Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang

Unang Markahan – Modyul 2: Mga Obligasyon at Hadlang sa Kabutihang


Panlahat
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Joel V. Rafal
Editor: Leilani C. Lucero/ Victor M. Javeña, Ed. D.
Tagasuri: Perlita M. Ignacio, RGC, Ph. D. / Josephine Z. Macawili
Tagaguhit: Joel V. Rafal
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao
9
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Mga Obligasyon at Hadlang sa
Kabutihang Panlahat
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng
Modyul para sa araling Mga Obligasyon at Hadlang sa Kabutihang Panlahat!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul ukol sa
Mga Obligasyon at Hadlang sa Kabutihang Panlahat!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto. 

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa kabutihang panlahat


sa pamilya, paaralan, pamayanan o lipunan

Mga Layunin:
Pagkatapos ng aralin, inaasahang maipamamalas ng mag-aaral ang sumusunod:
A. nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa kabutihang
panlahat sa pamilya, paaralan, pamayanan o lipunan;
B. naipaliliwanag na ang pagbabahagi ng pasanin, pag-aambag ng yaman at
pag-iwas sa mga hadlang ay mga obligasyon dapat gampanan upang
makamit ang kabutihang panlahat; at
C. nakapagbabahagi ng ambag para sa kabutihang panlahat ng sariling
pamilya.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Bilugan ang
letra ng tamang sagot.
1. Alin sa sumusunod ang hadlang sa kabutihang panlahat?
A. Indibidwalismo B. Pagtitiis
C. Kooperasyon D. Pakikisama
2. Ano ang hindi magandang ginagawa ng taong ang pakiramdam ay lagi
siyang nalalamangan?
A. Nagrereklamo B. Nagsasanay
C. Nagsasalita D. Nagtatanda
3. Sino sa sumusunod ang hindi nakatutulong sa pagkamit ng kabutihang
panlahat?
A. Si Koko na hindi nakikialam sa ibang tao.
B. Si Roque na sumasali sa mga gawaing simbahan.
C. Si Francis na nagbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero.
D. Si Katherine na nagsasauli ng sobrang baon sa kaniyang magulang.
4. Sino sa kanila ang hindi nakikibahagi sa pasanin ng lipunan?
A. Si MJ na isang sundalo
B. Si Rain na isang doktor
C. Si Tom na fixer sa ahensya ng gobyerno
D. Si Jaqueline na isang pampublikong guro
5. May pangkatang gawain kayo ng inyong mga kamag-aral sa asignaturang
English. Hindi ka masyadong magaling sa pagsusulat sa wikang ito. Naisip
mong kailangan mo pa rin tumulong upang magkaroon ka ng mataas na
marka. Ano ang gagawin mo?
A. Hahayaan mo na lang sila ang gumawa at magpapasalamat.
B. Magsasabi sa iyong guro na ilipat ka na lang ng bagong grupo.
C. Magpapaalam ka na lang sa grupo dahil hindi ka makatutulong sa
kanila.
D. Iaalok mo ang bahay ninyo para maging lugar ng inyong pangkatang
gawain.

BALIK-ARAL

Naalala mo pa ba ang 3 Elemento ng Kabutihang Panlahat? Tara! Magbalik-


aral tayo!

Panuto: Itugma ang mga elemento ng Kabutihang Panlahat sa tamang deskripsyon


nito sa pamamagitan ng pagguhit ng mga linya.

Mga Elemento Mga Deskripsyon

Panlipunang tungkulin
Paggalang sa
* * ang pag-unlad ng bawat
Indibidwal
isa

Tawag ng Katarungan * * Indikasyon ito na umiiral


ang kabutihang panlahat
Kapayapaan * * Nagpapahalaga sa
kalikasan ng tao

ARALIN

Panuto:
A. Suriin ang bawat isang halimbawa ng sitwasyon na nagpapakita ng
kabutihang panlahat.
B. Punan ang tsart ng mga kasapi at kanilang ambag batay sa bawat
halimbawa.

Halimbawa sa Pamilya:
Sa tuwing may salusalo sa bahay, ang bawat isa ay may
ginagawang paghahanda. Si tatay ang namimili at gumagastos
para sa ihahanda, si nanay naman ang magluluto ng
masasarap na pagkain. Sina ate at kuya naman ang mag-aayos ng mga
dekorasyon sa bahay.

Halimbawa sa Paaralan:
Sa mga pangkatang proyekto, tumutulong ang bawat
miyembro. Ang pinuno ang nangunguna para planuhin ang
gagawin ng pangkat. May mga miyembro na naghahanda ng
gamit, may mga miyembro na nagsasaliksik at may mga
miyembro na bumuo ng mismong proyekto.

Halimbawa sa Pamayanan:
Sa panahon ng piyesta, naghahanda ang
pamayanan. Namumuno ang mga lider ng
barangay para sa selebrasyon. Naghahanda sila ng
programa. Ang ilang mga kasapi ng barangay ay
naghahanda para sa pagsali sa mga programa sa
piyesta: sa mga palaro at sa mga palabas na nakaaaliw. May mga kasapi rin na
nagbabantay ng seguridad habang ginagawa ang selebrasyon. May mga nagbibigay
rin ng premyo para sa mga kalahok.

Sa Pamilya Sa Paaralan Sa Pamayanan


Mga Kasapi Mga Ambag Mga Kasapi Mga Ambag Mga Kasapi Mga Ambag

           

Pagsusuri:
1. Ano ang kabutihang natamasa ng mga kasapi sa mga halimbawa?
a. Pamilya:____________________________________________________________
b. Paaralan: ___________________________________________________________
c. Pamayanan: ________________________________________________________
2. Ano ang maaaring mangyari kung hindi makikibahagi ang lahat?
___________________________________________________________________________
3. Ano ang mga hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat?
___________________________________________________________________________
4. Paano makakamit ang kabutihang panlahat?
___________________________________________________________________________
Mga Obligasyon sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat

Ang pagkamit ng kabutihang panlahat ay hindi matatamo ng isang tao o


iilang tao lamang. Nangangailangan ito nang pagkukusa mula sa lahat ng kasapi
ng lipunan. Ang lahat ay may tungkulin sa pagkamit ng kabutihang panlahat. Para
sa ilang pilosopo, naniniwala sila na sa pakikitungo ng tao sa kaniyang kapwa,
may mga obligasyon siya na higit pa sa kaniyang mga pampribadong alalahanin.
Dalawang halimbawa rito ay ang pakikibahagi sa pasanin o burden sharing at ang
pag-aambag ng yaman o resource pooling (Hussain, 2018).

Ang pakikibahagi sa pasanin ay


kaisipan na tinatanggap ng tao bilang
bahagi ng lipunan, na nararapat ay
kabahagi rin siya sa pasanin ng lipunan.
Kung may banta, sakuna o anumang
pasanin ang lipunan, siya ay kabahagi
nito. Dahil kabahagi siya sa pasanin,
kailangan niyang tumulong sa sarili
niyang pamamaraan at labanan ang
pasaning ito. Halimbawa, sa panahong
may COVID-19 na pandemya sa ating bansa, ginagamot ng mga frontliners ang mga
nagkakasakit. Dahil hindi naman tayo lahat doktor, hindi lang dapat sila ang
magsakripisyo o magpasan ng problemang ito. Ito ay panlipunang banta kaya
dapat kasama ang bawat isa sa pagpasan ng problemang ito at dapat kasama rin
ang bawat isa sa paglaban dito. Hindi man lahat ay marunong manggamot tulad
ng mga doktor at nars, maaari naman na ang iba ay magkalap ng mga PPE,
facemask at faceshield nila, maaaring ang iba naman ang maghanda ng mga
pagkain nila, at iba pang paraan para makibahagi sa pinapasan ng ating bansa.

Isa pang paraan na maaaring gawin ng mamamayan para makatulong sa


pagkamit ng kabutihang panlahat ay ang pag-aambag ng yaman. Tulad sa isang
camping, ang bawat isa ay nagdadala ng kaniyang ambag. Magiging maayos at
masaya ang lakad kung ang lahat ng pangangailangan ay madadala nila at ito ay
sa pamamagitan ng pag-aambag. Hindi ka ba mahihiya kung sasama ka at wala ka
man lang ambag? Sa lipunan, may mga pasilidad na para sa kapakanan ng lahat
tulad ng sandatahang lakas, pampublikong serbisyong pangkalusugan, at
sistemang pang-edukasyon. Ang pagpapatakbo ng mga ito ay nangangailangan ng
yaman. Sang-ayon ang pilosopong si Aristotle, sa pribadong pagmamay-ari nang
may pansibikong obligasyon na iambag ang mga pag-aari para sa kapakanan ng
lipunan. Halimbawa, dahil sa kakulangan ng mga ospital sa panahon ng COVID-
19, may mga pribadong indibidwal na nagmamay-ari ng mga gusali na inambag
ang mga ito para mabigyan ng solusyon ang kakulangan sa pasilidad ng
pampublikong serbisyong pangkalusugan.
Mga Hadlang sa Kabutihang Panlahat (Mula sa Modyul 1 ng Edukasyon sa
Pagpapakatao baitang 9, modyul para sa mag-aaral)

Ngunit kahit alam ng marami ang obligasyon nila sa lipunan, mahirap pa


rin makamit ang tunay na Kabutihang Panlahat. Ano ba ang ilang mga dahilan
dito? Ano bang ugali ng mga tao ang nagiging hadlang sa pagkamit ng Kabutihang
Panlahat? Narito ang tatlong hadlang:

1. Nakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat, subalit


tinatanggihan ang bahaging dapat gampanan upang mag-ambag sa
pagkamit nito. May mga taong gusto lamang tumanggap ng kabutihan, gusto
lang makinabang, ngunit wala naman sakripisyo o ambag na binibigay sa
lipunan.

2. Ang indibidwalismo, o ang paggawa ng tao ng kaniyang personal na naisin.


Ang paggawa ng mga bagay para sa pansariling kagustuhan ay tama
naman, ngunit ang sobrang indibidwalismo o ang sobrang pagiging
makasarili ay hindi tama. May mga taong walang pakialam sa ibang tao.
Hindi nga naman makakamit ang kabutihang panlahat kung wala tayong
pakialam sa ibang tao.

3. Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas malaki ang naiaambag


niya kaysa sa nagagawa ng iba. Upang makamit at mapanatili ang
kabutihang panlahat, kailangan ang malaking sakripisyo o ambag mula sa
iba. Dahil malaking sakripisyo o ambag ang hinihingi ng pagkakataon, ang
nagiging pakiramdam nila ay hindi ito nagiging pantay at nalalamangan sila.
Nagreresulta ito sa sobrang pagrereklamo.

Matapos natin malaman ang mga obligasyon natin tungo sa kabutihang


panlahat at ang mga ugaling nagiging hadlang sa pagkamit nito, may kilala ka
bang mga taong nagpapakita ng mga ito sa araw-araw na pamumuhay nila? Ikaw
naman, ginagawa mo ba ang obligasyon mo o nagpapakita ka ng mga ugaling
nagiging hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat?

MGA PAGSASANAY

Gawain 1

Panuto:

1. Magsaliksik ng dalawang tao na may malaking naiambag para kabutihang


panlahat sa panahon ng pandemya.
2. Isulat ang ilang mahahalagang impormasyon tungkol sa mga taong ito.
3. Isulat at ipaliwanag ang mga naiambag nila.

Pangalan: Pangalan:

Personal na impormasyon: Personal na impormasyon:

Naiambag: Naiambag:

Gawain 2

Panuto: Sumulat sa isang puting papel ng iyong pagninilay tungkol sa aralin.


Gamitin mong gabay ang sumusunod na tanong:

Ano sa tingin mo ang mabigat na pasanin ng lipunan natin sa panahon


ngayon at ano ang maaari mong maiambag upang maibsan ang pasaning ito?
Magbigay ng tatlong maaari mong maiambag at ipaliwanag.

Gawain 3
Bilang patunay na natutuhan mo ang mahahalagang konsepto ng modyul na ito,
isabuhay mo ang mga ito.

Panuto:

1. Mag-isip nang maaari mong maiambag para sa


kabutihang panlahat ng iyong sariling pamilya.
2. Isulat sa puting papel ang dahilan kung bakit ito
ang napili mong iambag.
3. Gawin ito at kapanayamin ang bawat miyembro ng
iyong pamilya tungkol sa iyong naiambag.
4. Itala rin sa puting papel ang mga sagot sa panayam.
PAGLALAHAT

Panuto:

1. Isulat sa kaliwang kahon ang nararapat gawin upang makamit ang


kabutihang panlahat.
2. Isulat naman sa kanang kahon ang dapat iwasan upang makamit ang
kabutihang panlahat.

KABUTIHANG PANLAHAT

PAGPAPAHALAGA

Panuto:
1. Balikan ang gawain 1 at pumili lamang ng isang tao na may malaking
naiambag para sa kabutihang panlahat sa panahon ng pandemya.
2. Magbigay ng 3 pagpapahalaga na sumasalamin sa pagkatao niya o sa
ginawa niya.
3. Ipaliwanag ang dahilan kung bakit napili ang bawat pagpapahalaga.
4. Gumupit ng larawan ng taong ito at idikit sa espasyong nakalaan.
Pangalan: Pagpapahalaga Paliwanag

1)

(Idikit ang
larawan dito) 2)
3)

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot.


1. Alin sa sumusunod ang obligasyon ng tao sa lipunan?
A. Pagsali sa mga protesta B. Pagpapanatili sa loob ng bahay
C. Pakikibahagi sa pasanin D. Pakikibahagi sa pagbuo ng batas
2. Ano ang paggawa ng personal na naisin?
A. Indibidwalismo B. Kasarinlan
C. Mithiin D. Sariling sikap
3. Sa pagkamit ng kabutihang panlahat, dapat isipin ng tao ang mga
obligasyon niya na higit pa sa kaniyang mga pampribadong alalahanin. Ano
ang kahulugan ng pahayag na ito?
A. Dapat mas higitan pa niya ang kaniyang kapwa.
B. Siguraduhin na unahin ang mga isyung pansarili.
C. Maging tapat siya sa sarili at sa kaniyang kapwa.
D. Iniisip din dapat ng tao ang mga obligasyon niya sa ibang tao.
4. Bakit kailangan ng bawat tao na mag-ambag upang makamit ang
kabutihang panlahat?
A. Dahil ang lahat ng indibidwal ay magkakaugnay.
B. Dahil para sa mga Pilipino, pagpapahalaga ang bayanihan.
C. Dahil walang sinuman ang maaaring mamuhay nang mag-isa lamang.
D. Dahil kung makikinabang ang lahat, dapat ay maging tungkulin din ito
ng lahat.
5. Isang nagmamay-ari ng hotel ang nagpahiram ng kaniyang hotel upang
pansamantalang tuluyan ng mga pasyenteng may COVID-19. Anong uri ng
obligasyon ang ipinakita niya upang makamit ang kabutihang panlahat?
A. Pagsasakripisyo B. Pag-aambag ng yaman
C. Pagpapakitang-gilas D. Pakikibahagi sa pasanin
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN
Hussain, Waheed. 2018. The common good. February 26. Accessed June 7, 2020.
https://plato.stanford.edu/entries/common-good/.

Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9, Modyul Para sa


Mag-aaral (Pasig City: Awtor, 2015), 41-44o-.

You might also like