Araling Panlipunan Module 3 4 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 28

AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

WEEKLY HOME LEARNING PLAN


Grade 9
Weeks 3-4: Quarter 1
October 19, 2020 – October 30, 2020

Learning Area: ARALING PANLIPUNAN 9 (Ekonomiks)


Topic: Modyul 3: Iba’t-ibang Sistemang Pang-Ekonomiya
Modyul 4: Mga Salik ng Produksyon at ang Implikasyon Nito sa Pang-araw-araw na Pamumuhay ng Tao

Day and Time Learning Learning Tasks Time Mode of


Competency Allotment Delivery
8:30 – 9:30 Home Guidance Program (HGP)
9:30 – 10:00 RECESS

Wednesday Nasusuri ang ibat- ALAMIN Ipasa o


 Pamantayang Pangnilalaman
10:00 – 12:00 ibang sistemang  Pamantayan sa Pagganap ipadala ang
(Crack, pang ekonomiya 5 min. output sa
 Mga Nilalaman (Paksa/Aralin)
Special  Pamantayan sa Pagkatuto facebook
Programs, (AP9MKE-If-  Panimula Messenger o
Regular/TVL 12) Group Chat
Class) na gawa at
BALIKAN 10 min. binigay ng
1:00-3:00  Gawain 1: Ibigay Muna! (p.2) Guro o mga
(STE) iba pang
paraan ng
(Module 3) pagpasa na
TUKLASIN inirekomenda
 Gawain 2: Sistema Ikamo (p.2) ng paaralan
Pamprosesong Tanong (1-2) 10 min.
o anumang
napili ng
guro para sa
SURIIN Klase.
 Ang Sistemang Pang-Ekonomiya (Modular
(p.3-5) Digitized)
 Traditional Economy 25 min.
 Market Economy
 Command Economy Magulang ang
 Mixed Economy magbigay ng
output ng anak
PAGYAMANIN sa Guro sa
 Gawain 4: Sagutin Mo! (p.5) paaralan o di
25 min.
Tanong 1-3 kaya ay sa
 Gawain 5: Dialogue Box (p. 6) barangay
distribution
Pamprosesong Tanong (1-2)
area.
(Modular
ISAISIP
Printed)
 Mga Mahahalagang Kaalaman na
25 min.
dapat tandaan (1-9)
 Gawain 6: Tanong at Sagot
 Gawain 7: Data Retrieval Chart
(p.7-8)

KARAGDAGANG GAWAIN
 Gawain 8: Repleksyon (p.8) 10 min.
 Gawain 9: Entrance at Exit Slip
(P.8)

TAYAHIN
 Panghuling Pagtataya (1-10) 10 min.
(p.9-10)
12:00 – 1:00 LUNCH

1:00 – 3:00 Natatalakay ang ALAMIN Ipasa


(Crack, Special mga salik ng  Pamantayang Pangninilaman (ii) o ipadala ang
Programs, produksyon at  Pamantayan sa Pagganap output sa
5 min.
Regular/TVL Class) ang implikasyon  Mga Nilalaman (Paksa/Aralin) facebook
nito sa pang-  Mga Pamantayan sa Pagkatuto Messenger o
3:00-5:00 araw-araw na  Panimula Group Chat na
(STE) pamumuhay gawa at
binigay ng
(Module 4) (AP9MKE –Ii-19) BALIKAN Guro o mga
 Gawain 1: IRF Chart! (p.1) 10 min. iba pang
paraan ng
pagpasa na
TUKLASIN inirekomenda
 Gawain 2: Larawan -Suri? (p.1) ng paaralan o
Pamprosesong Tanong (1-3) anumang
10 min.
napili ng guro
para sa Klase.
(Modular
SURIIN Digitized)
 Mga Salik ng Produksiyon(2-3)
 LUPA Bilang Salik ng Produksiyon
 PAGGAWA Bilang Salik ng
Produksyon Magulang ang
30 min. magbigay ng
 KAPITAL Bilang Salik ng
Produksiyon output ng anak
 ENTREPRENEURSHIP Bilang Salik sa Guro sa
ng Produksiyon paaralan o di
PAGYAMANIN kaya ay sa
barangay
 Gawain 3: BuuinNatin-Mga Salik 30 min. distribution
ng Produksyon (p.4)
area.
Pamprosesong Tanong (1-3)
(Modular
Printed)
 Gawain 4: Ikot-Nawain (P.4)
Pamprosesong Tanong (1-3)
 Gawain 5: IRF Chart (p.5)
 Gawain 6: Isulat Mo Sa Tri-Linear
Model! (p.5)
ISAISIP
10 min.
 Mga mahahalagang kaalaman na
dapat tandaan (p.6)

ISAGAWA
 Gawain 7: Basa-Suri (p.6) 10 min.

TAYAHIN
 Panghuling Pagtataya (1-20) (p.7- 15 min.
8)
 Summative Test (1-20)
3:00 - onwards FAMILY TIME

Prepared by:

NEPTHALY G. LAID JR.


RACHEL L. GILOS
FE A. FRANCONAS
RONALD B. DASMARIÑAS
RUBY ANN T. TEPOSO
DAPHNE ALTHEA A. APAT
Grade 9 A.P Teachers
9
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3:
Iba’t Ibang Sistemang
Pang-ekonomiya
Alamin
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

Naipamalas ng mag-aaral ang pag- Naisasabuhay ang pag-unawa sa mga


unawa sa mga pangunahing konsepto pangunahing konsepto ng Ekonomiks
ng Ekonomiks bilang batayan ng bilang batayan ng matalino at maunlad
matalino at maunlad na pang-araw- na pang-araw-araw na pamumuhay.
araw na pamumuhay.

Mga Nilalaman (Paksa/Aralin)


1. Iba’t Ibang Sistemang Pang-ekonomiya

Pamantayan sa Pagkatuto
Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
1. Nasusuri ang iba’t ibang sistemang pang ekonomiya.

Sa nakaraang aralin, natutunan at napahahalagahan ang paggawa ng tamang


desisyon upang matugunan ang pangangailangan at kagustuhan. Nalaman rin ng mag-
aaral na walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan na siyang naging dahilan
ng pagkakaroon ng suliranin ng kakapusan.

Natutunan ang tungkol sa mahalagang ideya o konsepto tungkol alokasyon. Ang


alokasyon ay isang mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yaman, produkto at
serbisyo. Ito rin ay isang paraan upang maayos na maipamahagi at magamit lahat ng
pinagkukunang-yaman ng bansa.

Sa bahaging ito, inaasahang magabayan ang mag-aaral tungkol sa mga mekanismo


ng alokasyon sa iba’t ibang sistemang pang- ekonomiya bilang sagot sa kakapusan.
Aralin
Iba’t ibang Sistemang Pang-
1 Ekonomiya

Balikan

Gawain 1: Ibigay Muna!


Panuto: Kompletuhin ang konsepto o ideya na nasa ibaba sa pamamagitan ng pagsulat o pagbigay
ng sariling pagkaunawa sa ito. Gawin sa sagutang papel.

Para sa akin ang alokasyon ay

Ang dahilan ng kakapusan ay

Kailangang gumawa ng tamang desisyon kung paano gagamitin ng mahusay ang


pinagkukunang-yaman ng bansa upang

Tuklasin
Gawain 2: Sistema Ikamo?
Panuto: Piliin sa hanay ng mga salita ang angkop na kataga sa bawat larawan.
Isulat sa sagutang papel ang kasagutan.
Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang iyong naging batayan sa pagpili ng sagot?


2. Sa iyong palagay, ano ang ibig sabihin ng sistemang pang-ekonomiya?

Sa susunod na bahagi ay sasagutan mo ang entrance at exit slip upang inisyal na


masukat ang iyong nalalaman tungkol sa alokasyon.

Suriin

Sa parteng ito ng modyul ay iyong lilinangin ang mga kaisipan/ kaalamang


tutulong sa iyo upang higit na maintindan ang paksang aralin. Dito tinitiyak na
ikaw ay maihahanda upang tiyak ang mga pang-unawa sa mga impormasyong
kinakailangang malinang. Sa bahaging ito ay magkakaroon ka ng mahahalagang
ideya sa mga konsepto ng iba’t ibang sistemang pang ekonomiya na umiiral sa
daigdig.

ANG SISTEMANG PANG-EKONOMIYA


Ang sistemang pang-ekonomiya ay tumutukoy sa isang institusyonal na kaayusan at
paraan upang maisaayos ang paraan ng produksiyon, pagmamay-ari at paglinang ng
pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing pang-ekonomiko ng isang lipunan. Mithiin ng
bawat sistemang pang-ekonomiya na makaagapay anglipunan sa mga suliranin ng kakapusan at
kung paano epesyenteng magagamit ang mga pinagkukunang-yaman ng bansa.
Bawat lipunan ay may sinusunod na sistemang pang-ekonomiya upang matugunan ang
mga suliraning nakapaloob sa produksiyon at alokasyon ng mga produkto at serbisyo. Ang
sistemang pang-ekonomiya ay sumasagot sa apat na pangunahing katanungan.

Iba’t Ibang Sistemang Pang-ekonomiya


Ang sumusunod ay ang iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa daigdig:
Traditional Economy
Ang unang anyo ng sistemang pang-ekonomiya ay ang Traditional Economy. Ang kasagutan
sa pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala.
Ang tanong na ano ang lilikhaing produkto ay hindi mahirap sagutin sapagkat ang pangangailangan
ng tao ay umiikot lamang sa pangunahing pangangailangan tulad ng damit, pagkain, at tirahan.
Maging ang suliranin kung paano lilikha ng produkto ay simple lamang na tinutugunan dahil ang
paraan ng produksiyon ay batay sa sinaunang pamamaraan na itinuro ng matatanda sapagkat sa
Traditional Economy, bagama’t walang tiyak na batas ukol sa alokasyon, may maliwanag na
pagkakaunawa ang mga tao sa paraan nito. Ang anumang produkto na kanilang malilikha ay
ipamamahagi ayon sa kanilang pangangailangan at kung sino ang dapat gumamit.

Market Economy
Sa market economy, ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang- ekonomiko ay
ginagabayan ng mekanismo ng malayang pamilihan. Sa ganitong Sistema, ang bawat kalahok-
konsyumer at prodyuser, kumikilos alinsunod sa kanilang pansariling interes na makakuha ng
malaking pakinabang. Ang mga nasa lakas-paggawa ay maaaring makapamili ng kanilang nais na
papasukang trabaho. Ang pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay sinasagot ng puwersa
ng pamilihan. Ang market economy ay nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng kapital,
pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng presyo, pangangasiwa ng mga gawain.
Presyo ang pangunahing nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at
kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser. Sa kabuuan, ang
dami ng produkto na nais ibenta ng mga prodyuser ay may katumbas na dami ng produkto na
nais bilhin ng mga mamimili. Sa madaling sabi, presyo ang nagsisilbing pambalanse sa
interaksiyon ng konsyumer at prodyuser sa loob ng pamilihan.
Samantala, ang tungkulin naman ng pamahalaan ay ang pagbibigay ng proteksiyon sa
kapakanan ng mga pag-aaring pampribado, kabilang ang mga batas na mangangalaga sa
karapatan, ari-arian, at kontrata na pinasukan ng mga pribadong indibidwal.

Command Economy
Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at
regulasyon ng pamahalaan. Ang pagkontrol ay alinsunod sa isang planong nauukol sa pagsusulong
ng ekonomiya na pinangangasiwaan mismo ng sentralisadong ahensiya (central planning agencies).
Katunayan ang pagpapasya sa proseso ng gawaing pang-ekonomiya ay sentralisado o nasa
kamay ng pamahalaan lamang. Tinutukoy rin ang mga gagamiting pinagkukunang-yaman sa
paglikha ng kapital. Samantala, madaling nalalaman ang distribusyon ng kita sa lipunan sa
pamamagitan ng pagtatakda ng pasahod para sa iba’t ibang uri ng hanapbuhay. Ang kita naman
sa lupang sakahan ay maaaring matukoy sa pamamagitan ng pagtatakda sa halaga ng mga
produktong nagmumula rito.
Ang patakaran sa command economy ay ipinatupad sa dating Soviet Union. Sa
kasalukuyan, nanatiling may ganitong sistemang pang-ekonomiya sa Cuba at North Korea.

Mixed Economy
Ang mixed economy ay isang sistema na kinapapalooban ng elemento ng market economy
at command economy. Walang maituturing na isang kahulugan ang mixed economy. Ito ay
kinapapalooban ng magkaugnay na katangian ng dalawang sistema tulad ng malayang
pakikilahok sa mga gawaing pangkabuhayan na pinahihintulutan ng pamahalaan at pagkontrol
ng pamahalaan sa ilang gawaing pangkabuhayan. Ang salitang mixed economy ay nalikha upang
tukuyin ang isang sistemang nabuo at may katangian na bunga ng pagsasanib o kumbinasyon ng
command at market economy. Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit
maaaring manghimasok o makialam ang pamahalaan sa mga usaping nauukol sa pangangalaga
sa kalikasan, katarungang panlipunan, at pagmamay-ari ng estado. May pribadong pagmamay-
ari sa mga salik ng produksiyon, imprastraktura at mga organisasyon. Ang sistemang mixed
economy ay nagpapahintulot din na makagawa ng mga pribadog pagpapasya ang mga kompanya at
para sa kanila sapagkat ang karamihan sa mga desisyong ito ay ginagabayan ng
pamahalaan.

indibidwal. Gayunpaman, ito ay hindi nanganghulugang ganap na awtonomiya para sa kanila


sapagkat ang karamihan sa mga desisyong ito ay ginagabayan ng pamahalaan.

Pagyamanin

Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtibayin mo, bilang mag-


aaral, ang mga nabuo mong kaalaman ukol sa alokasyon. Kinakailangan ang
mas malalim na pagtatalakay sa konsepto ng alokasyon upang maihanda ang
iyong sarili sa pagsasabuhay ng iyong mga natutuhan.

Gawain 4:Gawain 4: Sagutin Mo!


Sagutin Mo!

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan gamit ang tatlo hanggang limang
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan gamit ang tatlo hanggang
pangungusap.
limang pangungusap.
1. Ano1.ang pagkakaiba ng Iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na tinutukoy sa
Ano ang pagkakaiba ng Iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na tinutukoy
binasang teksto? teksto?
sa binasang
Sagot: Sagot:_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.
.
2. Sa iyong palagay, aling sistemang pang-ekonomiya ang umiiral sa bansa
natin?
2. Sa iyong palagay, aling sistemang pang-ekonomiya ang umiiral sa bansa natin?
Sagot:_____________________________________________________________________
Sagot:
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.
3. Batay sa binasang teksto, paano nakaagapay ang lipunan sa mga suliranin.
ng kakapusan sa pamamagitan ng iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya?
Sagot:_____________________________________________________________________
3. Batay sa binasang teksto, paano nakaagapay ang lipunan sa mga suliranin ng
___________________________________________________________________________
kakapusan sa pamamagitan ng iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya? Sagot:
__________________________________________________________________________.

Gawain 5: Dialogue Box 9

Panuto: Punan ng tamang sagot ang usapan ng dalawang tauhan sa bawat kahon.
Pamprosesong Tanong:

1. Batay sa usapan ng mga tauhan, anong sistemang pang-ekonomiya ang umiiral sa


Pilipinas?
2. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong pumili ng sistemang pang- ekonomiya na
pairalin sa ating bansa, anong Sistema ang iyong pipiliin? Bakit?

Isaisip

Mga mahahalagang kaalaman na dapat tandaan:

1. Mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya na makaagapay ang lipunan sa


mga suliranin ng kakapusan at kung paano episyenteng magagamit ang mga
pinagkukunang-yaman ng bansa.
2. Bawat lipunan ay may sinusunod na sistemang pang-ekonomiya upang
matugunan ang mga suliraning nakapaloob sa produksiyon at alokasyon ng mga
produkto at serbisyo.
3. Sa Traditional Economy, ang anumang produkto na kanilang malilikha ay
ipamamahagi ayon sa kanilang pangangailangan at kung sino pa ang dapat
gumamit.
4. Sa market economy, ang kalahok-konsyumer at prodyuser, ay kumikilos
alisunod sa pansariling interes na makakuha ng malaking pakinabang.
5. Presyo ang pangunahing nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga
mamimili at kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga
prodyuser.
6. Sa command economy, nasa komprehensibong kontrol at regulasyon ng
pamahalaan ang planong nauukol sa pagsulong ng ekonomiya.
7. Halimbawa ng mga bansang gumagamit ng command economy ay ang North
Korea at Cuba.
8. Ang mixed economy ay may katangian na bunga ng pagsanib o kombinasyon ng
command at market economy.
9. Sa sistemang pang-ekonomiya na mixed economy ay nagpapahintulot sa mga
pribadong pagpapasya ng pribadong kompanya at indibidwal ngunit karamihan
pa rin sa mga desisyong pang-ekonomiya ay ginagabayan ng pamahalaan.

Gawain 6: Tanong at Sagot


Panuto: Punan ang talaan sa kaliwa kung saang sistemang pang-ekonomiya ito nabibilang sa mga
halimbawang ibinigay sa ikalawang hanay.

SISTEMANG PANG-EKONOMIYA HALIMBAWA

Pangingisda pagtatanim,
paghahayupan

Protection of labor rights, existence of


economic planning
Imprastraktura na pagmamay-ari ng
pamahalaan

Maliliit na negosyante, ang mga


nagmamay-ari ay iyong pribadong
sector.

Gawain 7: Data Retrieval Chart


Panuto: Magsaliksik ukol sa mga bansang sumasailalim sa mga sistemang pang- ekonomiya na
nasa kaliwang bahagi ng tsart. Magbigay ng tatlong bansa at isulat sa kabilang patlang.

Sistemang Pang-ekonomiya Mga Bansa

1.Traditional Economy

2.Command Economy

3.Mixed Economy

4.Market Economy

Karagdagang Gawain:

Gawain 8: Repleksiyon
Panuto: Ngayon ay maari mo nang itala ang lahat ng bagay at impormasyon na iyong natutuhan sa
aralin. Isulat sa isang buong papel.

Gawain 9: Entrance at Exit Slip


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Tayahin
Panghuling Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang titik na
tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.
1. Piliin sa sumusunod ang tamang paraan ng pagpapasya ng market economy.
a. Nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala.
b. Ang pamahalaan ang may ganap na kapangyarihan upang makamit ang mga
layuning pang-ekonomiya.
c. Hinahayaan ang pamilihan subalit maaaring manghimasok ang pamahalaan.
d. Alinsunod sa pansariling interes ng nagtitinda at mamimili.
2. Papaano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng pangkat kung ikaw ay
kabilang sa market economy.
a. Wala sapagkat ang katungkulan ko sa ekonomiya nagmumula sa pamahalaan
batay sa plano.
b. Malaya akong makakakilos ayon sa sariling kagustuhan o interes nang hindi
pinakikialaman ng pamahalaan.
c. Tulong-tulong sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pakikinabang sa
pinagkukunang yaman.
d. Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may kontrol pa rin sa
ilang mga gawain.
3. Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at
regulasyon ng:
a. Konsyumer c. Pamilihan
b. Pamahalaan d. Prodyuser
4. Sa Market Economy, ito ang nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga
mamimili at kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga
prodyuser.
a. likas-yaman c. Presyo
b. Pamahalaan d. Prodyuser
5. Alin sa sumusunod ang mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya?
a. Upang mas mapalawig ang kitang pang-ekonomiya ng ating bansa.
b. Upang makamit ang pinakamataas na kasiyahan at kapakinabangan mula
rito.
c. Upang makaagapay ang lipunan sa mga suliranin at kung paano episyenteng
magagamit ang pinagkukunang-yaman ng bansa.
d. Upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan
ng tao.

6. Ang sistemang pang-ekonomiko ay sumasagot sa apat na pangunahing pang-


ekonomiko. Alin sa sumusunod ang kasagutan ng Traditional Economy sa
katanungang: Ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin?
a. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa puwersa ng pamilihan.
b. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa utos ng pamahalaan.
c. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa tradisyon, kultura at
paniniwala.
d. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa puwersa ng pamilihan at
pamahalan.

7. Bakit kailangang isaalang-alang ang paggamit at paglinang ng lahat ng


pinagkukunang-yaman ng bansa?
a. Upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas ng kasiyahan at
kapakinabangan mula rito.
b. Upang mas lumaki ang kita nga ekonomiya ng ating bansa at ng mamamayan
nito.
c. Mas mapalawig ang yamang-likas ng isang bansa na kagaya ng ating bansa.
d. Nararapat itong bigyang pansin dahil sa katotohanang may kakapusan na
umiiral.

8. Sa iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa mundo, anong katangian na


nakapagbubukod-tangi sa sistemang mixed economy na siyang dahilan upang ito
ang ginagamit ng mas nakararaming bansa?
a. Ang pagkontrol ay alinsunod sa komprehensibong kontrol at regulasyon ng
pamahalaan.
b. Ang anomang produkto na kanilang nalilikha ay ipamamahagi ayon sa kanilang
pangangailangan at kung sino ang dapat gumamit.
c. Nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng kapital, pakikipag- ugnayan sa
pamamagitan ng presyo at pangangasiwa ng gawain
d. Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit maaaring
manghimasok o makialam ang pamahalaan sa mga usaping nauukol sa
pangangalaga ng kalikasan, katarungang panlipunan, at pagmamay-ari ng
estado.

9. Ang sistemang pang-ekonomikong ito ay sumasagot sa unang katanungang pang-


ekonomiko batay sa puwersa ng pamilihan.
a. Traditional Economy
b. Market Economy
c. Command Economy
d. Mixed Economy

10. Alin sa sumusunod ang may pinakawastong interpretasyon sa kasabihang, “There


isn’t enough to go around.” ni John Watson Howe?

a. May limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman kaya’t hindi ito sasapat sa


pangangailangan ng tao.
b. Ang walang pakundangan na paggamit ng pinagkukunang-yaman ay
hahantong sa kakapusan.
c. Walang hanggan ang pangangailangan ng tao gayundin ang mga
pinagkukunang-yaman.
d. May hangganan ang halos lahat ng pinagkukunang-yaman sa buong daigdig.
9
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 4:
Mga Salik ng Produksiyon at ang
Implikasyon Nito sa Pang-araw-
araw na Pamumuhay ng Tao

Name:
Grade Level: 9
Section:
Date:
Alamin

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

Ang mga mag-aaral ay may Ang mag-aaral ay


pag-unawa sa mga naisasabuhay ang pag-unawa
pangunahing konsepto ng sa mga pangunahing konsepto
ekonomiks bilang batayan ng ng ekonomiks bilang batayan
matalino at maunlad na pang- ng matalino at maunlad na
araw-araw na pamumuhay. pang-araw- araw na pam
umuhay.

Mga Nilalaman (Paksa/ Aralin)

1. Mga Salik ng Produksiyon at ang Implikasyon Nito sa Pang-araw-araw na


Pamumuhay ng Tao

Mga Pamantayan sa Pagkatuto


Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay
inaasahang:
1. Natatalakay ang mga salik ng produksiyon at ang implikasyon nito sa
pang- araw-araw na pamumuhay.

Sa nakaraang aralin, natutunan ang tungkol sa paunang ideya o


konsepto ng produksiyon. Iyong natiyak ang kahalagahan ng mga
produktong tinaguriang inputs bilang susi sa pagbuo ng mga produktong
tinatawag na outputs. Natutunan mo rin na maaaring dumaan ng ilang
proseso ang isang payak na bagay upang ito ay maging isang higit na
mahalagang produkto na maaaring tumutugun sa mga pangangailangan ng
tao.
Sa modyul na ito ay mapag-aaralan ang tungkol sa salik ng
produksiyon at ang implikasyon nito sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Sa pamamagitan ng pagsama-sama ng salik (factors of production) nagiging
posible ang produksiyon ng ibat ibang produkto na mahalaga sa buhay ng
tao. Sa tulong ng mga gawain sa araling ito, iyong mahihinuha kung gaano
kahalaga ang bawat salik ng produksiyon at ang implikasyon nito sa pang-
araw-araw na pamumuhay ng tao.
Mga Salik ng
Aralin
Produksiyon at Ang
1 Implikasyon Nito sa Pang-
araw-araw na Pamumuhay

Balikan

Gawain 1: IRF Chart


Panuto: Sagutin ang IRF Chart. Isulat mo sa hanay ng I – initial ang kasagutan sa tanong
na: “Para sa’yo ano-ano ang mga salik ng produksyon at ang implikasyon nito
sa pang-araw-araw na pamumuhay? Ang dalawang natitirang hanay ay
sasagutan mo sa mga susunod na bahagi ng pag-aaral mo sa paksa.

IRF Chart

I-nitial Answer

R-evised Answer

F-inal Answer

Tuklasin

Gawain 2: Larawan-Suri
Panuto: Suriin ang mga larawan sa ibaba at sagutin ang mga pamprosesong tanong pagkatapos nito.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang iyong mabubuong pamagat nito?
2. Paano nauugnay ang bawat pangkat ng mga larawan sa isat isa?
3. Sa palagay mo, mahalaga ba sa pang araw-araw na pamumuhay
ng tao ang mga bagay o tao na nasa larawang ito? Ipaliwanang
ang sagot.

Suriin

Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa aralin,


ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at
mga inihandang gawain upang maging iyong batayan sa pagkamit ng mga
impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan mo bilang
mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa salik ng produksiyon.
Inaasahang magagabayan ka ng mga inihandang gawain at teksto upang masagot ang
katanungan kung gaano kahalaga ang bawat salik ng produksiyon sa pang araw-araw
na pamumuhay ng tao. Halina’t umpisahan mo na muli ang iyong pag-aaral.

MGA SALIK NG PRODUKSIYON

Lupa Bilang Salik ng Produksiyon


Sa ekonomiks, ang lupa ay hindi lamang tumutukoy sa tinataniman ng mga
magsasaka o pinagtatayuan ng bahay. Kasama rin dito ang lahat ng yamang likas sa
ibabaw at ilalim nito, pati ang mga yamang tubig, yamang mineral, at yamang gubat. Hindi
tulad ng ibang salik, ang lupa ay may naiibang katangian sapagkat ito ay fixed o takda ang
bilang. Samakatuwid, ang wastong paggamit ng lupa ay mahalaga. Malaki man o maliit ang
sukat nito, kailangang tiyakin ang pagkakaroon ng produktibong paggamit.

Paggawa Bilang Salik ng Produksyon


Ang mga likas na yaman at mga hilaw na sangkap ay hindi magiging
kapakipakinabang kung hindi gagamitin at gagawing produkto. Nangangahulugan ito na
kailangan ang mga manggagawa sa transpormasyon ng mga hilaw na materyales sa pagbuo
ng tapos na produkto o serbisyo. Ang lakas-paggawa ay tumutukoy sa kakayahan ng tao sa
produksyon ng kalakal o serbisyo. May dalawang uri ang lakas-paggawa: ang mga
manggagawang may kakayahang mental o silang mga tinatawag na may white-collar job.
Mas ginagamit ng manggagawang may kakayahang mental ang kanilang isip kaysa sa lakas
ng katawan sa paggawa. Halimbawa ng mga ito ay ang mga doctor, abogado, inhinyero, at
iba pa. Ang katawagang white-collar ay unang ipinakilala ni Upton Sinclair, isang
Amerikanong manunulat noong 1919.
Ang isa pang uri ng lakas-paggawa ay ang mga manggagawang may kakayahang
pisikal o silang mga tinaguriang may blue collar job. Mas ginagamit naman nila ang lakas
ng katawan kaysa sa isip sa paggawa. Halimbawa nito ang mga karpintero, drayber,
magsasaka, at iba pa. Sahod o sweldo ang tawag sa pakinabang ng manggagawa sa
ipinagkaloob na paglilingkod. Ang mga manggagawa ay may malaking ginagampanan sa
ating pang araw-araw na pamumuhay sapagkat ang kanilang paggawa ng produkto at
serbisyo ang tumutustos sa ating pangangailangan.
Kapital Bilang Salik ng Produksyon
Ang kapital ay tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng iba pang produkto. Mas
magiging mabilis ang paggawa kung may mga makinarya o kasangkapang gagamitin ang
mga manggagawa. Ang mga kagamitang ito na gawa ng tao ay ginagamit sa paglikha ng
panibagong kalakal ay isang halimbawa ng kapital. Ang kapital ay maaari ding iugnay sa
salapi at imprastraktura tulad ng mga gusali, kalsada, tulay pati na ang mga sasakyan.
Ang pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa ay hindi lamang nakadepende sa lupa
at lakas-paggawa. Ayon sa artikulo ni Edward F. Denison na may pamagat na “The
Contribution of Capital to Economic Growth” (1962), ang kapital ay isa sa mga salik sa
pagtamo ng pagsulong ng isang bansa. Sa makabagong ekonomiya, nangangailangan ang
mga bansa na mangalap ng malaking kapital upang makamtan ang pagsulong. Ang
kabayaran sa paggamit ng kapital sa proseso ng produksyon ay tinatawag na interes.

Entrepreneurship Bilang Salik ng Produksyon


Itinuturing na pang-apat na salik ng produksyon ang entrepreneurship. Ito ay
tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang tao na magsimula ng isang negosyo. Ang
entrepreneur ang tagapag-ugnay ng naunang mga salik ng produksyon upang makabuo ng
produkto at serbisyo. Siya rin ang nag-oorganisa, nagkokontrol at nakikipagsapalaran sa
mga desisyon sa mga bagay na makaaapekto sa produksyon. Taglay ng isang entrepreneur
ang pag-iisip na maging malikhain, puno ng inibasyon at handa sa pagbabago. Ayon kay
Joseph Schumpeter, isang ekonomista ng ika-20 siglo, napakahalaga ng inobasyon para sa
isang entrepreneur. Ipinaliwanag niya na ang inobasyon o patuloy na pagbabago ng
entrepreneur sa kaniyang produkto at serbisyo ay susi sa pagtamo ng pagsulong ng isang
bansa.
Maliban sa pagiging magaling na innovator tulad ng paggamit ng makabagong
pamamaraan at estilo sa paggawa ng produkto at pagkakaloob ng serbisyo, ang
sumusunod ay ilan sa mga katangian na dapat taglayin upang maging matagumpay na
entrepreneur:
1. Kakayahan sa pangangasiwa ng negosyo.
2. Matalas na pakiramdam hinggil sa pagbabago sa pamilihan.
3. May lakas ng loob na humarap at makipagsapalaran sa kahihinatnan ng negosyo.
Ang tubo o profit ay tumutukoy sa kita ng isang entrepreneur. Ito ay kita ng
entrepreneur matapos magtagumpay sa pakikipagsapalaran sa negosyo. Sinasabing hindi
nakatitiyak ang entrepreneur sa kanyang tubo dahil hindi pa niya alam ang kahihinatnan
ng kaniyang pagnenegosyo.
Ang produksyon ang tumutugon sa ating pangangailangan. Kung walang
produksyon ay wala rin tayong produkto at serbisyo na ikokonsumo. Ang mga salik na lupa,
paggawa, kapital, at entrepreneurship ay may malaking bahaging ginagampanan sa
prosesong ito. Kapag ang mga salik na ito ay nag ugnay-ugnay, ito ay magdudulot ng mga
produkto at serbisyo na tutugon sa ating pang araw-araw na pangangailangan.

Pagyamanin

Gawain 3: Buuin Natin-Mga Salik ng Produksyon


Panuto: Sagutin ang graphic organizer tungkol sa mga salik ng produksyon. Isulat
sa loob ng kahon ang mga salik ng produksyon, at ang kahalagahn nito.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mga salik ng
produksyon at ang kahalagahan
nito sa pang araw-araw na
pamumuhay ng tao?
2. Bakit mahalaga ang ginampanan
ng bawat salik sa proseso ng
produksiyon?
3. Sa iyong palagay, alin sa mga
salik ang pinakamahalaga sa
proseso ng produksyon?
Pangatwiran ang sagot.

Gawain 4. Ikot-Nawain
Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang dayagram sa ibaba na nagpapakita ng
paikot-daloy ng produksyon.

Pamprosesong Tanong:

1. Ang ilustrasyon sa itaas ay may kinalaman sa produksyon, ano ang ipinapahiwatig nito?
2. Batay sa dayagram na iyong nakikita, paano nauugnay ang input sa output?
Pangangatwiran.
3. Bilang mag-aaral, bakit mahalaga sa iyo ang pag uugnay-ugnay ng mga salik sa pang
araw-araw na buhay?

Gawain 5: IRF Chart


Sa pagkakataong ito, sagutan mo na ang IRF Chart. Kung iyong natatandaan ay isinulat mo
ang iyong I-initial na kasagutan sa tanong na “Para sa’yo, ano-ano ang mga salik ng produksiyon at
ang implikasyon nito sa pang-araw-araw na pamumuhay? Ngayon naman ang iyong pagkakataon
na baguhin o i-revise ang naunang kasagutan. Isaayos mo ang mga konsepto na taliwas sa iyong
napag- aralan. Isulat ang iyong kasagutan sa bahagi ng revised.
IRF Chart

I-nitial Answer

R-evised Answer

F-inal Answer

Matapos mong mapalalim ang iyong kaalaman ukol sa salik ng


produksiyon, maaari ka nang pumunta sa susunod na bahagi ng aralin.
Ihanda mo ang iyon sarili para sa mas malalim pa na pag-unawa ng
konsepto ng salik ng produksiyon.

Gawain 6. Isulat Mo Sa Tri-Linear Model!

Panuto: Layunin ng gawaing ito na mabigyang diin sa pamamagitan ng pagsulat sa boxes ng


mahahalagang konseptong may kaugnayan sa produksiyon mula sa tekstong
iyong binasa.

Isaisip

Mula sa binasang teksto tungkol sa produksiyon. Narito ang mahahalagang


kaalaman na dapat mong tandaan.
1. Hindi lahat ng bagay sa paligid ay maaaring ikonsumo agad ng tao.
2. May mga bagay na kailangan pang idaan sa proseso upang maging higit na kapaki-
pakinabang.
3. Ang produksiyon ay proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng
pagsasama-sama ng mga salik.
4. Ang lupa, bilang salik ng paggawa, ay fixed o takda ang bilang kaya’t mahalaga ang
wastong paggamit nito.
5. Ang likas na yaman at hilaw na sangkap ay dapat gawing produkto upang maging kapaki-
pakinabang.
6. Ang lakas-paggawa ay tumutukoy sa kakayahan ng tao sa produksiyon ng kalakal o serbisyo.
7. Ang white-collar job bilang uri ng lakas-paggawa ay tumutukoy sa mga manggagawang mas
ginagamit ang isip kaysa lakas sa paggawa.
8. Ang blue-collar job naman ay tumutukoy sa mga manggagawang may kakayahang pisikal.
9. Ang paggawa ng produkto o serbisyo ng mga manggagawa ang siyang tumutustos sa
pangangailangan ng mga tao.
10. Kapital ang tawag sa kalakal na nakalilikha ng iba pang produkto.
11. Ang pagsulonh ng ekonomiya ng isang bansa ay nakadepende sa lupa, lakas- paggawa at
kapital.
12. Ang entrepreneurship ay tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng tao na magsimula ng
negosyo.
13. Entrepreneur naman ang tawag sa tagapag-ugnay ng naunang salik ng produksiyon upang
makabuo ng produkto o serbisyo.
14. Ang innovation o patuloy na pagbabago ng entrepreneur sa kaniyang produkto o serbisyo ay
susi sa pagtamo ng pagsulong ng isang bansa.
15. Ang produksiyon ang siyang tumutugon sa pangangailangan ng tao.

Isagawa
Gawain 7. Basa-Suri
Panuto: Basahin at pag-aralan ang balita na may pamagat na “Hataw sa Rice Production,
Pararangalan.”
CABANATUAN CITY – Nakatakdang gawaran ng Department of Agriculture (DA) ng “Agri-Pinoy Rice Achievers Award” ang mga
lalawigan, bayan, at indibidwal na malaki ang ambag sa pagtamo ng hangarin ng pamahalaan na staple self- sufficiency. Sinabi ni
DA Regional Executive Director Andrew Villacorta na kabilang ang Nueva Ecija at Bulacan sa sampung top performing provinces sa
buong bansa.
Sila ay makakakuha ng tig-aapat na milyong pisong halaga ng mga proyekto. Kasama naman sa 48 na nagwagi sa
municipal category at makatatanggap ng tig-isang milyong pisong halaga ng mga proyekto ang Talavera, Guimba, General Tinio,
Llanera, Sta. Rosa, Sto. Dominggo, Cuyapo, at Lupao sa Nueva Ecija at maging ang San Rafael sa Bulacan. May kabuuang 87
technicians at opisyal naman sa Gitnang Luzon ang itinanghal na Outstanding Agricultural Extension Workers (AEW) na mag-uuwi ng
tig- Php20,000 halagang insentibo. May 350 iba pang AEW’s, 10 irrigators’ associations at tatlong small water impounding system
associations sa buong kapuluanang pagkakalooban din ng naturang pagkilala sa isang seremonya ngayong araw sa Philippine
International Convention Center.
Nakapagtala ang Gitnang Luzon ng 138 porsyentong rice sufficiency level noong nakaraang taon kahit pa sinalanta ito ng
matinding pag-ulan dulot ng habagat. Sinabi ni Villacorta na umabot sa 3,220,607 metriko toneladang palay mula sa 675,781 ektarya
ang naani, na ang average yield ay 4.77 metriko tonelada kada ektarya. Ang produksiyon noong 2012 ay 23 porsyentong mas mataas
kumpara sa 2,616,083 metriko toneladang naitala noong 2011 at ito ay nakaambag sa 18 porsyento ng pambansang produksiyon
alinsunod sa “Food Staple Self-Sufficiency Program.”

Ayon sa Regional Agricultute Chief, ang pagsasanib ng mga programa at proyekto patungkol sa climate change adaptation
ng mga tanggapan ng pambansa at local na pamahalaan ang dahilan ng agarang pagkabawi mula sa sakuna at paglago ng
produksiyon. –Light A. Nolasco
Pinagkukunan: http://www.balita.net.ph/2013/03/15/hatawan-sa-rice-production-pararangalan/
Tayahin
Panghuling Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang titik na tumutukoy
sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.
1. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay na may naiibang katangian ang lupa bilang salik ng
produksyon?
a. tinataniman ng mga magsasaka
b. patayuan ng mga imprastraktura
c. itinuturing ito na fixed o takda ang bilang
d. pinagmumulan ito ng mga input sa produksyon
2. Paano nakatulong ang paggamit ng makinarya sa produksyon?
a. maraming hilaw na sangkap ang magagamit
b. maraming output ang mabubuo
c. mas magiging mabilis ang paglikha ng mga produkto
d. matutugunan ang pangangailangan ng mga konsyumer
3. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa kabayaran sa paggamit ng kapital sa proseso ng
produksyon?
a. interes c. pera
b. kita d. regalo
4. Ang produksyon ay proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng:
a. paggamit ng mga hilaw na sangkap
b. pagtayo ng mga pabrika
c. pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng output o produkto
d. pagkamalikhain ng mga manggagawa
5. Ang isang entrepreneur ay itinuring bilang “Kapitan ng Negosyo”. Ang sumusunod ay katangiang
taglay niya MALIBAN sa:
a. puno ng inobasyon
b. maging malikhain
c. may kakayahang magpatupad ng presyo sa pamilihan
d. handang makipagsapalaran sa kahihinatnan ng negosyo
6. Ito ay nanggagaling sa kakayahan at kasanayan ng isang taong nagtatrabaho.
a. kapital c. paggawa
b. lupa d. produksiyon
7. Bakit itinuring ang lupa na pangunahing salik ng produksyon?
a. pinagmulan ito ng lahat ng produktong ibenenta sa pamilihan
b. dito nagmumula ang raw materials na kinakailangan sa pagbuo ng bagong produkto
c. mas malawak ang sukat ng lupaing tinataniman
d. ito ay patayuan ng mga imprastraktura na kailangan sa produksyon
8. Paano mo mapapatunayan na kakambal ng paggawa ang kapital?
a. paggawa at kapital ay parehong salik ng produksyon
b. kaakibat ng lakas at galing sa paggawa ang kalidad at dami ng kapital
c. teknolohiya na gawa ng tao ay magagamit rin bilang kapital
d. magkapareho ang dami ng manggagawa at capital sa pagnenegosyo
9. Alin sa sumusunod ang kita ng entrepreneur matapos magtagumpay sa pakikipagsapalaran sa
negosyo?
a. interes c. subsidy
b. sahod d. Tubo o profit
10. Ang input ay mga salik na ginamit sa pagbuo ng produkto. Sa nabuong output na “mesa at silya”,
alin sa sumusunod ang mga input nito?
a. kagamitan, makinarya
b. kahoy, kagamitan, makinarya
c. kagamitan, makinarya, manggagawa, kahoy
d. tabla, makinarya, teknolohiya
11. Sa pang araw-araw na buhay ng mga tao ay may pagkonsumo. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang
nagpapatunay sa pagkakaiba ng produksyon at pagkonsumo?
a. Ang produksyon ay pagproseso ng produkto at ang pagkonsumo ay paggamit ng produkto.
b. Nililikha ang produkto sa produksyon, samantala ginagamit ito sa pagkonsumo.
c. Ang produksyon ay proseso ng pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng produkto at
ang pagkonsumo ay pagbili at paggamit ng produkto na magbibigay ng kapakinabangan sa tao.
d. Sa produksyon maraming produktong bibilhin samantala sa pagkonsumo nasisiyahan ang mga
tao sa pagbili ng produkto.
12. Ang mga manggagawang may kakayahang mental o may “white collar job” ay mas ginagamit ang
kanilang isip kaysa lakas ng katawan sa paggawa, samantala ang mga manggagawang may
kakayahang pisikal o may “blue collar job” ay .
a. ginagamit ang lakas ng katawan lamang
b. mas ginagamit ang lakas ng katawan na sinasabayan ng angking kakayahan sa kanilang
paggawa
c. kakayahan at talino ng mga manager, doctor, inhinyero
d. nagtatrabaho sa malalaking kompanya
13. Ang pahayag na kung saan napakahalaga ng inobasyon para sa isang entrepreneur dahil magaganap
ang patuloy na pagbabago sa kaniyang mga likhang produkto ay ideya ni , isang ekonomista ng
ika-20 siglo.
a. Abraham Harold Maslow c. Joseph Schumpeter
b. Edward Denison d. Upton Sinclair
14. Sa apat na salik ng produksyon, ito ay tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng bagong produkto.
a. enterprise c. lupa
b. kapital d. paggawa
15. Saan nanggagaling ang lupa, lakas paggawa, kapital at kakayahang entrepreneur
bilang mga salik ng produksyon?
a. bahay-kalakal c. pamahalaan
b. industriya d. sambahayan
16. Sa produksyon, nagaganap ang transpormasyon ng mga raw materials sa pagbuo ng bagong
produkto sa pamamagitan ng kahusayan at sipag ng mga:
a. kapitalista c. mangagawa
b. landlord d. opisyales
17. Bakit may malaking ginagampanan ang mga manggagawa sa ating pang araw- araw na
pamumuhay?
a. Sila ang tagaproseso upang makabuo ng produkto.
b. Sila ang kumukuha ng mga hilaw na sangkap.
c. Ang kanilang paggawa ng mga produkto ay tumutugon sa pangangailangan ng mga tao.
d. Ang kanilang paglilingkod ay ipinagkaloob sa mga tao.
18. Ang taglay na talino at kakayahan ng tao ay mahalaga. Ano ang materyal na gawa ng tao na
ginagamit sa produksyon?
a. malawak na lupain c. Makinarya at teknolohiya
b. libo-libong binhi ng prutas d. Maayos na daan at tulay
19. Ito ay tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang tao na magsimula ng isang negosyo.
a. business outsourcing c. entrepreneurship
b. entrepreneurship d. online business
20. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapahayag ng kahalagahan ng produksyon sa pang araw-araw na
pamumuhay?
a. Ang produksyon ay lumilikha ng trabaho.
b. Ang mga kinita mula sa bawat salik ng produksyon ay nagagamit ng sambahayan sa pagbili ng
produkto at serbisyo.
c. Ang produksyon ay pinagmumulan ng mga produktong kailangang ikonsumo sa pang araw-araw.
d. Ang pagkonsumo ay nagbibigay-daan sa produksyon ng produkto at serbisyo, kaya dahil dito
masasabing mas mahalaga ang produksyon kaysa sa pagkonsumo.
ANSWER KEY
MODULE 3:
Iba’t Ibang Sistemang Pang- Gawain 4: Sagutin Mo!
ekonomiya 1. Ang pagkakaiba ng Iba't ibang
Gawain 1: Ibigay Muna! sistemang pang-ekonomiya na tinutukoy
1. Para sa akin ang Alokasyon ay isang sa binasang teksto ay nakabatay sa kung
mekanismo ng pamamahagi ng sino-sino ang gumagawa ng pagpapasaya
pinagkukunang-yaman, produkto at at pamamaraan ng pagpapasyang
serbisyo. Ito rin ay isang paraan upang ginagawa.
maayos na maipamahagi at magamit
lahat ng pinagkukunang-yaman ng bansa. 2. Sa aking palagay, ang sistemang pang-
ekonomiya ang umiiral sa bansa natin ay
2.Ang dahilan ng kakapusan ay ang Mixed economy kung saan parehong
walang katapusang pangangailangan nagmamanipula sa negosyo ang
kagustuhan. pamahalaan at isang kompanya

3.Kailangan gumawa ng tamang desisyon 3. Bawat lipunan ay may sinusunod na


kung paano gagamitin ng mahusay ang sistemang pang-ekonomiya upang
pinagkukunang-yaman ng bansa upang matugunan ang mga suliraning
matugunan ang pangangailangain at nakapaloob sa produksiyon at alokasyon
kagustuhan. ng mga produkto at serbisyo. Sinisiguro
rin na sa bawat sistemang pang-
Gawain 2: Sistema Ikamo? ekonomiya kung paano was episyenteng
1. Command/ magagamit ang mga pinagkukunang-
2. Tradisyunal na Ekonomiya/ yaman ng bansa.
3. Market Economy/
4. Mixed Economy
Panghuling Pagtataya
1.Ang aking naging batayan sa aking pag
sagot ay ang mga galaw ng ekonomiya sa
1. D
larawan, paninda, paraan ng pag galaw
ng organisasyon, produkto, 2. B
mamimili/konsyumer at prodyuser.
3. B
2.Sa aking palagay, ang sistemang pang- 4. C
ekonomiya ay tumutukoy sa institusyonal
5. C
na kaayusan at paraan upang maisaayos
ang paraan ng produksiyon, pagmamay- 6. C
ari at paglinang ng pinagkukunang-
7. A
yaman at pamamahala ng gawaing pang
ekonomiko ng isang lipunan. 8. D
9. B
10. A
ANSWER KEY

MODULE 4: 2. Mahalaga ang mga salik na ito dahil


Mga Salik ng Produksiyon at ang kapag nag-ugnay ay magdudulot ng mga
Implikasyon Nito sa Pang-araw- araw na serbisyo at produkto na tutugon sa ating
Pamumuhay ng Tao pang araw-araw na pangangailangan.
Gawain 1: Pamprosesong tanong: 3. Lahat ng salik ay may importanteng
1. Mga Salik ng Produksiyon gampanin sa bawat isa. Para saakin, ang
lupa ang pinaka mahalaga dahil dito
2. Ang bawa't larawan ay tumutukoy sa iba't-
nanggagaling ang ating hilaw na sangkap
ibang salik ng produksiyon. Ang mga salik na
ito kapag nag-ugnay ay magdudulot ng mga
na ginagamit upang makabuo ng
serbisyo at produkto na tutugon sa ating maraming produkto tulad ng tinapay,
pang araw-araw na pangangailangan. cakes, tsinelas galing sa balat ng saging,
papel, chalkboard, tela at iba pa.
3. Mahalaga ang mga larawang ito upang
magkaroon ng trabaho ang mga Panghuling Pagtataya
manggagawa, magkaroon ng tayu-an ng
bahay, tataniman ng magsasaka, makinarya 1. C 6. C 11. C
upang malakas at mapadami ang 16. C
produksiyon.
2. C 7. B 12. B
Gawain 3: Buuin Natin-Mga Salik Ng 17. C
Produksiyon
3. A 8. B 13. C
1. Lupa,
2. Paggawa, 18. B
3. Capital 4. C 9. D 14. B
4. Entrepreneur
19. C
Pamprosesong Tanong: 5. C 10.C 15. D
1.*Lupa- ang tinataniman ng mga magsasaka na 20. D
nagbibigay sakanila ng hanapbuhay at
pinatatayuan ng bahay.
*Paggawa- ito ay tumutukoy sa kakayahan ng tao
sa produksiyon ng kalakal at serbisyo. May
dalawa itong uri; white-collar job at, blue-collar
job. Na nagbibigay ng kabuhayan sa
mamamayang nasa lakas-paggawa
*Kapital-Napapabilis nito ang paggawa
*Entrepreneur-tagapag-ugnay ng mga naunang
mga salik ng produksiyon upang makabuo ng
produkto at serbisyo.
AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL
San Francisco, Agusan del Sur

SUMMATIVE EXAM FOR MODULES 3 & 4

Araling Panlipunan 9

Name: ___________________________________________________ Section: __________________________

Panuto: Piliin ang pinaka-angkop na kasagutan sa bawat tanong. Isulat sa iyong sagutang papel
ang titik ng tamang sagot.

1. Aling sistemang pang-ekonomiko ang nagbibigay kapangyarihan sa pamahalaan na


magkontrol sa pamamahala ng ekonomiya?
a. Traditional economy c. Command economy

b. Market economy d. Mixed economy


2. Ang Pilipinas ay may sistemang pang-ekonomiko na _____________________

a. Traditional economy c. Command economy

b. Market economy d. Mixed economy


3. Sa sistemang pang—ekonomiko na ito, ang lahat ng produktong naililikha ay ibinabahagi
ayon sa pangangailangan ng gumagawa nito.

a. Traditional economy c. Command economy


b. Market economy d. Mixed economy

4. Aling bansa ang may Command Economy bilang sisstemang pang-ekonomiya?

a. China c. South Africa


b. USA d. North Korea

5. Itinatakda nito kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung gaano rin karami
ang maililikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser?
a. pera c. presyo

b. prodyuser d. kapital

6. Tinatawag na tagalikha ng produkto.


a. entreprenyur c. manggagawa

b. mamumuhunan d. tindera

7. Ang makina, araro, at gusali ay halimbawa ng anong salik ng produksyon?

a. puhunan c. input
b. output d. lakas paggawa
8. Tinatawag na tagalikha ng produkto.

a. Entreprenyur c. Manggagawa

b. Mamumuhunan d. Tindera
9. Ang salik ng produksyon na nagbibigay ng hilaw na panangkap.

a. lakas paggawa c. entreprenyur

b. puhunan d. lupa
10. Ang kabayaran sa lupang ginamit sa produksyon.

a. renta c. upa

b. sahod d. kita
11. Ang isang entrepreneur ay itinuring bilang “Kapitan ng Negosyo”. Ang sumusunod ay
katangiang taglay niya MALIBAN sa:

a. puno ng inobasyon
b. maging malikhain

c. may kakayahang magpatupad ng presyo sa pamilihan

d. handang makipagsapalaran sa kahihinatnan ng negosyo


12. Ito ay nanggagaling sa kakayahan at kasanayan ng isang taong nagtatrabaho.

a. kapital c. paggawa

b. lupa d. produksiyon
13. Alin sa sumusunod ang kita ng entrepreneur matapos magtagumpay sa pakikipagsapalaran
sa negosyo?

a. interes c. subsidy

b. sahod d. Tubo o profit


14. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa kabayaran sa paggamit ng kapital sa proseso ng
produksyon?

a. interes c. pera
b. kita d. regalo

15. Ang produksyon ay proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng:

a. paggamit ng mga hilaw na sangkap


b. pagtayo ng mga pabrika

c. pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng output o produkto

d. pagkamalikhain ng mga manggagawa


16. Alin sa sumusunod ang mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya?

a. Upang mas mapalawig ang kitang pang-ekonomiya ng ating bansa.

b. Upang makamit ang pinakamataas na kasiyahan at kapakinabangan mula rito.


c. Upang makaagapay ang lipunan sa mga suliranin at kung paano episyenteng
magagamit ang pinagkukunang-yaman ng bansa.

d. Upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao.


17. Ang sistemang pang-ekonomiko ay sumasagot sa apat na pangunahing pang- ekonomiko.
Alin sa sumusunod ang kasagutan ng Traditional Economy sa katanungang: Ano-anong
produkto at serbisyo ang gagawin?
a. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa puwersa ng pamilihan.

b. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa utos ng pamahalaan.

c. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa tradisyon, kultura at


paniniwala.

d. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa puwersa ng pamilihan at


pamahalan.
18. Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at
regulasyon ng:

a. Konsyumer c. Pamilihan
b. Pamahalaan d. Prodyuser
19. Sa Market Economy, ito ang nagtatakda Kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at
kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser.

a. likas-yaman c. Presyo
b. Pamahalaan d. Prodyuser

20. Bakit kailangang isaalang-alang ang paggamit at paglinang ng lahat ng pinagkukunang-


yaman ng bansa?
a. Upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas ng kasiyahan at kapakinabangan
mula rito.

b. Upang mas lumaki ang kita nga ekonomiya ng ating bansa at ng mamamayan nito.
c. Mas mapalawig ang yamang-likas ng isang bansa na kagaya ng ating bansa.

d. Nararapat itong bigyang pansin dahil sa katotohanang may kakapusan na umiiral

You might also like