohanang pangyayari tungkol sa isang karanasan, pananaliksik sa isang kawili-wiling
paraan.

Dahil dito, matatawag natin ang isang lathalain bilang paraan upang mabigyan ng buhay at
kulay ay hindi kawili-wiling imormasyon. Ang pagsusulat ng isang lathain ay nakabatay sa
malikhaing kaisipan ng awtor.

Dapat lang nating tandaan na kapag kita’y gumagawa ng lathalain tungkol sa mga
napapanahng isyu o balita, ay dapat naka angat sa katotohanan ang mga impormasyon na
ating inilalagay. Ito’y dahil balita o mahalagang paksa ang tinatalakay.

Kaya naman, pag dating sa mga pananaliksik at pag-aaral, dapat ganun din ang gagawin kapag
sumusulat. Kadalasan natin makikita ang mga lathalain sa loob ng diyaryo katulad ng mga
tabloid o kaya’y mga editoryal.

Ang ibig sabihin ng lathalain ay:  

 Ito ay isang akda na naglalayon na magpayo, magbigay ng aral, magturo, mang-aliw o


maglahad ng katotohanan batay sa karanasan, pagmamasid, pananaliksik, pag-aaral o
pakikipanayam.

 Ito ay tumatalakay sa mga kawili-wiling bagay na batay sa pangkatauhang kawilihan


(nakakawili at nagkakaroon tayo ng koneksyon dahil nasasalamin dito ang sarili nating
buhay).  

TAGPUAN – Tagpuan ang tawag sa lugar na pinangyarihan ng isang kwento. Ito ay mahalang
elemento upang makagawa ng isang epektibong kwento na tiyak na makakapagpawili sa mga
mambabasa.

PAMBUNGAD – Ang pambungad ay nangangahulugang panimula na kung saan sa isang


akda ay nagbibigay ideya sa mga mambabasa tungkol sa laman ng akda.

PAMBUNGAD NA TAGPO – aksyon, ideya, o sitwasyon

PANLOOB NA TUGON – ang tugon ng pangunahing tauhan sa pambungad na tagpo,


kabilang rito ang kaniyang pagtiyak sa ilang layon.

PAGTATANGKA – pagsubok o pagsisikap, Intensyon, plano, pagsubok, pagsisikap , tangka,


layunin, balak

RESULTA – isang kahihinatnan, epekto, o kinalabasan ng isang bagay.  

- mangyari o sundin bilang kinahinatnan ng isang bagay.


KINALABASAN – Ang ibig sabihin ng salitang Kinalabasan ay isang hantungan o
pinatunguhan ng isang gawi, pangyayari o kilos, ito rin ay tinatawag
na resulta, kinahinatnan at bunga.

- resulta,  kinahinatnan, kahahantugtan, dulo,

2
REAKSIYON – Ang reaksyon ay ang damdaming nagpapakita ng pagsang-ayon, pagsalungat,
pagkatuwa, pagkalungkot o pagkadismaya matapos makita,malaman, marinig o mapanood ang
iang bagay na may halaga sa isang oraganismo kagaya ng tao.

Halimbawa ng mga sitwasyon at posibleng reaksyon:

1. Nanalo sa lotto-tuwa at galak


2. Namatayan-pagkalungkot
3. Natalo sa sugal-pagkadismaya, panghihinayang, pagsisisi
4. Promosyon sa trabaho-tiwala sa sarili, kumpyansa
5. Sinigawan-pagkabigla

Ang reaksiyon ay isang kilos na isinagawa o isang nararanasang pakiramdam bilang tugon sa
isang sitwasyon o pangyayari.

BUOD – ito ay ang pinaikli o pinaiksing bersyon ng isang teksto. Ito ay maaaring
pinanood,pinakinggan o nakasulat. Sa pagbuod pinipili dito ang mga pinaka-mahahalagang
ideya at mga sumusoportang ideya o datos. Mga mahahalagang pangyayari o ang mga
mahahalagang nangyari.

NAMUMUKOD – naiiba; nahihiwalay; nabubuklod, kilala, litaw, tanyag, natitira, bantog,


prominente, kapansin-pansin, kitang-kita, kaiba, malinaw, natatangi, iba, panghudyat,
panenyas, hindi malilimot, kahanga-hanga, kapansin-pansin, espesyal, pasadya, tangi

SIYENTIPIKONG EKSPIREMENTO –

Siyentipiko
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang siyentipiko o siyentista ay isang taong nakatuon sa isang sistematiko aktibidad upang
makakuha ng kaalaman na naglalarawan at naghuhula sa natural na mundo. Sa isang mas
mahigpit na kahulugan, ang isang siyentipiko ay maaaring tumukoy sa isang indibidwal na
gumagamit ng siyentipikong paraan (scientific method).[1] Ang mga taong ito ay maaaring
maging isang dalubhasa sa isa o higit pang sangay ng agham.[2] Ang artikulong ito ay nakatuon
sa mas mahigpit na gamit ng salita. Nagsasagawa ang mga siyentipiko ng pananaliksik tungo
sa isang mas komprehensibong pag-unawa ng kalikasan, kabilang ang mga aspetong pisikal,
pangmatematika at panlipunan.
Ang pilosopiya ay isang natatanging aktibidad na hindi karaniwang itinuturing na agham.
Layunin ng mga pilosopo (philosophers) na magbigay ng isang komprehensibong pag-unawa
ng mga hindi nahahawakang (intangible) aspeto ng realidad at karanasan na hindi maaaring
pisikal na masukat.
Ang mga siyentipiko ay kaiba sa mga inhinyero, mga taong nadidisenyo, bumubuo at
nagpapanatili ng mga aparato para sa mga partikular na sitwasyon; gayunpaman, walang
inhenyerong makakatamo ng titulong iyon nang walang makabuluhang pag-aaral ng agham at
ng siyentipikong paraan. Kapag ang agham ay ginawa na may layunin patungo sa praktikal na
panggagamitan, ito ay tinatawag na inilapat sa agham (applied science). Ang isang applied
scientist ay maaaring hindi nagdidisenyo ng isang partikular na bagay, ngunit sa halip ay
nagsasagawa ng pananaliksik na may layuning bumuo ng mga bagong teknolohiya at praktikal
na pamamaraan. Kapag ang agham ginawa na kasama ang hindi nahahawalang aspeto
(intagible aspects) ng realidad ito ay tinatawag na natural na pilosopiya (natual philosophy).
Eksperimento
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang eksperimento ay isang sistematikong pamamaraan upang patunayan, pabulaanan, o
pagtibayin ang kawastuhan ng isang palagay. Ang mga eksperimento ay nagbibigay ng
kaliwanagan sa mga sanhi at bunga sa pamamagitan ng pagpapakita ng resulta kapag ang
isang partikular na salik ay naimpluwensyahan. Ang mga eksperimento ay nagkakaiba-iba sa
kanilang mga layunin at antas, ngunit pare-parehas na gumagamit ng mga prosesong maaaring
ulitin at mga lohikal na pagsusuri ng resulta. Mayroon ding mga pag-aaral sa mga likas na
eksperimento.

3
Ang isang bata ay maaaring magsagawa ng isang payak na eksperimento upang maunawaan
ang grabidad, habang ang mga siyentipiko naman ay maaring magsiyasat upang mapalawak
ang pag-intindi sa isang hindi pangkarawinang bagay. Ang mga eksperimento at iba pang
gawaing katulad nito ay mahalaga sa pag-aaral ng agham sa loob ng silid-aralan. Maaari nitong
pataasin ang marka sa mga pagsusulit at nakatutulong din sa pagyabong ng interes ng mga
mag-aaral sa kanilang mga aralin, lalo na kapag nagamit nang matagalan. Mayroong iba’t ibang
uri ng eksperimento; mula sa mga personal at impormal na paghahambing (halimbawa:
pagtikim ng iba't ibang tsokolate upang mahanap ang paborito), hanggang sa mga masinsinang
kinokontrol (hal. mga pag-aaral na nangangailangan ng komplikadong kasangkapan na
pinangangasiwaan ng mga siyentipikong naghahangad na makatuklas ng impormasyon tungkol
sa mga subatomikong partikula). Ang gamit ng mga eksperimento ay nagkakaiba sa pagitan ng
natural at pantaong agham.
Karaniwang kasama sa eksperimento ang mga kontrol na idinesenyo upang mabawasan ang
epekto ng mga baryante (variables) maliban sa iisang baryanteng malaya. Dahil dito higit na
mas maaasahan ang mga magiging resulta sa pamamagitan ng paghahambing ng kontrol at iba
pang mga sukat. Ang mga kontrol ay bahagi ng siyentipikong pamamaraan. Mas mainam sa
isang eksperimento kung lahat ng baryante ay kontrolado. Sa ganitong klase ng ekperimento,
kung lahat ng kontroladong baryante ay gumana katulad ng inaasahan, maaaring sabihin na
ang eksperimento ay umaayon sa layunin nito at ang mga resulta ay dahil sa epekto ng variable
na sinusuri.

PAKSA – Ang paksa ay maaaring ang bahagi ng akda o pangungusap na binibigyan ng pokus


o tuon sa akda o pangungusap.

Ang paksa ng isang akda ay tinatawag din na tema. Ito ay mahalaga sapagkat ito ang


nagmumulat sa mga mambabasa kung ano ang magiging epekto ng kilos ng isang karakter sa
kwento, nobela, o sanaysay sa kabuuang takbo ng kwento. Ang ilan sa mga pangkaraniwang
tema na ginagamit ng mga manunulat sa kanilang mga akda ay: pagkamakabayan,
pagmamahal sa kapwa, pananampalataya, at pagkakaibigan.

 Ang paksa ay tumutukoy sa pinag-uusapan sa pangungusap. Ang paksa ay tinatawag


din na simuno.

 Ang paksa ay maaaring tao, bagay, hayop, at pangyayari.

Halimbawa:
1. Ang Kalupi (maikling kwento)- kawalan ng hustisya at pagiging mapanghusga
2. El Filibusterismo (nobela) - kasakiman
3. Florante at Laura (korido) - pag - ibig at pakikibaka
4. Sa Ugoy ng Duyan - pag - ibig ng ina
5. Romeo at Juliet - pag - ibig at kasawian
Ang paksa sa pangungusap naman ay tumutukoy sa bagay na pinag - uusapan sa
pangungusap. Ito ay maaaring pangngalan, panghalip, pandiwa, pang - uri, at pang - abay.
Halimbawa:

1. Si Ginoong Rodrigo Duterte ay pangulo ng bansang Pilipinas. (pangngalan)


2. Siya ay matuwid na lider. (panghalip)
3. Ang mabuting lider ay minamahal ng lahat. (pang - uri)
4. Ang mga nagsisikap ay binibigyang parangal. (pandiwa)
5. Kinalulugdan ang totoong marespeto sa mga magulang. (pang - abay)

PANGUNGUSAP –  ay ang kalipunan ng mga salitang nagsasaad ng isang buong diwa. Ito ay
may patapos na himig sa dulo na nagsasaad ng diwa o kaisipang nais niyang ipaabot..
- ang pangungusap ay lipon ng mga salita sa bawat diwa ito ay binubuo ng
simuno at panaguri. Ito rin ay gumagamit ng ibat -ibang bantas tulad ng tuldok..

4
BALANGKAS – Ang balangkas ay ang tamang pagkakahanay-hanay ng mga salita.
Kadalasan na ginagamit ito sa pagsusulat ng mga akda. Karaniwang makikita ito sa mga
pahayag, teksto at mga kwentong babasahin. Idiniriin din ng paggamit ng balangkas ang mga
pangunahing ediya na madaling maiintindihan ng mga tao. Sa Ingles ay outline.

Uri ng pagkakagamit sa balangkas

1. Paksang balangkas (Topic outline)


2. Balangkas na nasa pangungusap (Body outline)

Mga halimbawa ng paksang balangkas

 Ang pasisikap mag-aral.


 Ang mithiin ni Nina.

Mga halimbawa ng pangungusap na balangkas

 Laging nagsisikap si Nina para maabot niya ang kaniyang mga pangarap. Kaya
naglalaan siya ng panahon sa pag-aaral.
 Mahusay si Nina sa filipino at math kaya siya ang laging inilalaban sa mga math contest
at mga pahayag sa filipino.

Kahalagahan ng paggamit ng balangkas

Hindi nagdudulot ng kalituhan sa mga nagsusulat at nagbabasa ng kwento. Naidiriing mabuti


ang gustong iparating ng taong gumawa ng kwento. Nagiging malinis at organisado ang mga
salita.

Kaya sa paggawa ng iyong sariling kwento gumamit ng tamang mga balangkas ng salita para
maintindihan ito ng iba.
- Ang balangkas o outline sa salitang Ingles ay ang kalipunan ng mga salita at pangungusap na
nagtataglay ng pagkakasunod-sunod ng mahahalagang bahagi ng isang sulatin.

halimbawa ng isang balangkas:

I. Pamagat: Dumating si Kuting

II. Mga Tauhan: Kuting, Matsing, at Pagong

PAGBABALANGKAS – Ang pagbabalangkas ay maayos na pagtatala ng mga pangunahing


kaisipan o paksa ayon sa pagkakasunud-sunod sa isang katha o seleksyon.

PANG-UGNAY – ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa


pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay.

Mga Pang-ugnay (Connectives)

a. Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay

b. Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan

c. Pang-ukol ( preposition) - mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita

May tatlong pang-ugnay sa Wikang Filipino. Ito ay ang mga sumusunod:

5
1. Pang-angkop – ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa at salitang tinuturingan. Ito ay
nagpapaganap lamang ng mga pariralang pinaggagamitan. May dalawang uri ng pang-angkop.

a. Ang pang-angkop na – na ay ginagamit kapag a ng unang salita ay natatapos s katinig


maliban sa n. Hindi ito isinusulat ng nakadkit sa unang salita. Inihihwalay ito. Nagigitnaan ito ng
salita ng panuring.
b.Ang pang-angkop ng –ng ay ginagamit kung ang unang salita at nagtatapos sa mga patinig.
Ikinakabit ito sa unang salita.

Kapag ang unang salita naman ay nagtatapossa n tinatanggal o kinakaltas ang n at ikinakabit
ang –ng

2. Pang-ukol – ito ay isang uri ng pang-ugnay na nagsasaad ng kuagnayan ng pangngalan o


panghalip sa ibang salita sa pangungusap.
Halimbawa:
Para sa, ukol sa, laban sa, alinsunod sa, labag sa, ayon sa, para kay/kina, ukol kay/ kina

3. Pangtanig – ito ay bahagi ng salitang nag-uuganay ng isang salita o kaispan sa isa pang
salita o kaisipan sa isang pangungusap.

a. amukod – ginagamit upang itangi ang isa sa isa pang bagay.


b. Paninsay o pasalungat – ginagamit kung nagsasaaad ng pagsalungat
Halimbawa:
Subalit, datapwat, bagama’t
c. Panubali o Panlinaw – nagsasaaad ng panubali o pasakali.
d. Pananhi – tumutugon sa tanong na bakit, nagsasaaad kadakilaan
Halimbawa:
Sapagkat, dahil sa, palibahasa

PANG-UGNAY

Ang Pang-ugnay ay isang bahagi ng pananalita na gaya ng kaniyang pangalan ito ay nag-


uugnay sa mga salita, sugnay, parirala o pangungusap Ang Pang-ugnay ay tumutukoy sa mga
salita na nagpapakita ng kaugnayan ng dalawang yunit o bahagi sa isang pangungusap. Ito ay
may tatlong uri gaya ng:

1. Pangatnig
2. Pang-angkop
3. Pang-ukol

Pangatnig

Ito ay ang mga salita na nag-uugnay sa dalawa o mga salita, parirala o sugnay sa isang
pangungusap.

Halimbawa ng mga pangatnig:

 at
 pati
 nang
 bago
 habang
 upang
 sakali
 kaya
 kung
 gayon

Halimbawang pangungusap (naka-italiko ang pangatnig):

6
1. Magbanat ka ng buto upang umunulad ang buhay ng pamilya mo.
2. Pumunta sila sa mall at namili ng mga ihahanda sa kaniyang blow out.

Pang-angkop

Ito ay ang mga kataga na nag-uugnay sa panuring at sa salitang tinuturingan  nito.

Dalawang halimbawa ng pang-angkop:

 na
 ng 

Halimbawang pangungusap:

1. Isa siyang mapagmahal na ama.


2. Lagi siyang pumipili ng masarap na kainan dito.
3. Iyan lahat ang kaniyang maruruming damit.
4. Hindi ka na makakakita ng masunuring bata sa ngayon.

Pang-ukol

Ito ay ang mga salitang nag- uugnay sa isang pangangalan at sa iba pang salita sa
pangungusap.

Halimbawa:

 ng
 ni/nina
 kay/kina
 laban sa/kay
 ayon sa/kay
 para sa/kay
 alinsunod sa/kay
 hinggil sa/kay
 tungkol sa/kay

Halimbawang pangungusap:

1. Alinsunod sa batas, hindi mo na siya puwedeng kasuhan dahil tapos na ang 10 taon.
2. Pagbubutihan ko ang aking pag-aaral para sa aking pamilya.

SALIK – (FACTOR / COMPONENT) 

- mahahalagang sangkap o nilalaman

- mga importanteng elemento

- mga nilalaman

- mga bumubuo

Ang SALIK (Factor in English) ay ano mang bagay, pangyayari o sitwasyon na  maaaring


magkaroon ng impluwensya sa maaaring kahinatnan ng ano mang paksa. Ang mga salik sa
iba’t ibang anyo nito ay nagagawang baguhin ang direksyon ng maraming bagay.  

Tignan natin ang halimbawa:

7
Ang isang estudyante na madalas lokohin at saktan ng mga kapwa estudyante niya na higit na
malaki sa kanya, ay maaaring kumilos patungo sa mga sumusunod na hakbang:

a) Magsabi sa magulang na gusto niyang mag-aral ng martial arts.

b) Umiwas sa mga kaiskwela niya  

c) Sabihin sa magulang na lilipat na lamang siya ng bagong paaralan.  

Ang mga hakbang na maaaring piliin ng estudyante ay bunga ng salik na panloloko at


pananakit na dinanas sa kamay ng higit na malalaking estudyante.

You might also like