Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

“ANG SENTENSYANG KAMATAYAN SA PILIPINAS OR DEATH PENALTY”

Debate ng dalawang panig.

Matagal na ang debate tungkol sa pagpapautapad ng Parusang kamatayan hindi lamang sa


ating bansa kundi sa buong mundo.Ito ang isyung pinagtatalunan hindi lamang ng mambabatas
pati na mga pangkaraniwang mamamayan.
Mula sa mga opiniyon at pahayagan ng mambabatas at ibang opisyal ng gobyerno pati na rin
ng pangkaraniwang mamamayan na pagtitimbang natin ito kung alin ang mabigat at
nakabubuti. Sa pagpapatupad nito maaaring ang kinabukasan ng mga sumusunod na
henerasyon ay maisalba mula sa hindi kanais-nais na nangyayari sa ating lipunan. Pati na rin sa
pagkakaroon ng patas na batas sa mga ibang bansa.

Ngunit kung ako ang tatanungin, Sumasang-ayon akong ipatupad muli ang death penalty sa
Pilipinas. Sapagkat kung titingnan mo ang mga nangyayari sa ating bansa ay laganap na ang
mga karumal-dumal na pangyayari. Kung Hustisya ang pag-uusapan, kailangan natin itong
makamit. Kung buhay ang nawala, buhay rin ang kapalit sa gumawa nito. Kung mayroong death
penalty, tiyak na marami ng matatakot na gumawa ng krimen sa bansa.

Hindi sapat ang pagkakakulong ng isang suspek kung ito ay makakalaya at sustentuhan. Wala
tayong kasiguraduhan na hindi na ulit iyon mangyayari. Hindi natin kontrol ang disisyon ng tao
kung kaya’t maari nya ulit itong gawin. Kaya kailangan muling ipatupad ang death penalty sa
bansa upang hindi na maulit ang ano mang sakuna.

Alam nating mali ito sa mata ng Diyos Sapagkat sya lang ang may karapatang bawiin ang buhay
natin ngunit may karapatan din bang pumatay ang tao dahil gusto nya? Huwag nating isali ang
nasa itaas sapagkat pantay lamang ang batas. Kung ikaw ay nakapatay sinasadya man o hindi
kamatayan rin ang hatol sayo. Madaling sundin ang batas, responsibilidad mo na ang sarili mo.

Ang death Penalty ay isang batas kung saan ito ang ihahatol sayo kung ikaw ay may mabigat na
ginawang kasalanan sa mata ng batas. Ngunit kailangan din ng maingat na proseso upang
ipatupad ang kamatayan sa isang tao.

Pabor ako sapagkat ito ang naiisip ko upang mabawasan ang kriminalidad ng bansa.
Bibigyan ko kayo ng isang halimbawa, Kung ikaw ay namatayan ng mahal sa buhay at nakita mo
ang buong pangyayari, hindi ba’t iisipin mo ring mamatay na ang gumawa niyon sa taong mahal
mo? Ipaghihiganti mo sya at ibibigay ang nararapat na hustisya. Kung death Penalty ay nasa
batas, may malaking posibilidad na hindi mangyayari ang sinaryong ito. Ito ay isang halimbawa
lamang upang ipaliwanag ko ang aking punto.

Maaring nakaramdam lang tayo ng galit kung kaya’t naisipan natin ang ganong pangyayari
ngunit hindi na maibabalik ang buhay ng pinatay. Malaking kasalanan ang pag patay sa isang
tao ngunit kung hustisya ang usapan, death penalty ang katapat.

Ito ay isang pawang pagtatalo lamang, ang lahat po ng sinabi ko ay ginawan ko ng research at
mga komento ng ilang mamamayan ukol sa pag sang ayon ng death penalty sa bansa. Kayo na
po ang bahalang humusga kung kaninong panig ang mananalo. Pero di po talaga ako sang-
ayon, maawa’t mahabag sa buhay.

You might also like