Article Lindol

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

LINDOL 101

Ni: Lenard Canja

50/50!

Markang nagpapatunay kung gaano kahanda at alerto ang mga mag-aaral at guro sa Mataas na
Paaralan ng A. O. Floirendo, ito ay sa kasagsagan ng pagtataya sa pagsasagawa ng Earthquake drill sa
paaralan. Upang imulat ang mga isipan ng bawat isa sa kahalagahan ng kahandaan sa anumang
pagkakataon, laban sa anumang dilubyo lalong lalo na ang hindi mabirong LINDOL.

Isa sa mga tinatakutan, at tinatakbukhang pagaubok, ang lindol. Ito ay isang biglaan, at mabilis na pag-
uga ng lupa, na dulot ng pagbibiyak at pagbabago ng mga batong nasa ilalim ng lupa kapag
pinakakawalan nito ang puwersang naiipon sa mahabang panahon.

Ayon sa brainly.ph.com, “Sa loob ng daang-milyong taon, ang mga puwersa ng plate tectonics ay
humubog sa lupa, habang ang malalaking plate na humuhubog sa balat ng lupa ay dahan-dahang
umuusog, papailalim at lagpas sa bawat isa. Kung minsan, ang pagkilos ay dahan-dahan. Sa ibang
pagkakataon naman, ang mga plate ay magkaipit, at hindi mapakawalan ang natipong puwersa. Kapag
sapat na ang puwersang naipon, nagkakalas ang mga plate. Kung ang lindol ay maganap sa lugar na
maraming tao, maaari itong magdulot ng maraming kamatayan at pinsala at malawakang pagkasira ng
mga ari-arian.” Maari ring mangyari ang lindol sa mga pagkakataong pumuputok ang isang bulkan, ang
pagputok ng bulkan ay naglalabas ng isang malakas na pwersa na nagpapayanig sa kalupaang
nasasakupan nito. Ang lindol ay tumatagal mula 30 hanggang 60 segundo o higit pa.Mabilis man
matapos ang dilubyong ito, may pakanang kanang mahihinngl pagyanig naman na nangyayari
pagkatapos ng mismong lindol, itoy tinatawag na After Shock.

Maari nga bang malaman kung may paparating na lindol? Sa panahon natin ngayon na kung saan
talamak ang mga iba’t-ibang makabagong teknolohiya, wala paring sapat na instrumento o kaalaman
ang mga dalubhasa kung paano tukuyin ang paparating na lindol. Ngunit may mga lugar na pinag-aralan,
mula noon hanggang ngayon ng mga geologist, ang mga dalubhasa sa pAg-aaral sa mundo, na aktibo sa
pagkararanas ng mga lindol, itoy tinatawag na Pacific Ring of Fire, isang parte ng mundo na madalas
nakararanas ng lindol, mga pagputok ng bulkan at ibat-ibang proseso na ngaganap sa kailaliman ng lupa.
Itoy may haba na 40,000 km long, sumasakop mula South America hanggang sa timog karagatan ng
Australia. Ang Pilipinas ay nabibilang ditto, kaya hindi kataka taka na tayoy nagsasagawa ng mga
programa para sa kahandaan nating lahat laban sa lindol na maaring mangyari anumang oras.

Ano-ano nga ba ang mga pwedeng gawin bago pa dumating ang lindol sa paaralan o maging sa tahanan
man?

Una, magplano at magkaroon ng usapan tungkol sa lindol. Pag-usapan kung saan magkikita-kita kung
sakaling mawalay sa isa’t-isa pagkatapos ng lindol. Gumawa ng evacuation plan at siguraduhin na ligtas
ang lugar na ito.
Pangalawa, dapat nating siyasatin ang mga bagay sa loob ng ating bahay na maaaring mahulog habang
lumilindol. Ilagay ang mga mabibigat na bagay sa ibaba at ang mga magagaan na man ang sa itaas.
Importante ang ganitong gawain lalo na’t para maiwasan ang ating pagkabagok kung may mahuhulog na
bagay sa ating ulo.

Pangatlo, kailangan nating maghanda ng “first-aid kit”. Tayo dapat ay magkaroon ng ganito dahil
naglalaman ito ng mga importanteng pangangailangan na maaaring gamitin kung sakaling tayo ay
nakulong sa isang bahagi ng lugar. Ito ay nilalaman ng mga de latang pagkain, tubig, radyo, mga baterya,
gamot, at iba pang mga importanteng pangagailangan na maaaring magamit sa isang linggo o higit pa.

Pang-apat, alamin kung paano patayin ang lahat ng kagamitan na umaandar gamit ang kuryente
upang maiwasan ang disgrasya. Ito ay para maiwasan ang pagkasunog ng ating mga ari-arian.

Ang huli, dapat lagi tayong alerto at manood ng balita tungkol sa paparating na mga sakuna, hindi lang
sa lindol pati na rin sa mga bagyo, tsunami at iba pa.

Habang sa kasagsagan naman ng lindol, tandaan ang acronym na D.C.H., duck, cover, hold. At lumabas
agad sa anumang gusalI pagramdam nan a huminto ang lindol. Kung sa kaling hindi makalabas gumawa
ng ingay, sa ganitong paraan matutukoy ang iyong lokasyon ng mga rescuers at ikaw ay agad na
masasalba.

Ang mga bahagdan na ito ay dapat tandaan, para sa ating kaligtasan. Ang lindol na syang di mabirong
dilubyo ay bagaman ay hindi maiiwasan, ngunit malalabanan sa tamang kahandaan at kaalaman.

You might also like