Mapeh 4 Q2 WK 3 Glak

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

4

MAPEH
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Ikalawang Markahan - Ikatlong Linggo

1|P ahi na
MAPEH – Ika-apat na Baitang
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Ikalawang Markahan - Ikatlong Linggo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anomang parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsulat ng Kasanayang Pampagkatuto


Manunulat: Amelia R. Dilag (Music)
Ginalyn L. Lopez (Arts)
Riyah Mae F. Edquila (Physical Education)
Merjurie M. Legaspi (Health)

Tagasuri: Lea May Uson


Tagaguhit: Jeremy P. Daos
Tagalapat: Jeremy P. Daos
Tagapamahala: Leonardo D. Zapanta EdD, CESO V
Michelle Ablian-Mejica EdD
Manolito B. Basilio EdD
Victor M. Misola
Encarnita D. Deveraturda
Garry M. Achacoso
Rachelle C. Diviva

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Rehiyon III
Schools Division of Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph
MUSIC
Melodiya: Kagandahang Dulot ng Musika

Kasanayang Pampagkatuto

Identifies the pitch names of the G – Clef staff including


the ledger lines and spaces (below the middle C)
(MU4ME-IIb-2)

Layunin

Natutukoy ang mga pitch names ng nasa ledger line or


middle C at mga katabi nito.

Pagtalakay sa Paksa
Ang susunod na pag-aaralan ninyo ay pagpapatuloy ng
aralin noong nakaraang linggo.

Makikita sa larawan ng Musical staff ang ledger line kung


saan nakalagay ang letra C. Ang ledger line ay makikita sa baba
ng G – clef staff o musical staff. Anong letra ang kasunod nito

1|P ahi na
pataas? Tama ka! Ito ay titik D. Ano naman kaya ang kasunod ng
titik C pababa? Tama ka uli! Titik B.
Ang mga titik na B, C, D ay kasama din sa Pitch name sa
Musical staff. Tandaan natin na ang middle C ay ginagamitan ng
ledger line o dagdag guhit. Ang D ay nasa taas ng Middle C at ang
B naman ay nasa baba nito.

Gawain
Pagsasanay: Tuhog Bilog

Panuto: Tingnan ang lugar ng bawat nota sa


staff. Pangalanan ang mga ito.

1. Anong pitch name ang nasa ledger line?


2. Ano naman ang pitch name ng kasunod nito pababa?
3. Sa baba ng staff na ledger line ay may pitch name na
_________.
4. Ano naman ang pitch name ng kasunod nitong pataas?
5. Ang pitch name sa taas ng ledger line ay_________.

2|P ahina
Arts:
Kasuotan at Palamuting Etniko

Kasanayang Pampagkatuto

Explains the attire and accessories of selected cultural


communities in the country in terms of colors and shapes.
(A4EL-IIb)

Layunin

Nakalilikha ng sariling disenyo ng isang katutubong


kasuotan.

Pagtalakay sa Paksa
Nakilala mo na ang ilan sa pangkat-etniko sa ating bansa .
Gayundin ay naipakita mo sa iyong likhang-sining ang kultura at
ang magagandang tanawin ng iyong komunidad. Malalaman natin
sa aralin ngayon na bahagi rin ng kultura at katangian ng bawat
pangkat-etniko ang magkaroon ng kakaibang uri ng kasuotan at
palamuti.
Alam mo ba na ang bawat pamayanang kultural sa bansa ay
may kani-kaniyang kasuotan at palamuti? Ang bawat pook o
komunidad ay may produktong likhang-sining na
maipagmamalaki ng kanilang mamamayan dahil sa taglay nitong
kagandahan at pambihirang uri nito.

3|P ahi na
Narito ang ilang makukulay na kasuotan at palamuti ng
pangkat-etniko.

T’boli
Ang T’boli ay makikita sa Cotabato sa Mindanao.
Pangangaso, pangingisda at pangunguha ng mga prutas sa
kagubatan ang kanilang pangunahing ikinabubuhay. Kaingin
naman ang sistema ng kanilang pagsasaka. Naghahabi sila ng tela
para sa damit na ang tawag ay t’nalak na hinabi mula sa hibla ng
abaka.
Sila ay tanyag sa kanilang kasuotan at palamuting kuwintas,
pulseras at sinturon na yari sa metal at plastic. Ang kuwintas ay
yari sa maliliit na butil na tinuhog. Karaniwang pula, itim at puti
ang kulay ng mga butil. Ang kuwintas ay nilagyan ng palawit na
yari sa tanso. Nangingibabaw sa mga kulay na ginagamit ng T’boli
ang pula, itim at puti.

Ang kasuotan at palamuti ay nagiging kaakit-akit sa


paningin kung maganda ang pagkakadisenyo ng mga elemento ng
sining tulad ng hugis at kulay.
Ang paggamit ng overlap ay nakatutulong upang makatawag
pansin ang isang disenyo. Ang overlap ay ang pagpapatong-patong
ng mga hugis at bagay sa larawan.

4|P ahina
Nagagawa nitong maipakitang gumagalaw ang isang larawan
at makatotohanan sa pamamagitan ng tamang proporsiyon.
Nakatutulong ang pagpili ng kulay sa kagandahan ng
disenyo. Ang paggamit ng matitingkad na kulay kasama ang
mapusyaw na kulay ay nakatutulong upang mapansin ang hugis
o bagay sa larawan.
Pansinin at pag-aralan ang larawan.

Sagutin:
Paano naging kaakit-akit ang mga disenyo ng kasuotan ng
pangkat-etniko?

Gawain
Pagsasanay: Kasuotan at Palamuting Etniko

1. Kagamitan: lapis, manila paper, gunting, acry-color, brush,


lalagyan ng tubig at basahan.

5|P ahi na
2. Mga hakbang sa paggawa:
3. Mag-isip ng disenyo at
tabas ng kasuotang
maaring isuot para sa
nalalapit na pagdiriwang.
4. Igawa ng pattern sa manila
paper at gupitin na parang
kasuotan.
5. Lagyan ng disenyo ang
pattern ayon sa napag-aralan sa kasuotan ng pangkat-
etniko. Gamitin ang overlapping technique gamit ang iba’t
ibang hugis at linya. Maaaring lagyan ng mga disenyong
kuwintas at iba pang palawit.
6. Pintahan gamit ang acry-color.
Gumamit ng natural o walang halo na
kulay na para maging matingkad at
dagdagan naman ng puti kung gustong
maging malamlam ang isang kulay.
Patuyuin.
7. Linisin ang mesa pagkatapos ng gawain.
8. Humanda para sa munting parada sa loob ng tahanan.
Sagutin:
Sa iyong ginawang kasuotan tukuyin ang mga overlap sa disenyo.

Pangwakas
Ibigay ang hinihingi ng 3-2-1 Exit Card sa ibaba.

Exit Card
3 Bagay Na Aking Natutunan
2 Salitang Tumatak Sa Aking Isipan
1 Tanong Na Nais Kong Masagot

6|P ahina
Physical Education:
Pagpapaunlad ng Liksi

Kasanayang Pampagkatuto

Naisasagawa ang ibat-ibang kakayahan sa laro na


nagpapaunlad ng liksi ( PE4GS-IIc-h-4)

Layunin
Nasasabi ang kahalagahan ng pakikilahok sa mga gawaing
pisikal.

Pagtalakay sa Paksa

1. 2.
7|P ahi na
Ilarawan ng mga batang nasa larawan sa itaas.
Ang mga bata sa larawan ay nagpapakita ng liksi sa kanilang
paglalaro. Ganun ka din ba tuwing ikaw ay naglalaro?
Ang liksi(agility) ay isang kasanayan na sangkap ng physical
fitness na nagpapakita ng maliksing kakayahan na magpalit- palit
o mag-iba-iba ng direksiyon.

Gawain
Talunin and Sapa

Pamamaraan:
a) Bumuo ng dalawang pangkat na may parehong bilang.
Maglagay ng starting line at finish line na may 5 metrong
pagitan.
b) Gumawa ng dalawang tuwid na guhit mula sa starting line
hanggang sa finish line.

8|P ahina
c) Sa bawat 1 metrong agwat, maglagay ng tanda na guhit.
Sa mga bahaging may tanda ,tumalon na kunwari ay
malapad na kanal.
d) Tumalon sa bawat tanda ng isang metrong agwat
hanggang sa makarating sa kabilang guhit.
e) Simulan ito ng unang manlalaro ng bawat pangkat
hangang sa huling manlalaro. Ang unang pangkat na
makatapos ay siyang panalo.
RUBRICS
Ginawa Matamlay na Hindi
Kasama na
ng ginawa ang mga sumusunod sa
gumawa sa
maayos gawain panuto
bahay
(3pts) (2pts) (1 pts)
1.
2.
3.
4.
5.

TANDAAN:
Ang liksi ay kakayahan sa mabilis na pagpalit-
palit o pagbabago ng direksiyon. Ang mabilis na pagkilos
habang nag-iiba ng direksyon ay susukatin ang liksi.
Ang pagsasagawa ng gawaing pisikal ay mahalaga
dahil ito ay nagpapatibay ng ating katawan at nagpapahusay
ng ibat – ibang kasanayan tulad ng liksi.

9|P ahi na
Pagninilay

Sulatan muli ang inyong Fitness Diary,isulat ang


kahalagahan ng mga gawaing nagpapaunald ng liksi (agility)

10 | P a h i n a
Health:
Pinagmulan ng mga Nakakahawang Sakit

Kasanayang Pampagkatuto

Natutukoy ang ibat ibang sanhi ng pinagmulan ng mga


nakakahawang sakit (H4DD-Ilb-9)

Layunin

Natutukoy ang ibat ibang sanhi ng pinagmulan ng mga


nakakahawang sakit.

Pagtalakay sa Paksa

Ang nakahahawang sakit ay maaaring masalin sa ibang tao


sa pamamagitan ng sumusunod;
• Pagkagat sa pagkain ng may sakit o pagsalo sa kanilang
pagkain
• Hangin, tubig, at lupa
• Dugo, laway, dumi at ihi.
• Paghawak o paghipo sa sa infected na tao , o bagay o
kasangkapan

11 | P a h i n a
Pag-aralan ang Tsart:
Iilan sa mga karaniwang sakit ng mga tao ay nakukuha sa
kapaligiran at maari itong dumapo sa iba.

Mga Sakit na Dala ng Virus


MGA
PALATANDAAN PAGIWAS
PAGSALIN NG
SAKIT (Signs)/ AT
SAKIT
Sintomas PAGSUGPO
(Symptoms)
Sipon • Pumapasok • Baradong • Uminom ng
(Common • Ang virus sa ilong 8-12 basp
Colds) ilong sa • Hirap na ng tubig
(Virus) pamamagita paghinga • Iiwas ang
n ng • Pangangati sarili sa
paglanghap, at usok
pagubo, pamamaga • (mula sa
pagbahing, ng sigarliyo,
direktang lalamunan sasakyan)
kontak sa • Hirap
mga gamit lumunok ng
na pagkain
kontaminad • Sinat at
o ng virus lagnat
ng sipon
Ubo • Sanhi ng • Ubong • Dagdagan
(Cough) bacteria mahigpit na ng gatas o
• Impeksyon tila kahol- maligamga
ito ng aso. m na tubig
tubong • Lagnat para ma-
dinadaanan relax anf
ng hangin vocal cords
sa paghinga at lumuwag
(Respiratory ang plema
tract
• Impeksyon • Lagnat na • Umiwas sa
ng 38- 40- mga taong

12 | P a h i n a
sistemang degree may
paghinga celcius trangkaso
(repiratory • Giniginaw • Uminom ng
system) na • Sakit ng maraming
Trangkaso sanhi ng ulo, tubig
(influenza) Hemophilus kalamnan,
Influenza at mga
Virus kasu-
• Nasasagap kasuan
ang virus • Masakit
mula sa na lala-
droplets na munan (sore
lumalabas throat)
sa bibig o Baradong
ilong ng ilong o
isang taong tumu-tulong
may sipon
trangkaso
• Isang • Madaling • Pagka-
impeksyon mapagod karoon ng
ng sanhi ng • Walang tamang
Tuberkulosi mikrobyong ganang ehersisyo
s Myco kumain • Magtakip
(TB) • bacterium • Pagbaba ng ng bibig at
tuberculosis timbang ilong kung
• Paglanghap Pag-ubo na may
ng droplets may kausap na
mula sa kasamang taong
isang taong plema at imuubo
may TB dugo • Ihiwalang
kung sya ay • Nilalagnat at ang kagami
nagsasalita, giniginaw • tan ng
umuubo, o maghapon taong may
bumabahing TB
• Sakit na • Hirap sa • Pagba
nakaa- paghinga bakuna
Pulmonya • Apekto

13 | P a h i n a
(Pneumonia) • sa baga • Kulang ng • Wastong
• Virus, oksiheno nutrisyon
bacteria, o • (oxygen) sa • Kalinisan
fungi katawan sa sarili at
kapali giran

• Isang • Paninilaw ng • Tiyaking


matinding balat at puti malinis ang
impeksyon ng mata kinakain
sa atay • Pananam- • Sanaying
sanhi ng lay maghugas
virus na • Kulay putik ng kamay
maaaring na dumi bago
makuha sa • Nagsu suka kumain o
maruming • Nilalagnat humawak
pagkain o • Giniginaw ng pagkain
Sakit sa inuming • Pagsakit ng at matapos
atay tubig. ulo Pagsakit gumamit ng
(Hepatitis A) ng tiyan` banyo
• Kumon-
sulta sa
doctor sa
sandaling
maghinalan
g may
Hepatits A
• Sapat na
pahinga
• Tamang
Nutrisyon
• Magpa
bakuna
• Sanhi ng • Pamamantal • Maging
Sakit sa mga o Pamamaga malinis sa
Balat bacteria, ng balat lahat ng
Fungi • Namu mula oras
• Nanga ngati

14 | P a h i n a
Dengue • Impeksyon • May • Maglinis ng
Fever dahil sa lumilitaw na bahay at
kagat ng skin rash paligid
lamok na pag araw-araw,
may dalang bumababa lalo na sa
dengue virus ang balat mga lugar
• Biglang na madilim
tumataas • Alisin ang
ang lagnat nakaimbak
na tubig na
pinamu
mugaran
ng lamok
Leptospirosi • Bacteria na • Nilalagnat • Iwasang
s pumapasok • Pananakit maligo o
sa balat o ng magtampis
sugat mula kalamnan at aw sa
sa tubig- kasu- tubig-baha
baha o kasuan • Kumon
basing lupa sulta sa
o halaman doctor
kung saan kung
may ihi ng nakara
daga ranas ng
mga
sintomas
na
nabanggit
Ref. Delos, Reyes, D., (2008), Makati City Iwas-Sakit Mula

15 | P a h i n a
Gawain

Isulat ang T kung ang pangungusap ay nagpapakita ng


tamang gawain at isulat naman ang M kung ang pangungusap ay
nagpapakita ng Maling gawain.
1. Ugaliing maghugas ng kamay.
2. Kainin ang pagkaing dinapuan na ng langaw.
3. Kumain ng masusustansyang pagkain
4. aglaruan ang nakaimbak na tubig na pinamumugaran
ng itlog ng lamok.
5. Panatilihing malinis at maayos ang kapaligiran.

Repleksyon
1. Magbigay ng tatlong Sanhi ng pagkakahawa ng sakit.

2. Bilang isang bata, paano ka makaiiwas sa sanhi ng


nakahahawang sakit?Ipaliwanag

16 | P a h i n a
Pagsusulit
Panuto:Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat sa sagutang
papel.

Music:
1. Ano ang pitch name sa ledger line?
a. A b. B c. C d. D
2. Sa baba ng ledger line, ano naman ang pitch name nito?
a. A b. B c. C d. D

Arts:
1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng
overlapping technique?

a.

b.

c.
2. Ang ______ technique ay ginagamit sa pamamagitan ng
pagpapatong-patong ng mga hugis, linya at kulay sa
mga likhang-sining. Nagagawa nitong nagmumukhang
gumagalaw ang mga disenyo.
a. Overdrive
b. overdraw
c. overlap

17 | P a h i n a
Physical Education:
1. Ang pagkilos sa maliksing paraan ay sukatan ng:
a. agility b. coordination
c. balance d. Flexibilty
2. Ang pakikilahok sa gawaing pisikal ay mahalaga dahil ito ay
a. nagpalakas ng katawan
b. nagpapatatag ng katawan
c. nakatutulong sa magandang pakikipag- kapwa
d. lahat ng nabanggit

Health:
3. Alin ang madaling panirahan ng mga mikrobyo

a. Malinis na pangangatawan c. mabahong prutas


b. Mabangong damit d. maruming gamit
4. Anong hayop ang nagdadalwa ng dengue?

a. langaw c. ipis
b. lamok d. daga

18 | P a h i n a
Mga Sanggunian
DAZZLE Shining brightly in Music, Arts, Physical Education
and Health Grade 4 (INNOVATIVE EDUCATIONAL
MATERIALS INC)

Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan 4 Kagamitan


ng Guro

Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan 4, Kagamitan


ng Mag-aaral

http://philphysicalactivityguide.blogspot.com/2016/07/an
g-philippine-physical-activity.html

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fw
ww.slideshare.net%2Flhoralight%2Fk-to-12-grade-4-
learners-material-in-physical-education
q1q4&psig=AOvVaw3OG3t3Aru9t0TbPZw4nKjZ&ust=1
603870046581000&source=images&cd=vfe&ved=0CAI
QjRxqFwoTCIDMkNef1OwCFQAAAAAdAAAAABAK

https://www.slideshare.net/mobile/lhoralight/arts-
50204613

MAPEH Adventures 4 –Learner’s Material (Rex Book Store)

Musika at Sining 4 – Learner’s Material

19 | P a h i n a
20 | P a h i n a
Pagsusulit: Music:
Balik – aral (week 2 lesson)
Music: A. Mga letrang nasa linya – E, G,
1. C B, D, F
2. B B. Mga nasa space – F, A, C, E
Arts: Gawain – Tuhog Bilog
3. C 1.C
4. C 2. B
3. B
Physical Education: 4. C
5. A 5. D
6. B
Arts:
Health: Gawain:
7. D Ang sagot ay maaaring magkakaiba.
8. B
Health:
Gawain 1
1. T
2. M
3. T
4. M
5. T
Susi sa Pagwawasto
Pasasalamat
Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales ang
taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-ambag ng tagumpay
para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag at pamamahagi ng
Ikalawang Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto sa
lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang tugon sa pagbibigay sa mag-aaral ng
naaangkop na kagamitang pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang Kasanayang
Pampagkatuto (MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na nakabatay sa mga
pamantayan ng pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo:

Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga


manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon at kakayahan upang
makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang pampagkatuto.

Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at mga


tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng Kagamitan sa
Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak ang kawastuhan at
katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon;

Ikatlo, ang Panlalawigang Pamahalaan ng Zambales sa kanilang patuloy na


paglalaan ng tulong-pinansyal upang mapunan ang gugugulin sa paglilimbag ng
mga kagamitang pampagkatuto na magagamit ng mga magulang at mag-aaral sa
tahanan.

Ikaapat, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat asignatura sa


kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro, sa kanilang
lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na pagsubaybay sa pag-unlad
ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at

Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy sa


kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay upang
maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang bawat mag-aaral
na maging responsableng indibidwal sa hinaharap.

Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong panahon


ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay na malasakit na
pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.

Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!

Tagapamahala

You might also like