Si Biuag at Malana

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Ang kuwentong ito ay tanyag sa mga Ibanag.

Ito ay may kaugnayan sa dalawang


matitikas na binata may daang taon na ang nakakaraan. Sa Nangalauatan, isang
nayon sa Rizal ang dako na pinaglabanan nina Biuag at Malana, doon makikita
hanggang sa ngayon ang dalawang bundok kung saan naghamok ang dalawa dahil
sa nadaramang pagmamahal ng isang magandang dilag.

Si Biuag ay katutubo ng Enrile, ang pinakatimog na bahagi ng Cagayan. Noong


siya’y isinilang, isang di pangkaraniwang dalaga ang dumalaw, at sa pagkakabatid
ng ina, ito ay isang diyosa. Ang ina ay nanikluhod at nagmakaawang pagkalooban
ng mahabang buhay ang kaniyang anak.

Hindi umimik ang diyosa, at sa halip, itinali ang tatlong maliliit na bato sa leeg ng
bata. Diumano ang isa nito ay magiging sanggalang niya sa masasama. Minsan siya
ay nahulog ngunit hindi man lamang ito nasasaktan. Nang siya’y lumaki sinubukan
niyang lumangoy sa ilog na tinitirahan ng mga buwaya, subalit walang nangyari sa
kanya.
Ang dalawang bato ay bagbigay sa kanya ng kakaibang lakas at bilis. Nagagawa
niyang maging mas mabilis pa sa hangin. Nang siya ay maglalabing-dalawang taong
gulang, kamangha-manghang naihahagis niya ang buong kalabaw sa kanilang
burol. May kakayahan siyang bunutin ang isang punungkahoy sa tulong lamang ng
kanyang mga kamay, na wari mo’y damo lamang. Dahil sa taglay na kapangyarihan
nito, siya ay dinayo ng mga tao at sinamba.

Kahit na makapangyarihan si Biuag, siya ay hindi maligaya. Natutuhan niyang


mahalin ang isang dalagang tubong Tuao, isang bayan sa Cagayan. Kung sino ang
dalaga ay wala ni isa man ang nakakaalam. Maging ang kanyang pinagmulan ay
hindi nila malaman. Gustuhin man ni Biuag na limutin ang dalaga ay hindi
makakasama ang dilag habangbuhay.

Noon din ay may isang balita ng Malaueg, Rizal, na may isang binata rin katulad ng
pagkatao ni Biuag. Siya ay si Malana. Nong siya’y labing-walong taong gulang,
nagkaroon ng bagyo sa Malaueg, at ito’y nagdulot ng gutom sa mga tao. Ang
tanging inaasahang lugar na pagkukunan ng pagkain ay ang Sto. Niño na malayung-
malayo sa kanila. At kinakailangan pang tumawid ng ilog na tinitirhan ng maraming
buwaya.

Bunga nito, si Malana ay gumawa ng paraan. Naglakbay siya hanggang marating


ang Sto. Niño, at sa kanyang paglalakbay ay ipinagdasal ng mga tao ang kanyang
tagumpay.

Nang siya’y makabalik, marami siyang dalang bigas, nagbunyi ang mga tao alam
nilang hindi sila magugutom. Matapos niyang maipamahagi ang mga bigas ay
nagpasiya na itong umuwi.

Pagdating sa kanilang bahay ay isang pana ang nakita ni Malana. Ang buong pag-
aakala niya ay ang kanyang Ama ang gumawa dito. Dinampot niya ito at ibinato sa
hangin, subalit ito ay bumalik sa kanya. Namangha siya dahil sa dulo nito ay may
dalawang batong tulad ng kay Biuag.

Nakarating sa kaalaman ni Biuag ang pagsamba ng mga tao kay


Malana. Ipinagwalang-bahala ito ni Biuag dahil ang nasa isipan niya’y ang
napakagandang dalaga.

You might also like