Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Fil 101: Komunikasyon sa Akademikong Filipino

Ang Alomorp ng Morpema at ang


Mga Pangungusap na Walang Tiyak na Paksa

Mga layunin:

1. Malaman ang alomorp ng morpema.


2. Malaman ang mga pangungusap na walang paksa.
3. Mailahad ang mga tamang pamantayan sa paggamit ng mga alomorp.

Ang Alomorp ng Morpema

Ano ang morpema?


Pinakamaliit ng yunit ng tunog na nagtataglay ng kahulugan.
Ang mga pagbabagong kinapapalooban ng mga panlaping nagtatapos sa ng
dahil sa impluwensya ng kasunod. Nakikibagay ang huling titik ng panlapi sa unang titik
ng salitang-ugat.
Nakapaloob din dito ang tinatawag na alomorp ng morpema. Ang morpemang
pang ay nagtataglay ng alomorp na pang, pam at pan. Gayundin ang morpemang mang
na may alomorp na mang, mam at man. At gayundin ang morpemang kasing na may
alomorp na kasing, kasim at kasin.
Ginagamit ang alomorp na pang, mang at kasing sa mga patinig at sa mga titik
na k,g,h,m,n,w at y.
Halimbawa ng pang:
Pang+kasal= pangkasal pang+hukay= panghukay pang+walis= pangwalis
Halimbawa ng mang:
Mang+hampas=manghampas mang+walis=mangwalis mang+kain=mangkain
Halimbawa ng kasing:
Kasing+kahulugan=kasing kahulugan kasing+halaga=kasing halaga
Ginagamit naman ang alomorp na pam, mam at kasim kung nauuna sa mga
salitang-ugat na nagsisimula sa titik p at b.
Halimbawa ng pam:
Pam+bansa=pambansa pam+pulitika= pampulitika pam+bata=pambata
Halimbawa naman ng mam:
Mam+bukid=mambukid mam+punit=mampunit
Halimbawa ng kasim:
Kasim+bait= kasimbait kasim+puti= kasimputi kasim+buti=kasimbuti
Ginagamit naman ang alomorp na pan, man at kasin kung nauuna sa mga
salitang-ugat ang nagsisimula sa titik d,l,r,s,t.
Halimbawa ng pan:
Pan+dakot= pandakot pan+lasa=panlasa pan+regalo=panregalo
pan+sarili=pansarili pan+tulak=pantulak
Halimbawa ng man:
Man+ligaw=manligaw man+daya=mandaya man+tapon=mantapon
Halimbawa ng kasin:
Kasin+dami=kasindami kasin+laki=kasinlaki kasin+talino=kasintalino

Tandaan: kailanman hindi maaaring magkakapalit-palit ang mga alomorp ng morpema


dahil magiging mali na ang isang salita na mabubuo.
Mga pangungusap na walang tiyak na paksa
1. Penomenal
Ito ay tumutukoy sa mga pangungusap na tumutukoy sa kalagayan o
pangyayaring pangkalikasan o pangkapaligiran. Maaaring ito ay:
Verbal (binubuo ng panguring pandiwa na maaaring may kasamang adverbial o
pang-abay)
Halimbawa:
Umuulan!
Lilindol uli!
Bumaha kahapon.
Aaraw marahil
2. Temporal
Nagsasaad ito ng mga kalagayan o panahong panandalian. Karaniwan ito
mga adverbial na nagsasabi ng…
Oras, araw, petsa
Halimbawa:
Tanghali na
Bukas ay Miyerkules
Alas singko pa lang ng umaga
Ika-3 ng Hunyo ngayon
3. Eksistensyal
Nagsasaad ito ng “pagka mayroon” o “pagka-wala”
Halimbawa:
Wala pang bisita
May nakakuha na
Walang sumagot
4. Modal
Nangangahulugan ito ng gusto/ nais/ ibig/ pwede/ maaari/ dapat o kailanagan.
Halimbawa:
Pwede bang sabihin
Maaari bang magdagdag?
Gusto kong magbigay
Nais/ibig mo ba?
5. Mga Ka-pandiwa
Nagsasaad ito ng katatapos na kilos o pangyayari. Malimit itong may kasunod na
“lang/lamang.”
Halimbawa:
Kagagawa ko lang
Kasunod ka lang
Kasasara pa lang
Kaliliban ko pa lamang
6. Mga pambating panlipunan
Magagalang na pananalita o ekspresyon na mahalaga sa pakikipagkapwa-tao
Halimbawa:
Makikisuyo nga po
Salamat po.
Wala pong anuman.
Makikiraan po.
Pasensiya nap o.
Paalam po.
(may mga rehiyong di gumagamit ng po at opo subalit nadarama ang paggalang
sa tono o intonasyon ng pagsasalita)
7. Mga panawag
Maaari ring tawagin itong “vocative” na iisahing salita o panawag.
Halimbawa:
Pssst!
Hoy!
Ssst…!
Hello!
Ate!
Kuya!
Inday!
8. Mga pandamdam
Nagpapahayag ng matinding damdamin ng tao.
Halimbawa:
Aray ko!
Ow, talaga!
Ano? Aba sobra!
Ano ka ba?
Bakit nangyari iyon?
Mananagot ka!
Mga Sanggunian

Aklat
Austero, Cecilia S. et. al. (2013). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Sta. Mesa,
Manila: Rajah Publishing House.

Elektronikong Sanggunian
http://wika.pbworks.com/f/Ano%20ang%20S%20A%20at%20O%20v2.pdf

You might also like