Write Up

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

NAME: LAGRAMADA, TRICIA MARIE M.

DATE & TIME:


SECTION: PCEIT-02-301A PROFESSOR: EDITHA MACALINAO
ARALIN 10

Layon ng SP ang:
 Pagsasakatutubo (indigenization) ng mga pag-aaral, pagsusuri, at pagteteorya ng tao at kanyang diwa.
 Pagkakaroon ng panlipunang kamalayan at kabatirang pinakikilos ng obhetibong pagsusuri:
 Patuloy na pag-aaral sa nauna, tradisyonal at kinagisnang sikolohiya: at
 Pagpapatibay sa pagsanib ng katutubong Sikolohiya sa iba’t-ibang larangan at maaaring mailapat sa
Kanluraning konsepto at pag-aaral.
3 Primaryang Protestang Inihahayag ng SP bilang isang larangan:
1. Ito ay pagtaliwas sa sikolohiyang nilinang sa mga industriyalisadong bansa sa mga bansang palinang pa
lamang. Ang mga imposisyong ito ay tumutukoy sa tunggalian ng tao-sa-bahay at taumbuhay:
2. Ang SP bilang mapagpalayang sikolohiya, ito ay taliwas na sikolohiyang nagpapanatili sa estadong
kolonyal ng mga kaisipan ng pilipino. Ang pagtugong ito ay pagtalunton din sa pagbabagong-isip bilang
hakbang tungo sa dekolonisasyon hilang bahagi ng paglinang sa pambansang kamalayan.
Mannipestasyon ng protestang ito ang paggamit ng filipino bilang wika ng pananaliksik sa SP:
3. Ang sp bilang mapaglayang sikolohiya ay tumutuligsa sa sikolohiyang ginagamit upang manamantala
ng masa. ito rin ay tumutukoy sa protesta sa kritikal na pagtanggap at pagtanggi sa mga kaisipan.

 Ayon kay Santiago at Enriquez (1976) ang mga kategorya ng pakikitungo sa Ibang Tao at Hindi Ibang
tao:

IBANG TAO (OUTSIDER)


 Pakikitungo (civility)
 Pakikisalamuha (act of mixing)
 Pakikilahok (act of joining)
 Pakikibagay (conformity)
 Pakikisama (being united with the group)
HINDI IBANG TAO (ONE-OF-US)
 Pakikipagpalagayang-loob (act of mutual trust)
 Pakikisangkot (act of joining others)
 Pakikipagkaisa (being one of the others)

Mas pinalinaw ni Santiago at Enriquez (1976) na ang mga ito ay hindi lamang magkaugnay ayon sa
lalim at babaw ng mga ito bagkus nilinaw nil ana ang mga ito ay nagpapakita ng kaisahan mula sa
kawalan ng ugnayang pakikitungo sa ganap na esensya ng identipikasyon sa pakikiisa.

You might also like