Professional Documents
Culture Documents
Ap9 Q1 M4
Ap9 Q1 M4
Ap9 Q1 M4
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Modyul
para sa araling Ang Matalinong Pagpapasya!
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.
MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.
PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang
TAMA kung wasto ang isinasaad ng bawat pangungusap at MALI naman kung
hindi wasto.
1. Mas makabubuti kung uunahin muna nating matugunan ang
ating kagustuhan kaysa pangangailangan.
BALIK-ARAL
Econo-Puzzle
Isulat ang wastong salita na mabubuo mula sa mga jumbled letters sa bawat
bilang. Ang mga salitang mabubuo ay may kinalaman sa mga tinalakay sa
nagdaang paksa. Pagkatapos ay isulat ang mabubuong pangunahing salita sa
ibaba gamit ang mga letra na may numero sa ibaba.
ARALIN
Ang Matalinong Pagpapasya
Maraming tao ang naghahangad ng pag-unlad sa buhay. Hindi ituturo ng
ekonomiks kung paano maging mayaman o kumita ng maraming pera lalo na sa
mabilis na paraan, subalit maaari kang maturuan ng ekonomiks na makabuo ng
mga matalinong desisyon upang matupad mo ang iyong mga mithiin sa buhay. Ang
mga konsepto ng trade off at opportunity cost ang una mong magiging hakbang
upang makagawa ng mas magandang desisyon.
Karaniwan na sa isang tao na manghinayang matapos ang trade off. May
mga tao na tumitingin sa opportunity cost kung kailan tapos nang mamili at
magdesisyon. Madalas sinasabi natin ang katagang “kung ito na lang sana ang
pinili ko, di sana…” kapag tayo ay nanghihinayang. Mahalaga na tumingin muna
sa opportunity cost bago magdesisyon. Ito ang tinatawag na cost-benefit analysis,
o ang pagtimbang sa maaaring maging opportunity cost at opportunity benefit ng
gagawing desisyon. Binabawas muna ang opportunity cost sa opportunity benefit
upang makita kung efficient ba ang gagawing desisyon. Kapag mas maraming
pakinabang ang makukuha mula sa pagpili, o mas higit ang opportunity benefit
kaysa opportunity cost, nangangahulugan na ang ginawang pagpili ay matalinong
pagpapasya o marginal thinking. Sa pagpili ng kurso sa kolehiyo, sa pagbili ng
bagong cellphone, sapatos, at damit, importanteng tingnan din ang benepisyo ng
bawat options upang malaman kung ano ang handa mong isakripisyong value ng
mga pagpipilian. Basahin ang komiks sa kasunod na pahina:
Ang komiks ay nagpapahayag na kailangan munang isaalang-alang ang
opportunity cost bago gumawa ng desisyon. Inaalam muna dapat ang value na
maaaring mawala kung mas pipiliin natin ang iba pang bagay.
Sa pagnenegosyo, bago magdesisyon ang entrepreneur, siya ay gumagawa
muna ng pag-aaral kung saan sila mas makatitipid sa kanilang gastusin sa
pagnenegosyo habang kumikita ng mas malaki. Binabawas muna ang posibleng
production cost (gastusin sa produksiyon) sa posibleng profit (kita o tubo) ng
negosyo upang matukoy kung positibo o negatibo ang maaaring maging resulta ng
gagawing desisyon.
Mahalagang isagawa ang marginal thinking at cost-benefit analysis upang
maging maayos at masagana ang magiging takbo ng ating buhay. Kahit sa mga
simpleng paraan o gawain maaaring maging efficient. Ang pagre-review habang
kumakain sa time ng recess, o kaya nama’y paggawa ng face mask gamit ang
lumang damit ay mga halimbawa nito. Dapat ding mas bigyang halaga ang
pangangailangan kaysa kagustuhan. May pagkakataong bumibili tayo ng mga
bagay na di naman natin nagagamit, o walang pangmatagalang gamit para sa atin.
MGA PAGSASANAY
Cost-Benefit Analysis:
Basahing mabuti ang sitwasyon at sagutin ang mga katanungan.
1. Si Toby ay nagdesisyong magtrabaho sa isang grocery store nang 5 oras
kada gabi dahil kailangan niyang kumita ng pera para makatulong sa pamilya.
Kapansin-pansin na bumaba ang kanyang grades. May iba pa bang pagpipilian si
Toby? Ano ang opportunity cost at opportunity benefit ng kanyang ginawang
desisyon? Ano ang maaaring gamiting mga alternatives upang mapababa ang
opportunity cost at madagdagan ang kanyang opportunity benefit?
PAGLALAHAT
Concept Map
Magbigay ng mahahalagang salita, konsepto o kaisipan na naglalarawan sa
marginal thinking o matalinong pagdedesisyon. Isulat ang inyong sagot sa loob ng
mga kahon at bilog.
PAGPAPAHALAGA
Ang kasunod na mga sitwasyon ay may kinalaman sa pandemyang
nagaganap sa kasalukuyan. Isulat kung anong pagtugon ang iyong imumungkahi
sa ganitong mga sitwasyon.
1. Hindi pinahihintulutang lumabas ng bahay ang mga batang nasa 21 pababa
ang gulang alinsunod sa batas sa panahon ng pandemya. May sapat kang pera at
kailangan mong bumili ng mga gamit sa eskuwela gaya ng ballpen, papel, ruler, oil
pastel at pambura dahil gagawa ka ng proyekto na ipapasa pagkatapos ng limang
araw gamit ang Messenger.
2. Dahil sa pandemya, ang mga mag-aaral ay binigyan ng tablet upang
magamit sa kanilang pag-aaral habang hindi pa sila maaaring pumasok sa
paaralan. Sa isang modyul, may pinapasagutan sa iyo ang guro na kailangang
ipasa sa Messenger subalit wala naman kayong internet connection sa bahay. Ito ay
isang uri ng essay ngunit wala rin kayong computer o laptop upang doon ka mag-
type ng iyong mga sagot para ipasa sa iyong guro.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang TAMA kung
wasto ang isinasaad ng bawat pangungusap at MALI naman kung hindi wasto.
1. Ang pagsasaalang-alang sa opportunity cost ay dapat iwasan sa
pagsasagawa ng marginal thinking.
GABAY SA PAGWAWASTO
Paglalahat
Maaaring magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral.
Pagpapahalaga
Ang sagot ng mga mag-aaral sa gawaing ito ay maaaring magkakaiba. Ang
kanilang kasagutan ay nakabatay sa kanilang opinion at pagkakaintindi sa
binasang modyul
Panapos na Pagsusulit
1. MALI
2. TAMA
3. TAMA
4. TAMA
5. MALI
SANGGUNIAN
Balitao, Bernard R., Buising, Martiniano D., Garcia, Edward D.J., De Guzman,
Apollo D., Lumibao Jr., Juanito L., Mateo, Alex P., at Modejar, Irene J.
Ekonomiks, Modyul para sa Mag-aaral. Department of Education, 2015.
Econlib. “Margins and Thinking at the Margin.” The Library of Economics and
Liberty. https://www.econlib.org/library/Topics/College/margins.html )
accessed June 1, 2020).