Adi LP

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

December 2, 2020

Banghay-Aralin sa Filipino

I. Layunin

Sa pagtatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Nailalahad ang kahulugan at kinakailangan sa pagsulat ng panukalang


proyekto.

B. Natutukoy ang iba’t ibang bahagi at ang mga kahulugan nito sa


pagsulat ng panukalang proyekto.

C. Nakasusulat nang wasto at tama gamit ang mga hakbang sa pagsulat


ng panukalang proyekto.

II. Paksang Aralin

m
Paksa: Introduksyon sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto

er as
co
Sanggunian: Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
eH w
May Akda: Constantino at Zafra

o.
rs e
Kagamitan: Laptop at Projector
ou urc

III. Pamamaraan
o
aC s

A. Panimulang Gawain
vi re

1. Panalangin
y

2. Pagpapakilala
ed d
ar stu

B. Pangganyak na Gawain
Estratehiya: Picture Analysis
is

Magpapakita ang guro ng iba’t ibang grupo ng mga larawan. Nakapaloob dito
ang mga problema o sitwasyon na kinakaharap ng ating bansa ngayon at
Th

ang posibleng mainam na solusyon ukol dito.


sh

1. = 3. =

This study source was downloaded by 100000826079069 from CourseHero.com on 11-30-2021 06:42:18 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/77752217/ADI-LPdocx/
2. = 4. =

Mga Katanungan:
1. Ano ang inyong nahihinuha batay sa grupo ng mga larawan na inyong
nakita?
2. Batay sa inyong sariling karanasan, gaano kabilis ninyo mairesolba ang o

m
er as
ang mga problema na inyong

co
hinaharap? eH w
o.
rs e
C. Pagtalakay sa Aralin
ou urc

Tatalakayin ng guro ang mga kahulugan at kahalagahan sa pagsulat ng


panukalang proyekto pati na rin ang iba’t ibang mga bahagi nito.
o

Ano nga ba ang panukalang proyekto?


aC s
vi re

 isang planong naglalaman ng mga batayang impormasyon tungkol sa


binabalak na gawain
y

 nagbibigay ng pangkalahatang ideya tungkol sa binabalak na proyekto


ed d

 detalyadong deskripsyon ng mga inihahaing gawaing maglalayong


ar stu

lumutas ng isang problema o suliranin


is

Mga Bahagi sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto


Th

1. Panimula
A. Pamagat - tiyaking malinaw at maikli ang pamagat.
B. Proponent ng Proyekto - tumutukoy sa tao o organisasyong
nagmumungkahi ng proyekto.
sh

C. Kategorya ng Proyekto - ang proyekto ba ay seminar o


kumperensiya, pananaliksik, patimpalak,
konsiyerto, o outreach program.
D. Petsa – sumasagot sa tanong na “Gaano katagal ang inaasahang
pagpapatupad ng proyekto?’’.
E. Rasyonal - ipaliwanag ang konteksto ng proyekto. Anong pangyayari
ang nagbunsod nito?

2. Katawan
A. Deskripsyon ng Proyekto - Nagbibigay ito ng kompletong detalye
tungkol sa mismong proyekto.
B. Badyet - Itatala rito ang detalye ng lahat ng inaasahang gastusin sa
pagkompleto ng proyekto.
This study source was downloaded by 100000826079069 from CourseHero.com on 11-30-2021 06:42:18 GMT -06:00
3. Kongklusyon
https://www.coursehero.com/file/77752217/ADI-LPdocx/
A. Pakinabang - Ano ang pakinabang ng proyekto sa mga direktang
maaapektuhan nito sa
ahensiya o indibidwal na tumulong upang
maisagawa ang proyekto?

D. Paglalapat

Matapos ang pagtalakay ng guro sa pagsulat ng panukalang proyekto ay


tatanungin nito ang mga mag-aaral kung mayroon pa ba silang mga
katanungan hinggil sa paksang tinalakay. Itatanong din ng guro ang
sumusunod na katanungan upang malaman ang naging pagkatuto ng mga
mag-aaral.

Tanong:

1. Sa iyong sariling pananaw, bakit mahalagang malaman ng isang


kabataang kagayo mo ang gamit at wastong pamamaraan sa pagsulat ng
isang panukalang proyekto?

m
er as
2. Paano ito nakakatulong sa iyong pag-aaral at sa mga taong sumusulat
nito?

co
eH w
o.
rs e
E. Pagtataya
ou urc

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag at alamin ang bahagi ng


panukalang proyektong inilalarawan nito. Isulat ang titik ng tamang sagot.
o

Tandaan na maaaring mag-ulit ng sagot.


aC s
vi re

A. Pamagat D. Petsa G. Badyet


y

B. Kategorya ng Proyekto E. Rasyonal H.


ed d

Pakinabang
ar stu

C. Proponent ng Proyekto F. Deskripsyon ng Proyekto


is
Th

1. Humihiling kami ng P40,000 upang maisakatuparan namin ng lubos


ang mga layunin ng proyekto.
2. Tatagal ng tatlong araw ang seminar-workshop, mula ika-28 hanggang
30 ng Agosto 2018.
sh

3. Konsultasyon sa lahat ng mga manggagawa kaugnay sa


iminumungkahing proyekto (tatlong araw).
4. Panukala para sa medical mission sa Enrile, Cagayan
5. Hinihiling naming mapalawak ang aming pantry sa ikalimang palapag
sa kapakinabangan ng empleyadong naghahanap ng maluwag at
maaliwalas na espasyo.

F. Kasunduan

Sumulat ng isang panukalang proyekto na nais mong gawin o ipanukala sa


inyong paaralan. Sa pagsulat nito, isaalang-alang ang wastong gamit ng mga
bahagi nito. Isulat ito sa isang buong papel.
This study source was downloaded by 100000826079069 from CourseHero.com on 11-30-2021 06:42:18 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/77752217/ADI-LPdocx/
m
er as
co
eH w
o.
rs e
ou urc
o
aC s
vi re
y
ed d
ar stu

Inihanda ni:
is

Bb. Jade Marie G. Sorilla


Th
sh

This study source was downloaded by 100000826079069 from CourseHero.com on 11-30-2021 06:42:18 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/77752217/ADI-LPdocx/

Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like