LAS Quarter 1 4th Week

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX, Zamboanga Peninsula
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBOANGA DEL NORTE
Liloy III District
COMPRA NATIONAL HIGH SCHOOL
Compra, Liloy, Zamboanga del Norte

FILIPINO 9
Pangalan: ______________________________________ Iskor: _____________
Grado/Seksyon: _________________________________ Petsa: _____________
LEARNING ACTIVITY SHEET
Unang Markahan – Ikaapat na Linggo
Pamagat: Maikling Kwento
Mga Pamantayan sa Pagsuri ng Teleserye/ Pelikula:

 Tauhan – malinaw ba ang karakterisasyon ng mga tauhan. Lumutang ba ang mga katangian ng tauhan upang
makilala ang bida (protagonist) at ang kontrabida (anatagonista)?
 Istorya o Kuwento – may kaibahan ba ang istorya sa mga dating napanood mo na o ito’y isang gasgas na
kwento lamang? Malinaw bang naihanay ang mga pangyayari sa teleserye upang lubos na maunawaan ng mga
manonood?
 Diyalogo – matino ba o bulgar ang mga salitang ginamit sa kabuuan ng pelikula? Angkop ba ang lengguwahe
sa takbo ng mga pangyayari?
 Titulo/ Pamagat – Mayroon ba itong panghatak o impact? Nakikita ba kaagad at nauunawaan ng manonood
ang mga simbolismo na ginamit sa pamagat?
 Sinematograpiya – Mapusyaw ba o matingkad ang kabuuang kulay ng pelikula? Nakatulong ba ang paggamit
ng visual effects sa paglutang ng mga pangyayari sa kuwento?
 Tema o Paksa – Mayroon bang “puso” ang pelikula? May taglay ba itong kaisipan at diwang titimo sa isip at
damdamin ng mga manonood na kaugnay ng kanilang mga karanasan sa buhay?
Kompetensi:
 Nasusuri ang pinanood na teleseryeng Asyano batay sa itinakdang pamantayan (F9PD-Ic-d-40)
 Naisusulat ang isang pangyayari na nagpapakita ng tunggaliang tao vs. sarili (F9PU-Ic-d-42)

SURIIN
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto.

PAGSASANAY I
Panuto: Panoorin ang isa sa mga sikat na teleseryeng Asyano na magpapaantig ng iyong puso. Ito ay pinamagatang
“Every Child is Special”. Narito ang YouTube link:
Part I: https://youtu.be/HjLEPOgu9ek
Part II: https://youtu.be/DiXfajmXY9o
Panuto: Batay sa iyong napanood na teleserye, suriin ito gamit ang mga sumusunod na mga pamantayan:

1. Tauhan

2. Istorya o Kuwento

3. Diyalogo

4. Titulo/ Pamagat

5. Sinematograpiya

6. Tema o Paksa

PAGSASANAY II
Panuto: Batay sa iyong napanood, bumuo ng isang talata na nagpapakita ng tunggaliang tao vs. sarili.

Pamantayan Puntos
Konsepto 10
Kalinawan ng mga pangyayari 8
Kalinisan 2
KABUUAN 20

ISAISIP!
Panuto: Buuin ang mga pahayag upang makabuo ng mabisang pag-unawa sa aralin.

Natutuhan ko...

Matapos ang aralin, nalaman ko at tumimo sa aking isipan na ________________________________


__________________________________________________________________________________.

Naramdaman ko rin at nanahan sa aking puso ang __________________________________________. Dahil dito may
nais akong baguhin sa aking ugali, mula ngayon_____________________________________.

Sanggunian: Department of Education: Panitikang Asyano 9 (For Classroom use ONLY),


May-akda: Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera (Pahina 233-237)

Susi sa Pagwawasto:

PAGSASANAY I:
Inihanda ni:
Nakadepende sa sagot ng mag-aaral

PAGSASANAY II: Bb. APRIL MAE O. MACALES


Guro sa Filipino 9
Nakadepende sa sagot ng mag-aaral

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times.

N-avigating
COMPRA NATIONAL HIGH SCHOOL
O-pportunities to “Be and Do Much Better Each
School Identification Number: 303707
Address: National Highway, Compra, 7115 Liloy, Zamboanga del R-eengineer for Day with a Sense of Urgency”
Norte T-ransformation &
Contact #: 0997-267-8379/0956-419-4887 E-mpowerment
E-mail Address:

You might also like