Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 5

[A/N: Lahat ng nakasulat dito ay pawang kathang isip lamang ng awtor.

]
PROPERTY of forbiDDen30. (http://www.wattpad.com/user/forbiDDen30)
KEEP THIS PRIVATE, please.
Sino nga ba sya? (One Shot Story)
Anim na taon.
Mag-aanim na taon na sana kami kahapon...
pero NAWALA din ang lahat.
Kasi may pagbabago,
malaking pagbabago na di ko akalaing mangyayari pa samin sa halos anim na taon
naming pagsasama.
Mahal pa rin kita, pero ayoko ng umulit.
Masakit. Napakasakit... kung alam mo lang.
*****
"6 years. 6 years. 6 years!!! waaaaaaaahhh!!!" sigaw ko pa din kahit namamaos na
ako. Nagtatatalon na di
ako sa tuwa sa harap ng salamin.
Alangan namang itago ko to dba? Ang saya ko eh ^____________^ NAPAKASAYA!!! haha.
"ano kaya ang ireregalo ko?? " inilapit ko ang mukha ko sa salamin, isang ruler ata
ang layo, at
pinagmasdan ang maliliit na dark spots sa mukha ko. "mapanira talaga to o!"
ninusnos ko ang daliri ko sa
parte kung san halatang halata ang dark spots.
haysssttt! (__ __) di ata uubra to.
Naupo nalang ako sa kama ko saka dinampot ang cellphone kong nasa ibabaw ng drawer.
to Bebeh Jake:
San tayo magkikita bukas? Anong oras? :))
Message Sent.
Humilata ako sa kama sabay lagay ng cellphone ko sa tabi ng unan ko. Dumupa nalang
ako habang
nakatingin sa pusong nakaukit sa kisame.
Alam ko kasi na matagal tagal pang magrereply si bebeh ko. -____- pero nasanay na
ako dyan. wrong
timing lang talaga siguro ako pagnag tetext. natyetyempuhang busy sya.
. . .
** beep.
Bumangon ako kaagad saka hinarap ang cellphone ko.
dba tama ako? Matagal pa nga syang mag reply. Isang oras at kalahati pa ang
hinintay ko. Pero,
siguro worth the wait din tong reply nya. hehe ^^
Excited kong binuksan ang mensahe na nakapangalan sa kanya.
"Sab-- hay... sabi ko na nga ba..." nawala din kaagad ang ngiting nakapinta sa
mukha ko kanina, at
napalitan ng lungkot.
"ang damot ng panahon," nasabi ko nalang habang inuulit ang pagbabasa sa mensahe
nya.
Yung reply nya:
di aq pwede bukas Bebeh, busy pa aq sa group project namin. Tatapusin pa bukas.
Pwede bang sa
susunod nalang natin i-celebrate?
Labag man sa kalooban ko, um-Oo nalang ako.
May magagawa pa ba ako?? Mas importante nga naman ang pag aaral kesa sa anniversary
dba? Tsaka,
minsanan lang yang projects nila... di tulad nitong anniversary, ONCE a year
inicecelebrate.
"Sa sobrang paminsan minsan, lagi nalang nauudlot ang lakad namin." mahina pero
naiinis kong sabi sa
cellphone ko.
tsk tsk >_______< mabuti pa nga ang cellphone ko, lagi kong kasama... eh sya ba?
AYSSST!!! bat ba ako
nagrereklamo??
Malamang, di sya andyan parati sa tabi ko.
Di lang naman sa akin umiikot ang mundo nya dba??
*****
6th year anniversary.
Kahit malamig, di ko mapigilang pagpawisan sa kamay... di ako mapakali eh, >.<
Andito ako sa loob ng isang taxi na papunta kina Behbeh Jake.
Tinext ko sya.
to Behbeh Jake:
HAPPY 6TH ANNIIVERSARY! I LOVE YOU!
Bakit? Anniversary nga namin. Yun lang, haha! pero, sa totoo lang... pinapunta
talaga ako ng mama nya
para daw makapag celebrate kami ni Jake. Naghanda nga ako ng packed lunch para
samin dalawa eh.
Isang oras lang din naman ang hihilingin ko mula sa mga ka grupo nya, siguro ay
mapagbibigyan nila ako
dba?? ayoko din kasi talagang, magcelebrate sa ibang araw maliban sa araw na to.
Bumaba na ako nang huminto na sa tapat ng gate ng bahay nila ang taxi. Pumasok na
din ako ng walang
kaingay ingay para ma sorpresa ko sya. haha! XD
Sabi din nga pala ni Tita... o dba? nakikiTita na ako! haha. tanggap kasi nila ako
para kay Jake. :)) Balik
tayo. sabi nga ni Tita, mas mabuti daw na andito ako sa kanila habang wala sya para
mabantayan ko
naman sila kung may gagawin man silang kalokohan... tulad ng pag inom. hehe ^^
Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay nila... walang taong bumungad sakin sa sala
nila, pero ilan ilang
damit lang na nagkalat sa sahig.
Dinampot ko ang checkered na polo ni Jake pero may natapakan ata ako,
"blouse?? ng babae??" weird ah -____-
Dinampot ko nalang din kasi baka sa ate nya to. Pero sa pagkakakilala ko sa Ate ni
Jake, di sya burara eh..
"ah... siguro nagmamadali." nasabi ko nalang.
Tiniklop ko ang mga damit saka inipatong ito sa sofa.
Pakiramdam ko naman, asawa na nya talaga ako. hehe ^^
Papanhik na ako sa taas, papunta sa kwarto nya... nang may marinig akong ingay,
mula pa din sa itaas.
Dali dali ako umakyat sa ikalawang palapag, at dun ko napagtantong...
ang ingay na narinig ko sa baba ay,
isang UNGOL...
ungol ng isang babae.
"hindi hindi hindi..." pagpapakalma ko sa sarili ko.
Pero... mula sa ... KWARTO NI JAKE.
Hindi maari. hindi.
Bawat hakbang na ginagawa ko papalapit sa kawarto nya, mas lalo kong naririnig ang
ingay ng tibok ng
puso ko sa doble dobleng kaba na nararamdaman ko.
Bawat hakbang na ginagawa ko, nararamdaman ko ang pamamanhid at pabigat na pabigat
ng paa ko na
parang ayaw ng magpatuloy pa.
Bawat hakbang na ginagawa ko, mas lalong dinudurog ng ungol na yun... ang puso ko.
At sa bawat hakbang na ginagawa ko, papalapit ako sa katotohanang sana'y...
HINDI ANG INIISIP KO.
Yumuko ako ng konti sa harap ng pinto ng kwarto nya, hinahayaang masilayan ng mga
mata ko mula sa
maliit na butas na iyon, ang di kanais nais na tanawin para sa isang taong lubos na
nagmamahal.
"I love you Jake..."
"i love you more Mariel..."
Natigilan ako sa naring ko mula sa mismong bibig nya. Nahulog ko ang lunch box na
dala dala ko pero
mukhang ganun sila kasaya at di man lang nila napansin yun.... patuloy pa din sila
sa KATAKSILANG
ginagawa nila.
Ninamnam nila halik ng isat isa, habang si Jake... kitang kita ko ang pag aasam na
mapasa kanya ang
babaeng hubat hubad na nakahiga sa kama nya.
SHT SHT SHT!!!
Di na ako nanood sa ginagawa nila. ang sakit. masakit.
"I thought--"
"No babes. She couldn't be as good as you, right?"
"Yah... Jake..."
at narinig ko ulit ang ungol nya habang tinatawag ang pangalan ni Jake... kaya ako
nalang ay napansadal
sa pinto, habang humihikbi.
siguro nga. siguro nga... higit pa sya sakin. mas sasaya ka sa kanya... wala naman
akong binatbat eh,
napaka ordinaryo ko kung ikukumpara sa ganda nya.
pero... di ko akalain, na magagawa to ni Jake. di ko akalaing makakaya nyang
magtaksil.
" k--aya pala... kaya pala..." Pinahid ko ang mga luha ko, kahit alam kong wala
ding kwenta! bubuhos pa rin
ang luha ko, sa sakit na nadarama ko.
"H--appy... 6th... An--niversary... I love you... Jake..." Pinunit ko ang maliit na
card na nakadikit sa labas ng
lunch box. At nagamadaling umalis sa bahay nila.
ayoko ng mag iskandalo, ako lang magmumukhang kawawa... dahil sa KATANGAHAN ko, sa
sobrang
PAGTITIWALA ko... sa kaisa isang lalaking minahal ko.
Naglalakad lang ako papunta sa hintayan ng taxi at jeep... at sa kaiiyak ko,
pinagtitinginan na nila ako, mga
mapanghusgang tingin.
Kung alam nyo lang... kung alam nyo lang kung gano kabigat to, na di ko an kayang
itago pa.
"a--bay nakikibagay... ka pa," nagawa ko pang pagbibiro sa kalagitnaan ng pag iiyak
ko at pagbuhos ng
malakas na ulan.
Di na ako nagpasilong, mas mabuti na to.
wala, walang makakita sa pag iyak ko. at okay na din to... wala din namang mag
aalala sakin eh, wala
kasing nagmamahal sakin. wala.
Di ko akalain na sa lahat lahat ng nangyari sa atin sa loob ng ANIM na taon... ang
pinagsamahan, ang
pinagdaanan na mga problema, lalo na ang pagmamahalan... ay mawawala lang ng ganun
kadali. Ganun
lang! NABURA ng ganun ganun na lang!
Huminto ako sa hintayan ng sasakyan. May kulay asul na waiting shed pero di na ako
nagpasilong, mas
pipiliiin ko pa rin ang mag paulan. Minsan lang nakikidamay ang ulan sakin, minsan
lang.
Ramdam ko ang sakit sa pagtulo ng luha ko kasabay ng patak ng ulan.
Kaya pala, lagi syang busy... kasi busy sya sa iba. kaya pala may project sya
palagi, project kasama ang
babaeng yun sa kanyang kama.
~~'Di ko inisip na mawawala ka pa
Akala ko'y panghabang-buhay na kapiling ka
Lahat na yata 'binigay para sa 'yo
Ngunit parang may pagkukulang pa ako
Napalingon ako kaagad sa likuran ko... doon sa waiting shed, may isang ale, matanda
at may hawak hawak
na radyong luma. Dun pala galing ang kanta.
yakap yakap nya ito habang nakatingin lang sya sa kawalan. Para syang isang
baliw... madumi ang damit
nya, tulad ng isang pulubi at may mga burloloy pa na gawa sa lata ang nakapalibot
sa katawan nya.
~~Sino nga ba sya sa puso mo
At kaya mong saktan ang tulad ko
Humarap nalang ako ulit para maghintay ng taxi. May huminto at sumakay ako kaagad
dito.
~~Sino nga ba s'ya sa puso mo
At kaya mong saktan ang tulad ko
SHT!!! ANO BA! ang sakit... sakit na nga eh, kahit ba naman sa loob ng taxi, di pa
rin ako tatantanan ng
kantang yan???! >__________<
~~Sino nga ba siya't iniwan mo
Iniwan mong bigo ang tulad ko
Mas lalong bumuhos ang mga luha ko... habang lalong tumatagos ang kada salita sa
kanta. ayoko mang
aminin, pero... tinatamaan ako.
~~ May pagkukulang ba ako't
Nagagawang saktan ang puso ko
bakit kaya?? bakit JAKE??? bat mo to nagawa?? may nagawa ba ako at nagmahal ka ng
iba?? ginawa ko
naman ang lahat eh. inintindi ka, di ka pinagselosan kahit may naririnig ako na
kung ano ano, at higit sa
lahat, MINAHAL kita. sobra pa sa inaakala mo. sobra sobra pa na walang sino mang
makakagawa kundi
ako lang...
KAINIS!!! KAINIS TALAGA!!!
ang tanga ko, napakatanga!!!
**beep.
Pinahiran ko muna ang mga luha ko, at saka kinuha ang cellphone ko.
napangiti ako.
walangya! napaka WALANG HIYA MO talaga!!!
from Behbeh JAKE:
Happy Anniversary din Beh... I love you.
"i-- love... you??"
di ba sya nahihibang??!
SINUNGALING KA!!! SINUNGALING!!!
~~Sino nga ba sya sa puso mo
At kaya mong saktan ang tulad ko
Gayong lahat-lahat ng akin
At pag-ibig ay 'binigay sa'yo
nagawa mo pa talagang... mag i love you?? ha... ha... sinungaling talaga... at ang
kapal kapal.
~~Sino nga ba siya't iniwan mo
Iniwan mong bigo ang tulad ko
May pagkukulang ba ako't
Nagagawang saktan ang puso ko...
Alam mo ba??
Akala ko... tayo na pang habang buhay.
ANG SAKIT DIN PALANG UMASA.
ANIM na taon. Pero wala din pala.
Nagbabago lahat eh, at siguro isa ka na dun.
KAHIT ANONG TAGAL NYO PALA,
DI PALA PA RIN YAN KASIGURADOUHAN KUNG MAGIGING KAYO SA KAHULIHULIHAN.
kasi marami pang pagbabagong maaring mangyari.
hindi pala sukatan ang tagal, para malaman mo kung kayo na talaga. di pala ganun.
At ang masakit lang, naranas ko pa ang kamalasang to.
tanong ko lang, at sanay sagutin mo lang ng makatotohanan.
sa loob ng ANIM na taon na yun...
MINAHAL MO KAYA AKO NI MINSAN???
o
sadyang NAPAKATANGA AT MANHID ko lang na di ko napansing,
noong UNA palang ay wala lang ako sayo??
** Ending

You might also like